Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER XXV: SHE KNOWS

🍛🍛🍛

Napaka-busy nya sa mga sumunod na linggo at wala syang panahon para magkamali, iyon ang palagi nyang ipinapaalala sa sarili dahil ayaw nyang mapahiya si Cornelia sa nais nito. Nakakaramdam pa rin naman sya ng konsensya dahil hindi pa nya magawang sabihin ang tungkol sa ginang sa inay nya pero naisip nya kasing bago ipaalam sa ina ay nais nya munang makaharap ang kanyang ama.

"Napaka-bait mo, love." Di makatiis na sabi ni Jackson habang tinutulungan sya sa paghahanda para sa birthday ng itay nya bukas.

Napahinto sya sa ginagawa at tiningnan ang asawa. "Bakit naman?"

"Kasi kahit pa alam mong galit ka kay tiyo at may sakit kang iniinda dahil sa nagawa nya, ayan at pinagbigyan mo pa rin ang asawa nya." Tiningnan sya ni Jackson. "Siguro kung ako 'yon baka ipinagtabuyan ko na sya lalo pa't nasaktan ang nanay ko."

Napabuntonghinga sya. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit kahit galit ako kay itay sa pang-iiwan nya kay nanay, hindi ko pa rin magawang idamay sa galit ko si Cornelia. Oo noong una, galit din ako sa kanya pero no'ng malaman ko ang side nya. Pakiramdam ko nakunsensya ako sa pagdamay sa kanya sa galit ko."

"Palagi kayong lumalabas lately di ba?"

Tumango sya. "I got to know her because of that." Naupo sya sa tabi ni Jackson at tumulong sa paghihiwa. "Alam mo ba love, namatay na pala ang anak nila ni itay."

Napatingin sa kanya si Jackson. "Namatay?"

"Oo, year 2016 pa raw."

Tiningnan syang mabuti ni Jackson. "Kaya ba hinahayaan mo syang ayain ka na lumabas?"

"Actually oo," huminto sya sa paghiwa. "Na-mi-miss nya raw kasi ang unica hija nya."

"Wala ba syang apo?"

"Meron daw kaso ibinilin ni Melissa sa pamangkin nya na anak ng pinsan nya sa mother side."

Napahinto si Jackson. "Melissa?" Kumunot ang noo nito. "Love, you mean Melissa Sanchez?"

Tumango si Faye at napahinto din saka tiningnan ang kausap. "Kilala mo?"

"Actually, kaibigan ni Kristel 'yong pinagbilinan ni Melissa." Nagkibit-balikat si Jackson. "Her name is Janella Emeralda Marie Salvador."

Napatango si Faye saka bahagyang tumawa. "Bakit pakiramdam ko lahat ng nakapaligid satin kilala mo?"

"Masyado lang akong approachable, love."

Pinisil nya ang pisngi ni Jackson. "Approachable daw," ismid nya. "E ni hindi ka nga mukhang approachable tingnan e."

"Huwag mo kasing tingnan, pwede namang-" tinakpan nya agad ang bibig ng asawa.

"Huwag ka ding ano, baka marinig ka ng anak mo." Saway nya, natatawang inalis ni Jackson ang kamay nya.

"Alam na alam ang iniisip ko ah?" Ngumisi si Jackson. "Iniisip mo din ba?"

Umiling sya saka itinuloy na ang ginagawa. "Sadyang saulado ko lang ang ugali mo, alam ko na kung paano tumakbo 'yang isip mo."

"Di ka ba napagod?"

"Saan?"

"Sa pagtakbo."

"HA HA, corny mo ah."

Hinawakan sya ni Jackson at inilapit. "Pambasag trip ka talaga "

Humarap sya sa asawa saka ipinulupot ang mga braso sa leeg nito at pabirong sinakal, ng mag-tap ito ay niluwagan na nya.

"Ay love, may sasabihin pala ako." Sabi nya ng may maalala.

"Ano?" Tanong nito.

"Naalala mo no'ng pinuntahan kita sa work mo?"

"Hmm?"

"Nakasabay ko sa elevator si Vladimir." Hindi umimik si Jackson kaya napatingin sya. "Love?"

"Hmm?" Sagot nito kaya napasimangot sya.

"Ayon na nga, nakasabay ko sya tapos medyo nagkausap kami..." ipinagpatuloy ni Faye ang pagkukwento sa nangyari dahil gusto nyang maging honest sa asawa habang nakikinig lang ito sa kanya. Matapos magkwento ay naglalambing na hinalikan nya ang pisngi ni Jackson. "I don't wanna hurt you love pero need mo pa ring malaman, ayokong magtago sayo ng kahit anong tungkol sa kanya na ikadududa mo sa huli. After all, hindi naman na mahalaga sa akin ang noon."

"Wala kang naramdaman?" Mahinang tanong ni Jackson.

"No'ng oras na nasa elevator kami, wala kong maramdaman. May kumirot yes pero dala ng galit siguro pero 'yong ibang emosyon, wala. Nagawa ko pa ngang sabihin sa kanya na sana di na ulit kami magkita e."

Nagulat si Jackson sa narinig. "You sounds like...you..."

"That I don't care?" Nagkibit-balikat si Faye. "Well yeah, I don't give a damn."

"Wala kang naramdaman....ibig sabihin..."

"Hindi naman na mahalaga sa akin 'yong pinagsamahan namin noon," nginitian nya si Jackson. "Ang mahalaga sa akin ngayon, 'yong satin at 'tong munti nating pamilya."

🍛🍛🍛

"Ready na kayo?" Nakangiting tanong nya sa mag-ama nya ng aalis na sila, parehas ngumiti ang dalawa at lumapit sa kanya.

"You look so gorgeous, wife." Bungad ni Jackson.

"Nako," pinisil nya ang pisngi ni Jackson. "Binobola mo na naman ako,"

"Nak, binobola ko daw?" Tawag nito sa pansin ni Acks na halatang nagpapakampi sa anak.

"Mama, tama si papa ganda mo po sobra." Pagkampi ni Acks kaya napatawa sya.

"Okay sige, sabi nyo e." Pagbibigay nya saka binuksan ang pinto. "Tara?" Aya nya at tumango ang mag-ama nya, lumabas sila ng unit at sumakay sa kotse saka tinungo ang venue kung saan ay naabutan nyang naroon na ang mga staff nya kaya nauna syang bumaba ng kotse at naghanap muna ng paparadahan ang mag-ama nya kaya dumiretso sya sa mga staff nya para magbigay ng utos na syang iniintay ng mga ito.

Abala sya sa pag-aasikaso ng dumating si Cornelia. "Hija!" Masayang bungad nito, mas lalong gumanda ang eleganteng ginang ng dahil sa masayang ngiti nito.

"Hi," bati nya ng makalapit sa kanya at nagbeso-beso silang dalawa.

"Ang ganda-ganda mo, paniguradong matutuwa si Ernesto kapag nakita ka." Puri nito saka niyakap pa sya. "Tara sa loob, ipakikilala kita sa mga bisita." Aya nito.

Buong akala nya simpleng pakilala lamang iyon ngunit halos magulat sya ng bulgarang ipakilala sya ni Cornelia bilang anak ni Ernesto, ngunit kahit bulgaran iyon ay hindi nya naman maramdamang ginagawaiyon ng ginang para pahiyain sya, sa katunayan ay para bang proud na proud ito sa kanya.

"Amiga!" Hiyaw nito ng makita ang kaibigan, nakipagbeso-beso ang ginang saka nakipag-usap. "Bago ko pala malimutan. I want you to meet my step daughter. Fatima Faye Clinton - Montesejo."

Bumaling sa kanya si Cornelia. "Hija, this is my amiga. Stayris Ivon Uheniah Salvacion-Andrada."

Ngumiti sya. "Nice meeting you po." Magalang na sabi nya.

"Likewise hija, how are you related with Pamight Erry Nero - Montesejo?"

"Ahmm, she's my mother in law."

"Oo nga pala hija, di mo kasama ang mag-ama mo?" Singit ni Cornelia.

"Kasama po, nag-park lang." Sagot nya.

"Okay. I can't wait to meet my step-grandson! Anyways," bumaling ito sa amiga. "Amiga, you should try everything on the menu. I swear it all taste delicious and it is made by this woman of mine, you see she's very talented and well she's also beautiful, di ba?" Pagbibida ni Cornelia sa amiga kaya napanganga na lang sya.

Matapos nilang makisalamuha sa mga bisita ay dinala na sya ni Cornelia sa isang silid, kumatok ito sa pinto at ng buksan ay nakita nya ang ama nya na nakaupo sa silya, hahakbang na sana sya papasok para sumunod kay Cornelia ng mapansin nya kung sino ang mga kasama ng ama nya, si Vladimir iyon na nakatingin na naman sa kanya kaya tumuloy na sya sa pagsunod kay Cornelia. Hindi lamang ang lalake ang naroon dahil namukhaan nya rin ang babae na kasama nito at ang batang nakaupo sa hita ng ama nya, anak iyon ni Vladimir at si Anna ang babae.

"Ern, I just want you to meet our caterer. Mrs. Fatima Faye Clinton-Montesejo." Introduce sa kanya ni Cornelia dahilan para agad na mapatingin sa kanya ang ama, kumunot naman ang noo ni Anna ng marinig iyon.

Ibinaba ng itay nya ang bata saka tumayo habang gulat na gulat ito na nakatingin sa kanya, di nagtagal ay napansin nya ang panunubig ng mga mata nito. "Faye.....anak..." sambit nito saka mabilis na nilapitan sya at niyakap, hindi sya nakagalaw dahil sa nakita nya sa mga mata nito. Iyon ay ang kaparehas na pagod na nakita nya sa mga mata ni Vladimir noong muli silang magkita sa elevator.

Bahagya itong humiwalay at pinagmasdan syang mabuti. "Napakalaki ng pinagbago mo, napaka-ganda mo anak!" Tuwang-tuwang sabi nito animo'y proud na proud sa nakikita.

"S-salamat," di malaman kung paano sasagot na sabi nya, ramdam nyang unti-unti ng umaangat ang galit na nararamdaman sa ama at akmang itutulak na nya ito palayo sa kanya dahil hindi na nya kaya ang lapit nito ay sakto namang bumukas ang pinto at nakita nya ang mag-ama nya, nakahinga sya ng maluwag na para bang isinalba sya ng mga ito na huwag makagawa ng katangahan at eskandalo.

"Mama!" Agad na tawag ni Acks saka lumapit sa kanya, binuhat nya ang anak ng makalapit.

"Sila na ba 'yon?" Nakangiting tanong ni Cornelia na nginitian nya.

"Yes madamè," sagot nya. "This is my son," bumaling sya sa anak. "Hey baby, introduce yourself."

Agad na ngumiti ang anak nya saka nagpababa. "Magandang araw po, ma'am. I am Jackson Montesejo Jr, the one and only son of my mama Fatima and my papa Jackson." Magalang na pakilala ng anak nya saka nagmano sa dalawang matanda na ikinagulat naman ng mga iyon.

"M-may anak ka na?" Gulat na sabi ng itay nya.

"Opo, kasal na rin itay." Sagot nya habang nakangiti, lumapit si Jackson sa kanya saka iniabot ang kamay sa ama nyang gulat na gulat.

"Jackson Montesejo sir, your daughter's husband." Pakilala nito, naguguluhan man ay tinanggap ng ama nya ang pakikipagkamay ng asawa nya.

"K-kelan pa?"

"5 years ago. Year 2015, to be exact."

Malungkot na ngumiti ang ama nya. "Marami na talagang nagbago," bumaling ito sa asawa nya. "Thank you, for loving and take good care of my daughter."

Ngumiti si Jackson. "That's my job sir, wala po iyon."

Napabuntonghinga ang ama nya saka ngumiti na. "O sya, mabuti pa lumabas na tayo naghihintay ang mga bisita." Tiningnan nito sila ni Jackson. "Pero mag-uusap pa tayo, marami kayong ikukwento sa akin matapos ang araw na ito." Paalala sa kanila na tinanguan ni Jackson.

"Wala pong problema sir, kahit ilang araw pa." Sagot nito habang nakangiti, lumapit na si Cornelia at sinabayan ang ama nya lumabas samantalang hinawakan na ni Jackson ang kamay nya at binuhat si Acks para sumunod na din sila palabas samantalang nasa likuran nila sina Vladimir. Nasa hallway na sila ng kurutin nya si Jackson sa braso.

"Awww, bakit?" Daing nito.

Pinanlakihan nya ng mata ang asawa. "Mga jokes mo, di bumibenta." Ismid nya na ikinatawa nito.

"Need ko ata mag-upgrade, di nga natawa si sir e." Sang-ayon nito.

"Corny mo kasi, buti na lang di namana ng anak mo-"

"-mama! Pa'no po bigkasin ng mga conyo ang english ng mais?"

Napakunot ang noo nya sa biglang pagsingit ni Acks. "Pa'no?"

"Edi, corny!" Sagot nito at napairap na lang sya ng sabay na tumawa ang mag-ama nya, humiwalay sya sa dalawa at bahagyang dumistansya.

"Hindi ko kayo kilala." Kaila nya pero hinawakan sya ni Jackson sa bewang at inilapit.

"Hindi pwedeng mawala ang queen namin." Sabi nito habang nakangiti sa kanya.

"Papa! Mama's not a queen, she's our muse! We are her escort!" Apela ni Acks.

"Son, a woman shouldn't be just label as muse. A woman is born to be a queen, should be treated as a queen and seen as one." Pagtatama ni Jackson sa anak.

"Edi ako po ang prince!" Nakangiting sabi ni Acks.

Napasimangot sya. "Tigilan nyo 'yan, talagang dinala nyo 'yang wisdom wisdom nyo dito."

Naningkit ang mga mata ni Acks. "Papa, pansin ko po lagi galit mama. Bakit?"

Tumawa si Jackson. "Mukhang magkaka-baby sister ka na, gusto mo 'yon di ba?"

Agad na tumango ang anak nya at napabuntonghinga na lang sya. "Opo! Para may princess na tayo! Tapos dapat Fatima din name nya!" Tuwang-tuwang sang-ayon ni Acks.

"Parehas talaga ang tama ng utak nyong dalawa." Naiiling na ismid nya.

Pagdating sa bulwagan ay nagsimula na ang selebrasyon, hindi nya alam kung matatawa sya o maiinis dahil nasa iisang mesa sila nina Vladimir dahil sa kagagawan ni Cornelia na walang kaalam-alam sa kung anong mayroon. Katapat nya si Vladimir samantalang katapat naman ni Jackson si Anna, hindi na lamang nila iyon pinansin at nanood na lang ng ganap sa selebrasyon ng kanyang ama.

"Inaantok ka?" Tanong ni Jackson ng mapansin ang pagsandal nya ng noo sa may likod nito.

Umiling sya habang maingat na kinukusot ang mga mata, narinig nya ang pagsaltak ni Jackson at ng mag-angat sya ng tingin ay hinawakan sya ng asawa nya sa bewang saka pinasandal sya nito sa balikat nito.

"Anong nararamdaman mo?" Tanong ulit nito.

"Pumipintig ang sintido ko pero ayos naman ako." Sagot nya saka ipinikit ang mga mata, hinayaan syang ganoon ni Jackson at napamulat lang sya ng mga mata ng marinig si Acks.

"Kainin mo gulay, masarap promise!" Rinig nyang panghihikayat nito sa anak ni Anna.

Umayos sya ng upo saka kinuha ang panyo sa bulsa ni Jackson para punasan ang pisngi ng anak na may kalat, matapos nitong kumain ay inayos nito ang pinagkainan at sinalansan ng maayos saka nagpunas ng bibig at naupo ng maayos, napakunot ang noo nya ng mapansing may inabot si Jackson sa anak.

"Aba!" React nya, paano'y ibinigay nito ang cellphone sa anak pero imbis na magbabad ito sa paggamit ay napakunot ang noo nya ng makitang nag-earphone lang ito saka ibinulsa ang cellphone at sumandal habang nakikinig ng musika mula sa earphone.

Bumaling sya kay Jackson. "Akala ko ba walang cellphone?"

"Unfortunately, nalaman kong kaya sya humihingi ng cellphone dahil makikinig sya ng music. I can't say no, wife. We both know that music is another kind of therapy and source of positivity so I let him, hangga't hindi pa dumarating 'yong binili kong mp3 player nya." Sagot ni Jackson.

Napabuntonghinga sya. "I won't be surprise kung maging spoiled 'yang anak mo."

"I assure you, he won't."

Di nagtagal ay napatingin ulit sya kay Acks at napangiti sya ng makitang pati 'yong anak ni Anna ay kahati na nito sa earphone habang nag-uusap ang mga iyon.

"Mukhang may friend na ang anak mo," sabi nya kay Jackson dahilan para tingnan nito ang anak, nginitian sya nito.

"And you really believe na friends lang talaga?" Makahulugang tanong sa kanya ni Jackson habang nakatingin sa mga mata nya.

Umirap sya. "Nawa'y hindi nya mamana ang pag-cross ng line."

"I don't see anything wrong with that,"

"Kadiri." Ismid nya na tinawanan ng asawa nya.

"Kadiri now, I love you later?"

"Sorry ha," sarcastic na sabi nya.

"Can you please shut the fuck up?!" Rinig nilang iritang sabi ni Anna sa kanila kaya tiningnan nila ang babaeng masama na ang timpla ng mood marahil dahil iyon sa hindi pagpansin ni Vladimir sa babae, kanina nya pa iyon napapansin na para bang hangin ang babae kay Vladimir, tuloy ay nagmukhang display na mannequin sa tabi ng lalake si Anna.

Hindi na lang nila inimikan iyon at ibinalik ang tingin sa harap, niyakap naman sya ni Jackson habang nanonood sila sa nangyayari sa paligid, di nagtagal ay nagdadabog na tumayo si Anna at nag-walkout.

"Problema no'n?" Kunot noong tanong nya na di na mapigilan.

"Don't mind her," halos sabay na sabi ni Jackson at Vladimir kaya agad syang bumaling sa asawa.

Kalagitnaan ng event ay umakyat sila sa taas para magpahinga dahil masakit na talaga ang ulo nya, dapat ay uuwi na sila pero pinigilan sya ni Cornelia at ng itay nya, sinuhestyon ng mga ito na magpahinga na lang muna sya sa taas kaysa umuwi agad. Sinang-ayunan iyon ni Jackson na binuhat pa sya paakyat, dahil mukhang napansin ata nito na gusto pa syang makasama ng dalawang matanda kaya hinayaan na lang din nya. Inasikaso sya ng asawa nya ng ilapag sya sa sofa, inalis nito ang stilleto nya saka kinalangan ng pillow ang likod nya.

"Babalikan ko lang si Acks at ikukuha kita ng gamot." Paalam nito na tinanguan nya.

Naiwanan syang mag-isa doon, inabala na lang nya ang sarili sa pagtingin sa paligid kahit nakaupo lang sya, di nagtagal ay nakarinig sya ng lagitik ng takong sa sahig at sumulpot si Anna.

"Look who's here, the damsel in distress." Pangma-mock nito sa kanya, nakahalukipkip pa ang babaita habang bitchy ang mukha. Ngayon ay bruhilda na ang tingin nya sa babae na maganda sana pero inugaling maging ampalaya.

"Hi, damsel in distress!" Bati na ganti nya na ikinairap ng babae.

"Bobo talaga," ismid nito. "I'm pertaining on you!"

"Ay true?" Bahagya syang tumawa para insultuhin ito. "Akala ko ang tinutukoy mo ay sarili mo, mas mukha ka kasing damsel in distress na na-stress kanina e."

"And you look like a slut snake na lumilingkis sa isang magandang biktima." Ganti nito.

"Let me just correct you, it isn't your business na makialam sa amin ng asawa ko." Napakunot ang noo nya. "Ang bitter mo, wait mukhang hindi mo na kailangang kumain ng ampalaya, inugali mo na e."

"Feel na feel mo ano?" Tumaas ang kilay nito. "Palibhasa nakatapak ka na sa kalabaw nalimutan mo ng isa ka lang langaw."

"Tapos ikaw 'yong poop?" Natatawang sabi nya. "Look, I don't know and I don't give a damn on what's with you at nakikialam ka sa amin, kung naiinggit ka. Bakit hindi mo ayain ang asawa mong ni hindi ka mahawakan?"

"You!" Napapikit ng mariin ito at maarteng napapadyak animo'y naubos nya ang pasensya. "Just to remind you, gold digger cheap girl. It's my business because he's my friend!"

Napatango sya. "Your friend," tumayo sya. "Or let me correct you? He's not just your friend, aren't he? He's your ex, the one you choose over your husband just because of the goddamn sex. Di ba?"

Nanlaki ang mga mata ng babaeng maputi na namutla. "H-how the fuck y-you-"

"-well girl, don't try messing up with me. I know everything that can ruin your too good to be true, life."

"How dare you!" Tili nito saka akmang susugudin sya ng umiwas sya at bumagsak ito sa sofa.

"Yes, how dare you hurted and used my husband to get what you want?" Taas ang kilay na tanong nya.

"You bitch!"

"Wala pa kong ginagawa Anna," inayos nya ang damit nya. "Kaya 'wag mong ubusin ang pasensya ko. You see, I'm trying my best not to be associated with you dahil hindi naman ako katulad mong naninira ng buhay pero huwag mo kong susubukan."

Napatili ang babae at akmang susugurin sya ng mapigilan ito ni Vladimir na bigla na lang sumulpot, bahagya syang natawa.

"Thank me sis, nahawakan ka din sa wakas ng asawa mo. Di ba, 'yan ang kinaiinggit mo?" Napailing-iling sya. "Huwag mo kasing gawing make up ang pagiging inggitera."

Bumalik sya sa pagkakaupo sa sofa, di naman makapaniwala ang tingin sa kanya ni Vladimir.

"Bitawan mo ako!" Piksi nito sa pagkakahawak ni Vladimir saka nanghahamon na tiningnan sya bago bumaling kay Vladimir. "Hey, since gusto ng bitch na 'to ng makakasira ng buhay. I'll going to share something," ngumiti ito ng matamis. "Alam mo bang anak mo ang batang isinunod sa pangalan ni Jackson?"

Hindi sya natinag, samantalang nagulat si Vladimir at agad na tiningnan sya. "Faye.....totoo? Anak ko ang batang iyon...?"

Natawa sya. "Ganito pala kababa ang gusto mong laban?" Tiningnan nya si Vladimir. "I know this will really blow your mind but since hinahamon ako ng asawa mo, might as well tell you something."

Tumayo sya. "Have you ever tried to test your daughter?" Nanlaki ang mga mata ni Anna. "Well, you should. Just so you know, she isn't yours. Ipinaako lang ni Anna sayo just to get you from me." Matapang na sabi nya dahilan para matulala na lang si Vladimir.

"You!" Sigaw ni Anna at hinablot na sya nito, pilit syang sinasabunutan kahit pa naitutulak nya ito. Iyon ang inabot ni Jackson, agad na umawat ang asawa nya at hinawakan sya para ilayo sa babae.

"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong nito na inayos pa ang buhok nya, tumango sya.

"Ayos lang ako, umuwi na tayo." Aya nya, aalalayan na sana sya ni Jackson ng tumawa si Anna.

"Aalis na kayo? Nagsisimula pa lang tayo." Sabi nito. "Ayaw mo bang malaman muna ni Jackson na nagkaanak sya sa akin?" Tanong nito, talagang nahihibang na ang babae.

Saglit na napahinto si Jackson ng marinig iyon bago bumaling sa kanya. "Mabuti pa nga, umuwi na tayo love." Sang-ayon nito sa kanya.

"Jackson!" Sigaw ni Anna ng hindi sya pansinin ni Jackson. "I-all out na natin 'to! Bakit hindi mo pa amining kaya mo pinilit ang sarili mo sa babaeng 'yan dahil iyon ang plano?"

"Tama na Anna!" Sigaw ni Vladimir.

"Oh? Pinipigilan mo ko?" Di makapaniwalang tanong nito saka pumalakpak. "Ah kase hanggang ngayon mahal mo pa rin ang babaeng 'yan?!"

"Wala kang pakealam! Tumigil ka na!" Galit ng sabi ni Vladimir.

"Bakit ako titigil? Nag-eenjoy ako!" Tumawa ito. "Ano, jackson? Hindi ba't kaya mo noon niligawan ang babaeng 'yan at nagkunwari kang mahal na mahal mo 'yan dahil plano natin silang paghiwalayin? Hindi mo naman totoong mahal ang babaeng 'yan! Dahil simula pa lang ako ang mahal mo, di ba?!"

Napapikit ng mariin si Jackson. "Tapos na, nakaraan na 'yon....."

"Hindi 'yon nakaraan, jackson iyon ang reyalidad! Aminin mo na sa ambisyosang babae na 'yan na pinaglalaruan mo lang sya! Na hindi totoo ang lahat!"

"Tang-ina," mahinang sabi ni Jackson. "Kailan mo ba balak patahimikin ang buhay ko?!" Galit na sigaw ng asawa nya.

"Ngayon sinisigawan mo na ako," napapalakpak si Anna. "Nalilimutan mo atang para kang tutang sunod ng sunod noon sa lahat ng gusto ko, tapos ngayon sisigawan mo ko! Dapat nga mas magpasalamat ka pa sa akin e!" Umirap ito. "Sino ba namang magta-tyaga sa uto-utong patapon na gaya mo! Kung hindi ka lang tanga di naman kita papatulan." Tumawa si Anna, dumilim ang ekspresyon ni Jackson pero wala itong ginawa para ipagtanggol ang sarili at iyon ang nakaputol sa pisi ng natitirang pasensya ni Faye. Umangat ang lahat ng galit na nararamdaman nya, piniksi nya ang pagkakahawak ni Jackson at bago pa sya mapigilan ng dalawa ay nagawa na nyang sugurin si Anna na napatili ng matumba sa sahig. Pumaibabaw sya at sinuntok ng malakas ang mukha nito, napatigil lang sya ng maramdamang inilayo sya sa babae.

"Tang-ina! Laitin mo ko pero huwag mong pagsasalitaan ng masama ang asawa ko!" Pumalag sya sa pagkakahawak sa kanya ni Jackson na natutulala na dahil sa narinig mula sa kanya. "Jackson bitawan mo ko! Lalatayan ko ang tang-inang babaeng 'to!" Sigaw nya pero niyakap na sya ni Jackson, pakiramdam nya ay naupos na lang sya bigla ng mapagtanto ang ginawa ng asawa nya. Unti-unti syang nanghina at napabagsak sa sahig, nagsimulang manubig ang mga mata nya kaya humarap sya kay Jackson at yumakap ng mahigpit saka umiyak ng umiyak.

Iniyak nya lahat ng sama ng loob, galit at sakit na nararamdaman nya. Ang yakap nya ay unti-unting lumuwag hanggang sa nauwi iyon sa pagsuntok kay Jackson na dumaraing man ay hindi sya binibitawan.

"Tang-ina," nag-angat sya ng tingin. "Bakit hinahayaan mong pagsalitaan ka nya ng ganoon?!" Galit na sigaw nya kaya napatingin sa kanya si Jackson.

Umiiyak sya at wala ng makita ng maayos pero alam nyang nakatingin sa kanya ang asawa nya, kumikirot ang puso nya dahil sa dinanas ng asawa nya. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ni Jackson. "A-asawa mo ko, bakit hindi mo man lang sinabi sakin?!"

"Fatima..."

"K-kung hindi pa sinabi sakin lahat ni Kristel hindi ko malalaman! Hanggang kailan mo kikimkimin na ng dahil sa tang-inang babaeng 'yan nasira ang lahat sayo! Jackson....bakit di mo sinabing sya 'yon...'yong dahilan kung bakit na-trauma ka!" Patuloy na iyak ni Faye habang walang ibang magawa si Jackson kundi ang aluin sya samantalang nakatanga lang si Vladimir sa kanila habang lumulutang ang isip, abot-abot na sakit ang nararamdaman nya sa puso nya ng dahil sa nakikitang iniiyak ni Faye.

Ng kumalma na si Faye ay binuhat na ito ni Jackson, yumakap ang babae sa asawa at hinayaang bitbitin paalis doon. "I love you.....that it pains me knowing that you have that kind of pain in you...." mahinang sabi ni Faye habang umiiyak pa rin ng bahagya, di nagtagal ay nakatulog na rin ito sa balikat ni Jackson.

Napatango si Jackson. "Thank you for always make me feel secured, that I don't have to doubt and for always thinking about my feelings, love."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro