Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SCW 8

"Hanep, magjowa ba kayo?"

Hindi ko alam kung paano magre-react matapos marinig ang tawa ni Dolly habang papunta kami sa science class.

"May pa-exchange pa ng bag, ampucha. Baka sa susunod exchange na ng 'I love you' 'yan?!" Vien teased.

"Can you even hear what you're saying?" I asked irritably.

"And you even have the guts to hesitate, huh?! So maarte! Bhe, if I were in your position, pati ako magpapabuhat sa kaniya," dugtong ni Kala with gestures, making Dolly laugh even more.

Ako ang nahihiya sa pinag-uusapan nila dahil nasa likod lang namin si Gahaldon. Napalingon ako saglit at namula nang kaunti nang mahuli ko siyang nakatingin sa amin at bahagyang nakangiti. Halata sa mukha niya na naririnig niya ang mga pinagsasabi ng mga kaibigan ko, and he was even enjoying it as if it's in his favor! Ugh. Sobrang nakakahiya!

Bothered pa ako sa sinabi niya kanina. Kinikilig siya? Bakit? Hindi naman siguro ako ang crush niya, hindi ba?

Kaagad akong napailing to disagree with that thought. I groaned lowly when I felt a blush creeping up my neck. Why am I even thinking it? Dapat wala 'to sa vocabulary ko. Wala dapat akong pakialam kahit sino man ang crush niya.

"Hindi mo ba crush si Gahala, Ayel? Gwapo naman ah tapos matalino pa! Kung ako sa posisyon mo, jusko, yes Father, I do!" kulit pa ni Vien.

"Tigilan niyo nga ako." Naiirita na ako sa kanila. Kung ano-ano ang mga pinagsasabi nila kaya kung ano-ano na din ang pumapasok sa isip ko! Kasalanan nila 'to pero mas kasalanan ni Gahala.

"Kapag itong si Ayel nagka-crush kay Gahala, nako lagot tayo diyan," tawanan nilang tatlo sa sinabi ni Dolly.

"Hoy, ano iyon?!" Biglang sulpot ni Marwan. "Tama ba rinig ko? Si Ayel nagka-crush kay Gahala?! Hala!"

"Huh?"

Napalingon kaagad ang grupo nila sa amin dahil sa sinigaw ni Marwan! Pakiramdam ko namula ang buong pagkatao ko lalo na at biglang napatingin sa akin si Gahaldon! Parang napantig ang tenga niya. Even some of the passersby looked in our direction too. They even whistled playfully at the thought that someone had confessed.

"No. That's not it," tanggi ko kaagad at umiling pero kay Gahaldon ako nakatingin na parang sa kaniya ako nag-eexplain.

Ano ba kasing tainga meron si Marwan?! Hindi ba siya naglilinis?! Papahamak pa ako! Yung phrase na 'yon lang talaga siguro narinig niya! Hindi na niya pinakinggan ang iba!

"Wehh?" sabay-sabay nilang sabi kaya natawa si Gahala.

Siniko niya sila habang ngiting-ngiti na para bang nanalo sa lotto. "Huwag niyo na ngang asarin, nahihiya na oh."

"Ulol mo, bro. Alam naming gusto mo ding inaasar," laglag sa kaniya ni Lacaus. Iyon din ang sinabi niya kanina sa akin! Pakunwari pa siya!

"Hindi nga iyon ang sinabi ni Dolly! Mali ang narinig ni Marwan. Hindi ko crush si Gahala," tuloy-tuloy kong explain pero hindi naman sila nakikinig at panay pa din ang panunukso.

"Bwisit kayo," mura ko sa kanila at inirapan ang mga kaibigan ko dahil tawang-tawa sila! Hindi man lang ako tinulungang mag-explain!

Inasar lang nila ako hanggang sa makarating kami ng science. Tatawa-tawa lang si Gahala at mukhang nasisiyahan pa sa nangyayari!

"Oh," bigay niya sa bag ko nang makarating na kami sa room.

"Salamat," naiilang na pagsasalamat ko at binalik din ang sa kaniya.

Tahimik lang kaming dalawang nakikinig sa science. Mag-aactivity sana kami kaso kulang kami sa oras. Pinagawa na lang sa amin ni Ma'am tapos kailangan naming ipasa next week.

Nag-usap lang kami ng mga kagrupo ko habang papunta kami sa English. Napagplanuhan naming sa Saturday namin gagawin para kung hindi matapos ay may Sunday pa. Medyo mahirap kasi. Gagawa kami ng electric circuit.

"Ma, Pa, we have a group project tomorrow."

My father turned his attention towards me after I informed them in the middle of eating dinner. My mom just glanced at me and didn't say anything.

"Where?" tanong agad ni Papa.

"Sa Plaza po," I answered briefly.

"May mga lalaki ba?"

I met his gaze. "Yes. Lima po sila."

"Are you friends with them?"

Umiling ako kaagad. "No po." I'm close with Silva, but he told me he didn't want to be friends with me.

Now that I remembered it, it sounds suspicious! I shook my head to brush off the ideas from my mind. Ayokong i-entertain! Baka kung saan-saan ako mapunta.

"Okay. Siguraduhin mo lang na pag-aaral 'yang inaatupag mo at hindi paglalandi, Amara."

Gahaldon immediately popped into my mind. I don't know why, but I felt guilty all of a sudden. I sighed deeply and nodded, "Opo."

I lay on my bed and stared at the ceiling. I had just finished a book, and now life felt a bit useless.

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog. Tamad kong inabot iyon saka binuksan. Bungad kaagad ang chat head mula sa GC naming Group 4.

Sylvia:
What time tayo tom?

Gahaldon:
@Keleya Amara Teixiera anong oras daw po tayo magkikita

Keleya:
9 in the morning.

Hayes:
Ano...hindi pa ako sure, baka busy ako bukas

Peach:
Ako pupunta pero baka malate ako kasi maglalaba pa ako

Ryder:
Magpapaalam muna ako kay Mama guys, baka di ako payagan

Anneliese:
Huwag na lang kayong pumuntang lahat

Anneliese:
Pare-pareho tayong may iba pang gagawin, huwag kayong ano 🙄

Graig replied to Anneliese:
luh galit

Ruth:
Baka palusot lang 'yan para hindi makagawa 🥱🤧

Napabuntong-hininga ako ng mag-away pa nga sila. I typed for a reply para hindi na humaba.

Keleya:
Reminder lang na project natin 'to, and I need your cooperation. I'm aware that all of us have responsibilities outside of school, however, I need you to sacrifice some time to contribute to this project. I will not list your name otherwise. I won't give you the luxury of being excused from your responsibility as a 'groupmate' and getting the same grade despite that.

Keleya:

You can be excused naman but if the reason is valid. I hope I made everything clear.

Gahaldon replied to you:
Yeah 👍

Kaagad nilike ng iba ang sinabi ko. Some laughed at Gahala's reply. Napailing ako saka hinayaan na sila. Nagscroll-scroll pa ako sa Facebook bago ako natulog.

"Wala pa sila?"

Gahaldon looked up when I arrived. His eyes widened a bit when he saw me, and he straightened up in his seat. He cleared his throat but quickly shifted his attention back to his phone, tapping away intensely. He must be playing a game.

He was dressed simply in a black hoodie, gray shorts, and a pair of Converse sneakers. He was also wearing an anklet. Mabalbon pala siya. Probably I hadn't noticed before because of our school uniforms.

"Wala pa. Ako pa lang," he answered, still focused on his phone but glancing at me occasionally.

I nodded and sat down near him. We were in the largest cottage at the plaza. Napanguso ako, feeling a bit bored while waiting for the rest of our group. Sana pala nagdala ako ng libro.

I took my phone out of my shoulder bag and started scrolling through it. I busied myself with my phone while Gahaldon continued playing. I opened Messenger to ask our groupmates where they were.

Keleya:
Nasaan na kayo? 8:50 na.


Ruth:
Otwayy naa

Sylvia:
Wait. Wala pa akong masakyann

Anneliese:
Kakatapos ko pa lang maligooooo

Hayes:
Nakasakay na

Keleya:
Bilisan niyo, kami pa lang ni Gahala ang nandito.

Peach:
Date muna kayo dyan

I pursed my lips after reading it. Some of our groupmates reacted "haha" to it. Gahaldon chuckled. Nakita ko siyang nagseen sa group chat.

"Tara," he said suddenly.

"Huh?" I looked at him as he hid his phone and stood up. "Saan?"

He grinned. "Date daw. Mukhang matatagalan pa sila."

"Totoo?" Natanga ako sa sinabi niya.

"Papayag ka ba?"

"Hindi." Mabilis na sagot ko.

"Oh, diba. " He laughed, happy that me fooled me. "Tara sa mall. Bibili tayo ng materials para pagdating nila handa na lahat."

"Hindi ka nagpapalusot lang?" I questioned, standing up.

Hindi na ako masyadong nagtitiwala sa kaniya dahil sa sinabi niya noong nakaraan. Maybe he's actually flirting with me and I don't even know it. I'm being cautious now.

"Hmm," he replied with a playful smile. "Maybe," he smirked before starting to walk ahead.

My lips slightly parted. "What?" I called after him.

He stopped and turned to me. "Joke lang. Saka na kapag payag ka na," he grinned and chuckled. "Let's go."

I blinked while looking at him. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kaniya! I do appreciate it when he held my elbow and helped me cross the street. Pumasok kami sa mall nang makarating doon at diretso kami sa National Bookstore.

Namili kami ng mga kailangan. Matapos naming kunin ang lahat, napunta ako sa mga libro at natagalan doon. Hindi ko narinig na may reklamo si Gahala habang naghihintay.

"Amara," he called.

Matagal bago ko siya binalikan habang tinatapos ang pagbabasa ng blurb ng isang novel. "Yeah?"

Bigla akong nag-alangan nang makita ang seryoso niyang tingin. "May... kailangan ka?" awkward kong tanong.

"I like you."

"Huh?" Parang sinabugan ata ako ng bomba nang marinig ang sinabi niya. Nag-panic ako. Shit. Anong gagawin ko? "Anong sabi mo ulit?"

"I said," he uttered seriously, taking a step closer. My knees felt weak under his gaze. Napaatras ako ng isang hakbang. He moved closer until we were at eye level, "I like you."

I opened my mouth to respond but words failed me! Nablanko ata ang utak ko!

He grinned at my reaction and revealed the book he had been hiding behind him. "By Sandol Stoddard Warburg. Bilhin mo, maganda 'to."

My lips parted and he burst out laughing! Ugh! This guy, really! That's why it never crossed my mind that he likes me! Kasi everything to him is just a joke! He's definitely just messing with me! Good thing I'm not easily swayed!

I snatched the book from him and playfully swatted him with it. Annoyed, I walked to the counter with him trailing behind, barely able to contain his laughter.

"Hoy, sungit, hintayin mo ako!"

I scowled and stood with folded arms at the counter, ignoring his teasing, which made the staff curious as they glanced at us.

"Ano? Disappointed ka?" he asked with a chuckle.

"Stop teasing me!" I gritted my teeth in annoyance, but Gahaldon just laughed like the annoying person he is! He even poked my cheek.

I glared at him, causing him to raise his hands in mock surrender, still smiling. He really enjoys getting on my nerves! Kinabahan kaya ako dahil sa ginawa niya! Napakagago.

Siya na ang nagbuhat ng mga pinamili namin at nagbayad kasi umiinit ang dugo ko sa kaniya kanina. He seems to derive satisfaction from teasing me. I feel like his day wouldn't be complete without me giving him a scowl.

"How much is it all?" I asked as we walked out of the bookstore. He slowed down his pace because of my short strides.

"413," he replied.

I nodded. "So if we divide that by 10..."

"41.3," he quickly answered, smiling at me.

I pursed my lips slightly and nodded. He's quick with numbers. "So it's 41.3 each,"

"I bet someone's going to complain about that," he chuckled.

I chuckled too because that's exactly what I expect.

"Amara, kunwari lang 'to ha," he suddenly said as we continued walking. "Kunwari crush kita."

I immediately looked at him, staring suspiciously. Bakit parang duda ako doon?

"Kunwari lang! Hindi totoo! Huwag kang mag-isip ng iba!" he quickly added defensively when he saw my reaction.

I frowned, "Oo nga. Kunwari lang. Tapos?"

"Ayon nga, kunwari crush kita," tawa niya. " Ano ang magiging reaction mo kung magconfess ako sa 'yo?"

My brows furrowed, and I glanced at him skeptically. His question seemed dubious. "Why are you asking me?"

He shrugged. "I'm planning to... confess." He grinned, trying to contain his excitement at kilig. I cringed. Ano ba 'yan, nakakadiri siya. "Maybe you can help."

"Hindi ko alam," walang kwentang sagot ko. Ako pa ang tatanungin niya e alam niya namang hindi ako interesado sa mga ganiyan! Besides, "No one has ever had the courage to confess to me. By the time they do, I've already turned them down," I smiled sweetly at him. I'm not threatening him with those smiles, I'm just proud of myself.

Napatigil siya sa paglalakad kaya gano'n din ang ginawa ko. Ewan ko pero literal na namutla siya. Problema nito?

He gulped, "Binasted mo?"

I nodded. "Yeah. Two of them even cried."

He winced. "Are you trying to scare me?"

I laughed because he seemed suddenly worried. "Are you afraid you'll be rejected? Don't worry! Hindi naman ako ang crush mo, so you might still have a chance!" I cheered him up.

He stared at me and shook his head. "You're not helping." He walked past me. "Ewan ko sa 'yo, Teixeira."

I pouted. Siya ang nagsabing baka makatulong ako eh! Pinagaan ko lang ang nararamdaman niya!

"Hintayin mo ako!" reklamo ko saka binilisan ang lakad.

"Halika na dito, ismol."

"What?!" I hissed after I heard what he called me. Ang dami niya nang tawag sa akin! The only thing I heard next is his chuckle which made me pucker my lips.

Nang makabalik na kami sa plaza ay nandoon na ang mga kagrupo namin. Dalawa na lang ang kulang.

"Nagdate nga sila!" tawa ni Florian ang sumalubong sa amin.

"Ugok," binatukan siya ni Gahaldon. "Oh, 41.3 pesos ang ambagan," pinakita niya ang mga gamit na pinamili namin.

"Huh?! Ang mahal naman!" reklamo kaagad nila just like what we've expected. Ang dami pa ngang sinabi pero nagbigay naman.

"Looks like Graig can't make it dahil walang magbabantay sa kapatid niya tapos si Ryder dahil hindi pinayagan ng Mama niya. Wala daw magbabantay ng tindahan nila ngayon," Anneliese informed us habang nagtatype sa phone niya, probably talking to them.

Gahaldon nodded, "Okay lang 'yan."

"Should we start? Dito lang ba tayo gagawa?" I asked them.

"Oo, dito na lang."

Nagusap-usap pa kami kung ano ang plano namin at kung paano namin gagawin. Nanood pa nga kami ng mga YouTube videos para magkaroon ng idea. Buti na lang may mga lalaki kami sa grupo, parang mahilig sila sa mga gawain na ganito.

"Gahala pare!"

Napatingin kaming lahat sa bagong dating. Si Marwan iyon na kasama si Lamore na nakasimangot. Kasama nila ang kanilang mga kasama sa grupo. Vien even smiled, and waved at me when my eyes laid onto her.

"Oh? Bakit?" tanong ni Gahaldon nang makalapit na sila.

"Sama kayo?!" aya ni Vien sa amin. "Pupunta kami kina Lamore! Makikikain!"

"Sama ka!" excited na sambit ni Vien sa akin nang makalapit siya sa akin.

"Sama tayo!" sabi naman ni Hayes saka inaya si Florian.

My brows immediately furrowed, "Akala ko gagawa tayo ng project?"

"May bukas pa naman Amara!" palusot kaagad nila!

"Akala ko nagrereklamo kayong madami kayong gagagwin?" irap ni Ruth.

"Pwede namang gawan ng paraan!" katwiran ni Hayes na sinang-ayunan kaagad nila.

Tumango sina Florian, "Oo nga!"

"Tara na," Aya ni Lamore. "Ang gustong sumama, sumunod na lang. Malapit lang bahay namin dito."

"Sama na tayo! Tara na," engganyo ni Sylvia. "Bahala kayo, basta sasama ako." Dugtong niya saka sumunod kina Lamore. Napahilot ako ng sintido.

"Ano sasama ba kayo?" tanong ni Ruth. Mukhang nagdadalawang-isip na din siya dahil apat na lang ata kaming magkagrupo ang naiwan dito.

"Sasama ka ba?" Napatingin ako kay Gahala na nagtanong na din. "Kung sasama ka, sasama ako. Kung hindi ka sasama, samahan kita."

"Edi wow, " asar ng nakarinig na nagpangiti kay Gahala.

I rolled my eyes before frustratedly telling him, "Ewan, wala na ang ibang kasama natin dito. Ano? Tayo na lang gagawa? Unfair naman 'yon."

"Sa akin hindi, pabor pa 'yon," tawa ni Gahala. "Joke." Bawi niya nang makita niyang nakatitig ako sa kanya.

Tsk! Hindi nagseseryoso!

"Pwedeng doon din tayo gumawa ng project kasama ang iba!" suggest ni Ruth. Parang kating-kati na din siyang sumunod doon pero pinipigilan ang sarili at hinihintay ang desisyon ko.

Kita mo 'tong mga 'to, sa project ang daming sinasabi pero sa kainan go lang!

"Oo nga! Mas masaya iyon!" Duda talaga ako sa sinabing ito ni Peach.

"Sama ka na Ayel! Ako bahalang gumawa ng palusot mo!" usal ni Vien after.

Wala akong nagawa kundi pumayag dahil halos lahat sila sumama na. Kinakabahan ako dahil baka malaman ni Mamang na nakibirthday ako instead na gumawa ng project.

"Okay ka lang?" bulong ni Gahaldon habang naglalakad kami. "You look like we are doing something illegal," he laughed.

"Huling tawa mo na 'yan sana." Irap ko.

"Huwag kang kabahan!" demonyong engganyo sa akin ni Vien matapos makita ang mukha ko. Inakbayan pa ako ng gaga.

"Baka pagalitan ako," sambit ko sa kaniya.

"Hindi 'yan, trust me! Kung papagalitan ka man, ienjoy mo na lang 'to para sulit, diba?!" Hindi pa siya nakatulong.

We stopped talking when we arrived at a wide red gate. I looked up at the large house that greeted us as we walked in. Tatlong palapag iyon at modernong tingnan. May malapad na garden sa gilid at pool. May greenhouse din sa hindi kalayuan pati gazebo.

Madaming ding bisita sa garden. May nagbabati pa kay Lamore kaya napapahinto kami. Nakakahiya din dahil parang nagsama si Lamore ng isang batalyon. Nandoon na nga ang iba naming kaklase at kumakain na.

"May chicks akong masulyapan pre," tawang bulong ni Raven kay Gahaldon kaya napatingin ako.

"Pagkain pinunta natin dito gago," Gahaldon cursed him.

"Ikaw 'yon, ako hindi." Tawa ng huli. "Tulungan mo 'ko mamaya, kunin ko ang number."

Sa garden sila naghanda dahil mas malaki ang space. May mga sabit-sabit pa saka kung ano-anong decoration. Doon kaagad kami dumiretso sa mesang puno ng handa.

"Mama mo pre, asan?" rinig kong tanong ni Gray.

"Busy, may duty," sagot niya. "Kain lang kayo," binigyan niya kami ng mga plato saka kutsara.

Kaniya-kaniya kami ng kuha ng pagkain. Ako ata ang nahiya sa mga boys dahil gabundok ang kinuha nila. Nakuha pa nilang magreklamo. Ang kakapal ng mukha nila!

"Pre, walang shanghai?!" Tanong ni Lacaus.

"Meron, kukuha lang ako."

"Bakit maputla spaghetti niyo pre?"

"Gago, carbonara 'yan," binatukan ni Lamore si Marwan.

"Wew, hindi masyadong matamis salad niyo," Ar-ar commented!

"Tangina niyo. Magsiuwi nga kayo," iritang ani ng isa na nagpahalakhak sa kanila.

"Sayang naman kung uuwi kaming hindi nauubos handa niyo," tawa ni Hayes.

"Pre? May mango float pa kayo sa ref? Kuha ako a," si Marwan na tinanguan ni Lamore kaya umalis na 'to.

"Pre? Inom?!" Ayang tanong ni Gray.

Tumango naman ang huli, "Sure. Kuha lang ako ng iinumin natin."

After grabbing my food, I waited for Vien to finish. Kala and Dolly weren't with us. Ibang group sila at bukas pa daw sila gagawa.

After niyang kumuha ng pagkain ay naupo kami sa mga upuan saka doon kumain. Sama-sama kaming magkakaklase at nakahiwalay sa ibang bisita.

"Videoke tayo!" Marwan suggested upon spotting a videoke machine nearby. "Ako mauna!" he declared, punching in the numbers after he looked into the songbook.

"Kung ako sa 'yo pre, tatahimik na lang ako!" guys teased as he started singing.

They were drinking at the next table. I glanced at Gahaldon and saw him smiling while sipping from a Red Horse bottle. Napasulyap siya sa akin habang umiinom. Natawa ako ng kaunti nang mabulunan siya after niyang makitang nakatingin na ako.

Ayan, sulyap pa kasi.

"Kung iniibig ka niya. Siya ay naririto at di ka hahayaan na lagi ay nag-iisa kaaaa! At kunggggg, mahal kang talagaaa," feel na feel na kanta ni Marwan.

Nakakatawa lang. Siya yung kumakanta pero ako yung nahihiya sa kaniya.

"Hoy! Hindi ba pwedeng patayin na lang 'yan?! Ang sakitt ng tenga ko!" reklamo ni Vien.

"Luh, hindi ka lang nakapaglinis ng tenga eh! Sinisi mo pa sa akin! Mura lang ng cotton buds, gurl," lait pabalik sa kaniya ni Marwan.

Ang ingay-ingay namin, napapatingin nga sa amin ang ibang bisita. Kumanta pa si Marwan ng isang kanta at naparolyo na lang ako ng mata dahil medyo bastos. I frowned when the guys laughed while looking at the videoke. Tuwang-tuwa sila doon sa mga babaeng nakabikini na background.

Abala kami sa pagtawa nang makarinig ng ingay na parang nabasag. Marwan stopped singing abruptly, and most of us turned to look at the source of the commotion.

Nabitawan ni Louisa ang plato niya kaya nabasag at kumalat ang pagkain. I can see embarrassment in her face. Parang gusto niya na lang maglaho.

Dahil si Gahaldon ang pinakamalapit sa kaniya, tinulungan niya ang babae. My brows raised when Louisa's friend shouted 'sana all!' while laughing. They are obviously teasing.

I don't know if Louisa is blushing because of embarrassment or because she's shy towards Gahaldon. I looked away when Gahaldon smiled at her. Mukhang natutuwa pa siyang tinutukso sa babae.

"That's why we told you to keep quiet, man!" birong sisi ng grupo ni Marwan sa kanya.

Hindi ko sila napansin dahil kunot-noo akong napapaisip ng malalim. Napatingin ako kay Vien na siniko ako.

She took a bite from her lumpia. "Anong iniisip mo?"

"Vien," panimula ko. "Si Louisa ba ang crush ni Gahaldon?"

"Ha?" natatawang tanong niya saka nilunok ang kinakain. "Pinagsasabi mo, tanga?"

"Si Luoisa ba crush ni Gahaldon?" ulit ko.

"Gaga, hindi ko talaga alam kung paano tumatakbo 'yang utak mo," aliw na aliw siya. "Ang laughtrip naman no'n. Sobrang impossible naman niyang sinasabi mo!"

"Bakit?" iritang tanong ko. Sasagutin niya lang naman. "Siya ba o hindi?"

She smirked, "Tanungin mo si Gahala. Pangit naman kung sa akin manggaling kung sino ang crush niya."

Napatahimik ako doon at napa-isip. Are we close enough para tanungin ko siya non at para sabihin niya sa akin? I think no.

"Anong kanta ba 'yan?" Gahaldon asked and stood up from his seat. He took the microphone from Marwan and tested it. "Mic test. Mic test."

"Gitara, alam mo?"

"Yeah," he nodded and smiled naughtily. "Uhm. Para 'to sa crush ko diyan," he laughed.

"Boooo," the others immediately reacted. I couldn't join in because I didn't know who his crush was.

The guys teased him. He will just smile that reached his eyes in return and sometimes, he laughs. Tumigil lang siya nang opening na ng kanta.

"Bakit pa kailangang magbihis?" he began. The guys cheered at his voice, teasing him.

Sobrang lalim kasi. Parang inaanod ka at hindi nakakasawang pakinggan. Hindi naman pangit ang boses niya pero hindi din gano'n kaganda. Sakto lang at nasa tono naman.

"Sayang din naman ang porma. Lagi lang namang may sisingit. Sa t'wing tayo'y magkasama." Something twisted inside me when he turned in my direction and smiled.

"Iyon oh!" sigaw ng mga tropa niya. I flinched when Vien pinched me at the side. Kilig na kilig siya. Feel na feel niya pa ang kanta.

He chuckled and looked away, "Bakit pa kailangan ng rosas. Kung marami namang mag-aalay sa 'yo? Uupo na lang at aawit. Maghihintay ng pagkakataon,"

Napasulyap ako sa gilid nang makarinig ng hagikhik. I pursed my lips while looking at Louisa who was smiling widely while looking at Gahaldon. Tinutukso siya ng mga kaibigan niya and she was even slightly blushing. Halata namang crush niya ang binata.

Kaya siguro galit sa akin si Louisa kasi palagi akong kasama ni Gahaldon. Hindi ko naman alam na crush niya at saka si Gahaldon naman ang lapit nang lapit sa akin.

I cleared my throat when Gahaldon took a glimpse in our direction again. I don't know if he's looking at me or kay Louisa siya nakatingin na nasa likuran ko.

"Naks! Pasulyap-sulyap lang!" sigaw ni Marwan sa kaniya.

Gahaldon snicker while holding the microphone. "Hahayaan na lang silang magkandarapa na manligaw sa 'yo. Idadaan na lang kita sa awitin kong ito. Sabay ang tugtog ng gitara. Idadaan na lang sa gitara."

Napuno lang ng tuksuhan habang kumakanta siya. Ilang ulit na ding nagtama ang aming mga paningin na hindi ko binigyan ng malisya.

Bumalik din ang lahat sa normal nang matapos. They took turns sa pagkanta doon. Inaya din nila ako pero tumanggi ako kasi wala naman akong katalent-talent do'n.

"Kakain ka pa?" tanong ko kay Vien.

"Oo, ikaw? Ayaw mo na?"

Tumango lang ako sa tanong niya saka pumasok sa bahay nina Lamore para ilagay sa sink ang pinagkainan ko.

Napatingin ako kay Gahaldon nang makitang nandoon din siya, nakikipagbiruan sa mga maids na naghuhugas. Napasulyap siya sa akin nang mapadaan ako pero hindi ko siya pinagtuunan ng pansin. Binigay ko lang sa isang maid ang aking pinggan at umalis na.

Sinamaan ko ng tingin si Gahaldon nang banggain niya ang balikat ko matapos niya akong sundan.

"Bakit nakakunot na naman ang noo mo?" nakangiting tanong niya saka sinabayan ako sa paglakad.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya, "May tanong pala ako sa 'yo."

Sinulyapan niya ako, "Ano 'yon?"

Napatigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya. I cleared my throat and met his gaze. "Si Louisa ba crush mo?" matapang kong tanong.

Napatitig siya sa akin saka natawa ng kaunti, "Wew, si Louisa daw."

"Bakit?!" sungit ko. "Wala namang nakakatawa."

He chuckled. "Wala, cute mo." Pisil niya ng pisngi ko. Nasanay na 'to kakapisil sa akin.

"Ano nga? Si Louisa ba?" ulit ko, nanghihingi ng sagot.

Kinagat niya ang ibabang labi niya, nagpipigil ng ngiti. "Amara," tawag niya. "Hindi ko siya crush," tawa niya. "Iba crush ko eh."

Napatango lang ako sa sinabi niya saka siya nilampasan. I hate the fact that I felt peace after hearing it from him.

Before, I wouldn't have given it any thought, but why do I suddenly care?

Kinakabahan ako noong pauwi na. Hindi natuloy ang paggawa namin ng project dahil nakikain kami. Sabi nila, bukas na lang daw. Mabuti na lang at hindi nagtanong sina Mama at Papa.

Matapos kong linisan ang sarili ay naupo ako sa kama saka kinuha ang phone ko para paalalahanan ang mga kagrupo ko na bumalik bukas. Kasalanan din naman nila iyong nagsayang kami ng oras.

Iyon sana ang gagawin ko kung hindi lang dumaan sa news feed ko ang post ni Gahaldon.

Gahaldon Jammes Silva:
1k comments, itatag ko si crush

Kaagad napaawang ang labi ko sa nabasa. Pumunta akong comment section dahil ang dami ng comments iyon! Kahit ako naiintriga na kung sino ang crush niya.

Gahaldon Jammes Silva:
Hala, 180+ na kaagaddd. It's a prankk lang mga lodss HAHAHAHAHAHAHA naprank ko kayo

-Gahaldon Jammes Silva: Ang seryoso niyo naman, joke nga langg

-Marwan Ramos: akala ko ba maangas ka? walang bawian pare HAHAHAHAHAHAHAHAH

Gray Hererra: hinay-hinay sa pagcomment mga lods, blocked na si Lacaus sa comment section HAHAHAAHAHA

Kahit mga kaibigan ko ay nagcocomment sa pinost niya. Mukhang desididong-desidido talaga sila. Malayo pa namang makuha nila ang 1k kaya hinayaan ko na muna. Babalikan ko na lang bukas para alam ko na kung sino! Ako na lang kaya ang walang alam!

Natulog ako ng maaga at maagang nagising kasi plano kong magsimba muna ngayon bago makipagkita sa mga kaklase ko.

Pumasok ako ng simbahan saka naghanap ng mauupuan. Madami na kasing tao kaya kaunti na lang ang bakante. Nakakita naman ako kaya kaagad ko iyong pinuntahan.

"Excuse me, may nakaupo po dito?" tanong ko sa lalaki. I'm pertaining about the space beside him.

Lumingon naman siya sa akin at pareho ata kaming nagulat nang makita ang isa't isa.

"Teixeira, sinusundan mo ba ako?" naghihinalang tanong ni Gahaldon.

I immediately rolled my eyes, "Be thankful, hindi kita mamura dahil nasa simbahan tayo."

Natawa siya, "Walang may nakaupo diyan, tabihan mo na ako dito."

Hindi na ako umimik at tumabi na lang sa kaniya. Seryoso lang kaming nakikinig sa misa ni Father. Naninibago ako sa kaniya kasi hindi niya ako kinukulit.

I was relaxed but not until we sang Ama Namin. Naka-taas ng kaunti ang kamay namin ni Gahaldon. I flinched in my place when one of his fingers touched mine. I looked at him but he wasn't looking back.

I felt giddy while looking at our fingers. Kinakabahan akong tumingin sa kaniya nang hinawakan niya na ang kamay ko. I know it's just normal since the others were also holding hands, but I couldn't help but notice it. I felt so bothered.

I gazed at him again and saw him pursing his lips, trying not to smile. Naramdaman niya sigurong nakatingin ako kaya umubo siya ng peke at pinaseryoso ang ekspresyon ng mukha pero hindi nakaligtas sa akin ang pamumula ng kaniyang leeg.

Nang matapos na ang Ama namin ay pinisil niya muna ang kamay ko bago bitawan na para bang ayaw niyang gawin 'yon.

Napatingin ako sa kaniya nang lumuhod kami. Seryoso lang siyang nakayuko habang nakapikit ang mata, mukhang taimtim siyang nagdarasal. I pursed my lips to stop smiling.

"Ay hala, bakit sabay dumating?!"

Kaagad napareact ang mga kagrupo ko nang makita nilang sabay kaming dumating ni Gahaldon. Inirapan ko sila. Nasasanay na ako kakatukso nila and I already predicted that they will react like that.

"Ulol, nagkita kami sa simbahan," Gahaldon informed them.

"Sa susunod niyong pagpunta sa simbahan baka kasal na 'yan," Ryder teased! Napatingin tuloy ako sa kaniya ng may kunot-noo.

"Pwede ding burol mo," bara ni Gahaldon kaya nagtawanan sila.

Ryder acted like he was hurt. "Bro! Bakit ka ganyan?!"

Iniling ko na lang ang ulo ko saka hindi sila pinansin. Nilabas ko ang mga materials para makaumpisa na kami. Maghapon namin atang ginawa iyong electric circuit. Mabuti na lang at nagseryoso sila kaya finishing touches na lang ang kailangan.

Pagod na ako ng makauwi sa bahay. Humilata ako sa kama at kinuha ang cellphone ko.

Kinalikot ko pa iyon ng kaunti hanggang sa makita ko ang post ni Gahaldon kahapon. Umabot na iyon ng 1k comments! Naexcite ako biglang malaman kung sino ang crush niya. Pumunta ako sa comment section para makichismis which is very unusual for me.

Gray Hererra: Gahala Naka 1k naaaa!

Vaugh Laurent Alvarez: pakitag na ako pls pls pls

Ar-ar Rivera: Crushh revealll! Tag mooo! Huwag madayaaa

Gahaldon Jammes Silva: tangina mga pre, nanginginig na ako sa kaba dito HAHAHAHAHAHAHA kapag nabusted ako, nomi na lang tayo

Raven Muyco: angg tagall! Gusto mo kami na magtag?!

-Gahaldon Jammes Silva: Raven gago, edi sana hindi na ako nagpaganito kung ikaw lang din gagawa

Binabantayan ko kung kailan siya magpo-post. I groaned slightly when Mama called me for dinner. Hindi ata ako mapakali habang kumakain kami. Napapakunot-noo tuloy sila sa akin na hindi ko pinansin.

Pagkatapos na pagkatapos ng dinner ay kaagad akong tumakbo papasok sa kwarto. Binuksan ko kaagad ang account ko. Nainis pa ako ng kaunti kasi humina ng kaunti yung internet.

Nang mabuksan ko na, kaagad akong sinalubong ng maraming notifications. Napakunot ang noo ko saka tiningnan ang mga notifications ko. Bigla ata akong kinabahan sa nabasa.

Gahaldon Jammes Silva tagged you in a post.

Nag-alangan pa ako kung bubuksan ko iyon o hindi pero sunod-sunod kasi ang react sa post na iyon. Bumuntong-hininga ako para kumuha ng lakas ng loob bago pinindot iyon. Kaagad akong napakagat labi nang makita ang laman ng post.

Gahaldon Jammes Silva
Keleya Amara Tiexiera hi hahahhahaha

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro