Sampung Tula ng Pag-asa
1. Mundong puno ng sakuna at
problema
Paano nga ba ito susugpuin kung
tayo'y nawawalan na ng pag-asa
Kung tayo'y unti-unti ng napapagod sa
ating kinalalagyan
O paano na ba ito malalampasan
2. Ginawang alipin nang sariling isipan
Mga hinanakit at saloobin na hindi
kayang lisan
Na sa araw-araw ay pinipilit nalang
manahimik at wag sabihin
Dahil wala namang handang makinig
sa aking mga sasabihin
3. Sa bawat paglahad ko ng aking mga
problema
Tila ba walang may ganang makinig o
maniwala
Sa mga hinanakit na sinisigaw ng
aking puso't isipan
Parati nalang sinasabi na lilipas lang
iyan ikain o itulog mo nalang yan
4. Sa panahong kailangan ko ng
karamay
Ay wala ang mga taong nung una'y
akala ko ako ay dadamayan
Nung sila ay problema andyan agad
ako para sila ay tulungan
Kahit ako ay may ginagawa okay lang
kasi kayo ang aking mga kaibigan
Ngunit nung ako na ay may kailangan
Ay nawala nalang kayo ng parang bula
at ako'y iniwan
5. Paano ko lalabanan ang problemang
hindi kaya ng isahan
Mga problemang hindi ko na
makayanan
Parang-awa na at ako ay inyong
tulungan
Di ko na kaya tong aking
nararamdaman
Kahit sino na dyan basta gumaan lang
ang aking nararamdaman
6. Siguro dahil sa mga sakit ay meron
kang nakalimutan.
Na merong andyan na ni minsan ay
hindi ka iniwan
Na noon pa man ay hindi ka
inalintana o nilisan
Ang Diyos nating tagapagligtas ng
mga nawawala at nalilitong mga
puso't isipan.
7. Wag ka ng matatakot at
mangangamba
Kahit sa anong dumaan na
pasubok at sakuna
Dahil Siya ang iyong kasamang
lumakbay
Na parati lang na nasa iyong tabi para
ikaw ay gabayan
9. Pero lagi mo paring tatandaan
Na andyan parin ang iba mong
kaibigan na tiyak hindi ka iiwan
Mga taong gagabayan ka sa
tamang daan
Upang makita mo ang sarili mong mga
kakayahan
10. At hinding hindi mo dapat
makalimutan ang iyong mga
magulang
Na Ibinigay na regalo ng may Kapal
Mula sa simula hanggang sa
katapusan
Mga taong unang nagbigay sayo ng
pag-asa at buhay
Mga taong pwede mong sandalan...
Orihinal na Komposisyon ni
Aaron Luna
Maraming Salamat
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro