Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SCW 42

"Kay Gahala na naman?"

Napalingon ako kay Vien. Nakabusangot niya akong tinitingnan habang nag-aayos paalis.

"Asking is a waste of time, you know? If one of us is not present, you already know what's happening," Kala interrupted without looking in our direction. She was busy watching something in the sala while munching on popcorn.

"True, lumalandi," bagot na dugtong ni Dolly, na nandoon din, bago niya tinignan ng masama si Kala. "Kaya pala lagi kang wala dito. Pokpok ka."

I laughed a little because of that. "Alis na ako."

"You're just jealous because you're tuyot," sabi ni Kala at tinukso si Dolly.

"Ingat si Gahala sa akin," Vien hinted, which made me chuckle.

I nodded before going out. I headed to the garage while smiling a little. I got inside my car, turned the engine on, and maneuvered the wheel toward his place.

Everything's alright between us after getting back together. Sometimes, it feels like walang nangyaring break up sa amin. We're doing the things we used to do years ago, and I don't know if that's a good or a bad sign.

I put my things on the couch first nang makapasok na ako bago ko siya hinanap. Nagtaka ako kasi wala naman siya sa kwarto saka sa kusina. Is he taking a bath?

Pumunta ako sa CR, pero imbes na naliligo, nakita ko siya roon na naglalaba. Bukas pa ang pintuan kaya rinig ko ang mahina niyang pagkanta at ang pagkuskos.

Sumandal ako sa pintuan ng CR at tiningnan ang ginagawa niya. Mukhang hindi niya pa ako napapansin dahil abala siya sa pagkuskos. Pinigilan ko ang tawa ko nang sumipolsipol siya at tinitingnan ang nilalabhan kung may dumi ba.

He looked so silly when he raised his underwear with a proud face and a satisfied smile.

"Anong ginagawa mo?" natatawang tanong ko na nagpatalon sa kaniya mula sa kaniyang kinatatayuan.

Napalingon siya sa akin na medyo nanlalaki ang mata. Napaawang ang labi niya at agad niyang tinago ang nilalabhan kahit nakita ko na iyon. Tinakpan pa niya ito ng ibang labahin para hindi ko makita.

Nagkunwari siyang umubo at lumihis ng tingin. "Bakit?" tanong niya nang hindi makatingin saka bumalik sa pagkuskos.

"Anong nilalabhan mo?" nakangising tanong ko at lumapit, handa na siyang tuksuhin.

Sinubukan kong abutin ang maliit na batya kung saan siya naglalaba, pero agad niya itong inilayo sa akin kaya mas lalo akong natawa.

"Babe," inis niyang banta saka ako tinalikuran at nagpatuloy sa pagkuskos. Narinig ko pa ang mahinang pagmura niya.

"Patingin ako ng nilalabhan mo," natatawang ani ko at sinubukang kunin ito mula sa kanya ulit, pero talagang nilalayo niya.

"Do’n ka muna sa labas, malapit na ’tong matapos. Isasampay ko na lang," pangtataboy niya pa.

"Gusto kong makita," nguso ko. Kunwari magtatampo na. "Bilis naa."

"Bastos mo talaga. Wala ’to, brief lang o," pinakita niya sa akin ang mga underwear niya pero hindi niya pinakita yung gusto kong makita.

"Bakit parang iba naman ang nakita ko kanina?" asar ko.

Napabusangot siya, "Wala nga," pikon niyang sagot. "Namamalikmata ka lang."

Natawa tuloy ulit ako. Kitang-kita ko ang pamumula ng leeg saka tainga niya sa hiya.

"Nakita ko 'yon! Ben 10 na brief, amp!" tawa ko ng malakas.

"Huh? Anong pinagsasabi mo? Wala akong gano'ng brief!" inis na sambit niya, pakunwari pa siya.

"Totoo?" hindi kumbinsadong tanong ko, at tumaas ang kilay ko sa kanya.

"Oo nga!" giit niya. "Hindi naman ako bata para magsuot ng gano'ng brief."

I grinned. Inagaw ko ulit sa kaniya ang batya saka hinanap ang gusto kong makita. Sinubukan niyang pigilan ang kamay ko, pero nakuha ko na. Nilayo ko sa kaniya iyon nang sinubukan niyang abutin.

"Eh ano 'to?" natatawang tanong ko saka pinakita sa kaniya. "Deny deny pa."

Inis niyang kinuha sa akin iyon saka tiningnan na para bang sinisipat. "Kanino ba 'to? Paano 'to napunta sa akin? Hindi 'to akin," sabi niya saka piniga bago nilagay sa gilid kaya napahalakhak ako.

"Sus, nahiya ka pa. Oh, sige na. Labhan mo na. Hindi na kita aasarin," kuha ko sa brief niya saka tinutuksong ibinigay pabalik sa kaniya.

Mahina niyang tinabig ang kamay ko palayo. "Hindi akin 'yan."

"Huwag ka ng mahiya," asar ko. "Kanina mo pa 'to nilalabhan saka kinukuskos ng may buong pag-iingat. Labhan mo na."

"Hindi nga akin 'yan," inis na giit niya. "Kay ano 'yan?" nag-isip siya. "Kay Mixco 'yan!"

Umiling ako ng may ngiti. "Sabi mo kanina hindi mo alam kung kanino 'to." Kinuha ko ang boxer saka ini-stretch. "Ang laki namang boxer 'to para kay Mixco."

"Parang tanga naman, babe," reklamo niya saka kinuha sa akin ang brief, na nagpatawa ulit sa akin. "Paano kapag lumuwag 'to?"

"Huwag kang mag-alala, tanggap pa rin kita kahit Ben 10 ang brief mo." Ngising sabi ko sa tonong pinapagaan ang kaniyang nararamdaman. I even patted his shoulders to tell him that I’m serious. "Cute mo nga e, college na Ben 10 ang brief."

"Hindi nga sa akin 'yan," busangot niya. "Wala akong brief na ganyan," kumbinsi niya. "Ang kisig ko para sa mga ganyan. Nakakatanggal ng angas."

"Fine," I shrugged while laughing slightly.

"You're not believing me," irita niyang sambit. Nakakunot na ang noo niya, which is a rare sight. Minsan ko lang talaga siya mainis kasi siya ang laging nang-iinis.

Ang sarap pala sa feeling, kaya pala halos araw-araw niya akong iniinis.

"Aminin mo na lang kasi," pamimilit ko. "Halata e."

"Oo na, akin 'yan!" Labag sa loob niyang deklara, na napahalakhak sa akin.

"So, bakit hindi ka nagsusuot ng ganito noon?" pangungulit ko pa habang nagkukuskos siya ulit. Curious ako eh. Puro black lang ang nakita kong design.

He sighed saka umiwas ng tingin sa akin. "Syempre diba, may nangyayari na sa atin?" nguso niya, pinipigilang ngumiti. "Ang weird naman no'n pag binuksan mo ang zipper ko tapos mukha ni Ben 10 ang bumungad."

Oo nga naman. "What other designs do you have?" I teasingly asked.

Irritation filled his face. "SpongeBob," sagot niya, kahit na iritado.

I laughed hard after hearing it, na nagpainis sa kaniya. Hindi ko kasi mapigilan! Napahampas pa ako sa counter sa sobrang tawa. Kitang-kita ko ang ugat sa kaniyang noo na para bang pinipigilan niyang huwag akong patulan.

"Nakakapikon ka," pikon niyang sambit saka ako tinalikuran at hindi pinansin.

Patalikod ko siyang niyakap sa bewang at natatawang tiningala. Ngumuso ako, "Sorry na. Tanggap naman kita kahit Powerpuff Girls pa ang design ng brief mo, ei."

"Hindi ako magsusuot ng gano'n!" asar niyang sagot.

"Okay." I laughed and answered para matapos na kahit hindi ako kumbinsido na hindi siya magsusuot ng gano'n. I glanced at him when he turned silent habang nagkukuskos pa rin. "Anong iniisip mo?"

"Hindi ka naturn off?" hiyang tanong niya, and I forced myself not to laugh again.

I cleared my throat. "Bakit naman? Brief lang naman 'yan." Sabi ko para gumaan ang nararamdaman niya. "Sabi nga nila, don’t judge a book by its cover." I grinned and slightly tapped his crotch, hinting at what I wanted to say. "Kahit ano pa ang suot nito, ganiyan pa din naman 'yan kahaba, hindi ba?"

"Eww, bastos," lait niya sa akin na hindi ko pinansin.

Nakayakap lang ako sa likod niya habang naglalaba siya. Ayoko na sanang asarin pa, pero ang cute niyang tingnan habang nakakunot ang noo at pinipigilan ang sarili niyang huwag akong patulan. Parang bumaligtad ang lahat, and I’m enjoying this. What a nice revenge.

"Yung pinakamagandang hanger ang gamitin mo kasi special ang brief na 'to," pigil ang tawang sambit ko sa kaniya habang isinasampay niya ang Ben 10 niyang brief.

"Babe," iritang sambit niya matapos tumingin sa akin.

I can't stop but burst out laughing. "Okay! Sorry!"

"Tch," pagsusulplado niya saka ako inirapan. Hindi bagay.

Natagalan pa kami sa CR dahil hindi ko siya tinigilan kakakasar. Natigil lang ako sa pagtawa nang bigla niya akong halikan. Mabilis lang naman. Sakto lang para patahimikin ako.

"Ingay mo. Puro ka brief," pikong sabi niya saka nauna na.

I giggled and followed him. Naupo siya sa sofa at sumunod ako. Umupo ako sa kandungan niya and he immediately encircled his arms on my waist. He even placed his chin on my shoulder.

We watched movies silently and peacefully in that position. Nang mangalay kakaupo, humiga ako sa sofa at tinuntong ang aking paa sa kaniyang mga hita. I smiled a little when he gently massaged them while his eyes never left the screen.

"Should we date?" he suddenly mumbled.

This past few weeks kasi lagi lang kaming nasa condo niya dahil tinatamad kaming lumabas. Gumagala lang kami kapag nag-aaya ang mga kaibigan ko o tropa niya.

"Where?"

"Do you want to go to the gym with me?" he asked without moving.

Umiling ako, "Ayoko, wala ako sa mood mag-exercise."

"Let's do grocery," he suggested. "Tuturuan kita kung paano mamili ng isdang hindi bulok."

Wala talaga ako sa mood kaya sapilitan niya akong pinatayo sa sofa. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko saka hinatak pero nagpabigat ako. In the end, napilit niya din akong tumayo.

Bago kami mag-grocery, pumasok muna kami sa isang boutique. Kukunin daw niya ang uniform ni Mixco na pinatahi since he'll start going to school soon.

While Gahala was talking to the owner, nagtingin-tingin muna ako sa paligid. Natigil lang ako nang may makakuha ng atensyon ko. Section siya ng mga couple underwear with different designs. May Mcqueen, may spiderman, may kuromy, at marami pang iba.

"May nakita kang maganda?" biglang sulpot ni Gahala sa gilid ko dala ang uniform.

"Gahala, gusto mo?" ngising tanong ko saka pinakita sa kaniya ang underwear na nakita ko. Power Rangers na design 'yon. Baka type niya.

His face flushed immediately at napatingin siya sa paligid para tingnan kung may nakatingin sa amin. "Babe," nahihiyang bulong niya saka binaba ang kamay ko.

Natawa ako sa mukha niya. Parang nagsisi siyang dinala niya ako dito.

"Ang pangit ng pagkakaprint ng mukha nila, yung iba na lang," bulong niya sa akin na siyang nagpahalakhak sa akin. Napatingin tuloy sa direksiyon namin yung ibang customer.

Gahala laughed a little too and tried to shut me up but we ended up laughing secretly. Yung loko, hindi nagpatalo.

"Eto maganda, bagay sa 'yo to," biro niya din saka pinakita sa akin ang panty na may print ni hello kitty. "Magcouple tayo," He wiggled his brows, hinting something.

Gago talaga. Pabiro ko tuloy siyang sinabunutan. Hinampas ko pa ang kamay niya para bitawan 'yon kasi napapatingin sa kaniya yung mga babae. Mukha kaming tanga.

"Alis na nga tayo dito. Nakakahiya," tawang sabi ko sa kaniya saka siya hinila paalis.

Nag-grocery na kami after that...or more like...siya lang kasi mas may alam siya kung ano ang pipiliing mga gulay at isda kaysa sa akin. Sumabit lang ako sa kaniya. Tinuturuan niya rin ako ng mga techniques though.

Gahala and I spent almost the entire time together. Nauubusan na nga kami ng topic minsan that we just end up cuddling and watching movies. The vacation flew by so fast that we barely even noticed it. May klase na naman, but at least, this is my last year in college. Matatapos na don ako!

Katulad noon, sabay kaming umaalis ng condo at ihahatid niya ako sa university ko. We message each other before classes and remind each other not to forget our lunch and snacks. We wait for each other until dismissal and share the random stuff that happened during our day while driving back home.

At night, we do our homework and projects that need to be done, and after that, we make sure to spend time together. It just feels nice resting with him after an exhausting day. Yung tipong gumagaan ang stress na nararamdaman ko after sharing all of them with him.

Parang sa isang iglap, nakalimutan na namin lahat ng nangyari. It's too good to be true to the point that sometimes it's bothering me. Kasi baka kapag naging panatag na naman ako na okay ang lahat, may mangyayari na namang hindi ko inaasahan at ikakasira ko na naman.

Okay lang kami...ako lang yung problema.

Hindi ko kasi maiwasang pagdudahan siya minsan. Hindi ko talaga siya mapagkatiwalaan ngayon kasi alam kong magche-cheat siya ulit kung gugustuhin niya, lalo na't malayo ang school niya at hindi ko siya nababantayan.

Hindi ko rin minsan mapigilan ang sarili kong huwag maparanoid lalo na kapag hindi niya kaagad nasasagot ang mga texts o calls ko.

I always try to calm and remind myself na baka may klase siya minsan kaya hindi siya nakakareply. I'm trying to consider every situation na pwedeng mangyari. Alam ko naman ang schedule niya but sometimes I can't help but overthink. What if hindi pumasok ang proof niya at kung ano-ano pala ang ginagawa niya? Ang dali lang magsinungaling at gumawa ng excuses if he wants to.

Naguguilty ako minsang mag-isip ng gano'n kapag tumatawag siya at pinapaliwanag ang lahat ng nangyari. I know he's putting up with me pero what if mapagod siya kakaintindi sa akin isang araw? Hindi pwedeng gano'n lang 'yon lagi. I need to fix myself too in order to make this relationship healthy.

"Tired?"

I gazed at him and nodded. "Yep."

"Here," bigay niya sa akin ng chips saka umupo sa tabi ko.

Tawa-tawa akong tumingin sa kaniya. He's wearing his SpongeBob underwear and a shirt.

"Tuwang-tuwa ka ah," nakataas kilay na puna niya.

"Ngayon ko lang nalaman na malaki pala ilong ni SpongeBob," I chuckled.

"Yuck, Amara," nandidiring sabi niya saka tinakpan ng unan ang kaniyang gitna.

Ngumuso ako, "Damot mo naman, gusto ko lang makita e."

"Minamanyak mo ako," bash niya. "Sexual harassment 'to, alam mo 'yon?"

"OA mo," irap ko sa kaniya. I was about to open my mouth to say something nang tumunog ang phone niya. Kinuha niya 'yon saka binasa. Nakatingin lang ako sa kaniya, tinitingnan ang reaksiyon niya.

"Who?" hindi mapigilang tanong ko nang mag-type siya para mag-reply.

"Classmate," sagot niya matapos mag-type at ngumiti bago itinago ang phone. It made me raise my brows and waves of doubt grew inside me.

"Who, Gahala?" mas madiing tanong ko this time, hinting him. Bakit kasi hindi niya na lang sabihin agad?

Natahimik siya at tiningnan ako, tinitimbang ang reaksiyon ko. Matapos ng ilang segundo, kinuha niya ang cellphone niya saka binigay sa akin.

"Palacia. Here, you can look to see that I'm not lying," malumanay niyang sambit.

I pursed my lips and took his phone. I looked at their conversation and there’s nothing wrong with it. Puro related to studies. I can feel him looking at me, and I don’t know what’s running in his mind.

Medyo napahigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone niya kasi alam ko sa sarili kong pinagdudahan ko siya kanina. Naguilty ako bigla kasi wala naman siyang ginawang masama.

Napaiwas ako ng tingin at pumaloob sa kaniyang mga braso. I hugged him tightly and buried my face in his chest. "Sorry."

His body shook a little because he chuckled, and I felt his kisses on my head. "It's fine. I don't mind."

Everything went back to normal after that, like it didn’t even matter. I found myself laughing together with him again without worries, and it was completely forgotten.

Loml:
We have free time until 3. Do you have a class? Lunch with me?

Napatingin ako sa oras at 12 pa lang ng tanghali. Inayos ko ang mga gamit ko saka tumayo.

"Saan ka pupunta, Ayel? Hindi ka kakain kasama namin?"

"May pupuntahan ako," nakangiting sagot ko kay Xenia saka nagpaalam sa kaniya bago lumabas ng room.

I could feel déjà vu as I passed the familiar road that leads me to their university. Bumaba ako ng bus nang makarating na ako. I stood under the waiting shed while waiting for him. My face lifted up nang makita ko siyang palabas na. Palingon-lingon naman siya na parang may hinahanap hanggang sa magtama ang mga mata namin.

"Hi," Gahala softly greeted me when he stopped in front of me.

"Hi," I giggled.

His eyes glinted and he smiled more after seeing my reaction. He held me by the arm and pulled me closer to him. I felt him kiss the side of my head.

"Hi, Amara!" Theros and Yule waved at me. I greeted them back.

"Sorry, nalate! May inutos pa kasi si Sir Cruz sa akin! Salamat sa pag-antay. Ano? Tara na ba? Kain na tayo!"

Wala akong kibo nang may humintong babae sa harapan namin. She was smiling widely towards the guys but lost her smile when she saw me. Her brows furrowed in confusion, as if asking who I was. She looked familiar. Nakita ko na noon at isa sa mga kaklase ni Gahala.

"Malapit ka na naming iwan, tagal mo," reklamo ni Gahala sa kaniya.

I didn't know how to react to that. So they’re close enough for Gahala to tease him, huh? Napaiwas ako ng tingin nang magsagutan sila.

Unexpectedly, my eyes settled on a familiar guy. Kakalabas lang din niya sa gate at hindi ko inaasahang napatingin siya sa direksiyon namin.

He whistled when he saw me and flashed an annoying grin. "Oh? Miss?"

I smiled warily. I felt Gahala's hold tighten on my arm, mukhang napansin din niya.

"Nice," mapanuyang ngisi niya nang mapansin ang hawakan namin. Talagang huminto pa siya sa harapan namin. Kinakatyawan nga siya ng mga kaibigan niyang manggugulo na naman.

"Anong kailangan mo?" iritang tanong ni Gahala sa kaniya na hindi niya pinansin at nakatingin lang sa akin.

"Binalikan mo?" tawa-tawang tanong niya kahit obvious na. He even looked at me from head to toe. "Lolokohin ka lang niyan ulit!"

"Tangina mo, Herold. Umalis ka nga dito. Lagi kang panira ng araw," iritadong sabi ni Yule.

The Herold guy just laughed. "Bakit? Totoo naman! Kapag cheater, cheater talaga yan. Palusot lang nila 'yang nagbago sila."

"Halatang hindi uso ang character development sa 'yo, gago," sabat ni Theros.

"Diba Miss?" tanong niya sa akin, hindi pinansin ang sinabi ng iba.

"Ano bang kailangan mo ha?" iritang sambit ni Gahala sa nanghahamong boses.

He grinned and playfully raised his hands like he's surrendering. "Wala naman. Trip ko lang sirain araw niyo. Papansin ako e." Tawa niya. "Tara na nga, mga pre. Kain na lang tayo. Boring pa din silang pagtrippan." Aya niya sa mga kaibigan niya saka nagsilalisan sila na parang wala lang habang nagtatawanan.

I tried not to let those thoughts enter my mind kahit alam ko sa sarili kong ilang ulit ko na ding tinanong kung paano nga kung magloko ulit si Gahala? Hindi imposible ‘yon.

“Ano iyon? Bakit hindi ko gets?” tanong ng babae nang may pagkalito. Pabalik-balik lang ang tingin niya kanina sa amin.

“Wala ‘yon, huwag kang chismosa,” pang-asar ni Theros kaya inirapan niya.

The girl turned to me and smiled. “Hi!” she greeted.

I smiled hesitantly at her too. I then hugged Gahala's arm like a lost puppy wagging her tail.

"She’s Palacia,” pakilala ni Gahala. “Palacia, si Amara, girlfriend ko.”

Palacia. Biglang naalala ko ang pangalan ng sambitin niya. Siya iyong kausap niya sa cellphone noon. I looked at her.

She’s beautiful. I can understand why I’m feeling threatened all of a sudden because she has qualities that I don’t even know if I have.

"Hi, Amara! Nice meeting you!" bibong bati niya, which put me in an uncomfortable situation. She smiled at me as if expecting something in return, and I couldn’t help but look away since nakikita ko si Yacey sa mukha niya.

At… talagang nakita ko nga si Yacey. Hindi sa kaniya kundi sa likod niya. Nakatingin siya sa amin at she looked… devastated. Pumayat din siya at halatang stressed.

Nawala lang ang atensyon ko sa kaniya when Gahala cupped my face and made me look at him. For sure, he saw her too. I wonder how awkward it is every day since they are classmates. It's also one of the reasons why I can’t sit still easily, knowing na nagkikita sila bawat araw.

Gahala smiled. "Kain tayo?"

Matagal bago ako tumango. "Yeah."

"Tara na! Gutom na ako!" pangunguna ni Palacia.

Sumunod lang kami sa kaniya papunta sa palagi nilang pinagkakainan. Pinagtitinginan pa kami, siguro dahil sa uniform ko o dahil sa tatlong lalaking kasama namin.

"Anong oras next class mo?" tanong ni Gahala.

His friends ordered first, at kaagad nilang nilabas ang mga libro nila na parang magrereview ulit habang hinihintay ang pagkain. Ayaw ata nilang magsayang ng oras o wala na silang oras para magsayang.

I leaned closer to him and whispered, "2."

"Okay," he whispered back, sinasabayan ako sa kung ano man ang ginagawa ko. " I'll drive you back."

Napakunot ang noo ko. "Huh? Huwag na. Diba 3 p.m. magsisimula yung klase niyo?"

"It's fine," he assured with a smile. "Anong gusto mong kainin? I'll order it for you."

"Okay lang. I'll take care of myself." Ang busy kasi nila. Ayokong maging pabigat. "Hindi mo na ako kailangang asikasuhin."

"And you expect me to let you?" he asked with furrowed brows, clearly not agreeing with it.

Nagbubulungan lang kaming dalawa kasi nag-aaral na 'yong mga kaibigan niya habang hinihintay yung order. We chuckled a little when Yule faked a cough and stared at us with bitter face.

Gahala ordered me food and drinks. Tumigil din kakabasa mga kaibigan niya nang kumain na kami, pero pagkatapos noon ay nag-resume na sila. Kumakain lang ako sa gilid since I can't disturb them. I can't concentrate, though. I'm monitoring the movements of the girl, which made me feel like I’m a spy.

Napatalon ako ng kaunti nang pingutin ako ni Gahala sa hita. My eyes widened a little because of his bold move.

"Stop glaring at the girl. She didn't do anything wrong and you're making her uncomfortable. Pati ako nasusunog sa tingin mo," bulong niya.

Bumusangot ako saka tumango. I was about to turn my gaze away from him pero nagsuot siya ng glasses! Kahit si Palacia napatingin sa kaniya pero kaagad ding napaiwas nang magtama ang paningin namin.

Nangalumbaba na lang ako saka panaka-nakang sinusulyapan si Gahala. I saw how the side of his lips lifted, forcing him not to smile and laugh.

"Love," natatawang reklamo niya after ng ilang minuto saka tumingin sa akin. "Hindi ako makaconcentrate."

Ngumuso ako. "Okay. Sorry, sorry." I apologized.

"Sana all," may hinanakit na bulong ni Yule.

Nag-review na lang din ako para hindi ako makaistorbo. Gahala's holding and playing with my hand beneath the table, so I'm feeling comfortable.

"Uhh. I don't really want to interrupt ha? Pero Gahala, can you teach me here? Yung sa Contemp Legislations na tinatanong ko kanina." Hindi ko mapigilang mapatingin kay Palacia nang alanganin niyang sabihin iyon.

Walang imik lang ako sa aking upuan nang bitawan ni Gahala ang kamay ko at kinuha ang makapal na libro ni Palacia para tingnan.

Medyo natagalan pa siya doon kaya natahimik ako at walang masabi. I didn't even notice when I heaved a deep sigh. I raised my head to look at Gahala when he suddenly grabbed my hand and kissed it while he was still teaching her.

Napatingin din sa amin ang mga kaibigan niya nang gawin niya 'yon, pero wala namang sinabi at umiwas lang ng tingin.

Gahala glimpsed at me and smiled. I was startled a little pero alam ko kung bakit niya ginawa ’yon. Naguilty na naman tuloy ako at bumigay ang pakiramdam ko.

"Something's bothering you? Kanina ka pa tahimik," he asked while he was driving me back to my university.

I shook my head silently. "Wala. May iniisip lang ako."

I could feel him glancing at me from time to time, pero hindi ko na siya tiningnan.

"Yeah, mula no'ng dumating si Palacia." He grabbed my hand to squeeze it.

"Close kayo?" hindi mapigilang tanong ko. Doon ko lang siya tiningnan kasi gusto kong makita ang reaksiyon niya, to see if he's lying or not.

"Hmm. Not really. I think she’s got a crush on Theros."

"Hindi sa 'yo?" tanong ko saka tinaasan siya ng kilay.

He laughed a little. "Jealous?"

I snorted and didn't say anything.

"What do you want me to do, Amara? Gusto mo bang layuan ko siya, hmm?" he suggested softly. It was as if he's doing it to make me feel at peace.

Natahimik ako sandali bago sagutin ang tanong na ’yon. "Can you?" It hurt me while asking this. Parang sinasakal ko siya ng paunti-unti.

He nodded without thinking twice. "Okay. I will pero I can't fully cut her off, though. You know why."

Because they're classmates.

Napatango ako saka napaiwas ng tingin. Same reason years ago, pero tama naman. Wala akong magagawa kasi magkaklase sila. I couldn't help but chuckle bitterly. Fighting him over this will make me petty. I feel so immature and childish right now.

I sighed and I felt him looking in my direction. Wala naman siyang sinabi pagkatapos hanggang sa makarating kami sa university ko. Bumaba ako sa sasakyan at sumunod naman siya. I looked at him as he licked his lower lip nervously.

"We're not okay, are we?" malumanay na tanong niya.

Tinitigan ko siya at sinubukang tiisin, pero hindi ko kaya. Napabuntong hininga ako ng malalim saka sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. I grabbed the side of his uniform and clutched it tightly.

"Sorry." I apologized for being unreasonable, and he just nodded. "Sobrang hirap, Gahala," bulong ko. "I can't help but... overthink everything."

Natahimik siya ng ilang segundo. Kinain kami ng pansamantalang katahimikan bago siya gumalaw at yumakap sa akin pabalik.

"I will make it up to you. So please," he begged. His voice sounded like he was having a hard time too. "..trust me a little this time. I already learned my lesson. I won't do it again, okay? I promise."

Dapat maging masaya ako sa mga sinabi niya, pero hindi ko alam kung bakit nakaramdam akong kirot.

Hindi ko nga alam kung tama ba ’tong ginagawa namin. Okay kami, alam ko ’yon, but one suspicious move from him and I immediately build walls that even he cannot destroy.

Masaya ako sa kaniya, pero at the same time takot din. Grabeng sakit kasi ’yung naranasan ko sa kaniya, and as a natural reaction, I kept defending myself from him by doubting him and not trusting his words.

"No. Don't promise me those things." I answered immediately while shaking my head and smiling slightly. "Just promise me that if one day your heart starts beating for someone else again, please... don't cheat on me. Just be brave enough to tell me that your heart has changed."

We are happy, yes, but we know deep down we are not okay. We're not fine, but we are convincing ourselves that we are. We're broken and destroying each other more, but no one wants to let go.

We don't know when it all started, but we know. We're both aware. We can feel it.

I'm turning into someone I can't recognize, and he's trying his best to accept the changes.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro