Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Sampung Tula ng Bakit

1. Bakit nga ba binuo ang salitang

bakit

Para ba masagot ang tanong ng

hinanakit

O para mas patuloy tayong masaktan

at umasa't muli

2. Bakit bigla mo nalang ako

kinalimutan

Kahit na ako ang nagbigay sayo ng

sayang hindi matutumbasan

Ako na parating nandyan sa panahong

ikaw ay nalilito

Sa mga panahong, wala ni isa sa mga

kakilala mo ang sumasalo

3. Bakit nagkaganon?

Bakit natapos ang mga magagandang

kahapon

Na bigla nalang nawala sa isang lingon

Ang mga ala-ala at pagmamahalan

natin na tayo mismo ang nag-ipon

4. Bakit mo dinurog ang puso kong

binigay sayo ng buong buo

Na halos lahat ng bagay na kaya ko ay

ibibigay  sayo

Ni halos makalimutan ko na nga ang

sarili ko

Basta't mapunan lang lahat ng gusto at

kahilingan mo.

5. Bakit natin tinapos ang isang

pagmamahalan

Na para bang isang magandang

larawan

Larawan na kinunan sa ilalim ng

buwan

Na ating nakuha sa malalagkit na

tingingan

Ngunit ang larawan na iyon ay

unti-uniting lumalabo, nawawala

Hanggang umabot sa puntong wala na

itong halaga.

6. Bakit nung ika'y niyakap ko ay wala

ng tibok sa puso mo

Na nung dati ay kaakibat ito ng

pangalan ko.

Na ngayon ay parang naging abo

Wala na bang natitirang pagmamahal

sa akin dyan sa puso mo

Oh sadyang iba na ang nilalaman nito.

7. Bakit puro bakit nalang ang

sinasambit ng aking isip

Na para bang ito na ay naging isang

sakit

Sakit na di alam kung paano labanan

Sakit na parati ko nalang

nararanasan


8.Bakit ba hindi kita makalimutan

Kahit na ilang beses mo na akong

sinaktan

Ganito nga ba ang pag-ibig?

Ipipilit kahit sobra na ang sakit.

9. Kung iiwan at sasakyan mo lang ako

Bakit ikaw pa?

Bakit ikaw pa ang nais kong

makasama

Bakit ikaw pa kung sa huli ay wala na

10. Bakit ako pa ang minahal mo

Kung sa dulo ay iiwan mo rin lang ako

Bakit mo ako pinaasa sa mga

matatamis mong salita

Na akala ko ay para sa akin talaga

Na yun pala ay nakalathala para sa iba

Minahal kasi kita ng todo todo

kaya napaniwala mo ako sa bawat

sigaw ng puso ko

Na kinalimutan ko paganahin ang

kokote ko

Sana pinatay mo nalang ako

Kung sasakyan mo rin lang ako ng

ganito

Bakit pa kasi napunta sa ganito.

Original na Komposiyon ni

Aaron Luna

Maraming Salamat
























Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro