Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Mahika ng Bawat Guhit

Mahika ng Bawat Guhit

May mga guhit na nagbibigay bahaghari sa ating mga mata, pinapalipad nito ang ating isipan na kung saan nakakabuo tayo ng samo’t saring ilusyon na taglay  yaring kapayapaan at kaalaman; ngunit sa bawat guhit tayo mismo ang umuukit ng tunay na kapalaran. Isang mahusay at kakaiba ang mga obra ni Barbara. Siya ay kilala dahil sa kaniyang mga guhit na taglay ang iba’t ibang disenyo at mga imahinasyon na  kumikintal kapag pagmamasdan mo nang matagal ang kaniyang obra. Ang kaniyang kakayahan ay namana sa kaniyang ina na pumanaw kailan lamang; kaya’t ipinangako sa sarili na sa bawat obrang ililimbag ay mabangis, makulay at punóng-punó ng mga mensahe. Subalit, maraming nagbago sa kaniyang personalidad: Masinop, maayos, malinis at higit sa lahat ay naging perpekto ang bawat desisyon, plano at kilos.

Marami na siyang  naguhit na masasabi ng  karamihan na tunay na pinagpala angking  kakayahan. Subalit hindi alam ng iba na sa tuwina siya ay gumuguhit, nagpapakawala ito ng matinding pagluha dahil naalala niya ang kaniyang minamahal na ina. Limang taong gulang siya ng iwan siya nito, dahil sa isang paligsahan na sumira sa katinuan ng kaniyang ina kaya’t napaaga ang paglisan sa mundong ito. Ayon sa kaniyang ama, labis na minamahal ng kaniyang ina ang larangan ng pagguhit; subalit hindi  matanggap na siya'y natalo. Kaya’t sa madaling sabi, ito ay inatake sa puso dahil sa rason ng pandaraya ng  kalaban. Kahit na masalimuot ang nangyari, pinagpatuloy na lamang ni Barbara ang munting kahilingan ng ina– huwag sumuko.

Araw-araw, may bahagi sa kaniyang pagkatao na unti-unting nahuhubog. Pero hindi niya nais na magpasakop dito, dahil namatayan na sila ng ilaw ng tahanan ayaw niyang maulit ito sa kanya sa parehong dahilan at iisang sitwasyon. Nasanay na rin si Barbara na dapat sa bawat anggulo ng pagguhit niya ay buo, pulido at tama. May pagkakataon man na hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman, patuloy  pa rin niyang sinusunod ang mga panuntunan sa lahat ng pagkakataon na may layon at puso.

Lumipas ang ilang araw at buwan at mas nahasa pa ang kakayahan ni Barbara. Patuloy siyang nakibaka sa bawat hamon ng pagguhit upang maipahayag ang tunay na emosyon at mensahe. Kaya’t umusbong ang mga  tagahanga niya, saan man siya mapadpad ay naroon sila at patuloy na  sumusuporta. Mas kuminang ang kaniyang galing at pinairal ang pag uugaling matiyaga at masipag upang matupad niya ang inaasam ng kaniyang ina— makilala ang isang Buenavistàh sa larangan ng pagguhit. Lahat ay gagawin niya makamit lamang ito, ngunit tatandaan niya pa rin na kailangan niyang maging maingat at pananatilihin ang kaniyang anyo bilang isang mapagkumbaba na mangguguhit.

Ang buhay ay paiba-iba, madalas dumadating sa puntong malayo sa katotohanan ang mga resultang inaasahan natin. Dumating ang matinding pasanin sa buhay ni Barbara, napasubok siya sa isang paligsahan na kung saan tunay na batikan at pawang mga  kampeon ang kaniyang mga kasamahan. Ngunit imbis na mawalan ng pag-asa ay mas tumibay ang kaniyang pagtitiwala sa sarili at sa Poong Maykapal. May peligro man ang dulo nito,  hindi niya aatrasan anuman ang posibleng kahihinatnan ng pangyayari sa kaniyang pagsugal.

Sumiklab na nga ang labanan, ito ay mabangis at kapana-panabik na paligsahan para sa mga taong nanunuod sa kanila. Buo ang kaniyang tiwala dahil para sa kanya, kilala niya na ang kaniyang abilidad. Bukod dito, palaging pinakamainam na pwersa ang kaniyang ibinibigay sa bawat kilos na kaniyang ginagawa; subalit mananatili pa rin kaya ito kung masubok siya ng tadhana sa isang pangyayari na kinatatakutan niya? Gayunpaman,  patuloy itong tumindig  at isinigawa ang dapat, gumuhit base sa kaniyang nalalaman, kakayahan at nararamdaman. Guhit siya nang guhit kahit na saan pa man mapunta ang daloy nito.

Halos buong maghapon ang nilaan nilang oras para matapos  nang maganda at matiwasay ang kanilang obra. Nakahinga nang maayos ang dalaga at hinintay na lamang ang susunod na mangyayari. At bago niya lisanin ang lugar na pinagdausan ng kanilang paligsahan, ay may lalaking lumapit sa kaniya at pinayuhan siya. Sa totoo lang, nakitaan siya ng kahusayan, subalit sa kabuoan,  nawala naman ang imahe sa kaniyang guhit, dahil sa sobrang perpekto umusbong ang isang pagkakamali na mag uugnay sa bawat guhit na kaniyang ginawa.

At sa huli, inanunsyo na ang kampeon sa kanilang paligsahan. At sa unang pagkakataon rin ay natamasa niya ang pagkatalo dahil ang totoo, senyales na ang  mensahe kahapon ng isang lalaki na lumapit sa kaniya na  isa pa lang hurado. Subalit imbes na maglugmok, ginawa niya itong motibasyon at mas naging positibo pa para sa susunod na patimpalak. Kailangan mas maging matatag ang kaniyang loob at gamitin ang  pangaral  mula sa  hurado, upang mas lumitaw ang imahe sa kaniyang mga gagawing pagguhit o mga obra. Naunawaan niyang hindi lang dapat may kakayahan o magaling, kundi batid ang kabuoang katangian sa mga ginagawa: may ekstruktura at imahe.

****

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro