Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 14

CHAPTER FOURTEEN

Who Is She


Napakapit ako sa gilid ng lababo ng marinig ang seryoso at makahulugang boses niyang iyon habang sinasambit ang mga salitang kahit na hindi ko naintindihan ay parang kay sarap ulit-ulitin.

"A-Anong ibig sabihin-"

"I miss you." he cut me off.

Mabilis kong kinagat ang aking pang-ibabang labi para pigilan ito sa pag-awang! Ano kamo?! Na miss niya ako?

Parang may mga sumasabog sa utak ko habang nagre-replay rito ang mga sinabi niya!

"M-Miss mo ako?" sabay kagat ulit sa labi.

Nanatili siyang nakatitig sa akin imbes na sagutin ako. Ang kanyang mga mata ay marahang umalis sa mga mata ko pababa sa ilong ko hanggang sa ngayo'y kagat-kagat kong labi! Binuwal ko kaagad iyon.

"Miss na miss." he said playfully.

Natataranta akong tumikhim para putulin ang pagtitig niya sa labi ko!

"Stop looking at my lips, Jaycint!" mabilis kong suway na nagpangisi sa kanya. "A-And stop smirking like that!"

Ramdam ko ang pagsisitayuan ng mga balahibo ko sa katawan ng mas lumapit pa siya sa akin at bago pa ako makapag-isip ay sunod ko nang naramdaman ang mabilis niyang paghapit sa aking katawan upang bigyan ng yakap!

Nanginig ang mga kalamnan ko ng maramdaman ang paghapit niya sa akin padiin sa kanyang mainit na katawan at ang sunod na pagbaba ng kanyang mukha para halikan ako sa pisngi.

"It's good to see you again..." he whispered in my ear.

Kahit na gustohin ko man siyang itulak palayo dahil sa biglaang pagkalampag ng aking puso ay hindi ko na siya napigilan nang lumipat pa sa kabila para halikan ang isa ko pang pisngi bago ako tuluyang bitiwan.

Nanghihina akong napaatras sa kanya. This is too much! Parang sasabog na ang puso ko sa sobrang lakas ng pagwawala nito!

"It's okay, Valerie. You don't have to say it back. Alam kong na-miss mo rin naman ako."

Mabilis ko siyang tinalikuran! Parang bigla akong hinabol ng mabilis na lamang lupa dahil sa pagkataranta kong makalayo sa kanya! Kahit kasi hindi na niya ako yakap ay damang dama ko pa rin ang init ng kanyang katawan sa akin. Parang bigla akong nilagnat!

Kinuha ko ang basong ginamit ko kanina at madali iyong sinalinan ng soda bago lagukin. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa pero binalewala ko siya.

Umikot ako sa lamesa ng makita siyang umibis na naman palapit.

"I'm going outside. Sabi ni Kuya Tanding wala kang pasok ngayon 'di ba?"

"S-So?"

Sinubukan kong magtaray pero hindi naging effective dahil sa pagkautal ko.

"So I assume that you'll be here all day?"

"S-So?"

"So I'll be back later. Bibigyan kita ng oras para makaipon ng lakas ng loob para masabi mong miss mo rin ako."

Sa kabila ng kaba ko ay nagawa kong matawa ng sarkastiko.

"Paano kung hindi talaga kita na miss?"

Mas lalong naging mapaglaro ang ngisi sa kanyang mga labi. Muli akong umiwas ng amba siyang umibis sa lamesa para lapitan ako. Kumawala ang nakakalokong tawa sa kanyang bibig ng makita na naman ang pagkataranta ko't paglayo na parang allergic sa kanya. Itinukod niya ang mga kamay sa lamesa bago dumukwang para malapitan ako sa kabila ng nasa gitnang lamesa.

"Then I'll do something you'll definitely miss."

Itinikom ko ang aking bibig ng makita ang muling pagbaba ng mga mata niya doon! Oh my God! I can't believe him! I just can't!

Sinamaan ko nalang siya ng tingin dahil wala na talagang salita na gusto pang lumabas sa bibig ko. Fine, he won! I hate it but I will accept it! Pero ngayon lang!

Naiiling siyang umalis sa lamesa at tinalikuran na ako. Bago pa siya makalabas sa bahay ay pinutol ko na ang pagtitig sa kanya.

Ilang minuto akong tumigil sa paggalaw para kalmahin ang sarili. Nang magkaroon na ulit ng lakas ay dumiretso na ako sa banyo at naligo kaagad kahit na wala pa sa plano! Gusto kong mahimasmasan at ikondisyon ang sarili kasi baka kapag kaharap ko na ulit siya mamaya ay mabuang na naman ako!

Hindi ko na naorasan kung gaano ako katagal sa banyo. Basta ang alam ko ay matagal ako doon dahil pagkatapos kong magbihis ay nakabalik na si Ramiel dala ang mga supot na hindi ko alam kung ano ang laman.

"Namalengke kami. Pwede bang dito nalang magluto?" tanong ni Ramiel.

"H-Ha?"

"Pupunta si Nana. Sabi niya dito nalang daw magluto imbes na sa bahay niya para hindi na mahirapan magbaba ng mga pagkain."

Nilapitan ko siya habang tinutuyo ang buhok ko.

"Dito kayo kakain?"

Tumango siya at inilipat na ang mga plastic sa lababo.

"Yeah. Na miss ko na 'yung luto ni Nana."

Lumapit ako at tinulungan siya sa paglabas ng mga pagkaing lulutuin sa mga balot nito.

"So 'yung luto ko hindi mo na miss?"

Tumawa siya. "Masyado ka namang matampuhin! Siyempre na miss rin! Kaya nga dito kami kakain eh!"

Doon ako natigil.

"Kasama mo pa rin si Jaycint? Hindi pa umuwi?"

"Bakit naman uuwi? Pinauwi mo ba?"

Sinapak ko siya sa braso.

"Pag gusto ko bang pauwiin, uuwi ba?" singhal ko pabalik.

"Bakit mo naman pauuwiin? Ayaw mo bang makita?"

"Pag sinabi kong oo, sapat na ba?"

Mabilis siyang umiling. "Bagay na bagay talaga kayo! Para kayong mga baliw! Para kayong may ginawang kung ano tapos ngayong-"

"Ramiel! Bibig mo!" mabilis kong pigil sa kanya kaya nahinto siya sa pagsasalita at tumawa nalang.

"See? May nangyari yata talaga-"

Inis ko siyang ipinagtulakan palayo sa lababo kaya nagpatuloy ang pagtawa niya!

"Alis na! Ang dumi ng bibig mo!"

"Ate Val! Ano ba! Pahugas nalang muna-"

"Hindi! Doon ka na sa banyo! Umalis ka na at tawagin mo nalang si Nana tapos maglubay ka na! Hindi kita kailangan dito. Tatawagin ko nalang kayo kapag tapos na kaming magluto!"

Hindi nawala ang tuwa niya habang inaasar pa ako lalo sa pinsan.

Pagkatapos naming magluto ni Nana ay tinawag ko na ang dalawang lalaki. Nagpasya namang sumabay sa amin ang matanda na kumain ng tanghalian.

"Ano ba ito Valerie at dadalawang pares lang ang mga kubyertos mo." pagalit sa akin ni Nana habang naghahain sa mesa.

Nahihiya akong napatingin kay Ramiel at Jaycint na nag-uusap naman at hinihintay kami.

"Nay naman, dapat nga iisa lang kasi mag-isa lang naman ako dito sa bahay."

Dismayado niyang nasapo ang kanyang noo kaya napangiwi ako. Sinundan ko siyang daluhan ang mga lalaki.

"Ramiel, paano ba ito at dalawang pares lang ang kutsara't tinidor. Sa inyo na ito ni Jace."

Tahimik akong naupo sa tabi ni Nana at tinitigan ang plato ko. Now this is embarrassing. Hindi naman kasi ako nagkakaroon ng bisita at isa pa, sila Sky lang rin naman ang palaging dumadalaw sa akin. Sanay rin kaming mag kamay kaya hindi rin gumagamit ng kutsara at tinidor.

Kinuha ko ang kanin at naglagay sa aking plato.

"Bro." ibinigay ni Ramiel kay Jaycint ang kinuha ni Nana kanina pero hind niya ito pinansin dahil ang pansin nito ay kasalukuyang nakatitig sa akin.

Kinalat ko ang kanin sa plato ko bago siya pagtaasan ng kilay.

"Where's yours?" tukoy niya sa hawak ng pinsan.

"Ay naku, hijo! Hindi uso ang magkutsara't tinidor rito! Sanay ang mga tao sa pagkain gamit ang kamay!"

"Really?" he said in an amused tone.

"Really." I mock him.

Tumawa si Ramiel at inilapag nalang sa lamesa ang mga hawak.

"Mag kamay nalang tayo. Mas masarap pa."

Nilagyan ni Nana ng kanin ang plato ni Jaycint kaya hindi na ito nakatanggi. Muli siyang tumingin sa akin. Mabuti nalang at nakatulong ang pagligo ko kanina kaya nabawasan ang epekto niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Don't tell me hindi ka marunong gumamit ng kamay sa pagkain?" mapanuya kong tanong.

Kung sabagay, hindi ko naman siya masisisi dahil lumaki naman siya sa ibang bansa pero Pilipino pa rin siya. Dapat alam niya pa rin ang ilang kultura ng lahi niya.

Pinigilan kong mapairap ng muling umangat ang gilid ng kanyang labi habang nilalabanan ang pang-aasar ko.

"Oh try me," walang arte niyang inilagay ang kanang kamay sa plato at pagkatapos ay hinawakan ang kanin bago ayusin sa kanyang mga daliri.

Hindi nawala ang pagtaas ng kilay ko habang pinapanuod siya sa ginagawa.

"I can eat anything using my hands, Valerie," makahulugan niyang sabi bago iangat iyon at isubo habang titig na titig sa akin!

Dumiin ang paghawak ko sa mainit na kanin dahil sa ginawa niya. I can't look away even if I want to! Sa bawat pag nguya niya ay parang lalo lang nalulunod sa kanya ang mga mata ko. Nang lunukin niya ang pagkain sa bibig ay napalunok na rin ako.

"And my fingers can perform well on anything. Especially tasks that includes eating." dagdag niyang nagpalaglag sa panga ko.

"Bro, seguimos hablando de comida o qué?" 'Bro, are we still talking about food or what?' litong tanong ni Ramiel kaya natigil si Jaycint sa pagtitig sa akin.

"Qué piensas?" 'What you think?' nakangisi niyang tanong rito.

"¡Estamos comiendo! ¿Puedes dejar de hablar de sexo?" 'We are eating! Can you stop talking about sex?'

Jaycint laughs at that. "No te pedí que escuches." 'I did not ask you to listen.'

"¡Puedo oírlo incluso si no quiero! Fuck!" 'I can hear it even if I do not want to! Fuck!'

Tumawa si Ramiel kaya natawa na rin siya samantalang kami naman ni Nana Mauricia ay natatanga sa kanilang dalawa! Sa lahat ng pinag-usapan nila ay 'Fuck' lang ang tanging naintindihan ko!

Kung hindi pa nagsalita si Nana at kinumusta ang mga magkakapatid na naiwan sa Palawan ay baka tuluyan ko ng sinipa si Jaycint sa ilalim ng lamesa dahil kahit na hindi ko naintindihan ang pag-uusap nila ay sigurado akong tungkol sa kalaswaan iyon!

Odds are in my favor. Nagpasalamat ako sa may gawa ng langit at lupa dahil pagkatapos na pagkatapos naming kumain ay may tumawag kay Ramiel kaya kinailangan nilang umalis kaagad. Nag banyo rin ako kaya hindi na rin ako nakapagpaalam sa kanila ng pormal. Good! Dahil pagod na akong pagalitan ang sarili ko sa pagwawala dahil sa damuhong si Jaycint!

Lumipas ang mga araw at nagtatagpo naman ang mga landas namin ni Jaycint pero dahil naging abala na sila at sandali nalang kung magtagal sa West Side ay hindi naman kami nagkaroon ng tiyansang makapag-usap kami.

"Any news?" tanong ko kay Barbie ng makasalubong ko siyang palabas sa kanilang dressing room.

Ito na lagi ang tanong ko sa kanya simula ng makipagpalit ako ng schedule kay Rina. I always ask for an update about Zuriel.

"Wala naman. Hindi na bumalik eh. Client ba 'yon Miss Val? Para kasing hindi naman madalas rito tsaka mukhang ayaw rin namang mag-table. Puro inom lang."

Imbes na sagutin ang mga tanong niya ay nagpaalam nalang ako. Dumiretso ako sa opisina at nag ayos bago gawin ang mga kailangan trabaho ngayong araw.

I'm glad that Zuriel didn't come back. Okay na rin 'yon dahil iyon naman ang gusto ko at iyon naman ang dapat. Mas maayos ang lahat kapag walang pakialaman.

"Okay na ba 'yang table?"

"May last order pa."

"Maury, double time. Unahin mo na 'to." tukoy ko sa isang tray na nasa harapan ko. "Ako na ang magbibigay saan ba 'to?"

"13." sagot ng kaharap kong babae.

Sinubukan kong dungawin ang gawi ng lamesang tinutukoy niya. Kumunot ang noo ko ng makita ang mga babaeng nagkakasiyahan doon.

"Really? Do they have legit ID's? Parang mga bata pa." komento ko.

Sa ilang taon kong pagta-trabaho sa club ay alam ko na kung sino ang mga bata pa at nasa tamang edad na para gawin ang ganitong klase ng aktibidad pero kung minsan talaga ay marami pa ring nakakalusot.

Imbes na abalahin ang sarili sa mga batang 'yon ay hinayaan ko nalang dahil parang kanina pa naman sila at nakumbinsi naman nila ang higpit ng aming seguridad kaya wala na akong dapat isipin.

"I thought so too." si Maury sabay lapag ng huling ladies drink.

Binalingan ko ang waiter pero nagkibit lang siya ng balikat.

Sa kabila ng pagdadalawang-isip ay hinatid ko pa rin sa lamesa nila ang kanilang mga order. Habang inilalapag iyon ay hindi natigil ang paghahagikhikan ng mga babaeng siguro'y nakailang round na. Kumunot ang noo ko ng mapansin ang pagsisilapitan ng mga lalaki sa kanilang lamesa na agad naman nilang pinaupo.

I didn't mind it. Buhay nila iyon at kung plano nilang masira ito ng maaga ay wala na akong pakialam. May mga sarili naman na silang pag-iisip at marami na rin akong problema para idagdag pa sila.

Bumagal lang ang paglapag ko ng mga inumin ng mapansin ang isang babaeng tumigil sa pagsasaya para lang titigan ako. Pinigilan kong kunutan siya ng noo.

"Do you need anything?" I asked genuinely.

Umiling siya kaagad. Tumango naman ako at aalis na sana pero naudlot iyon ng magsalita siya ulit.

"Are you the manager?"

Lito ko siyang tinignan. Sakto naman ang pagliwanag ng kaunti sa gawi namin kaya mas nakita ko ng maayos ang kanyang magandang mukha. She looks familiar. Hindi ko nga lang alam kung saan ko siya nakita pero sa ilalim ng puso ko ay sigurado akong nakita ko na ito.

"Yes." pormal kong sagot.

Tumango siya at ngumiti.

"Do you need anything?"

"Nothing. Thanks!"

Nawi-weirduhan man pero hindi na rin ako nagtagal. Habang pabalik kay Maury ay hindi natigil ang pag-iisip ko kung saan ko siya nakita. I'm pretty sure that I knew her. Hindi ko lang talaga mahagilap sa utak ko kung saan at paanong mukha siyang pamilyar sa akin.

Ibinalik ko ang mga gamit sa bar at inabalang muli ang sarili pero sa durasyon ng aking shift ay ilang beses na lumipad ang mga mata ko sa gawi ng mga babaeng 'yon... At sa kung anong pagkakataon ay palagi namang sumasakto na nagkakatitigan kami noong nagtanong kanina.

I feel like she was looking at me the entire time and it's creeping me out! Hindi naman siya lalaki para makaramdam ako ng pagkailang pero iyon ang nanalaytay sa akin. She's acting weird and I don't like this feeling!

Who the hell is she?

~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva

Facebook Group : CengCrdva Wp

Booklat account : Ceng Crdva

Instagram : Cengseries

Twitter : CengCrdva

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro