Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SCW 9

"Ayel, pahinging lima."

My brows knitted at Ar-ar. Sinalubong niya na ako kaagad kahit hindi pa ako nakakapasok sa classroom.

"Anong gagawin mo sa limang piso?" tanong ko habang nilalabas ang wallet.

Natawa siya, "Ibabayad sa treasurer! Sobrang aga akong siningil!"

Tumango ako at naghanap ng barya. May nakita naman ako kaya kinuha ko iyon.

"Hoy Ar-ar, asan na bayad mo?"

Napatingin kami kay Gahaldon na biglang sumulpot. Nakita niyang inaabutan ko ng limang piso si Ar-ar kaya napataas ang kilay niya.

Inawasan niya ako ng tingin at binatukan ang isa na tumawa lang. Walang sabi siyang tumalikod at pumasok ulit sa kwarto para maningil sa iba naming kaklase.

"Salamat, Ayel!" Ngisi niya saka sinundan si Gahaldon habang natatawa. "Hoy pare! Bakit umalis ka kaagad?!"

"Kita mo 'to?" Gahaldon is already cursing the shit out of Ar-ar when I enter the classroom. He's even raising his middle finger towards him.

"Oh, eto na bayad ko o!" Nakita kong inabot ni Ar-ar yung perang binigay ko pero hindi tinggap ni Gahaldon.

"Hindi sa 'yo ang perang 'yan, nangupit ka pa talaga sa iba."

Napailing na lang ako saka pumunta sa upuan ko at naupo doon. I glimpsed at Gahaldon. He looked in my direction briefly and quickly looked away when he saw me looking.

Days passed since the issue with 1k comments. After that, Gahaldon distanced himself from me. He stopped bothering me and has been avoiding me for a few days now.

Nakikita ko siyang tumitingin minsan tapos talagang mamumula at iiwas ng tingin. Ewan ko sa kaniya. Kinatyawan nga siya ng mga lalaki at paminsan-minsan ay tinutulak sa akin.

"Wala! Mahina ang loob!"

"Tangina niyo pare, bakit nilalaglag niyo ako?" ganiyan palagi ang sambit niya saka mabilis na aalis.

Kinakausap niya naman ako pero related lang sa studies. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman sa bigla niyang paglayo. Hindi ko din alam kung ano ba ang ibig sabihin ng post na iyon. I have an idea but I don't want to entertain it!

Baka kasi iba ang ibig sabihin no'n at nag-aassume lang talaga ako! Wala naman kasing sinabi ang post na iyon. Dinelete din naman niya kaagad pagkatapos ng ilang minuto. Bakit kasi hindi niya ako diretsuhin?

I hate myself for even thinking things like this. So Gahala kasi. I groaned.

I sighed and looked at Kala as she approached me. Vien and Dolly were probably late again.

Kala sat in the chair beside me,  pagkatapos ay sinulyapan niya ako. "Did you already bayad na ba kay Gahala?"

Iniling ko ang ulo, "Para saan iyon?"

"Lamore told us na para daw sa floorwax," Kala uttered. "May extra five pesos ka?" nguso niya. "Wala pa me barya e."

"Sige, ako na magbabayad sa 'yo."

"Thanks, Mom!" kinikilig na sabi ng bading kaya nakangiti akong umirap.

"Amara,"

We paused as someone called my name. I turned to Gahala, raising my eyebrows at him.

I noticed some of our classmates looking at us, and some shouted 'ayiieee'. The guys at the back were laughing lightly, nagpaparinig. I flinched when Kala pinched my side, malisyosang nagpapahiwatig habang pinipigilan ang ngiti.

This is another reason why I feel like Gahala has a crush on me. Lagi nila akong inaasar sa kaniya! Hindi naman nila ako aasarin kung wala lang, hindi ba? I'm not that dumb, pero hindi din ako sure! Baka kasi pinagtritripan lang talaga kami ng mga loko-loko kong kaklase!

I wanted to ask Gahala about that matter, but I was too shy to even open my mouth. Baka mapahiya pa ako.

"Yeah?" I managed to ask, though I was already having a panic attack inside. Tinanong ko pa talaga kahit alam ko namang sisingilin niya lang ako!

He cleared his throat and looked away. "Bayad na lima para sa floorwax."

Wala na akong sinabi at kumuha na lang ng pera sa wallet ko pambayad sa kaniya. "Here," lahad ko. "Kasama na dyan si Kala, Vien, saka Dolly."

"Kunin mo pati ang kamay pre, kunwari nadulas kamay mo," rinig kong bulong sa kaniya ni Marwan na nakaakbay sa kaniya.

Gahala's brows furrowed at siniko ang isa sa gilid na siyang nagpa-aray sa kaniya.

"Ikaw na nga tinutulungan!" reklamo pa ng isa saka ako binalingan at nginitian. "Hello Ayel! Good morning daw sabi ni pareng Gahala! HAHAHA!"

Kinuha naman ni Gahaldon ang pera sa akin saka parang may inilista sa kaniyang notebook. Pagkatapos ay ginamit niya ang notebook na 'yon para hampasin si Marwan. "Hindi ka nakakatulong. Magbayad ka na lang ng lima sa akin."

Sinundan niya si Gahala nang umalis para maningil naman sa iba. "Wala pa akong barya sa 200 pre!"

"Nakita kita kaninang nakipagpustahan sa labas ah."

"Hindi ako iyon bro ah! Baka aKala mo lang iyon!" Asar niya pa kay Kala na sinamaan siya ng tingin.

Our classes continued normally, except for A.P. Magkatabi na naman kasi kaming dalawa! I couldn't move properly since I was very aware of his presence beside me! I couldn't help but think that maybe I really am his crush. I'm afraid he'll put meanings sa mga actions na ginagawa ko.

I groaned when my ballpen ran out of ink. I reached for my pencil case and checked if I had any extras left. I sighed in annoyance when I found none, naubos kakahiram ng mga kaibigan ko.

I glanced at Gahaldon and hesitated, debating whether to borrow a ballpen from him or not. Anyways, it doesn't need to be him naman.

"Dolly," mahinang tawag ko sa kaibigan ko who's sitting in front of us. Despite my quiet voice, I felt Gahala's gaze on me because of my sudden movement.

She turned her head towards me and raised her eyebrows, silently asking what was wrong. "Oh?"

"May extra kang ballpen?"

She was about to answer, but suddenly napatingin siya sa katabi ko saka ngumisi. "Wala eh, tanungin mo si Gahala kung meron," tawa niya saka na ako tinalikuran!

Traydor! I know mayroon siyang extra! Lagi naman siyang may dala! I quickly glanced at Gahala, thinking he might have signaled her! Nakita ko siyang agad napabalik sa pagsusulat!

I rolled my eyes when I saw how the corner of his lips curved! He's enjoying this! Sarap saksakin ng ballpen e.

Nagtanong pa ako sa iba pero pinapasa nila talaga ako kay Gahaldon! Halatang pinagtritripan nila ako! Napapakunot na ang noo ko sa inis. Napipikon na ako and at the same time ay naiilang! Dagdagan pa na malakas talaga intuition ko na ako crush niya!

I nudged his elbow kahit labag sa loob ko to get his attention. Gahaldon flinched and gazed at me with slightly wide eyes. He looked shocked because of what I did.

"Do you have an extra ballpen?" maldita kong tanong habang pinipigilan ang sarili kong huwag siyang barahin, rolyohan ng mata, at irapan. Pero tinaasan ko ng kilay. Oo na, ako na ang humihiram, ako pa matapang. But this whole scenario is just too much for me!

Pinigilan niyang mapangiti na para bang kanina niya pa hinihintay na manghiram ako sa kaniya ng ballpen! "Ito na lang ang gamitin mo," sambit niya pa at binigay sa akin ang hawak na g-tech na ballpen. Kumuha siya ng ballpen sa bag niya para may gamitin. "Nakagatan ko na kasi iyong isa, nakakahiya namang ipahiram sa 'yo," he chuckles.

"Thank you," I uttered and pursed my lips kahit gustong-gusto ko siyang irapan ng ilang beses.

Tumango lang siya at naging tahimik na ulit kami. Bumalik na ako sa pagsusulat dahil dalawang blackboard din iyon! Hindi pa nga tapos dahil may idudugtong pa si Sir.

I couldn't help but notice our hands brushing against each other as we wrote. Left-handed kasi ako tapos siya right-handed. I didn't put too much thought into it at hinayaan na lang iyon.

It's just a minor touch, but it stirs up different feelings in me. I groaned in annoyance and tilted my head to shake off those thoughts.

We had classes all day because the first grading period was approaching. My mind was already exhausted, and the intense heat didn't help, tapos biglang uulan pa.

We had to move around the school a lot dahil sa mga subjects namin na halos magkalayo ang distansiya ng classroom mula sa isa't isa. Nakakapagod pang maglakad, especially with such a heavy bag.

Aside from that, I don't know why, but my classmates kept on grinning at me.

Parang gusto talaga nila akong pagtripan! Before, they couldn't care less because I looked too fierce, but ever since Gahaldon arrived, they've been teasing me non-stop!

"Alam naman namin Amara! Hindi mo na kailangang ipaglandakan."

Ruth's statement made me furrow my brows. "What?"

Tumawa lang kaagad ang grupo nila saka sabay-sabay na sumagot ng 'Wala!' kaya mas lalo akong naintriga. Kahit iyong ibang section na nakakasalubong namin ay napapatingin sa akin tapos ngingiti.

"Why?" I asked my friends, because even them were chuckling and grinning! Ako ba ang pinagtatawanan nila? Nakakainis na ha.

"Wala girl," Dolly smirked and tapped my back. Parang sinadya niyang lakasan iyon!

Napatingala ako kay Gahaldon nang tumabi siya sa akin. Nakakunot ang noo niya at may kinuha siya sa likod ko kaya napatigil kami. Taka akong napatingin din doon nang may kinuha siyang papel na parang dinikit sa likod ko!

Kaagad namula ang buong mukha ko nang makita ang nakasulat!

'Gahala's Property ♥!'

Tapos may heart heart pa! What the fuck?

Sino ang dumikit no'n sa likuran ko? At kailan pa? Halos nilibot na namin ang buong school! Meaning sobrang daming nakakita no'n!

Omygod. Nakakahiya! Halos umusok ang ilong ko sa inis nang makitang natatawa ang mga kaklase ko!

I saw how Gahaldon's lips lifted. " Bakit mo naman pinagkakalat na pagmamay-ari kita?" Tawa niya.

"Hindi ako ang naglagay niyan! Bakit ko naman ilagagay 'yan at ipahiya ang sarili ko?! "

"Aba, ewan ko sa 'yo," walang kwentang sagot niya.

Nameywang ako sa harapan niya saka siya tiningala. I can see him looking at me with amusement! "Are you sure you're not the one who put that in my back?" Malditang tanong ko na siyang nagpahalakhak sa kaniya.

"No," He grinned and pinched my nose that made me growl. " Kasi hindi naman tama ang nakalagay sa likod mo. Hindi kita pagmamay-ari...pagmamay-ari mo ako."

His answer made my friends and other girls squeal! Someone even shouted 'Sana all!'

My lips parted a little while looking at him. Why the fuck he's so confident while saying those? Ni hindi niya nga ako madiretso at maka-usap ng maayos! "What do you mean by that?"

He grinned and shrugged, "Ewan ko. Slow mo," He tsked and flicked my forehead. Tapos dinikit niya ulit sa akin ang papel pero sa noo ko na!

"Tara na mga bro," tawa niya saka nauna na silang magkakaibigan.

Gray's group even teased me when they walked past by me.

"Sino ang naglagay no'n sa likod niya? Gago kayo. Basta alam kong ako ang nagsulat no'n!" I heard Marwan asking them! So sila ang may pakana? Sinamaan ko tuloy ng tingin pero ngumisi lang sila.

"Calm down, Gahala's Property." Lucaus laughed! "Huwag kang magstrong."

Gahaldon's actions, the hints , the teasing and everything else are really telling me that I'm his crush.

Inis kong kinuha ang papel sa noo ko at sinamaan ang tatlo kong kaibigan na hindi man lang ako hineads up about dito! Pakiramdam ko pati sila may alam sa mga nangyayari!

Hindi pa nila ako tinantanan hanggang sa matapos ang klase. Pikon tuloy ako kay Gahaldon na mukhang nasisiyahan pa.

"Hindi ako ang naglagay no'n, okay?" He explained again while slightly laughing. Parang nakalimutan niya na ngang iniiwasan niya ako.

Hanggang sa makauwi ay laman pa rin iyon ng isip ko. I hate the fact na napangiti ako because Gahala's talking to me now! Ugh. Bickering with him lightens my mood. This fact alone is the main reason why I'm so irritated.

I silently cursed and shook my head to erase that in my mind. I forced myself not to think of it again and smiled like an idiot without any apparent reason! I think I've gone crazy!

Shit. Kung ano-ano ng naiisip ko. Baka paglumala pa 'to, maging crush ko na din siya. Madidistract ako kapag nangyari iyon.

"Hello, class."

We stood up after seeing Mr. Apura enter our classroom. "Good morning, Sir!" We greeted him back. He gestured with his hands, indicating for us to sit in our chairs again.

He was about to start the lesson when a senior student knocked on our door. Sabay-sabay ata kaming lahat na napatingin sa kanila.

It's the SSG president and vice president. Nagkatinginan pa kami ng Vice president pero walang pakialam ko ding iniwas ang tingin.

The president smiled, "Excuse me, and good morning, Sir. May announcement lang po kami."

"Yeah, sure. Go on," tango ni Sir at nagpagilid muna, offering them the floor. Pumasok naman ang dalawa saka tumayo sa harap namin.

"Baka walang klase," hopeful na bulong ng isang katabi ko.

"Baka kamo manghihingi ng piso-piso para sa namatayan," chismis nila.

The President cleared his throat to quiet down the room and to get our attention. He smiled once we were all settled. "So, good morning, Grade 10. It's just a quick announcement—I want to inform you that on August 23, we will be having our acquaintance party..."

He paused briefly, smiling as my classmates immediately cheered with a 'yes!' Pinatahimik naman sila ng iba at sinabihang makinig muna.

"So after discussing it with the team we decided to go with a Bohemian theme. The event will be held right here in our gymnasium," he added, glancing at the Vice President, signaling him to continue the announcement.

"Take note that everyone is invited and expected to attend. We have prepared some activities for all of you to enjoy and have fun with.
And for you to look forward to it, I'm excited to announce that we invited some local bands to have fun with us. " Ngiti ng VP at napatingin ulit sa direksyon ko.

"This is tentative but the said event will begin at 1 p.m. and end at midnight. So, make sure to inform your parents and get their approval before joining. Clear ba para sa lahat?"

Sabay-sabay na nagyes ang mga kaklase ko, halatang excited.

"May nakalimutan pa ba tayong sabihin?" rinig kong tanong nong President sa VP.

"I think none," iling ng huli na siyang nagpatango naman sa isa.

Muli silang humarap sa amin. "Alright, for further details and announcement, pakiantay na lang po sa aming page. We'll keep you updated. Thank you so much."

Ayon lang at nagpaalam na din sila kay Sir dahil pupunta pa sila sa kabilang section.

My classmates cheered like wild animals in the zoo after that. Ang dami na kaagad nilang naplanong gawin tapos pinag-uusapan na nila ang susuotin!

Ako lang ata ang hindi masaya. New events means heavy schedules para sa aming mga council officers. Ang daming ganap ngayong August. May buwan ng wika pa pagkatapos ng acquaintance. After buwan ng wika, we will have our first periodical examination. Ngayon pa lang nastestress na ako.

"Okay ka lang ba?"

"Yeah," tumango ako kay Gahala nong tinanong niya ako.

He pursed his lips and studied my face, "You look a little pale."

"I'm fine. Lets go," aya ko na lang sa kaniya kasi may meeting kami ngayon sa room ni Ma'am Biona para sa ipeperform namin this upcoming Buwan ng wika.

Inexcuse kami kaya sobrang inggit ang ibang kaklase ko. Grabe pa ang sama ng tingin sa akin ng tatlong bruha.

Napatingin ako sa kaniya nang inagaw niya sa akin ang mabigat na bag ko at siya ang nagbitbit. Hinayaan ko na lang siya dahil pinapansin niya na ako ngayon.

"Halika na dito señorita, ang init- init," biro niya saka ako pinayungan. "Oh, hawakan mo." Bigay niya sa akin ng maliit niyang electric fan. Hinaharap ko din iyon minsan sa kaniya para mahanginan din siya.

Ang mga kaklase naming kasama namin ay nasa unahan namin. Nagpapahuli kami ng kaunti dahil ayokong matukso na naman nila lalong-lalo na sa ginagawa ngayon ni Gahala!

I looked up to him when I remembered something. Mukhang napansin niya naman dahil niyuko niya ako at bahagyang tinaasan ng kilay, tinatanong kung ano ang problema ko.

Ngumuso ako ng kaunti, "Bakit mo pala ako iniiwasan?"

"Huh?" gulat niyang tanong pabalik at parang hindi inasahan iyon. He's flustered kasi diniretsa ko siya.

Napatingin siya sa gilid ko at pinagpalit ang pwesto namin para maharang niya ang katawan ko sa kumpol na mga estudyanteng dumaan. Nabunggo pa siya ng iba.

"You're purposely avoiding me these past few days. Napansin ko 'yon," ani ko saka finocus sa mukha ko ang mini electric fan, making my hair dance with the wind it makes.

He chuckles and puckered his lips towards me. "Bakit tunog malungkot ka? Ayaw mong hindi kita pinapansin?"

I frown, " No. It's not like that. I mean, did I do something wrong or did I offend you?"

Napatigil siya sa paglalakad kaya gano'n din ang ginawa ko. Hinarap ko siya at tiningala. I look so small beside him.

"Amara, no. Kahit may magawa ka pang mali or maoffend mo ako, I doubted that makakaya kong hindi ka pansinin. It's just that..." He scratched his nape and murmured, "nahihiya lang talaga ako sa 'yo."

My heart pound slightly because of his answer. Bakit pakiramdam ko konektado 'to sa post niya at sa crush niya kuno?

"Bakit ka nahihiya?" pasimple kong tanong. Baka umamin o madulas siya.

Natawa siya, parang nabasa ako. "Wala," ngisi niya, aliw na aliw. "Tara na, nahuhuli na tayo. Iniwan na tayo ng mga kaklase natin oh."

Okay. Failed attempt. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Nahahapo pa ako ng kaunti kasi ang taas ng hagdan papuntang grade 10 department. Galing kasi kami sa building ng senior high dahil doon ang kwarto ng ESP subject teacher namin kaya grabe din talaga yung lakad. Hinihintay naman ako ni Gahaldon at hindi nagrereklamo.

"Kaya pa?" ngingiting tanong niya saka nilahad ang kamay para alalayan ako.

"Yep," sagot ko saka hinawakan siya.

Binitawan ko lang kaagad 'yon nang makita kong makakasalubong namin ang Vice President ng SSG. Kasama niya yung ibang officers.

His eyes immediately settled on me at mukhang nakita niya yung paghawak namin ng kamay ni Gahala dahil napatingin siya sa kamay ko bago ibinalik ang tingin sa aking mata.

Gahala on the other hand has no idea. "Tara na," aya niya pa sa akin saka dumikit para kasya kami sa payong.

I don't know what to do, if babatiin ba yung Vice President kasi we're acquaintance, or not dahil hindi naman kami close.

But before I could even decide, he already stopped infront of me. "Going to your next class, Keleya?"

Napahinto din tuloy ako pati ang mga SSG officers at si Gahaldon na napatingin sa bumati sa amin. "Uh, no. May meeting kami with Ma'am Biona."

"I guess it's about the Buwan ng Wika thing?" he asked again.

"Yeah," maikling sagot ko.

"Alright, listen well. " ngiti niya saka bumaling sa katabi ko. "You too, bro." Iyon lang ang sinabi niya saka umalis na sila.

"Kilala mo pala 'yon?" intriga ni Gahala saka napakunot ang noo. "Iba pakiramdam ko sa kaniya, parang kalaban."

Napangiti ako ng kaunti. "Hmm, nothing really. Anak ng kaibigan ni Mama."

Tumango lang siya at hindi na nagsalita. Napasulyap ako sa kaniya dahil hindi ako mapakali.

Gusto ko siyang tanungin patungkol sa post niya. Para malinawan ako at hindi na mag-isip ng kung ano-ano.

I bit my lower lip because I felt nervous all of a sudden. "Gahala," tawag ko.

He turned his head towards my direction and met my eyes directly. "Hmm?"

I hesitated at first. "What's the meaning of your post? Or rather... Why did you tag me in your post?"

Literal na natisod siya sa harapan ko matapos marinig ang aking tanong. Namula siya at parang nahiya bigla. "Hindi mo alam kung bakit?" He asked na parang hindi makapaniwala.

Umiling ako, " May idea ako pero...hindi ako sigurado. " I told him honestly. Ramdam na ramdam ko ang kalabog ng aking dibdib dahil sa kaba!

Napahinto naman siya saglit at napatingin sa mukha ko na parang bang binabasa niya ako. Tapos ay natawa siya, "Anong idea mo?"

Umiling kaagad ako, "Ayokong sabihin." Baka sabihin niyang feelingera ako! Hindi naman, base lang sa instinct ko.

Ngumisi siya sa akin, "Kung ano man ang idea mo, baka 'yon nga yon."

Something twists inside me when I heard that. I pursed my lips. So...crush niya nga ako? "Totoo? Alam mo ba kung ano ang idea ko?"

"Huwag mo akong pilitin Amara, ayokong umamin ng ganito," halakhak niya.

Umamin. Ayoko din. Feeling ko dadagain ako. Tapos magiging awkward kaming dalawa sa isa't isa at iiwasan ko siya.

"Lagi kang may dalang payong?" change topic ko.

"Yeah, araw-araw chinecheck ni Mama if dala ko e. Love language niya ang siguraduhing hindi ako magkakasakit." He chuckles.

Napatango ako saka naappreciate yung Mama niya. "Eh bakit noong umulan wala kang dala?" tanong ko nang maalala ko.

"Huh?" Nausal niya saka biglang namula ulit. Iyong mukha niya parang nahuling may ginawang kasalanan. Napaiwas kaagad siya ng tingin kaya napataas ang kilay ko.

"Aba-t! Hoy gago. Bilisan niyo!"

Hindi na nasagot ni Gahala ang tanong ko dahil kay Ruth. Iyong mukha niya parang nabigyan ng pag-asang mabuhay muli. Kaagad niyang binilisang maglakad na parang ayaw sagutin ang tanong ko!

Hindi ko na lang siya pinilit pero may hinala na ako. I pursed my lips as I felt something funny in my stomach. Si Gahala...mukhang crush na crush ako. Shit.

I forced myself not to be distracted by him in the middle of our meeting, but I couldn't stop myself from glimpsing at him from time to time. Ilang ulit na ding nagtama ang paningin namin tapos ngingiti lang siya. That small interactions somehow made me happy.

Ininform lang naman kami ng aming gagawin saka role para sa aming play. Tapos ang total amount na iaambag namin sa aming costume. After that, binigyan lang kami ng script na kailangan naming imemorized.

Nastrestress ako biglang isipin ang mga gawain. Nagsama-sama ang events, test, at activities. Nag-uumpisa na akong mahilo kung anong uunahin ko. Kailangan ko pang magreview.

Busy ako kinagabihan dahil inumpisahan ko ng icompile ang mga reviewers ko, tinitingnan kung completo ba ang mga notes ko per subject.

Napasulyap ako sa phone ko nang tumunog ang messenger. Nakipagtalo pa ko kung titingnan ko iyon o hindi.

I sighed heavily and closed my eyes tightly before reaching for my phone. I almost cursed myself when I felt giddy after seeing Gahala's chat.

Gahaldon:
Busy?

Keleya:
Not really, why?

Damn. I'm busy. I have tons of things to do.

Gahaldon:
Are you up for a talk?

And when I chose to talk to him over my priorities, I just knew he was not good for me anymore.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro