SCW 5
"Bakit?"
I averted my eyes from Vien and shook my head, telling her that it was nothing. I wrinkled the paper I was holding and fixed my things.
Tahimik ko lang na inaayos iyon habang iniisip ang score ko sa math. Kakatapos lang naming magtest. Nakalabas na din ang ibang mga kaklase namin. Nag-aayos na lang talaga kami ng gamit pagkatapos ay lalabas para magrecess.
"Bakit nga?!" Kulit ni Vien at kinuha ang kinuyom kong papel.
"Vien," I warned her and tried to grab the paper away from her pero nilayo niya sa akin iyon saka binuklat niya. Napatigil tuloy ako saka napabuntong-hininga.
Kumunot ang noo niya nang makita, "Oh? Bakit mo nilukot?! Okay naman score mo ah! 26 over 30?"
I bit my lower lip. "Oo nga. I'm fine with it but my parents surely will not."
Nakita kong napairap siya, "Hindi bale! I'm not also fine with your parents kaya okay lang 'yan!" cheer up niya sa akin.
I know she meant well and wanted to cheer me up, but she doesn’t understand. It's not that easy.
Four mistakes feel like a lot. I thought I'd do better because I really studied hard. How I wish I didn't care.
"Hoy! Tara na! Bakit ang tagal niyo? Tapos na kaming mag-cr! Gutom na ako!"
Napalingon kami sa pintuan nang marinig ang boses ni Dolly. Kasama niya si Kala at suot-suot na nila ang bag nila. Lumabas na kami para bumili ng recess saka pumunta sa next naming subject, which is yung Araling Panlipunan.
"Are you okay?"
Sinulyapan ko si Gahaldon nang maingat niyang itanong iyon. He's staring at me habang kumakain. Kanina ko pa iyon nararamdaman pero hindi ko na lang pinansin dahil wala naman siyang sinasabi.
"Yeah," maikling sambit ko bago binalik sa librong binabasa ko ang aking atensyon.
I'm doing an advance reading in Filipino while eating my recess. Panigurado kasing magtatawag na naman ng pangalan si Ma'am mamaya at ipapasummary ang kwento.
"What?" angil ko nang kinuha niya ang libro ko. Sinubukan kong abutin iyon pero nilayo niya at saka itinaas. Syempre mataas siya kaya mas mahaba ang kaniyang kamay! Hindi ko tuloy abot.
He smiled, "Hindi pa ako nakabasa. Share tayo."
I frowned and crossed my arms, bitching at him. "You have your own book. Get yours. "
"Wala. Naiwan ko sa bahay ang mga libro ko," reason niya saka binaba ang libro ko sa kaniyang mesa.
I sigh irritatedly and pulled my book in my direction. He chuckles lowly and lets me share in my book! Umirap ako bago nagfocus ulit sa binabasa ko. Tahimik lang kaming dalawang nagbabasa ng Cupid at Psyche. Mabuti naman at hindi niya ako kinulit.
"Tapos ka na?" Tanong ko sa kaniya saka siya binalingan dahil ituturn ko na ang page. Natapos ko na kasing basahin.
"Ah, oo." Iwas niya ng tingin nang mahuli ko siyang nakatingin sa akin. I raised my brows at that. Is he really reading or not?
"Sana all, hindi ba? Gusto ko lang naman mag-aral, bakit tinuturuan niyo akong magmahal," biglang sulpot ni Ar-ar sa gitna namin saka humahalakhak.
"Kaya pala bobo ako, hindi ko alam na required nag-aral ng by pair," lukot ang mukhang entry ni Gray na napadaan. He's even cringing!
"Ulol." Tinulak ni Gahaldon ang mukha ni Ar-ar palayo. "Nag-aaral kami dito kaya huwag kayong makialam."
"Nag-aaral!" Ulit ni Ar-ar saka humagalpak silang magtrotropa. Kahit iyong mga naglalaro sa broom box ay napasulyap saglit sa aming direksyon saka tumawa ng kaunti. "Eh bakit sa iba ka nakatingin at hindi sa libro?! Poser ampucha."
Napakunot ang noo ko. Sa iba siya nakatingin? So, hindi talaga siya nagbabasa?
Binato siya bigla ni Gahala ng papel. "Manahimik ka, tangina mo."
"Ikaw ang tangina pare. Nakakadiri ka. Bakit gano'n ka makatingin?!"
Nagtawanan at nagmurahan pa sila doon. I rolled my eyes in annoyance dahil iniistorbo nila ako. Inubos ko muna ang chukie ko saka tumayo para itapon ang lalagyan sa basurahan. Pagbalik ko ay behave na ulit si Gahaldon at hawak na ang libro.
"Ireview kita," he told me. He even looked so excited, making his friends whistle playfully at the back.
Hindi ko na pinansin ang kalokohan nila saka naupo na lang, hinihintay ang mga tanong niya.
"Who translated Cupid and Psyche into Filipino?"
I frown at his question, "Vilma C. Ambat. Make the questions harder, please. "
"Hmm." Tumingin naman siya sa libro saka nagbasa-basa ng kaunti. Pagkatapos ay sinara niya iyon at nangalumbaba sa harapan ko kaya tinaasan ko siya ng kilay. "When Psyche arrived at Venus' palace, what did Venus asked her to do?"
Napaisip pa ako ng kaunti bago maalala. "She should classify the bones into the correct groups and finish it before it gets dark."
The side of his lips lifted. "Okay, good job."
Pagkatapos non, nagtanong pa siya ng hindi tumitingin sa libro na parang saulado niya na ang buong kwento. Napatigil lang kami sa ginagawa nang pumasok na si Sir. I put my Filipino book back in my bag before getting my AP book.
"Bakit?" Gahaldon asked with confusions. Inilagay ko kasi gitna namin ang A.P kong libro.
My brows furrowed, "Kasi sabi mo, naiwan mo ang libro mo sa bahay niyo?"
"Ah," sambit niya saka natawa. He even nod his head a little.
Biglang sumulpot sa amin si Marwan, mukhang narinig ang sinabi ko. Nasa likod siya dahil kumuha ng libro niya sa locker. His brows are knotted in confusion, "Huh? Naiwan ang mga libro niya? "
Gray put his arms around Marwan's shoulder. "Oo, naiwan niya libro niya sa bahay nila. Nanghiram lang 'yan kanina sa akin noong math," supporting Gahala's claim.
"Hindi kaya?!" Confused na sabi ni Marwan. " Bakit kayo nagsisinu--ack! Gago! "
Nabulunan siya nang pabirong sinakal siya ni Gray. " Manahimik ka na lang. Napakainggetero mo. "
Tahimik lang ako while listening to them. I'm not dumb, I think I know what they're talking about. Gahala didn't forget his books. Why would he lie to me though?
Natigil lang sila sa kalokohan nang mag attendance na si Sir.
"Present, Sir!" Vien answered when Sir called her. After that, she goes back to talking to her seatmate again. The attendance continued until our teacher called my name.
"Teixeira, Keleya Amara?"
"Present," napatingin kaming lahat kay Gahala nang siya ang sumagot, "...siya, Sir. " Tawang dugtong niya. He playfully lift the corner of his lips when he saw me looking at him.
I rolled my eyes at him. "Present, Sir," sagot ko pa din.
After taking attendance, Sir Apura proceeded to discussing the lesson for today. Nakikinig lang ako kahit bagot na bagot na ako.
Napasulyap ako kay Gahaldon because our elbows kept on touching. He looks so busy taking down notes. I look at his notebook and noticed his handwriting. It's neat and calligraphy-like kaya ang gandang tingnan. Naamaze ako ng kaunti dahil bilang lang yung lalaking kilala kong maganda ang sulat-kamay.
"Please be reminded officers, to go in Mrs. Biona's room tomorrow at 3 in the afternoon for the election of the Grade 10 council officers," sabi ni Sir sa amin nang magbell na. "Huwag niyong kalimutan ha. "
"Yes, sir!" my co-officers answered. Some even salute playfully.
Nagklase lang kami buong maghapon. Seryoso lang akong nakikinig sa mga teachers namin, not letting others distract me. It's my usual thing.
However, for some reason, I always find myself looking at Gahaldon every time he's seated away from me. Ilang ulit na ding nagtatama ang paningin namin. I felt like my body was automatically monitoring if he was looking at me or not.
Napaiwas ulit ako ng tingin nang magtama na naman ang tingin namin. I lowly groan and forced myself not to be occupied by his presence anymore.
"Asan na iyong mga kagrupo natin? Biglang naglaho na parang mga bula ah," panirig ni Ruth nang dismissal na. Halos nakauwi na lahat. Naiwan lang kaming group 4 dahil cleaners namin ngayon sa room. Kanina pa nakauwi ang mga kaibigan ko dahil sinundo na sila.
"Buti pa 'tong si Gahala, ang sipag. Halatang pa impress. Kung wala dito si Ehem baka hindi din 'yan maglilinis."
Natawa kaagad si Gahaldon na nag-eerase ng writings sa blackboard. Ako kanina ang mag-eerase do'n pero pinalitan niya ako dahil hindi ko abot ang sa ibabaw.
"Shhh. Bakit mo ako binubuking?" rinig kong pabirong sakay niya.
Hindi ko mapigilang mapairap for some reason nang marinig ang sinabi niya. Ang landi niya.
Ang nakakairita pa ay hindi pa makagalaw ng maayos dahil pakiramdam ko nakatingin siya sa bawat galaw ko.
Tinapos lang namin ang paglilinis ng room saka umuwi na din.
"Here,"
"Thank you," I whispered when he handed me my bag. Naglock pa kasi ako ng classroom. Nauna na iyong iba at kami na lang ang naiwan. Hinintay niya pa ako.
Ang tahimik na din ng buong school. Wala na kasing masyadong tao. Walang kibo kami habang naglalakad papuntang gate. Nasa likuran ko lang siya at sumusunod, rinig na rinig ko ang kaniyang mga yabag.
Nang makalabas ay naupo ako sa waiting shed at hindi na ako lumingon sa kaniya kahit naramdaman kong naupo din siya sa tabi ko. May kaunting puwang sa pagitan naming dalawa.
I took out my phone to keep myself occupied kasi ayaw ko siyang kausapin. Sana naman makaramdam siya.
"Wala pa sundo mo?"
I forced myself not to sigh. It's even irritating na alam kong he can't shut up.
I gave him a look and shook my head. Since I don't want to be rude, wala naman akong magagawa kung hindi ang kausapin siya pabalik.
"Papunta pa lang daw. How about you? Hindi ka pa uuwi?" I asked saka tinuro yung subdivision sa harap namin.
Si Mama ang susundo sa akin dahil medyo late din siyang uuwi from work. Kanina pa nasundo ng driver namin ang mga kapatid ko.
Napakamot siya ng batok, medyo nahihiya. "Mamaya na."
Bakit hindi ngayon?
"Okay." Matipid na reply ko saka bumalik sa pagcellphone.
"Gusto mong kumain?" basag niya ng katahimikan pagdaan ng ilang minuto.
I turned to him at nakita ko siyang desperado ng atensyon. I sigh, and hid my phone. "Saan?" tanong ko na parang napipilitan.
Ngumiti siya saka ako inaya. Nag-aalangan pa akong tumayo pero sumunod din sa kaniya kalaunan.
Napatingin ako sa kaniya when he held my elbow and guided me to cross the street. Dinala niya ako doon sa nagtitinda ng street foods tuwing hapon sa kabilang kalsada.
"Anong sa 'yo?" Excited na tanong niya nang makarating kami doon. Binitawan niya na din ako kaya hindi ko na pinansin.
Napatingin ako sa mga binibentang street food. "Uhm. Kikiam lang tapos dalawang kwek-kwek, and buko juice. " Binalingan ko siya matapos sabihin iyon.
He nodded. Sinabi niya iyon ulit sa nagtitinda. "Iyon ang sa kaniya kuya. Tapos fishball at cheesestick po yung sa akin. Unahin mo na lang po kuya sa pagluluto ang kaniya. Magkano po lahat?"
"80, ijo."
Tumango si Gahala at nagbigay ng 100 sa nagtitinda. "Pabili na din po ng isang balot para 100 na lahat. Thank you po." Dagdag niya saka bumaling sa akin. "Ano 'yan?" Nakataas-kilay niyang tanong matapos makita ang perang nilalahad ko.
I raised my brows at him as well. Obvious na but he's still asking. "Bayad sa pagkain."
"Libre ko na iyon."
"Libre ulit?"
"Kapag ako kasama mo, libre ka lagi," ngiti niya.
I immediately disagreed with that. "I have my own money, so there's no need for that." Bakit ba libre siya nang libre sa akin? Mukha ba akong walang pera?
"Alam ko. Ako din eh. I also have my own money," yabang niya.
"I'm not comfortable being treated by you. I'm honestly not used to it, and it's embarrassing," I told him.
"Mas nakakahiya naman kapag pinagbayad kita. " He muttered shyly while scratching his nape. "Saka ako naman nag-aya e. Hindi kita inaya para magbayad ka ng pagkain mo. Inaya lang kita para kumain."
He left me with no other choice. I crossed my arms and scrutinized him, making him feel a little awkward because of my stares.
"Fine," pagsuko ko and shrugged, making him beam. "Huwag mo lang talaga akong singilin sa susunod."
He laughingly nodded saka bumaling kay Manong nang ibigay na yung balot niya. I looked around to see the sunset view.
The clouds were turning orange and the lights along the roadside were starting to turn on, kaya ang ganda tingnan. I grabbed my cellphone and snapped a picture of it.
"Amara," tawag ni Gahaldon kaya napatingin ako sa kaniya. I moved my face away quickly when he drew the balot he's holding near my face. "Gusto mo?"
Umiling kaagad ako habang tinatago pabalik ang cellphone ko. "Nah." Hard pass.
"Huh? Bakit naman?" His brows knitted habang binabalatan niya na ngayon ang balat hawak na balot. " Masarap naman ah," dugtong niya. I looked away when he bite the small chick.
I grimaced, thinking that he ate it. "Hindi ko lang trip."
Tiningnan niya pa ako ng kaunti saka napatawa. "Parang hindi ka Pilipino. Siguro spy ka 'no?"
"Really? Nirelate mo talaga ang balot sa pagiging patriotic?"
Inabot ko mula kay Manong nagtitinda ang kikiam kong luto na. Kinuha ko din ang fresh buko juice nang ibigay niya sa akin. Nilagay ko muna ang kwek-kwek ko sa gilid ng kaniyang stall dahil hindi ko na kayang hawakan iyon.
"Syempre, pride natin 'tong mga pinoy 'no!" Pakikipaglaban niya pa.
I raised my brows and took a bite from my kikiam. "Mataas na yung pride ko so there's no need for that." I pointed out while chewing.
Kamuntik na siyang mabulunan sa narinig at natawa na lang. Hindi ko alam if maooffend ba ako dahil wala siyang sinabi o ano. Does that mean, he agreed? Wow, the audacity of this guy.
"Thanks, Kuys. " angas niyang pasasalamat kay Kiya nang dumating na din fishball at cheesestick niya. Tahimik lang kaming kumakain na dalawa habang pinagmamasadan ang view saka yung mga sasakyang dumadaan. Napagod ata ako kakalinis kanina at ngayon lang ako ginutom.
Uminom ako sa buko juice bago ko tinapon ang lalagyan ng kikiam nang maubos ko na. Parang hindi ko na nga maubos iyong dalawang kwek-kwek dahil busog na ako. Kaso sayang naman iyong libre niya kaya kinain ko na din.
"Amara,"
I take a quick gaze at him. I took a bite from my kwek-kwek and asked him, "Hmm? Yes?"
"May crush ka?"
Kaagad akong nabulunan sa diretso at seryosong tanong niya. A flush crept my face. Napaubo-ubo pa ako.
"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong niya habang hinahagod ang likod ko. Umiinom ako ulit ng buko juice saka tumango ng mahimasmasan.
Bakit kailangan kong mabulunan? Parang mayroon tuloy akong crush tapos defensive lang yung katawan ko.
"Crush? Bakit mo natanong?" I asked after. I can feel my cheeks turning pink because of awkwardness! I also feel embarrassed and conscious. I grunted lowly because of irritation.
The corner of his mouth turned up after studying my face. He shrugged, "Wala naman. Curious lang ako."
I felt uncomfortable that I kept avoiding his gaze. "Wala akong crush," sambit ko. I almost raise my brows at him when I saw him stop himself from smiling.
"Bakit naman wala?" Nakangiting tanong niya.
I frown. "Kasi wala. Dapat ba meron?" I sarcastically asked. "Gusto mo?" Iba ko ng topic at pinakita sa kaniya ang egg white sa itlog ng kwek-kwek ko.
Excited naman siyang tumango. Kinuha ko ang egg white sa kwek-kwek at napatigil ng hindi malaman kung ano ang gagawin. Mukhang gano'n din siya. May hawak kasi siya sa dalawang kamay kaya hindi niya makukuha sa akin.
Grabe iyong ilang na naramdaman ko nang sinubo ko sa kaniya. Binuka niya naman ang bibig niya at kinain iyon.
"Masarap Ijo?" natatawang tanong ng nagtitinda. Mukhang kanina niya pa kami pinagmamasdan.
Natatawa si Gahaldon habang ngumunguya. Ilang ulit siyang tumango sa nagtitinda, "Sobrang sarap, Manong. Solid."
Natawa na lang si Manong saka napailing ng ulo. Binigyan niya pa kami ng extra sauce kung gusto daw namin.
He swallowed. "Wala bang may nakakuha ng atensyon mo? I mean madaming gwapo, wala kang may nagwapuhan?" binalik niya ang topic! Ugh.
"Meron," I told him honestly which made him raise his brows. "Ikaw. Nagwagwapuhan ako sa 'yo."
He suddenly cough after hearing what I've said. Kasabay no'n ang pagpula ng tainga niya saka leeg.
"Pero hindi naman ako interesado sa mukha," dugtong ko kaagad.
He laughs and at the same time, coughs a little. "Olats 'yon a. Ano ba type mo? "
"Bakit?" I eyed him suspectedly. Bakit gusto niyang malaman?
"Wala lang. " He answered and grinned. " Baka may makita akong pasok sa standards mo, reto ko sa 'yo."
"Huwag na. Hindi naman ako interesado. Tapos ang bata ko pa para sa gano'ng bagay. "
He laugh at my statement. " Grabe, sobrang seryoso mo naman! Hindi ka naman magpapakasal kaagad! Inspirasyon lang, gano'n. Bilis na. Ano ang type mo?"
Bakit ba ang chismoso niya?
"Ewan ko," Kibit-balikat na sagot ko saka nag-isip. Ano ba sasabihin ng ibang babae if they're in my position right now?
"Siguro, a guy who can make me laugh?" Patanong na sagot ko because I'm not really sure about it. "Someone who understands that I have plenty of goals that I set for myself and will still be supportive. And a guy who will stay no matter what happens until I reach all of them, I guess."
Napatango-tango siya na parang tinatandaan niya at hindi makalimutan. "Ano pa?"
Napapause ako ng kaunti para mag-isip. "Hmm...I also find guys attractive when they are smart at may plano sa buhay. Mas maganda iyong lalaking responsable kaysa sa pacool lang. " I shrugged and meet his eyes. " Saka, ayoko din pala sa lalaking hindi seryoso, alam mo 'yon? I don't want to waste my time over someone who isn't genuine and just fooling around. I really hate wasting my time over useless things and dramas. Gusto ko may kasiguraduhan at may papatunguhan kahit umpisa pa lang."
It's uncomfortable talking about love...with him. I mean he's a guy and we're not that close. It's a little cringe for some reason.
"It's hard finding someone like that though, I mean in this generation." I pointed out. "Kung wala, okay lang naman. Kaya ko namang mabuhay ng mag-isa," bawing dugtong ko kaagad.
"Hindi naman mahirap hanapin," tawa niya. "Tumingin ka kaya sa paligid mo, lalo na dito sa bandang pwesto ko. May nakapasok sa standards mo." Ngisi niya.
My brows furrowed, " Who?"
He laughed and just shrugged, refusing to answer. "Slow mo. "
"Ikaw ba? Anong nagustuhan mo sa crush mo?" sobrang weird ng tanong ko para sa akin.
I'm not really intersted in someone's love interest. Hindi ko nga pinapakialaman ang mga crush ni Kala na sobrang dami. O ang mga hinaharot at ghinoghost ni Dolly o di kaya ay ang mga nilalandi ni Vien.
Tinanong ko lang para wala lang. Para may matopic kami saka magmukha akong interested sa topic namin. It's embarrassing kung about sa akin lagi ang topic.
"Ah iyon?" tawa niya. He looked at my eyes and shrugged. "Ewan ko. Basta cute siya, lalo na kapag nagsusungit."
"Ang weird mo." Kunot-noong sambit ko sa kaniya. Sinong nasisiyahang masungitan ng taong gusto niya?
"Weird nga," He nodded in agreement, and chuckled. Mukhang crush na crush niya ang crush niya. Tumango lang ako sa kaniya saka kumain na ulit.
"Kaklase ba natin crush mo?" curious na tanong ko sa kalagitnaan ng pagkain namin. Naisip ko lang.
Nagulat ako nang mabulunan siya sa tinanong ko. Ubo-ubo siyang napabaling sa nagtitinda. "Kuya pabiling--"
"Eto nalang," panic na bigay ko sa kaniya ng buko juice ko kasi baka kung ano pag mangyari sa kaniya. Hihintayin niya pang magtimpla si Manong.
Tiningnan niya muna iyon saka bahagyang namula. Hindi ko alam kung dahil ba nabulunan siya o ano.
"Ano," ilang na ilang siya. "Naniniwala ka ba..." he coughed again! "...sa indirect kiss, Amara?" he asked shyly while pinupokpok ang dibdib niya!
"Huh? Indirect kiss?" takang tanong ko.
I can feel a blush creep on my face out of irritation when I finall realized it. "Mabubulunan ka na't lahat-lahat, 'yan pa ang iniisip mo! Huwag ka ng maarte. Kung ayaw mo, edi mamatay ka diyan."
Manong, who's listening at the side laugh because of what I've said. Kahit si Gahala ay natawa nang grabe while still punching his chest, as if nakarinig siya ng sobrang nakakatawang joke.
Wala na siyang sinabi at kinuha ang disposable na baso kong may lamang buko juice.
Sobrang namumula siya habang umiinom mula sa leeg, mukha at tainga tapos hindi mawala-wala yung ngiti niya. Natatawa pa nga ng kaunti kahit walang dahilan. Hindi ko tuloy mapigilang matawa ng kaunti din kasi mukha siya tanga.
Binigay niya sa akin ang baso ko nang tapos na siya. May naiwan pang kaunting buko juice iyon.
He stared at me. "Nilalandi mo ba ako, Amara?" Tanong niya kaagad nang mahimasmasan na.
"Huh?!" ako naman ang nagulat sa tinanong niya. "Hindi ah," sagot ko kaagad kasi baka kung ano ang isipin niya.
I saw him smirk, "Anong gagawin mo kapag sa 'yo na ako nagkacrush? Dapat panindigan mo ako."
Sobrang naiilang ako sa sinabi niya. Hindi ako makatingin pabalik sa kaniya kasi titig na titig siya sa akin. " Kung magkacrush ka sa akin, problema mo na 'yon. Ikaw naman nagkacrush e. Nag-alala lang ako kasi baka mabulunan ka. Malay ko namang mabilis kang mafall. Parang 'yon lang." Bakit ako ang magiging accountable sa pagiging marupok niya?
He laughed, "Kita mo, napakafafall mo!" Hindi man lang pinansin ang iba kong sinabi.
I bit my lower lip. "So, ano nga? Kaklase ba natin ang crush mo?" change topic ko kasi sobrang awkward naman ng mga pinagsasabi niya!
I even saw him hide his grin. The side of his lips lifted. "Oo, kaklase natin. Manhid nga eh pero okay lang, maganda naman siya kaya napatawad ko na."
Napakarupok naman niya. "Baka ayaw niya lang na mag -assume. Bakit hindi mo kasi diretsuhin?"
"Nahihiya ako. Tapos parang automatic basted kaagad ako," tawa niya."Uuntiin-untiin ko muna hanaggang sa lumambot." Ewan ko kung bakit tawang-tawa siya.
"Malay mo may pag-asa ka," I shrugged.
Natawa ulit siya, " Malaysia."
Napairap ako kasi binara niya ako. "Hindi ba iyon nakakadistact sa pag-aaral mo?"
"Hmm, hindi naman. Kaya kong magmultitask pagdating kay Crush," he smirked.
Inirapan ko na lang siya and turned my attention to my phone nang magvibrate. Binasa ko ang text at kaagad na kinabahan dahil galing kay Mama.
"Uh, paparating na yung sundo." I informed him.
"Oh, sige. Samahan na kitang maghintay," tango-tango niya.
I quickly shook my head, "Huwag na."
His forehead creased. "Bakit?" reklamo niya pa.
Nag-alinlangan pa ako sa pagsagot. "Si Mama ang susundo sa akin at... ayokong iba ang isipin niya kapag nakita ka niya. Baka mapagalitan pa ako."
"Ow," He nodded in realization. "Okay. Take care, sungit." He smiled and messed up my hair. "See you bukas. Pasok ka ha."
I just look at him weirdly which makes him laugh a little once more. He helped me cross the street again. I bid goodbye to him and he just nodded.
Tumawid siya ulit at nakipagchismisan kay Kuyang nagtitinda. Ilang ulit pang nagtama ang paningin namin at ngingiti lang siya sa akin. Ramdam na ramdam ko pa din ang tingin niya hanggang sa makasakay na ako sa kotse ni Mama.
Keleya:
Please, don't forget the ingredients na dadalhin niyo tomorrow ha? And do inform me if wala kayo ng mga ingredients na inassign ko sa inyo so I or others can buy and bring some.
Napatingin ako sa mga kagrupo ko na sineen kaagad ang chat ko. Niremind ko sila ng mga dadalhin nila bukas para sa T.L.E namin dahil magluluto kami.
Cookery ang pinili kong specialization dahil hindi ako marunong magluto. I do know a little pero at least dito makakapag-aral ako kung paano magluto ng ibang pagkain.
Kaagad naman silang sumang-ayon. Nawala ang atensyon ko doon nang magpop-up ang chat head ni Gahala.
Gahaldon forwarded a message:
Kung Mhal mo siya❤❤ As boyfriend or girlfriend ,♥❤❤Crush or bff or friends.❤❤❤❤ ipasa mo ito sa 19 na taong naging parte ng life mo ❤😉❤😉 at kung friend mo rin ako pwede mo rin itong 😉🙂❤❤😉🙂 ibalik... ❤❤❤.. After 3 mins.. May mag chat sayong taong di mo inaasahan mag chat sayo 😉❤😉❤ bawal i delete kung di mo pa pinapasa, pag di mo pinasa mawawala na siya sayo ng tuluyan...❤😢❤️😢❤️...sensiya na MAHAL kc KiTA ❤😉🙂hindi ko to ipapasa sayo kung di kita MAHAL!! 😉❤😉❤😉❤ isipin mu 19 lang mapasama ka pa
My lips parted after reading his message. I never knew he was this...jejemon. It's not like I'm judging him.
Keleya:
Seriously? Naniniwala ka dyan?
He seened it immediately.
Gahaldon:
Hindi a HAHAHAHAHAHAHAHA
My brows furrowed at his reply.
Keleya:
Bakit mo finorward sa akin?
Gahaldon:
Malay mo HAHAHAHAHAHAHA nagchat nga pabalik yung akin e HAHAHAHAHA
What the hell? I can even imagine him smirking and laughing so hard while typing his reply. I just stared at his chat, not knowing what to reply.
Seen
Gahaldon:
Goodnight, Amara. See u tomorrow ( ╹▽╹ )
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro