Sampung Tula ng Paghihinayang
1. Patawad,
isa ito sa mga sagradong salita
Na hindi basta-basta sinasabi sa iba
Ang patawad ay sinasabi para sa mga
nagawang pagkakamali
Na dapat yun na ang huli
Ngunit kung gagawin mo rin lang ulit
ang mga kamaliang ikaw ang
naghatid
Ay mas mabuting isara mo nalang ang
iyong bibig
2. Patawad, alam kong Ilang beses ko
na itong sinabi
Pero sana mapagbigyan ako sa huling
sandali
Bigyan sana ako ng pagkakataong
magsalita muli
Kahit alam kong Ilang beses na kitang
sinaktan at sinawi
3. Patawad,
patawad kung ika'y aking
pinaiyak sa mga masasakit kong
salita
Na napuno ng galit at paghuhusga
Na hindi ko man lang iniisip ang mga
salitang lumalabas sa aking bibig
Na dahil duon ay unti-unti na
nawawala ang kilig
4. Patawad kung naipadama ko sayo
na hindi ka mahalaga
Na nung mga panahong ikaw ay
nangangailangan ng aruga
Mga panahong kinakailangan mo ng
kasama
Ay wala ako sa iyong tabi at para bang
inulila
Alam kong kasalanan kong hindi ka
bigyan ng halaga
Sana mapatawad mo ako sa
pagkukulang hindi ko naisagawa
5. Patawad kung hindi ko
pinakinggan ang hinanaing at
pangarap mo
Na mas nanaig lahat ng plano at mga
sinasabi kong ikabubuti ko at hindi
yung tayo
Patawad kung naging makasarili ako
At hindi kita nabigyan ng
pagkakataong sabihin ang mga gusto
mo
6. Patawad kung hindi ako naging
mabuting kasintahan mo
Na nung una lang magaling at hindi
na umabot hanggang dulo
Patawad kung di ko napanindigan
ang mga sinabi ko nung una
Na hindi ako magsasawang mahalin
at samahan ka
7. Patawad kung seloso at mainitim
ang ulo ako
Na nung umabot sa puntong ikaw na
pala ay nasasakal ko
Patawad kung naging ganun ako
Inisip ko kasi na panget at madali
lang akong palitan ng kung sino
8. Patawad kung nag kulang ako
Nagkulang ng pagmamahal sayo
Patawad kung naiparamdam ko na
walang nagmamahal sayo
Patawad at hindi ko napunan ang
mga pagkukulang ko na hinanap mo
9..Patawad kung nagloko at
nagsinungaling ako
Sa mga bagay na dapat sinabi ko
nalang ang totoo
Patawad kung ikaw ay niloko ko
At sinara ang buhay mo
10. Patawad dahil sinukuan ko ang
taong nag mahal sa akin ng todo
Na ni sino man ay hindi
matutumbasan ito
Patawad dahil hindi ko agad nakita
ang halaga mo
At nakita ko lang ito nung ikaw ay
wala na sa tabi ko
Patawarin mo sana ako kahit sa
huling pagkakataon
Patawad dahil sinira ko ang mga
magagandang kahapon...
Kung hindi mo ako kaya patawarin ay
naiintindihan ko
Ipangako mo lang na sana maging
masaya ka taong susunod na
mamahalin mo
Sa taong mas pasasayahin ka at hindi
ka sasakyan katulad nung
ginawa ko sayo
Patawad and paalam
mahal ko...
Original na Komposiyon ni
Aaron Luna
Maraming Salamat
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro