Sampung Tula ng Paglisan
1. Sa pagkakataong ito, mas pipiliin ko
ang mga araw na hindi pa tayo
nagkikita.
Ang nakaraan na hindi ko pa alam ang
buong pangalan mo,
at hindi pa ako nahuhumaling sa boses
mo.
Mas gusto kong balikan ang mga
sandaling hindi pa tayo pinagtatagpo
ng mundo.
2. I prayed for this day to come,
To let go of the moments that are gone.
I never thought this day would come,
To finally say, I’m done.
3. Hinanda ko ang hapunan
Nagsimula siya sa paglanghap
Sinundan ko ng pagpanggap
Sa kanya ang sarap
Sakin ang sakit
Pampalubag ang kusing
Nawa'y nagustuhan niya ang dangal
na aking inihain.
4. Binuksan ko muli ang nobela
na naglalaman ng ating istorya.
Nakakatuwa ang mga alaala
na minsa'y ating nailathala,
ngunit napaltan ito ng lungkot
dahil hindi ko pa rin tanggap
na ganun nalang ang pagtatapos.
5. It all started with a simple hi
And ended with a hurtful goodbye
From "No matter what, i will stay"
To "I'm sorry, I must go and let you slip
away"
6. Palubog nanaman ang araw na
minsang sumikat
Muling didilim ang daang maliwanag
Uuwi nanaman ang mga ibong
napagod sa paglipad
Lumalamig ang pagmamahal na dati'y
nagliliyab
7. Masaya ako nang mag-isa
ngunit dumating ka at ako'y iyong
pinaasa
Umalis ka na parang wala lang akong
halaga
at biglang hindi na ako sumaya nang
mag-isa
8. Sa lalim ng gabi ,
sa lawak ng mundo,
sa dami ng tao - iniisip ko,
sino kaya ang tumititig sa buwan
katulad ko?
9. Tila sa bawat dulo ng tula,
nahihirapan mag-isip nang tugma,
kagaya ng masaya lang sa simula,
kapag nagsawa'y paalam na.
10. Sa iyong paglisan,
Kasabay ang pagbuhos ng ulan,
Unti-unting kinakalimutan,
Ang mga ala-ala mong iniwan.
Orihinal na Komposisyon ni
Aaron Luna
Maraming Salamat
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro