SCW 46 (Gahala's P.O.V.)
"Good morning, everyone. You probably already know who I am, but for those who don't, my name is Keleya Amara Teixeira. You can call me whatever you want as long as you feel comfortable. I'm 15 years old, and I've always wanted to be an elementary school teacher."
I couldn't help but feel excited in my seat as she introduced herself.
Gusto niya daw maging teacher. Bagay sa kaniya. Galing niyang magturo kung paano magmahal.
Ginaganahan tuloy akong mag-aral lalo kasi makikita ko na siya araw-araw. Halos matulala na ako sa kaniya nang makita ang tawa niya nung inasar siya ng mga kaklase namin. Shit naman. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko saka bahagyang pinokpok. Patay na patay ampucha.
"Pre," tawag ni Marwan, as far as I can remember.
"Yes?" tingin ko sa kaniya.
"May isa kaming rule sa aming magtrotropa," he informed.
I nodded, urging him to go on.
"Bawal English," proud na sabi niya kaya natawa ako ng kaunti saka tumango.
"Saka, pre, ito si Lamore!" pakilala sa akin ni Gray ng isa pang lalaki kaya napatingin ako.
"Yo," bati ko sa kaniya saka ngumiti, pero nagulat ako nang tingnan niya lang ako saka hindi pinansin. Napaawang ng kaunti ang labi ko.
Luh, sinungitan ako. Lamore moments.
His group laughed because of it. "Selos lang 'yan sa 'yo kasi bet ka ng crush niya! Friendzone naman!"
"Sino?" curious na tanong ko.
Pinigilan ni Lamore si Ar-ar sa pagbulong sa akin kung sino ang crush niya, kaya binantaan siya na isisigaw na lang niya para malaman ng lahat. Wala tuloy nagawa ang isa.
"Ow," I uttered when I came to know who it is. "Huwag kang mag-alala! Iba crush ko!" akbay ko sa kaniya saka napasulyap ulit sa babaeng nasa harapan namin. We're heading to the library to get some books since we have vacant time.
"NageeML ka, pre?!" biglang tanong ni Gray.
"Oo e," kamot-batok ko. "Pero mahina lang ako."
"Okay lang 'yan. Laro tayo! Butahin ka namin!" encourage ni Gray. "Ano rank mo na?!"
I shrugged. "Mythic 4 lang. Kayo ba?"
Their jaws dropped. I laughed because of their reaction. Minura pa nila ako dahil sa pagyayabang ko. Natigil lang kami sa pag-uusap nang ando'n na kami sa library.
"As far as I can remember, it's Gahaldon Jammes Silva, right?"
I kept dreaming kung paano kami mag-uusap sa una naming interaction, and I couldn't imagine myself not being nervous and stuttering. Contrary to what I'd imagined, it turned out fine. Pero kabang-kaba pa rin talaga ako. Hindi ko rin mapigilang tumitig lang sa kaniyang mukha sa buong durasyon ng pag-uusap namin!
Halos magkabungguan pa kami sa locker. Hindi ko naman dinamdam yung pagtakilod niya. Kinilig pa nga ako kasi sabi nila doon daw 'yon nagsisimula ang lahat.
"Next to Ms. Teixeira is Mr. Silva, Gahaldon Jammes. Take your seat, Ijo."
I hate my father, pero shit naman. Salamat at Silva surname ko. Katabi ko tuloy 'tong crush ko sa arrangement of seats tapos sa groupings!
Awkward na awkward at kabang-kaba ako habang nakaupo sa tabi niya. Parang ayaw ko na ngang gumalaw at huminga. Gusto ko siyang kausapin at makaclose, pero nablangko ako at hindi ko alam ang sasabihin.
I still tried though, but I think I failed and earned her wrath instead. Napagtripan ko kasi! Wala kasi akong maisip na iba maliban sa kalokohan! Inis na inis tuloy siya sa akin!
Hindi ko alam pero natutuwa pa ako kahit sinusungitan niya ako. Kahit nakakunot na ang noo niya, namumula ang mukha sa galit, at halos sakalin na ako, I can still look at her dreamily and wonder why she's so pretty like that.
"No, I don't like you. Romantic or platonic."
Panis. Hindi niya daw ako gusto.
Sure na ba siya doon?
Ayaw niya ba sa lalaking magaling sa math?! Mathapat siyang iibigin!
Naasar ata dahil kinulit ko siya sa gitna ng klase. Sige, huwag na nga. Hahayaan ko na siyang mag-aral ng mabuti. Para naman sa future namin 'yon.
Pagkatapos noon, lagi na siyang napapatingin sa akin at kukunutan ako ng noo na para bang ang laki ng galit niya sa akin!
Ang sungit-sungit! Hindi ko mapigilang matawa kasi parang asar na asar siya sa akin kahit wala naman akong ibang ginawa kundi ang magpapansin sa kaniya.
Ang dami ko ding nadidiskubreng bago about her. Tulad ng hindi siya marunong tumawid ng kalsada. Cute amp pero seryoso? I wonder kung ano ang ginagawa ng babaeng 'to sa buhay niya. Hindi naman sa nagrereklamo ako. Ang sarap niya ngang alagaan.
"Saan kang school galing pare?"
"Sa Salles International Academy." I answered when Gray asked.
"Oh! Nagcamping kami doon last year ah! Diba Ayel? Magkasama ata tayo doon! Madaming gwapo doon!"
I can't help but smirk after Vien said that. I know. I can still remember that camping vividly.
"Alam kong nagcamping kayo doon." I told them.
"Huh? Paano mo nalaman?! Nakita mo ba kami?!"
"Oo."
"Oh! Natatandaan mo pa 'yon?"
"May crush kasi ako do'n," tawa ko.
"Huh?! So taga-rito crush mo?!" react nila.
"Oo," tango ko.
"Who?"
Napangisi ako nang tumingin din si Amara sa akin. Curious din ba siya kung sino crush ko? Curious siya sa sarili niya, gano'n?
"Ayaw kong sabihin, nahihiya ako." Ayoko namang umamin ng nakaganito. Baka bigla akong sabuyan ng tubig gaya ng nakikita ko sa mga pelikula! Gano’n yung vibes niya, e. HAHAHHAHAHHA.
“Anong gusto mong drinks?”
I can't help but ask her that. Hindi ko kasi mapigilang hindi siya pansinin, especially that I'm aware that she's just behind me.
"Chuckie," sagot niya kaya binili ko naman iyon. Willing ako maging sugar daddy niya.
Babayaran niya pa sana ako pero ayokong tanggapin. Nakakahiyang ipagbayad ko siya! But I never expected her to give it back, though. I was looking at her with amusement plastered on my face.
"Compensation. I don't really like it when I'm in debt to someone."
She looked so nervous na baka iba ang isipin ng iba dahil sa pagbibigay niya sa akin ng Chuckie. I clearly enjoyed watching her reactions from being a bitchy to nervous and to irritated.
She's so beautiful. There's no place on her face that's ugly. I feel like my heart is going to explode just by looking at her. That's how pretty she is.
"Ayaw mo ba pre?! Akin na lang!" masayang sambit ni Marwan.
I got defensive. Nahalata tuloy ako ng iba dahil sa reaksiyon ko. Pero okay lang. Nang sa gayon, mabakuran ko siya mga lalaki sa classroom.
Nautusan pa kaming dalawa na magpapirma sa mga teachers. Halata pang ayaw niya akong kasama pero pasensiya siya kasi ako ang gusto.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang naglalakad siya sa unahan. Liking her means you need to get yourself used to seeing her back. Her straight hair is slightly dancing with the wind and I can't get enough of it.
I inhaled some air when she turned in my direction slowly and pouted. It made my heart thump.
"Ang bagal mo namang maglakad."
Ah, fuck. Her voice is like a soft melody. It keeps echoing in my mind.
Napailing na lang ako para alisin iyon sa utak ko saka naglakad papalapit sa kaniya. Hindi ko naman dapat bibilisan ang lakad ko pero nang sumulyap ako sa kaniya at nakita ko kung paano niya ako habulin gamit ang maliit niyang paa, ay natawa ako ng kaunti.
Ang cute, am. Hindi ko tuloy maiwasang i-bully siya.
"Para kang penguin na sinusubukang tumakbo."
"What?!"
I laughed when she immediately burst out. Pretty lady even when she's angry.
"Feeling close ka 'no?"
Hindi naman. Gusto ko lang talagang magpapansin sa kaniya. Magiisang taon ko na siyang crush tapos wala man lang improvement! I bet she didn't even remember the times we unexpectedly met.
"Do you want me to be your friend?"
Wew, friend daw. Panis.
Gusto ko friend, pero dapat may “boy” sa unahan.
Kawawa naman kasi siya kapag naging magkaibigan lang kami. Paniguradong pagsisihan niya kaagad. Pinalampas niya ang pagkakataong maging boyfriend ako. Sige, para hindi niya malampasan, hindi na lang ako makikipagkaibigan sa kaniya.
Masaya ko pang ininom ang binigay niyang Chuckie habang pauwi ako ng bahay. Mukha akong siraulong nakangiti nang abot-tenga habang kumakanta-kanta pa. Napanguso ako nang maalala na naman siya. Shit. Lakas ng tama ko.
"What's with you?" Mama asked while we were eating dinner. "Why are you smiling like an idiot?"
"Ma, may crush ako," tawa-tawang sumbong ko. This is weird. Telling your mother you like someone, but I feel like I'm going to explode if I don't let these feelings out.
Her brows immediately raised, "Ah, so that's why you're looking like a lovesick puppy."
Bumusangot ako, "Ma naman! Basta maganda, Ma. Matalino pa."
"Mabait ba?" that's her only concern.
I laughed immediately, "Napakasungit!"
"Oh?" kumunot ang noo niya. "Bakit tuwang-tuwa ka pa?"
"Ganda niya kasi kapag nagsusungit, Ma." Nakangiting sabi ko sa kaniya. "Pakiramdam ko kahit pukpukin niya ako ng kaldero sa ulo, nakangiti pa rin ako."
Tiningnan ako ni Mama ng may pandidiri dahil sa sinabi ko. "Patingin nga kung sino 'yang sinasabi mo."
Pinakita ko tuloy yung profile picture ni Amara sa kaniya kasi wala pa akong ibang pictures niya sa ngayon.
"Bakit pamilyar ang mukha?" takang tanong niya.
"Anak ni Mrs. Tiexiera," maikling paliwanag ko sa kaniya.
Kaagad akong hinampas ni Mama nang marinig ang sagot ko. "Mahahassle tayo diyan!"
"Ganda e, hindi ko napigilan," ngising ani ko.
After that dinner, pumunta ako sa kwarto saka nagkulong. Ilang ulit pa akong nag-alinlangan bago mag-send ng message request sa kaniya.
Pakiramdam ko kasi kung hindi ako gagalaw ngayon, baka hindi niya na ako i-accept habang buhay.
Wala namang malisya siguro sa kaniya kapag nagpa-accept ako kasi kaklase naman turing niya sa akin.
Classmatezone olats.
Gahaldon:
Keleya Amara
Gahaldon:
Baka gusto mo akong iaccept diba
Gahaldon:
Nabulok naman ako dito sa friend request mo o, kawawa naman ako. Paano kapag hindi na ako makahinga?
Kaagad kong binitawan ang cellphone ko saka nagpagulong-gulong sa kama sa sobrang kaba. Panay lang ang tingin ko doon sa loob ng isang minuto. Pagkatapos, doon ko lang kinuha at binuksan ulit.
Nanlaki ang mata ko nang bumungad sa akin ang notification na in-accept niya na ako! It's weird being happy because of that small thing. I grinned and took a screenshot of her accepting me. Gusto ko lang ipagmayabang kina Okin.
I immediately stalked her account. Iyon ang gusto kong gawin simula umpisa pa lang. Pakiramdam ko kasi mas makikilala ko pa siya lalo dahil doon.
I laughed after seeing her timeline kasi siyang-siya. More on educational and inspirational quotes and stuff.
Gahaldon:
Thanks for accepting me!
Sinubukan kong pahabain ang convo namin pero sobrangggg tipid mag-reply, but okay na 'to... for now. I don't want to be greedy.
Masaya akong nagising kinabukasan dahil doon pero napabusangot ako nang makitang umuulan. Tumatawid na ako ng kalsada nang makita kong lumabas si Amara sa isang sasakyan.
"Pre!" napatingin ako sa kabila nang may marinig na tawag. I ran towards Marwan after seeing him saka tinulak ko papalapit sa kaniya ang payong ko. Wala siyang nagawa kundi hawakan iyon.
"Morning pare. Pakihawakan ha!" tawang takbo ko sa ilalim ng ulan para mahabol si Amara.
Her eyes widened when I shared with her umbrella. "Pasilong ha, wala kasi akong dalang payong," pagsisinungaling ko.
White lies naman 'to, diba? Diba? Nagiging makasalanan na ako dahil sa kaniya. Babawi na lang ako sa Sunday, Lord.
I like how close we are right now to the point na nagkakabungguan ang mga braso namin at naamoy ko ang pabango niya. Hindi mapakali ang puso ko sa mga nangyayari!
"Ako na ang humawak, nabubunggo ako e," natatawang sambit ko saka kinuha sa kaniya ang payong.
Yung balikat ko nababasa kasi hindi kayang sakupin ng cute niyang payong. Pero okay lang 'yon basta makalandi lang.
I adjusted the umbrella and gave her the big portion of it so even a small drop of rain won't land on her.
"How about lunch?" she asked in a cute voice. She looks like an innocent child asking an innocent question.
Pinigilan ko ang sariling kiligin. Ano ba 'yan. Interesado na ba siya sa akin?
"Okay ka naman palang kausap. Akala ko lagi kang suplada." Kanina pa kasi kami nag-uusap ng hindi siya masyadong nagsusungit!
She immediately frowned. Hobby niya siguro. Tapos ako magiging hubby niya. Naks naman.
"Hindi ako ganon ka-suplada. That's partly your fault kasi you pissed me off."
Giving my umbrella to Marwan and being wet by the rain is worth it. Pakiramdam ko naging mas close kami! May improvement na ring naganap, sa wakas.
"Umamin ka na lang kasi! Para mas madali!" suggestion ni Marwan sa akin nang pumasok na si Amara sa room.
"Ayoko, gago. Hindi pa ako ready."
Kinakabahan ako ng sobra-sobra habang iniisip ko pa lang. Sa susunod na. Kung pareho na kaming handa.
"Ikaw kaya ang umamin. Iapply mo yung inadvice mo sa akin." Balik ko sa kaniya.
"Gago ka ba? Ipapahamak mo pa ako!" Oh diba. Takot din.
"Are you cold?" tanong ko kay Amara. Halata namang nilalamig siya, pero sabi niya okay lang daw.
Pinahiram ko tuloy sa kaniya ang hoodie ko kahit nanginginig din ako ng kaunti dahil nabasa ako kanina sa ulan. Grabe, the things I could do for her.
"Mamamatay ka na ata dahil sa pag-ibig, pre," katyaw sa akin ng mga kaibigan ko.
"Okay lang. I'll die for her love," I teasingly replied to them para sakyan ang triping nila.
"Sure kang hindi ka nilalamig?" I don't know if she realized it, pero tunog concern siya do'n.
"I'm fine," pagsisinungaling ko.
Sobrang nilalamig ako pero tangina. Uminit ang buong mukha ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko ng walang pasabi! Napaiwas ako ng tingin kasi hindi ko ata kayang kontrolin ang pagngiti ko ng sobrang lapad.
"Nilalamig pala ako," bawi ko para lang mahawakan niya pa ako ng mas matagal.
Kabang-kaba ako habang magkahawak kamay kami buong klase! Ilang ulit akong nagdasal na sana naman hindi pasmado kamay ko! Nakakahiya kapag gano'n!
Pakiramdam ko nakalutang ako sa ere habang magkahawak ang kamay namin. Parang may kumikiliti sa aking kung ano. Napanguso na lang ako sa pagkadismaya nang bitawan niya ang kamay ko.
Mukhang nailang siya ng kaunti pagkatapos no'n pero nagprisinta pa din ako na ako na ang bumili ng pagkain niya.
Tinikman ko ang batchoy niyang pinibili sa akin matapos kong timplahin. Hindi ko mapigilang mapakunot ang noo nang matikman ang lasa.
Okay na ba 'to? Parang walang lasa kaya dinagdagan ko ng kaunting tuyo. Nakapameywang kong tinikman ulit 'yon. "Okay na 'to," bulong kong sagot sa sarili ko.
"Para kang problemadong asawa na nagluluto ng agahan, bro," tawa ni Lamore.
"Ikaw din," balik ko sa kaniya kasi natuwa ako sa sinabi niya. Bumalik na kami sa classroom after that.
Tapos may nalaman ulit ako sa kaniya! She's not fond of egg white pero ako gusto ko 'yon. And I dislike egg yolks while she likes eating them! It was as if we complete each other. Grabe, siguro para sa kaniya talaga ako bumabangon.
Aside from trying to get close with her, I kept trying to talk to her in Messenger pero lagi akong bigo! Sineen nga lang ako ngayon!
Gahaldon:
Napindot lang 'yan
Kung hindi seen, like naman!
I feel so hopeless suddenly. Iseminar ko kaya ang babaeng 'to.
Hindi ko naman talaga plano sanang umamin gamit ang social media, pero bigla na lang pumasok sa isip ko. Intrusive thoughts na gusto kong malaman ang reaksyon niya kung sakali. Nanginginig ang mga daliri kong pinindot ang bawat letra ng mga salitang gusto kong sabihin.
"Okay na ba 'to? Shit, " hindi ko mapigilang mura.
Gahaldon:
Crush kita
"Bahala na nga! Try lang naman," inis kong sabi sa aking sarili saka sinend iyon. Iniwan ko ang cellphone ko sa kama at tumakbo papalayo.
Matagal na ang nakalipas at wala akong narinig na kahit anong tunog ng notification sa cellphone ko kaya nilapitan ko na.
And you know what the quotes say... Curiosity kills the cat. I flushed nang makita kong nabasa niya na iyon. She tried to type something tapos mawawala din.
Shit. Busted.
Sobrang kinabahan ako kaya binawi ko na lang kaagad!
Gahaldon :
Ay, shit. Wrong send
Napabuntong-hininga ako ng malalim matapos masend. Nanghihina akong napaupo sa kama. Napahilamos ako ng mukha. Sa susunod ko na lang ulit susubukan.
Kabang-kaba pa ako kinabukasan dahil doon. Kumalma lang ako noong hindi naman siya nag-asta ng kakaiba. Mukhang naniwala siyang na-wrong send ako, pero sana naman huwag niyang isiping sa iba ako may gusto!
Cleaners pa namin kinahapunan kaya dapat akong magpa-impress sa kaniya! Tamang linis lang kahit ang tamad-tamad ko sa bahay. Nanayo ang balahibo ko nang maimagine ko si Mamang sinasamaan ako ng tingin. Creepy.
Nauna na yung ibang umalis pagkatapos maglinis kaya kinuha ko ang opportunity na makasama siya ng kaming dalawa lang. Hinintay ko siyang matapos at sumunod sa kaniya papuntang gate.
I want to have more time with her kaya inaya kong kumain ng street food sa gilid. Mukha kasi siyang hindi laging kumakain noon.
"May crush ka?" hindi ko mapigilang tanong ko sa kaniya.
Gusto ko lang malaman kung may kalaban ako. Pero pakiramdam ko wala. Hindi nga tumitingin sa mga lalaki kapag may dumadaan. Pati sa akin! Hindi niya din ako tinitingnan!
"Wala akong crush," parang batang bulong niya. Nanggigigil ako sa kaniya. Gusto ko siyang kagatin.
"Ano ba type mo? "
Malay mo pasok ako.
"Siguro, a guy who can make me laugh? Someone who understands that I have a lot of goals that I set for myself and will still be supportive. And a guy who will stay no matter what happens until I reach all of them, I guess. I also find guys attractive when they are smart at may plano sa buhay. Mas maganda iyong lalaking responsable kaysa sa pacool lang. Saka, ayoko din pala sa lalaking hindi seryoso, alam mo 'yon? I don't want to waste my time over someone who isn't genuine and just fooling around. I really hate wasting my time over useless things and dramas. Gusto ko may kasiguraduhan at may papatunguhan kahit umpisa pa lang."
Bulag ba siya? Bakit hindi niya ako makita? Pasok na pasok kaya ako. Ako ata ang dinedescribe niya.
Nagtanong pa siya about sa crush ko kahit siya naman crush ko. Baliw.
"Kaklase ba natin crush mo?"
Bigla akong nabulunan sa tinanong niya. Nasabi ko ba ng malakas ang iniisip ko? Damn.
"Eto na lang," bigay niya sa akin ng buko juice niya. Napatingin ako doon saka bahagyang namula.
Mamamatay talaga ako dahil sa babaeng 'to isang araw. Wala siyang kaalam-alam na sobrang binabaliw niya na ako sa mga inosente niyang galaw na walang kahulugan para sa kaniya.
Shit. Kahit indirect kiss lang 'yon hindi ko mapigilang mapasigaw ng malakas sa loob ng utak ko. Mamaaaa, buntis ako!
"Nilalandi mo ba ako Amara?" hindi ko mapigilang tanong kasi ang galing niya kasing manglandi. Ang smooth. Tulad noong paghawak niya sa kamay ko.
"Anong gagawin mo kapag sa 'yo na ako nagkacrush? Dapat panindigan mo ako." Biro ko sa kaniya.
Napakapafall niya kasi!
"Kung magkacrush ka sa akin, problema mo na 'yon "
Awts talaga. Dapat hindi ko na tinanong.
Ang tinong kausap ni Tiexiera sa personal pero hindi ko alam kung bakit sobrang cold sa chat.
Naghahanap ako lagi ng paraan kung paano siya machachat at mapahaba ang convo namin. Lagi kasi nauuwi sa ilalaike zone niya ako o hindi kaya ay seen.
Kahit pagpasa ng chain message pinatulan ko na. Okay lang kahit isipin niya na jejemon ako. Gusto ko lang namang mapahaba ang convo namin.
"Wait, pakihawakan mo yung itlog ko," utos ko sa kaniya kasi kukunin ko yung butter na dinala ko.
"Huh?" she asked, confused.
"What?" I questioned, puzzled. I reddened when I came to realize what she meant! "Itlog ng manok ang tinutukoy ko, Tiexiera!" hindi ko mapigilang isigaw kaya napalingon sa amin ang iba saka natawa!
Grabe kasi! Napakabastos niya naman! Hindi pa ako ready sa mga gano'n gano'n!
Hindi ko tuloy mapigilang takpan ang gitna ko saka maconcious! Si Amara kasi! Nakakahiya naman 'yon! Hindi ko maimagine na hahawakan niya 'yon!
Ito yung sinasabi kong ang galing niyang lumandi e! Mas magaling pa ata siya kaysa sa akin!
"Ang dumi-dumi mo Keleya, yuck," lait ko sa kaniya pero inirapan lang ako! Napakabastos!
Pasalamat siya maganda siya kapag umiirap kaya pinapayagan ko.
After talking about... eggs. Nagsimula na kami. Ako ang magluluto dahil gusto kong magpaimpress. Bida-bida ako sa crush ko, e.
"Beat the eggs. I'll heat the pan," utos ko sa kaniya. Pakiramdam ko mag-asawa kaming magluluto ng agahan.
At ayon. May isa na naman akong bagay na nalaman kay Keleya Amara Tiexiera. Hindi siya marunong magluto! Kahit simpleng task related sa kusina, hindi niya kayang gawin!
Naks. Sign na ata 'to na kailangan na kailangan niya ako sa buhay niya.
"This is how you do it." At tinuro ko sa kaniya kung paano.
Tumingala siya sa akin kaya napayuko tuloy ako para tingnan siya. Ano ba 'yan. Ang ganda talaga. Natatakot pa ako dahil baka marinig niya ang tunog ng puso ko!
"Alam mo na?" tanong ko sa kaniya kasi kanina pa kami nagbebeat ng itlog dito! Nangangalay na ako pero ayoko ding bitawan ang kamay niya! Ang lambot, eh.
"Paano nga ulit? Hindi ko masyadong nagets."
Pakiramdam ko sadya niya na 'to para machansingan ako! Hindi naman ako nagrereklamo. Mga galawang Amara! Lagi ako niyang nahuhuli!
Amazed na naman siya sa akin nang makita akong magluto. Hindi ko tuloy mapigilang magmayabang. Kinindatan ko pa habang nagluluto ako nang makitang nakatingin siya sa akin!
"Oh, tikman mo," gaya ko ng boses niya kapag nagsusungit. I forced my self not to smile when she glared at me!
Ano ba 'yan. Hindi ba siya pumapangit?! Simp na simp na ako sa kaniya o!
"Ano? Okay lang ba?" kabadong tanong ko nang kainin niya na.
"Yeah, it taste good," sagot niya at bahagyang nagliwanag ang mukha.
Ayos, pasado kay ssob!
Pakiramdam ko nahahighblood na siya sa pangungulit ko. Mas maganda 'yon para lagi niya akong iniisip kahit pinapatay niya ako sa kaniyang isip. Minsan pakiramdam ko gusto niya na akong sabunutan hanggang sa makalbo ako.
I stepped closer to her nang makitang naiinitan siya. Matangkad ako kaya nasilungan siya ng anino niya. Halos mabarbeque na ako sa sobrang init pero okay lang. Alipin ako ng pag-ibig niya. Panis.
Manliligaw na manliligaw dating ko sa kaniya. Naks. Pero hindi niya napapansin. Tamang practice lang.
Buong weekend ko din siyang nilandi pero hindi man lang tinatablan. Kinuha ko pa ang number niya gamit ang pinagbabawal na teknik. Nabisto ng iba pero at least may number niya na ako.
Trinay ko nga yung itext e, kunwari sinisingil ko ng utang na 5,000 pesos! Blinock ata ako! Tinawagan ko kasi para sabihing joke lang tapos hindi ko mareach. Dumidiretso ako ng voicemail after one ring!
I was never devastated in my life like that before. I regretted joking like that. Now, I don't know how to tell her na iunblock ako kasi hindi ko ma-explain kung bakit nasa akin ang number niya!
Naglaro pa silang truth or dare. Hindi sana ako sasali pero kaagad akong umupo sa tabi ni Amara nang sumali siya. Sumali lang naman ako para landiin siya!
Lagot 'tong si Amara sa akin. Nagsisimula pa lang ako. Warm up pa lang 'to!
"Amara," tawag ko saka hinanda ang sarili ko.
"What?"
Bahagya akong napangisi sa naisip na banat line. "Do you like messi?"
"Messi who?"
"Messi...ng with my heart?"
Natawa ako matapos kong sabihin iyon. Kahit ako kinilig sa banat ko.
Napataas ang gilid ng labi ko nang makitang mamula siya ng kaunti! Lagot ka na Tiexiera! Namumula ka na dahil sa akin!
"Pre!" Dolly called and passed me the ball. I dribbled it before getting out of Ryder's defense and jumped to shoot it.
Napangisi ako nang ma-shoot. Ang kalaban ang nakakuha ng bola sunod kaya tumakbo kami sa kabilang side ng court.
"Gahala!"
Napatigil ako saka napalingon sa kabilang banda nang may tumawag. Sinulyapan ko muna si Amara bago tumingin kay Kala at itanong kung ano ang kailangan niya.
"Do you have any pantali daw ba? Ayel needed it eh!" Umayaw pa si Amara pero wala na siyang ginawa nang tumakbo ako papalayo para maghanap.
Walang pantali sa canteen kaya napatingin ako sa isang section na napadaan. Lumapit ako sa dalawang babaeng napatingin sa akin. Napatigil sila nang huminto sa ako sa kanilang harapan.
"Hi, may pantali kayo?" tanong ko at bahagya silang nagtaka kung anong gagawin ko doon pero hindi naman nagtanong.
"Uh, here," bigay ng babaeng maputi matapos niyang kumuha sa kaniyang bag.
My face lifted up at kinuha iyon sa kaniya. "Thank you."
Ang pamilyar ng mukha. Saan ko ba 'to nakita? Tinitigan ko pa siya ng kaunti saka tumigil lang ang ginawa ko nang makitang medyo namula ang kaniyang pisngi dahil mukhang nailang ata.
Ah. Naalala ko na. Siya pala yung muse namin sa grade 10 council. Nakita ko na siya noong election pero hindi ko masyadong napansin kasi busy ako no’n kakaharot kay Amara.
"Uh...My name's Yacey," nahihiyang pakilala niya.
I smiled at her. "Thank you again, Yacey." Iyon lang ang sinabi ko saka bumalik na kaagad kasi baka hinihinay ako ni Bossing.
"Thank you." Sambit niya nang ibigay ko 'yon sa kaniya.
Hindi ko mapigilang hindi siya panuorin nang tinali niya ang kaniyang buhok. Tinikom ko ang bibig kong bahagyang bumuka nang mapalingon siya. Tumalikod ako ng walang sabi saka napahawak sa aking dibdib. Parang tanga. Ang lakas ng kalabog.
"Huwag na. Our classmates might make an issue out of it again. Iisipin na naman nila there's something going on between us."
Ano ba 'yan. Ang manhid manhid niya. Tinukso na't lahat lahat sa akin ng buong section namin pero hindi pa rin nagaassume.
"Hindi mo ba crush si Gahala, Ayel? Gwapo naman ah tapos matalino pa! Kung ako sa posisyon mo, jusko, yes Father, I do!"
I chuckled after hearing what Vien said. Nasa harapan namin sila at naglalakad. Kinukulit niya crush ko. Kunot na naman tuloy ang noo. Napailing na lang ako saka lumingon kay Lamore nang magsalita.
"Tama ba rinig ko? Si Ayel nagkacrush kay Gahala?! Hala!"
Napantig ang tenga ko dahil sa narinig at kaagad napatingin sa kaniya. My heart thumped abnormally at hindi ko mapigilang umasa.
"No. That's not it," tanggi niya kaagad sa akin.
Wew. Okay lang, kaunting kirot lang naman.
"I like you." I looked at her expression after I said those words. I saw her panicking. I don't know if I should be happy about it or not. Bakit siya muna nataranta?
"Anong sabi mo ulit?" tanong niya.
"I said, I like you," seryosong sabi ko. I meant those words. Hindi ko mapigilang mapangisi nang wala siyang masabi. " By Sandol Stoddard Warburg. Bilhin mo, maganda 'to." Bawi ko saka sobrang natawa ng hinampas niya ako ng libro.
"Ano? Disappointed ka?" tawang tanong ko kasi mukhang napikon.
"Stop teasing me!"
Nainis nga sa ginawa ko. I chuckle. Sobrang ganda. Hindi nakakasawa.
Imbes na gumawa ng science project, nakita ko na lang ang sarili naming nakikikain sa birthday ni Lamore. Aliw na aliw ako kay Amara habang papunta kami dito dahil halatang kabang-kaba siya. Akala mo may gagawin kaming krimen e.
"Si Louisa ba crush mo?"
Natawa ako sa tinanong niya iyon. Hanep. Hindi pa ba sapat ang lahat ng panglalandi ko sa kaniya para itanong niya 'yon?
Si Louisa daw. Parang tanga naman 'tong crush ko. Selos ba siya?
"Hindi ko siya crush. Iba crush ko eh." sagot ko sa kaniya ng nakangiti.
Bakit niya naman naisip na si Lousia? Dahil tinulungan ko kanina? Napailing na lang ako. Siya nga halos luhuran ko na e, pero hindi niya naisip.
Gahaldon Jammes Silva:
1k comments, itatag ko si crush
Charot charot lang sana 'yon. Panibagong dogshow saka parinig sa crush ko ganon kaso sineryoso nila. Nagkalagutan na tuloy. Hindi pa ako ready!
Dinaga ako ng umabot na ng 1k comments yung pinost ko. Pinahamak ko pa talaga ang sarili ko! Ayoko sana tuparin kaso ang mga bugok kong kaibigan, uunahan na ata ako sa pagsabi! Kinatyawan pa nila akong sinungaling daw kaya napilitan ako.
Kabang-kaba akong naghihintay matapos ko siyang itag. Nag-iingay na sila sa comment section at nangtutukso pero hindi ko talaga kaya.
Binura ko kaagad, praying na sana hindi nakita ni Amara, but I should have known better. Nailang siyang tumingin sa akin kinabukasan. Looks like she already had an idea.
Sobrang nahiya tuloy ako. Iniwasan ko muna saka hindi kinulit ng ilang araw kasi parang sasabog puso ko kapag lumalapit sa kaniya. Gusto kong umamin pero natatakot ako. Para kasing basted talaga e.
Hindi ko mapigilang mamula minsan sa hiya kapag nahuhuli niya akong tumitingin sa kaniya kasi feeling ko bistabo na ako. Kinatyawan nga ako ng mga lalaki at paminsan-minsan ay tinutulak sa kaniya.
"Wala! Mahina ang loob!" Asar nila saka natatawa.
"Tangina mo pare, bakit nilalaglag mo ako?" inis kong sambit sa kanila saka umalis.
"Napakatorpe mo!" lait sa akin ni Marwan.
Sinamanan ko siya ng tingin. "Parang ikaw hindi umiyak noong nagconfess kay Eliza ah!" The others laughed so hard after hearing it.
"Ha?! Sinong umiyak?!" defensive na sambit niya.
Hindi naman sa hindi kami nagpapansinan talaga. Nag-uusap naman kami kung patungkol sa pag-aaral at kung importante. Tulad kapag nagkakabungguan ang siko namin. O hindi kaya no'ng nanghiram siya ng ballpen sa akin. Mga gano’n.
Sanay na akong maglakad lagi sa likuran ni Amara kaya napakunot ang noo ko nang makitang may nakadikit na papel sa likod niya. Some were even looking at her with teasing smiles, making her irritated.
Nilapitan ko siya at kinuha iyong papel sa likod nya.
'Gahala's Property ❤️!'
I hid my smile after reading kung ano ang nakalagay.
"Are you sure you're not the one who put that in my back?" inis niyang tanong sa akin na parang ako ang sinisisi. Wala nga akong alam do'n! Grabe 'to makabintang.
"Kasi hindi naman tama ang nakalagay sa likod mo. Hindi kita pagmamay-ari...pagmamay-ari mo ako."
"What do you mean by that?" taas kilay niyang tanong.
Napakaslow amp. Pinitik ko na tuloy sa noo. Pasalamat siya at maganda siya kaya abswelto siya sa akin. Inaabuso niya na ako ha.
Binatukan ko si Marwan nang lumapit sa akin. "Ikaw naglagay?"
"Aray naman! " reklamo niya kaagad habang hinihimas ang parteng binatukan ko "Grabe, ikaw na nga tinutulungan! Nagustuhan mo naman! Ako lang nagsulat no'n! Si Vien talaga ang naglagay! Siya kaya may pakana ng lahat!" OA na bunyag niya ng katotohanan sa akin.
"Bakit mo pala ako iniiwasan?"
"Huh?" nagulat ako ng bigla niya iyong tinanong habang papunta kaming room ni Ma'am Biona para magmeeting sa padating na Buwan ng Wika.
"You're purposely avoiding me this past few days. Napansin ko 'yon," medyo mahinang sabi niya sa nagrereklamo tono.
She's even pouting a little. I don't know if she realized the way she's acting. I stared at her for a little longer. Ah, shit.
Gustong-gusto ko siya, Lord. Bigay mo siya sa akin, iingatan ko talaga.
"Bakit tunog malungkot ka? Ayaw mong hindi kita pinapansin?" may halong panunuksong tanong ko.
"No. It's not like that. I mean, did I do something wrong or did I offend you?"
"It's just that...nahihiya lang talaga ako sa 'yo." I told her honestly pero parang may gusto pa siyang malaman na para bang gusto niya akong mahuli sa akto.
"What's the meaning of your post?"
Namula ako sa hiya nang matisod ako sa harapan niya matapos marinig ang kaniyang tanong.
"Hindi mo alam kung bakit?" hindi niya ba nakita post ko?
"May idea ako pero...hindi ako sigurado. "
Kinabahan ako sa kaniyang sinabi. May idea na siyang gusto ko siya! Shit. Sobrang weird. Parang isang hakbang na lang at mababasted na ako.
"Anong idea mo?" tanong ko kahit alam kong hindi niya sasabihin.
"Ayokong sabihin."
Tama nga ako.
"Kung ano mang idea mong 'yon, baka 'yon nga,"
Fuck. Napaisip siya bigla ng malalim e.
"Totoo? Alam mo ba kung ano ang idea ko?" tanong niya na nagpatawa sa akin.
Oo. Iniisip mong may crush ako sa 'yo HAHAHAHAHHAHAA.
Between the two of us, ako ang may pinakamay-alam.
"Huwag mo akong pilitin Amara, ayokong umamin ng ganito."
Mukhang nagets niya naman saka napatango.
"Lagi kang may dalang payong?" change topic niya bigla.
"Yeah, araw-araw chinecheck ni Mama if dala ko e. Love language niya ang siguraduhing hindi ako magkakasakit."
Her forehead creases like she remembered something. "Eh bakit noong umulan wala kang dala?"
I silently cursed. Damn, my girl is trying to catch me. I don't mind being caught but shit. Kinakabahan ako!
Buti na lang tinawag kami kaya binilisan ko ang lakad para makalayo sa kaniya kasi baka madulas na din ako dahil sa mga tinatanong niya.
Nagkasakit pa nga siya. Kaya pala siya pinagpapawisan. Nakatingin lang ako sa kaniyang mukha habang natutulog sa clinic. Sobrang payapa niyang tingnan at banayad lang din ang kaniyang paghinga. I played with her hair before tucking it behind her ear.
I reddened when the nurse cleared her throat. Napaayos tuloy ako ng upo saka namumulang napatingin sa kaniya at umiling in a defensive way pero natawa lang siya.
Nakatulog ako kakabantay kay Amara. Nagising lang ako nang maalimpungatan.
"Did she already take her medicine po?" I asked the nurse.
"Oo, bago lang," sagot niya kaya napatango ako. Napatingin ulit ako kay Amara at tulog na naman siya.
I opened my phone when I felt it vibrating. I saw some messages from Vien, so I opened them. Napangiti kaagad ako nang makitang picture namin 'yon ni Amara na natutulog. Sinave ko tuloy sa gallery.
Absent siya ng ilang araw dahil sa lagnat niya. Totoo pala iyong hindi ka gaganahan mag aral kung wala crush mo. Naging boring bigla ang buhay ko at pakiramdam ko walang kaintere-interesado.
"Tumahimik ka a," Gray teased. I rolled my eyes and playfully punched him in the shoulder.
"Shut up, bro," I told him. "Miss ko na e. Gusto ko siyang makita."
Hanggang chat na lang kaming dalawa. Nagpapadala ako ng drinks kina Kala at saka prutas. Gusto ko siyang puntahan pero wala pa akong lakas ng loob na pumasok sa bahay nila.
Yung malungkot kong buhay nabigyan ulit ng kulay nang pumasok siya. My eyes even twinkled after seeing her. I forced myself not to hug her and throw tantrums. 2 days siyang hindi nakapasok. Sobrang tagal!
I'm glad she's okay though. Nakapag-participate pa siya sa acquaintance. She looked like she had fun that night, and I'm glad because I'm one of the reasons. I can feel that we became closer after that.
"Ako ba crush mo?"
Nagulat ako ng bigla niya na lang itanong iyon. Bigla kong tinawa ang kaba ko.
Pero unti-unting nawala ang kabang 'yon nang makita ang reaksiyon niyang inis na inis sa akin matapos kong matawa.
Why do I even kept on post poning it? Dito at dito din naman mapupunta.
"The whole section already knows it, Amara. After 3 months, you finally noticed, huh?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro