Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER XIII: THE TRUTH

🍛🍛🍛

Hindi alam ni Faye kung kailan natapos ang himig ng saya, sa isang iglap ay parang nagbago ang takbo ng lahat. Umalis lang naman si Jackson pero parang inalat na agad sya sa buhay, hindi naman iyon ang lucky charm nya pero bakit parang minamalas naman sya agad?

Naalimpungatan sya ng marinig ang ingay, napamulat sya ng mata at nakita nyang nag-aasikaso na si Vladimir para pumasok kaya agad syang napabangon kahit inaantok pa. "Bakit di mo ko ginising? Papasok ka na?" Tanong nya na tinanguan lang ng lalake.

Tumayo sya. "Pasensya na, kumain ka na ba? Teka ipagluluto-"

"-wag na, doon na lang ako kakain." Pigil nito sa kanya saka isinukbit sa balikat ang bag.

"Teka lang-" pigil nya rin pero tumuloy na ito at umalis.

Napabuntonghininga sya, kasalanan nya bang nagiging tulugin at antukin sya lately? Bumaba sya sa baba at naroon pa ang lahat maging ang hugasin na nakatulugan nya kagabi, muli syang bumuntonghininga saka nag-asikaso. Kinabukasan ay maaga syang gumising para bumawi, ipinagluto nya ito ng agahan maging ng baon na gustong-gusto nito.

"Goodmorning," nakangiting bati nya ng magising ito.

"Kain na, ipinagluto kita ng agahan mo."

"Maliligo muna ako," sambit nito saka dumiretso sa banyo pero matapos iyon at makapagbihis na ay hindi man lang pinansin ang inihain nya.

"Teka, 'yong baon mo-" napatikom na lang sya ng bibig ng dumiretso na ito ng alis. Napaupo na lang sya at napabuntonghininga.

Araw ng linggo, akala nya ay mananatili ito sa tree house katulad ng palagi nitong ginagawa noon pero pagmulat ng mga mata nya ay wala na ito sa tabi nya, agad syang bumaba nagbabakasakaling nasa kusina pero wala, maging ang susi ng kotse nito ay wala sa sabitan ni hindi man lang sya sinabihan o ginising at basta na lang umalis.

Inintay nyang umuwi kinagabihan pero nakatulog na lang sya sa pagkakaungko sa mesa habang nag-iintay ay hindi pa rin dumating si Vladimir, dalawang araw ang lumipas bago nya muling nakita ang lalake.

"Vladimir pwede ba tayong mag-usap?" Seryosong tanong nya.

"Tungkol saan?" Tanong pabalik sa kanya.

"Sa atin,"

Napakunot ang noo ni Vladimir. "Anong meron?"

"Ikaw ang dapat na tinatanong ko nyan, anong meron?"

"Faye-"

"-may problema ba tayo?"

"Pagod lang ako sa trabaho, faye."

"Pagod ka sa trabaho," napatango sya. "Trabaho kahit linggo?"

"Lumabas kami noong linggo."

Napataas ang kilay nya. "Ng babae mo?"

"Ng mga katrabaho ko." Pagtatama nito.

"Katrabaho pero ni hindi ka nagpaalam? Basta ka na lang umalis tapos ngayon ka lang babalik pagkalipas ng ilang araw? Vladimir baka nalilimutan mong buntis ako?!" Tumaas na ang tono ng boses nya.

"Anong gusto mo? Dito lang ako? Intindihin kita? Ikaw lang ang atupagin ko?" Nagsalubong na ang mga kilay ni Vladimir. "Faye hindi tayo mabubuhay kung ikaw lang ang aatupagin ko!"

Napatayo na sya. "Wala akong sinabing ganoon! Ang akin lang sana nagpapaalam ka para alam ko!"

"Hindi naman lahat ng bagay kailangan kong sabihin sayo." Matigas na sabi nito.

"Vladimir, naririnig mo ba ang sinasabi mo?"

"Mabuti pa magpahinga na tayo." Pinal na sabi ni Vladimir at di na pinansin ang sinabi nya, umakyat na ito sa taas at pumasok sa tree house.

Napaupo na lang sya sa sama ng loob na nararamdaman nya at mas lalong nadagdagan iyon ng lumalim na ang gabi pero natiis talaga sya nito, ng tingnan nya ay mahimbing na ang tulog ni Vladimir sa kama. Pakiramdam nya maiiyak sya sa sama ng loob na nararamdaman, pagsapit ng sumunod na gabi ay hindi sya makatulog, ramdam nya ang pananakit ng likod nya kahit pa hindi naman sya nagbuhat ng mabibigat buong araw kaya pinilit nyang maupo saka ginising si Vladimir na mahimbing ang tulog.

"Bakit?" Inaantok na tanong nito ng magising saka naupo.

"Vlad...ang sakit ng likod ko." Daing nya pero napahinto sya ng sumaltak ito at nagulat sya ng bumalik sa paghiga ang lalake.

"Iyon lang pala, mahiga ka kasi." Inis na sabi nito na para bang naistorbo pa nya sa walang halagang bagay ang pagtulog.

"Masakit nga kahit pa nakahiga!" Inis na ring sabi nya, para namang kasalanan nyang makaramdam ng ganoon.

"Ano ba faye!" Sigaw nito saka bumangon. "Ano bang gusto mong-" naputol ang sasabihin nito ng makitang umiiyak na sya.

Napabuntonghininga si Vladimir. "Tahan na, hindi mawawala 'yan kung iiyak ka."

"B-Bakit kasi parang kasalanan k-ko pa?" Iyak nya.

"Heto na naman tayo," inis na sabi nito saka lumapit.

Inalalayan sya pahiga ni Vladimir dahilan para mapaiyak sya lalo sa sakit, marahang minasahe nito ang likod nya pero hindi pa humuhupa ang likod ay tulog na agad ang lalake. Hindi nya alam kung maaawa o maiinis dahil doon kaya sa huli, nagsariling sikap na lang sya para makatulog pa rin kahit hindi kumportable at nakararamdam pa rin ng sakit.

Nagtuloy-tuloy ang ganoong sistema at hindi na nya maiwasang hindi maiyak sa kung paano sya itrato ni Vladimir. Lagi na ngang wala ang lalake tapos kapag kasama naman nya ay hindi man lang sya intindihin daig pa nito ang yelo sa sobrang lamig mabuti na lamang ay nariyan kahit papaano ang kuya nya tuwing weekends para tulungan sya.

"Aalis ka na naman?" Di na nya mapigilang tanong, kauuwi lang nito galing sa trabaho pero nagpalit lang at aalis na naman. "Gabi na, iiwan mo ko dito?"

"Faye, 'wag ngayon. Pagod ako." Inis na pigil nito.

"Palagi ka namang pagod-"

"-malamang dahil nagta-trabaho ako."

"Sa trabaho ba talaga o sa akin na mismo? Nakakabigat na ba ako sayo vladimir?" Napahinto si Vladimir ng marinig ang sinabi nya, hindi na nya napigilan at napaiyak na sya. "Pagod ka rin naman noon ah? Pero hindi ka naman ganyan noon, anong pinagkaiba ngayon?"

Napabuntonghininga si Vladimir ng makita ang pag-iyak nya. "Faye, hindi gano'n,"

"E ano? 'Wag ka ng mahiya, sabihin mo sakin. Ako ba? Pagod ka na sa akin?"

Lumapit sa kanya si Vladimir at pinunasan ang mga pisngi nya maging ang mga mata nya. "Tahan na, hindi gano'n. Hindi ikaw, marami lang talaga akong kailangan ayusin."

"Ayusin? Ano?" Umiiyak na tanong nya.

Niyakap sya sa bewang ni Vladimir. "Sorry faye pero hindi ko pwedeng sabihin sayo sa ngayon, please pagkatiwalaan mo na lang ako na maaayos ko 'to at kapag okay na promise babawi ako."

"K-Kailan?"

"I'm trying my best to make it as soon as possible, wait for me okay?" Tumango sya at niyakap nya ng mahigpit si Vladimir. "Always keep in mind that I always love you Fatima Faye,"

Pagbitaw nya ay bahagyang natawa si Vladimir. "Mabuti pa, matulog ka na."

"Pero aalis ka-"

"-sa umaga na ko aalis, sige na. Hindi ka pwedeng napupuyat tapos umiiyak ka pa."

"Ikaw kasi!" Reklamo nya.

"Sorry," hinawakan sya ni Vladimir at maingat na binuhat paakyat sa tree house, inilapag sya sa kama saka inalalayan pahiga.

Napangiti sya ng tumabi ito sa kanya at yakapin sya. "Thank you," sambit nya ng tingnan nya si Vladimir ay hinalikan sya nito sa labi.

"Goodnight Faye," sambit nito saka ngumiti.

"Goodnight," masayang sambit nya.

Nakatulog sya ng mahimbing ng gabing iyon habang yakap-yakap sya ni Vladimir, panatag iyon ang pakiramdam nya na para bang bumalik sila sa simula kung saan ramdam na ramdam nya na mahal sya nito mas lalo tuloy nyang naramdamang na-miss nya ang kasintahan, ngunit paggising nya kinabukasan ay wala na ito sa tabi nya, bumaba sya sa baba at nakita nyang may nakahain sa mesa habang may takip iyon, binuksan nya ang takip at napangiti sya ng makitang pagkain iyon marahil ay ipinagluto pa sya ni Vladimir bago ito umalis.

Naupo sya at nagsimulang kumain, patapos na sya ng tumunog ang cellphone nya, ng makitang tumatawag si Vladimir ay napangiti sya agad at sinagot iyon.

"Hi!" Masayang bungad nya.

"Hey baby, gising ka na." Bahagya itong tumawa. "Kumain ka na ba?"

"Ah yes, thank you sa pagluto. Ikaw?"

"Kanina-magsisimula na!" Napakunot ang noo nya ng marinig ang pagsigaw na iyon sa background ni Vladimir dahilan paramaputol ang sinasabi nito. "I have to go baby, take good care of yourself and please do know that I love you and our baby always." Huling sambit nito at bago pa man sya makapagsalita ay namatay na ang tawag.

Napabuntonghininga sya saka hinawakan ang tyan nyang may bump na. "Mukhang busy na naman ang papa mo, baby. Mamaya pagod na namang uuwi 'yon." Naiiling na sambit nya saka tinapos ang pagkain ngunit gumabi na lahat-lahat ay hindi na naman ito umuwi.

Kinaumagahan, inaantok man ay inabot nya ang cellphone at sa pag-aakalang si Vladimir iyon ay agad syang napaupo pero nagkamali sya, si Miriam iyon, tumatawag.

"Faye!" Sigaw ni Miriam sa kabilang linya. "Nasaan ka?!"

Napakunot ang noo nya ng marinig ang panic sa boses ng kaibigan. "Bakit anong meron?"

"Nagbubukas ka ba ng accounts mo sa socmed?!"

"Ha? Anong accounts?"

"Seriously! Fatima Faye Clinton! Papunta na kami dyan!" Sigaw nito animo'y nagmamadali saka pinatay ang tawag, naguguluhan man ay bumaba sya sa baba at matapos makaligo ay inintay nya ang mga kaibigan sa kubo.

Nakaupo sya sa may hagdan ng dumating ang mga ito, nagulat pa sya ng makita maging si Jackson at nag-aalala ang ekspresyon ng mga ito.

"Faye!" Sigaw ni Yammie at sinugod sya ng yakap ng dalawa ng salubungin na nya.

"Ano bang meron?" Naguguluhang tanong nya ng alalayan na sya ni Jackson sa paglalakad habang pabalik sila sa kubo, naupo sila sa may hagdan. "Para kayong ewan, ano ngang meron?" Ulit nya.

"Ipangako mo saming wala kang gagawing kahit ano na ikasasama mo at ng baby mo ha?" Nag-aalala pa ring sambit ni Miriam na hindi na nya maintindihan.

"Oo naman," napatawa sya sa ka-wirduhan ng mga kaibigan. "Bakit ko naman gagawin 'yon?"

Hinawakan ni Yammie ang kamay nya. "Kasi Faye...niloloko ka ni Vladimir..."

"Ha?" Sambit nya, pakiramdam nya ay bigla na lang syang nabingi sa narinig.

Hindi inulit ni Yammie ang sinabi at ibinigay sa kanya ang dala nitong ipad. "Ayan, tingnan mo maigi Faye." Sambit nito kaya bumaling sya sa ipad at tiningnan ang tinutukoy nito.

Una nyang nakita ang litrato ni Vladimir, gwapong-gwapo ito sa suot na puti mula sa slacks hanggang sa coat na suot nito ay para bang dashing in white suit ito, isang prinsipe iyon ang umukit sa isipan nya. Iniscroll ni Yammie ang litrato at napahinto sya ng makita ang iba pang litrato hanggang sa pinaka-huling litrato na ikinatigil ng mundo nya. Hindi na lamang nag-iisa si Vladimir sa litrato, may kasama itong isang napaka-gandang babae na para bang isang prinsesa sa suot na puting gown at kahit litrato lang iyon ay kitang-kita ng mga mata nya na para bang kumikinang ang gown na iyon ngunit hindi iyon ang nagpatigil sa mundo nya kundi ang pagkakahawak ng kamay ni Vladimir sa bewang ng babae.

"A-Anong meron?" Ulit nya sa tanong nya kanina pero sa pagkakataong iyon ay alam na nya ang sagot sa tanong nya. Inis-swipe nya pataas ang litrato at napansin na nya ang nakasulat doon.

Two of The Most Influencial Clan,
The Clinton Clan and The Leviste Clan finally tied the knot!
Mr. Vladimir Clinton and Ms. Anna Jane Leviste finally get married after being in a relationship for almost near 2 decades.

Pakiramdam nya binuhusan sya ng malamig na tubig sa nabasa, nanginig ang kalamnan nya at nagsimulang mag-unahan ang mga luha nya. Nanginginig na sya at mahigpit na ang hawak sa ipad ng may maalalang isang bagay, binalikan nya ang mga litrato at ihininto sa isa. Napapikit sya ng makumpirma ang nakita nya.

Pakiramdam nya'y hindi doble, hindi rin triple ang sakit na nararamdaman nya. Sobra-sobra iyon at hindi nya mabilang na wala syang magawa kundi ang pumalahaw ng iyak sa sobrang sakit habang inaalo sya nila Yammie.

"Fatima..." sambit ni Miriam na hindi maapuhap ang sasabihin para mapatahan sya.

"N-Niloko nya ako?!" Umiiyak na sambit nya na tinanguan ng dalawa.

"Faye..."

Itinikom nya ang bibig at hindi na nagsalita pa habang patuloy pa rin ang mga luha nya, akala nya ayos ang lahat pero akala lang ang lahat ng iyon at itinago sa kanya ni Vladimir ang lahat.

"Fatima magsalita ka," rinig nyang sabi ni Jackson kaya tiningnan nya ito.

"Anong g-gusto mong s-sabihin k-ko?" Naguguluhang tanong nya, wala na syang maisip dahil pakiramdam nya hindi nya matanggap ang mga nalaman nya, pilit 'yong itinatanggi ng isip nya na tanggapin. Pakiramdam nya mamamatay sya sa sakit na nararamdaman nya.

Pitong araw, iyon ang bilang ng araw na lumipas ng hindi sya umiimik, hindi sya pumunta sa tree house at nanatili lang sya sa kubo. Nagalit ang kuya nya sa nalaman pero wala naman itong magawa kundi aluin din sya katulad nila Miriam, umuwi ang dalawang kaibigan nya pero naiwan si Jackson na syang umaalalay sa kanya.

"Jackstone..." nanginginig ang mga labing sambit nya.

Agad na nilapitan sya ni Jackson. "Bakit? May kailangan ka?" Tanong nito.

"Masama ba kong tao?" Tanong nya pabalik habang nakatingin sa langit, dalawang araw na syang lumulutang, pakiramdam nya hindi mamatay-matay ang sakit na nararamdaman nya.

"Fatima-"

"-nanakit ba ko ng iba para lang maging masaya?"

"Hindi."

"Kung hindi, bakit nagawa nya sa akin 'to? Ibinigay ko naman sa kanya lahat!" Pinahid nya ang luhang lumandas sa pisngi nya. "Ayos lang sana kung ako lang e, j-jackson diring-diri ako sa sarili ko, awang-awa ako."

Hindi umimik si Jackson. "Ayos lang kung nagmukha akong kabit pero 'yong ganito....itinago nya sa akin lahat....tapos may anak kami....nagkaanak ako sa-"

"-sa akin, fatima." Rinig nyang putol ni Jackson sa sinasabi nya kaya agad syang napatingin sa binata kahit pa nanlalabo ang mga mata nya dahil sa pag-iyak.

"A-Anong sinasabi m-mo?!"

Bumuntonghininga si Jackson saka humarap sa kanya, hinawakan nito ang kamay nya. "Fatima Faye, magpakasal tayo."

"T-Teka a-ano?" Binawi nya ang kamay nya. "Nababaliw ka na ba? B-Bakit m-mo-"

"-wala akong hihinging kapalit na kahit ano fatima, aakuin ko ang bata, pakakasalan kita."

"P-Pero bakit? N-Naaawa ka sa a-akin? Jackson, kaya ko-"

"-alam ko, at hindi ako naaawa sayo. Kasalanan mo pa rin 'yan dahil nagpauto ka sa gagong 'yon." Muling napabuntonghininga si Jackson ng hindi sya umimik. "Ang sa akin lang, kailangan mong isalba ang anak mo mula sa kahihiyang dinala ng gagong 'yon sayo. Maaari mo akong gamitin, aakuin ko ang bata. Wala akong pakealam kung hindi ko sya kadugo, ang importante maisalba mo ang sarili at anak mo fatima, naiintindihan mo ba ako?"

Hindi pa rin sya nakaimik at napabaling sa maaliwalas na langit, napakaaliwalas no'n na hinihiling na lang nya na sana ganoon din ang buhay nya ngunit kahit pa maging ganoon mayroon pa ring gabi kaya't didilim at didilim pa rin ang lahat katulad ng pagdilim ng buhay nya ngayon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro