Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SCW 45 (Gahala's P.O.V.)

"Bro, bro."

"What?" I irritably asked Aiden because he was disturbing me again in the middle of playing. Hobby ata ng gago.

"Punta tayong canteen, gutom ako," aya niya.

"Mamaya na, naglalaro pa ako."

"Bilis na, libre ko," aya niya ulit saka inalog ako sa balikat, pero hindi ako nagpatinag.

He tried his best to cover the screen of my phone kahit pilit ko nang nilalayo iyon sa kaniya. I even turned my back on him, pero ayaw niyang magpatalo.

"Si Daven ayain mo," kunot-noong sabi ko sa kaniya habang hindi pa rin siya nililingon.

"Ayaw na niya daw sa akin kasi ang ingay ko," I glimpsed at him and saw him puckering his lips. "Bilis na, baka maubos yung lumpia," dugtong niya nang hindi ko siya pinansin ulit.

I couldn't concentrate sa maingay niyang bunganga. Bumusangot ako nang mamatay nga ako sa laro. Iritado akong tumingin sa kaniya saka binato siya ng notebook nang tumakbo siya papalayo habang tumatawa.

"Huwag kang manghihingi sa akin ng papel ha, tangina ka," banta ko sa kaniya saka umupo ulit sa upuan ko. Kabadtrip si Aiden. Defeat tuloy.

Vacant namin ngayon kaya okay lang kahit maglaro kami. Napatingala ako nang makarinig ng pamilyar na boses. Nalunok ko ata ang dila ko nang makitang si Miera iyon. Napaupo ako nang maayos saka napatikhim.

"Where's Nick?" she asked.

Binasa ko ang pang-ibabang labi ko. "At Mr. Paloncio's room, I think," I replied when she gazed at me like she was asking for an answer.

She smiled because of that, at napabuntong-hininga na lang ako ng matiwasay. I feel like I've been blessed.

"Thank you," sagot niya saka tumalikod. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala sa paningin ko.

"Payag ka no'n, pre? Ikaw nilapitan pero iba hanap?" Tripp teased. Si Seign, who's on his side, gazed in our direction and laughed a little.

"Okay na 'yon. At least ako, nakita ko yung essay sa likod ng test paper na may 50 points, tapos ikaw hindi," tira ko, saka ngumisi.

Kaagad nagtawanan ang mga nakarinig, at minura niya lang ako bilang ganti. The classes resumed after our vacant, and I didn't even notice that it was already our dismissal.

"Bro, are you joining the camping?"

Napatingala ako kay Okin nang akbayan niya ako saka sinabayan sa paglakad papuntang parking lot.

"What camping?"

"Barkada Kontra Droga," he shrugged.

"Sali ka, pre! Maghahanap tayo ng chicks galing ibang school!" pag-encourage sa akin ni Aiden. Daven was at his side with headphones on his head.

Napaisip muna ako ng kaunti bago tumango. "Sige. Wala naman akong magawa sa bahay. Kailan ba 'yan?"

Ayaw kong manatili sa bahay. All I could hear are shouts and constant curses from two people who act like they never loved each other.

"Two weeks from now. We have a meeting tomorrow. Make sure to attend para excuse ka at hindi na rin makakuha ng quiz sa science," he laughs.

Kinuha niya ang kamay niya sa akin nang mapatingin siya sa babae na malapit sa amin. I even saw how his eyes twinkled at the sight of Miera.

"Are you sure you don't have feelings for Miera anymore?" he suddenly asked. Aiden and Daven, who were close to us, glanced in our direction just to pry into the gossip.

"Bakit?" hindi ko mapigilang tanong.

I admit I still have a little admiration for her. I liked her first since grade 8, kaya hindi naman yon basta-bastang mawawala. It's just a happy crush though. Not that deep, pero medyo masakit pa rin na kaibigan niya gusto ko. Wew.

"I...want to court her," he told me hesitantly. "Is that fine?"

Ah.

Tumango ako saka tinapik siya sa balikat. "Okay lang, bro," sagot ko at gusto ko nang sipain sina Aiden at Daven sa likuran namin kasi biglang napakanta ng sad song.

"Are you sure?" paninigurado niya.

I nodded again. "Oo naman. Sus, parang 'yon lang! Hindi naman masakit! Parang lang akong tinuli ulit pero sa puso!"

"Dude, what the hell," he hissed. Hindi ko alam kung nandiri siya o ano.

Sabay ata kaming natawa nina Daven sa reaksiyon niya. "Gago, biro lang," ani ko at binigyan siya ng encouraging tap sa balikat. "Payag ako basta sagot mo yung pang-inom saka pulutan ko."

"Fine," he agreed while nodding as if he were taking note of it.

"Nice," apir nina Aiden sa likuran.

"Why did you celebrate? Hindi kayo kasama sa budget," basag ni Okin sa kanilang mga puso.

Their jaws dropped and their faces immediately screamed betrayal. Nagreklamo pa sila sa amin habang naglalakad, pero hindi na namin sila pinansin at nag-usap na lang tungkol sa kung ano-ano.

Days passed after that at hindi ko na ata kaya. Ang korni-korni ni Okin manligaw, ampucha! Sarap sipain minsan, lalo na kapag sa harapan mo pa naglandian.

"Isang kalabit na lang sa 'yo, manununtok ka na," tapik ni Daven sa aking balikat habang natatawa. "Hanap ka na lang ng bagong crush, pre."

"Reto kita!" Aiden suggested after pulling the lollipop out of his mouth.

"Ayoko pare. Ayoko pang magkagirlfriend," Hindi pa ako ready. I think what happened with my parents has left a lasting impact on how I perceive relationships. Nakakatakot.

"Ulol, baka kapag may nakakuha ng atensiyon mo, baka biglang mag-iba ang ikot ng mundo. Saka crush lang naman! Hindi girlfriend!" Ani niya pa.

Napakamot ako ng batok. "Sige na nga, crush lang ha!" pakipot ko para kunwari hindi ako interesado. Natawa ako ng kaunti sa kalokohan ko.

"Nice," ngisi niya, at ang sunod na nangyari ang hindi ko inaasahan. "Gahaldon Jammes Silva nga pala! Kaibigan ko! Single. Pakisearch na lang sa Facebook!"

"Gago," mura ko sa kaniya nang isigaw niya iyon saka tinuro ako, nang mapatingin at mapalingon sa amin ang mga nakarinig sa gilid.

Tangina. Nakakahiya. Hindi man lang ako sinabihan, edi sana nakapag-ayos ako ng buhok ng kaunti!

"Sabihin mo na din yung Instagram username ko kung sakaling hindi nila ako mahanap sa Facebook account ko, bilis," bulong ko sa kaniya na siyang ikinatawa niya pero sinigaw din.

"Embarrassing," nakangiwing sabi sa amin ni Seign na sumulpot at mukhang narinig ang sinabi ni Aiden.

"Inggit ka lang pre. Gusto mo sa 'yo din?" tanong ni Daven.

"No thanks. I don't need to shout my name to get a girl," tanggi niya. "One look is enough."

"Yabang mo a!" may sama ng loob na ani ko pero hindi niya na kami pinansin!

He even gestured with his hand as if he was dismissing us bago kami nilampasan. Grabe! Anong ibig sabihin niya doon? Na hindi ko kayang kumuha ng babae sa isang tingin lang?!

We're heading now to our gym where students from different schools who joined the camping gathered.

Nag-start kahapon yung camping, pero parang wala naman kaming ginawa kundi maglibot saka mamili ng mga gusto namin. Our school is hosting the event, so it's extremely crowded here right now.

This is our second day, at kakatapos lang naming mag-excercise kasama ng ibang schools. We are having a symposium today about drugs and hopefully, sana hindi ako aantukin.

Natigil lang ang pag-uusap namin nang makapasok na kami sa loob ng gym. Biglang sumikip ang lahat dahil sa sobrang daming tao. Iba't ibang P.E. uniform ang nakikita ko.

We lined up based on our schools, and the symposium took place afterward.

"May teacher," siko ko kay Aiden at Daven dahil naglalaro lang sila sa cellphone nila imbes na makinig. Mabilis naman nilang tinago ito.

I was incredibly bored listening throughout the entire duration. Naging excited lang ako nang malapit nang matapos dahil sa wakas ay magla-lunch na kami at magsisimula na ang ibang activities.

"Do you have any questions regarding our topic?" the speaker asked, and the entire gym fell silent.

"Tagal," nguso ko. "Gutom na ako."

"Yes, what's your name?"

Napalingon ako sa katabing linya namin nang may naglakas ng loob na magtaas ng kamay sa kanila. Wala akong makitang kahit ano maliban sa likod niya dahil nasa bandang likuran kami at nasa harapan siya.

She stood up, and the facilitators gave her the microphone, which she gladly accepted. Her body is petite and her height is just normal, but if I were to stand beside her, she'd surely look like a kid. Wala naman akong pakialam kaya umiwas ako ng tingin.

"Keleya Amara," sagot niya, at napalingon ulit ako sa kaniyang direksiyon kasi medyo nanindig ang balahibo ko sa malamig niyang boses.

"So...uhh...you've introduced various types of drugs po, and I noticed that each of them has adverse effects on human health. They all seem quite similar in this regard. So, I'd like to ask po, among these harmful drugs, which one is the least dangerous or, perhaps, has some potential benefits to people?" she asked, at napatingin din ako sa speaker kasi bigla rin akong napa-isip sa sagot.

Napatango-tango ang speaker sa tanong ng babae saka sinimulan ang pag-explain. "Marijuana is often seen as less dangerous than many other drugs because it has milder side effects. Unlike opioids or stimulants, which can be highly addictive and harmful, marijuana has a lower risk of fatal overdose. Studies also show that marijuana can help with chronic pain, nausea, and appetite loss, and is used to treat conditions like multiple sclerosis and epilepsy. However, it's important to note that marijuana is not without its risks. Gaya ng sabi namin kanina, smoking it can still lead to different potential adverse effects. Does this answer your question?"

"Yes po," the girl uttered and nodded. I couldn't tell if she was satisfied with the answer or not.

"Any more questions?" the speaker asked.

"Bhe! Itanong mo kung ano nga ulit ang pangalan ng gwapong pulis! Bilis!" the girl behind her loudly asked, making those who heard laugh.

The girl turned and shot a cold glare at the other girl. But it was me who sat stunned, frozen in place after seeing her face. Hindi ko mapigilang pagdikitin ang mga labi ko para hindi iyon ngumanga.

Her face was small, as if it were sculpted perfectly like a mannequin. Singkit ang mata niya, and her straight, silky hair slowly fell in front, slightly covering her face. She tucked it behind her ears again, giving me a beautiful view of her profile. Her lips looked so thin, and the edges of her jaw were sharp enough to pierce me right in the chest.

Napasinghap ako at bumuntong-hininga nang malalim kasi kinapos ata ako ng hangin. Napahawak ako sa dibdib ko.

"None po, Sir. Thank you," she replied as she returned the microphone.

I followed her movements as she sat down again. Kinulit siya ng babaeng kasama kung bakit daw hindi niya tinanong ang pangalan ng pulis. It was a shame that the only thing I could see was her back.

"Any more questions?" rinig kong tanong ng speaker sa background.

"Jammes! Tara na!"

Napaiwas lang ang tingin ko sa kaniya nang alugin ni Aiden yung balikat ko. Napakurap ako saka napatingin sa paligid. Kaagad akong napatayo at napapagpag ng pwetan nang makitang nagsialisan na silang lahat!

"Sino ba 'yong sinisilayan mo diyan?" tanong ni Daven dahil sa pagtataka nang mapalingon ulit ako sa direksiyon ng babae kanina.

Hindi ko na siya nakita doon kaya napalingon-lingon ako sa paligid para hanapin siya. Kahit si Daven ay napalingon-lingon din, parang sinusubukang hanapin ang hinahanap ko rin.

Napangiti ako nang abot-mata, "Tangina pare. Ang ganda."

"Sino?" kunot-noong tanong kaagad ni Aiden, na parang napantig ang tainga sa sinabi ko.

"Yung..." Inaalala ko yung pangalan. Nagliwanag ang buhay ko nang maalala ko na. "Yung Keleya Amara, shit." I can't stop myself from smiling every time I remember her face.

"Ah, iyong nagtanong," tango-tango ni Aiden. "Hindi ko nakita ang mukha e. Maganda?"

Tumango ako. "Oo, sobra." Kinuha ko sa bulsa ang cellphone ko saka sinearch ang pangalan niya sa Facebook bago ko pa malimutan. "Akin 'yon. Walang agawan ha."

Natawa sila. "Ulol, makabakod."

Hindi ko na sila pinansin at hinanap na lang yung account ng babae habang naglalakad. Ilang ulit pa akong nabunggo sa iba kasi hindi ako nakatingin sa daan. Ang daming results kaya nahirapan pa ako.

"What are you doing?" Okin asked nang makabalik na kami sa designated rooms namin. He looked at the screen of my phone to see kung ano ang pinagkakaabalahan ko.

"May bago na akong crush, Okin!" yabang ko sa kaniya. "Saksak mo si Miera sa baga mo. Mas maganda 'yon!"

He laughed a little. "Gago, I don't care, pare."

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya saka naghanap na lang ulit. Ang hirap hanapin kasi hindi ko alam ang last name.

"Desidido ampota," parinig sa akin ng mga kaibigan ko.

Mawawalan na sana ako ng pag-asa nang biglang bumungad sa akin ang mukha niya matapos kong pindutin ang isang account.

"Nahanap ko na!" masayang sambit ko sa kanila saka pinakita ang profile picture.

Nasa isang milk tea shop ata siya kasi nakahawak siya ng milk tea sa isa niyang kamay. Kahit ngiti man lang hindi niya ginawa, pero nakapeace sign naman siya habang nakatingin sa camera.

"Ganda diba?!"

"Oo na," tawa-tawa nilang sagot matapos makita dahil sa reaksiyon ko.

Tiningnan ko din iyon. Wala akong makitang kahit ano maliban sa profile niya. Kahit cover wala! Napakadamot naman! Pero at least alam ko na kung saang school siya galing. Nakalagay sa info niya.

Hindi naman nakaprivate ang account niya pero hindi rin nakapublic. Ngumuso ako saka nagsend ng friend request. Sana naman i-accept.

"Pre, same surname sa principal nating strict?" puna ni Daven.

Nagkataon lang siguro, uyy," kinakalibutang ani ko, at nagkibit-balikat lang siya.

Tinitigan ko pa ang account niya ng medyo matagal hanggang sa makuntento ako bago tinago ang cellphone ko. Minura ako ng mga kaibigan kong nakakita sa ginawa ko.

"Tangina mo, pare, napaka-creepy mo!" bato sa akin ni Aiden ng kinakain niyang muncher, pero hindi ko pinansin. I just laughed a little.

After eating lunch, naglaro lang kami ng kaunti ng online games bago pumunta sa gym ulit kasi may contest sila. Dula-dulaan ata. Hindi naman ako interesado kaya hindi ako nakikinig. Hindi iyon ang pinunta ko dito. Panay ang lingon ko sa paligid, umaasang masulyapan ko siya ulit.

Napalingon ako kay Daven nang sikuhin niya ako. "Andon o... sa stage."

Kaagad akong napabaling doon. Isa pala siya sa mga contestant! Ang galing naman ng baby ko! Napaupo tuloy ako bigla ng maayos para makinig ng mabuti sa idudula nila.

I sighed deeply because I could feel my heart reacting differently. Hindi ko pa mapigilang magreklamo kasi ang layo ko sa stage, tangina. Hindi ko siya makita ng maayos.

Hindi ko mapigilang mapangiti habang nagdudula siya sa gitna. Sheeshable at rawrable ang ganda niya.

Kinabahan pa ako bigla kasi alam kong nakuha niya rin ang atensyon ng ibang lalaki. Ang dami kong makakalaban kapag nagkataon!

"Hoy! Kalaban natin 'yan! Traydor ka!" Aiden laughed and tugged my shirt to make me sit when I stood up and clapped my hands proudly after they finished their dula. Ang dami ding nagcheer sa kanila kaya ayokong magpatalo.

"Sorry naman, galing e," ngiti-ngiting yabang ko sa kanila after kong maupo. "Talo na tayo. Bigay na natin sa kanila 'yan."

"Gago, ampota," malakas na tawa nila matapos marinig ang sinabi ko. Akala ata nila nagbibiro ako.

"Proud boyfriend 'yan?"

"Ano ka ba, pre, huwag kang ganyan. Kinikilig ako," I laughed and jokingly punched Daven's shoulder after he teasingly said it.

"Kadiri ka, Silva," Aiden winced after seeing my reaction. Okin's face was full of disgust too. I just rewarded them with my middle finger.

"Ganda talaga," nakangiting bulong ko habang pinapanood siyang bumaba ng stage. "Gusto kong jowain, hanep," baling ko sa mga kaibigan ko. "Sarap gawing human-size pillow tapos squish-squish lang ng cute niyang mukha," dreamy kong sabi.

My friends are already gagging about it, but I don't care.

"Akala ko hindi ka maggirlfriend kasi takot ka?" Daven asked while raising his brows, reminding me of what I had said.

"Hindi naman masamang harapin ang kinatatakutan 'no!" defensive kong sabi. "I'm afraid to fall in love but when I saw her... Ah, shit." Madrama akong napahawak sa puso ko kasi pakiramdam ko ilang ulit akong pinana ni Cupido.

"Tangina," aliw na aliw sila sa kakornihan ko. "Mas malandi si Gahala kaysa sa 'yo, pare," tapik-tapik ni Aiden sa balikat ni Okin.

"Basta ako, crinushback," Okin grinned proudly. Kailangang manakit ng gano'n?!

"I-crush back ako niyan! Wait ka lang, lalandiin ko 'yan ng todo-todo!" yabang ko din.

"Ulol, hindi ka pa nga inaccept sa Facebook!" Daven exclaimed, and they laughed so hard that the others looked at us.

Napabusangot ako sa sinabi niya pero napalitan iyon ng nguso dahil pinipigilan kong mapangiti nang mapasulyap na naman sa babae.

Sayang kasi hindi sila nanalo sa dula-dulaan. Pangalawa lang.

"Pakiramdam ko nandaya school natin," sabi ko sa kanila kasi kami yung nanalo.

"Gago ka talaga," mura nila sa akin saka natawa. "Where's your loyalty pare?"

"Nasa kaniya na," I smugly said.

Pasulyap-sulyap lang ako sa kaniya buong hapon habang nagaganap ang jingle contest at slogan making. Nawala na naman siya sa paningin ko nang dinner na, kasi bumabalik kami sa aming designated room para doon kumain. Excited ako noong kinagabihan kasi may padisco.

Sumabit naman ang mga kaibigan ko sa akin habang hinahanap ko siya. Hindi din kami natagalan kasi nasa malapit lang siya kasama ang kaibigan niya.

Hindi siya sumasayaw, though. Nakatayo lang at kunot-noo niyang tinitingnan ang kaibigan niyang todo sayaw sa kaniyang harapan. Hindi ko alam kung nandidiri siya o ano, kasi kulang na lang sipain niya paalis.

Natawa ako ng kaunti kasi ang sungit niyang tingnan, sobra. Nakakatakot lumapit.

"Ayain mo, pre," encourage sa akin ng mga tropa ko.

"Ayoko, gago. Unang tingin pa lang sa kaniya, alam kong basted na ako," iling ko.

Ang dami na kasing lalaking umaya sa kaniya pero hindi niya pinatulan! For sure I'm no exemption to that!

"Bilis na, hindi mo alam ang kalalabasan kung hindi mo susubukan!"

"Gago, ayoko talaga!" nagpapanic na sabi ko ng tinulak nila ako papalapit.

Hindi pa ako nakabawi nang itulak nila ako ulit. Kinakabahan ako ng sobra dahil sa ginagawa nila! Hindi ako ready!

My eyes widened when I bumped into someone. I closed my eyes tightly and prayed na sana hindi siya 'yon, pero gusto ko rin na siya 'yon. Siguro nalilito na si Lord kung ano ba talaga ang wish ko.

I turned my head and flushed nang makitang siya nga 'yon! Mas maganda siya sa malapitan!

"Miss, pwede ka daw bang makasayaw ni--!" Daven asked with a grin, but I cut him off immediately before he could even finish! Siniko ko siya sa tiyan! Napalakas ata, pero bahala na si Daven!

"Sorry!" hingi ko ng paumanhin kaagad sa crush ko. Hindi ko alam kung narinig niya kasi ang lakas ng sound.

Her brows are furrowed, and I was stunned. Hindi ko alam kung galit siya o ano. Her eyes were boredly settled with mine! Shit! Napatitig lang siya sa akin na parang kinakabisado ang mukha ko. Nakalimutan ko yatang huminga at hindi ako gumalaw kahit kaunti sa aking pwesto dahil sa ginagawa niya.

After that almost a minute na titigan, she nodded and mumbled, "Be careful next time."

What? Is that a threat?!

Napatanga ako lalo na nang tumalikod siya na parang walang pakialam. Hindi ko mapigilang sundan siya ng tingin habang umaalis. Wala naman siyang ginawa, pero naulol ako, tangina!

"Pre! Pre! Humihinga ka pa ba?!" Aiden asked, saka ako hinawakan sa balikat para alugin.

Doon lang ako nakahinga ulit ng maayos at napabalik sa realidad. I sighed deeply saka binatukan si Aiden na natatawa sa gilid.

"Putangina, nanigas ang gago. Akala ko naging estatwa ka na e!" Tawa sila nang tawa saka nag-apir pa.

"Gago ka, sakit ng siko mo a," ngiwi ni Daven na hindi ko pinansin.

That was just a small encounter, pero hindi ko mapigilang mapangisi kapag naaalala ko. Nakatingin lang ako sa kaniya buong durasyon ng disco habang siya nakaupo lang sa gilid. Binabantayan ko kasi baka lapitan ng iba.

Yung mukha niya parang sinasabi na kung pwede lang bumalik sa room, gagawin niya talaga para matulog na kasi hindi siya interesado. She looked so prim and proper.

Masaya tuloy akong nagising kinabukasan. Pakiramdam ko may purpose na ang paggising ko dahil sa nangyari. Tapos mas lalo pa akong naging masaya nang makita siyang naglalakad sa harapan namin. Mukhang papuntang gym din.

What a nice way to start the day. Mukhang nakita din siya ng mga hinayupak kong tropa dahil nagsikuhan sila.

"Lapitan mo, pre. Last day na 'to o," bulong sa akin ni Daven.

"Ayoko, nahihiya ako," kinakabahang sagot ko.

"Hina," Okin teased.

"Keleya Amara from Lone Pine High, crush ka daw ng kaibigan namin! Ayiiee!"

"Gago!" mura ko sa kay Aiden nang isigaw niya iyon.

Napatalikod tuloy ako sa kanila dahil sa sobrang kaba, lalo na ng mapatingin sa amin ang karamihan, at kahit siya na mukhang narinig ang pangalan!

Hinihigit ako ng mga kaibigan kong tumingin, pero pumiglas ako. Tangina. Nakakahiya. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng aking leeg.

Hindi pa nakatulong ang biglang pagtukso ng mga nakapaligid sa amin. Shit. Pinagdikit ko ang labi ko kasi hindi ko mapigilang mapangiti ng malapad kahit kinakabahan!

"Tangina, kinikilig siya!" sigaw ni Daven habang natatawa. Sinamaan ko siya ng tingin kasi baka marinig ng crush ko. Mas nakakahiya 'yon! Hindi maangas pakinggan e!

"Hoy Amara! Crush ka daw!" rinig kong nangtutuksong sigaw ng kung sino saka natawa din. Tunog babae kaya malamang yung kaibigan niya.

But before I could even get her answer about that, sinaway na kami ng ibang teachers na dumiretso na ng gym. Hindi muna ako lumingon hanggang sa makalayo na siya kasi baka lumingon at makita ako!

Patalikod tuloy akong naglakad! Mukha tuloy akong tanga!

"Mga tarantado kayo!" pagmumura ko sa mga kaibigan ko at pabirong sinakal si Aiden na mukhang tuwang-tuwa sa ginawa!

Kinabahan ako doon! Aatakehin ata ako sa puso! I calmed myself habang pumapasok kami sa gym. Kaagad dumapo ang mata ko sa kanilang linya para hanapin siya at umupo malapit sa kaniya.

"Pre! Dito ka umupo, pre!"

Napatingin ako kina Okin na tinawag ako. Napataas ang kilay ko kasi nakangisi sila na para bang may gagawing masama.

Nagtataka tuloy akong lumapit at malapit na akong umatras nang makitang nando'n siya at nakikipag-usap sa kaniyang mga kaibigan.

"Gago, ayoko," bulong ko sa kanila nang higitin nila ako paupo. Ilang ulit pa akong umiling sa kanila.

"Bilis na! Ang arte! Ikaw na nga ang tinutulungan!" ani ni Aiden.

Nagtulungan pa silang tatlo sa paghigit sa akin paupo kasi nagpapabigat ako. Mukha kaming tangang apat kaya pinagtitinginan na kami ng iba.

Ako na mismo ang umupo ng maayos nang biglang napalingon sa amin yung babae, dahilan para matawa ang mga kaibigan ko. Ayoko lang magmukhang weird sa mata niya. Bakit ba.

Napalunok ako saka hindi ko mapigilang basain ang aking ibabang labi sa kaba. Pinasadahan ko din ng aking mga daliri ang aking buhok. Shit. Hindi ako mapakali sa kina-uupuan ko kasi langhap na langhap ko ang bango niya at sobrang lapit niya pa sa akin. Hindi ko din mapigilang sulyapan siya.

"Ehem, ehem," parinig ng mga kaibigan ko sa likod. "Yiee, pare," sundot ni Daven sa tagiliran ko kaya hindi ko mapigilang mapangiti.

"Ano ba," kunwaring inis na sabi ko, saka tinabig ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin.

They just laughed a little and let me be, pero hindi pa rin nawawala ang nang-aasar nilang tingin at mga parinig sa buong durasyon ng program.

Halos hindi na nga ako gumalaw sa pwesto ko. I glimpsed at the girl beside me using my peripheral vision. Napatingin ako sa kaniya nang masulyapan na hindi siya nakatingin. I smiled a little while looking at her face. I felt so peaceful. Nasa kaniya na lang ang atensyon ko at hindi na nga ako nakikinig sa speaker.

Hindi ko alam kung natagalan ba ang pagtitig ko sa kaniya, basta ang alam ko lang ay napasinghap ako nang bigla na lang siyang lumingon sa akin at sinalubong ang mga mata ko. Nakakunot pa ang noo niya na parang naiinis!

Ilang segundong nagtagpo ang mga mata namin at kaagad akong napaiwas. I sat properly and just looked straight in front. Dinaga ako bigla! Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba!

"Putangina," tawang mura ng mga kaibigan ko sa aking likuran na mukhang nakita ang nangyari.

"Paree, yiee," nangtutuksong bulong nila sa akin habang sinusundot-sundot o 'di kaya'y inaalog-alog ang balikat ko. Hindi na tuloy ako lumingon ulit sa kaniya kasi sobrang nakakahiya.

"Anong gagawin mo?" tanong ni Okin nang tanungin ko siya kung may ballpen ba siya at kahit anong papel.

I laughed a little and grinned because of my idea. "Wala naman." Hindi ko na siya pinansin pagkatapos saka nagsulat na lang.

Gahaldon Jammes Silva, 15 years old.
Salles International High School.
FB acc: Gahaldon Jammes Silva
Instagram: itsmegahaldon
Twitter: gjammeslv
Phone Number (GOMO): 0976*******

Hi, Miss Keleya :) I really find you pretty. Hope to meet you again soon!

"Kulang na lang pati address mo, ilagay mo e," bulong ni Aiden sa tainga ko na mukhang kanina pa nanunuod sa ginagawa ko.

"Huwag mo akong bigyan ng idea," irap ko saka binalik kay Okin ang mga hiniram ko.

"Sige nga, bigay mo kung matapang ka," hamon ni Daven habang nakangisi.

Wala akong planong ibigay sa kaniya ito nang personal kasi baka mahimatay ako. Iiwan ko sana ito sa pwesto ko at aasang makikita niya, pero biglang humangin at nilipad iyon.

Sinundan namin iyon ng tingin at napaawang ang labi ko nang dumapo iyon sa pisngi niya saka nahulog! Kahit ang mga kaibigan ko ay biglang kinabahan sa nangyari at napatahimik.

I gulped when I witnessed how she took the paper and looked at it as if she was reading the words written. Shit. Shit. Paniguradong nabasa niya ang sinabi ko na maganda siya! Then, after that, she looked at me and I forgot how to breathe again.

"Is this yours?" she asked. Wala sa sariling napatango-tango ako ng ilang ulit. Hindi ko mapigilang mag-panic sa kaloob-looban ko kasi tangina, ganda ng boses.

"Here," she said as she gave me the paper, and I stared at it.

Sinisiko ako ng mga kaibigan ko saka binulungan na kunin ko na kasi daw baka mangalay ang kaniyang kamay.

"That's... for you," bulong ko saka napalunok nang mapakunot ang noo niya.

"What?" she asked, as if she hadn't heard what I said.

Binasa ko ang labi ko saka tinago ang ngiti. "Nothing, Miss. Thank you," sabi ko na lang saka kinuha iyon sa kaniya.

She smiled a little too and looked away, leaving me crazy over her! Mas maganda siya kapag nakangiti! Pakiramdam ko sobrang swerte ko dahil nakita ko 'yon kahit hindi umabot sa kaniyang mata!

"Mga pre, in love na ata ako," natatawang sambit ko sa kanila habang bumabalik kami sa room namin para mag-ayos ng aming mga gamit at umuwi na. I was even holding my chest like an idiot.

"Nginitian ka lang e," iling nila saka tinapik-tapik ako sa balikat. "Pero sayang, hindi mo nabigay yung papel."

"Okay lang. Pakiramdam ko hindi naman tatanggapin. Halata namang hindi siya interesado e," sabi ko sa kanila. Kasi for sure nabasa niya ang pangalan ko pero binalik pa rin sa akin. "Pero okay lang 'yon! Ngiti naman yung naging kapalit!"

Even after that camping, hindi pa rin 'yon makalimutan. I kept stalking her account kahit wala naman akong makitang bago. Umaasa lang akong iaaccept niya ako.

Sumasali din ako sa mga camping kasi baka makita ko siya ulit. Kapag naririnig ko pa lang ang pangalan ng school nila, hindi ko mapigilang mapalingon para hanapin siya. Nakita ko nga siya ng ilang ulit pero hanep, parang hindi ako nag-eexist sa mundo niya.

"Pre, samahan mo kami."

"Ayoko, gago kayo. Huwag niyo akong idamay," iritang sambit ko dahil hinihigit ako nina Aiden saka Daven na pumunta sa Principal's office para magpapirma ng files.

Sila lang naman ang inutusan ni Sir pero gusto pa talaga akong isabit dahil natatakot daw sila sa Principal namin! Gagawin akong panangga ng mga tarantado!

"Bilis na," pamimilit pa nila saka sapilitan akong hinigit papunta doon kaya pinagmumura ko sila.

Umayos lang kami nang huminto kami sa harapan ng Principal's office. Inayos ko pa ang nagusot kong uniform dahil sa kanila bago kami kumatok.

"Come in," rinig naming sagot mula sa loob kaya binuksan namin ang pintuan saka pumasok.

Napatingin ako sa babaeng nasa gilid at nakaupo. Umiwas din ako ng tingin kasi mukhang bisita. After a few seconds, napakunot ang noo ko dahil nagsink in sa akin ang kaniyang mukha. The next thing I felt was the nudge of my friends on my side.

"Shit pare, tingin ka ulit," Aiden whispered kaya napatingin nga ako.

Nanlaki ang mata ko nang makitang crush ko 'yon! Anong ginagawa niya dito?! Nagpanic akong tumalikod at inayos ang aking buhok saka damit. Badtrip. Hindi ako ready! Hindi ko naman inaasahang makikita ko siya dito!

Siniko ko ang mga natatawa kong kaibigan. "Ano? Okay ba? Gwapo na ba akong tingnan?"

"Gago, okay na 'yan," bulong ni Daven saka natigilan.

"Boys, what are you doing?" We flinched when we heard Mrs. Tiexiera's strict voice.

Napaharap at napaayos ako ng tayo dahil doon. Napasulyap ako sa gilid ulit para tingnan siya, pero bored lang siyang nakatingin sa amin. Kinabahan ako bigla kasi baka pagalitan kami ni Ma'am, tapos sa harap niya pa talaga! Nakakahiya!

Mrs. Tiexiera was already raising her brows, so I faked a cough and handed her the files. "Documents from Mr. Paloncio, Ma'am."

My friends laughed quietly at the back because I used an accent. Bakit ba?! Gusto kong magpa-impress! Pigil na pigil silang tumawa. I pursed my lips to force myself not to smile too, kasi baka pagalitan kami ni Ma'am.

Out of the corner of my eye, I saw her not minding us. Ang sungit niyang tingnan! Napanguso ako. Sobrang taas ata ng standards o hindi lang talaga siya interesado.

Pero anong ginagawa niya dito? She looked cute in her uniform though. Ngayon, mas nagmukha na talaga siyang mannequin.

She sighed deeply and stood up. "Ma, can you already give me my allowance? I still have classes. I need to go."

My eyes widened.

"Huh? MAMA?" I pursed my lips tightly to stop myself from uttering those words. Mukhang pati kaibigan ko nagulat sa narinig.

Tahimik lang kaming tatlo habang nagbibigayan sila ng allowance sa harap namin. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kaniya, and I think she felt it because she frowned at me when she turned around.

I just stayed still in my place when she walked past me after bidding goodbye to her mother.

Hindi ko pa mapigilang lumabas ng office ni Ma'am para ihatid siya ng aking mga mata hanggang sa hindi ko na siya makita.

I hissed nang batukan ako ni Daven. "Aray. Bakit?" iritang tanong ko saka siya nilingon.

I stood up straight when I saw Mrs. Tiexiera raising her brows at me, as if asking what I was doing.

Hinahatid ko lang po ang anak niyo.

But I wonder kung bakit hindi siya dito nag-aral since principal ang Mama niya dito. Kung dito siya nag-aral, edi sana matagal ko na siyang nakita. At matagal na din naming nasimulan ang love story namin, diba?

Pasipol-sipol akong umuwi ng bahay dahil doon, pero napatigil ako ilang hakbang mula sa pinto namin nang bumukas iyon at niluwa si Papa. I looked down at the big bags he was holding. My jaw clenched because I knew exactly what they were. It could only mean one thing, pinipili niya ang kabit niya.

Napatigil din siya nang makita ako at nangungusap na tumingin sa akin. Napalunok ako kasi parang may tumusok sa akin na kutsilyo.

"Jammes, anak," malumanay na tawag niya.

"Huwag na huwag kang bumalik dito," galit na sabi ko sa kaniya saka siya nilampasan at pumasok ng bahay. Padabog ko pang isinirado ang pintuan.

I looked up at him, pero tangina. Nawala ang respeto ko sa kaniya dahil sa ginawa niya. Nakakadiri siya.

Pumunta akong kusina kasi may naririnig akong hagulhol. Napakuyom ako ng kamao nang makitang umiiyak si Mama na parang walang-wala siya. She looked so ruined and broken. It tugged at my heart, and I felt like I couldn't breathe. I just stood there, listening to her as she cried because I didn't know what to do. How can Papa, who vowed to love her until the very end, do this to her?

"Ma," tawag ko sa kaniya na siyang nagpatigil sa kaniya sa pag-iyak.

Hindi siya nakatingin sa akin pero base sa kaniyang galaw, pinapahiran niya ang kaniyang luha. It hurts me more when she turned in my direction with a smile on her face.

"Oh? Nakauwi ka na? Gutom ka na ba? Ipagluluto kita."

I gulped and looked away because I could feel my eyes watering. Nasasaktan ako para sa kaniya "Okay lang ako, Ma. Kaya ko na ang sarili ko. Pahinga ka na lang."

Aalis na sana ako nang may sinabi pa siyang kasunod. "Umalis ang Papa mo..." bulong niya sa mapait na boses.

I bit my lower lip because I wanted to cry but didn't want to. Alam kong mas mahihirapan siya kung makikita niyang nahihirapan din ako.

"Alam ko, Ma. Hindi na siya babalik, hindi ba?" tanong ko at nakita ko ang sakit sa kaniyang mata. "Okay lang 'yon. Nandito pa ako. Hindi kita iiwan gaya ng ginawa niya." Hindi ako magiging katulad niya.

I was already expecting this ever since they started shouting in front of me, pero masakit pa rin talaga. Parang nawalan ako ng isang bahagi ng katawan ko.

"Is it okay with you if we move out? I want a new environment. Okay lang ba kung mag-transfer ka?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Mama isang araw habang kumakain kami na siyang nagpatigil sa akin.

Medyo nagulat ako doon kasi hindi ko alam na pinag-iisipan niya palang umalis. Napatitig ako kay Mama. Ayoko sana kasi nandito mga kaibigan ko, pero ayoko ding nahihirapan siya. I can tell that she's suffocating and staying in this house will make her insane.

Hindi pa nakakatulong na pinagchichismisan kami ng mga kapitbahay naming walang ginawa kundi ang makialam sa buhay ng iba.

Paniguradong makakakita din naman ako ng mga bagong kaibigan. And it's not like we won't see each other and talk again. Mas importante si Mama sa ngayon.

Ngumiti ako, to ensure her that I did not oppose at all. "Okay lang Ma."

It only took more than a month to finish all of them: packing things, processing the transfer, saying goodbye to my friends, moving out, unpacking, and getting used to the new environment.

Ang isang bagay lang na nagpaexcite sa akin ay ang katotohanang mag-aaral ako kung saan nag-aaral ang crush ko! Parang ayaw ko tuloy umalis sa harapan ng salamin noong first day pa lang.

I jumped in my place when the door of my room suddenly opened. "What's taking you so long?"

My eyes widened. "Ma!"

Her brows raised as she scanned me from head to toe. "What's with all the...," she pointed at me, "preparation? You look so extra today."

"Wala!" I defensively answered.

She's eyeing me suspiciously, pero ayaw kong sabihin! Nakakahiya. "Fine. Are you done? Let's go. I'll drop you off."

Tumango ako saka kinuha ang bag ko. I couldn't help but feel giddy as she drove towards my new school.

I was praying na kahit makita ko lang siya araw-araw na dumaan o kahit makasilay lang ako kahit kaunti, okay na 'yon sa akin. But I didn't expect what happened next as I entered the room of Grade 10-Helium, supervised by Mr. Lewol Apura.

I was standing in front of her while she was sitting in the same room. Our eyes met in the middle. It all started there.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro