Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 10

CHAPTER TEN

Choice

Hindi ko na alam kung anong oras kami natulog. Isa lang ang sigurado ko, maliwanag na ang kapaligiran at maingay na ang buong West Side nang matapos kami ni Jaycint. We did it in the couch, shower and even on my bed...

Marahas akong napabalikwas ng tayo nang balikan ako ng lahat ng katinuan ko sa buhay. Imbes na lingunin ang lalaking may mahinang paghilik sa aking tabi ay natataranta akong tumakbo patungo sa banyo. Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko maging ang aking utak.

Marupok! Ang rupok-rupok mo Valerie! Ilang beses kong nabatukan ang sarili ko dahil sa sobrang kabaliwan na nagawa ko. Kung mababago nga lang ang lahat kapag inuntog ko ang ulo sa pader ay baka kanina ko pa ginawa.

Kahit na natapos na ako sa pagligo ay hindi muna ako lumabas. Nanatili akong nakaharap sa salamin para tignan ang aking repleksiyon.

Ngayon paano ko haharapin si Jaycint? Paano ko siya gigisingin at kakausapin ngayon? Hindi naman pwedeng umalis ako gaya ng ginawa ko noong unang beses nangyari ito dahil hindi ako gago. Sinong tangang aalis sa sarili niyang bahay pagkatapos makipag-sex?

Napapikit ako ng mariin dahil sa huli ay wala naman akong pwedeng gawin kung hindi ang harapin nalang ang lahat ng ito. Napahinto ako sa kalagitnaan ng pagbalik ko sa kwarto. Kung bakit ba kasi umalis ako kaagad na wala akong dalang pamalit?!

Nilingon ko ang sala pero wala na doon ang mga damit kong hindi pa natutupi! Imbes na maghintay ng himala ay nilakasan ko nalang ang aking loob para makabalik na sa kwarto.

Malakas ang pagtahip ng aking dibdib habang naglalakad pabalik doon. Siguro naman tulog pa rin siya 'di ba? He's still snoring when I left so...

"Shit!" Mabilis kong isinara pabalik ang pintuan dahil ng buksan ko 'yon ay nakita kong nakaupo na si Jaycint sa gilid ng kama!

He's awake! And he is still... naked.

Dahan dahan kong inawang ulit ang pinto dahil wala na akong kawala kahit na ako pa man ang gawin ko.

Nanatili siyang nakaupo sa gilid ng kama at nakatingala habang nakaharap sa may bintana. Napalunok ako ng makita ang mga nagsisi-tigasang muscles sa kanyang brasong nakatukod sa kama. Maging ang mga muscles sa kanyang likod ay hindi nakaligtas sa mahalay kong paningin.

"G-Gising kana pala." kalmado kong sabi kahit na ang totoo ay parang may nag-uunahan ng daga sa loob ng dibdib ko!

Nahinto ako sa paglalakad papunta sa aking cabinet ng gumalaw siya. Para akong nanlamig ng makita ang mga mata niyang pumukol sa akin. Ang lamig na nauna kong naramdaman ay mabilis namang napalitan ng init ng dahan-dahang bumaba ang mga titig niya para sipatin ang aking katawan. I feel my cheeks burned at that! Just what the hell! Agad kong niyakap ang aking sarili.

"Jaycint!" Natataranta kong hiyaw ng bumaba pa ang mga mata niya sa aking bewang.

Hindi ko tinigilan ang pagtitig sa kanyang mga mata ng bumalik iyon sa akin kasabay ng dahan-dahan kong pag-abot sa aking cabinet para kumuha ng kahit anong damit nalang.

Imbes na sagutin ako ay pinagtaasan niya lang ako ng kilay.

"Huwag mo akong titigan!"

He grins at me. "I've seen that, Valerie," may bahid ng kahalayan niyang sabi. "All of it." He added.

Tinalikuran ko siya at inabala ang sarili sa paghalungkat kahit na naba-blanko na ang utak ko kung ano na ba ang dapat kong gawin. Naramdaman ko ang pagtayo niya kaya kung ano nalang ang nahawakan ko ay iyon nalang ang kinuha ko para makaalis na sa kwarto at makapagbihis bago siya itaboy ng tuluyan!

Alam ko makasalanan ako. Hindi rin ako matino at marami akong bagahe sa lahat ng bagay pero sa lahat ng maling nagawa ko sa tanang buhay ko ay ito na yatang pagpihit ko ang pinaka-mali sa lahat!

Ang pisngi ko ngayon ay tuluyan ng nag-alab dahil kay Jaycint na nakatayo at nakaharap sa akin. Again, he is still freaking naked! Hubad na hubad!

"Jaycint! Ano ba!" mariin kong ipinikit ang aking mga mata dahil imbes na titigan siya ay awtomatikong tumitig ang mga ito sa kanyang nakatayo na ring kalakihan!

I want to cuss him! Iyong malutong talaga pero paano ko iyon gagawin ngayong lantad na lantad siya sa aking harapan at parang walang pakialam na makita siya ng kahit na sino! He is proud, like literally proud!

"What? I'm not doing anything, Valerie. Why are you even closing your eyes? Nakita mo na naman na lahat 'to!"

"Kahit na!" Nakapikit ko pa ring sabi habang tinatantiya ang gawi palabas.

"Why? Don't tell me na nabitin ka at kaya ayaw mong tignan kasi baka maakit ka uli?"

Marahas kong naidilat ang aking mga mata dahil sa kakapalan ng kanyang mukha!

"Ang kapal mo!" sigaw ko, pinipigilang magpatukso sa bagay na nakabalandra ngayon sa aking harapan!

Valerie, sa mata ka lang titingin! Doon lang at wala ng iba! Iyon naman ang ginawa ko kahit na patuloy ang pagtraydor sa akin ng talipandas kong eyeballs!

Nakita kong bumaba ang kanyang mukha para titigan ang kanyang katawan.

"Yeah, it's thick... Fucking thick..." he said playfully while looking at his member.

Oh my God! Baliw na siya! Imbes na makipagtalo pa sa kanya ay nagmamadali na akong lumabas ng aking kwarto para bumalik sa banyo. Narinig ko pa ang pagtawa ng damuho dahil sa kababuyang nasa isip!

Ano ba 'tong napasok ko? Really? Ito talaga ang piniling sitwasyon ng kalandian ko? Kay Jaycint pa talaga?!

Imbes na negatibo ang isipin ay pinagnilayan ko nalang ang mga ginawa niya kagabi para hindi ako kabahan masyado. Inisip ko nalang ang pagtatanggol niya sa akin, paghihintay at paghatid kahit na lasing na't inaantok. Dahil do'n ay nawala kahit paano ang inis ko sa kanya. Ano pa nga bang dapat kong isipin 'di ba? We had sex again. We, kaya hindi lang siya ang dapat na sisihin ko kung hindi mas lalo ang sarili ko.

I'm sober. Ako ang mas may tamang pag-iisip pero hinayaan ko pa ring mangyari iyon.

Habang nasa CR si Jaycint ay nagluto naman ako. Alam kong hindi naman dapat ganito ang gawin ko dahil tanging sex lang naman ang namamagitan sa amin pero ginawa ko pa rin bilang pasasalamat sa kanya.

Nang matapos siya at makita kong naglalakad na papunta sa gawi ko ay pinilit ko siyang ngitian sa pinaka-pormal na paraan dahil sa kabila ng nangyari ay dapat ko pa rin siyang pasalamatan sa lahat ng ginawa niya.

"I'm going home." aniyang pumawi sa lahat ng pasibol na tuwa sa aking puso.

"T-Teka, hindi ka na kakain? Nagluto kasi ako-"

"Yeah, I can see that but I still have a meeting to catch." sinulyapan niya ang kanyang wrist watch pero ng makita akong bagsak na ngayon ang balikat habang nakatitig sa mga pagkaing hinanda ko ay muli siyang nagsalita.

"Okay," Kinuha niya ang upuang nasa harapan ko saka umupo doon. "But can I also have some coffee?"

Nginitian ko siya pagkatapos ay tumango at ginawa na ang gusto niya. Tahimik kaming kumain. Habang siya ay seryoso lang, ako naman ay nakatitig lang sa kanya at hinihintay siyang magsabi ng masama tungkol sa mga niluto ko.

Tumikhim ako para kunin ang kanyang atensiyon.

"Thank you pala kagabi."

Inubos niya ang pagkaing nasa kanyang bibig ay pagkatapos ay uminom ng tubig saka itinutok ang tingin sa akin.

"Which part?" seryoso man ang pagkaka-tanong niya no'n pero hindi ko maiwasang pag-isipan siya ng masama dahil alam kong hindi lang ang pagtatanggol ang gusto niyang puntohin kung hindi maging ang ginawa namin.

"Look-"

"No, it's okay. Alam ko na, it's just sex right? It's still sex. Just sex." napalunok ako ng kunin niya ang kanyang kape at uminom doon.

Para akong napipi sa narinig. Oo nga at iyon rin naman ang gusto kong linawin sa kanya pero hindi ko inaasahang mabilis na niyang matatanggap 'yon ngayon.

"Right. Just sex." sabi ko nalang at nagpatuloy na sa pagkain.

Ang mga sumunod naming usapan pagkatapos no'n ay pawang kaswal nalang. Hindi man ako makapaniwala na hindi na siya nagpupumilit na pag-usapan ulit ang panibagong kabaliwan na ito pero iyon naman ang gusto ko kaya hinayaan ko nalang.

Nagpatuloy ako sa pagta-trabaho sa club. Buti nalang at hindi na bumalik ang mga nanggulong lalaki kagabi kaya wala kaming naging problema. Gaya ng routine ay madaling araw na rin akong nakalabas pero nahinto ako sa paglalakad paalis ng club nang makita ko ang paghihintay ng sasakyan ni Jaycint sa labas nito.

Pilit kong inaninag iyon kaya ng umilaw at umandar ito patungo sa gawi ko ay hindi na ako nagdalawang-isip. Yes, it's him but why?

Pakiramdam ko ay naging alerto ang buo kong pagkatao ng makita siyang sa loob ng sasakyan matapos ibaba ang binata sa banda ko.

"Let's go. Ihahatid na kita."

"Why are you here?" tanong ko imbes na sumakay nalang doon.

"Didn't you hear me?"

"Narinig pero-"

"Then what are you waiting for?" umangat siya sa kanyang isang kilay para sungitan ako ngunit bilang ako si Valerie Cross ay hindi ako nagpatinag sa kanya.

Naghalukipkip ako sa kanyang harapan.

"Give me a reason why I should come with you?"

Umiling-iling siya. "I'm not doing this because of you or what happened between us. Susunduin ko si Ramiel sa West Side at sinabi niyang isabay na kita."

Parang naputol ang dila ko sa sinabi niya kaya imbes na makipagtalo ay sumakay nalang ako. Hindi ko siya nilingon. Hindi rin ako nagsalita dahil alam kong kapag nag-umpisa na ako ay ta-traydurin na naman ako ng aking katinuan! Ngayon pa nga lang na naaamoy ko ang kanyang pabango sa kabuuan ng kanyang kotse ay para na akong sinisilaban! Ano pa kaya kung titignan ko siya at iisipin ang mga nangyaring hindi dapat?

"Ganito ba talaga lagi ang uwi mo? It's too late."

"Oo," sagot ko, hindi pa rin siya nililingon.

"And you're just walking?"

"Malapit lang naman."

"Hindi ba delikado?"

"Sanay na ako."

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa ng sarkastiko kaya nilingon ko siya at pinagtaasan ng kilay.

"Tinatanong ko kung delikado, hindi kung sanay ka na."

"Both." doon nawala ang tuwa niya.

"Then why are you doing it?"

Nagkibit ako ng balikat. "Wala akong choice. This is my job, Jaycint. Kapag mahirap ka magtatiyaga ka at magtitiis dahil wala ka namang ibang choice."

"You always have a choice," makahulugan niyang sabing nagpatigil sa akin. "People always have a choice, but sometimes they just chose not to choose."

Hindi ako nakapagsalita kaagad at napatitig na lang sa kanya at kahit na nilingon niya ako ay hindi ako natinag.

"What?" kunot noo niyang tanong.

"Sometimes we don't really have a choice, Jaycint." matigas kong sabi sabay tanggal ng tingin sa kanya.

Hindi na rin siya nagsalita. It's too awkward to talk again. Oo nga at wala namang naungkat sa pag-uusap namin pero hindi ko napigilan ang sarili kong kontrahin siya kahit na nakuha ko naman ang gusto niyang sabihin.

Minsan kasi sa buhay ay marami tayong pagkakataong pumili pero may mga sirkumstansiya rin namang hindi natin hawak. Gaya ko, hindi ko naman ginustong mawalay sa totoo kong ama pero dahil wala akong pagpipilian ay wala akong dapat gawin kung hindi ang tanggapin nalang iyon.

I get his point too. Gaya ng pagpasok ko sa club sa murang edad, pwede akong mamili ng iba pang trabaho noon pero dahil alam kong iyon ang mas may malaking kita ay iyon ang pinili ko. Did I regret that? No. Wala akong pinagsisihan sa lahat ng desisyon ko dahil iyon ang bumubuhay sa akin noon at hanggang ngayon.

People always have a choice to make their life better. Some people strive for success and some people don't but that doesn't mean that they are losers. Minsan kasi gano'n nalang talaga.

Pero kung tatanungin kung meron akong pinagsisihan sa tanang buhay ko ay isa lang ang magiging sagot ko, hindi ang trabaho ko kung hindi ang dahilang nagmahal ako. Nagmahal ako ng maling tao... At 'yon ang ayaw ko ng ulitin kahit kailan.

~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva

Facebook Group : CengCrdva Wp

Booklat account : Ceng Crdva

Instagram : Cengseries

Twitter : CengCrdva

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro