CHAPTER XIV: DECISION
🍛🍛🍛
Ang mga araw na dumaan ay para bang naging pinaka-madilim na yugto ng buhay ni Faye, hirap na hirap syang ihakbang ang mga paa paalis ng kama para bumangon sa umaga at hirap na hirap syang ipikit ang mga mata upang matulog sa gabi. Lahat ng bagay ay para bang naging mahirap para sa kanya umabot sya sa puntong maging ang pagtingin sa salamin ay ni ayaw nyang gawin dahil sa tuwing susubukan nya ay wala syang ibang nararamdaman kundi pandidiri sa sarili nya.
"Fatima...damihan mo naman ang kain mo." Sambit ng kuya nya ng maubos nya ang kakarampot na sinandok nya.
"Wala akong gana kuya,"
"Alam kong iniwanan-"
"-kuya nakita mo na ba ni minsan lahat ng kapatid ni itay noon?"
Napakunot ang noo ng kuya nya sa biglaang tanong nya. "Ang nakita ko lang ay ang tatay ni itay noong sumugod iyon dito noong bata pa ako pero ang mga kapatid ni itay maging ang ina nya ay hindi ko nakilala."
"Kuya, aminin mo sa akin. Bakit ba talaga naghiwalay noon si itay at inay?"
"Fatima, bakit ba bigla mong inuungkat-"
"-nais kong malaman, para alam ko kung anong gagawin ko."
Napabuntonghininga ang kapatid nya at ibinaba ang hawak na kutsara, naguguluhan man sa mga tanong nya ay sinagot pa rin nito ang tanong nya. "Naghiwalay si itay at inay dahil ayaw ng pamilya ni itay kay inay, natakot si itay ng magbanta ang pamilya nya na mapapahamak si inay kung sakaling hindi nya iiwanan at kung hindi sya babalik sa pamilya nya."
"M-may pamilya s-si itay?"
Malungkot na tumango ang kuya nya. "Mayroon syang isang anak sa legal nyang asawa."
"P-pero sabi ni inay, iniwan tayo ni itay dahil sumama sya sa babae nya."
"Fatima ganoon na rin iyon lalo pa't si inay naman talaga ang tunay na mahal ni itay."
"Pero s-si inay ang 'ibang babae' ni itay dahil kasal sya sa i-iba." Pagpupunto nya.
"Tama na fatima, ayokong tingnan ang ganoong anggulo." Pagtatapos nito sa usapan at hindi na sya nakaimik.
Muli syang natulala ng araw na iyon habang nasa bintana, paulit-ulit na umuukit sa isipan nya lahat ng nalaman nya hanggang sa mapabuntonghininga sya at tinawagan si Jackson na puntahan sya dahil may importante silang pag-uusapan, hapon ng dumating ang binata na nagmula pa sa maynila. Nakasuot pa ito ng uniporme nito sa eskwelahan ng makita nya.
"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong nito ng makalapit sa kanya, tumango sya at tinap ang bakante sa tabi nya. Naupo naman agad ang binata na hindi pa rin mapanatag.
"Jackson,"
"May iniinda ka? May masakit sayo?" Rinig nyang tanong kaya napatingin sya sa katabi, nag-aalala pa rin ang ekspresyon nito.
"Ayos lang ako, pinapunta kita kasi gusto kong pag-usapan ang mga bagay-bagay."
Napakunot ang noo ni Jackson. "Anong ibig mong sabihin?"
"Sigurado ka ba talagang aakuin mo?" Tanong nya pabalik na walang kurap at pagdadalawang isip na tinanguan ng binata. "Paano ang pag-aaral mo?"
Lumambot ang ekspresyon nito habang nakatingin sa kanya. "Hindi mo ako kailangang intindihin, kaya kong pagsabayin ang lahat."
"Pati nga babae napagsasabay mo e." Ismid nya saka umirap.
"Hindi ko kasalanang masyado akong gwapo pero ibang usapan na 'yong ngayon. Hindi na mangyayari 'yon."
"Hindi ba maapektuhan ang pag-aaral mo? Hindi ka ba nila patitigilin? Paano naman 'yong mga pangarap-"
"-Fatima Faye, huwag ako ang isipin mo. Hindi hihinto ang lahat sa akin kung papayag kang pakasalan ako, kayang-kaya kong abutin lahat ng iyon ng nasa tabi kita."
"Sabihin mo nga sa akin, 'yong totoo bukod sa kahihiyan na sasapitin ko. Bakit gusto mong akuin ang anak ko?"
Nag-iwas ng tingin si Jackson at napabuntonghininga. "Ayokong lumaki syang walang ama sa tabi nya kasi alam ko 'yong pakiramdam na para bang may kulang....."
"K-kulang?"
Tumango ang binata. "Oo, hindi ko ba nasabing anak ako ni Mommy sa una nyang asawa?"
"Jackson," natutop nya ang bibig.
Nanghihinang ngumiti si Jackson. "Hindi ko nakilala ang ama ko, mabait naman sa akin ang stepfather ko pero pakiramdam ko hindi pa rin sapat iyon."
"Tapos aakuin mo 'to...."
"Aakuin ko kasi naisip ko na wala man syang tunay na ama katulad ko pero kayang-kaya ko syang mahalin katulad kung paano ako minahal ng stepfather ko." Tiningnan sya ni Jackson. "Mas mabuti na iyon hindi ba? Kaysa lumaki ang bata na walang father figure sa tabi nya."
"H-hindi ko a-alam," naiiyak ng sabi nya. "Sorry!" Hiyaw nya at tuluyan ng umiyak.
Napasaltak si Jackson. "Nako, si buntis napaka-iyakin talaga, hindi naman pang-mmk ang kwento ko. Umiiyak ka naman agad."
"Bakit h-hindi k-ko alam? Bakit di m-mo sinabi ni minsan?"
"Sikreto iyon ng pamilya namin dahil wala namang nakakaalam na may naunang asawa si mommy, hindi naman kasi sila kasal no'ng tunay kong ama."
"Ibig mong sabihin kaya ka Montesejo kasi...."
Marahang tumango si Jackson. "Dahil inako ako ng stepfather ko, ang alam ng lahat tunay nya akong anak at sa totoo lang fatima? Saludo ako sa lalakeng iyon, minahal nya si Mommy kahit pa mayroon na itong anak."
"Sinasabi mo bang kaya mo gagawin 'to dahil gusto mong maging saludo din sayo ang anak ko?"
Ngumiti si Jackson. "Atleast minsan man lang sa buhay ko may magawa akong nakaka-proud at tama di ba?"
"Jackson, baliw ka."
"Tama na nga ang kaka-chismis sa buhay ko, sabi mo sa tawag may sasabihin ka sa akin, ano 'yon?"
Sumandal sya. "Tingin ko alam ko na kung bakit hindi nya ako naipaglaban."
"Dahil magkamag-anak kayo di ba?"
Umiling si Faye. "Bukod doon, naisip kong kahit hindi kami magkamag-anak, hindi nya pa rin ako magagawang ipaglaban dahil hindi ako matatanggap ng pamilya nya, ayaw ng mga magulang nya sa mahirap na kagaya ko."
Nagsalubong ang mga kilay ni Jackson. "Paano mo nasabi?"
Napabuntonghininga si Faye habang nakatingin sa harapan nila. "Ganoon ang nangyari kay itay at inay."
"Fatima..."
"Kaya sigurado ka ba? Baka mamaya big deal pala sa pamilya mo ang pagiging mahirap ko, ayokong itakwil ka din nila dahil lang sa akin."
"Hindi mangyayari 'yan Fatima, hindi ganoon ang pamilya ko kahit pa masyado silang ano sa business."
"Alamin mo kaya muna? Para-"
"-wala rin naman akong pakealam kung itakwil nila ako, hindi ko kailangan ng yaman o pamana Fatima, kayang-kaya kong yumaman ng wala sila."
"Masyadong mataas ang tuka mo, Jackstone."
Inilahad ni Jackson ang kamay sa kanya. "Patunayan natin?"
"Talagang sigurado kang paninindigan mo ko?"
Napasimangot ang binata. "Fatima, paulit-ulit ka na."
Umirap sya. "Naniniguro lang ako." Inis na sabi nya saka humawak sa kamay ng binata na nakalahad sa harap nya.
Napangiti ang binata. "Kailan mo gustong ikasal?"
"Pwede bang matapos ko na lang ipanganak si baby?"
Tumango si Jackson. "Oo naman, ikaw ang bahala kung saan ka mas okay, doon ako."
"Salamat, tatanawin kong napakalaking utang na loob 'to sayo, Jackson."
Agad na umiling ang binata. "Wala kang utang na loob sa akin Fatima, parehas naman tayong magb-benefit kaya walang ganoon."
Napakunot ang noo nya. "Ano namang benefit mo dito?"
"Magiging proud sa akin ang mga bata tsaka may kakaladkad na sa akin pagtanda ko." Napatawa si Jackson saka ngitian sya. "Hindi kita pababayaan Fatima Faye, pangako 'yan."
"Ako rin, hindi kita pababayaan jackstone, makakaasa kang kakaladkarin kita pagtanda natin."
"Basta talaga kalokohan, napaka-galing mo." Tumayo na si Jackson. "Halika na sa loob, mahamog na dito sa labas." Aya sa kanya dahil gabi na. Inalalayan sya ni Jackson para makapasok sa loob.
🍛🍛🍛
Mula ng araw na iyon ay si Jackson na ang palaging nakaagapay sa kanya sa lahat ng bagay, mula sa lahat ng kailangan nya hanggang sa mga bagay na gusto nya ay ito ang nag-aasikaso at nagbibigay ng lahat ng iyon sa kanya.
"May naisip ako," sambit nya ng patulog na sila, sinilip nya sa gilid ng kama si Jackson na sa lapag nakahiga. Naroon sila sa kwarto sa kubo samantalang nasa sala natutulog ang kapatid at pamangkin nya, nasabi na rin ni Jackson sa kuya nya na pakakasalan sya. Tinanong lang sya ng kapatid nya kung sigurado ba sya at ng umoo sya ay pumayag na rin ito dahil desisyon naman daw nya iyon.
"Fatima, napaka-kulit mo, di ka nga pwedeng mapuyat." Naiinis ng sabi ni Jackson dahil panay ang daldal nya simula pa kanina ng pumasok sila sa kwarto para magpahinga.
"Edi 'wag!" Hiyaw nya saka humarap sa kabilang side ng kama.
"Magdahan-dahan ka at baka maipit mo 'yang bola mo, Fatima." Rinig nyang paalala ni Jackson.
"Wag mo kong kausapin!" Inis na sabi nya.
Narinig nya ang pagsaltak ni Jackson at kasunod no'n ang pag-upo nito sa gilid nya kaya humarap sya, agad naman syang inalalayan ng binatang inaantok na. "Ano ba kasing naisip mo?"
"Naisip ko lang naman na gumawa kaya ako ng crochet tapos benta natin? May nakita kasi ako online, mahal pala ang singil sa ganoon kaya naisip ko na since nandito lang naman ako sa bahay 'yon na lang ang pagkakaabalahan ko para kahit papano makaipon ako para sa panganganak ko, four months na lang e."
"Hindi na sana kailangan dahil di ba, sabi ko ako ng bahala sa panganganak mo," napabuntonghininga si Jackson, "pero kung malilibang ka do'n, sige gawin mo. Saan ka ba kukuha ng customer mo?"
"Sa online din,"
Napatango si Jackson. "Okay 'yan para di ka masyadong mapagod o maglakad, ako na lang ang bahalang mag-deliver pagnatapos mo."
"Talaga?" Nakangiti ng tanong nya.
Pinisil ng binata ang ilong nya. "Oo naman kaysa ikaw pa ang mag-deliver. May sasabihin ka pa ba?"
Umiling na sya. "Wala na, sigi tulog ka na." Sagot nya.
Tumango si Jackson saka hinalikan sya sa noo at nahiga na ulit sa lapag, pabagsak na nga iyon dahil antok na antok na talaga ang binata. Kitang-kita ang pagod nito sa mukha pero kahit ganoon ay lagi pa rin sya nitong iniintindi.
"Aray..." mahinang daing nya ng sumunod na gabi, maiyak-iyak na sya dahil sa sakit na naman ng likod nya ngunit kahit ganoon ay hindi sya masyadong gumagawa ng ingay para hindi nya magising si Jackson na tulog na sa lapag.
Sinubukan nyang maupo pero dahil di na rin naman biro ang laki ng tyan nya ay hindi na nya magawa ng maayos iyon, malapit na syang makaupo ng maayos ng manghina ang kamay nyang itinutukod nya para makaupo, babagsak na sana sya sa kama ng maramdamang may humawak sa kanya, agad syang napatingin doon at nakita nya si Jackson na pumipikit man ang mga mata ay nakaagapay sa kanya.
Sumaltak ito. "Bakit hindi mo ko ginigising? Baka mapano ka," inis na sabi nito saka inalalayan syang makaupo na ng maayos.
"Ayoko lang na maistorbo ka, ansarap na kaya ng tulog mo." Katwiran nya.
"Masarap nga ang tulog ko pero madidisgrasya naman kayong mag-ina, pano pa ko makakatulog ng mahimbing sa susunod?" Muli itong napasaltak. "Kahit kelan ka talaga Fatima, hindi ka nag-iisip ng maayos." Masungit na sabi nito.
"Grabi ka, nagagalit ka ba kasi nagising ka? Pasensya-"
"-hindi 'yon, naiinis ako kasi hindi ka humihingi ng tulong. Ano bang problema?"
Napasimangot sya. "Sumasakit ang likod ko,"
"Masakit ba kahit nakahiga ka?" Tumango lang sya bilang sagot, maya-maya ay naramdaman nyang minamasahe na nito ang likod nya. Halos antukin na sya sa ginagawa nito, pikit na ang mga mata nya ng maramdaman nyang maingat syang inihiga ni Jackson pero hindi rin nagtagal at hindi sya kumportable sa pagkakahiga nya kaya muli syang sumubok na bumangon. "Fatima naman!" Hiyaw ni Jackson saka agad na lumapit sa kanya imbis nakahiga na ito.
Napalabi sya. "Hindi ako kumportable e, sorry."
Napabuntonghininga si Jackson saka pinisil ang pisngi nya. "Sorry ka ng sorry, hindi mo naman kasalanan 'yan, ganyan talaga kapag buntis. Ano bang kumportable kang higa?"
"Hindi ko alam," parang batang sagot nya.
"Ganito na lang, ipupwesto kita tapos sabihin mo kung okay." Suggestion nito na tinanguan nya, tatlong beses syang umiling sa mga naisip nya at buong gabi silang humanap ng posisyon na makakatulog sya ng kumportable sya pero hirap pa rin sya kaya naman pinilit na lang nya ang sarili at nagkunwaring okay na para hindi na maabala ang tulog ng binata.
Kinaumagahan ay maaga syang nagising dahil hindi sya nakatulog, ng may mapansin syang isang bagay, kinimkim nya muna iyon sa sarili at hinintay na lang ang pag-uwi nito. Nasa labas sya ng kubo ng sumapit ang hapon, hindi pa palubog ang araw ay natanaw na nya ito at agad na napangiti ang binata ng makita sya, kumaway pa ito at ng makalapit ay agad na iprinisinta sa kanya ang paborito nyang siopao.
"Salamat!" Nakangiting sabi nga. "Ang aga mo naman?" Puna nya.
"Maagang natapos ang klase, isa pa wala masyadong ipapa-deliver ngayon sa part time ko kaya umuwi ako ng maaga." Inalalayan sya ni Jackson na makaakyat ng hagdan. "May gusto ka bang gawin ngayon?"
"Pwede ba tayong manood ng movies?" Nakangiting tanong nya.
"Iyon lang pala, oo naman pagkatapos ng hapunan."
"Salamat!" Sambit nya, naiwan sya sa pamangkin nyang si Alicia ng tumulong si Jackson na mag-asikaso ng hapunan sa kuya nyang maaga rin umuwi.
Matapos ang hapunan ay nagkanya-kanya na silang pahinga dahil maaga pa din kasi ang kuya nya bukas, inalalayan sya ni Jackson para sumampa sa kama. Sinet-up nila ang laptop at tinulungan syang makahanap ng maayos nyang pwesto, bahagya syang nakaupo habang nakasandal kay Jackson na nasa likuran nya. Alam nyang hindi naman talaga nya matatapos ang palabas kaya't kinuha na nya ang pansin ng binata para sabihin ang bagay na napansin nya kaninang umaga.
"Jackstone, ano kaya kung lumipat tayo sa maynila? Para hindi ka mahirapan sa araw-araw na byahe mo."
"Fatima, kapag lumipat tayo sa maynila wala kang makakasama kapag wala ako, mamaya bigla ka na lang manganak sinong magsusugod sayo sa ospital o aalalay sayo habang wala ako?"
"Pero kasi nahihirapan ka, tsaka dagdag pagod din 'yon."
"Salamat pero kaya ko pa naman, siguro kapag nakapanganak ka na pwede pa dahil kaya mo ng kumilos pero itong ni halos hirap ka kumilos, ayoko." Hindi na sya umimik. "Galit ka ba?"
Umiling sya. "May punto ka naman, saka na nga siguro pero pwede naman kasing weekends ka na lang dumalaw dito, ayos lang naman sa akin kahit once a week o ano e kesa araw-araw ka ngang nandito mas lalo ka lang napapagod."
"Fatima, hindi na nga kita nakakasama ng buong araw, iniiwan na nga kita dito tapos pati ba naman ang makita ka bago matulog, ipagdadamot mo sakin?"
Hinampas nya ang binata. "Baliw ka, andrama."
"Hayaan mo na lang ako, kaya ko pa naman tsaka ilang buwan na lang naman." Marahang hinawakan nito ang tyan nya. "Ilang buwan na lang lalabas na si baby, tapos another isang buwan para makapagpahinga ka tapos saka tayo magdesisyon kung anong plano mo."
Tiningnan nya ito saka pinisil ang pisngi. "Thank you," sambit nya bago bumalik sa pagkakasandal, di nagtagal nga ay nakaramdam na sya ng antok at pumipikit na ang mga mata nya saka nya naramdamang umayos ng sandal si Jackson, inayos din nito ang pagkakasandal nya sa binata para makaunat sya ng kumportable ng hindi nalapat ang likod nya sa kama at nakatulog sya ng mabilis dahil doon.
Sobrang himbing ng tulog nya na nagising na lang sya ng wala na ito sa tabi nya at ng tanungin ang pamangkin ay pumasok na ang binata sa eskwelahan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro