"Nadala mo?"
Binalingan ko si Gahala matapos kong itanong iyon. TLE namin ngayon at kailangan naming magluto para sa aming performance.
May mga equipments naman dito sa room ni Ma'am na maaari naming gamitin sa pagluluto. Ang kailangan lang talaga naming dalhin ay ang mga ingredients ng mga lulutuin namin. For today, we're going to cook plain rolled omelet.
"Yeah, nadala ko." sagot ni Gahaldon saka maingat na kinuha ang bag niya. Nilabas niya ang plastic na may tatlong itlog.
"How about yung butter?"
"Yeah, I did bring some too. Wait, pakihawakan yung itlog ko." Maingat na binigay niya sa akin ang plastic, just being careful because he might break it.
I stopped midway after hearing what he said. "Huh?" I asked him.
His brows knitted. "What?" tanong niya. Then, he reddened. "Itlog ng manok ang tinutukoy ko, Teixeira!" he corrected defensively. Hindi niya napigilang itaas ng kaunti ang boses kaya napatingin sa amin ang iba naming kaklase.
"Hoy! Bakit may hawakan ng itlog na nagaganap dyan?!" natatawang tanong nila.
"Wala naman akong sinabing iba..." alangan kong usal at napaiwas ng tingin.
Iba kasi ang pagkakaconstruct ng sentence niya. Napanguso ako. Kasalanan niya naman kasi iyon.
"Ang dumi-dumi mo Keleya, yuck," bulong na lait niya para hindi marinig ng iba!
Inirapan ko siya. "Shut up, and next time, construct your sentences correctly kasi baka iba ang mahawakan ko," I said, taking the eggs from him and placing them in the bowl. "Sige, ikaw din."
I tried not to laugh when he suddenly covered his crotch with his hand, looking so conscious. What the hell? This is so weird.
"Bata pa ako Keleya," he said dramatically, hugging himself.
"Huwag kang mag-alala, hindi naman ako interesado sa 'yo at sa mga itlog mo," I said plainly. His lips part slightly. I dunno if he looked hurt because wala akong pakialam sa itlog niya or what.
"Akin na nga ang butter," I demanded, and he handed it over. Pagkatapos noon, pinuntahan ko ang ibang kagrupo namin para kunin sa kanila ang mga pinadala ko.
"Teixeira,"
I diverted my gaze to the side and frowned at Gahaldon. "What now?"
"Pakitali," he said, turning his back to show me his untied apron. He was already wearing a fishnet.Sabi niya siya daw ang magchechef dahil marunong daw siyang magluto ng omelet.
I allowed him to go ahead with his plan, though I had my doubts. Still, I was confident he wouldn't mess up. If he did, tutuluyan ko ang itlog niya at gagawin kong omelet.
I tied the apron without a word or complaint. "Done."
He turned to me and smiled. "Thanks."
"What now, Chief?" I asked sarcastically.
"Beat the eggs. I'll heat the pan," he ordered.
"Kayo, anong gagawin niyo?" tanong niya sa mga kasamahan namin saka tinaasan ng kilay.
"Taga-tikim at taga-nuod lang kami bro," biro ni Ryder na pumapapak ng milo. Yung iba kinakain yung knorr at tinitikman yung magic sarap. May mga dala-dala pa nga silang kung ano-ano.
Gahala just shook his head and turned on the stove. Ruth handed me a bowl with eggs and a whisk.
I looked at the eggs, hesitating at first.
Nah, I got this. I watched tons of videos yesterday about how to beat an egg. It looked easy enough.
After encouraging myself, kinuha ko ang isa and cracked it on the edge of the bowl. First try pa lang, bagsak na ako kaagad sa application.
May mga nasamang shell ng itlog sa egg white at egg yolk. I grimaced, still holding the broken shell in my hand.
"Amara, hindi ka marunong?" Peach asked, her brow furrowed. Gahala looked over to see what was happening.
I pursed my lips and wiped my hands, feeling a bit disgusted by the stickiness. "Sorry."
Kinuha ni Ruth ang bowl saka siniperate ang shell ng itlog sa kakailanganin namin. They ended up cracking the rest of the eggs kaya napanguso ako.
"Here," Anneliese handed me the bowl. "Can you beat the eggs now, or do you need help?"
"Uh, I can do it," I said, though I felt uncertain.
I looked like a damn loser when I started beating it. Ang dali lang naman niyang gawin sa mga pinapanuod ko. Why does it feels so hard kapag ginagawa na? My groupmates fell silent, probably unsure how to react.
"That's not how you do it, Amara," Gahaldon gently corrected when he saw how I do it.
I bit my lip, feeling a bit embarrassed. "Sorry."
"Okay lang 'yan, alam naming laking mayaman ka kaya you're not used to this kind of thing, " ngiti nina Peach to imply that they understand. "
Besides, we're all bad at some things. At least you're trying to learn."
Natahimik na lang ako sa sinabi niya, even though I disagreed with it. Being born with a golden spoon does not excuse you from knowing basic things. Sa edad kong 'to, I should know how to cook a simple egg dish.
I felt a pinch in my heart, knowing na parang wala akong magawang tama. In my studies, as well as in basic tasks. I suddenly felt unworthy.
Napabalik ako sa reyalidad when I felt a hand on top of my head. "Come on, I'll teach you," Gahala said, smiling when I looked up at him. He then looked at Ruth, "Ikaw muna magbantay ng kalan."
Lumapit siya sa akin pagkatapos. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang iposisyon niya ang katawan niya sa likuran ko, taking hold of my hand that was holding the whisk. Halos mabitawan ko pa ang whisk dahil sa biglaang paghawak niya sa akin, pero hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.
"This is how you do it," he said, demonstrating. Ginalaw niya ang kamay ko sa tamang paraan ng pagbeat ng itlog.
I pursed my lips, feeling so conscious. Ramdam ko ang paggalaw ng katawan niya sa likod! Hindi tuloy ako makaconcentrate at nagpapanic ako sa kaloob-looban ko!
Napatingala ako sa kaniya, at napayuko naman siya sa akin with a raised brow, clearly wondering what I was doing. Kaagad tuloy akong napatungo ulit.
"Alam mo na?" he asked, and dahil sobrang lapit niya, I could feel his breath in my ear!
"Paano nga ulit?" alanganing tanong ko. "Hindi ko masyadong na-gets." Hindi kasi ako makaconcentrate ng maayos! Para akong nahihilo na ewan sa nangyayari.
He chuckled softly and showed me again, explaining in a gentle voice.
"Putangina naman," mura ng kagrupo namin na nagpabalik sa akin sa reyalidad!
Ngayon ko lang sila napansin! Lahat sila nasa harapan namin at nakangiwi.
Nailang tuloy ako. Walang malisya iyon sa akin dahil tinuturuan niya lang naman ako pero nilalagyan nila! Mas naging uncomfortable tuloy ako.
"Tangina niyo. Akala niyo kayo lang iyong tao!" urat na urat na reklamo nila. "Nandito kami o! Nandito!"
"By group to mga bhe, hindi by pair. Nakakalimutan niya ata."
"Ma'am! May naglalandian po dito oh!" Nagsumbong pa nga saka tinuro kami! "Wala naman 'to sa procedure a!"
Kaagad napahalakhak iyong iba nang makita kami, making me blush in embarrassment! Kaagad tuloy kaming tinukso ng mga kaklase namin!
"Baka ano 'yan, special ingredient! Sabi nga nila, kapag nagluluto, you need to do it with love." ngisi ni Marwan saka nagpakita pa ng finger heart. "Never thought that I'd fall in love, love, love, love. But it grew from a simple crush, crush, crush, crush." Dugtong na kanta niya pa saka sinabayan ng iba.
"Chansing ka pare ah!" rinig kong asar ng mga lalaki.
"Excuse me? Tinuturuan ko lang," Gahaldon defensively explain while laughing. Pagkatapos non ay binitawan niya na ako.
"Pwede mo namang turuan ng hindi gumaganyan!"
"Sorry, nadala lang ng bugso ng damdamin," biro niya saka lumingon sa akin. "Can you do it yourself now?"
I nodded because of uneasiness. "Kaya ko na," I told him, and copied how he did it earlier.
Medyo iniiwasan ko siya tuloy habang nagluluto kami. Ayoko lang matukso dahil sobrang naiilang ako. Halos mamatay kaya ako sa kaba.
At saka inaalala ko yung crush niya. Paano kapag iba ang inisip at mas lalong hindi siya magustuhan? Edi parang kasalanan ko pa iyon.
Hindi ko mapigilang mapatingin nang magluto na siya, medyo namamangha sa ginagawa niya kahit simpleng omelet lang 'yon. Sometimes, I can't help but be amazed by people who can do things that I can't.
I averted my gaze when he noticed me staring. He even winked and smirked at me while scrambling the egg! This guy's face has a lot of thickness to it.
Natawa ako ng kaunti nang bigla siyang matalsikan ng mantika. Nawala tuloy kayabangan niya at napaigik sa gulat. Deserve.
"Hoy Teixiera,"
"Ano na naman?" supadang tanong ko nang tawagin niya ako.
"Oh, tikman mo," supladong sambit niya din! Ginaya niya pa ang boses ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Mas nairita ako nang makita kong pinigilan niya ang sarili niyang ngumiti. Inirapan ko tuloy siya.
I crossed my arms, and raised him a brow. Napatingin ako sa hawak-hawak niyang fork na may omelet.
"Oh," tawa niya saka nilapit niya iyon sa bibig ko. "Hindi na 'yan mainit, hinipan ko na."
I looked at our group when they faked a cough, indicating something. Para silang mga magulang na minomonitor ang naglalandian nilang anak! Which is, hindi naman ganoon ang ginagawa namin! Masyado lang silang malisyosa.
I cleared my throat. "Ako na, kaya kong subuan sarili ko," I said, taking the plate from him.
"Ano? Okay lang ba?" he asked nervously while watching me chew. He looked like he was defending his thesis, being grilled by the panelists.
I swallowed and nodded. "Yeah. It tastes good." In fairness, masarap siya. Para naman siyang nabunutan ng tinik sa sinabi ko saka ngumiti. Thesis defended.
We set it aside and prepared to present it to Ma'am for tasting and grading. We got high grades naman kaya natuwa kami.
Masaya rin ako kasi I learned something new today, how to beat the eggs properly.
"Ang landi-landi niyo kanina ah!" Puna sa akin ni Vien which made me frown. We are heading to our next subject which is Math.
"Infairness, kinilig ako!" tawa din ni Dolly na parang kinikiliti ng uod.
"I'm not even aware na kailangan palang may ka-backhug sa pag-cook!" Kala pouted.
"Kaya pala sunog yung sa inyo, gaga," lait ni Vien, sabay tawa. Hinampas tuloy siya ng isa.
"Seriously? Shiniship niyo ako kay Gahala?" I asked them incredulously.
Sinamaan ako ng tingin ni Kala. "Why are you acting like you don't like it?! Can you step aside?! Ako na!"
"Oo nga! Choosy ka naman girl! Kung ako ang nasa posisyon mo kanina, nagkunwari pa akong nahimatay para mafeel ang dibdib niya! Gusto ko 'yon!" parang tangang sabi ni Vien, mukhang iniimagine pa nga because she kept on giggling.
"Ano bang pinagsasabi niyo?" inirapan ko sila. " May ibang crush na yung tao. Baka iba ang isipin ng crush no'n."
"Hayaan mo na crush niya! Manhid naman iyon!" tawa ni Dolly.
"Kilala niyo ang crush niya?" biglang tanong ko. "Sino?"
Napatigil sila saka napatingin sa akin. "Alam kaya ng buong section kung sino crush niya Ayel," tawa ni Vien. "Ikaw lang ang walang alam."
"Sino ba?" intriga ko. Ako lang pala ang walang alam.
Kala raised her brows at me and looked suspiciously. "Oh, I thought you weren't interesado sa kaniya? What happened, ha?"
Vien and Dolly narrowed their eyes and brought their faces close to mine, giving me mischievous looks.
I groaned and rolled my eyes at them. "Nevermind."
They couldn't stop talking about Gahaldon. Lagi na lang nilang bukambibig ang lalaki, kaya minsan hindi ko din mapigilang makinig sa kanila. As a result, I ended up knowing things about him even without stalking him.
Our classes continued after that. When the afternoon came, all of us officers excused ourselves for the election. We headed to Ma'am Biona's room where it would take place.
"Bakit nakabusangot ka na naman?" Gahala asked with a laugh as we walked. It was his fault too. He'd been teasing me all day. He must have been born just to annoy and pester me. "Tapos nakakunot-noo ka na naman."
Feeling close talaga siya, lagi pang tumatabi. Buti na lang matangkad siya, kaya nasisilungan ako ng anino niya kapag mainit. He even slowed down his pace to match mine. Pati sina Kala ay nakisilong din. Kumakapit pa nga ang mga bruha sa likod niya, pero feeling ko talaga chinachansingan lang nila ang lalaki.
"Yung ugali mo sumasabay sa panahon, 'no?" he chuckled.
Mas lalong napakunot ang noo ko. "It's not. You're just annoying. This is why I can't be friends with you. Hindi kita matantya."
He arched his brows, "Who told you I wanted to be friends with you? Huwag kang assuming, Amara. Kaya nga iniinis kita kasi ayokong maging kaibigan ka."
Wow, the nerve of this guy. Alam kong sinabi niya na iyon sa akin mula pa noong umpisa, but I can't seem to get him. Lagi siyang pafeeling close pero ayaw niya naman kaming maging magkaibigan.
"So gusto mo lang talaga akong inaasar?" Ano 'yon? Trip niya lang? Kung ayaw niya akong maging kaibigan, baka gusto niya akong maging kaaway. Wala namang problema sa akin.
"Hindi ah. Let's say, kinukuha ko lang talaga ang atensyon mo?" ngisi niya.
"Papansin," bulong ko na mukhang narinig niya naman kasi natawa siya ng kaunti.
Nandoon na lahat ng officers mula sa ibang sections nang makarating kami sa classroom ni Ma'am Biona. Puno na nga ang room. Hindi ko mapigilang mapansin ang pagtingin nila kay Gahala na nasa tabi ko.
"Wala nang upuan," busangot ni Dolly. Nagtipon-tipon na lang kaming mga Helium sa gilid.
"Are we going to stand na lang ba? That's so tiring naman," reklamo ni Kala.
"Wala bang magmamalasakit diyan? Char," tawang parinig ni Vien, saka nagtago sa likod ni Lamore nang tumingin sa kaniya ang iba.
Napatingin ako sa babae nang bigla siyang lumapit sa direksyon namin saka binigay kay Gahaldon ang upuan niya. Bahagya pa siyang kinikilig, "Eto po, Kuya. Sa inyo na."
Gahala smiled at her, "It's okay, I can manage. Upo ka lang diyan."
"Ay nako! Okay lang po ako! Kaya ko pong tumayo. Salamat po sa pag-aalala!" she giggle.
Hindi ko alam kung ano ang irereact ko nang hindi na nagmagandang loob si Gahala at tinanggap yung upuan mula sa babae. "Thank you," pasasalamat niya habang nakangiti saka bumaling sa akin. "Upo ka, Amara."
I saw how the girl's lips parted after Gahaldon said that. Kinutyawan pa siya ng mga kaibigan niya at tinawanan. Napatingin sila sa akin kaya bahagya akong nailang at alanganing ngumiti sa babae. Hindi pa nakatulong na rinig na rinig ko ang patagong tawa ng mga kaibigan ko na nakakita ng pangyayari.
Lumapit ako kay Gahaldon para bumulong. Yumuko naman siya ng kaunti para marinig, "Ikaw na ang umupo. Baka ayawin ako no'ng babae."
Natawa siya saka umiling, "Hindi 'yan. Tulungan kitang sabunutan siya kung awayin ka niya."
Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi. Mas lalo tuloy siyang natawa. "Cute mo. Upo ka na."
Wala tuloy akong magawa kung hindi ang umupo. Parang biglang nagsisi ang babae na binigay niya kay Gahaldon ang upuan niya. Sinisiko pa nga siya ng mga kasama niya na tinitingnan niya lang ng masama.
Gahaldon's a gentleman na medyo gago.
Nakita ko namang kinunan ni Lamore ng upuan sina Vien saka ang ibang kaklase naming mga babae kaya nanahimik na sila. Mga lalaki na lang ang naiwang nakatayo at wala naman silang reklamo.
Dumating na si Ma'am Biona after a minute kaya nagumpisa na ang election. Patingin-tingin ako sa kay Gahala kaya bahagya siyang natawa. Yumuko siya para magkapantay kami, "Bakit?"
"Naguguilty akong maupo dito," bulong ko sa kaniyang tenga.
"Anong gusto mo?" tanong niya saka napataas ang gilid ng labi. "Kandungin kita?"
"No," masungit na sagot ko na siyang nagpatawa ulit sa kaniya. Inirapan ko siya dahil medyo nailang ako doon saka nakinig na lang ulit. Puro siya kalokohan.
Nasa likod ko siya nakatayo, ang kamay niya nakahawak sa sandalan ng upuan ko. Napatingala ako sa kaniya nang maramdaman na pinaypayan niya ako. Medyo siksikan kasi kaya mainit. I could even see how proud his nose was in this view. Napababa naman ang tingin niya sa akin nang maramdaman ang pagkatitig ko.
I hissed in pain when he suddenly flicked my forehead. "Masakit!"
Nahiya ako nang mapatingin sila sa amin, pati si Ma'am Biona! "Something's wrong over there?"
"Hoy poteks, ilugar niyo naman paglalandian niyo!" yamot na sambit ni Vien, kaya mas nahiya ako. "Madaming tao o!" Shit.
"Huwag niyong tingnan," Gahaldon laughed and playfully covered my face using his hand. "Sorry, Ma'am," he grinned at the teacher who just shook her head.
The election continued after that. Napapatingin ako minsan kay Gahaldon kasi pinaglalaruan niya ang buhok ko mula sa likod. Minsan ay hinahaplos-haplos niya ang ulo ko. Kapag tinitingnan ko siya, nakatingin lang siya sa unahan habang nakikinig.
Naelect ako bilang secretary. Si Gahaldon naman, treasurer ulit, at naelect din siya bilang escort. Muse niya ang maganda sa kabilang section. Si Lamore naman, naelect bilang Vice President. Yung mga kaibigan ko, nagdedecline kapag ninoninate dahil ayaw na raw nila ng responsibilidad.
Pagkatapos ng election, bumalik lang kami sa room at nag-attend sa iba pang mga klase.
Gahaldon:
Hoy Keleya Amara
Keleya:
Ano na naman?
Gahaldon:
Lumalaban ka na ah 😡😡
I rolled my eyes after seeing his reply. I was chilling in my room tapos biglang magpapapansin sa chat.
Keleya:
What do you need? You're disturbing me. I'm reading.
Gahaldon:
Saan tayo may assignment?
Keleya:
Wala tayong ass. Quiz lang sa English.
Gahaldon replied to you:
Ang sakit naman ng sinabi mong wala tayong pwet
Keleya:
👍
Gahaldon:
Kakalike zone mo sa akin feeling ko like mo na ako
Keleya:
The word 'feeling''
Gahaldon:
Edi aray. Grabe ka na
Seen
Gahaldon:
Anong binabasa mo, Miss Ma'am? 🙇♂️
Keyela:
English book. Daedalus and Icarus.
Gahaldon:
Nays! Review tayo mamaya ha!
Keleya:
Bahala ka.
Gahaldon:
Oo ngaa. Tapusin mo munang basahin tapos chat mo 'ko kung tapos ka na. ML lang kami nina Lamore
Keleya:
Okay. Good luck.
Gahaldon:
HAHAHAHAHAHAHA ano ba 'yan. Hindi pa nga nagsisimula alam ko ng mananalo kami
Keleya:
Mayabang.
Gahaldon:
G
usto ka naman. Joke WAHAHAHAHAHA
I frowned after seeing his reply. I didn't bother typing a reply and put my phone down to read again.
Maya-maya pa'y nagchat ulit siya kaya sinilip ko.
Gahaldon:
Sakit mo na Amara, buti na lang joke 'yon
I laughed and didn't pay him any more attention. I only messaged him again when I finished. At first, I thought he wasn't serious about what he said, but we actually reviewed.
After that, he kept bothering me with things that weren't related to studies. He only stopped when I told him I'll block him. Tinigilan nga ako kakachat pero binaha niya naman ako ng react saka nagcomment sa mga post ko! Papansin!
Feeling ko bored na bored na siya kaya ako ang pinagtritripan niya. Buong weekend niya lang akong kinulit. Nakabusangot tuloy akong pumasok noong Monday.
"Good morning, Amara."
Ang mukha kaagad ni Gahaldon na may ngiting abot tenga ang bumungad sa akin pagpasok ko ng room.
Anong nginiti-ngiti niya?
Wala pang ibang tao maliban sa amin. Nakita ko ang bag ni Lamore pero wala naman siya sa classroom.
"Good morning," I gave him a fake smile that made him laugh a little. Alam niyang plinaplastik ko siya e.
Pumunta ako sa upuan ko at nilagay ang bag ko doon. Naramdaman ko namang nakasunod siya sa akin. I sat in my chair at tumigil naman siya sa harapan ko.
"Amara,"
I looked up at him boredly, "Yeah?"
"Ano," tumikhim siya saka napaiwas ng tingin kaya napataas ang kilay ko. Napanguso pa siya bago tumingin ulit sa akin.
"Ilista mo daw diyan ang pangalan mo saka phone number sabi ni Sir. Kailangan niya lang daw," seryosong sambit niya saka binigay sa akin ang papel na kanina niya pa pala hawak. Hindi ko alam kung bakit namumula na naman yung tainga niya.
Napatingin ako doon at nakitang nando'n na ang pangalan at saka phone number niya. Sa kaniya pa lang ang nando'n at wala pa ang iba. Kinuha ko naman iyon saka tumango.
Iyon lang pala. Bakit parang nahihiya pa siya?
"Para saan daw?"
"Wala naman, contact information lang daw natin,"
"Okay. Sige. Wait lang."
Kukuha pa sana ako ng ballpen sa aking bag nang abutan niya ako. "Salamat," I whispered and write the requirements down. Binigay ko din sa kaniya pagkatapos.
He grinned na parang nanalo sa lotto, "Thank you."
Classes resumed after that. I made a disgusted face when Gahaldon winked at me after I caught him staring at me again.
"Ano?" Iritang tanong ko kay Vien nang nakangisi siya sa akin pag-iwas ko ng tingin.
"Pasulyap-sulyap ka't kunwari patingin-tingin sa akin. HAHAHAHAHAHAA tangina. Kinikilig ako. Leche kayo," hinampas niya pa nga ako sa braso.
"Anong sinabi mo, Ms. Alvarez?" puna ng guro namin sa Filipino kaya napaupo siya ng maayos.
"Wala po akong sinabi, Ma'am hehehehe." Alanganing sagot niya.
"Okay. Pakisagot ng ikapitong tanong Ms. Alvarez para may masabi ka sa klase ko. Ano ang nais ipahiwatig ng may-akda? Bakit niya isinulat ang kwento?" Ma'am sternly asked.
Kamot-batok tuloy siyang tumayo at nanghagilap ng sagot. After niyang sumagot ay nagbell din, tanda na tapos na ang klase. Nagbigay lang si Ma'am ng assignment bago kami idismiss.
Dumiretso na kami sa canteen after para makabili ng ulam. Para naman sa classroom na kami kumain at hindi na namin kailangang lumabas.
"Sino 'yan?" kunot-noong tanong ko kay Dolly dahil nakangiti siya habang nakatingin sa phone niya.
Ngumiti siya na parang kinikilig, "May kalandian ako sa facebook, ang galing bumanat hanep."
My brows furrowed. Akala ko crush niya yung grade 12?
"Gusto mo ba siya?" tanong ni Vien kay Dolly habang kumukuha ng manok sa lunch ni Kala.
"Hey! Not the thighs!" Reklamo ng isa saka kinuha pabalik ang manok niya.
"Damot mo naman!" reklamo pa ng isa.
"Hindi. Ighoghost ko 'to sa susunod na araw. Uunahan ko ng iwan bago niya pa ako iwan," she shrugged.
"Red flag!" Duro sa kaniya ni Vien.
"Ikaw naman manhid," patol sa kaniya ni Dolly na sinamaan lang ng tingin ng huli.
"Nakapaglista na ba kayo?" Change topic na tanong ko sa kanila.
"Lista? Saan?" Dolly asked with brows furrowed.
"Doon sa pinapalista ni Gahala."
"Huh?" takang tanong ni Vien habang kumakagat sa kaniyang hotdog na ulam. "Huhtdog." Dugtong niya saka tinaas ang ulam niya. Natawa pa siya sa ginawa.
"What ba?" Nagtataka ding tanong ni Kala.
Napaface palm ako. Paniguradong hindi naman sila naglista. Kung hindi sila pagsasabihan, hindi din nila alam kung ano ang nangyayari sa paligid.
I swallowed the food I'm munching first before answering. "Hindi kayo pinalista ni Gahala? Sabi niya daw kailangan ni Sir."
"Ano ba ipapalista?" tanong ni Vien saka kinuha ang coke niya para uminom.
"Pangalan daw saka phone number," sagot ko.
Kaagad akong napatingin kay Vien nang mabulunan siya. Ubo-ubo siyang humahalakhak. Napatingin tuloy sa kaniya ang iba naming kaklase. "Gago!"
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko habang tinitingnan siyang uminom. Hindi pa nga makainom ng maayos dahil natatawa siya.
"Galing dumiskarte ng hanep!" Iniling niya ang ulo habang nilalapag ang coke. Natatawa pa rin siyang pinapahidan ang kaniyang labi. "Pero hindi pa kami nakapaglista doon! Hindi pa kami sinabihan ni Gahala. Baka kasi hindi niya naman kailangan ang number namin, hindi ba?" Siko niya kina Dolly na nagtataka naman. Ginagago niya ata kami.
"Oh! Ayan na pala siya ei!" Ngising dugtong niya.
Napalingon kaming lahat nang pumasok ang grupo nina Gray. Kasama nila si Lamore saka Gahala. Mukhang galing sila sa labas at doon kumain sa karinderya.
"Gahala, my man!" Ngising bungad ni Vien kina Gahala. "Hindi pa ako nakapagfill up doon! Pangalan saka phone number lang ang kailangan mo, hindi ba?!"
"Huh?" tanong niya nong una, tapos unti-unti siyang namula na parang nagets ang ibig-sabihin ni Vien. Parang nahuli siya o ano. Sumulyap siya sa akin saka umiwas din ng tingin.
"Pafill-up! Diba sabi mo kailangan ni Sir?!" nang-aasar si Vien.
"Anong kailangan ni Sir?" tanong ni Lamore habang nakakunot ang noo. Nagtataka kung bakit hindi siya nainform.
Napakamot bigla si Gahala ng batok at nahihiya. Napilitan siyang kunin ang papel sa bag niya na pinafillupan niya kanina sa akin. "Eto pare, kailangan ni Sir," natatawang sambit niya.
Kinuha iyon ng mga lalaki para tingnan.
"Tangina," Napahalakhak kaagad sila nang makita saka tinapik-tapik siya sa balikat. "Ang talino mo naman! Magawa nga din 'yan sa crush ko!"
"Oh! Fill-up na kayo dito! Kailangan ni Gahala phone number niyo ay este ni Sir pala! Sorry bro! Nadulas! " halakhak ni Marwan.
"Gago!" Tawa niya din at binatukan siya. "Manahimik ka."
Tawa-tawa silang nagfill-up doon. Hindi ko alam kung bakit natatawa sila. Wala naman doong nakakatawa.
"Baka gawin niyo akong textmate ha!"
"Globe 'to! Load lang sana, pagbili ng diamond sa ML!"
"Ow, I get it na." Kala laughs together with Dolly.
"Yung ano?" kunot-noong tanong ko.
They stopped laughing and look at me. Sabay nila akong inirapan na tatlo! Inirapan ko din tuloy sila pabalik.
Hindi kami nagklase noong first period namin dahil may meeting sina Ma'am Buyco. Ang ingay nga ng room e. Nagkayaayan pa silang magtruth or dare. Pakana ng mga boys.
Pinilit ako nina Vien na sumali kahit ayaw ko. Para kasing may binabalak sila. Natatakot ako sa mga pwede nilang idare. Wala din akong nagawa kalaunan at nakita ko na lang ang sarili kong nakaupo katabi nila.
Nakahinga ata ako ng maluwag nang si Ruth ang unang tinamaan ng ulo ng bote.
"Truth or dare?" nakangising tanong ng mga boys.
"Truth," irap niya.
"May feelings ka pa ba kay Ryder?!" Marwan asked immediately at umugong ang tuksuhan.
Ruth answered quickly as if she was already sure about it, "Wala na."
I immediately heard some 'oh's' from the circle. The guys laugh their asses off while tapping Ryder's shoulder. Napapakunot noo na nga ang huli dahil sa sobrang pagkainis sa mga kaibigan.
"Uyy, next na!" Vien said while laughing slightly. Kinuha niya ang bottle saka pinaikot.
Vien smirked, "Hoy Lamore, truth or dare?"
"Truth,"
"Who is your crush?" Vien asked immediately na siyang nagpatahimik kay Lamore. Kaagad natawa ulit ang mga lalaki.
"Sino daw pre crush mo o," pahiwatig ni Lacaus habang nakangisi.
"Dare na lang pala," bawi ng isa.
Ngumisi din si Vien, "I dare you to tell me who's your crush. Akala mo may kawala ka sa akin ha!"
"Gusto mo talagang malaman kung sino 'yon?" seryosong tanong ni Lamore. Napatahimik tuloy ang mga lalaki habang nagpipigil ng ngiti.
Vien nodded eagerly," Syempre naman!"
"Ako hindi," Lamore responded and stared at her bravely. "Baka kapag nalaman mo, layuan mo ako."
Kaagad napareact ang iba. Si Marwan lang ata ang demonyong natatawa.
"Grabe ka naman! Hindi naman ako gano'n! Sino ba 'yon?"
"Fine." Lamore sigh. Natahimik kaming lahat at hinintay ang sasabihin niya. Kinakabahan ako kasi baka nga magconfess siya. "It was y.....Yacey."
Wala kaming reaksyon nang marinig iyon, prinoproseso ang sinabi niya.
"Ah! Yung maganda sa kabilang section na muse ng grade 10 council?" Excited na tanong ni Vien. "Expected from my friend! Ganda ng taste! Approve!" Nagthumbs up pa siya habang nakangiti na parang proud parent.
"Aray! Aray! Double kill!" Tawang-tawa si Marwan.
Inis na binatukan siya ni Lamore. "Tangina mo."
"Pre! Kalmahan mo! Huwag kang magstrostrong! Please, noo!" Asar niya pa habang natatawa. Pinagmumura din tuloy siya ng iba niyang kaibigan.
"Oh!" bigay ni Vien kay Lamore ng bote.
Kinuha naman iyon ng isa saka pinaikot. Lahat ata sila napangisi nang tumama kay Gahala na katabi ko.
"Truth or dare pare?" Lamore asked with a playful smile this time. Mukhang nakalimutan na yung nangyari.
"Dare syempre," tawa niya ng kaunti. "Alam niyo naman siguro ang gusto kong mangyari," ngisi niya saka humalakhak. Kasabay no'n ay ang tawanan din ng iba, kinakatyawan at minumura siya.
Ako lang ang hindi natatawa! Hindi ko kasi gets kung anong tinatawa nila! Napakunot tuloy ang noo ko.
Lamore laughed a little too before smirking, "I dare you to...say a pickup line to your right."
Sa kanan niya....ako iyon a?
Medyo nanlalaki ang matang sinalubong ko ang tingin ni Gahala. What the hell! Ako na naman ang napagtripan nila! Kaya ayaw kong sumali eh!
Kaagad umugong ang tuksukhan! Tawang-tawa ang iba habang bahagyang kinilig ang mga kaibigan ko. Kinukurot na ako ni Kala na nasa kabilang gilid ko!
"Amara," tawag ni Gahala. He even faked a cough like he was preparing!
"What?" alanganin kong sagot.
Naiilang akong tumingin sa kaniya habang siya titig na titig sa akin! I forced myself not to feel uncomfortable. Madami na akong narinig na pick up line sa mga nagbantang manligaw sa akin kaya sigurado akong hindi tatalab ang kaniya!
Or... that was what I thought.
The side of his lips lifted, "Do...you like Messi?"
I cleared my throat, "Messi who?"
Ngumisi siya sa akin saka natawa ng kaunti.
"Messi...ng with my heart?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro