CHAPTER XXX: AMANDA
🍛🍛🍛
"Goodmorning!" Nakangiting bungad ni Acks kay Amanda ng pagbukas ng pinto ay kasama iyon ni Vladimir, agad na niyakap ng mahigpit ng anak n'ya ang batang babae na naiirita man ay tinapik lang ang likod ng makulit.
"Tuloy ka muna, nag-aasikaso pa." Sabi n'ya kay Amanda na tumango lang saka pumasok, tumakbo naman papasok ng kwarto si Acks para mag-asikaso ng sarili.
Iniligpit n'ya ang kalat na nasa sala dahil sa pag-aasikaso nila napahinto lang s'ya ng maramdamang may humawak sa suot n'yang damit, napatuwid s'ya ng tayo at nakita n'ya si Jackson na may kinuha sa tabi ng tv sa patungan. "You sure hindi ka sasabay?" Tanong nito sa kan'ya.
"Yup, maglilinis muna siguro ako habang iniintay si Cornellia." Sagot n'ya.
"At saan na naman kayo pupunta?"
Ngumiti s'ya. "Inaya n'ya ko sa Alexanderiate."
"Anlayo naman ng catch up n'yo."
"Gusto n'ya raw ng roadtrip, ewan ko ba do'n." Natatawang sabi n'ya.
Tumawag kasi si Cornellia kanina ng sobrang aga para lang sabihing gusto nitong makipag-catch up sa kan'ya at sa Alexandriate sila pupunta, pumayag s'ya kasi ngayon na lang naman ulit at wala rin naman s'yang kailangang asikasuhin sa store n'ya.
"Mama, nawawala po 'yong-" singit ni Acks pero agad na naitikom ang bibig ng mapatingin kay Jackson. "-hanapin ko pala po muna, hehe." Bawi nito saka tumakbo pabalik sa kwarto, takot itong dumaing ng ganoon ng hindi muna sinusubukang hanapin dahil pinagagalitan ito ni Jackson sa pagiging iresponsable sa sariling gamit.
Halos kalahating oras pa ang nakalipas bago natapos ang mag-ama n'ya sa pag-aasikaso, inihatid n'ya ang mga ito sa parking lot.
"Bye mama!" Nakangiting paalam ni Acks sa kan'ya matapos magpaalam kay Jackson.
Ngumiti s'ya. "Ingat," paalam n'ya saka inalalayan na itong pumasok sa passenger seat sa kotse ni Vladimir, inantay muna nilang makaalis iyon bago naman nagpaalam sa kan'ya si Jackson.
"Text mo ko kung hindi ka maihahatid pauwi ni Cornellia para susunduin kita, ha?" Bilin ng asawa n'ya habang nakayakap sa bewang n'ya.
"Noted, sige na umalis na rin kayo at baka ma-late si Amanda."
Hinalikan s'ya ni Jackson sa pisngi bago bumitaw at sumakay na rin, ngumiti s'ya saka nag-wave kay Amanda na nakatingin sa kan'ya ng may maalala s'ya, dinukot n'ya sa bulsa ang supot ng candies na kinuha n'ya sa bag ni Acks. Kinatok n'ya ang bintana kaya napatingin sa kan'ya si Jackson saka ibinaba iyon, magtatanong na sana ang asawa n'ya ng iabot n'ya ang supot kay Amanda.
"Candies can light up a day." Sambit n'ya saka ngumiti dahil napansin n'yang kanina pa ito parang wala sa mood.
"Salamat," tipid na sabi nito.
Tumango s'ya saka umatras na. "Ingat kayo."
Nginitian s'ya ni Jackson saka kumindat, pag-alis ng mga ito ay bumalik na s'ya sa unit para mag-asikaso ng sarili. Bago magtanghali ay dumating na si Cornellia para sunduin s'ya at bumiyahe na sila papunta sa gusto nitong puntahan.
"May tanong ako," 'di na makatiis na sabi n'ya ng nasa isang cafè sila, huminto sa pagslice ng muffin si Cornellia at tiningnan s'ya.
"Spill, darling."
"May alam ka ba tungkol kay Amanda?"
Napakunot ang noo nito. "Iyong anak ni Anna?" Tumango s'ya bilang sagot. "Anong gusto mong malaman hija?"
"Anong klaseng pagpapalaki ba ang ginawa nila Anna sa bata?" Diretsahang tanong n'ya.
"Sa pagkakatanda ko, noong nasa mansyon pa sila maayos naman ang pagpapalaki nila sa bata."
"Wala ka bang napapansing kakaiba?"
Napakunot ang noo ni Cornellia dahil sa sinabi n'ya. "Anong ibig mong sabihin?"
"Medyo bothered lang kami ni Jackson tungkol sa bata."
"Mabuti't ayos lamang sa'yo na talagang may anak s'ya sa iba?"
Napabuntonghininga s'ya. "Wala namang kinalaman ang bata."
"Alam mo," sumandal ang ginang. "Hindi ko maintindihan kung bakit sa lahat ng magiging ina ng anak ng asawa mo e 'yong bitch na 'yon pa."
Napatango s'ya. "Isa pa 'yan sa ikinaiirita ko 'yang babae na 'yan pero anong magagawa natin e sa may nakaraan sila bago pa ko dumating sa buhay n'ya."
Napailing-iling si Cornellia at 'di na nagkumento, alam na nito na badtrip s'ya kay Anna at alam na rin ng ginang na may anak si Jackson sa bruhilda ngunit hindi na n'ya sinabi pa ang tungkol kay Vladimir dahil pakiramdam n'ya hindi na dapat pang sabihin iyon.
Naubos ang oras nila sa window shopping, pagkain at chikahan. Pagsapit ng alas tres ay nag-aya na s'yang umuwi dahil paniguradong naroon na sa unit ang anak n'ya.
"Wala akong masyadong maalalang kakaiba tungkol kay Amanda pero may dalwang bagay na hanggang ngayon ay hindi mawala-wala sa isip ko," biglang sabi ni Cornellia ng malapit na sila.
"Ano?"
"Una palaging may pasa sa katawan si Amanda, pangalawa kapag nagagalit ang bata nagtatakip s'ya sa tenga at sumisigaw ng malakas saka mananakit." Hindi s'ya nakaimik ng marinig iyon. "Kung talagang gusto mong malaman, tanungin mo ng diretsahan." Suhestyon pa nito.
Binuksan n'ya ang pinto saka bumaba. "Salamat, ingat ka." Paalam n'ya, ngumiti lang ang ginang saka nagpaalam na din at umalis. Agad s'yang pumasok sa building dahil umaambon na.
Hindi na din nawala sa isip n'ya ang sinabi nito hanggang sa makapasok s'ya sa unit, nagtaka pa nga s'ya kung bakit wala pa ang anak n'ya kahit pa lagpas alas quatro na at nauna pa s'yang makauwi. Nagbihis lang s'ya at lumabas para sana i-check ito sa eskwelahan ng makasalubong n'ya ang anak n'ya kasama si Vladimir, napakunot ang noo n'ya ng makalapit ang mga ito sa kan'ya at parang basang sisiw ang dalawa.
"Anong nangyari sainyo?" Kunot ang noong tanong n'ya.
"Inabot kami ng malakas na ulan." Sagot ni Vladimir kaya napairap s'ya saka hinawakan na si Acks para umuwi.
Agad n'yang binalot ng twalya ang anak saka tinuyo matapos makapagbuhos, napahinto lang s'ya ng pamansing nakatayo lang sa may pinto si Vladimir habang halata namang nanginginig na sa lamig. Napairap s'ya saka kumuha ng isa pang twalya at ihinagis sa lalake.
"Magbuhos ka doon." Utos n'ya. "Baka sisihin pa ko ng asawa mo kapag nagkasakit ka." Ismid n'ya.
"S-salamat." Sagot nito saka pumasok sa banyo.
Napabuntonghininga s'ya saka ikinuha ng bihisan ang lalake kasabay ng pagkuha n'ya ng bihisan ni Acks. Inasikaso n'ya ang anak bago tinungo ang kusina para ipagluto ng mainit na makakain si Acks, pagkatapos n'ya ay dinala n'ya iyon sa sala kung nasaan nakaupo habang balot na balot ang anak. Naupo s'ya sa tabi nito at agad na yumakap sa kan'ya ang bata.
"Kumain ka na para mainitan ang sikmura mo." Utos n'ya sa anak na agad namang sumunod, binalingan n'ya si Vladimir na tahimik lang.
"Ikaw," tinaasan n'ya ito ng kilay. "Kumuha ka na lang doon." Utos n'ya pero ng hindi ito gumalaw kaya napasaltak s'ya saka kumuha, sa kapal ng mukha nito ngayon pa talaga nahiya.
"Salamat, faye." Sambit nito na hindi n'ya inimikan.
"Mama isa paaaa!" Ungot ni Acks kaya kumuha ulit s'ya para sa anak, kumain lang ng kumain ang dalawa hanggang sa kusa ng umayaw sa kabusugan, nakatulog habang nakayakap sa kan'ya si Acks samantalang nakaupo lang si Vladimir.
Bahagya s'yang sumandal saka binalot ang anak na hindi bumitaw sa kan'ya. "Napaka-lambing n'ya," rinig n'yang sabi ni Vladimir habang nakatingin sa anak n'yang tulog. "Parang ikaw, noon." Dagdag nito na ikinairap n'ya.
"Tigilan mo 'yang pag-reminisce mo baka 'di ako makapagpigil masipa kita palabas ng unit." Banta n'ya.
Naiiling na tiningnan s'ya ni Vladimir. "Masungit ka pa rin talaga."
Dinampot n'ya 'yong unan na malapit sa kan'ya. "Titigil ka, o isusungalngal ko sa'yo 'to?!"
Napabuntonghininga si Vladimir. "I'm sorry....sa lahat-lahat...."
"Tang-ina naman, sabing manahimik ka!" Galit ng sabi n'ya.
"Alam kong galit na galit ka sa akin at wala na akong magagawa doon, hindi ko na maaalis lahat ng sakit na naidulot ko sa'yo faye...." hindi nakaimik si Faye sa narinig. "Hindi ko na rin alam kung paano aayusin ang buhay ko....limang taon....na pakiramdam ko mamamatay na ako sa pangungulila sa'yo at ngayong-"
"-hindi na babalik ang lahat sa dati kahit pa anong drama o gawin mo." Matigas na sabi n'ya.
Nagbaba ng tingin si Vladimir. "Alam ko rin iyon, sapat na saking nasa malapit ka. Alam ko rin namang napunan na n'ya lahat ng pagkukulang ko, alam kong napalitan na n'ya ako sa puso mo pero-"
Naikuyom ni Faye ang kamay, ramdam n'yang unti-unti na s'yang nagiging emosyonal. "-hindi ka ba nandidiri sa mga sinasabi mo? Vladimir magkamag-anak tayo....k-kapatid ka ng i-itay ko!"
Tiningnan s'ya nito pero sa pagkakataon na iyon ay malungkot itong ngumiti. "Alam ko rin iyon, pero hindi....kahit pa magkamag-anak tayo...hindi ako nandidiri...totoong minahal kita at sa lahat ng mali sa buhay ko iyon lang ang naging tama.."
Hindi s'ya nagsalita, itinikom ni Faye ang bibig sa pag-asang mapigilan n'ya ang nagbabadya n'yang pag-iyak pero hindi iyon nangyari sapagkat kusang umagos ang mga luha n'ya kasabay ng pag-agos ng sakit na noon pa n'ya nararamdaman ng dahil sa ginawa nito sa kan'ya.
Pinilit n'yang 'wag humikbi para hindi magising si Acks na nasa mga bisig n'ya. "Niloko mo ako, v-vladimir." Pagdidiin n'ya.
Umiling ang lalake. "Itinago ko sa'yo ang totoo pero hindi kita niloko dahil ikaw lang naman talaga noong mga panahong iyon...."
"Huwag mong sabihing parehas kayo ng rason ni itay...?" Hindi umimik o sumagot si Vladimir at yumuko na lang. "Tang-ina.." 'di makapaniwalang sambit n'ya saka mariing pumikit.
"I'm sorry...I'm so sorry faye..."
"Sana hindi ka na lang bumalik...." mahinang sabi n'ya. "Hindi naman na kita kailangan....sana nanatili ka na lang sa malayo.....okay na ko e, akala ko hindi na masakit...." nagmulat s'ya ng mga mata. "Alam mo kung anong mas nakakadurog? Pinagmukha mo kong tanga...pinaniwala mo ko sa lahat ng kasinungalingan mo....tapos malalaman k-ko..." itinikom n'ya saglit ang bibig habang patuloy ang pag-agos ng mga luha n'ya. "Kung hindi ko pa n-nakita online...hindi ko malalaman ang totoo!"
"Faye...."
"Alam mo kung anong pakiramdam ko noong mga oras na 'yon?" Pinunsan n'ya ang mga mata n'ya. "Pakiramdam ko napakabobo ko, pakiramdam ko ang dumi-dumi ko dahil nagpagamit ako sayo!"
"I'm sorry....sorry!"
"Tapos haharap ka sakin ngayon ng wala kang ibang masasabi kundi sorry? Vladimir deserve ko ng paliwanag! Deserve kong malinawan sa lahat!"
Umiling si Vladimir. "Mas lalo mo kong kamumuhian kung ipaliliwanag ko sayo lahat faye....tama ng galit ka....sapat ng ayaw mo na sa akin, hindi mo na kailangang marinig lahat ng paghihirap ko." Tumayo ito. "Sapat na sakin na nalaman mong hanggang ngayon kahit hindi na tayo pwede, ikaw pa rin ang mahal ko...." tumalikod na si Vladimir at handa ng umalis.
"Aalis ka na naman?! D'yan ka talaga magaling ano?! Ang palagi akong iwanan ng wala man lang paliwanag!"
"Limang taon faye....pero ni isa sa mga araw na iyon hindi nagbago ang nararamdaman ko para sayo." Huling sambit nito bago tuluyang lumabas ng unit at naiwan s'yang umiiyak.
Sa pangalawang pagkakataon....pinili nitong umalis na naman at iwanan s'yang wala man lang kaliwanagan mula sa lahat ng nangyari noon.
Matapos ang araw na iyon ay hindi na s'ya muling kinausap pa ni Vladimir, ni hindi na ito nagpakita kahit pa kay Acks bagay na hindi n'ya alam kung ikapagpapasalamat n'ya o ikaiiyak n'ya dahil litong-lito na s'ya sa lahat ng bagay, ni hindi man lang s'ya nito hinayaang bigyan ng closure, ni hindi ito nagpaliwanag na mas lalong dumoble ang sakit na nararamdaman n'ya sa kaalamang wala itong balak na magpaliwanag sa kan'ya.
🍛🍛🍛
Promise babawi ako mamaya, wife.
Iyon ang sabi ni Jackson ng umagang iyon bago nagmamadaling umalis dahil hindi s'ya nito maihahatid, ibinigay din nito sa kan'ya ang susi ng kotse nito para iyon ang gamitin n'ya sa pagpasok maging sa paghatid sa dalawang bata sa eskwelahan, paano ay bigla na lamang tumawag si Chase na mayroon daw emergency kaya kinailangang pumasok ni Jackson ng mas maaga. Sabi nga nya'y dalhin na lang nito ang sasakyan pero magko-commute na lang daw ito tutal maaga pa naman at hindi pa ito maiipit sa traffic.
Matapos nilang mag-asikaso ni Acks ay umalis na rin sila para daanan si Amanda, paghinto ng kotse sa tapat ng gate ng bahay ng mga ito ay bumaba s'ya saka nag-doorbell. Ilang minuto s'yang naghintay bago bumukas iyon at bumungad si Anna na agad napairap ng makita s'ya.
"Amanda bilisan mo na! Nandito na ang sundo mo!" Iritang sigaw nito sa anak, 'di nagtagal ay nakita n'ya si Amanda na nagmamadaling lumabas ng bahay at lumapit sa kan'ya. Kinuha n'ya ang bag nito dahil ni hindi pa nga tapos mag-ayos ng uniform ang bata.
Napapailing na lang s'ya ng dumiretso na sa loob ng kotse si Amanda kaya umalis na rin sila, ayaw din naman n'yang magtagal doon.
"Bye mama!" Nakangiting paalam ni Acks matapos yumakap sa kan'ya, bumaling ang anak n'ya kay Amanda na di pa rin tapos mag-ayos ng sarili. "Bye!" Paalam ng anak n'ya na tinanguan lang ng batang babae. Lumabas na ang anak n'ya at kumaway pa bago tuluyang pumasok sa loob ng paaralan, 'di nagtagal ay nawala na ito sa paningin n'ya kaya bumaling s'ya kay Amanda.
Napabuntonghininga s'ya. "Lumipat ka na dito sa harap." Utos n'ya na hindi inimikan ng bata at sinunod, pag-upo nito sa passenger seat ay kinuha n'ya sa kamay ni Amanda ang suklay. "Ako na," sambit n'ya saka lumapit at sinuklayan ang bata.
"Hindi ka ba talaga n'ya inaasikaso?" 'Di na n'ya mapigilang tanong habang tinatalian ang buhok ni Amanda.
"Mahalaga ba 'yon?"
"Oo."
Saglit s'yang nilingon ni Amanda. "Hindi ko kailangan,"
"Kahit hindi mo kailangan, masarap pa rin sa pakiramdam kapag alam mong may nag-aalaga sa'yo."
"Kaya ko ang sarili ko, hindi ko kailangan ng babysitter."
"Sige sabi mo e," pagbibigay na lang n'ya saka ngumiti. "Ayan, okay na." Sambit n'ya saka umayos na ng upo.
"Salamat."
Tumango s'ya saka nagsimula ng magmaneho. "Since ayaw mo ng may nag-aalaga sa'yo, sabihan mo na lang ako kung kailangan mo ng magtuturo sa'yo."
"Hindi naman ako bobo para kailanganin pa ng magtuturo." Ismid nito na bahagyang ikinatawa n'ya.
"Alam ko, hindi din naman ibig sabihin na tuturuan kita e bobo ka na."
"Bakit ba ginagawa mo 'to?"
Napakunot ang noo ni Faye. "Anong ibig mong sabihin?"
"Bakit nagta-tyaga kang pakisamahan ako?"
"Amanda-"
"-hindi naman ako tanga, alam kong ayaw mo sa mommy ko. Ginagawa mo ba 'to para mas mahalin ka ng lalakeng 'yon?"
Umiling s'ya. "Ginagawa ko 'to dahil gusto kong mapalapit sa'yo, akala mo ba napipilitan ako?"
"Bakit hindi?"
"Isipin mong mabuti Amanda, kung iyon ang dahilan ko bakit magtitiis akong lumapit sa'yo kung mahal naman n'ya ako." Napangisi s'ya. "Pakaingatan mong mabuti ang bawat salitang bibitawan mo hija, ikapapahamak mo 'yan pagdating ng panahon."
Nagsalubong ang mga kilay ni Amanda. "Pinagbabantaan mo ba ako?"
Umiling si Faye. "Hindi, wala namang rason para pagbantaan kita. Ang sa akin lang binabalaan kita, sa talim ng dila mo at sa gaspang ng ugaling ipinakikita mo darating ang araw na 'yang mga 'yan ang magdadala sa'yo sa kapahamakan at hangga't wala pa iyon, subukan mo namang ayusin man lang."
"At sino ka para pakinggan ko?"
"Hindi ka man makinig ngayon, balang-araw sasabihin mong tama ako." Ihininto n'ya ang kotse. "Mag-aral ka ng mabuti." Nakangiting paalam n'ya pero hindi umimik si Amanda at lumabas lang saka naglakad papasok sa eskwelahan na pinapasukan nito ng hindi man lang s'ya nililingon. Napabuntonghininga s'ya saka dumiretso sa store n'ya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro