SCW 53
"How unprofessional Prosecutor Silva. Flirting at work huh? "
I twitched in my seat and glimpsed at Prosecutor Zamora that's glaring at me. Mukhang kanina niya pa ako pinapanuod. Hindi ko man lang napansing pumasok siya ng office ko. I didn't pay attention to what he said saka nilapag ang cellphone ko sa mesa.
"Sauce ka pre."
"Sauce?" Kunot-noo kong tanong. Anong pinagsasabi nito?
"Saucepisyos. Sino ba 'yon?" Chismis pa ni Yule habang prenteng umupo sa kaharap na upuan ko.
"Wala 'yon, tanga."
He squinted his eyes and looked at me suspiciously. "Anong wala? Saka mo na sabihin 'yan sa akin kung hindi ka na nakangisi na parang... Ah, shit. My eyes," he even covered his eyes with his arm like he's protecting them from the sun.
I rolled my eyes, "Dami mong alam. "
"Kadiri naman kasi ang ngiting 'yan," nakangiwing sambit niya habang nakatingin sa akin.
"Inggetero." Inalis ko na lang tuloy ang ngiti ko saka nagseryoso.
"Sure kang wala pre? Kahit mga katrabaho natin tinatanong ako kung may girlfriend ka na daw kasi lagi ka daw good mood?!" Reklamo niya. "Ano? Pabulong naman oh, " Turo niya sa kaniyang tainga at nilapit pa nga ang mukha.
Tinulak ko siya papalayo pero nagulat ako nang tinangka niyang abutin ang cellphone ko. Mabuti na lang mas mabilis ang reflexes ko at naunahan ko siya.
Mapanuya ang mga tingin niyang pinukol sa akin. "Napakadamot."
"You're invading my privacy," I informed him. I didn't mind his persistent stares and asked, "Ano ba ang kailangan mo?"
Inirapan niya ako at proceeded to tell me his business. "About the hit-and-run case I mentioned earlier. I think there's more to it..."
I nodded to him, urging him to continue. We discussed the case he was referring to for nearly half an hour. Napatigil lang kami nang biglang tumunog ang phone ko.
Hindi ko sana papansinin kung hindi lang nahagip ng mata ko ang pangalan ni Amara. Napahinto ako saglit para silipin ang tinext niya at pinigilang mapangiti nang mabasa iyon.
Sinamaan ako ng tingin ni Yule nang makita ang pagpipigil ko. "Tangina mo. Ngumiti ka na. Huwag ka ng mahiya."
Natawa ako. "Sorry, I can't help it," ngiting-ngiting sabi ko.
"Pucha, kinikilig pa nga. Ano ba ang sabi?" Tanong niya saka titingnan din sana pero kaagad kong inoff ang screen saka nilagay sa bulsa ko ang phone ko.
"Tingnan mo 'to!" reklamo niya.
"Should we pick up where we left?" I asked instead.
Inis siyang napatingin sa akin, "Kainggit ampucha. Gusto ko din magkajowa pero gusto ko yung katrabaho lang. Masaya daw yung office romance."
I winced at his idea. "I'm not aware that... you like those kinds of things, Prosecutor Zamora."
"Grabe ka naman! I need an assistant, you know. Ka-work buddy ba. I need someone to look through my briefs," he grinned and wiggled his brows.
"Ibang brief naman ata 'yang tinutukoy mo, gago." Mura ko sa kaniya tapos natawa siya. "Tigang."
"Sa ating dalawa, ikaw yung tigang," walang pagdadalawang-isip na sambit niya.
I shook my head, not really minding what he said. "Shut up and let's continue. Madami pa akong gagawin ngayon."
"Gusto mo lang ngumisi ng walang makakakita e," rinig ko pang bulong niya pero hindi ko na pinansin.
Amara and I exchanged phone numbers after that talk. We promised each other that we'd keep in touch. Sa text lang kami palaging nag-uusap dahil tambak kami pareho sa trabaho. Nagkikita naman kami minsan kapag may free time ako, katulad ngayon.
"Can you stop coming here, Kuya? Seriously?"
Napatingin ako sa kapatid ko nang inis niyang sinabi iyon sa akin. Nasa loob kami ng classroom nila, at nakaupo ako sa maliit na upuan. Hindi pa nga ako kasya. Syempre, ginagawa ko lang na excuse yung kapatid ko para dalawin siya at sumilay.
"Sige, basta isusumbong din kita kay Mama na yung baon mo ginagastos mo sa teks at pogs. "
Inis siyang tumingin sa akin, "Fine! But when are you going to stop?!"
"Sus, para makacutting ka?" Nakataas-kilay na tanong ko. Grabe na mga bata ngayon!
"No. But you just keep gaining attention. It's embarrassing."
"Kinakahiya mo ba ako? Prosecutor kuya mo a!" reklamo ko.
Napalingon tuloy ako sa paligid, at nakatingin nga ang ibang Nanay sa amin na pumunta din ngayong lunch para pakainin ang mga anak nila.
"Huwag kang mahiya, tumitingin sila sa akin kasi gwapo kuya mo," I tapped his shoulder like I was comforting him.
"Jesus," he whispered frustratedly which made me laugh a little.
Hinpas ko siya, "Hoy! Huwag mo nga siyang tawagin!"
Hindi niya na ako pinansin saka nakipaglaro sa mga kaklase niya kahit hindi pa sila tapos kumain. Hindi ko mapigilang mapatingin minsan sa tablet nila at makialam kasi mali-mali ang ginagawa nila sa Candy Crush.
"Itaas mo 'tong yellow para makabuo ng bomb," pakialam ko sa kanila at ako na yung nagswipe. "Oh, diba! Divine!" Yabang ko.
I somehow ended up playing with them while waiting for Amara. Sa gitna ng paglalaro, napasulyap ako sa pintuan kasi pumasok na siya. Napabalik lang sa screen yung atensyon ko nang sumulyap siya sa direksyon namin.
Pabalik-balik ang tingin ko para tingnan kung anong ginagawa niya at kung sumusulyap ba siya sa akin habang nagcoconcentrate ako sa laro para hindi maubos yung lives.
"Mixco," siko ko sa kapatid ko nang may biglang pumasok na lalaking teacher at kinausap si Amara. "Lagi bang pumupunta 'yan dito?" bulong kong tanong sa kaniya pero hindi niya ako pinansin.
"Mesues Cooper," tawag ko ulit sa buong pangalan niya nang hindi siya sumagot.
Kumunot ang noo niya dahil sa pag-iistorbo ko. "Sino po?" tanong niya nang hindi lumilingon at nakafocus lang ang atensyon sa screen ng tablet.
"Yung kausap ni Ma'am Tiexiera ko."
He turned to me with a disgusted expression bago siya sumulyap sa tinutukoy ko. "Ah, that old bald? Yes."
"Galing mong man-trash talk ah," gulat na puna ko pero pabor sa akin 'yon! "Kaka-online games mo 'yan!"
"Don't touch me, please," sabi niya before I can even mess his hair.
Napanguso ako saka napasulyap lang ako ulit sa kanila nang makitang umalis na yung lalaki. Inayos ko ang neck tie ko saka napatingin sa relo. Napatayo ako nang makita ang oras. May lunch meeting pa ako mamaya with a client.
"Yung usapan natin ha? Bantayan mo si Ma'am kung ayaw mong isumbong kita kay Mama," banta ko sa kapatid ko.
"Why don't you just tell her you like her? You're making this all complicated," sungit niya.
Kapatid ko ba 'to? Bakit ang englishero?
I faked a cough and replied in English as well, "What are you saying? She's the one who likes me."
"She doesn't seem interested in you even a little bit," basag niya sa ego ko. "But I can picture you out chasing after her."
Napeke ang ngiti ko. Ang cute naman ng batang 'to. Sarap yakapin. "I'll go now, finish your lunch."
I heard him shoo me away pero hindi ko na siya pinansin kasi nasa harapan na ako ni Amara.
"Napadaan ka ulit para tingnan si Mixco?" salubong na tanong niya.
"Well, yes," masaya kong sagot. I feel so satisfied looking at her face.
"And you're leaving again so soon? You won't stay a little longer?"
"Magtatagal ako sa susunod kung gusto mo," pabirong sagot ko na ikinataas ng kilay niya. "Busy ako ngayon," Kamot ko ng ulo. "Next time. Sabihin mo kasi sa akin kung gusto mo palang makita ako ng matagal, para naman ano," makahulugang dugtong ko habang kinikindatan siya.
Natatawa siyang napailing. "I'm amazed at how hands-on you are with your brother."
I laughed. "Concerned ako e," natatawang sambit ko and I could hear Mixco gaging on the back.
"Iyon lang ba talaga pinunta mo dito?" Tanong niya pa.
I raised my brows. Is she expecting something? "Bakit? Feeling mo may iba pa akong dinadayo dito? Hindi pumunta ako dito para lumandi, Ma'am."
"I didn't say anything." She laughed at how defensive I was.
"Assuming ka," biro ko.
She rolled her eyes. "Fine. Go now, shoo," pagtataboy niya din sa akin. She even used a hand gesture.
Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya. "Why are you shooing me away now?" nguso ko para kaawaan niya. "Sakit mo sa puso."
"I thought you're busy?" taas-kilay niyang sambit saka napatingin sa magkahawak naming kamay, pinapahiwatig sa akin na bitawan ko na siya pero lalo ko pang hinigpitan ang hawak.
"Akala ko alam mo na? Pumunta ako dito para lumandi," I admitted.
She didn't look surprised with my confession and shook her head with a smile on her face, "Kumain ka na?" Change topic niya!
Tumayo ako ng maayos saka binitawan na ang kamay niya. "Hindi pa. Ayayain mo ba ako?" Pagbabasakali ko.
"Hindi. Nagtanong lang ako. "
My lips parted and she laughed, aliw na aliw sa ginawa niya. "Bakit naman kasi kita aayain? Make sure not to forget your lunch, Prosecutor Silva." She smiled sweetly at naupo na sa kaniyang upuan.
Naiwan akong natulala nang kaunti kasi umasa ako! Kung wala lang kami ngayon sa harapan ng mga bata, kanina ko pa 'to pinatulan ng landi.
I stared at her while she was preparing her lunch. She looked up at me when I bent down. Natigilan siya sa kaniyang kinauupuan when I stole a kiss on her cheek, "I'll make sure to eat my lunch, Ma'am. But I doubt it. Nabusog na ako."
I heard squeals from the children and the gasp of my brother, completely shocked that I tainted his innocent eyes.
"What are you doing in front of them?!" Amara suddenly hissed after pushing me with blushing cheeks. Nag-panic siya bigla at parang gustong mag-explain sa mga bata.
I laughed slightly after seeing her face, "See you again tomorrow, Ma'am." Paalam ko before looking at the children and grinned, proud of what I did.
Taas-noo akong lumabas habang pasipol-sipol pa with a satisfied smile on my face. Ang galing ko talagang lumandi. I need to be rewarded as the person with the best flirting skills.
"Laging may pinupuntahan Prosecutor Silva, a. Related ba 'yan sa case o casentahan?"
I raised my brows at Prosecutor Zamora nang iyon kaagad ang ibinungad niya sa akin pagbalik ko after lunch.
"Pakialamero ka, Prosecutor Zamora , a. Saka ko na sasabihin sa 'yo kung panalo ka na sa kaso," ngising-asar ko.
His lips slightly parted in disbelief, and he raised his middle finger. I just laughed and proceeded to my office.
I used my whole afternoon burying my face on my desk. Napatayo lang ako nang makita kung anong oras na. I hurriedly fixed my things at nilagay sa briefcase ang mga kailangan ko pang tapusin mamayang gabi.
"Wow," parinig ni Yule nang nagmamadali akong lumabas ng office. "Hindi mag-o-overtime ngayon?!"
Nagtataka siya kung bakit lagi akong on time umalis sa trabaho, dahil halos dito na ako matulog noon. Bumagal tuloy yung lakad ko.
"Susunduin ko pa kapatid ko," lagi kong palusot sa kaniya.
"Sus, huwag ka ng mahiya, Prosecutor Silva!" One of my co-workers teased, tapos nasundan iyon ng iba. "Sige, kunwari hindi na lang namin alam na may trinatrabaho ka ng iba sa gabi!"
I laughed a little and scratched the back of my neck out of shyness. "Wala a." Tama naman. Trinatrabaho ko pa lang sa umaga at hapon kaya hindi pa kami nakakaabot sa gabi.
"Susunduin yung kapatid o may pinopormahang teacher?" Parinig ulit ni Yule, dahilan para samahan ko siya ng tingin.
"Mas kumbinsado ako diyan Zamora!" Tawa nila.
Napailing na lang ako saka nagpaalam na sa kanila kasi baka hindi ko na maabutan si Mixco saka....si Amara.
Atat na atat ako habang nagda-drive papuntang school ni Mixco. Nakahinga lang ata ako ng maluwag nang makita ko siyang naghihintay sa waiting shed sa labas. I stopped in front of them at lumabas ng sasakyan.
"You're already here," puna ni Amara sabay tayo. "Nakita ko ang kapatid mong naghihintay mag-isa kaya sinamahan ko na kasi padilim na."
"Yes, I'm sorry kasi medyo busy kaya natagalan ako. Thank you, Ma'am," ngiti ko ng makahulugan. "Uuwi ka na?" tanong ko kaagad habang kinukuha ang bag ni Mixco para ako na ang magbuhat.
Siyempre, dapat mabait tayo sa harapan ng crush natin para pogi points.
She nodded. "Yeah."
"Hatid na kita," suggestion ko, kaya napalingon sa akin si Mixco na puno ng pagdududa.
Natahimik muna si Amara bago nakangiting sumagot, "Sure."
"But Ma'am has her own car though," sulpot ni Mixco sa usapan namin, puno ng pagtataka.
"Ugh... nawalan ng gasolina," she replied hesitantly, na siyang nagpataas ng kilay ko. Weh? Totoo ba, Amara? O gusto mo din akong kasama?
"Why?" Mixco asked suspiciously. Anong why? Pakialamero talaga 'to. Panira ng porma.
"Nawalan nga ng gasolina. Bakit mo ba pinipilit?" Away ko sa kapatid ko para lang maging successful ang love life ko.
Hindi ko pinansin ang pagbusangot niya, saka nakangiti akong bumaling kay Amara. "Sakto namang nawalan ka ng gasolina," tukso ko. "May gasolinahan diyan sa malapit, magpagasolina ka na lang."
Her lips parted a little. "If you don't want to drop me off, then just tell me. I can commute," supladang sagot niya.
Natawa ako. "Biro lang. Sabay ka na. Saan ba kita ihahatid?" I opened the passenger seat for her. "Willing akong maghatid hanggang Visayas saka Mindanao."
"Stop exaggerating," she laughed as she stepped into my car.
Napangiti din ako, saka umikot sa driver seat. Papasok na sana ako, pero may tumawag sa akin.
"How about me, Kuya?" tanong ni Mixco, na nakatayo pa rin do'n sa waiting shed.
Napamura ako. "Ay, nandiyan ka pa pala? Sumakay ka na! Malapit na kitang tuloy malimutan!"
Natawa ako nang sinamaan niya ako ng tingin. "Binibiro lang kita! Pasok ka na!" ngising sambit ko sa kaniya, saka pinagbuksan na din siya ng pintuan
The whole ride was fun. Hindi pa ako kuntento nang huminto kami sa building ni Amara.
"Thank you for the ride," pasalamat niya at tinangkang buksan ang pinto pero nakalock. Nagtaka siyang tumingin sa akin kaya napanguso ako.
"Bitin. Hatid na kita hanggang pintuan ng condo mo."
She laughed. "Okay na ako dito. Kung nabibitin ka, you can just pick me up and drop me off again tomorrow... if you're not busy."
My face lit up after hearing what she said. "Walang bawian 'yan ha."
She chuckled and nodded her head. "Yeah, sure. Now, open the door."
Sinunod ko ang sinabi niya at saka siya lumabas. Sumunod din ako dahil may gusto pa akong itanong.
"How about after tomorrow? Pwede din ba kitang sunduin at ihatid sa inyo?" Pagbabakasakali ko.
"It's Saturday," nakangiting ani niya.
Nakakasilaw naman ng ngiting 'yan. Para akong kinukuha ni Lord sa sobrang sinag.
Napaisip ako saka tumango ng maalalang Saturday nga. "Then how about next week?"
"Abusado," pabirong irap niya. "But yeah, sure. If you insist."
"Ako na lang kaya maghatid sa 'yo lagi? Ano?" Walang hiyang tanong ko.
She laughed, "I'll think about it."
Natawa din ako. "Then see you tomorrow, Ma'am," paalam ko saka tumango lang siya. Pumasok na ako ulit ng sasakyan nang masiguradong nakapasok na siya ng building.
Pagod na ako nang makauwi ng condo ko pero worth it naman. Kahit pagod, nakangiti pa rin ako dahil sa kilig.
Nagreply muna ako sa text ni Amara kung nakauwi na ba ako ng maayos bago magshower. Pagkalabas ko, tiningnan ko kaagad kung may reply siya pero wala pa.
I prepared for my dinner while waiting for her text. Napaopen din ako ng Instagram kasi minention ako bigla ni Okin sa isang post.
@salokin: @itsmegahaldon prosecutor, baka may gusto kang bilhin
Napatingin ako sa post ni Dolly saka natawa nang mabasa.
dorothe: Selling my friends lolll
Issue: still single and dry.
Lf tagadilig. Dm me for the price.
It caught my attention. I swiped through the photos until I came across Amara's picture. Napacomment tuloy ako sa post.
@itsmegahaldon: @dorothe ako na magdidilig sa ikatlo
Natatawa ako sa ginawa ko pero nakatanggap din kaagad ako ng reply.
@dorothe: @itsmegahaldon Omggg, sure ba 'yan? HAHAHAHAHAHAHA
@itsmegahaldon: @dorothe oo naman, kung willing din siya magpadilig HAHAHAHAHAHHA
@dorothe: @itsmegahaldon naku! willing na willing 'yan! I suggest, i-fertilizer mo na din HAHAHAHAHAAAHA
Napahalakhak ako sa sinabi ni Dolly. Pabor sa akin 'yon! Pero hindi na ako nagreply because I'll be damned kay Amara.
@dorothe: @keleyamara dito ka na kay @itsmegahaldon Alagang-alaga ka! Busog ka pa ng 9 months!
@kalliamency: @keleyamara @dorothe what the fuck HAHAHAHAHAHAHAHA what kind of kababuyan is this
@keleyamara: I'm even not disappointed after seeing this. I stopped expecting anything from you guys long ago.
Natawa ako after seeing Amara's comment, as if matagal na niya silang sinukuan.
@dorothe: @keleyamara pakunwari ka pa Amara! Ikaw pa nagsabi sa akin na kung si Gahala bibili sa 'yo, libre na lang, bigay agad!
@keleyamara: I said nothing. End of discussion.
@dorothe: @salokin willing ka din bang diligan ako? <3333
@salokin: sure, but lemme bury you first on the ground <333
Napatigil lang ako sa pagbabasa ng mga comments nang magreply na siya sa text ko.
From: Ma'am Tiexiera
Slr, I washed up.
To: Ma'am Tiexiera
I'm having dinner now. How about you?
To: Ma'am Tiexiera
Kain ka na din
From: Ma'am Tiexiera
I'm going to have my dinner now too with the girls, brb
To: Ma'am Tiexiera
Alright then, I'll talk to you later after you're done. Eat a lot.
Hinugasan ko na ang mga pinggan pati na rin yung mga ginamit ko sa pagluluto. But after that, wala pa rin siyang reply. Natanggap ko lang ang text niya nang nasa kalagitnaan na ako ng pagrereview ng mga documents na kailangan ko bukas.
From: Ma'am Tiexiera
Kakatapos lang. What are you doing now?
I put the paper down and typed a reply.
To: Ma'am Tiexiera
Work (っ˘̩╭╮˘̩)っ Hbu? You got something to finish too?
From: Ma'am Tiexiera
Yeah :(
To: Ma'am Tiexiera
Can I call?
I tapped my fingers on the table while waiting for a reply. I licked my lower lip impatiently and flinched a little when my phone vibrated.
From: Ma'am Tiexiera
Sure :)
Napasuntok ako sa hangin nang mabasa ang reply niya. Napatikhim ako saka napatakbo sa malapit na salamin. Inaayos ko ang buhok ko saka nagalinlangan kung magsusuot pa ba ako ng damit o hindi na.
Napagdesisyunan kong hindi na lang, kahit malamig, para naman tuwing titingin siya sa akin, mawawala ang pagod niya. Ayaw niya pa no’n? Kung mang inasal lang 'to, naka-extra rice na siya.
Nagspray pa ako ng cologne kahit hindi naman niya maamoy bago bumalik sa lamesa ko. I fixed my position first before pressing the video call button.
Buong magdamag kaming nag-usap habang nagtratrabaho. We talked about a lot of stuff too. Puyat ako kinaumagahan pero nakangisi pa rin dahil sa kilig, kaya okay lang.
For weeks, gano’n palagi ang setup namin. Textmate kami tapos kapag may free time ako tuwing lunch, pumupunta ako sa school nila to eat with her. Halos kilala ko na din yung ibang teachers saka facilitators doon. Tropa na nga kami ng guard. Dinadalhan ko nga minsan ng milk tea. Sinusundo ko din sila ni Mixco tuwing uwian. At kung gabi naman, magka-late night talk kaming dalawa.
"Need to go somewhere?" Nakangisi ng makahulugan na tanong sa akin ni Yule. Napasulyap ako sa kaniya at nakita kong pinasadahan niya ng tingin ang bouquet na hawak ko.
Napakamalisyoso talaga nito. Binalik ko ang tingin sa salamin saka inayos ang aking neck tie. "Yeah. Moving up ni Mixco."
Kanina pa nga actually nagsimula yung program. Ewan ko kung may madadatnan pa ako but I promised him na susunod ako.
His mouth formed an 'o'. "Congratulate him for me. Saka ihi mo na din ako sa pinopormahan mo."
"Gago," mura ko at playfully punched him in the arm. "I need to go."
Umalis na ako pagkatapos. The program was already over nang makarating ako. Nagpipictorial na nga yung mga parents and students sa loob ng gym.
I scanned the venue to find a particular person. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko siyang nakikipag-usap kina Mama.
I adjusted my necktie and hair first before walking towards them. I stopped at their side and cleared my throat to get their attention. I smiled when her pair of beautiful orbs settled on me.
"Hi, congratulations," wala sa sariling sambit ko saka binigay sa kaniya ang bulaklak na hawak ko. She blinked and looked at the flowers.
"Bakit si Teacher ang binibigyan mo ng bulaklak, kuya?" takang tanong ni Mixco kaya natawa si Mama, even Amara. Medyo narealized ko din ang ginawa ko kaya napakamot ako ng batok.
""Ay hala, sorry. Namali lang yung liko ng kamay ko," nakangising sambit ko saka binigay sa kaniya ang bulaklak.
He glared at me and stuck his tongue out. I just laughed a little and messed his hair. I heard his grunts pero hinayaan niya lang ako though.
"Ma'am Tiexiera."
Napatigil kami nang may tumawag kay Amara. I raised my brows when I saw it was the same guy teacher who kept visiting Amara in her classroom. He whispered something to her and Amara nodded.
Amara excused herself and walked with him. Nagpaalam din sina Mama at Mixco na kakain na sila sa restaurant na pinreserve nila to celebrate.
"Hindi ka sasama?" tanong ni Mama.
"Susunod ako, Ma," ngiti ko. "Ayain ko lang si Amara."
Pinanlisikan niya ako ng mata. "Galingan mo. Gusto ko ng magkaapo," bulong niya sa akin.
"Huwag kang mag-alala, Ma. Mabilis 'to," yabang ko at natawa nang pabiro niyang pinisil ako sa tagiliran.
Kinuha ko ang wallet ko saka bumaling kay Mixco. "Oh, ito na lang gift ko. Pambili mo ng teks at pogs," sabi ko habang binibigay sa kaniya ang pera.
"Nice," ngisi niya saka kinuha kaagad sa akin.
"Nak, ako na magtatago," sambit sa kaniya ni Mama at kaagad siyang umiling bilang sagot.
Kinumbinsi pa ni Mama si Mixco habang naglalakad sila paalis. Naupo lang ako sa isa sa mga upuang nandoon habang hinihintay si Amara.
I noticed some teachers looking at me, so I smiled at them since they were familiar. I fiddled with my cellphone while waiting because it kept vibrating, tinetext ako about the case.
I looked up and saw Amara still talking with the guy and her co-teachers. She glanced in my direction and smiled when she saw me looking at her. Hindi din katagalan ay lumapit siya sa akin.
"Hindi ka pa umalis?" She asked and looked around, "Where's Mixco and Tita?"
Tumingala ako sa kaniya, "Hmm. Gone to celebrate. I also wanted to invite you. Okay lang ba?"
"Yeah," She nodded immediately. "But I still have things to fix. "
I nodded to tell her na naiintindihan ko and smiled, "Okay lang. Take your time."
Umalis ulit siya pagkatapos no'n. Napabuntong-hininga ako saka hindi inalis ang tingin sa kaniya kasi panay ang dikit sa kaniya ng co-teacher niyang lalaki.
"Sorry, natagalan." Nakangiwing sambit niya ng bumalik na siya ulit.
"It's fine." Assure ko saka tumayo na din at inayos ang nagusot kong damit.
"Ma'am Tiexiera, boyfriend?" Napatingin ako sa grupo ng mga guro sa likod niya na nakatingin sa amin.
Napatingin sa kanila si Amara saka umiling ng ilang ulit, "Ah, no."
Tumingin sa akin ang mga babae ng puno ng pagdududa at tumango ako bilang sagot sa tanong nila kaya natawa silang kinikilig.
"Asus," they teased Amara. Buti na lang hindi nakita ang ginawa ko kasi nakatalikod siya sa 'kin.
"Ma'am Tiexiera, hindi ka sasabay sa amin kumain?" Tanong no'ng lalaking kanina pa dikit nang dikit kaya hindi ko maiwasang taasan ng kilay.
"I'll eat with her so no need to be concerned," sagot ko. "It's a date."
The girls chuckled because of what I said. Gulat namang napatingin sa akin si Amara na nginitaan ko lang. The guy just stared at me before nodding.
"Then if you'll excuse us," ngiting paalam ko sa kanila saka nilagay ang kamay ko sa likod ni Amara, giniya siya paalis.
Ngumuso ako habang naglalakad kami. "Sino 'yon? Dinidiskartihan ka ba no'n, Ma'am?" Nakataas ang kilay kong tanong, kunwari suplado tayo.
"I'm not dumb not to notice," she answered.
"Sa susunod na lumapit 'yon, papiliin mo siya, kung hospital ba o rehas. Anong mas gusto niya?"
She laughed. "What the hell?" Then she glanced at me, "Ikaw? Dinidiskartihan mo ba ako?"
"Halata ba?" I wiggled my brows playfully. "Hindi ko naman tinatago."
She shook her head while laughing softly, walang binigay na sagot!
"Ayaw mo ba? Abugado na lumalandi sa 'yo o!" Yabang ko.
She chuckled, "Sure, sure." She's not taking me seriously!
"Sus, pakunwari ka pa Amara. Alam kong type mo ako," nakangiting sabi ko sa kaniya.
She laughed a little. "Saan tayo kakain?" Change topic niya na naman ulit! Umiiwas talaga kapag landian yung usapan. Ang panis.
Patapos na sina Mama nong dumating kami. Nakipagkwentuhan lang si Amara kina Mama at Tito Hakken to catch up while we are waiting for our food.
"Dating again?" Tanong ni Tito Hakken sa status namin.
Amara shrugged. "Ewan ko po. Tanong niyo po dyan sa anak niyo." Biglang turo niya sa akin!
"May plano ako, okay?" Defensive kong sabi kasi napatingin silang lahat bigla sa akin! Nahot seat tuloy ako.
"Tagal mo," reklamo ni Mama!
Wow! Grabe! Sheesh!
Nagpaalam din sila sa amin when our food arrived. Gusto daw kasi ni Mixco maglaro sa malapit na park kaya sinamahan nila. Pabor din sa akin kasi masosolo ko si Amara.
We talked over lunch about the things we’d missed in each other’s lives these past years. I paid close attention as she shared her stories. I smiled in relief kasi walang awkwardness o kahit anong resentment akong nararamdaman between us, just pure comfort.
"How's your friends?"
"They are fine. " Tumingin siya sa akin saka bumalik sa kinakain. "I can't believe you're asking me that since mukhang may communication naman kayo ng friends ko. You even told them na didiligan mo ako."
Bigla akong nabulunan sa sinabi niya. I wipe my lips while coughing.
"You'll even fertilize me huh?" Nakangiwing sambit niya na parang disappointed sa akin.
Ngumuso ako ng mahimasmasan. "Ayaw mo ba? Magaling akong magdilig saka ano, madami din."
She raised her eyebrows and looked at me with suspicion.
"Syempre ako palagi pinapadilig ni Mama," dugtong ko. " Expert 'to. "
"Wala naman akong sinabi," iling niya saka bumalik sa pagkain. Napuno kami ng katahimiksan saglit. Bakit kasi bigla niyang brining up. "Pero sang-ayon ako do'n sa magaling kang dumilig."
Halos mabulunan ako ulit nang marinig ang sinabi niya. "Huh?"
She grinned, "Nakita na kitang dumilig ng halaman e, kaya alam ko kung gaano ka kagaling. Bakit? Anong iniisip mo?"
Napaiwas ako ng tingin. "Wala naman. "
Nawala ang atensiyon ko sa kaniya nang magring ang cellphone ko. "Excuse me," paalam ko saka lumayo kasi confidential.
"May pupuntahan ka pa?" Tanong niya nang bumalik ako.
I nodded and smiled hesitantly, "Yeah, sorry."
"Ah, no it's fine. "
"May trial ako sa susunod na araw. Kung free ka, pwede kang punta para manuod," aya ko.
She smiled, " Sure. "
Pagkatapos ng lunch namin ay hinatid ko lang siya ulit sa school nila dahil may gagawin pa daw sila.
A month passed by after that. Minsan lang kami magkita kasi busy ako sa trabaho at siya busy kakagala kasama ang mga kaibigan niya kasi summer na. Wala ng klase kaya wala na akong excuse na magagamit para makita siya.
From: Ma'am Tiexiera
Pupunta ka tomorrow? On my birthday.
Napangiti ako. Does she think I already forgot?
To: Ma'am Tiexiera
Yeah, I'll be there.
Nalate nga lang ako.
May emergency pa kasi kanina sa firm. Kulang na nga kami ng man power tapos bigla pang tumakas si Yule kanina, sinundo ni Theros.
Gabi na ako nang makarating sa venue. Pagdating ko pa lang, tumalikod na kaagad ako kasi nakita ko silang nag-iinuman na.
"Hoy! Saan punta pre?!" Napatigil ako nang biglang sumigaw si Gray. Napangiwi kong nilingon sila at nakakita kong nakatingin silang lahat sa akin. "Lumapit ka dito! Huwag kang tumakas! "
Napakamot ako ng batok habang papalapit sa kanila. Pero napakunot ang noo ko nang may mapansin.
"Anong ginagawa niyo dito?" Kunot-noong tanong ko kina Yule saka Theros.
"Tanga pare, invited kami," sagot ni Theros.
Nilapitan ko si Yule saka binatukan that made him hissed. "Tangina ka, kaya pala bigla ka na lang umalis kanina."
"Shot mo na pre!" Bigay sa akin ni Aiden ng alak. Ininom ko iyon saka napalingon-lingon.
"Nagbibihis pa yung cupcake sa icing mo, bro," sabi ni Finn nang mapansin ang paghahanap ko.
Napangiwi ako kasi ang cringe. "Sunduin ko lang," ani ko saka tumayo.
"Hep! Pigilan niyo 'yan! Gusto lang niyan makatakas sa inuman," ani ni Yule. Tangina talaga 'to. Hindi ako makatakas lagi dahil sa kaniya.
"Alam mo pare kapag kinakausap kita, tinatayuan ako," ngiting peke ko sa kaniya.
"Oks lang 'yan pre, pasensiya na ha? Lakas ng sex appeal ko e. Sorry, natural lang 'to sa akin," yabang niya.
"Kita mo 'to? Ito yung tumatayo oh," I raised my middle finger towards him and walked away.
"Luh! Teka lang pre," pigil sa akin ni Yule at hinawakan ang shorts ko dahil yon lang ang abot niya since nakaupo siya.
Natahimik ang lahat matapos kong maramdaman ang hangin sa gitna ng aking mga hita. May nabulunan pa at ang iba ay natawa sa biglang nangyari.
Napatingin ako sa ilalim at halos patayin si Yule nang makitang nahubad yung beach shorts ko.
Finn whistled while laughing, "Plum butt."
"P-pre, sorry, okay lang 'yan, suot mo na lang ulit," kinakabahang sabi ni Yule.
"Halika ka nga dito. Mag-usap tayo," lingon ko sa kaniya matapos kong isuot ulit paitaas ang shorts ko.
Stress kong pinuntahan si Amara matapos kong itumba si Yule. I calmed myself first before I knock in her room.
"Oh!" Salubong sa akin ni Kala nang siya ang bumukas.
"Si Amara?" Nakangiting tanong ko, halatadong excited.
"Teka lang!" sagot niya saka pinagsarhan ulit ako ng pinto. Maya-maya pa'y bumukas ulit ang pinto saka lumabas sila.
"Bhe! Una na kami!" Ngisi ng makahulugan ni Dolly saka nauna na silang magkakaibigan.
Bumaling naman ako kay Amara saka ngumiti. "Happy birthday."
"Thank you," she replied and her brows slightly furrowed as she stared at my face. " But why are you pissed?"
Napabusangot ako saka sinabi sa kaniya ang nangyari bago ako pumunta dito.
"Buti na lang hiindi ka nakaben 10 na brief," tawa niya.
Napatigil ako saka masama ang loob na tumingin sa kaniya, "Sige. Lusot ka ngayon dahil birthday mo. "
She chuckled and clung to my arm. I smiled a little because it was unusual for her to take the initiative.
"Naks," Okin whistled when he saw us approaching the cottage. Napatingin din sa amin ang iba at nagngisihan para mang-asar.
Inirapan ko sila saka pinakita ang panggitnang daliri ko. Pinaghila ko siya ng upuan at umupo ako sa tabi niya.
Nag-usap-usap lang kami at mas lalo silang nag-ingay nang makitang may dala-dalang ice bucket na puno ng alak si Daven. Binigayan nila kami ng tig- isa-isa at nag-aya silang maglaro ng 'Drink if' nang mabored para tingnan daw kung sino ang unang malalasing.
"Drink if... nagsend kayo ng nudes sa maling tao." Yule grinned.
"Okay lang. Bigay niyo na sa akin to," sambit ni Finn at uminom kaya humalakhak kami.
"Ako naman," sabi ni Daven na nasa tabi ni Yule saka nag-isip ng sasabihin. "Ah! Drink if kung naranasan niyo ng magkaroon ng ka-M.U.!" ngisi niya sa katabing kaibigan.
"Bakit hindi mo na lang kami tinag? Hina mo," irap ni Dolly saka sabay silang uminom ni Okin.
"Ako! Ako naman!" Excited na presinta ni Aiden. "Drink if mahal mo pa ex mo!"
Ampucha. Ang daming tinitira ng gago.
"Oh ano! Ano! Tangina, dami niyo namang uminom. HAHAHAHHAAHA. " Bilang ni Tripp. "Move on mga gago!"
"Ano Seign?! Uminom ka! HAHAHAHAHAHA" tawang asar ni Finn. "Buti pa tong si Amara honest!" He smirked kaya tinapunan ko ng isang chips sa mukha.
I looked at Amara and saw that she really drank a glass. She blushed and avoided my eyes. It somehow made me happy. Ako lang naman ex niya, diba?
"Ikaw pre, hindi ka iinom?" Nakangising tanong sa akin ni Theros.
Natawa ako. "Akin na shot," sambit ko kaya naghiyawan sila.
Binigay nila sa akin 'yon saka inasahang lagok ko na siyang mas nagpaingay sa aming mesa.
"Ayiiee! Sinong ex 'yan pre?!" Asar ni Yule, may ibang pinapahiwatig.
"Gago," Mura ko sa kaniya saka inambahan ng suntok. Kanina pa 'tong gago 'to a.
Kinakabahan tuloy akong tumingin kay Amara kasi baka iba yung isipin niya. Nakataas na nga ang kilay niya sa akin! Nagtawanan saka apiran yung mga gago na siyang-siyang sa nakita.
"Ikaw lang yung ex na mahal ko ha," assure ko sa kaniya.
"Iyon oh!" They whistled at iyong iba napahiyaw.
"Comeback na 'yan!" parinig ni Tripp tapos nagngisihan sila sa aming direksyon. Napailing lang ako ng nakangiti kasi halatang naiilang si Amara.
I glimpsed at her and saw she was no longer looking at me out of embarrassment, but I could see her ears turning crimson. Napailing ako habang nakangiti.
Our game continued, and somehow, sa kalagitnaan noon ay nakita ko na lang ang sarili kong nakaakbay sa kaniya at nakasandal naman ang ulo niya sa balikat ko.
"Are you drunk?" bulong ko sa kaniya kasi tahimik na siya. Bagsak na din yung iba naming kasama at yung iba naman ay hindi ko na alam kung nasaan.
"Nahihilo lang."
"Come here," higit ko sa kaniya patayo. Inalalayan ko pa kasi malapit pa siyang matumba nang nakatayo na.
"Where?"
"My gift," I smiled.
"How about them?" Turo niya sa mga tropa namin na tumba na.
I raised my brows, "Matanda na sila. Kaya na nilang gumapang pabalik."
Tinulungan ko siya hanggang sa makarating kami sa daungan. May yatch nang naghihintay sa amin doon. She didn't asked anything at hinayaan lang ako. She didn't ask anything and just let me. Tinulungan ko din siyang makaakyat doon.
I drove the boat away but not too far from the shore. I stopped at a spot where we could see the city lights.
Binuksan ko ang champagne saka nilagyan ang dalawang wine glass bago lumapit sa kaniya saka naupo sa kaniyang harapan. She kept looking around to see the scenery.
"Are you feeling better now?" tanong ko saka binigay sa kaniya ang wine.
She nodded, "Well yeah. Tapos papainumin mo na naman ako."
I laughed, "Sorry. Don't drink it if you think you can't handle it anymore."
Ilang minuto kaming walang kibo kaya nagpatugtog ako ng malamyos lang na musika to fit in our ambiance.
Napatitig ako sa kaniya habang umiinom. I sighed deeply and put my glass down. Kaya ko 'to.
"Sorry, hindi ako nakadating kanina sa handaan. I was busy," I told her. "Medyo mahirap yung hinahandle kong case ngayon."
Napalingon siya sa akin saka umiling. "That's fine. I don't really mind. I'm happy you were able to still come."
"To be honest," nag-atubili ako at nag-alinlangan kung sasabihin ko ba talaga sa kaniya. "The case I am handling right now is actually connected to you."
"Huh?" Ang reaksyon niya bigla saka natahimik ng kaunti. "May ginawa ba akong labag sa batas?" Kinakabahang tanong niya na biglang nagpanic. Halata ring napaisip siya sa mga ginawa niya these past few days.
"Why don't you see it yourself?" tanong ko saka tumayo para kunin ang brown envelope sa cabin drawer with a label na 'confidential.'
I took my glass and sipped from it as she took the papers out to read. I tried to hold my hand tightly when it started shaking.
"What?" takang tanong niya after reading the mock legal document entitled "Proposal for a Lifetime Commitment."
I cleared my throat, trying to calm myself. "Seryoso 'yan. Basahin mo."
She's not dumb. She knows what it's about but still proceeded to reading it. I bit my lower lip when I remembered the contents of the document.
***
OFFICIAL MEMORANDUM
Court of Lasting Affair
Title: Proposal for a Lifetime Commitment
Case No.: 001
Date: May 20, 20**
PARTIES:
Proposer: Silva, Gahaldon Jammes
Proposee: Tieixera, Keleya Amara
INTRODUCTION
To the Honorable Ms. Tieixera,
This memorandum is presented as a formal proposal for an irrevocable lifetime commitment to you. The evidence provided herein aims to demonstrate that this commitment is in the best interest of both of us and should be considered with the utmost affection and seriousness.
STATEMENT OF FACTS:
EXHIBIT A: The Beginning
Incident Date: March 27, 20**
On this date, you and I officially became a couple. Our relationship began with a memorable first meeting, followed with playful flirtations, eye rolls, harmless physical attacks, and a bit of slavery. These memorable moments laid the foundation of our future together.
EXHIBIT B: Key Milestones Collected
1. Arguments
Throughout our relationship, we have experienced numerous disagreements. Many of these disputes, sometimes began with absurd questions, such as, “Would you kill me if I were a lice in your head?” Despite the seemingly trivial nature of these conflicts, each one have nonetheless strengthened our bond, love, and patience.
2. Anniversaries
Each year on March 27, we celebrate the anniversary of our official relationship. These celebrations did not only prove our deep compatibility but also how well we match each other’s freaks.
3. Graduations
Throughout our relationship, we not only celebrated our anniversaries together but also our academic successes. From Grade 10 to college graduation, we became each other's inspiration and reached these milestones with flying colors.
4. Magic Moment
After years of separation, fate brought us back together, each with a renewed sense of purpose and passion. This unexpected reunion wasn’t just a return to what we once had—it was a powerful affirmation that our love was stronger than the tests of time and distance. This magic moment marked the beginning of a new, promising chapter in our lives together.
EXHIBIT C: Witness Statements
Witness Statement 1: Velinda & Hakken Palaez
Date: April 29, 20**
“We, Mr. and Mrs. Palaez, confirm our wholehearted approval of our son's proposal to Ms. Tieixera Keleya Amara. Their love and commitment were strong enough to choose each other again after all these years, even though they could have loved someone else. As a parent, we are genuinely happy and we fully support their decision to spend their lives together. ”
Witness Statement 2: Lilura & Gilbert Tiexiera
Date: May 1, 20**
“We, Mr. and Mrs. Tieixera, hereby acknowledge our full support for Mr. Silva’s proposal to our daughter, Keleya Amara. Over the years, we have witnessed how they fought for it and we are excited to see them take this next step. Best wishes. ”
CLOSING ARGUMENT
Based on the overwhelming evidence presented, it is evident that we share a profound and enduring love. I believe that the only logical and heartfelt verdict is a commitment to a lifetime of love and partnership.
Therefore, I respectfully request that you accept this proposal and agree to spend the rest of our lives together.
Signature: Silva, Gahaldon Jammes
***
She turned to me after she finished reading the memorandum and looking through the pictures attached to it. Kitang-kita ko na naging emosyonal siya at hindi alam kung ano ang mararamdaman.
I took the ring from my pocket and kneeled slowly in front of her. While looking at her teary eyes, I asked, "What's your verdict, Amara? Will you marry me?"
Kahit kinakabahan, natawa ako ng bigla siyang mapahikbi. I cupped her cheeks to wipe her tears. "Remember our promise?" I asked softly. "That if ever we meet, and if we're both single, we'll marry? Let's do that." I told her. "I'm sure you're aware that I'm not just hanging around, making my presence known for nothing, right? Mahal mo pa naman ako, diba?"
"O... of course, yes." Naiiyak na ilang ulit na tango niya.
I pulled her close for a hug. "Me too... mahal pa rin kita... mahal na mahal. So please... marry me."
She hugged me back tightly. "Sure..." She answered in her hoarse voice. "Let's do that, Gahala. Let's marry and grow old together."
I pulled away to look at her after hearing her answer. "Are you sure of that?"
I heard her laugh amid the crashes of the sea. I saw her eyes twinkle with pure happiness. It felt like I was looking at a constellation. "Of course."
"Fuck," ang nautal ko lang, trying to process everything. Ang katahimikan na pansamantalang bumalot sa amin ay hindi rin nagtagal. "But... are you okay with me, Amara?" Bigla kong tanong, worried.
"Bakit naman hindi?" balik niyang tanong habang nakangiti pa rin ng sobrang payapa. Pinunasan din niya ang luha niya.
"Are you not worried? That I may cheat on you again despite being married?" I've been thinking about this. That's why... I'm not confident that she'll say yes to my proposal. "That I may hurt you again?"
"Gahala," natatawang tawag niya saka nilagay ang kamay sa pisngi ko, caressing me softly. "I'm not the same Amara anymore. Of course, hindi natin alam kung ano ang mangyayari. I might cry again because of you, there will be problems along the way but Gahala... I don't need you in my life anymore."
Napatigil ako at nagtatakang tumingin sa kaniya dahil sa sinabi niya.
"I thought back then that I'd die without you, but look at me now, I reached this place... without you by my side. Kaya ko na ngayong wala ka at hindi na sa 'yo umiikot ang mundo ko. Hindi na ikaw ang tanging dahilan ng kasiyahan ko. I found my value and worth, and I don't want to put it again in the hands of someone else. It's your choice kung sasaktan mo ulit ako. But this time, I won't beg you to stay. If you mess up, I'll be the one walking away." She told me confidently. "I changed. You changed too. I'm saying yes to your proposal kasi hindi ako takot na masaktan mo... at alam kong hindi mo na hahayang masaktan ulit ako. I trust you, Gahala."
My eyes watered because of her last sentence. She... trusts me again. "Can I really be your safe place again?"
She cupped my cheeks and wiped my tears. "Of course. So, let's stop hesitating and just be happy, okay? It took us a long way to get here. We deserve this after everything."
I cupped her cheeks too and laughed softly even though I was still crying. "When did you become so strong and brave? I'm so proud of you. Come here."
I kissed her forehead and then, with trembling hands, slipped the ring onto her finger. I smiled when I saw how beautiful it was on her. It shone more brightly than the stars above. Dinala ko ang kamay niya sa labi ko saka hinalikan iyon.
She met my eyes with a contented smile. I lifted her chin to give her soft kisses. "I love you," I whispered tenderly and nuzzled her neck.
She giggled happily, "Me too. No matter where I go, no matter how much time passes."
After riding the waves of life together, we've reached this place. This is where we were destined to end up after all those years.
I know one thing for sure, other than her, there's no one else I want to hold, and no one else's warmth I want to feel.
I loved her first when she was young. I loved her again after some time. And now, I love her all over again. I fell in love with her three times, and each love was different.
The first was puppy love. The initial spark that set everything in motion. It was like a fairytale romance that we thought would have a happy ending.
The second one was intense. It was a rollercoaster type of love, with massive highs and dramatic lows. The kind that brought us so many tears yet was so hard to let go. It was the kind of love that taught us pain and made us grow.
And this time, it’s it was also a different type of love. It’s the unexpected love that feels completely and utterly right, like being home. It’s a love we both know will last. An unconditional love.
If I ever find myself in a position to fall in love again, I want it to be with her, over and over again.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro