Sampung Tula ng Pag-ibig
1. Tadhana
Milyong milyong tao sa mundo,
Pero ako ang maswerteng taong minamahal mo.
Di man kagwapuhan or moreno katulad ng gusto mo,
Ngunit mamahalin ka kahit di ako perpekto.
Di sasayangin ang pagkakataong ibibigay mo.
Buong puso ang ibibigay sayo.
Magtitira parin ako sa sarili ko,
Ngunit ibibigay ko ang lahat para di masayang ang tadhang ito.
2. Rosas
Rosas na ubod ng ganda,
Aking nasulyapan na kay hiwaga.
Isang bulaklak na hindi matutumbasan ang halaga,
Dahil ito lamang ay nag-iisa sa akin mata.
Marami mang klaseng Rosa's ang andyan,
Puti, Dilaw, Asul, o Pula man yan.
Ngunit isa lang ang aking a alagaan,
At yun ang rosas na ubod ng ganda na nag-iisa lang sa aking mga mata.
3. ML
First blood, double kill, triple kill
Ano ba yan, hindi ko parin feel
Nakailang laro na pero parang walang gana
Siguro nga dapat ito'y ititigil at ako'y may naalala
Aking naalala ang aking mahal
Na mas mahalaga pa sa savage na parangal
Ako muna ay magshushut down muna ng larong ito
Dahil mas pipiliin ko ang taong minamahal ko
4. Araw
Ikaw ang araw, ako ang buwan
Malayo man tayo sa isa't-isa
Di mawawala ang ugnayan nating dalawa
Ikaw ang nag bibigay liwanag sa aking kinakatayuan
Kung wala ka, ay wala rin ako diyan
Ikaw ang araw, ako ang buwan
At alam kong di dadating ang araw na tayo ay magkakasalubungan
Relasyon natin ay parang sandaliang tagpuan
Ngunit lagging tatandaan
Ikaw parin ang pipiliin andyan o wala man
5. Ha?
Ha? Hanuba toh
Ha? Ahhh isang tula para sayo
Ha? Paano ba sisimulan toh
Ha? Ahh alam ko na ang sasabihin ko
HAbang buhay ikaw ang pipiliin
HAnggang saang dulo man ng mundo tayo abutin
HAbang buhay tayo magkasama kasama ang Diyos na tayo'y gagabayan
HAbang sa akin huling hininga
ikaw ay aking proprotektahan
6. Sayaw
Maari ba kitang isayaw aking mahal
Sa ilalim ng buwan na nagsisilbing ating ilaw
Tayong dalawa lang rito umiindak ng mabagal
Ako'y masaya na ikaw ang aking naisasayaw
Di ko makakalimutan ang araw na ito
Ang araw kung saan ang malambot mong kamay ay hawak ko
Ang mata nating nakatinginang pareho
Hinihiling na sana hanggang pagtanda ay magawa pa natin ito
7. Hi
Hi, hello kamusta ka
Sa bawat reply mo ako'y napapasaya
Sa simpleng haha mo ako'y kontento na
Tama nga sabi ng iba, basta't kausap mo ang taong mahal mo parang ika'y nasa langit na
Sa bawat pagbigkas mo ng salita ay ako'y nabibighani
Ako'y napapanganga, at napapangiti
Nakontento na marinig lang ang boses mo
At sana ay maulit pa ito
8. Kahit Saan
Tara kain tayo
At ang reply mo ay kahit saan
Tara kain tayo
Kahit ano nalang ng ating madatnan
Okay lang kahit saan
Basta't tayo'y magkasama
Kahit saan tayo kumain
Basta't tayo parin, walang iwanan
9. Musika
Alam mo parang musika
Kasi sa akin ay nag bibigay ka ng ligaya
Ewan ko ba bakit ganito
Siguro ako na ay napamahal sayo
Parang musikang di maalis sa aking isipan
Parating kang binabanggit at binabalik balikan
Ang sarap mong pakinggan
At parang ayaw na kita bitawan
10. Bilang
Isa, dalawa, tatlo
Tayo'y pinagtagpo
Apat, lima, anim
Ako'y nahuhumaling
Pito, walo,
Ako'y na pahinto
Siyam, sampu
At napasabing ikaw lang ang mamahalin ko
Orihinal na Komposisyon ni
Aaron Luna
Maraming Salamat
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro