Sampung Tula ng Hinanakit
1. At sa huling pahina,
sa huling mga titik at letra,
mga alaala,
mga sakit at ligaya,
akin ng isasara
ang libro ng ating istorya.
2. Tila ba parang kantang hindi na
muli ipagpapalit,
hindi na muli pagsasawaan,
pero sa isang iglap,
yung pangalan mo yung pinaka
paborito kong tinig,
ngunit ngayon hindi na muling
maririnig.
3. Ikaw ang nagsisilbing bituin,
na sa tuwing wala ang buwan,
ay nagbibigay ningning sa madilim
kong kalangitan.
4. At kung may aalis man
ay hindi na muling pipigilan.
Hayaan ang mga lilisan,
pahalagahan ang nandyan.
5. Saksi ang mga unan sa mga matang
luhaan,
mga bituin na siya lang ang
nakakaalam,
mga hikbi at pagtangis ng labis na
masaktan,
ang sarili lang ang aking tanging
sandalan.
6. Simula nung
tumigil akong
habulin ka,
sarili ko'y
muli kong
nakita.
7. Ang yabag ng iyong mga paa,
Ay papalayo na aking sinta,
Ang iyong mga salita,
Ay tuluyang nang kumawala,
Ang iyong nadarama,
Ay tuluyan nading naglaho na parang
bula.
8. Kay daming tanong sa aking isipan,
Sinusubukang pag-isipan,
Ngunit hindi mabigyan ng kasagutan,
Tila ito'y digmaang walang katapusan.
9. Lubid at dugo
ang laman ng isipan,
unan na basa
ang nagiging sandalan;
sa oras na wala na
muling maramdaman.
10. Wala na ang dating tamis at init ng
kape sa umaga,
Kung paano natin hinarap ito ng
magkasama,
Di ko lubos maisip kung bakit tayo
ganito; natapos sa dapit-hapon ng
alaala.
Orihinal na Komposisyon ni
Aaron Luna
Maraming Salamat
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro