Si Aria
ARIA'S POV
NAIINIS akong bumangon.
Nagising ako dahil sa lakas ng tugtog na naririnig ko.
Mukhang may pa-disco nanaman ang mga kapitbahay ko!
Lumabas ako ng kwarto.
Lalong lumakas ang tugtog nung nasa sala na ako.
Dire-diretso akong lumabas ng condo unit ko.
Pakatok na sana ako sa pintuan ng kapitbahay ko ng mapansin kong hindi doon nanggagaling ang naririnig kong ingay.
Ang nasa kanan at kaliwa kong unit ay tahimik ganon din ang katapat kong unit at mga katabi nito.
Napatapat ako sa pintuan ko.
Kinilabutan.
Dinig na dinig ko na doon sa loob nanggagaling ang tugtog at boses ng mga tao.
Binuksan ko ang pinto.
Walang tao, maliwanag ang ilaw at nakapatay ang stereo.
Pero ang ingay ng mga boses at tugtog ay naririnig ko pa din.
Nanlamig ako. Kasabay ng pagtayo ng mga balahibo ko ang biglang pagdilim at pagsakop ng disco light sa buong paligid.
Hindi ako nakagalaw.
Ngayon, may mga kabataan na sa paligid ko na akala mo mga nasa bar lang.
Napabaling ako sa lalakeng nagpakita ng exhibition na flair bartending bago isalin ang cocktail sa mga baso.
"Bartender ito ang bayad namin!" Lapit doon ng isa pang lalake.
Hawak nito sa braso ang isang babaeng umiiyak, duguan ang mukha at sira-sira ang buhok na parang pinagbalakang kalbuhin.
Sa tingin ko magkasintahan ang babae at tinatawag nilang bartender. Pero hindi pa naglalapit ang dalawa ay may mga pumukpok na ng bote ng sa ulo ng dalawa.
Napatakip ako ng bibig ng humandusay ang dalawa sa sahig.
Nagsaya ang mga nasa paligid. Dumampot ang mga ito ng cocktail, nag-cheers, sumayaw at sabay-sabay na uminom.
Napapikit ako.
Inakala ko na yun na ang katapusan ng masasaksihan ko sa sandaling yun pero hindi.
Pagdilat ko, kita kong unti-unti silang bumagsak sa lapag, bumubula ang bibig at nangingisay.
"Nakatingin sila sakin. Inaabot nila ako't humihingi ng tulong hanggang sa lahat sila nakatirik ang mga mata at wala ng buhay sa harap ko." Kwento ko kay Daxton ng naranasan ko nung isang gabi.
Nakatira si Daxton sa katapat kong unit. Kakalipat lang niya pero naging magkaibigan na kami.
Nakatitig lang siya sakin at nakikinig. Kaya nagpatuloy ako sa kwento ko.
KAHAPON. Sa kwarto ko.
Nakaupo ako sa sofa habang nagbabasa.
Nang maramdaman kong tila may nakamasid sakin.
Tumayo ang balahibo ko. Pakiramdam ko may kasama ako kahit ako lang naman mag-isa ang nandoon.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto para uminom ng tubig.
Bitbit ang isang baso ng tubig, bumalik ako sa kwarto ko.
Nasa pintuan na ako ng may marinig akong yabag ng lalake na tila papalapit sakin.
Nilingon ko yun pero wala akong nakitang tao. Tuloy-tuloy kong naririnig ang mga yabag na yun.
Nanlamig ako't kinilabutan ng marinig ko yun na dumaan sa harap ko hanggang sa narinig ko na yun sa loob ng kwarto ko.
Binuksan ko ang pinto.
Nabitawan ko ang baso ng may nakita akong lalakeng nakatayo sa paanan ng kama ko. May hawak itong kutsilyo habang galit na nakatitig sa dalawang taong natutulog sa kama. Isang babae at lalake. Nagising ang babae.
Napatakip ako ng bibig ng sugurin ng lalake ang lalakeng nakahiga. Humarang ang babae, iwinasiwas ng lalake ang kutsilyo.
Nanginig ako ng talsikan ako ng dugo mula sa leeg ng babae. Bumagsak ang babae sa sahig, sa tapat ko.
Kitang-kita ko ang dugong sumisirit mula sa leeg ng babae habang sinasaksak ng lalake ang isa pang lalakeng walang kalaban-laban.
"Tulong...." Gapang ng babae palapit sakin. "Sa sobrang takot ko, nawalan ako ng malay." Baling ko kay Daxton. "Ilan lang yun sa mga nakikita ko at kanina ng matagpuan mo ko nagawa nilang iparanas sakin kung paano sila namatay."
"Paano?" Tanong ni Daxton.
KANINA nasa kusina ako ng may marinig akong umiiyak. Iyak ng isang babae.
Narinig kong nagmumula ang iyak sa loob ng banyo. Nakaawang ang pinto ngunit wala akong makita kundi dilim sa loob nun.
Itinulak ko ang pinto at binuksan ang ilaw.
Pagkabukas ko biglang may sumabunot sa buhok ko sabay tulak sakin papasok.
Sumubsob ako sa toilet bowl.
Nagulat ako ng makita ko ang braso kong puro pasa. Iba na din ang suot kong damit.
Nilingon ko kung sino ang lalake. Hindi ko siya kilala, galit na galit siya.
Hindi ko alam ang gagawin lalo na ng makita ko ang sarili ko sa salamin. Iba ang imaheng nakikita kong ako ngayon. Ngayon ko lang nakita ang itsurang yun.
Sinaktan ako ng lalake. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng bawat suntok, sabunot at sipa niya sakin.
Hindi ako makalaban hinang-hina ako. Ramdam ko ang sakit ng buo kong katawan. Hindi ko na inintindi ang mga sinasabi niya dahil sinusubukan kong magkaroon ng lakas para lumaban.
Natagpuan ko nalang ang sarili kong nakalublob na sa bath tub na puno ng tubig habang sinasakal ng lalake.
Naramdaman ko na hindi na tatagal ang paghinga ko. Na nasa bingit na ako ng kamatayan. Nakaramdam ako ng matinding takot.
Naramdaman ko ang pagsisisi sa mga bagay na hindi ko nagawa para sa buhay ko. Pagsisisi na hanggang dito nalang ang buhay ko.
Nagflashback sakin ang mga alaala at tao na alam kong hindi sakin kundi sa may-ari ng katawan na yun. Hanggang sa ibuga ko na ang huli kong paghinga at ipikit ang aking mga mata.
"Paggising ko nakahiga ako sa bath tub na walang tubig. Walang masakit at nasa maayos ang pangangatawan." Sabi ko kay Daxton ng tapusin ang kwentong yun.
"Kaya, kapag nag-iisa ka at may narinig kang ingay, wag mong bubuksan ang pinto para hindi mo makita kung paano namatay ang mga hindi matahimik na kaluluwa. At kapag bukas ang pinto wag kang papasok para hindi nila maiparanas sayo kung paano sila namatay." Pinahid ni Daxton ang mga luha ko gamit ang panyo niya. "Maging matatag ka Aria, makakahanap din tayo ng solusyon sa pinagdadaanan mo."
Nagkatitigan kami ni Daxton.
"Paano kung wala na akong panahon?" Patak ng luha ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro