Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 15

CHAPTER FIFTEEN

Friends

"Kain muna kayo." inilapag ko sa lamesang nasa harapan ng mga construction worker ang hinanda naming pagkain ni Nana sa bahay.

Pagkatapos nilang magpasalamat ay iniwan ko na rin sila dahil mas kailangan kong umuwi para asikasuhin ang bisitang balak na yata talagang gawing tambayan ang bahay ko.

Pagpasok ko ay siya namang pamamaalam ni Nana dahil kailangan na niyang umuwi para isara ang computer shop ngayon kahit na maaga pa.

"Aalis po kayo?"

"Oo. Sinabi ko na kay Ramiel na bukas ay wala ako. Susunduin ako ng mga kaibigan ko mamaya at may dadaluhan kaming pilgrimage bukas."

Hinatid ko siya hanggang sa computer shop hindi dahil kailangan at sinabi niya, kung hindi dahil naghahanda pa rin ako kung paano haharapin si Jaycint ngayon.

"Sige na. Bumalik ka na doon at naghihintay na si Jaycint sa'yo. Baka maburyo."

"Tinanong niyo po ba kung anong oras aalis?"

"Hindi naman. Ang sabi niya lang ay hihintayin niya si Ramiel."

"Hanggang anong oras po ba?"

I asked her all irrelevant questions just to prolong the time. Hindi talaga ako ready at hindi yata ako kailanman magiging ready pagdating sa kanya.

Sa huli ay wala na rin akong nagawa kung hindi ang bumalik. He was comfortably sitting on my couch when I got back. Nakabukas rin ang TV at nakatutok ang mga mata niya sa pinapanuod na basketball pero ng tuluyan akong makapasok ay agad niyang ibinalik ang atensiyon sa akin.

"Where have you been? Ang tagal mo." aniyang mukhang nainip talaga ng todo kaya hindi ko na naman naiwasan ang mabaliw.

"Ikaw rin. Ang tagal mong umalis."

Nagmartsa ako hanggang sa makaupo sa harap ng kanyang kinauupuan. Pinagpatong ko ang mga hita ko habang siya naman ay umayos rin ng upo para panuorin ang bawat paggalaw ko.

"You really want to get rid of me every time, huh?"

"I didn't invite you in the first place, Jaycint." masungit kong tugon at gigil siyang tinitigan dahil kahit na wala pa siyang sinasabing kabulastugan ay parang nakikita ko na sa mga mata niya ang mga kung anong kabaliwan!

"I can invite myself, Valerie. Isa pa, you're being rude. Sabi ni Ramiel dito ako pumunta at maghintay sa kanya. Kung alam ko lang na bawal pala, sana hindi na ako pumunta."

Hindi ko na rin napigilan ang paghalukipkip sa harapan niya at pagkatapos ay pinagtaasan siya ng isang kilay.

"Excuse me! Unang una rin, hindi ito bahay ni Ramiel! Bahay ko 'to at ako ang dapat mong tinatanong kung pwede ka ba rito o hindi!"

Nanatili ang pareho niyang ekspresyon habang ipinagsasalikop ang mga kamay sa kanyang baba pagkatapos itukod ang mga siko sa tuhod. He glares at me.

"Alright, so pwede ba? Can I stay here while I wait for Ramiel?"

Napaawang ang bibig ko. Aba't sinusubukan talaga ang ng damuhong 'to!

"Pilosopo! Kailan pa naging late ang pagpapaalam?"

"Ngayon lang. At least nagpapaalam gaya ng sabi mo."

"Tss!" sinimangutan ko siya.

"See? Kung gusto mong advance then give me your phone number so I can ask for your permission before I go here."

"No way! Sa mga naglo-load ko lang binibigay ang number ko Jaycint."

"Then lo-loadan kita." patuloy niyang pagpatol sa akin!

Muli ko siyang inirapan.

"No thanks. May pera akong sarili pang load."

"Fine," muli siyang sumandal sa couch pero nakatuon pa rin sa akin. "I'll get it from Ramiel anyway."

"Magpapalit ako ng number kapag nalaman mo na."

Natawa siya ulit. Mukhang ang dami niyang baong sagot sa akin ngayon.

"And you'll still contact Skyrene using that number kaya makukuha ko pa rin ang number mo."

Inis na akong tumayo dahil nalulugi na ako sa usapang ito.

"Huwag mong gagawin 'yon! Ang kulit mo! Ayaw ko nga! Ayaw kitang ka-text at ayaw ko nang makita ka!"

Nakangisi siyang umahon para pantayan ako.

"Por qué? Ayaw mo akong makita dahil naaakit ka o ayaw mo na akong makita dahil naaakit ka?" mapaglaro niyang tanong.

Inis akong umibis sa coffee table na nasa gitna namin para harapin siya. Walang pagdadalawang-isip kong sinapak ang kanyang dibdib.

"Ang kapal mo! Hindi ako naaakit sa'yo!"

Mas lalong ngumisi ang demonyo! Kung hindi lang siguro talaga siya kapamilya ni Skyrene ay baka sinapak ko na siya! At kung hindi lang masasayang ang gwapo niyang mukha sa kamao ko ay baka kanina pa nabasag ang lahat ng ito!

"Really?" he teased. Napaatras ako ng humakbang siya palapit sa akin. Dahan dahan niyang ipinilig ang kanyang mukha para mas matitigan ako ng mabuti. "Then why are you blushing? I'm not even touching you yet, Valerie."

"Pervert!" inis kong singhal pero imbes na intindihin ang bigat ng paratang ko ay muli lang siyang humakbang palapit sa akin. Hindi ako umatras.

Sinadya kong hindi igalaw ang mga paa kong nakalapat sa sahig dahil ayaw kong mas makita niya kung paano niya ako naaapektuhan ngayon.

But... Am I really blushing?

Naramdaman ko ang pagkalito ng makita ang pagpawi ng mga ngiti sa kanyang mga labi. Mas lalo kong naramdaman ang kaba lalo na't nakakailang ang titig niya sa akin! Alam ko ang ibig sabihin ng ilang paraan ng mga pagtitig niya sa akin pero ang mga matang tinititigan ko ngayon ay parang ngayon ko lang nakita.

Wala ni isang bakas ng kapilyuhan doon bagkus ay parang punong puno iyon ng kung anong emosyong ni minsan ay hindi ko nakita sa kanya.

"I don't really like arguing with you Valerie, even if it seems like I'm enjoying it."

Nanatili akong nakatanga sa kanya dahil wala naman akong dapat isagot. I've never witnessed this side of him. Iyong totoong seryoso sa mga sinasabi. Siguro minsan lang noong gabing may nangyari ulit sa amin pero lasing siya no'n. May alak sa sistema niya hindi gaya ngayong purong puro ang kanyang katinuan.

"You know what I like?" muli siyang humakbang. "I want us to start over again. Sa maayos na simula. Walang alak at matino. No touching. No nothing. I want us to start over, Valerie Cross."

Parang gusto kong mabingi. Hindi dahil sa ibig niyang sabihin kung hindi dahil sa pagbanggit niya ng buong pangalan ko habang ang kanyang mga mata ay bakas ang purong pag-asa sa hinihiling. He's really serious about it at parang mas dapat kong ikakaba ito!

Hindi ako nakasagot dahil hindi ko rin naman kung ano ang dapat sabihin sa mga narinig. Kung hindi pa siya nagsalita ulit ay baka nilamon na ako ng sobrang pagkalito.

"So, friends?"

Nalaglag ang mga mata ko ng iangat niya ang kanyang kamay para ilahad sa aking harapan. Ginalaw niya pa iyon.

Okay, once and for all hindi ko naman siya hate at wala rin naman akong dapat ikamuhi sa kanya dahil wala naman siyang ginawang masama sa akin maliban sa mga pang-aakit niyang mabilis akong nadadala dahil totoong marupok ako pagdating sa kanya. Isa pa, he is nice at parte siya ng buhay ni Skyrene kaya wala naman sigurong masama kung maging magkaibigan kami o magsimula ulit?

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga bago muling iangat ang titig sa kanya.

"Okay, Jaycint," pormal kong sabi at kahit na may pagdadalawang-isip sa pagtanggap ng kamay niya ay inangat ko na rin ang sa akin para hawakan ang kanyang kamay. "Friends." sabi ko pagkatapos ay inilapat na iyon sa kanyang mainit na palad.

I heard a loud thud in my chest when he smiled sweetly. Iyong ngiting kagaya kanina na kahit wala pang sinasabi ay parang gusto ko na ulit pagdudahan!

"Friends." he repeated.

Tumango ako at akmang babawiin na sa kanya ang kamay pero ang lakas ng pagkalabog sa puso ko ay mas lalong lumakas ng hinigpitan niya ang hawak sa aking palad pagkatapos ay muling humakbang palapit sa akin. Mabilis ang naging pag-angat ng dibdib ko dahil sa kanyang ginawa.

"Can we now seal this friendship with a kiss?" nakangisi na niya ngayong sabi kaya mabilis kong hinatak ang kamay ko at natatarantang lumayo sa kanya!

What the hell!

"No!" wala sa sariling hiyaw ko sabay yakap pa sa sarili.

Ilang beses nagmura ang utak ko ng marinig ang mahina niyang pagtawa.

"Jeez! I'm just kidding!"

Inirapan ko siya kaagad.

"But if you insist-"

"Friends lang, Jaycint! Walang kiss!"

Natatawa niyang itinaas ang mga kamay sa ere at pagkatapos ay bumalik na ng upo sa couch.

"But friends do kissing too and besides," marahas akong napalunok ng makita na naman ang mga mata niyang mapang-akit na ngayon ay bumababa patungo sa aking labi! "Me encanta besar esos labios..." he murmured softly.

Imbes na singhalan siya ay para akong baliw na napatitig na rin sa kanyang mga labi ngayon! Kung noon ay gusto ko kaagad malaman ang mga salitang espanyol na sinasabi niya, ngayon naman ay ayaw ko nang magtanong dahil pakiramdam ko ay hindi ko kakayaning marinig ang ibig sabihin no'n! Sa paraan palang kasi ng pagkakasabi niya ay parang may kung anong apoy na ang nabuhay sa akin!

Mabuti nalang at hindi ko na kinailangan pang magsalita dahil sa pagdating ni Ramiel. Nagmamadali ko siyang binati kahit na hindi naman ako gano'n sa kanya dahil totoong natataranta ako ngayon. Kinailangan ko pang maglinis ng banyo sandali para lang maiwasan sila sa sala.

Nang kumain kami ay naging maayos naman ang lahat maliban nalang sa mga simple't  makakahulugang titig ni Jaycint sa akin na parang uhaw na uhaw talaga sa labi ko. Fuck!

We became friends. Sa ilang linggong dumaan ay naging maayos ang relasyon namin ni Jaycint kahit na minsan ay palagi pa rin siyang nagpaparinig kung gaano niya nami-miss ang mga halik ko at kahit na ilang beses na rin akong naakit na bumigay ay naging matatag pa rin ako.

Even though we already had sex and I've kissed those lips countless of times, nananatili pa rin ako sa pagsunod sa mga bago kong rules. No kissing. No touching at mas lalong no to being marupok! Malakas man ang kalaban pero handa kong labanan ang karupukan para lang hindi na lumala pa ang sitwasyon.

"Oo nga 'no?" kunot noo akong lumapit sa bar area ng marinig si Maury at ang kasamang naroon na nag-uusap habang nakatitig sa isang partikular na lamesa.

Pinatunog ko ang mga daliri ko sa harapan nila kaya natigil sila sandali.

"Anong meron?" malawak ang ngiti kong tanong.

Nahihiyang umalis si Joshua sa tabi ni Maury ng tumawa ito.

"Ayun, may nai-in love na naman sa customer." pang-aasar niya kay Joshua na tumawa lang.

"Hindi naman pala bago pero kung magbulungan kayo diyan parang may pina-plano na kayong manyakin ngayon gabi!"

Tumawa si Maury. "May bago do'n! Child abuse tsaka adultery."

Mas lalong nalukot ang noo ko. Kinausap ko ang ilang mga waitress na lumapit sa akin bago muling ipagpatuloy ang pakikipag-usap sa dalawa.

"Bakit mangangaliwa ka na naman Josh?"

"Hindi, Miss Val! Tsismoso 'tong si Maury 'wag kang maniniwala diyan! Para nagagandahan lang ako eh!"

Mas lalong lumakas ang tawa ng kaharap ko kasabay ng pag-iling niya.

"Gustong gusto mo talaga 'yung mga fresh eh! Sinasabi ko sa'yo baka makasuhan ka niyan kapag ipinagpatuloy mo 'yang kamanyakan mo."

Siniko niya si Maury dahil sa pagbibiro nito.

"Bakit? Ano bang gusto niyang babae ngayon? Grade three?" nakisali na rin ako sa biruan nila.

Umibis ako sa loob ng bar para tulungan silang dalawa dahil wala akong masyadong magawa ngayon. Ayaw ko namang maglibot-libot dahil tinatamad pa akong makipag-tawanan sa mga regular na customer.

Pumagitna ako sa kanila. Itinuro ni Maury ang isang lamesa kung saan naroon ang babaeng tinutukoy na gusto raw ni Joshua kaya sinundan ko iyon ng tingin. Madilim man at malilikot ang ilaw sa paligid ng bar ay hindi nakaligtas sa akin ang pamilyar na babaeng itinuturo ngayon ni Maury.

"'Yung naka-itim na dress, mahaba ang buhok na straight tsaka may bangs tapos tisay at maganda."

Kumurap-kurap ako para mas maaninag ng maayos ang sinasabi niya kahit na ilang lamesa ang layo nito sa kinaroroonan namin.

"She's the girl last week." bulong ko.

Itinigil ni Maury ang paggawa ng mga drinks at sinundan na rin ang mga mata kong nakatitig doon.

"Oo nga 'no. But she's with another set of girls now. Parang siya lang ang mas bata ngayon."

Tumango ako. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya iyon. She's the girl that made me so uncomfortable last week!

"Na-check ba ng maayos ang ID niya?"

"She's here every night." si Joshua na siguradong sigurado sa sinabi.

Lumipad ang tingin ko sa kanya at kinumpirma niya kaagad ang sinabi gamit ang pagtango.

"Weird." komento ko pero hindi naman sinabi sa kanila ang dahilan.

Muli kong ibinalik ang tingin sa babae pero nang makita ko siyang parang may hinahanap ay mabilis akong tumalikod. Hindi ko naman sinasabing ako ang hinahanap niya pero iyon ang naramdaman ko. It's really weird. Mayroon sa presensiya niya ang nakakailang sa hindi ko malamang dahilan.

Unang una, hindi naman siya mukhang party girl. Pangalawa, napapadalas ang pagbisita niya rito kahit na halata namang bawal pa siya rito. She looks so young. Na parang imbes na alak na ang nilalaklak ay dapat gatas pa.

Napapitlag ako ng marinig ang paglakas ng pang-aasar ni Maury kay Josh gawa ng kung ano kaya madali akong napatayo ng tuwid.

"This is your chance, Josh. Make a good impression." madiin na sabi ni Maury.

What? Ang mga katanungan sa aking utak ay mabilis na nasagot ng marinig ang malamyos na boses ng parehong babaeng kumausap sa akin noong nakaraan.

"Hi, can I have a B-spot please?" nang makita ko ang pagkukumahog ni Joshua ay humarap na rin ako sa gawi niya pero hindi para kausapin siya kung hindi para tapusin ang ginagawa ko sa counter.

Pinilit kong maging pormal kahit na ang mga mata ko ay kitang kita siyang nasa gilid ko lamang.

"Thank you." umalis si Maury sa tabi ko para bigyan siguro ng pep talk si Josh.

Aalis na rin sana ako para umiwas pero bago pa makabalik ang dalawang lalaki para kausapin ang magandang dalaga ay pare-parehas na kaming natigil ng magsalita ito habang nakatuon na sa akin ngayon.

"Hey, you're the manager right?"

Lumipad ang tingin ko sa dalawang lalaking nalilito dahil hindi normal ang ganitong sitwasyon lalo na't babae siya. Ang mga babaeng nagagawi rito ay kadalasan lalaki ang hina-hunting and It's impossible that she's hitting on me! No way!

Buong tuwa akong ngumiti bago naglakad sa kanyang harapan. This is my job and I'm good at this kahit na sobrang weird sa pakiramdam.

"Yes. It's you from last week, right? You asked me the same question." I said not trying to sound sarcastic.

Inubos niya ang laman ng hawak na shot glass bago ako sagutin.

"Yep! I'm sorry about that- I mean, yeah!"

Nalilito man ako sa pagkataranta niya pero ngumiti nalang ako ulit.

"If you need anything or if these guys will hit on you or something," sinulyapan ko sandali ang dalawa na nalaglag ang panga dahil sa sinabi ko bago ibalik ang masayang mukha sa babaeng kausap. "Tawagin mo lang ako."

Nagningning ang kanyang mga mata at maging ang ngiti niya ay lumawak dahil sa sinabi ko.

"Thank you! I will!" nagmamadali niyang inilahad ang kanyang kamay sa aking harapan na lalong nagpalito sa akin dahil hindi naman iyon kailangan. "I'm Stella, and you are?"

Pinigilan kong titigan ang mga lalaki dahil sa sinabi ng kaharap dahil alam kong ito na yata ang pinaka-weird sa lahat lalo na't mukhang tuwang tuwa talaga siya habang nagpapakilala sa akin.

"V-Valerie." sa huli ay tinanggap ko nalang ang kamay niya.

Ramdam ko ang pagkailang una palang na makita ko siya at hanggang ngayon pero ang lahat ng pagka-weirdo ko ay trumiple ng magdaop na ang aming mga kamay.

"It's so nice to finally meet you Valerie!" malawak ang ngiti niyang sambit pero ang tuwa sa aking labi ay nauwi sa pagkangiwi ng marinig ang salita sa gitna ng kanyang mga salita.

Nang mapansin niya 'yon ay nagmamadali niyang binitiwan ang kamay ko.

"I-I mean it's nice to meet you! Thanks! I'll go back to our table now." pinagdiin niya ang kanyang mga labi at hindi na ako hinintay pang magsalita. Nagmamadali na siyang tumalikod at ginawa ang sinabi.

"What was that?" tulirong sambit ni Maury na mas lalong nagpabuhol sa utak ko.

Yeah, what the hell just happened?

~~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva

Facebook Group : CengCrdva Wp

Booklat account : Ceng Crdva

Instagram : Cengseries

Twitter : CengCrdva

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro