Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SCW 7

"Ayel! Si Messi ka ba?!"

I glared at Vien when she shouted inside the classroom. Napatingin tuloy sa akin ang mga kaklase ko saka natawa.

"Because you're messing with my heart! HAHAHAHAHAHAHAHHA!"

Inirapan ko si Gahaldon nang marinig din ang tawa niya. Aliw na aliw siya dahil tinutukso kami.

"Bakit?! Arte nito! Alam kong kinilig ka din!" ang lakas ng bunganga ni Vien kahit siya naman ang pinakakinilig don. Parang tanga.

Nainis ako lalo nang makitang pati sina Dolly at Kala ay natatawa din sa gilid! Mula pa noong nakaraang araw nila ako inaasar dahil kay Gahaldon. Hindi sila makamove-on doon. Sa susunod hindi na ako makikipaglaro sa kanila!

"Stop spouting nonsense without any proof," I snorted as I reached for my earphones inside my bag.

"Oh, kaya mo 'yan, Vien?! English 'yan!" challenged Dolly.

"Ayoko nga! Hindi na lang ako lalaban! Matatalo agad ako!"

"Stupid," Kala teased, pulling her hair playfully while laughing slightly.

Hindi ko na sila pinansin at nakinig na lang sa music. Vacant namin sa 3rd subject namin sa hapon kaya malayang-malaya sila sa pag-iingay.

Napatingin ako sa gilid ko nang may kumuha ng isang earphone ko. Gahaldon smiled at me at nilagay ito sa kaniyang tainga. Pagkatapos noon, sinubsob na ulit niya ang mukha niya sa kaniyang mesa, hindi ako hinahayaang makaangal.

I groaned when some of my classmates whistled at us with teasing smiles and wiggling their brows. Kaya kami tinutukso eh. Yung mga galaw kasi niya!

Nakabusangot kong kinuha ang isang libro at nagbasa para lang hindi sila pansinin. Pocket book iyon na hiniram ko kay Ruth at nakakalahati na ako.

Naka-focus ako sa pagbabasa nang gumalaw itong katabi ko. Hinawakan niya ang dulo ng libro at hinila ito ng kaunti papunta sa direksyon niya.

"Pabasa din,"

I rolled my eyes and let him. Nagbasa kami nang sabay, at natatawa siya kapag may nakakatawang scene. Hindi naman nakakatawa para sa akin, pero nadadala ako sa tawa niya. Nawawala kasi ang mata niya tapos kita talaga ang gilagid kapag tumatawa. Minsan pa, napapahampas pa siya sa mesa niya kapag sobrang laughtrip na talaga.

Napasulyap ako sa kaniya habang seryoso siyang nagbabasa ng libro. Tapos na ako sa page at hinihintay lang siyang matapos. I looked at his hair. Ang ganda kasi ng pagkakawavy... parang mga alon.

Napatigil siya sa pagbabasa nang maramdaman ang tingin ko at napalingon siya sa direksiyon ko. Napakurap pa ako dahil sobrang lapit ng mukha niya, kaya itinagilid ko ang ulo ko ng kaunti para magkaroon ng space sa gitna namin.

"Bakit?" he asked.

"Wala naman. Your hair looks so wavy."

"Gusto mo hawakan?" suggest niya with twinkling eyes. He looked excited about it.

"Uhh," nag-alangan ako saka napatingin sa paligid. Pakiramdam ko parang cctv ang mga mata ng kaklase ko.

Hindi pa ako nakasagot pero kinuha na ni Gahaldon ang kamay ko. Kinabahan ako dahil sa biglaang paglalapat ng mga balat namin.

He placed it in his hair and then gently guided my hand to stroke. His hand was warm. His hair was soft and silky. Everything about him could make you feel butterflies in your stomach. I glanced at him and his eyes were on me.

"Hoy! Ano 'yan?!"

Kaagad akong namula at binawi ang kamay ko nang sumigaw si Dolly.

"HAHAHAHAHAHAHHAA! Putangina. Huli pero di kulong!"

"Ano ba 'yan," pabirong reklamo ni Gahala.

"Ay sorry naman!" tawang-tawa pa din si Dolly at saka itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko.

"Inggetera ka Dolly, bakit mo naman pinapakialam?" Sama ng tingin sa kaniya ni Vien.

Kahit iyong kaklase namin ay ngisi nang ngisi ng makahulugan! Napapakunot na tuloy ang noo ko saka hindi ko mapigilang hindi humalukipkip.

"Pre! Laro tayo!" aya ni Raven nang medyo humupa na yung pang-aasar nila.

"Ayoko. Busy ako," tanggi ni Gahala.

Natawa si Raven saka ako sinulyapan. "Putangina mo. Anong busy?"

Gahala's lips lifted. "Alam mo naman iyon."

"Ulol."

He just laughed and shooed the guy away. Binalik niya ang tingin sa libro at nagpatuloy sa pagbabasa. Ibinigay ko sa kanya ang libro dahil napagod na akong hawakan ito. Siya na ang nagtu-turn ng page.

"Uhh," alanganin kong sabi nang may mabasang hindi kanais-nais sa gitna. Doon pa lang sa nag-umpisa ang paghalik ng dalawang bida ay biglang naging awkward ang atmosphere namin!

We both pretended to cough when we reached the bed scene part. I could feel myself blushing. Napalingon siya at tinuon ang pansin sa ibang bagay. Narinig ko pa ang mahinang pagmura niya.

"Ano..." nahihiyang simula ko. "I'm not reading that kind of genre. Hindi ko naman alam na may ganiyan pala dito..." I don't even know why I'm explaining to him! I sounded so defensive! Sobrang awkward! Bakit kasi may SPG doon?!

He just closed the book. Ang weird pala magbasa ng ganoon kasama ang lalaki! Ugh! Nakakaiyak sa kahihiyan!

"Okay lang," he whispered.

"Ayel! We are going sa canteen! Do you want to sama ba?" tawag sa akin ni Kala.

"Uh, oo," pagpayag ko na lang para malayo kay Gahaldon. Kinuha ko ang earphones sa kabilang tenga niya saka tumayo.

"Pwede mo namang hiramin...kung gusto mo pang basahin," I hesitantly told him and walked away immediately.

Bumili lang kami sa canteen tapos bumalik din sa classroom dahil magpapalit pa kami ng aming damit. From our daily uniform to our p.e. one.

It's just dark blue jogging pants and a white shirt with our school logo near the chest. We paired it with our white tennis shoes. Magbabasketball kasi kami mamaya sabi ni Sir.

"May pantali kang extra?" tanong ko kay Kala habang nagpupunas ng pawis. "Ang init init," busangot ko.

Pinawarm up saka pinatakbo kasi kami ni Sir muna sa field. Hindi pa naman ako masyadong nag-eexercise kaya madali akong mapagod saka pagpawisan. Bagsak ako pagdating sa kinesthetic intelligence.

Nasa court na kami ngayon. Naglalaro ng basketball sina Vien at Dolly kasama ang mga lalaki habang ang iba naman naming kaklase ay nakaupo lang sa gilid kasama namin.

"I don't have an extra na e. Naubos na earlier. Sorry," nguso niya saka napatingin kay Gahaldon nang mapatakbo malapit sa amin. "Gahala!" she called kaya nagtaka ako.

The guy stopped running and turned to our direction. Hinihingal pa siya saka puno ng pawis. Napatingin muna siya sa akin bago tumingin kay Kala. "Yeah?" he breathes.

"Do you have any pantali daw ba? Ayel needed it eh!" she suddenly said which made me confused.

"Huh?" taka kong tanong saka nahiya. "Huwag na," tanggi ko kaagad kasi I'm sure he doesn't have any scrunchie. Aanhin niya naman 'yon?

"Oh," he uttered and gaze at me again. "Teka lang, maghahanap lang ako," usal niya saka bumaling sa mga lalaki para sabihing out muna siya sa laro.

Pipigilan ko na sana kaso wala na akong nagawa nong tumakbo na siya papalayo. Hindi ko na alam kung saan siya pumunta para maghanap ng pantali kaya hinayaan ko na.

Nanuod na lang ako ng basketball habang hinihintay siya. Si Kala nakisali rin pero laging hindi nakakapoints kasi ang arte magshoot. Maya-maya pa'y lumapit na sa amin si Vien para uminom ng tubig.

"Oh,"

Sabay kaming napatingin ng mga kaklase ko kay Gahala nang tumigil siya sa harapan ko at may nilahad na pantali.

"Binili mo?" takang tanong ko saka kinuha iyon sa kaniya.

Natawa siya, "Hiningi ko doon sa isang babae mula sa ibang section nang napadaan sila."

"Thank you." Ngiti ko ng kaunti saka tinali ang aking buhok.

Nilingon ko siya matapos itali ang buhok ko dahil hindi siya umalis. I raised my brows at him when he just stand there, looking at me, lips slightly open.

"Why?" I asked, curious at his reaction.

He shook his head and pursed his lips before looking away. My brows furrowed seeing his neck getting red. "Wala," sambit niya saka walang imik na umalis.

"Bakit?" tanong ko kay Vien nang makitang natatawa siya. Malapit pa ngang mabulunan.

"Nagandahan lang 'yon sa 'yo," tawa-tawa niya habang nakangisi. "Ampucha. Patay na patay ang gago," dagdag niya pa.

"Sino? Si Gahala?" nagtatakang tanong ko.

Napatigil si Vien sa pagtawa saka ako nirolyohan ng mata, "Alam mo Ayel, ang talino mo pero sobrang slow mo. Gusto kitang sabunutan minsan."

"Anong ginawa ko sa 'yo?" kunot-noong tanong ko. "Kaya nga nagtatanong ako kasi hindi ko maintindihan."

"Kay Gahala ka magtanong. Tanungin mo siya kung nagagandahan siya sa 'yo," ngisi ni Vien. "Malay mo sumagot ng oo."

Ngumuso ako. Nakakahiya naman iyon. Saka, wala naman akong pakialam kung nagagandahan siya sa akin o hindi.

Our p.e ended like that. Wala namang nangyaring iba pa. Umuwi lang kaming pagod at gutom pagkatapos.

"Whose phone is that?"

Napalunok ako at kinuha ang cellphone ko sa aking bulsa. Sunod-sunod kasi ang notifications. Napakunot ang noo ko nang makita ang maraming notifications mula sa Facebook. Hindi ko muna tiningnan ang mga ito. I turned it silent before putting it back in my pocket.

I pursed my lips, "Mine, Pa. I'm sorry. I forgot to turn it silent."

Tiningnan niya ako saglit bago bumalik sa pagkain. We're having dinner ngayon kasama ang buong pamilya, which is a rare occasion dahil sobrang busy niya sa trabaho.

Pumasok kaagad ako sa kwarto after kumain. Ang Facebook ang una kong tiningnan nang makahiga na ako sa kama. Sobrang dami kasi ang nagmemention sa akin.

Pinindot ko ang isa saka tiningnan. I cursed after seeing it.

Marwan Ramos:
Mention niyo ang kaklase niyong sweet HAHAHAHAHAHAHAHA.
*photo*

My cheeks heated when I saw that it was me and Gahaldon, sharing the same earphones! I'm reading the book while he's staring at me!

Medyo kinakabahan akong napatingin sa comment section dahil umabot na ng sobra isang daang comments doon kahit 30 minutes ago pa lang na nakapost!

Ang daming nagtatanong kung kami daw ba! What made them think like that? Obviously, napagtripan lang kami.

Gray Hererra: Ganito ba? Gahaldon Jammes Silva Keleya Amara Teixiera

-Lacaus Jondenero: Gray HAHAHAHAHAHAHAHA! Nadulas ata kamay mo bro!

-Raven Lacson: Leche kayo HAHAHAHAHAHAHAHAHA

Vaugh Laurent Alvarez: Ebarg naman ang tingin na 'yan

Kinabahan ako nang makita ang comment ni Gahaldon.

Gahaldon Jammes Silva: labo ng pic, parang kami

-Ar-ar Rivera: Gahaldon HHAHAAHAHAHAHAHA malabo nga pero kitang-kita kung gano ka kapatay na patay sa kaniy---

-Gahaldon Jammes Silva: HAHAHAHAHAHAHAHA tangina mo. Bakit hindi mo isend sa akin ang pic?

-Lamore Lualhati: Baka iwallpaper niya pa 'yan 🥴

-Gahaldon Jammes Silva: Lamore, hindi a. Paprint ko lang HAHAHAHHAAHHAAH

He's just adding a fuel to the fire! Ang daming nagreact sa comment niya! Ang daming umaabang! Paano kapag akalain nilang kami?

-Dorothy Blythe Oliviera: De oks lang hahaha sino ba naman tayo para ipaprint 'no

Kallia Clemency Loyola: Keleya Amara sana all nabuhay na pinagpala, kami nabuhay lang ಥ‿ಥ

I gulped and typed a comment just to clear up the issue. It was slowly getting out of hand.

Keleya Amara Tiexiera: Hindi po ako ang crush niya. Wala pong namamagitan sa amin.

Kaagad dinumog ng react ang comment ko. Ang daming naghaha! Puro classmates ko tapos pati si Gahaldon! May ibang nagwow pa na parang sarkastiko! Si Vien iyong nangunguna at mga kaibigan ko.

-Gray Hererra: Gahaldon, hindi mo pala crush ei HAHAHAHAHAHAHA

-Ar-ar Rivera: Tangina laptrip HAHAHAHAHAHAH payag ka no'n bro?! Walang may namamagitan sa inyo?!

-Gahaldon Jammes Silva: Keleya HAHAHAHAHAHA oo nga, hindi kita crush

Ewan ko pero tawang-tawa sila doon sa comment ni Gahaldon! Nainis ako. Bakit ba kasi pinagtritripan nila ako dito?

-Marwan Ramos: Kasi ano pre? Hindi kita crush kasi mahal kita?!

-Gahaldon Jammes Silva: Marwan korni mo naman HAHAHAHAHHAHA

Bakit ba sakay nang sakay si Gahaldon sa kalokohan ng mga kaibigan niya? It's like he doesn't care even if his crush sees this post.

I'm so bothered na baka may makakitang relatives ko kaya pinagsabihan ko si Marwang idelete 'yon. Sumunod naman siya sa akin after ko siyang barahin ng ilang beses. But it seemed like it didn't change anything because many had already seen it.

"Ma'am! Birthday po ni Lamore!"

Our Filipino teacher paused taking attendance when Marwan shouted. Napatingin siya kay Lamore na ngayon ay binabantaang sipain si Marwan na katabi niya. Tawa-tawa naman ang huli dahil sa kalokohan.

"Happy birthday, Mr. Lualhati . Hindi niyo pa ba nakantahan sa ibang subjects niyo?"

"Hindi pa, Ma'am! " sagot ng halos karamihan naming mga kaklase kahit halos lahat ng subject namin ay kinakantahan nila. Gagawin talaga nila ang lahat para maubos lang ang time.

"Oh sige. Kantahan niyo muna. Halika dito Lamore, dito ka sa gitna."

Natawa ako ng kaunti dahil sa reklamong nakapaskil sa mukha ni Lamore. Kinutyawan siya ng kagrupo niya at tinulak patayo kaya labag sa loob siyang pumunta sa harapan.

"Happy Birthday to you. Happy Birthday to you. Happy Birthday dear Lamore. Happy Birthday to you. From good friends and true. From old friends and new. May good luck go with you. And happiness too. How old are you now? How old are you now? How old, how old, how old are you now?"

"Bwisit," Tawa ni Vien nang ilagay ng ibang lalaki ang kanilang mga kamay sa kanilang kilikili at nagpatunog.

"Ey!" Sigaw ni Marwan na para bang cue iyon para sa bagong lyrics.

"Happy happy happy birthday! Sa 'yo ang pulutan! Sa 'yo ang inumin! Happy happy happy birthday! Sana'y malasing mo kami! Sana'y mabusog mo kami! Sa 'yo ang pagkain. Sa 'yo ang inumin!"

"Yeyyy!" Tawanan namin nang matapos saka pumalakpak. "Happy birthday, Lamore!"

"Thank you," ngiwi ng huli, "and you are welcome to join the celebration at our house this upcoming Saturday. Punta na lang kayo kung gusto niyo. " Ulit niya sa mga sinabi niya sa ibang subject. Inaya niya din si Ma'am na pumunta.

"Vien! Iblow out mo naman si Lamore! Birthday naman niya!"

"Hoy! Anong blow out 'yan?" Tawanan nila.

I could hear Lamore cursing him even though our teacher was right beside him.

"Gago ka ah." Tumayo si Vien saka nagbantaang pupuntahan sana siya para sapukin pero pinigilan siya ni Ma'am. "Lagot ka sa akin mamaya, babantayan kita sa gate." Sinamaan niya ng tingin si Lacaus habang dinuduro kahit malayo.

"You can sit now, Mr. Lualhati. Tapos na ba? Let's proceed to our lesson today."

"Ma'am, birthday din po ni Raven ngayon!" sigaw ulit ni Marwan kaya natawa ang lahat kasi alam naming nagpapalusot lang siya.

Napatingin ako sa direksyon nila while slightly laughing. I almost lost my smile when I saw Gahala looking in my direction, also smiling. I immediately looked away, but I could still feel his stares.

Binatukan ni Raven si Marwan, ayaw makantahan ng happy birthday sa gitna. "Sa susunod na buwan pa 'yon pre!"

"Huh? Hindi ba ngayon?" Marwan tried to save his face, attempting not to be embarrassed in front of our instructor.

Sucessful ang plano nilang ubusin ang time ni Ma'am. Nagbasa kami ng isang kwento patungkol pa rin sa mito at plano sanang magtest ni Ma'am pero hindi na umabot iyong oras.

Nag-ayos lang ako ng gamit ko saka lumabas dahil hinihintay na ako nina Kala sa pintuan. Napasulyap ako pa kina Gahaldon na nasa pintuan din kasama ang grupo niya at nag-uusap-usap. Napatingin siya sa akin nang dumaan ako sa harap nila pero hindi ko siya tiningnan.

"Tara na pre," rinig kong aya niya sa mga kaibigan niya. I can feel them walking behind us. Hindi tuloy ako makalakad ng maayos. Pakiramdam ko tinitingnan niya ang bawat galaw ko.

"Pre, cutting class tayo! Makikain tayo doon kina Lamore!" Rinig kong aya ni Gray sa grupo niya.

Sa harap pa talaga ng Vice President niya sinabi iyon tapos doon pa talaga sila pupunta sa bahay ng President.

"Officer ka," paalala ni Gahala. P.I.O kasi si Gray.

"Mapapakain ba kayo ng shanghai ng pagiging officer niyo?" Panggaslight sa kanila ni Marwan. "Tara, cutting class na tayo! Balik na lang tayo mamayang 3!"

Rinig na rinig ko na sa likod ang plano nilang pagcutting. Wala namang sinabi si Lamore na nasa tabi ni Vien. And instead, I heard him asking her, "Saan kayo maglulunch?"

"Sa classroom lang siguro. Bakit?" Vien replied.

"Huwag na kayo bumili ng ulam, nagpadeliver ako."

Lahat ata ng nakarinig, napahiyaw saka dinumog si Lamore. Si Marwan nga hinalikan pa siya sa pisngi. Tawang-tawa naman ako sa reaction ng birthday boy na pinagmumura na ngayon ang isa na siyang-siya sa ginawang kalokohan habang lumalayo.

"I lab you pre!" Nagfinger heart pa nga ang gago saka kumindat.

Iling-iling lang akong pumasok sa room habang nakangiti. Kaniya-kaniya din kaming punta sa aming mga upuan. Nilapag ko ang mabigat kong bag saka bahagyang minasahe ang aking balikat dahil medyo masakit.

"Masakit?" he asked.

"Kinda," I replied to Gahaldon, who had also placed his bag on his chair and turned to face me.

"I know how to massage..." He hesitantly informed me.

That immediately made me feel uncomfortable. "Huwag na. Our classmates might make an issue out of it again. Iisipin na naman nila there's something going on between us."

The corner of his lips lifted, as if he was forcing himself not to laugh. His eyes glistened with humor. I rolled my eyes when I heard him chuckling. "I don't really mind being rumored with you, Amara."

I snorted, "Ikaw 'yon but I do mind. And besides, hindi ka ba kinakabahan? Baka isipin ng crush mo na ako yung gusto mo at hindi ka magustuhan pabalik. Parang kasalanan ko pa. "

"Hindi 'yan. Wala naman akong ibang nilalandi maliban sa kaniya," nakangising sagot niya sa akin. His eyes are sparkling because of silliness. Proud na proud pa siyang malandi siya.

"Still," I said sternly. "No need to massage me, it's not that painful," I insisted. Besides, sobrang awkward no'n kapag hahawakan niya ako sa ibang parte ng katawan ko! Hindi ko mapigilang lagyan ng malisya! I mean, lalaki siya 'no!

Ngumiti lang siya bilang sagot saka tumango. Napalingon kami sa mga kaklase namin when they started cheering.

Pumasok na pala si Lamore, raising his hand at ipinakita ang cake na hawak niya. Galing siya sa labas at kinuha ang ibang pagkain sa nagdeliver. Niyakap pa siya ng mga lalaki at tinapik-tapik sa balikat, like Lamore just saved them from dying.

Kaagad nilang dinumog ang pagkain doon. Napailing na lang ako dahil nakidumog din si Vien at Dolly, and to my surprised, even Kala.

"Pre?! Walang drinks?!"

"Tangina mo, Marwan. Wala kang hiya." Tawanan nila.

"Nagtanong lang! Masama ba iyon?!"

"Sabi niyo iisang pamilya tayo dito pero bakit niyo naman ako inubusan ng cake!"

"Nakakuha na ako para sa atin!" Tawa ni Vien saka lumapit sa amin.

Si Dolly nakabusangot na dahil may icing siya sa ilong. "Ang lagkit! Hayop na Lacaus!" Reklamo niya pa.

Kala was there pa, isa siya sa mga nanglalagay ng icing. We arranged our chairs after that, and formed a circle. Nilabas namin ang lunch box namin para kumain na. Hindi ako makatingin sa kabilang gilid ko dahil amoy na amoy ko si Gahala. Bakit ba kasi tumabi siya sa akin! Nakakaasar tuloy ang mga tingin ng kaibigan ko.

"Gahala! Gusto mo ba sa babae iyong mahinhin?" Biglang tanong ni Dolly at may mapanuksong ngisi.

I can see him gazing at me in a peripheral eye, "Yeah."

"Hala, like this?" Vien asked and acted like a fcking behaved woman. Sobrang hinhin siyang nagsubo ng pagkain at mayuming pinahiran ang kaniyang bibig ng panyo.

"Gaga," Tawa nina Kala at hinampas pa siya ni Dolly. I can hear Gahala chuckling.

"Hindi bagay sa 'yo," Lait ni Dolly. "Nakakadiring tingnan."

"Ulol," Irap ni Vien at pabirong sinipa si Dolly sa ilalim. "Manahimik ka ha."

Ang ingay ng classroom. Nag-agawan pa sila doon ng cake at spaghetti. Napakadugyot na ng iba. Parang dinaanan tuloy ng bagyo ang classroom namin.

"Putangina. Ang asim ko ng tingnan! Isang pahid pa ng icing sa akin makikita niyo ang hinahanap niyo!" Pikong sambit ni Vien.

"Ano ba! So malagkit!" Kala groan irritatedly nang pahiran din siya ni Ar-ar. Lumayo na nga si Dolly at tatawa-tawa lang sa gilid. Hindi nila sinubukan sa akin dahil papalapit pa lang sila tinataasan ko na ng kilay.

"Pare!"

"Ano? Susubok ka?" maangas na tanong ni Gahala when Raven tried to put some icing in his face.

"Ano ba 'yan, kj mo naman!" Reklamo ng huli.

"Ayoko lang maging dugyot sa harapan ni Crush," ngising mayabang niya which made the latter raised his middle finger.

Our room fell silent when the teacher from the other classroom entered. Sinaway niya iyong mga kaklase namin kaya natahimik sila.

"Dapat kayo ang nagsisilbing role model sa iba pero tingnan niyo nga 'tong classroom niyo! Parang hindi nadaanan ng walis! Kaninong advisery kayo? Who's the president?!"

"Ma'am," Lamore faked a cough and turned serious. Siya na iyong nanghingi ng tawad at pinagalitan ng teacher.

"Happy birthday pre," tapik nila sa balikat ni Lamore nang makaalis na iyong teacher namin.

Pinagalitan niya iyong mga kaklase namin at sinabihang maglinis pagkatapos but no one take him seriously. Tinawanan pa nga nila.

Nang matapos kaming kumain ay inarrange namin ulit iyong upuan at nagwalis na. Gulat na gulat si Sir nang dumating siya matapos makitang naglilinis ang mga lalaki lalong-lalo na ang grupo nina Marwan. Puro espadahan lang naman ng walis ang ginawa nila.

"Sir, epekto lang po 'to ng cake!" Biro nila.

"Louisa," I called out matapos kong tumigil sa pagwawalis. She was seated at Sir's table, watching a music video of a Korean group with her friends.

"Pwedeng pakikuha ng basurahan sa ilalim ng table ni Sir?" I asked politely. Itatapon ko kasi.

Napatigil silang magkakaibigan sa panunuod at napatingin sa akin. Louisa furrowed her brows, snorted, and rolled her eyes. "Ikaw ang kumuha. Wala kang kamay? Bakit ako pa ang uutusan mo?"

I was taken aback. My lips parted a little in shock and my forehead creased at her response. Bakit parang galit siya? I was just asking because they were right there! If she didn't want to, she could have said it in a nicer way.

"Aba girl! Ayos-ayusin mo 'yang ugali mo ha! Kasing platik mo sagot ko sa esp!" Parinig ni Vien na nakita ang ginawa niya.

Napatingin din tuloy ang mga kaibigan ko at kaklase namin sa amin. Naasiwa ako bigla sa atensyon kasi ayaw ko ng palakihin. "Ano 'yan? Away?"

"Ano 'yon?" Tanong ni Gahala sa akin pagkatapos niyang lumapit saka tumingin kay Louisa.

Kaagad namang umiwas ang tingin ang babae. I even saw her pursing her lips, which made my forehead furrow.

"Uh, wala." Sagot ko. Hindi naman iyon big deal.

"Sabi kasi ni Amara, kunin ko daw yung basurahan. Kaya niya naman, bakit sa akin pa itutula?" sumbang niya pa kahit walang sense yung sinabi.

"Oh! Iyon lang naman a! Ang pakiusap kukunin ang basurahan, bakit naman inugali mo?" Irap ni Dolly.

"Papansin ka?" Malditang tanong ni Luoisa kay Dolly. Inawat na nga siya ng mga kaibigan niya. "Ano? Totoo namang papansin siya," katwiran niya sa kanila.

"This bitch," Kala raised her brows at them.

"Oy, oy, ano 'yan." Awat ng ibang kaklase namin.

"Tama na 'yan," saway ko sa kanila. "Okay na. You are right, ako na ang kukuha. I shouldn't have told you to do it since kaya ko namang gawin. Sorry." Humingi ako ng paumanhin para hindi na lumala ang issue. Ramdam ko kasing natetense na yung paligid.

"Pabida," Irap ni Luoisa. It made my brows knitted even more. Ano bang problema niya sa akin? Wala naman akong ginawa sa kaniya.

"Ayos-ayusin mo bunganga mo ha," Banta ni Vien na tumatalim na yung tingin. Pupuntahan pa nga sana si Luoisa nang pigilan siya ni Lamore.

"Wew, girl fight." Marwan laugh a little. "Vien, kalmahan mo. Huwag kang magstrong, please," Asar na dugtong niya pa.

"Pinapalaki mo pa gago," batok sa kaniya ni Gray.

"Bakit?!" Inis na reklamo niya. "Inaawat ko lang sila!"

"Hindi ka nakakatulong tanga," lait ni Lacaus.

"Kay Vien ako ha. Kayo pre? Kanino kayo?" gatong pa ni Raven.

"Isa ka pa," disappointed na iling ni Ar-ar sa huli.

"Tama na. Huwag na nating palakihin, okay? Baka kung saan pa 'to mapunta." Saway ni Lamore at pinitik ang noo ni Vien. "Napakabasagulera mo."

"Aray! Ano ba!" She hissed, and glared at the guy.

"Ang basurahan lang, hindi ba?" Tanong ni Gahaldon na nagtataka kong tinanguan. "Okay." Tumango din siya at pinat ang ulo ko. "Ako na ang kukuha."

Lumapit siya doon sa mesa ni Sir kung nasaan sina Luoisa. I can't help but raised my brows when I saw her blushing.

"Excuse me," Sambit ni Gahaldon kaya napaalis sila doon. Yumuko si Gahaldon at kinuha ang maliit na basurahan ni Sir sa ilalim na puno na ng basura.

"Itatapon 'to?" Tanong ni Gahaldon nang makalapit na ulit sa akin.

Tumango naman ako pero nanatili pa din doon ang tingin ko kay Luoisa na parang kinikilig. Kinukurot pa siya ng mga kaibigan niya sa gilid. Napaiwas lang ako nang taasan niya ako ng kilay.

"Ako na ang magtatapon," Prisinta niya kaya nagpasalamat ako at ngumiti sa kaniya.

Nakatapos din kami sa paglilinis ilang minuto bago ng susunod naming klase. Nagretouch pa iyong ibang babae dahil pinagpawisan sila. Iyong ibang lalaki naman ay nanghingi ng pulbo kay Kala. Nagrereklamo na nga dahil paubos na iyon dahil sa kanila.

I retouched a little as well saka nagpalagay ng towel kay Vien sa likod dahil grabe iyong pawis ko. Gusto ko sanang magpaelectric fan pero pinag-aawayan at pinag-aagawan na nila doon. Ayoko namang makipagtulakan.

I gazed to my side when I felt a fresh breeze. I saw a small electric fan facing me, held by Gahala.

"Kanino 'yan?" I asked, pointing at the fan he was holding.

"Syempre, sa akin," he said arrogantly.

I rolled my eyes. "Ako na. Kaya ko naman," I tried to reach for the mini electric fan, but he stood up straight and raised it out of my reach. I frowned at him, tilting my head up slightly because he was so tall.

"Ako din. Kaya ko din," ngisi niya saka tinutok ang maliit na electric fan sa mukha ko kaya napapikit ako ng kaunti dahil sa hangin.

"Hoo, ang init na nga ng panahon tapos pinapainit niyo pa ulo ko. Hooo." Parinig ni Vien nang dumaan siya sa akin at sinulyapan kami. Sinamaan niya kami ng tingin na para bang galit siya sa amin kaya inirapan ko.

"Ang suplada," tawa ni Gahaldon nang makita ang ginawa ko. Hindi ko siya pinansin.

Kinulit lang ako ni Gahaldon gamit ang maliit na electric fan na hawak niya. Napapakunot na ang noo ko kaya natatawa siya. Nasasanay na nga ako sa pangungulit niya lagi. Tinigilan niya lang ako nang magbell na which means, science na namin.

Inayos ko lang ang bag ko. Iniwan ko sa locker ang mga librong hindi ko kailangan at pinalitan iyon ng librong kailangan ko ngayong hapon.

"Let's exchange,"

"Huh?" takang usal ko kay Gahaldon. "Bakit?" tanong ko sa kaniya nang kinuha niya ang bag ko at siya ang sumuot. Inadjust niya pa iyon dahil maliit para sa kaniyang katawan.

"Here," Bigay niya sa kaniyang bag. "Because you mentioned your shoulders are hurting." He explained briefly when I didn't take his bag.

"Kaya ko namang buhatin," mahinang sabi ko.

Naiilang na naman ako dahil bigla atang nagkaubo ang mga kaklase ko! Ehem sila nang ehem! Tapos nakakainis pa dahil nakangisi sila at ang mga mata nila ay nangtutukso.

Ngumisi siya. "I know you can but I just wanted to do things...for you. At isa pa...," pabitin niya saka lumapit para bumulong.

"Gusto kong laging tayong tinutukso. Kinikilig ako."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro