Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SCW 47 (Gahala's P.O.V.)

"Busted ka?"

Irita kong tiningnan si Marwan nang natatawa niyang itanong iyon sa akin matapos makitang iniwasan ako ni Amara.

Ang bigat sa pakiramdam. Hindi ko alam kung dapat ko bang pagsisihan ang pag-amin ko o hindi. Pagkatapos ko kasing umamin, sinubukan ko siyang lapitan ulit, pero umiiwas siya ng tingin at nag-iiba agad siya ng daan.

I sighed defeatedly at nanghihinang napaupo sa bench. Nakakawalang gana.

Napatingin ako sa direksiyon niya at nakitang kinakausap ng mga kaibigan. Napabusangot na lang ako kasi hindi ko matiis makitang pinagpapawisan siya. Ang daya.

Nag-aalala lang ako. Kakagaling niya lang kasi sa sakit.

Bumuntong-hininga ako saka labag sa loob na bumalik ng room habang umiingus para kunin ang payong ko. Binigay ko 'yon sa kaniya pagkatapos. Gusto ko siyang kausapin pero halatang ilang na ilang siya sa akin. I felt a little happy when she used my umbrella, though.

"Crush mo ba si Gahala? If you're not going to consider other factors ha, just your feelings. Oo o hindi? No buts."

Napantig ang tenga ko nang marinig ang malakas na tanong ni Vien habang papalapit kami sa kanila. Kaagad akong napatingin kay Amara para manghingi din ng sagot.

I got hurt when she turned her back.

Ah.

Hindi niya na kailangang sabihin. Alam ko na yung sagot. Olats. Sarap uminom.

"Pre, pre, nakatingin si Amara," siko sa akin ni Ar-ar, encouraging me to look.

"Hayaan mo na," masama ang loob na sagot ko. "Bakit niya naman ako titingnan? Tch."

They laughed hard.

"Napakamatampuhin mo naman!" Gray exclaimed.

"Hindi niya ako gusto kaya wala siyang karapatang tumitig sa akin!" reklamo ko habang namumulot ng basura.

"Ligawan mo kahit hindi niya gusto!" Lacaus suggested.

"Coming from someone who can't even do that? Dude, the irony." Tawang bara sa kaniya ni Lamore saka inasar si Lacaus kay Dolly.

"Huwag sanang bumoses ang friendzone ha!" Balik ni Lacaus.

Napailing ako saka sinagot ang iba kong kaibigan na naghihintay ng sagot ko tungkol sa ligawan. "Ayoko namang pilitin. Baka mailang at magalit sa akin."

Yung naiinis na ako tapos nadagdagan pa ng may biglang sumulpot na lalaki. Nakakasagad ng pasensiya. Pakiramdam ko wala na talaga akong pag-asa. Ramdam na ramdam ko ang pagpitik ng sintido ko at hindi ko maiwasang mairita.

"Gago, hahayaan mo lang? Upakan natin!" aya ni Raven.

"Tanga ka talaga," batok sa kaniya ni Gray. "Vice president iyon ng SSG!"

"Paniguradong sabay-sabay tayong mapupunta sa guidance. Huwag na kayong gumawa ng gulo," Iling ni Lamore.

"Ano naman?! Natatakot kayo do'n?!" irap sa amin ni Marwan.

"Hayaan niyo na. Wala din siyang pag-asa," the side of my lips lifted after seeing Amara rejecting what he gave.

Hindi tinanggap yung sa kaniya pero yung sa akin, oo. I don't even know why I feel a bit competitive.

"Ouch!"

Kaagad akong binaha ng pag-aalala matapos makitang dumudugo ang daliri ni Amara. Lumapit ako sa kaniya, pero natulak ako ng isang lalaki. Doon ako sobrang napikon.

"Nambabastos ka ba, pre? Hindi ka ba marunong mag-excuse?" Pikong tanong ko sa kaniya.

"I just need to stop the blood immediately," he calmly answered.

"I can also do it," I pointed out.

"Well, sorry to burst your bubbles Mr. I don't know who you are but it is reasonable if I do it instead. I'm the President of the Red Cross, by the way."

Ang yabang ampucha. Sinong nagtanong?

Napatingin ako sa sugat ni Amara at pinigilan ang sarili ko. Kailangan ko ba talagang unahin 'tong nararamdaman ko kaysa sa sugat niya? I sighed deeply and cursed myself.

"Okay lang. Hindi naman malala. Sa clinic ko na lang papatingin."

Napalunok ako nang marinig ang sinabi ni Amara. Ewan ko pero parang nawala ang tampo ko doon. Ang rupok ko naman!

"Samahan mo na lang sa clinic, Vice."

"Gahala, ayaw mo akong samahan?"

Fck. Sure ba siyang hindi niya ako gusto? Kung ganito niya ako suyuin?!

"Hindi mo naman kailangang sumama, kaya naming pumunta sa clinic ng kaming dalawa lang."

Hindi ko mapigilang mapangiti habang tinataboy siya ni Amara. Big deal din sa akin yung tinanggihan niya yung hawak nong gonggong pero tinanggap ang kamay ko kahit pwede niya din naman akong tanggihan din. I felt special.

Ang sarap sa pakiramdam kapag pinaparamdam ng crush mo na hindi mo kailangang magselos. Hindi ko mapigilang kiligin. Pakiramdam ko nanalo ako.

Tahimik lang kaming naglalakad pabalik ng classroom matapos magamot ang sugat ni Amara. Nasa unahan siya at nasa likuran ako, watching her back again. I can feel the awkwardness that's surrounding us.

I sighed deeply and bravely called her. I wanted to know kung anong iniisip niya so I can do something.

"Amara, ano..." I muttered hesitantly and scratched my nape shyly. "Basted ba ako?" kinakabahang tanong ko.

Mukhang nagulat siya sa tinanong ko at hindi alam ang sasabihin. "Ano...bawal pa daw kasi akong magboyfriend sabi ni Mama at Papa."

Nagloading ang utak ko sa sinabi niya saka natawa ng kaunti nang maintindihan. Bawal lang pala eh. Hindi naman pala ako basted. Magkaiba 'yon.

"So if hindi sana bawal... okay lang?"

"Hindi ko alam. Hindi ko pa masyadong napag-iisipan."

Natawa ako sa sinagot niya. C'mon, Amara. If you're going to dump me, do it right with conviction or else I'll really take advantage of your hesitation.

And when I asked her if I could court her, she answered, "Ano... ikaw ang bahala."

My heart burst in happiness. Buti na lang napigilan ko ang sarili kong huwag siyang yakapin sa tuwa.

"Bakit may pa-gano'n, pre?! Bakit nakakadiri 'yang ngiti mo?!" tanong kaagad ni Marwan matapos naming lumabas ng room para kumain. Kahit sina Lamore ay mukhang nagtataka din sa nangyari.

Kakatapos ko lang kasing magpaalam kay Amara kahit hindi naman required. Practice, gano'n!

"Wala," I chuckled when I remembered what happened earlier.

"Anong wala?! Sinagot ka?! Kayo na?!" kulit pa nila.

"Hindi, pinayagan lang manligaw," yabang ko sa kanila.

Kaagad silang napahiyaw at pinagtutulakan ako kaya natatawa ako habang naglalakad. Napapatingin sa amin ang iba pero wala naman kaming pakialam. Hanggang tainga pa rin ang ngiti ko at parang hinid na 'yon mabubura.

"Ikaw pa lang ang nakapasa!" Gray informed.

Ngumisi ako, "Basic."

"Basic daw pero halos suntukin kanina si Vice president!" tawa ni Ar-ar na sinundan ng iba.

Doon ako napabusangot. "Ganda ng mood ko e tapos isisingit mo ang lalaking 'yon?"

Sa sobrang saya ko, napalibre tuloy ako sa kanila. Natawa ako pagbalik namin sa classroom. Nakaliptint na kasi siya. Tawa ng tawa ang mga kaibigan niya sa gilid. Mukhang sila ang may pakana.

"Bakit may problema ka do’n?" malditang tanong niya nang tinanong ko kung nagliptint siya kahit halata naman. Napapatingin tuloy ako sa labi niya.

"Kanino ka nagpaganda?" tanong ko, at mukhang nainis pa siya ng makita ang nang-aasar kong ngiti.

Inirapan niya ako, "Kailangan ba may pagandahan ako? Bawal ba?"

Sige. Kunwari hindi 'yan para sa akin. I couldn't help but hide a smug smile. Si Amara, nagpaganda para sa akin. It made me feel proud for some unknown reason.

"Ah, akala ko para sa akin," ngisi ko saka humalakhak. "Wew, nag-assume lang ako sa wala pero sige na nga."

Mukhang sisigawan na ako sa sobrang inis kaya inunahan ko na. High blood na naman ang isang 'to.

Sabi ko magrereview kami sa science, pero hindi ko mapigilang i-review siya dahil sa liptint niya. Ang ganda. Sobra.

The side of my lips lifted nang mas namula siya dahil sa walang kahiya-hiyaang ginagawa ko. Ah shit. Binabaliw ako ng babaeng 'to. Kahit mangalumbaba lang ako buong araw habang nakatingin sa kaniya, okay na okay lang sa akin.

"Uhm...Hi."

Napatigil kami sa pagbabangayan ni Amara nang may biglang bumati sa amin. Sabay kaming napatingin doon.

I smiled at Yacey when she greeted me. Yung muse saka yung hiniraman ko ng pantali.

"Hello," bati ko kasi nakakabastos naman kung hindi ko pansinin.

"Uh, here, " she handed me a bottle of water.

Napasulyap ako kay Amara para tingnan kung ano ang reaksiyon niya pero hindi siya nakatingin sa amin na para bang binibigyan kami ng privacy.

Napanguso ko. Bakit pakiramdam ko pinapamigay niya ako? Umingos ako saka iniling ang ulo para alisin 'yon sa isip ko.

Tatanggihan ko na sana si Yacey nang bigla niya iyon itulak sa aking katawan kaya wala akong nagawa kung hindi ang hawakan. Nakakaguilty namang ibalik sa kaniya kasi nakangiti siya sa akin.

Kinausap pa ako ni Yacey at sinakyan ko lang kahit lumilipad ang utak ko kay Amara. I gazed at her direction and got distracted after seeing her tying her hair.

I can see her neck and nape clearly, and I can't help but stare a little longer. I gulped and tried to hide my smile when I saw her brows slightly furrowed.

Ano na naman kaya ang umiinis sa kaniya?

Napaiwas lang ako ng tingin kay Amara nang maramdaman kong hinawakan ako ng babae sa braso. I flinched a little at kaagad nilayo ang aking kamay. Kunot-noo ko siyang tiningnan, asking her what's wrong with her.

She pursed her lips. "Sorry. You're not listening kasi."

"Uh," nagkamot ako ng batok, "Sorry."

I was a little bit disrespectful, pero kasi hindi naman ako interesado. Bigla akong nag-guilty ng kaunti kasi hindi ko man lang naaalala ang mga sinasabi niya mula pa kanina.

"What are you saying again?" I asked but I slightly regretted it when her eyes twinkled and she started talking nonstop for the second time.

I faked a smile. Matagal pa ba 'to?

Nakipagsabayan ako kay Yacey ng tawa nang matawa siya kahit hindi ko naman masyadong mag-gets kung ano ang dahilan. I know she's in front of me, but I just couldn't help but glimpsed at Amara at the side using my peripheral vision to see what she's doing.

I held her arm and pulled her closer to me when she was about to leave. Napatigil din si Yacey sa pagsalita dahil sa ginawa ko at napatingin sa babaeng hawak ko.

Niyuko ko si Amara nang maramdaman ang titig niya. Tinaasan ko siya ng kilay na parang tinatanong kung anong ginagawa niya kaya napabusangot siya.

Tangina naman. Ang cute no’n pero bakit kasi mang-iiwan?

Ayokong mastuck sa babaeng nasa harapan namin. Kung gusto kong mastuck at may kasamang babae, gusto ko siya ‘yon.

Napatingin ulit ako kay Yacey para hindi makita ni Amara ang tinatago kong ngiti nang inip siyang humalukipkip. Baka kasi mas mainis pa siya at iwan na talaga ako.

I tried focusing on Yacey, pero shit. Hindi ko talaga kaya lalo na’t ganito siya ka-cute ngayon. Hindi ko mapigilang balingan siya saka natawa nang makita na naman ang badtrip niyang mukha. Pinitik ko siya sa noo bago ko lingunin si Yacey na napatahimik na habang pinapanood kami.

Nagdahilan akong may gagawin pa kaming importante ng kaklase ko kahit wala naman talaga, kaya wala siyang nagawa kundi ang umalis na.

"Are you done?" tanong niya sa akin. Tunog nanunumbat. "What? Ipapainom mo sa akin 'yan?" supladang sagot niya matapos ko siyang tanungin kung uhaw na ba siya!

Nagtanong lang naman ako kasi kanina pa kami sigaw nang sigaw sa practice pero hindi ko naman 'yon papainom sa kaniya! Hindi 'yon sa akin galing e.

Pero selos siya do'n? 'Kala ko ba hindi niya ako gusto? Lihim akong napangisi. Wala na. Lagot na 'tong si Amara.

Tuloy tuloy lang ang panliligaw at panghaharot ko sa kaniya mula noon. Pero more like pang-iinis. Halos isumpa buong pagkatao ko e.

Pero kahit gano’n, I always choose to be at her side. Ewan ko ba. Every time I look at her, there's a sense of fulfillment… napapasabi ako sa sarili ko na, ‘Sobrang sigurado na ako. Siya na talaga.’

I always tried so hard to make her smile because every time I see it, it was so worth it. I always made sure I was there through the ups and downs so she wouldn't feel lonely. I helped her. I cheered her up. I waited for her. I did everything that she deserved.

"Ano nangyari?" I asked her friends when she just walked past me. I can see how devastated she is just by looking at her eyes.

"Ang baba niya sa math," sagot ni Dolly, halatang nag-alala. Napatingin tuloy ako sa grades niya at halos mapamura.

Hindi ko maintindihan kung bakit gano’n yon kababa when she tried all her best. It was so unfair.

Ang nakakagalit pa ay nakuha pang i-invalidate ang naging reaksyon niya when she has the right to feel that way. I'm sure, sa lahat sa amin dito, siya ang pinakadisappointed sa sarili niya kaya they don't need to rub salt in the wound anymore. Nakakapikon sila!

Kaya siguro hindi ko mapigilan ang sarili kong makialam. I couldn't stop my protective instinct. Parang kaunting tulak na lang kasi, Amara will burst out crying again and I don't want to witness it. Not on my watch and definitely not in front of me.

I'm afraid of myself kasi kahit ako, I don't know how far I'll go just to protect her.

Sinamahan ko siya sa math teacher namin to consult her grade. She looked so vulnerable. Mukhang hindi pa ata icoconsider ni Ma'am kaya nilapitan ko na. I can't just look at her, slipping. It hurts me to watch her as she slowly crumbles. I only want her to have the best things the world could offer.

Ginawa ko ang mga bagay na kaya ko lang gawin noong mga oras na ‘yon. I helped her review. I waited while she was taking the test. I felt nervous but I was confident she’d ace it. I just knew she could make it.

I sighed contentedly when everything became at peace again after I saw her happy smile.

Her grades are already something you can be proud of, so I can't understand why it's so hard for them to accept her.

"It's still not enough for them," she laughs a little to make it not really dramatic and sighs. "But don't mind it. It's not new anyway."

The sadness in her eyes, I can see it while she’s looking at the horizon of the sea. I can't stop myself from looking at her.

She's like a wave—blue yet remarkably beautiful.

Her beauty remains undiminished as she consistently rises after every fall. Even when she crashes against the headland of rocks, she continues to conquer it until it finally surrenders to her mercy... kneeling and crumbling to dust.

Just like the wave...she surges forward, undeterred by whatever she encounters.

"Ipakilala mo ako mamaya."

"Basta ba Ma, huwag mo siyang takutin ha." Paalala ko kay Mama.

She kept forcing me to introduce Amara to her. Wala namang problema pero natatakot ako sa mga sasabihin niya! Baka ilaglag niya lang ako.

"Oo nga. Anong akala mo sa akin? Basta, magtiwala ka lang!" Her saying that is making me more doubtful of her.

Ando’n pa nga si Mother-in-law sa recognition day. As always, she’s looking so strict. May pinagmahang crush ko, wew. Chill lang naman ako habang nag-uusap sila ni Mama, tapos ako pasulyap-sulyap lang kay Amara.

"Is she your daughter?" Mama couldn't help but ask kahit alam naman niya. Ilang ulit ko kayang pinakita sa kaniya yung picture ni Amara!

Pumalakpak pa 'tong Nanay ko ng umakyat ng stage kanina si Amara para kumuha ng certificate.  Syempre hindi ako nagpatalo. Nagstanding ovation pa ako.

"Well, yeah," her Mom shrugged.

"She's pretty! May boyfriend na ba 'yan?" patago pa akong siniko ni Mama sa gilid. I groaned lowly. Nag-uumpisa na siya.

"Bawal pa siyang magboyfriend. She need to focus on her studies," usal ni Mama saka pinaningkitan ako ng mata. " Maliban na lang kung... may tinatago siya."

Bigla akong napaubo at kaagad na kinabahan. Nagflashback kasi lahat ng ginawa kong panlalandi sa anak niya. Hindi ko mapigilang mapangiwi ng kaunti.

Mama is already laughing while massaging my back, mukhang natutuwa pa sa nangyari. Buti na lang iniba niya ang topic. Kung hindi, talagang mapapahamak kami.

Sinundan ko lang ng tingin si Amara nang kinuha siya ni Vien paalis. Maya-maya pa ay kinausap ng ibang teacher ang Mama ni Amara kaya nag-excuse na kami at umalis doon.

Ipakilala mo na ako," pilit ulit ni Mama. "She's so pretty in personal. Kaya pala nadagit ka niya!"

"Diba?" proud at taas noo kong tanong.

"Kaso kawawa naman si Amara," biglang sabi niya kaya nagtaka ako.

"Why?"

"Sa ganda niyang 'yon tapos mapupunta lang sa 'yo? Sayang siya."

"Ma!" I hissed but she just laugh.

"Biro lang nak, bagay kayo. Manok kita, dapat hindi ka mahina ha," mukhang tangang paalala niya kaya napabusangot na lang ako.

Tumigil lang siya kakasar sa akin ng malapit na kami kina Amara. Pinakilala ko sa kaniya si Amara at ang mga kaibigan niya na kaagad ko ding pinagsisihan.

Kaya ayokong makilala ni Mama si Amara. Alam kong ilalaglag niya ako. Buong lunch tuloy nila akong pinagtawanan.

"Ma, you added Amara on Facebook?" I asked after stalking Amara at nakita kong mutuals na namin si Mama!

"Oo, bakit?" parang wala lang na tanong niya habang nanunuod ng tv tapos ako nagpapanic!

"Nakakahiya!"

Her brows furrowed. Finally, tiningnan niya na ako. "Anong nakakahiya do'n?"

"Yung mga post mo!"

"Anong nakakahiya sa post ko aber?!" nanghahamon na tanong niya na parang isang maling sagot ko lang, ako na ang maghuhugas ng pinggan mamaya.

"Puro pictures ko kasi tapos wala man lang kafilter filter! Halos karamihan stolen pa!" Bumusangot ako. "Makikita 'yon ni Amara!"

"Huwag kang mag-alala, walang pakialam sa 'yo si Amara!" tawa niya.

Wow. Ina ko ba 'to? Nakakaduda. Nagreklamo pa ako sa kaniya pero hindi niya ako pinakinggan. Kahit sana ihide niya lang kay Amara!

"Who is he?"

I already expected na haharapin ko ang mga magulang ni Amara, pero halos maihi ako sa kaba nang makita ang Papa niya. Ang suplado saka strict tingnan! No wonder sobrang prim at proper ng crush ko!

"As far as I can remember, my daughter's not close with any guys. Are you gay?"

Sige na lang po.

"So Mr. Gahaladon,"

Kaagad akong napaupo ng maayos nang banggitin niya ang pangalan ko. "Yes, Sir?!" tunog sundalong sagot ko.

Halos lahat ng santo tinatawag ko na sa isipan ko. Lahat ng dasal, dinasal ko na rin. Sana naman bilisan ni Amarang magbihis!

"Tell me, may umaaligid ba sa anak ko?" he asked and sip his morning coffee.

Halos mabulunan si Vien sa narinig at napaside-eye sa akin ng makahulugan. Napatikhim naman si Dolly, at guilty na napaiwas ng tingin si Kala.

"Wala... naman po. " Maliban po sa akin! "B-bakit po?"

"Wala naman." He crossed his legs and sat casually. "At your age kasi, dito na kayo nagsisimula magligawan kahit pinagbabawalan kayo ng mga magulang niyo. At dahil alam niyo na papagalitan kayo, your solution is to hide it." He glanced at me. "That's why I'm just checking. I hope you don't mind."

I chuckled awkwardly at what he said. Bulls-eye 'yon, sapul na sapul.

Though it was a nerve-racking experience to meet her parents, worth it naman because I got to celebrate my birthday with Amara.

"Anong 'yang niluluto mo?"

"Tortang talong Ma. Tikman mo, okay lang ba?" sunod na sunod na tanong ko. Tiningnan ko ang reaksiyon niya after niyang matikman iyon.

Tumango siya. "Okay lang naman. Pero himalang nagluto ka," she eyed me suspiciously.

Nagkamot ako ng batok saka ngumuso para pigilan ang ngiti kong lumapad. "Para kay Amara, Ma."

Sinamaan niya ako ng tingin saka napaigik ako nang bigla niya akong piningot sa tenga. "Ang tamad-tamad mo dito sa bahay pero nakuha mong magluto para lumandi?!"

Bumusangot ako. "For future purposes lang naman!"

"Huwag mo akong mafuture-future purposes na 'yan! Yung mga plato, hugasan mo!"

"Yung plato lang ha, ikaw na bahala sa mga kutsara saka baso," ani ko sa kaniya. "Biro lang!" natatawang sambit ko ng lalapit na naman sana siya para pingutin ako.

Napabuntong-hininga siya saka napangiti, "Basta yung pag-aaral Jammes ha. Huwag papabayaan. Siguraduhin mo ding hindi ka nakakistorbo kay Amara kasi ako mismo ang magpapatigil sa 'yo sa panliligaw na 'yan," warning niya.

"Oo na Ma," I teased. "Korni mo."

"Ano?!" sigaw niya kaya tumakbo na ako papalayo habang tumatawa.

"Uwi ka na Gahala?"

Mula sa pagtetext kay Amara, napatingin ako kay Yacey na nasa harapan ko saka tumango.

"Do you need anything?" I asked and hid my phone after sending the messages I'd composed.

"Wala naman," alanganing sabi niya.

"Okay," I said and walked past her. I smiled excitedly habang papunta sa room kung nasaan si Amara.

Halos hindi kami magkasama dahil sa Undas break, tapos pagbalik namin sa school, busy naman ako kakapraktis para sa nalalapit na pageant this sports fest. Bakit kasi naging escort pa ako? Gusto ko lang maging tagacheer ni Amara sa tennis.

Sobrang boring kasi. Mas gusto ko pang ihandle ang laging may dalaw na Keleya Amara kaysa magpractice buong araw.

Ginanahan lang ata ako nang sa gym na din sila magpraktis. Nahirapan pa akong pigilan ang sarili kong huwag siyang icheer kapag nakakascore siya kasi baka mapagalitan ako. Sobrang nakakahiya 'yon kapag nakita niya.

"Ang galing mo kanina!" puri ko sa kaniya nang makalapit na ako.

"Ang galing mo ding kaninang...lumandi sa iba," sarkastikong puri niya din sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang matawa.

Selos siya non?! Wala naman akong ibang nilalandi maliban sa kaniya!

"Palagay, Gahala,"

Napaawang ang labi ko ng sinabi niya 'yon. Alam kong ako yung unang nagsuggest na ako na ang maglagay ng towel sa kaniyang likod pero kaaagad ko ding pinagsisihan! Seryoso ba siya?!

"Parang hindi magandang ideya 'to, Amara." I told her.

"Bilis na, patuyo na pawis ko,"

Napalunok ako. Shit.

Nanginginig ang kamay kong pinasok sa kaniyang likuran. I flinched every time my fingers touched her skin. Fuck.

Hindi ko alam kung mapapadasal o mapapamura ako. Halos hindi ako makatingin sa kaniyang likod kasi pakiramdam ko private property iyon na hindi ko dapat itresspass.

"Ang hook ng bra ko! Natanggal."

Tangina. Halos mahimatay ako sa mga pinaggagawa namin.

Naging awkward lahat bigla pagkatapos no'n. Nilibang ko ang sarili ko pero yung utak ko lumilipad sa nangyari. Napatingnin ako sa kamay ko saka napapeke ng ubo nang maramdaman kong mamula ang aking leeg.

I groaned loudly at mahinang pinokpok ang ulo ko sa pader sa gilid para mawala 'yon sa isip ko.

Why am I even thinking about it? Ang manyak ko shit. Part ba 'to ng pagbibinata?

"Sorry Amara," depress kong bulong ng paulit-ulit.

Hindi ko na pinansin ang mga nakatingin sa akin na kasama ko sa practice. Paniguradong iniisip nila na nababaliw na ako at pakiramdam ko doon na din ako papunta.

Kailangan kong magsimba sa Sunday. I need to cleanse my soul.

"Sino ba 'yang katext mo? Mamaya na, hindi ka mamake upan ng maayos," saway sa akin ni Mama.

Ngumuso ako, "Si Amara, Ma. Teka lang."

May laban kasi siya ngayon tapos wala ako. Ito ang nakakairitang parte e. Hindi ko man lang siya macheer. Binaba ko din ang cellphone ko ng hindi na siya magreply. Siguro nagsisimula na.

Hindi ko napanuod yung unang laro niya tapos gano'n din sa ikalawa. Hindi na ako makapaghintay na matapos ang pageant na 'to. Sa susunod hindi na ako papayag maging escort maliban na lang kung si Amara yung muse.

The pageant starts at hindi ko siya mahanap sa linya ng section namin. Siguro nasa laban pa kaya wala pa siya. Dumating lang siya noong talent portion na kaya hindi ko mapigilang lihim na mapangiti.

""Hey, it's fine. You did great earlier."

I rubbed Yacey's back to comfort her. Even Mama is calming her down.

I felt bad for her since she didn't even get a title or any award. She's probably blaming herself. She even got humiliated in the question and answer portion. Narinig ko pa yung ibang ka-grade level namin na sinisisi siya at nagtatanong kung bakit siya pa ang nilagay na muse. That must be frustrating.

Hindi ko na alam ang sasabihin sa kaniya mga comforting words kasi baka makalala pa at hindi makatulong.

I glimpsed at the door when Amara came in together with her friends. My face lift up at tatayo na sana ako para puntahan siya pero naalala ko si Yacey.

Nakakabastos naman kung iiwan ko na lang siya bigla dito so I stayed patiently in her side until she calmed down. Pagkatapos non, nakangiti akong lumapit kay Amara.

When I thought everything's fine, sunod-sunod na dumating yung problema. Bumaba siya sa ranking.

Buong araw siyang namumutla na para bang nakakita ng multo. Balisa din siya na parang takot na takot at wala sa sarili.

Is her mother that terrifying to the point that she's trembling?

I sighed and quietly walked behind her as she headed towards the gate of our school. Baka kasi kung ano ang mangyari sa kaniya. Parang hindi siya aware sa paligid niya at nakafocus lang sa mga iniisip niya ngayon.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman, kung magagaglit ba o mag-alala muna nang malapit na siyang masagasaan!

Buti na lang nakasunod ako sa kaniya! Paano kung hindi?! Hindi ko tuloy siya mapigilang masigawan dahil sa sobrang pag-aalala. Natauhan lang ako nang magsimula siyang umiyak sa harapan ko dahil sa sobrang frustration.

I gulped when I felt a sharp pain in my chest after seeing the tears flowing down her cheeks, the redness of her nose, and the pain in her eyes. I held her arm tighter before pulling her closer for an embrace.

For a second, I had the urge to keep her away from here so she wouldn't cry like that again. She's so vulnerable. I want to take care of her.

Nag-alala ako buong gabi sa kaniya. Alam ko kasing may nangyaring hindi maganda base sa mga reaksiyon niya ng ihatid ko siya sa kanilang bahay.

Hindi ako makatulog lalo na't baka umiiyak siiya sa mga oras na 'to at mag-isa lang.

Bumuntong hininga ako at tumayo sa kama para magpaalam kay Mama na pupuntahan ko lang. Hindi kasi talaga ako mapakali.

Okay lang kahit hindi ko siya makita basta malapit lang ako para kung may mangyari man, kayang-kaya ko siyang abutin.

Tumambay lang ako sa harapan ng bahay nila hanggang sa mamatay na yung ilaw sa kwarto niya. Maaga din akong nagising para pumunta sa kanila kasi nag-aalala talaga ako.

Ang tamlay niya buong araw. Hindi ko alam ang gagawin maliban sa magstay sa tabi niya. I just hope my presence can light the dark spaces in her heart.

"Ma, ikaw na sumama kay Amara. Okay lang naman kung ako lang mag-isa," sambit ko kay Mama nang hindi si Amara sinupot ng Mama niya noong recognition day na. Para na kasi siyang maiiyak.

Nakakagalit mga magulang niya. Anong pinagagagwa nila? Ang sarap nilang sumbatan. Do they really need to emotionally abuse her like this? Anak nila siya. Paano nila 'to nagagawa sa kaniya?

Natawa si Mama saka ginulo ang buhok ko. " Her friends got her back. No need to worry young man," she told me and pointed Amara's friend na mukhang may nirarant na dahil sa inis sa kanilang mukha.

I tried my best not to be a burden to her so she wouldn't have a hard time. But I don't know where I went wrong.

"Tigilan mo na ako. I mean, yung panliligaw mo. Ayoko na."

Pakiramdam ko may sumabog na kung ano sa kaloob-looban ko sa narinig. Natigilan ako at biglang kinabahan.

"Bakit sasagutin mo na ako?" kabadong biro ko kahit may alam na ako kung ano ang gusto niyang mangayari.

Tangina. Huwag naman ganito. Akala ko unti-unti na kaming nagkakaintindihan. Ang lapit niya na sa akin tapos biglang...hindi ko na naman siya maabot ulit.

"I wanted to focus on my studies right now. Naiintindihan mo naman, diba? I don't want any distractions."

Distractions. Gano'n ako sa kaniya. Nakakaabala.

But at some point, pumasok na din sa isipan ko na baka bumaba siya dahil sa akin. Siguro nga naiistorbo ko siya. I'm making things hard for her. Pero...sumaya naman siya sa akin, hindi ba?

I know I have my own fault too. Niligawan ko kahit bawal sabi ng magulang niya. When I know, studies is her priority.

Napalunok ako saka bumuntong hininga kahit ramdam na ramdam ko ang kirot at ang pamimigat ng dibdib ko.

I get that she doesn't have time to fall in love now, but it still hurts. Being rejected by the girl you like the most.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro