Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER XXVI: LIE AND TRENDS

🍛🍛🍛

Nagising si Faye ng nasa loob na ng kwarto nila ni Jackson, ramdam pa nya ang kirot ng sintido nya at ang sakit na dulot ng pakikipag-away nya kay Anna. Dahan-dahan syang naupo mula sa pagkakahiga kahit pa parang may pasa ang mga braso nya dahil sa pilit na pagsalag nya sa pananakit ni Anna na itinutulak nya.

Bumukas ang pinto ng makaupo sya ng tuluyan, napatingin sya doon at nakita nya si Jackson.

"Gising ka na pala," lumapit ito at naupo sa tabi nya, inilapag nito ang dala. "Ayos ka lang?" Tanong ni Jackson sa kanya na tinanguan nya, napabuntonghinga ang asawa nya at sinimulang gamutin ang mga braso nya saka lang nya napansin na may ilang mga sugat sya marahil iyon ay mula sa pangangalmot ni Anna.

"Jackson..." mahinang sambit nya.

"Hmmm?" Sagot nito na hindi man lang sya matingnan at nakatingin lang sa ginagawa.

"Mahal mo ba talaga sya?"

Napaangat ng tingin si Jackson at agad na napatingin sa kanya. "Fatima...."

"Gusto mo bang balikan sya....?" Lakas loob na tanong ni Faye.

Nanlaki ang mga mata ni Jackson at halos di sya makapaniwala sa naririnig mula sa asawa, agad nyang inilapag ang hawak at humarap ng tuluyan kay Faye. "Fatima, hindi!" Tumaas ang boses nya dahil sa gulat.

"Ayos lang naman...." nagbaba ng tingin si Faye. "Tapos na ang lahat Jackson...alam ko na, hindi mo kailangang magpanggap....hindi ka na mahihirapang magsinungaling...hindi mo na kailangang-"

"-nakikipaghiwalay ka ba sakin-"

Nag-angat sya ng tingin. "-gusto mo bang humiwalay sakin?"

Bakas pa rin ang gulat sa reaksyon ni Jackson. "Fatima, ayoko!" Mabilis na sagot ni Jackson dahil sa takot na unti-unting umaangat sa dibdib nito.

"Pero may anak ka sa kanya....'yong tunay, kadugo mo 'yon..."

"Fatima..." hinawakan ni Jackson ang kamay nya, nagbaba ulit si Faye ng tingin dahil pakiramdam nya naiiyak na sya. "Hindi ko babalikan si Anna-"

"-pero mahal mo sya di ba? Bakit hindi...?"

"Fatima, ikaw ang mahal ko!"

"Tapos na Jackson...huwag ka ng magsinungaling,"

"Hindi ako nagsisinungaling!"

"Alam ko na lahat...bakit hindi mo pa aminin?"

"Fatima, alam kong nagkamali ako noon pero hindi ibig sabihin na mali na rin ngayon!"

"Ano bang pinagkaiba...?" Pinahid nya ang luhang tumulo sa pisngi nya. "No'ng malaman ko kay Kristel lahat, akala ko masakit ng malamang niloloko mo ko pero pinili kong manahimik....natakot akong masira ulit...inisip ko na ang importante 'yong ngayon...ang mahalaga nanatili ka...pinanindigan mo si Acks...pero 'yong kanina...no'ng kay Anna mismo nanggaling...masakit pa rin pala....mas masakit kasi hanggang ngayon di mo magawang aminin sakin..."

"Hindi ka...naniniwalang mahal kita...?"

Binawi nya ang kamay nya saka niyakap ang mga binti nya. "Akala ko kaya kong pumikit....kaya kong 'wag indahin ang sakit...gusto kong iparamdam sayo na kaya ko syang higitan...kaya kitang piliin...akala ko kaya kong 'wag mangamba sa malalaman ko, dahil mas natatakot ako sa magiging epekto ng lahat ng 'to sayo...kaya kong tanggapin...gusto kitang protektahan sa lahat ng sakit...pero habang tumatagal pakiramdam ko...hindi ko na alam ang pinagkaiba ng totoo sa lahat ng kasinungalingan mo."

"Fatima...simula ng ikinasal tayo, lahat ng 'yon totoo-"

"-pero ang nararamdaman mo...sya pa rin, di ba?"

"Hindi-"

"-nakita ko-"

"-fatima! Bakit ba ayaw mo saking maniwala?!"

"Bakit ba ayaw mong sabihin sakin ang totoo?!"

"Iyon nga ang totoo!" Napasabunot ito sa sa sariling buhok dala ng frustration. "Ikaw ang mahal ko! Hindi sya! Hindi ang kung sino!"

"Kung ako ang mahal mo...kung totoo lahat ng 'to...." tiningnan nya si Jackson. "Bakit hindi mo nagawang sabihin sakin ang totoo?"

Hindi nakaimik si Jackson. "Kung hindi pa nag-alala sa akin si Kristel...kung hindi nya sinabi...hindi ko malalaman!" Hindi sya galit, alam nya 'yon sa sarili nya, ang tanging nararamdaman nya ay sakit at sama ng loob dahil kung tunay ang lahat bakit tumagal ng ganito ang pagsasabi ng asawa nya ng totoo?

"Natakot ako..." mahinang pag-amin ni Jackson. "Natakot akong baka kapag sinabi ko sayo...baka iwanan mo ko...baka mawala kayo ng tuluyan sa akin...nakita ko 'yon fatima, noong nasaktan kita...natakot ako na baka kapag mas nasaktan ka sa malalaman mo, bigla mo na lang akong bitawan...ayokong iwanan mo ko...hindi ko kaya..."

"Kaya mas kinaya mong lokohin ako ng ganito katagal..? Jackson-" napahinto si Faye ng lumapit ang asawa nya, pilit nitong hinawakan ang mga kamay nya.

"Kaya kong ibaon hanggang sa hukay ko lahat ng kasinungalingang binuo ko bago tayo kinasal, huwag ka lang mawala sa a-akin..." saglit na itinikom nito ang bibig ng mabasag ang boses, "....fatima, hindi pa ko nakaramdam ng takot sa buong buhay ko...noong iwanan ako ni Anna, no'ng malaman kong ginamit nya lang ako, pakiramdam ko hindi ko alam ang gagawin ko, nawalan ng direksyon lahat dahil wala akong ibang ginawa kundi sundin sya kaya ng iwan nya ko hindi ko alam kung ano pang susundin ko..." napaangat ng tingin si Faye saka nya lang napansin ang mga mata ni Jackson, lumabas na ang sakit at lungkot sa mga iyon. "Ni hindi ako nakaramdam ng takot noong iwanan nya ako....pakiramdam ko kahit nasaktan ako, mas nagpapasalamat akong iniwan nya ko dahil kung hindi...kung hindi ako naging uto-uto hindi ka mapupunta sa akin, alam kong magagalit ka kapag sinabi kong hindi ako nagsisising inagaw kita kay Vladimir....pinagsisisihan kong nasaktan kita ngayon pero hindi ng agawin kita..."

"J-Jackson..." umiiyak na sambit nya.

"Mahal kita fatima faye....patuloy kitang mamahalin kahit pa iwanan mo ko, kahit balikan-"

"-hindi ko sya babalikan!" Kontra nya na ikinatawa ni Jackson kahit pa parehas silang umiiyak.

"Ikapapanatag ng loob ko kung totoo, fatima."

"Ako hindi! Hindi ako napapanatag!" Iyak na sigaw nya.

Napabuntonghinga si Jackson saka pinunasan ang mga luha nya, nag-open arms ito at yumakap sya ng mahigpit sa asawa, niyakap rin sya nito. "Lahat ng nakita mo ng ikasal tayo ay totoo, iyon ang tunay na ako fatima..."

Tiningnan ni Faye si Jackson. "Tanggap ko 'yon...lahat,"

Napangiti si Jackson. "Salamat,"

Hinawakan ni Faye ang magkabila nyang pisngi. "Alam mo kung anong ikinagagalit ko?"

"Ano po?"

Tiningnan ni Faye ng masama ang asawa. "Antanga-tanga mo! Hinayaan mong gamitin ka ng babaeng 'yon! Kung tratuhin ka nya parang hindi tao! Kung magsalita sya akala mo kung sino! Hinayaan mong mauto ka-" napahinto si Faye sa pagsasalita ng halikan ni Jackson ang mga labi nya.

"Thank you, wife..." sambit nito ng bitawan sya. "Medyo, di magandang babae ang nagtatanggol sa lalake pero thank you, ipinagtanggol mo ako sa kanya." Ngumisi si Jackson. "At pinamukha mo kay Vladimir na mahal mo ko with matching iyak iyak pa."

Napairap sya saka kinurot ang asawa. "Nagawa mo pa talagang matuwa ngayon! Samantalang pinipigilan mo ko kanina!"

"Kung di kita pinigilan baka nabugbog mo ng husto 'yon,"

Napataas ang kilay nya. "So, ayaw mong mabugbog ko sya? Kasi ano? Mahal mo?!"

Napatawa si Jackson. "Baliw ka talaga, ikaw nga ang mahal ko."

"Ayos ayusin mo lang Jackson, hindi kita ipinaglalaban para lang bumalik ka sa babaeng 'yon." Pagbabanta nya.

Naglalambing na niyakap sya ng asawa. "Hindi naman talaga ako babalik sa kanya, kuntento na ko sainyo ni Acks."

"Pero pa'no 'yong anak mo sa kanya..?"

"About that....sigurado ka ba talagang sa akin 'yon?" Nag-aalangang tanong ni Jackson na tinanguan nya.

Humiwalay sya saka may kinuhang box sa ilalim ng kama, kinuha nya mula doon ang isang brown envelope saka ibinigay kay Jackson. Binuksan iyon ng asawa nya at tiningnan, nanlaki ang mga mata nito ng mabasa ang nakasulat sa papel.

"Pa'nong...?" Di makapaniwalang tanong ni Jackson.

"Ipina-DNA ni Kristel, baka daw hindi ko paniwalaan e."

Napailing-iling si Jackson. "Ang babaeng 'yon talaga,"

"So, anong balak mo? Mukhang okay naman si Acks sa kanya." Tanong nya na ang tinutukoy ay ang anak nito kay Anna.

"Hmmm? Samahan mo kong kausapin si Anna, kung hindi nya ibibigay sa akin ang bata, kahit araw na lang na pwede kong makasama," napahinto si Jackson ng maalala. "Si Acks...baka ipilit ni Vladimir na kunin kayo sakin..."

Napataas ang kilag nya. "Mukha bang papayag ako? Ang kapal nya sa part na hahabol sya matapos ang 6 years! Matapos nya kaming talikuran at iwan, sisiksik sya ngayon?!"

"Teka," awat ni Jackson dahil tumataas na naman ang tono ng boses nya. "Love, kalma."

"Nakaka-highblood," napa-pout sya. "Gusto ko syang saksakin! Naiirita ako sa pagmumukha nya!"

"Hindi ka naman buntis? Ayokong paglihian mo ang gagong 'yon." Biro ni Jackson.

Napakurap-kurap si Faye saka kinuha ang cellphone at tiningnan ang calendar tracker nya. "Hindi pa ko nagkakaroon...." tiningnan nya si Jackson. "Delayed na ko, love."

Imbis na mangamba ay natawa si Jackson. "Edi, congrats magkaka-baby na tayo!" Masayang sabi nito.

"...seryoso? Ngayon talaga...?" Di makapaniwalang sabi nya.

"Well, there's always a good in every badnews love."

"Good in every badnews," umismid sya. "Sinadya mo 'to kamo,"

"Love, hindi ka humihindi kaya."

"Ay so kasalanan ko pala?" Napairap sya. "Sorry ha," sarcastic na namang sabi nya na tinawanan lang ni Jackson.

"Mag-pregnancy test ka love, para makapag-celebrate na tayo."

"Baliw, bilhan mo kaya ako!"

"Okay, sige lalabas ako." Sang-ayon nito saka akmang bibitawan na sya ng pigilan nya. "Bakit?"

"Bukas na lang," nag-open arms sya. "Hug mo na lang muna ako, na-stress ako ng bongga ngayong araw."

Natatawang napailing na lang si Jackson at sinunod ang gusto nya, isang oras na silang tahimik habang nakahiga at yakap sya ng asawa matapos ang iyakan nila ng may maalala sya.

"Jackson," tawag nya.

"Hmmm?"

"May mga tanong ako, sumagot ka ng totoo kung ayaw mong taguan kita ng anak." Pananakot nya.

Natawa si Jackson. "Para namang makakatago ka sakin,"

"Magaling ako magtago, akala mo ikaw lang?" Mataray na sabi nya.

"Silly, nababaliw ka na naman."

Napa-pout si Faye saka dumapa para makita ang mukha ni Jackson na nakayakap pa rin sa bewang nya. "Iyong totoo, bakit mo ba inako si Acks at pinakasalan ako?"

Napabuntonghinga si Jackson. "Pinakasalan kita kasi ayokong pabayaan kayo matapos kong masira ang dapat na pamilya nyo, inako ko si Acks kasi kinakain ako ng kunsensya sa tuwing maiisip kong inalisan ko sya ng pagkakataong magkaroon ng buong pamilya. Totoong ayokong maramdaman nyang mayroong kulang sa kanya, natakot ako na baka 'yong susunod mong mamahalin ay hindi sya matanggap..."

"Dahil 'yon ang naranasan mo sa step father mo, taliwas sa mga sinabi mo noon."

"Oo, kaya ayoko ring ilapit sya sa mga magulang ko. Ayokong masaktan sya ng dahil lang sa mga sasabihin nila. Hindi naman kasi damay sa lahat ng pagkakamali ko si Acks."

"Sabagay, sa bunganga pa lang ni tiya parang iiyak na si Acks kung makakaharap nya 'yon."

Napatango si Jackson, bahagya itong umangat at nagdagdag ng unan sa likod saka sumandal. "Hindi naman kabawasan kung hindi nya makilala sila Mommy, pinakilala ko naman na sya sa lahat maging kay Kristel saka na siguro kapag nasa tamang edad na ang anak kong 'yon, hindi ko din naman sya itinatago, ipinagsisigawan ko pa ngang akin sya." Natatawang sabi ng asawa nya kaya napangiti sya. "Bakit?" Tanong nito ng mapansin ang ngiti nya.

"Thank you, pinoprotektahan mo sya."

"Oo naman," balewalang sagot ni Jackson saka ngumiti. "Anak ko 'yon, fatima." Nagmamalaking sabi nito.

Pinisil nya ang pisngi ni Jackson. "Oo na."

"Pero love, hindi ka ba talaga galit man lang sakin?" Nag-aalalang tanong nito.

"Sa totoo lang, noong sinabi sakin ni Kristel na niloloko mo ko, noong sinabi nyang plinano nyo ni Anna lahat para makuha nya si Vladimir....pakiramdam ko gustong-gusto kong magalit sayo. Noong sinabi nya na kaya mo ginawa 'yon kasi mahal na mahal mo si Anna, pakiramdam ko nainggit ako sa bruhildang 'yon.....naisip kong sana ako na lang sya. Noong sinabi ni Kristel na ginamit ka lang naman ni Anna, na hindi ka naman nya minahal, na ginawa ka lang nyang pampalipas oras at laruan....nasaktan ako para sayo, pakiramdam ko nalusaw ang galit ko." Ipinatong nya ang baba sa may balikat ni Jackson. "Tsaka kung magagalit ako sayo, pakiramdam ko hindi rin tatagal."

Ngumisi si Jackson. "Ganyan mo ko kamahal?" Umiling si Faye. "Love, antulis ng baba mo." Reklamo sa kanya.

"Oyyy!" Hinawakan nya ang baba. "Grabi ka, hindi naman!"

"Biro lang, tuloy mo na."

Umirap sya. "Ayon, pakiramdam ko hindi rin tatagal ang galit ko kasi alam kong nasasaktan ka rin naman, nakikita ko 'yon sa mga mata mo."

"Nasasaktan ako?" Gulat na tanong ni Jackson.

"Oo, itanggi mo pa ramdam ko naman. Nasaktan ka ng dahil sa mga magulang mo, pakiramdam mo hindi ka mahalaga sa kanila. Nasaktan ka ng malaman mong ginamit ka lang ni Anna kasi pakiramdam mo ginawa mo naman ang lahat, binigay mo best mo pero nasaktan ka pa rin ng di ka nya piliin,"

"Kaya natakot ako no'ng nasaktan kita, natakot akong baka hindi mo din ako piliin." Pagtutuloy na amin ni Jackson.

"Hindi kita piliin?"

"Yes wife, just so you know. I also have alot of my damn insecurities which makes me feel na hindi ako kapili-pili."

"Ano naman 'yon?"

Napakunot ang noo ni Jackson. "Iisa-isahin ko talaga?"

"Ayaw mo?"

"Pwedeng 'wag? Nakakahiya, wife."

Napasimangot sya. "Sakin pa nahiya," napairap sya. "Kiss ko na lang para mawala, insecurities mo." sabi nya saka ngumuso na ikinatawa ni Jackson saka dinampian sya ng halik sa labi.

"Ayaw mo talaga?" Tanong nya.

"Wife, ayos lang ako."

"Pero pa'no pagtinamaan ka na naman no'n?"

"Sayo lang naman ako tinatamaan."

Napairap sya. "Halata nga," yumakap sya sa leeg ng asawa. "Basta tandaan mo laging mahal kita always."

"Huwag mo ring kalimutang ikaw ang mahal ko, baka tamaan ka na naman ng kabaliwan mo, kung sino-sino na naman ang ituro mo."

Napalabi si Faye. "Totoo namang mahal mo sya ah?" Katwiran nya.

"Minahal, past tense love at hindi na mangyayari ulit."

"Gano'n din 'yon," pagpipilit nya.

"Magkaiba 'yon, mahal kita at patuloy kitang mamahalin. Present and future, magkaibang-magkaiba."

"Ewan ko sayo," humiwalay sya. "Magbabanyo muna ako." Paalam nya saka bumaba ng kama, lumabas ng kwarto at pumasok sa banyo. Pag-upo nya sa bowl, nakita nyang may pulang stains ang panty nya. Pagkakita nya pra bang sumama ang pakiramdam nya, inasikaso nya muna iyon saka sinilip din si Acks sa kabilang kwarto bago nanghihinang bumalik sa kwarto nila ni Jackson, sumampa sya sa kama at nahiga sa tabi ng asawa nya.

Pakiramdam nya para syang naupos bigla sa nakita. "Ayos ka lang?" Tanong ni Jackson ng mapansing hindi sya umiimik, lumapit sya at niyakap ang asawa saka itinago ang mukha. Bigla na lamang syang nakaramdam ng bigat sa dibdib at naiyak.

"Wife!" Nagpapanic na sambit ni Jackson saka ihihiwalay sana sya pero yumakap sya ng mahigpit. "Anong nangyari? Sorry....'wag ka ng umiyak, ikaw lang naman talaga ang mahal ko-"

"-hindi 'yon." Umiiyak na putol nya sa sinasabi nito.

Napakunot ang noo ni Jackson. "Ano? Bakit ka umiiyak?"

"Pag-upo ko sa bowl may red stains....may mens na ko, d-delayed lang pala pero hindi ako b-buntis." Iyak nya.

Marahang niyakap sya ni Jackson. "Wife, tahan na. Okay lang 'yan."

"Pa'no naging okay 'yon?"

"Huwag mong iyakan, wife marami naman tayong chance. Kung wala pa edi ulitin natin, kung wala pa din edi ulitin ulit."

Napasimangot si Faye. "Hindi ka nanghihinayang na hindi pala?"

"Medyo, pero hindi naman ibig sabihin no'n na hindi na pwedeng sumubok ulit."

"Bakit ang optimistic mo? Ayaw mo ba?" Tanong nya saka tiningnan si Jackson.

"Syempre gusto ko." Pinunasan ng asawa nya ang mga mata nya. "Wife, to have a child on you is one of my biggest dream pero kung hindi pa ngayon ay ayos lang naman. Ang mahalaga sa akin ngayon ay magkakasama tayo ni Acks, hindi naman natin kailangang magmadali. We have all the time to try, 'wag ka ng umiyak magkaka-little fatima din tayo soon."

"Pakiramdam ko kasi parang nawala 'yon hope. I don't wanna disappoint you love."

Pinisil ni Jackson ang pisngi nya. "Such a cutie wife, you didn't disappointed me. Expected ko ng delayed lang talaga, after all masyado kang stress lately dahil sa business mo."

"Alam mong delayed?"

"Para namang hindi ko bilang," natatawang sagot ni Jackson. "Tahan na,"

Niyakap nya ulit si Jackson ng mahigpit. "I love you..."

"I love you more, mabuti pa matulog na tayo at masyadong mabigat ang araw na 'to, kailangan mong magpahinga." Bahagya syang humiwalay ng marinig iyon. "Long pads suot mo?"

Umiling si Faye. "Ubos na 'yong long pads, nalimutan kong magstock ulit."

"Okay," bumitaw si Jackson sa kanya. "I'll buy for you."

"Pero gabi na," pigil nya.

"Mabilis lang naman kao, kaysa hindi ka makatulog ng maayos." Hinalikan nito ang pisngi nya. "Do you want any foods?"

Umiling ulit si Faye. "Bilisan mo na lang." Sagot nya.

"Okay," sabi ni Jackson saka kinuha sa patungan ang wallet, nagsuot ng cap at lumabas ng kwarto.

Napatakip na lang sya ng unan sa mukha, ang asawa nya....alam na alam nito kung anong kailangan nya sa lahat ng pagkakataon at sitwasyon. Napabuntonghinga sya ng maalala ang mga nalaman nya, alam nyang kahit pa anong mangyari ay hindi sya bibitaw pero natatakot sya sa magiging pagbabago ng buhay nila dahil sa pagsiwalat ng lahat.

Abala sya sa pag-iisip habang nakapikit ang mga mata ng maramdamang umangat ang unan na nakatakip sa mukha nya at may humalik sa pisngi nya, agad nyang iminulat ang mga mata at nakita nya si Jackson na agad na nakangiti sa kanya. Bahagya nitong itinaas ang dalang paper bag, bumangon sya saka naupo. Inilabas ni Jackson ang laman ng paper bag at napangiti sya ng makitang ang paborito nyang siopao 'yon tsaka may kasamang slurpee.

Akmang aabutin na nya iyon ng ilayo ni Jackson saka ibigay sa kanya ang isa pang paper bag, napasimangot sya.

"Magpalit ka muna, wife." Sabi nito sa kanya, naiinis na tumayo sya saka dinala 'yong paper bag sa cr para mag-asikaso. Paglabas nya matapos magpalit ay napansin nyang bukas ang ilaw sa kusina, naglakad sya papunta doon at napangiti sya ng makitang nakatayo si Jackson do'n. Lumapit sya at nakita nyang abala sa kalan ang asawa nya.

Niyakap nya ito mula sa likod. "Anong ginagawa mo?" Tanong nya at agad sya nitong tiningnan.

"Nagluluto ng french fries?"

"Para saan?" Kunot noong tanong nya kasi bumili naman na ito ng siopao.

"Sayo?"

Bumitaw sya saka tumayo sa tabi nito. "Bumili ka naman na ng siopao ah?"

"Sapat na ba 'yon?" Taas kilay na tanong nito.

Alanganing ngumiti sya saka umiling. "Thank you, love."

Naiiling na ngumiti si Jackson. "Anything for you, wife." Sagot nito saka ibinalik ang tingin sa ginagawa.

Lumapit sya sa ref habang may ngiti sa mga labi, sinong spoiled? Syempre sya, laging ganito ang asawa nya sa tuwing may menstruation sya. Actually hindi nga lang tuwing ganoon kundi sa tuwing magkakaroon ito ng pagkakataon ay palaging binibili nito ang lahat ng gusto nilang mag-ina, ni minsan ay hindi nya naranasang tipirin sya ni Jackson lalo na kapag pagkain ang usapan.

"Love," tawag nya sa pansin nito ng magsimula syang kumain ng yogurt.

"Hmmm?"

"May tanong ako,"

"Ano?"

"Actually noon ko pa naiisip 'to, saan mo nakuha ang ideyang 'yan?"

Napakunot ang noo ni Jackson. "What do you mean?"

"I mean, saan mo nakuha ang ideyang food spoiling everytime may mens ako? Nabasa mo online?"

Nagsalubong ang mga kilay nito. "Online? You mean, socmeds?"

Napatango sya kahit di naman ito nakatingin sa kanya. "Alam mo ba 'yong laman ng mga secret files ngayon?"

Napatingin sa kanya ang asawa at napahinto sa ginagawa. "Secret files? I don't know about that damn files, anong meron?"

"Wala naman, may nabasa lang kasi ako do'n na kaparehas ng nigagawa mo."

"You mean, cooking french fries?"

Natawa sya ng di pa rin nito maintindihan ang tinutukoy nya, lumapit sya saka kumuha ng french fries at dinip sa kinakain nyang yogurt. "I mean, you spoiling me foods pag-may mens ako, may nabasa kasi akong gano'n." Paliwanag nya saka kumain.

"You mean, everyone doing this?" Napatingin ito sa kanya at agad na hinalikan ang labi nya, hinampas nya ang asawa ng bumitaw.

"Jackson! May allergy ka sa yogurt!" Gulat na paalala nya dahil sa ginawa nito.

"Di naman siguro nakakamantal kung galing sayo,"

Napairap sya. "So saan mo nga nakuha 'yong idea?"

"I honestly don't know about it being trend in socmed, alam mo namang hindi ako gaanong gumagamit ng ganoon." Isinalin nito ang niluluto. "You always using my phone, you saw that I rarely use my accounts."

"Yup, pinagbibintangan ka na ngang sinauna nila Yammie e." Natatawang sang-ayon nya.

"Mas prefer kasi natin ng private relationship," tiningnan sya ni Jackson. "Why? You want me to post about us?"

Agad syang napailing. "Baliw hindi, kawawa naman 'yong kabit natin baka sumama ang loob."

Napatawa si Jackson sa biro nya. "Silly, wala tayong oras mangabit wife."

"Masyado bang time consuming marriage natin?"

Umiling si Jackson. "Wife, our marriage doesn't even required us to spend too much time with each other however I always wanna spend all my time with you."

Napalabi sya. "Ganoon din naman ako, pero di mo sinagot 'yong tanong ko kanina."

Naghugas ng kamay si Jackson kaya napausog sya paatras. "I don't have to rely on socmeds or even follow any trends just to know what to do or what things to provide for you." Nagpunas ng kamay ang asawa nya. "I did what I think you deserve, wife."

"So, sariling ideya mo 'yon?" Usisa nya pa.

"Of course, ni hindi nga grand gestures 'to e."

Napangiti sya sa kaalamang iniisip din pala ng asawa nya kung ano ang mga dapat na ginagawa nito para sa kanya ng hindi nya sinasabi, hinihingi o dini-demand. Totoo nga sigurong kapag mahal na mahal ka ng isang lalake, kusa nilang gagawin ang mga bagay para sayo dahil sa nakikita nya palagi sa asawa, masaya ito kapag nakakapag-provide para sa kanya at kay Acks.

"Hindi grand gestures?" Humaba ang nguso nya para mangatwiran. "Di mo ba alam love, madaming girls out there na humihiling na sana may ganitong gestures din sa kanila ang jowa nila."

Hinawakan nito ang bowl na pinaglagyan ng niluto saka hinawakan ang kamay nya at iginiya sya pabalik sa kwarto nila. "Kaya, grand gestures 'to love, rare pa nga e!" Pagpapatuloy nya kahit pa nasa loob na sila ng kwarto.

Inilapag ni Jackson ang hawak sa carpet na nakalatag sa lapag saka kinuha ang laptop. "Alam mo wife, bawas-bawasan mo ang kababasa sa secret files na sinasabi mo."

Napasimangot sya saka tumabi sa asawa na dedma lang kahit nakasilip sya sa ginagawa nito sa laptop, napaka-transparent ng asawa nya sa lahat ng ginagawa nito, parang wala nga syang maalalang ipinagdamot nito ang laptop or cellphone nito sa kanya, wala syang maalalang pinagtabuyan sya o pinagbawalang tumingin o manood sya sa ginagawa nito kapag abala si Jackson sa cellphone o maging sa laptop nito, ni wala ngang passcode ang mga 'yon.

"Bakit naman?" Tanong nya.

"Hindi magandang lahat ng bagay naka-depende sa social media, hindi lahat ng nababasa mo do'n ay totoo."

Napakamot sya sa ulo, lagi syang nasasabihan nito ng ganoon paano ay kung gaano ito kadalang gumamit ng socmeds ay ganoon naman sya kadalas, naaaliw kasi syang magbasa-basa doon.

"Sabi ko nga," sagot nya, inilapag nito ang laptop ng may nagpi-play ng movie do'n. Kumuha na lang sya ng unan at dumapa habang patuloy na kumakain, napahinto lang sya saglit ng maramdamang itinatali ni Jackson ng maayos ang buhok nya. "Salamat," nakangiting sabi nya.

Tumabi rin ito sa kanya saka nakihati sa kinakain nya, abala ito sa panonood ng sumuot sya sa ilalim ng braso nito, saglit na napatingin sa kanya ang asawa saka inilapit sya at nanood na ulit.

Makalipas ang ilang sandali ay nakaramdam na sya ng antok kaya uminom na sya ng tubig saka inayos ang unan at tumihaya, tiningnan sya ni Jackson. "Inaantok ka na?" Tanong nito.

Tumango sya saka niyakap ang leeg nito, napasubsob sa unan si Jackson na bahagya nyang ikinatawa. Sumaltak lang ang asawa nya saka umayos ng higa at niyakap nya. Ipinikit na nya ang mga mata at agad syang nakatulog ng mahimbing.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro