Ang kwento..
Mula sa malayo ay nakita kita..
tahimik na nakaupo, umiinom ng kape at nagiisa...
sa kaunting tao sa lugar na ito na kasama nating dalawa..
hindi mo ako makita....
ilang buwan na ba ng magsimula na palaging ganito?
palaging parang hindi mo ako kilala...
lumapit ako sayo para mapansin mo ako at batiin ka..
ilang hakbang nalang... magkalapit na tayong dalawa..
konti nalang...
pero dumating siya.....
mabilis kang tumayo para halikan siya...
sa harapan ko..
pero bakit naramdaman kong tumagos ang tingin mo sakanya papunta sakin habang hinahalikan mo siya..
nanikip ang dibdib ko.. sa tingin ko hindi ko na kaya, kaya tumalikod ako, lumakad palayo..
para hindi mo makita yung mga luha kong dumadaloy ngayon...
Mahal na mahal kita.....
lahat ginawa ko na...
pero bakit ganyan ka?... wala ba talaga kahit konti?...
patawid ako ngayon, sa dami ng sasakyan, hindi ko alam kung paano ko maabot o makakarating sa dulo..
naalala kong dito kita nakita noon..
nung akala kong hindi mo na ako pupuntahan..
pero ng makita kita noon sa kabilang kalsada, hindi ko na hinihintay maging pula ang ilaw para makatawid at mapuntahan ka..
muntik na akong maaksidente kaya agad mo akong sinalubong para itabi..
galit na galit ka non, at sinabing mong hindi ako nag-iisip.
at sinabi kong "Oo, dahil puso nalang ang gumagana sakin ngayon para mahalin ka..."
pero sinabing mong "kung ganon hindi ako nakakabuti sayo, kaya magmula ngayon. hindi na ako dadating para makita ka"
bumagsak ang mundo ko nun.. parang kahit maaraw ay dumilim ang paligid..
at ngayon.. tinutupad mo ang pangako mo.. na hindi makipagkita sakin..
at ang pinakamahirap, ay magkunwari kang hindi mo ako kilala. o nakikita manlang..
lalong nadagdagan ang lahat ng sakit ng nararamdaman ko..
nung malaman ko na, bumalik na siya, yung unang taong minahal mo...
yung una lahat sayo..
yung unang pinangarap mo...
hindi ako nakahinga... para mo akong tinanggalan ng hangin..
at unti unting pinatay...
pero kahit anong gawin mo sa puso ko.. hindi ito sumusuko sayo...
nandito ako ngayon sa lugar kung saan may dagat at tulay...
dito kita madalas kitain para kausapin noon...
at lagi mo akong hindi binibigo, sa twing gusto kong puntahan mo ako dito..
sa tulay kung saan ako nakatapak..
ang tulay na nagdudugtong sating dalawa para magkalapit tayo at makapagusap..
pero ngayon ay tulay na lang ito ng isip ko, papunta sa mga masasayang alaala ng usapan natin dito noon..
at ngayon, habang hinahampas ng hangin ang tulay na ito.. ay naupo ako..
iniisip na, bakit hindi mo ako kayang mahalin?..
bakit hindi pwedeng tayo?..
bakit siya padin ? at hindi pwedeng ako?...
ngayong araw.. huling subok..
huling laban...
huling hiling na dumating ka ngayon dito at kausapin ako...
tungkol satin at sa nararamdaman kong ito..
kahit maingay ang dagat ay rinig na rinig ko..
kahit nakatalikod ay kilalang kilala ko ang mga yabag mo...
ganun ko kakilala ang lahat sayo.. ang buong ikaw, at pagkatao mo...
tumayo ako at humarap kung nasaan ka..
malakas ang hangin.. at maingay ang dagat..
na para bang nakikisabay sa pagiyak ng puso ko..
dahil muli kitang makita sa sandaling ito..
naisip kong walang nagbago sa buwan ng pagiwas mo..
ako padin to.. yung babaeng mahal ka ng buong buo..
pero ikaw padin kaya yan?..
unti-unti akong humakbamg habang nakatingin ako sa malungkot mong mukha..
malungkot ka ba dahil ako ang kasama mo ngayon at hindi siya?..
alam kong kailan lang tayo nagkakilala..
at alam kong matagal na siya sa buhay mo..
pero wala naman sa tagal yun hindi ba?..
sa kung paano mo napatunayan kung gaano mo kamahal ang isang tao sa maigsing panahon lang..
iyon..
yun ang mahalaga..
dito.. habang hinahangin ang buhok nating dalawa..
habang dumidikit ang ilang hibla nun sa pisngi ko dahil sa basang ginawa ng luha ko sa mga pisnging dinadaluyan nito..
ay kailangan ko ng marinig ang ang totoo...
at tuluyan ng makawala sa kabaliwang ito...
"simula noon pa minahal na kita"
mataimtim ka lang nakatingin sakin ng may lungkot sa mata...
"ginawa ko lahat para mahalin mo din ako..."
at ngayon naman ay isang malalim na paghinga ang iyong ginawa..
napapagod ka na bang marinig ang lahat ng ito?..
wag kang magalala.. dahil huli na ito...
"madaming tanong sa utak ko.. pero alam kong ikaw lang ang sagot.."
ako naman ang humugot ng malalim na paghinga ngayon.. kailangan ko ng buwelo..
"bakit hindi pwede?.. bakit hindi pwedeng ako?. bakit kailangang siya ulit?.. bakit hindi mo ko kayang mahalin?.. sa tuwing nakikita kong kasama mo siya, sa tuwing hawak mo mga kamay niya. sa tuwing lumalabas kayo at nagtatawanang dalawa.. lagi kong naiisip na sana ako nalang siya.. na Sana Ako Nalang"
lumapit ako sayo pero umatras ka. at sinabing..
"ayoko na makipagusap"
kaya tumalikod ka at naglalakad ngayon palayo sakin..
"sabihin mo lang na hindi kailan man magiging tayo!sabihin mo lang na gusto mo akong lumayo! sabihin mo lang na hindi mo ako mahal! at tuluyan na kitang BIBITAWAN WHAYNE!..."
doon ka tuluyan napahinto sa paglalakad..
pero hindi ka humarap..
gusto kong makita ang mukha mo.. kahit makita mo pang basang basa na ang mga pisngi ko sa kakaiyak habang isinisigaw ang laman ng puso ko sayo..
unti unti kang humarap na para bang narinig mo ang hiling ko..
at nagmamadali kang lumapit sakin at hinawakan ako..
magkadikit ang iyong mga labi na para bang may pinipigilan kang bigkasin..
at nanaginip ata akong ng makita kong namumula ang mga mata mo...
may nararamdaman ka na ba para sakin?..
ayaw mo ba akong mawala?..
sabihin mo lang.. dahil ngayon habang hawak mo ang braso ko... at nakatingin sayo..
ay nararamdaman kong may nararamdaman na yang puso mo...
pero trnydor ako ng nararamdaman ko ng sabihin mong..
"hindi kita kayang mahalin Jane.. kaya bitiwan mo na ako..dahil ako bibitaw nadin"
kasabay ng pagbigkas mo ng masakit na salitang iyon ay pagkalas mo sa pagkakahawak sakin...
at bago ka tumalikod ay parang nakita kong may dumaloy sayong luha...
naiiyak ka ba sa sinabi mong iyon!.. naiiyak ka dahil nahihirapan ka! naiiyak ka dahil hindi Totoo..
"hindi natin kayang labanan ang pagkakataon! bumitaw man tayo parehas ngayon, pwedeng tayo padin sa huli!"
pero patuloy ang lakad mo palayo sakin...
na para bamg gustong gusto mo ng simulan ang buhay mo ng wala ako sa landas ninyo..
" "kahit kelan di ko naisip na sumukong mahalin ka.. pero mukang kahit kailan, hindi karin susuko sa pagmamahal sa kanya..."
muli ay tumigil ka..
pero ako naman ang naglakad..
parang tumigil ang mundo ko ng malapit na ako sa likuran mo...
pero kinailangan kong lagpasan ka..
lumakad palayo at tuluyang kalimutan ka.....
Whayne's Pov
Hindi pwede Jane dahil kapatid mo ang kaibigan ko.. at ibinigay niya ang buong tiwala niya sakin.. na hindi kita pwedeng mahalin.... kahit sasabog na ang puso ko, dahil gustong gusto ka ng mahalin nito....
hanggang sa tuluyan ko ng hindi makita ang anino mo... at alam kong yun na ang huling makikita ko ang pinakaminamahal kong babae sa buong mundo.....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro