Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER XXXII: WISH

🍛🍛🍛

Hindi alam ni Faye kung ilang oras s'yang umiyak buong gabi o kung anong oras s'ya nakatulog basta't nagising lang s'ya kinabukasan ng nasa kama na, bumangon s'ya pero nanghihina ang mga tuhod n'ya para bang wala s'yang lakas at drain na drain ang buong katawan n'ya. Daig n'ya pa ang nabugbog dahil sa bigat na nararamdaman n'ya at sa patuloy na pagkirot ng puso n'ya sabayan pa ng pagsakit ng ulo n'ya dala ng kaiiyak.

"Ayos ka lang?" Bungad sa kan'ya ni Jackson ng makapasok s'ya ng kusina pero para bang wala s'yang narinig, nilampasan n'ya ito saka nag-asikasong magluto. Umagang-umaga pero pakiramdam n'ya maiiyak na naman s'ya, para s'yang lumulutang na lobo na ano mang oras ay pwedeng sumabog kapag natusok. Ganoon ang pakiramdam n'ya, parang ano mang alaala o maisip n'ya ay maaaring maging dahilan ng muli n'yang pag-iyak.

Sobrang bigat, para s'yang may bitbit na sampung sako ng bigas na hindi n'ya magawang buhatin kahit anong gawin n'ya. "Fatima, ako-"

Tiningnan n'ya si Jackson na gusto sanang akuin ang ginagawa n'ya. "-kaya ko." Matigas na sabi n'ya.

Napakunot ang noo ng asawa n'ya ng mapansin ang itsura n'ya, magang-maga ang mga mata n'ya. "Ano bang nangyari sayo?" Napahinto s'ya sa ginagawa ng marinig iyon, tiningnan n'ya si Jackson. "Bakit?" Nagtatakang tanong nito.

"May pasok ka?" Tanong n'ya rin.

Naguguluhan man sa inaasal n'ya ay tumango si Jackson. "Pero Fatima kung kailangan mo ko pwede namang hindi ako umalis." Agad na sabi nito.

"Trabaho 'yon, 'di ba?"

"Oo," lumapit si Jackson at akmang hahawakan s'ya ng umatras s'ya. "Fatima, ayos ka lang ba talaga?"

"O-oo, pagod lang siguro." Kinuha ni Jackson ang cellphone at akmang may tatawagan ng pigilan n'ya. "Huwag, a-ayos lang ako."

"Sigurado ka?" Nagdududang tanong ni Jackson.

Pinilit n'yang ngumiti. "Oo,"

Bumuntonghininga si Jackson. "Okay." Sabi nito at hinayaan na s'ya.

Pinilit n'ya, pinilit ni Faye ng husto na maging ayos dahil alam n'yang hindi dapat maapektuhan ang pamilya n'ya sa nararamdaman n'yang sakit. Hindi n'ya maintindihan kung bakit ganoon na lamang kasakit para sa kan'ya ang mga nangyari, dapat ay hindi na s'ya maaapektuhan no'n dahil ilang taon na ang nakalipas. Dapat ay ayos na s'ya pero para bang hirap na hirap s'ya ngayon.

Buong araw s'yang lutang ni hindi makapag-focus sa ginagawa, maging sa pagkain ay para bang halos hindi n'ya magawang lumunok ng maayos dahil kahit anong gawin n'ya nauuwi s'ya sa pag-iyak. Napakaraming umiikot sa isipan n'ya samahan pa ng pagtawag ni Miriam kaninang tanghali na nakadagdag sa iniisip n'ya kaya ngayon heto at wala na s'yang maintindihan sa lahat ng nangyayari sa kan'ya pakiramdam n'ya mulat nga ang mga mata n'ya pero gusto ng bumigay ng puso n'ya sa sobrang sakit na nararamdaman.

"How's your day?" Napakurap-kurap s'ya ng marinig iyon saka n'ya lang napansin na yakap na pala s'ya ni Jackson mula sa likod n'ya.

"Nand'yan ka na pala." Humarap s'ya. "Ayos lang, ikaw?"

Matagal s'yang pinagmasdan ni Jackson bago umimik. "Faye,"

"Hmmm?"

"Ano ba talagang nangyayari sayo?" Nag-aalalang tanong nito.

"Wala," ngumiti s'ya. "Medyo distracted lang."

"Huwag mo kong ngitian, alam kong hindi ka okay. Kaninang umaga ka pa gan'yan."

"Ayos lang ako, promise. Kumain ka na ba?"

"Hindi pa, saluhan mo ko?"

Tumango si Faye. "Sure, maghahain lang ako. Magpalit ka na."

"Okay," hinalikan nito ang pisngi n'ya bago bumitaw at pumasok sa kwarto samantalang ginawa naman n'ya ang sabi n'ya. Naghain s'ya sa hapag at paglabas ni Jackson sa kwarto ay kumain na sila ng magkasabay.

Naglagay s'ya ng ulam at kanin sa kutsara, akmang isusubo na n'ya iyon ng tumunog ang cellphone n'ya. Huminto s'ya at inilapag ang hawak saka tiningnan, nakatanggap s'ya ng mensahe mula na naman kay Cornellia. Litrato na naman iyon ng asawa n'ya kasama sila Anna, napabuntonghininga s'ya saka saglit na sinulyapan si Jackson na maganang kumakain ng niluto n'ya. Ibinalik n'ya ang tingin sa plato n'ya, pakiramdam n'ya wala na s'yang ganang kumain. Tumayo s'ya at iniligpit na lang iyon, inintay na lang n'yang matapos si Jackson at hinugasan na din iyon.

Pagtapat n'ya sa salamin ng pumasok s'ya sa kwarto ay napahinto s'ya ng makita ang itsura n'ya, sabog ang buhok n'ya at magulo ang suot na para bang mayroon s'yang sampung anak sa itsura n'ya. Muli s'yang napabuntonghininga at kinuha ang twalya saka pumasok sa banyo para maligo. Nakabihis na s'ya ng paglabas n'ya nasa sofa si Jackson, lalagpasan na sana n'ya ng tawagin s'ya nito.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Maingat na tanong nito pero taliwas ang ekspresyon, seryoso ang tingin ni Jackson sa kan'ya hindi n'ya masabi kung galit ba ito o ano.

Lumapit s'ya saka naupo sa tabi nito, isinampay n'ya ang twalya sa sandalan at nagulat s'ya ng lumapit si Jackson saka marahang niyakap s'ya.

"Wife," sambit nito. "Alam kong hindi ka okay.....bakit ayaw mong magsabi?"

"Sinabi ko na sayo, distracted lang pero okay naman ako."

Bahagyang humiwalay si Jackson para tingnan s'yang mabuti. "Pinag-aalala mo ako, hindi ganoon ang sinasabi ng mga mata mo." May kinuha ito mula sa likuran at nanlaki ang mga mata n'ya ng makitang cellphone n'ya ang hawak nito.

"Bakit nasa sa'yo 'yan?"

"Iniwanan mo sa mesa." Binuksan nito ang cellphone n'ya. "Sabihin mo sa akin, dahil ba dito?" Tanong ni Jackson saka ipinakita sa kan'ya ang mga litratong naka-attach sa mensahe ni Cornellia.

"H-hindi-"

"-fatima, magsabi ka ng totoo sa akin. Nagkakagan'yan ka dahil dito?" Hindi s'ya umimik at nagbaba ng tingin kaya napasaltak si Jackson. "You need to be honest on me, baby." Napaangat s'ya ng tingin ng marinig iyon, hindi dahil tinawag s'yang ganoon ni Jackson kundi dahil sa malambing na pagbigkas nito no'n. "Hindi pwedeng puro ka lang okay, sabihin mo sa akin kung hindi na ayos sa'yo ang pagsama ko sa kanila-"

"-bakit?" Nagsimulang manubig ang mga mata n'ya, pakiramdam n'ya bumibigat na naman ang dibdib n'ya. "M-mahalaga pa ba-"

"-oo Fatima, mahalaga sa akin."

Tumulo ang luha n'ya kasabay ng panlalaki ng mga mata n'ya. "J-jackson...."

"Asawa kita Fatima, huwag mo namang isipin na purket nand'yan sila ay hindi ka na mahalaga. Kayo pa rin ni Acks ang prayoridad ko."

"K-kami...? Pero mas may panahon ka sa kanila?"

"Fatima-"

"-alam kong dapat hindi ko binibilang, dapat hinahayaan kita kasi sila ang-" muling nanlaki ang mga mata n'ya ng mag-lean si Jackson at halikan s'ya sa labi.

"Wife...do you trust me?" Mahinang tanong nito ng bitawan ang labi n'ya.

"Bakit-"

"-do you trust me?" Ulit nito, nag-aalinlangan man ay tumango s'ya. Asawa n'ya pa rin ito kaya dapat lang na magtiwala pa rin s'ya sa kabila ng napakarami n'yang nalalaman tungkol kay Jackson. "Good, huwag ka ng makikipagkita o makikipag-usap kay Cornellia. Maliwanag?"

"B-bakit...?" Napakunot ang noo n'ya. "Dahil nagsusumbong s'ya sa akin? Dahil nahuhuli ko ang mga ginagawa mo ng dahil sa kan'ya kaya ayaw mo na kong makipag-usap o makipagkita sa kan'ya para hindi na s'ya makapagsumbong sa akin? Para hindi ko na malaman ang mga ginagawa mo?" Salubong na ang kilay na sabi n'ya.

Umiling si Jackson. "Hindi," hinawakan nito ang kamay n'ya. "May mga bagay lang akong kailangang asikasuhin at kailangan ko ng tiwala mo misis ko, pagkatiwalaan mo ako at pagkatapos nito sasabihin ko sayo lahat ng totoo."

Hindi s'ya nakaimik, paano n'ya gagawin iyon kung puno na ng sakit ang puso n'ya? Kung gulong-gulo na s'ya sa kung ano ba ang dapat n'yang paniwalaan sa lahat ng nakapaligid sa kan'ya. Hinawakan s'ya ni Jackson at inilapit saka masuyong niyakap, pilit ipinararamdam sa kan'ya ng asawa kung gaano s'ya nito kamahal kahit pa hirap na hirap na si Faye na makaramdam.

"Sa bawat maririnig mong tungkol sa akin, huwag kang basta-basta maniniwala hangga't hindi mo ako nakakausap." Nag-angat ng tingin si Faye ng marinig iyon dahil naalala n'ya ang itinawag ni Miriam sa kan'ya. "Lagi mong tatandaang mahal na mahal kita at lahat ng ginagawa ko ay mayroong mga dahilan, alam kong ang iba sa mga iyon ay masasaktan kita pero ganoon pa man, huwag mo sanang pagdudahan ang pagmamahal ko sainyo ng anak natin."

"Jackson...."

"Iyon lang ang hihilingin ko, wife. Kung hindi mo ko kayang pagkatiwalaan dahil minsan ko ng nagawang lokohin ka, panghawakan mo na lang na kahit anong mangyari, mahal na mahal kita at hindi magbabago 'yon."

Hindi s'ya nakapagsalita at naiyak na lang, masuyong niyakap ulit s'ya ni Jackson at inalo hanggang sa tumahan s'ya. "Magpahinga na tayo?" Aya nito sa kan'ya ng huminto na s'ya sa pag-iyak, tumango lang s'ya at binuhat s'ya nito. Hindi na s'ya hinayaan pa ni Jackson na maglakad, inilapag s'ya ng asawa sa kama nila. Tumabi ito sa kan'ya saka hinalikan ang pisngi n'ya ng mahiga na s'ya. "Goodnight wife." Sambit ni Jackson at ipinikit na n'ya ang mga mata pero pagkaraan ng ilang sandali ay hindi naman s'ya makatulog.

Nagsimula ng mag-isip ang utak n'ya tungkol sa lahat ng nangyari, sinusubukang intindihin ng utak n'ya lahat-lahat hanggang sa magsimula na namang manubig ang mga mata n'ya. Tumagilid s'ya at pinagmasdan si Jackson na mukhang tulog na habang nakaharap sa kan'ya, nakayakap ang asawa n'ya sa bewang n'ya. Matagal n'yang pinagmasdan si Jackson hanggang sa magsimulang mag-unahan ang mga luha n'ya at 'di nagtagal ay kumawala na ang hikbi n'ya. Agad na napamulat si Jackson ng marinig iyon at nag-aalalang pinunasan ang mga luha n'ya.

"Hey, tahan na." Alo nito.

Pinigilan n'ya ang kamay nito na pinupunasan ang mga mata n'ya. "A-alam mo bang magkasama k-kami kahapon?" Tanong n'ya na tinanguan lang ni Jackson. "H-hindi ka galit...?"

"May kailangan ba akong ikagalit?"

"J-jackson....hindi ka nagseselos?" 'Di makapaniwalang tanong n'ya. "N-nagselos ka sa katrabaho ko pero k-kay Vladimir h-hindi?"

"You want me to be honest, wife?"

"Y-yes."

"Noong malaman kong nagkita kayo gustong-gusto kong sundan ka para kuhanin kayo agad ng anak natin, lalo akong nakaramdam ng selos ng malaman kong naroon kayo sa espesyal n'yong lugar. Gustong-gusto kong sumunod at pilipitin ang leeg ng gagong 'yon pero hindi ko ginawa..."

"Bakit?"

"..dahil alam ko, kapag sumunod ako doon. Kapag nagpambuno kami ni Vladimir posibleng hindi ko na naman ma-control ang sarili ko, baka hindi ko na naman ma-control ang nararamdaman ko at pati ikaw masaktan ko na naman sa harap pa mismo ng anak natin. I don't want that to happen."

"Akala ko...."

"Akala mo dahil kasama ko sila Amanda? Baby, kahit kasama ko sila kung hindi ko napigilan ang sarili ko baka iniwanan ko sila at sumugod ako sainyo." Umangat si Jackson at sumandal, bumangon s'ya saka naupo. "Bukod sa pagsiselos mo, s'ya rin ba ang dahilan kaya ka nagkakagan'yan?"

Nagulat si Faye sa narinig. "A-alam mo?"

"Ilang taon na tayong kasal, halos araw-araw kitang kasama. Alam ko kung may bumabagabag sa'yo o kung ano pa man."

"Jackson...."

Inawakan s'ya sa bewang ng asawa. "Sige na, hindi ka magiging okay kung hindi mo ilalabas 'yan." Nginitian s'ya ni Jackson. "Makikinig ako."

Tumulo ang mga luha n'ya, lumapit s'ya at ikwinento sa asawa ang lahat-lahat ng nangyari. Matiim lang na nakikinig sa kan'ya si Jackson habang paminsan-minsan na pinupunasan ang mga mata n'ya dahil sa patuloy n'yang pag-iyak.

"Fatima," sambit nito ng manahimik s'ya.

"Hmm?"

"Magsabi ka sa akin ng totoo, may nararamdaman ka pa ba sa kan'ya?"

Nanlaki ang mga mata ni Faye ng marinig iyon, nakaramdam s'ya bigla ng pagkataranta. "N-no, love no!" Agap n'ya. "Y-you didn't get it!" Pinunasan ni Faye ang mga mata. "I wasn't inlove on him anymore! I-"

"-hey, calm down..." awat ni Jackson dahil nagpa-panic na talaga s'ya.

Umiling si Faye. "H-hindi ko na s'ya mahal...." mahinang sabi n'ya pero agad nanlaki ang mga mata n'ya ng may mapagtanto habang nakatingin kay Jackson. "Omyghaaaad...."

"You okay?"

Tumulo ang mga luha n'ya, lumapit s'ya kay Jackson at niyakap ito ng mahigpit saka s'ya pumalahaw ng iyak na para bang iyon na ang huling beses na iiyak s'ya ng husto. Samantala, wala namang pagdadalawang isip na tinanggap s'ya ni Jackson sa mga bisig nito. Niyakap din s'ya pabalik ng asawa at inalo hanggang sa kumalma s'ya.

Sa wakas ay naiintindihan na n'ya! Naiintindihan na n'ya kung bakit wala na s'yang makapang galit sa puso para kay Vladimir, naiintindihan na n'ya kung para saan ang sobra-sobrang sakit na nararamdaman n'ya simula ng umuwi s'ya kahapon.

Humiwalay si Faye sa pagkakayakap saka pinunasan ang mga mata, hinawakan n'ya ang kamay ni Jackson. "Naiintindihan ko na..." sambit n'ya na ikinakunot ang noo ng asawa n'ya.

"Care to tell me, wife? Wala akong maintindihan."

Bahagya s'yang natawa. "You are an angel in disguise, love."

"Uh huh? Anong meron?"

"Naiintindihan ko na kung bakit nasaktan ako ng mangyari 'yon,"

"And?"

"Iyon ay dahil ansakit sa pakiramdam na binitawan ko 'yong mga bagay na matagal-tagal ko ring pinanghawakan, alam kong sabi ko wala ng halaga sa akin ang mga alaala pero kapag nandoon ka na pala sa puntong buong puso ka ng bibitaw bigla mo na lang maalala lahat tapos masasaktan ka 'di dahil may nararamdaman ka pa kundi dahil ang bigat sa loob na tanggap mo ng wala na talaga, ansakit kasi alam mong nakasakit ka din habang nasasaktan ka."

"May pinagsamahan kayo kaya ganoon."

Tumango si Faye. "Naiintindihan ko na rin kung bakit wala na kong maramdamang galit sa kan'ya kasi katulad ni itay, pinili n'ya lang ang sa tingin n'yang tama noong mga oras na 'yon."

"Wala ka ng galit dahil napatawad mo na s'ya." Ngumiti si Jackson. "I'm proud of you Fatima, nagawa mong magpatawad kahit pa napakasakit ng lahat."

Umiling si Faye. "This is because of you, your love made me this way." Niyakap ni Faye ang asawa.  "At aaminin ko, nasaktan talaga ko do'n sa mga pictures."

Niyakap din s'ya ni Jackson. "Hindi lahat ng bagay dapat paniwalaan, hindi lahat ng nakikita o naririnig ay totoo basta sigurado ako na hinding-hindi ako mangangaliwa, hindi kita ipagpapalit. Ikaw lang ang misis ko, Fatima."

Tiningnan n'ya ng masama ang asawa. "Siguraduhin mo lang! Pagnalaman laman kong nangangaliwa ka, gigilitan talaga kita ng leeg!" Banta ni Faye na ikinasimangot ni Jackson.

"Alam kong babaero ako noon, alam kong mali ang naging simula natin pero hindi kita magagawang pagtaksilan wife." Hinampas n'ya ang kamay nito ng haplusin ang likod n'ya, pinanlakihan n'ya ng mga mata ang asawa na tinawanan s'ya. "Okay ka na ba?"

"Huwag mo kong daanin sa gan'yan!" Sigaw n'ya na ikinatawa ni Jackson.

"Idaan saan?" Painosenteng tanong nito.

Hinampas n'ya ng malakas si Jackson ng ipasok nito ang kamay sa suot n'yang shirt habang yakap s'ya. "Tigilan mo nga!"

"Wala naman akong ginagawa," natatawang kaila nito pero nauwi iyon sa pagngiti. "Na-miss kita wife."

"Medyo okay na ko." Sagot n'ya sa tanong nito kanina.

Sumimangot si Jackson. "Hindi mo ko na-miss? Pagod kaya ako sa trabaho, ilang araw na kong hindi ayos kasi ni hindi kita makasama ng matagal. Bugnot na bugnot na nga ako."

"Totoo ba?" 'Di naniniwalang tanong n'ya.

"Oo, nakakabugnot na mukha ng babaeng 'yon ang lagi kong nakikita."

"Bugnot o nag-eenjoy?"

"Baby naman!" Naglalambing na reklamo nito. "Sa ganda mo lang ako nag-eenjoy magmasid."

Umirap lang si Faye at hindi umimik, nanatili lang silang nakatingin sa isa't-isa habang parang baliw na pangiti-ngiti si Jackson sa kan'ya na hindi din naman nakatiis at hinalikan s'ya sa labi. Kahit papaano'y para bang nabunutan na s'ya ng tinik at napawi na ang nararamdaman n'yang sakit matapos ang pag-uusap nilang iyon ng asawa n'ya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro