Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Si Daxton


DAXTON'S POV

"Kailangan nating makapagsagawa ng seremonya na makakapagpaalis ng mga hindi matahimik na kaluluwa sa paligid niya." Naalala kong sabi ng nakausap kong kilalang albularyo at ispiritista.

"Magagawa nyo pong paalisin sa buhay ni Aria ang mga hindi matahimik na kaluluwa?" Paninigurado ko.

"Oo, sa tulong ng sarili niya mismo. Si Aria mismo ang dapat na magdesisyon na itakwil ang mga kaluluwang yun. Dahil kapag hindi niya ginawa yun, maaari niyang maipahamak ang sarili niya. Ang pagpapabaya sa sariling kalayaan ay pagtanggap ng sumpang ikaw ang nagpasya. Pero wag kang mag-alala Daxton, masmalakas tayo sa kanila lalo pa't buhay natin ang ipaglalaban natin. Tandaan mo, ginugulo tayo ng mga kaluluwang hindi matahimik kapag pinayagan natin silang makapasok sa puso at isip natin. At kaya nagagawa nila minsan na kontrolin ang sarili nating katawan." Dagdag nito.

Sinabi ko lahat sa Tita Camie ni Aria ang lahat pero hindi siya sakin naniniwala. Siya ang naabutan ko sa condo ni Aria.

Alam kong nasa kwarto lang si Aria. Hindi ko siya makatok dahil nakaharang sakin ang Tita niya.

"Maniwala po kayo sakin. Kailangan po nating dalhin si Aria sa manggagamot para po-"

Isang malakas na sampal ni Tita Camie ang nagpatigil sakin.

"Gawa-gawa lang ng isip mo ang mga sinasabi mo." Sabi niya.

Inabot niya sakin ang isang notebook na kinuha niya sa drawer.

"Sinabi ba sayo ni Aria ang mga kababalaghang katulad ng nakasulat dyan?"

Nabasa ko mula doon ang mga nakakapangilabot na pangyayaring sinabi ni Aria na nagpakita at nagparanas sa kanya kung paano namatay ang mga taong nagpapakita sa kanya..

"Opo, sinabi nya-"

"Hindi." Iling ni Tita Camie. "Hindi niya sinabi yan sayo. Tulad ng iba pang lalakeng nagsabi sakin ng ganyan tungkol kay Aria. Sigurado akong pumasok ka din dito ng mag-isa at nabasa mo lang yan-"

"Hindi po-"

"Mag-iisang taon ng patay si Aria!"
Natigilan ako. Nagulat. Nanlamig.

"Hindi pa namin tinatanggal ang mga gamit ni Aria dito dahil hindi pa tanggap ng parents niya na wala na siya."

"Pa-paanong-"

"Nagbigti siya."

Nanghina ako. Hindi makapaniwala. Kinilabutan.

"Ngayong alam mo na, makakaalis ka na." Talikod ni Tita Camie.

Nabitawan ko ang notebook ng pag-alis ni Tita Camie sa paningin ko ay nakita ko si Aria.

Si Aria nakabigti malapit sa lamp shade.

Napaatras ako ng isang hakbang ng sakluban ako ng matinding takot.

Nakabigti siya sa lugar kung saan paborito niyang umupo.

Nakakaganda daw kasi sa repleksyon niya ang ilaw ng lampshade doon.

Nawala ang imahe niya.

Napaluha ako. Pakiramdam ko sinaksak ang puso ko sa sakit.

Patay na si Aria...

Napayuko ako at napatingin sa notebook. Nakabuklat yun sa ending ng nakasulat doon.

"Kapag nag-iisa ka at may narinig kang ingay, wag mong bubuksan ang pinto para hindi mo makita kung paano namatay ang mga hindi matahimik na kaluluwa. Kapag nag-iisa ka at may narinig kang ingay at nakita mong bukas ang pinto, wag kang papasok para hindi iparanas sayo ng mga hindi matahimik na kaluluwa kung paano sila namatay." Payo ko sa lalake.

"Paano kung nakapasok na nga ako?" Sagot ng lalake.

"Ngayong nakapasok ka na... Samahan mo na sila..." Pakiusap ko. "SAMAHAN MO AKO!"

"Samahan mo ko dito Daxton...." Dinig kong bulong sakin ni Aria.

THE END.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro