Sampung Tula ng Sana
1. Sana di nalang nabuo ang salitang
sana
Dahil sa bawat sana na iyong
binabanggit
Ay parang isa na ito sa mga bagay
Na hindi na makakamit
2. Sana walang hanggang ang buhay,
sana di nalang kailangang lumisan ng
mga mahal natin,
sana walang lungkot,
sana walang sakit,
sana walang pagdurusa.
3. Sana mahalin mo ako kahit sa anong
sitwayson
Sana Hindi mo ako Iwan
Kahit na pumuti na ang buhok ko.
4. Sana wala ng salita ang aakma,
sa sakit at pait,
Dahil ito nalang parati ang
nilalabanan ng paulit-ulit,
alaala ay bumabalik,
wala na ang pananabik,
ang dating saya ay mga luha na,
kaya't mga mata ay piniling ipikit,
dahil kahit hindi ipilit,
ika'y hindi na babalik.
5. Sana ako nalang pinili mo
Dahil kaya kong patunayan ang
sarili ko
Sana ako nalang laman ng puso mo
Na kaya kong alagaan ng todo todo
6. Sana makalimutan na ang sakit
Mula sa pag-iibigan nating napuno
ng hinanakit
Mga damdamin sana ay lumisan na
Parang-awa't na ay mabigat na
7. Sana ako nalang siya
Yung taong pinili mong makasama ng
maging masaya
Yung taong iba ang ngiti mo pag
kayo'y magkasama
Na nung tayo man ay hindi ko nakita.
8. Sana paglinahad ko ang aking
damdamin
Ay hindi mag bago ang pagtingin
Wag sana lumayo
Kahit na sinabi kong ikaw ang mahal
ko
9. Sana maging masaya ka
Kahit hindi na ako ang iyong kasama
Kahit hindi na natin natupad ang mga
pangakong ating binitawan
Basta't alam kong nasa maganda kang
kalagayan
Iba man na ang iyong kasama
okay lang dahil ikaw parin ang minsan
kong minahal at kinasama
10. Sana bumalik na ang saya sa
puso ko
Yung sayang hindi peke at
purong- puro
Sana bumalik na
Dahil ako ay sirang sira na
Sa mga bagay na laman ng aking isip
Na unti-unti akong pinapatay na
Orihinal na Komposisyon ni
Aaron Luna
Maraming Salamat
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro