Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 13

CHAPTER THIRTEEN

Memory

I can't believe that he visited me in the club. Kahit na nakauwi na ako ay hindi ko pa rin lubos maisip na nakita ko ngayong gabi si Zuriel... Noong huling nakita ko siya ay sinabi niyang patay na ang kanyang ina at bilang tao ay nakiramay naman ako but that's just it. Noong sinimulan niyang banggitin si George ay hindi na ako nakinig.

Marahan akong napapikit at wala sa sariling napayakap sa aking katawan ng maisip ulit ang nangyari noong gabing iyon... It was the worst. Ngayon ngang may utak na ako ay parang hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa kong umalis sa lugar na iyon kahit na nagmamakaawa na iyong maid ni George na pigilan ako dahil gabing gabi na.

"I want her gone! I want he gone! I want her gone!" paulit-ulit at malakas na sigaw ni George na hindi nawala sa utak ko habang tinatahak ang madilim na daang iyon sa gitna ng lalim ng gabi.

It's cold and eerie. Nakakatok dahil una sa lahat, hindi ko kabisado ang lugar. Hindi ko rin alam kung ilan na ang napapatay at naitapon sa mga palayang nadaanan ko pero imbes na huminto at bumalik para magmakaawa kay George na patuluyin ako kahit ngayon lang ay iniwan ko sila. Ang lahat ng takot na nararamdaman ko ay natatalo ng sakit na patuloy na bumabaon sa aking puso.

I never expected this scene to turn out like this. Ni wala sa hinagap kong gano'n nalang ang magiging reaksiyon niya kapag nakita ako. Hindi ko maisip kung saan niya hinugot ang galit para ipagtabuyan ako ng gano'n.

Pagod kong pinalis ang aking mga luha habang dahan dahang naglalakad dahil masyadong madilim ang daan. Maraming aso rin ang tumatahol at mga kung anong ingay sa paligid na nagpapatayo sa mga balahibo ko pero hindi ko iyon inintindi.

I just want to do what he said. Kung sana nga lang may mga dumaraang sasakyan ngayon rito ay lahat ng pera ko ibabayad ko makaalis lang ng mas mabilis. Nanginig ang aking balikat ng maisip si Mama. Ano kayang gagawin niya ngayon kapag nalaman niyang ganito ang ginawa sa akin ni George? Magagalit kaya siya? Susugurin niya kaya ito o ako nalang ang papagalitan niya?

Oo nga at hindi naman ako nagpumilit noon tungkol sa ama ko kahit na malaya niya naman akong binibigyan ng impormasyon pero ni minsan ay hindi ko naitanong sa kanya ang pagkakakilanlan nito. If he is nice. Mabait ba, and so on dahil  nag-assume na ako kaagad kahit wala namang sinabi si Mama. Inisip kong mabait rin siya gaya ng step-father kong si Jose. Maalalahanin, responsable sa pamilya kahit na may bisyo at mahal ako.

Kung alam ko lang na ganito pala ay sana hindi ko nalang siya sinubukang hanapin. Sana hindi ako nag-expect... Sana tinanggap ko nalang na ulila na akong lubos at hindi na umasa sa pagkakaroon ng isang ama because most of the time, expectations just lead us to heartbreak. At ngayon, hindi ko na alam kung paano pa hihilom ang sugat sa aking puso.

Dumilat ako at pinigilan ang pagkurap. I stare at the ceiling. Ang kulay dilaw na ilaw sa aking kwarto ang siyang tanging buhay sa kabuuan ng bahay na unti-unti kong binuo sa pagta-trabaho at tulong ni Nixon sa akin.

Ramdam ko ang pagod... Pagod hindi dahil sa trabaho kanina kung hindi dahil sa pagbabalik tanaw sa mga nangyari.

Zuriel is not that bad. Kahit na hindi na niya ako dapat pang hanapin ay ilang beses niya rin iyong ginawa. Noong una ngang bisita niya sa club ay hindi ko inakalang siya na iyon. I even flirted with him the first time pero ngayon ay nakakatawang isipin na kahit ilang beses ko na siyang itinaboy ay may gana pa rin siyang puntahan ako at kumustahin. Para saan? I'm not even part of their lives and I will never be. Kung naaawa siya sa akin kaya patuloy niya akong kinikumusta ay hindi ko iyon kailangan.

Muli akong pumikit. Wala akong kailangan sa kanila at hindi ko sila kakailanganin kahit kailan.

Nakipagpalit ako ng schedule kay Rina sa club hanggang sa katapusan ng buwan dahil baka muli akong bisitahin ni Zuriel. I don't want to see him again. Kahit sino sa pamilya niya ay ayaw kong makita.

"Ang aga mo na yata palagi?" tanong ni Kuya Tanding habang hati ang atensiyon sa akin at sa barahang hawak.

Nagto-tong its ang mga ito sa harapan ng kanyang bahay at syempre, hindi na rin nawala ang inuman. Wala naman silang taya dahil wala naman silang pera. Narinig ko rin na ayaw na muna ni Ramiel na makakita ng pagsusugal dahil baka mapatay siya ni Skyrene.

Kakauwi ko lang rin at nagbihis lang ako para daluhan sila dahil wala akong pasok kinabukasan kaya pwede akong magpuyat.

"Nakipagpalit ako ng schedule." pagod akong naupo sa tabi niya at itinuro ang pwede niyang itapong baraha.

"Bakit? May nanggulo na naman ba sa'yo?"

Lito kong sinulyapan si Kuya Andoy. Ibinaba niya ang kanyang baraha at inayos ang t-shirt na nakasabit sa kanyang balikat.

"Wala namang nanggugulo."

"Eh sabi ni Jaycint meron daw, ah?"

Natigil ako sa pagbunot ng barahang nasa gitna ng marinig ang sinabi niya. Speaking of Jaycint, ilang linggo ko na yata siyang hindi nakikita?

"Matagal na 'yon tsaka maayos naman na. Gano'n talaga kapag lasing na 'yung mga customer, mga nagwawala na. Kayo nga kahit dito 'di ba? Nagwawala rin kayo kapag trip niyo."

Bumunot ako ng baraha at ibinigay kay Kuya Tanding. Inipit niya 'yon sa kanyang kamay. Kumuha ulit ako ng isa para itapon dahil abala siya sa paninigarilyo.

"Minsan lang rin naman 'yon!"

"Nagwawala pa rin!" tumawa ako. "Tsaka, kayang kaya ko naman 'yang mag nagma-maoy! Ako pa ba?"

"Talaga? Eh sabi ni Jaycint kung hindi ka niya naabutan ay baka kung anong nagawa sa'yo nung lalaking 'yon!"

Wala sa sariling napalunok ako. They're right pero hindi dahil weak ako nang mga panahong 'yon. Sadyang mabilis lang talaga ang mga pangyayari kaya hindi ako kaagad nakapalag.

Nagpatuloy ang pag-uusap namin simula sa trabaho ko, sa on going construction hanggang sa muli kong marinig ang pangalan ni Jaycint.

"Bukas ba pupunta?"

"Oo. Ang sabi ni Ramiel e, titignan lang ang natapos dito."

Tuliro kong nilingon ang eskwelahang ginagawa na may mga pundasyon na. Parang ang bilis nilang makabuo. Kung sabagay, kapag may pera ka ay wala namang matagal o mahirap.

"Papainom ba si pogi?!" masayang tanong ni Kuya Karyo.

"Sana. Alak na alak na ako, eh! Swerte natin diyan kay Jaycint! Parang si Eros, mahilig magpakain at magpainom!"

Pinakinggan ko silang mag-usap. Hindi ako nagsalita dahil baka may masabi pa ako at may maalala silang masalimuot na sinabi ni Jaycint noong nakaraan.

"Bakit hindi nalang si Jaycint ang patusin mo Valerie?" maya maya'y tanong ni Kuya Tanding sabay kuha ng kanyang baraha sa aking kamay.

"A-Ano?"

"Sabi ko bakit hindi nalang si Jaycint ang i-boyfriend mo."

"Kuya Tands, ano bang pinagsasasabi mo? Ayaw ko at ilang beses ko na bang sinabi na hindi ko kailangan ng boyfriend! Sakit lang sa ulo 'yan!"

"Ay sus!" si Kuya Billy. "Sayang naman. Sabi ni Ramiel ay single 'yon!"

"Kaya nga! Iyong mga gano'n pa namang hitsura ay hindi nagtatagal na single! Pusta!" si Kuya Andoy.

"Oo nga. Pogi na, mayaman pa at mabait pa! Saan ka pa 'di ba? Syempre, Jaycint na!"

Naiiling nalang ako habang pinapakinggan silang parang ikinakampanya ito. Naalala ko tuloy noon na ganito rin sila ka-supportive kay Skyrene at Eros simula palang ng magkita ang dalawang ito sa show.

Nagbingi-bingihan ako sa kabila ng mga udyok nila. Hindi na rin ako nagtagal, umuwi na rin ako pagkatapos maubos ang alak na nasa lamesa.

"What happened?" tanong ni Skyrene kinabukasan pagkatapos i-kwento ang mga nangyari nitong nakaraan na hindi kami nakapag-usap.

"I'm okay."

"You sure?"

"Oo naman. It's just Zuriel. Hindi rin naman kami nag-usap ng matagal."

I heard her sigh. "I just want to make sure that you're okay."

"I am fine. Kung hindi ako okay sana pinuntahan na kita diyan at nagpaampon nalang sa inyo ni Eros!"

"Pwede naman," tumawa siya. "Pero bakit raw siya pumunta?"

"I don't know. Hindi ko na rin siya kinausap. I'm done with them."

"Val... I know what you've been through pero hindi ba yata unfair na pati sila ay damay sa pagkamuhi mo kay George?"

Naiintindihan ko ang punto ni Skyrene pero alam kong alam niya rin kung ano ang tumatakbo sa utak ko ngayon. Nangyari na rin sa kanya ang ganito at kahit na nagawa niyang magpatawad ay hindi pa rin iyon madali. Oo hindi ako perpekto at hindi ko naman sinasabing hindi ko sila kayang patawarin pero may tamang oras para do'n. Siguro baka kapag namatay na si George at tantanan na nila ako, baka doon makalimot ako.

"You've been in the same situation Sky and I know that you understand where I'm coming from."

"Oo naman... Ang sa'kin lang ay wala naman sigurong masamang balak sa'yo si Zuriel. I mean, wala ka namang habol na kayamanan 'di ba?"

Bahagya akong natawa ng sarkastiko.

"Kahit kailangan ko ng pera hindi ako tatanggapin ni singkong duling sa pamilya ni George. Anyway, huwag nalang nating pag-usapan ang lahat."

"Okay."

Kinwentuhan ko si Skyrene tungkol sa West Side at sa ginagawang pagbabago rito. Ang mahaba naming pag-uusap ay naputol lang ng katukin ako ni Ramiel.

Malawak ang ngiti kong sinalubong siya ng yakap. Hindi dahil na-miss ko siya ng sobra kung hindi dahil sa dala niyang pizza.

"Galing kay Kuya Eros." aniya pagkatapos ay inilapag ang mga hawak sa lamesa ko.

"Bakit ang dami naman nito? Hindi ko mauubos 'to."

"Hindi pa ako kumakain," sabi niya at pagkatapos ay binuksan na ang isa. "I mean kami." he added before glancing at my door.

Napakapit ako sa hawak kong box ng pizza ng makita ang pagbara ni Jaycint sa aking pintuan!  He's here! Narito na ulit siya!

"H-Hi..." nahihiya kong bati dahil hindi ko alam kung paano ang dapat kong pakikitungo sa kanya dahil sa huli naming interaksiyon.

He smiled... He freaking smiled at me! Natataranta akong umalis sa harapan ng lamesa para kumuha ng mga platong gagamitin namin sa pagkain! Dahil sa mabilis na pagtahip ng aking puso ay ilang beses akong nakagawa ng ingay! Kung hindi ko pa narinig ang mahina't nakakalokong pagtawa ni Ramiel ay hindi pa ako matatauhan ng kaunti!

Shit!

Pinilit kong itago ang kabang aking nararamdaman habang pabalik sa kanila. Kalmado kong nilapag ang mga gamit kahit na taliwas ang panlabas kong drama sa totoong nararamdaman ko ngayon!

Naupo si Ramiel kaya sumunod na ito. Gano'n na rin ang ginawa ko pagkatapos kumuha ng mga baso.

"Ang cute niyong dalawa!"

Sinamaan ko siya ng tingin kahit na wala namang reaksiyon ang pinsan niyang nagsisimula ng kumuha ng kakainin.

Tumikhim ako at sinimulan na rin ang pagkain.

"Kanina pa kayo?"

"Yeah. Na-miss mo ba si Kuya Jaycint?"

Natataranta kong kinuha ang baso na may lamang soft drinks dahil sa nakakalokong tanong niya! What the hell Ramiel!

Humalakhak siya. "Mali... I mean, ako pala!"

Mabilis ko siyang inirapan. Dahil sa pagwawala ng pagkatao ko gawa ng presensiya ng kanyang katabi niya at naubos ko ang iniinom ko.

"Bakit ngayon ka lang nakabalik?" pagbabago ko nalang ng topic pero mas lalo lang siyang ngumisi.

"Medyo busy e."

I nodded. Nagpatuloy kami sa pag-uusap habang si Jaycint ay nagpapatuloy rin sa pagkain habang hawak ang telepono't hindi kami pinapakialaman.

"Si Kuya Jaycint ba hindi mo tatanungin kung bakit ngayon lang nakabalik?" maya maya'y usisa niya.

"Ramiel!"

"What?" tinapos niya ang pagkain at nagmamadali nang tumayo.

"S-Saan ka pupunta?"

"May nakalimutan pala akong ibilin kay Engineer. Sandali lang. Mag-usap na muna kayo," napaangat ang tingin ni Jaycint kay Ramiel ng balingan siya nito. "Kain ka lang. Mag-kumustahan muna kayo, halatang na-miss niyo ang isa't-isa eh!"

Inis kong sinipa ang paa niya sa ilalim ng lamesa pero dahil hindi naman masyadong umabot ay natawa nalang ito at ginawa na ang sinabi.

Isang pizza, dalawa, nguya...

Iyon ang ginawa ko habang nakatitig sa mga box ng pizza'ng magkakapatong sa aking harapan!

Sinubukan kong tumikhim kaya lumipad ang titig niya sa akin. Napatuwid ako ng upo.

"K-Kumusta ka?" I try to sound as formal as I could but my voice betrayed me.

"Fine." malamig niyang sabi ngunit hindi na sinundan pa ang mga salita.

Napadiin ang kapit ko sa hawak na pagkain habang nakikipagtitigan sa kanya. God! Ano na Valerie? Ano na 'yung mga dapat mong sabihin ha?!

Sa pagtaas ng kilay niya ay bahagya akong natauhan.

"M-Mabuti naman!" gusto ko sanang itigil ang pagtitig sa kanya pero parang nakulong na ako doon.

"Okay." muli ay ibinalik niya ang tingin sa kanyang telepono.

Inubos ko na ang pizza sa aking kamay at nilunod iyon sa aking lalamunan. I don't know what to say to him. Pati ang pagtatanong sa salitang hindi ko naintindihan noong huli naming pag-uusap ay parang hindi ko na kaya pang ungkatin!

Dahil busy naman siya ay tumayo na ako at nilinis ang mga ginamit ko. Hinugasan ko iyon ngunit bumagal ang mga kamay ko ng marinig rin ang pagtayo niya. Awtomatikong lumingon ang mga mata ko pabalik sa lamesa.

"T-Tapos ka na?"

"Yeah."

"Uuwi ka na?"

Naningkit ang kanyang mga mata. Nalaglag ang tingin ko ng ng kunin niya ang kanyang ginamit na plato at pagkatapos ay naglakad palapit sa akin. Ilang beses akong napalunok dahil do'n!

Narinig ko ang pagmumura ng utak ko ng maamoy ko siya ng buong buo pagkatapos makalapit sa akin. Tanggap ko namang galit siya at iniiwasan niya ako ngayon kaya gano'n nalang ang pag-alburoto ng bagay sa aking dibdib dahil imbes na umalis na para sundan si Ramiel ay nanatili siyang nakatayo sa harapan ko pagkatapos ilapag ang mga ginamit.

Marahang umangat ang aking mga mata simula sa sahig patungo sa kanyang katawan. I feel like I can freaking taste him! Sa lapit niya ngayon ay parang gusto ko na namang batukan ang sarili ko dahil nagsisimula na naman akong maakit at...

"Bakit? May sasabihin ka pa ba?" masungit niyang tanong ng magtapat ang mga mata namin.

Tuliro akong napailing. Marami akong gusto sabihin pero hindi ko naman alam kung paano.

"Wala talaga?" he asked again.

"W-Wala, bakit?"

Dismayado siyang napailing.

"Bakit? Ikaw may sasabihin ka?" nababaliw kong tanong dahil sa pagkakataong ito ay gusto ko lang talagang magsalita para hindi niya marinig ang kalampag ng puso ko.

Tumango siya kaya mabilisan kong tinapos ang platong hawak ko at nagmamadaling pinatay ang gripo para muli siyang bigyan ng atensiyon.

"Ano 'yon-"

"Te extraño, Valerie..." mabilis niyang putol sa akin.


~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva

Facebook Group : CengCrdva Wp

Booklat account : Ceng Crdva

Instagram : Cengseries

Twitter : CengCrdva

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro