SCW 40
"Huh? Nasisiraan ba siya ng bait? Bakit naman tayo sasama do'n?" bash ni Vien.
"Hindi naman tayo tanga para pumayag 'no!" Dolly exclaimed. Umirap pa nga.
"It's a no, no for me too!" Kala decided with finality.
Iyon ang mga sabi nila kaya hindi ko alam kung bakit nandito sila ngayon sa birthday party ni Mixco at mukhang mas excited pa kaysa sa akin.
"Oh my gosh! Long time no see, Tita!" Kala squealed and gave Tita a kiss on her cheeks nang makarating kami sa resort kung nasaan ang venue. "I miss you pooo."
"Tita, gumanda po kayo a, may niluto po kayong adobo?" Mapaglarong tanong ni Vien.
Tita chuckled a little, "Ayan tayo e, pero meron nak."
"Tita, miss ko na din cupcakes niyo. Sobrang tagal ko pong hindi natitikman," sumbong ni Dolly as she hugged Tita.
I smiled a little while looking at them catching up and laughing together. Well, I think this was a good decision. Nakapag-usap sila ulit. Okay naman kasi talaga sila kay Tita. Kay Gahala lang naman sila may sama ng loob. Kahit ako din naman.
"Oh, ayan na pala si Gahala, siya muna bahala sa inyo ha? Puntahan ko lang ang ibang bisita."
"Sure, Tita!" nakangiting sagot nila. Yung ngiting iyon ay napalitan ng irap at pagsusuplada when they turned their gazes to the guy who stood beside me.
"Hi, girls," he greeted with a dazzling smile.
Ngumiti ako sa kaniya pero kaagad napatingin kay Mixco na buhat-buhat niya. His head was buried in Gahala's neck and his arms were encircling his shoulders.
"Inaantok pa," sambit ni Gahala nang mapansin ang titig ko.
"Okay lang," ngiti ko saka bahagyang kinapa ang likod ng bata. Baka kasi pinagpapawisan.
"Taray, mukhang pamilya," parinig ni Kala sa amin kaya napatingin kami sa kanila. Nakatingin silang lahat sa amin at nakataas ang kilay. Napatikhim tuloy ako at medyo lumayo kay Gahala.
"Salamat sa pagpunta," Gahala smiled at my friends.
"Our presence doesn't mean that everything's okay, no!" matigas at diretsong sabi ni Vien, which made him laugh. "Pagkain lang habol namin dito kasi mga patay-gutom kami, okay?" sigang ani nito na parang nagtatanong kung may angal ba siya doon.
Hindi man lang siya natablan ng banta, nakangiti pa din siyang tumango, "Sure, madami sa cottage. Kuha lang kayo mamaya."
"Siguraduhin mo lang na matutuwa kami dito ha!" banta sa kaniya ni Dolly.
"Just tell me if you're not enjoying. I can call Okin," he teased.
They gasped. "Girl, ginanon ka?" rinig kong bulong ni Kala.
"Gago ka a! Pasmado bibig mo!" badtrip na sabi ng isa na tinawanan niya lang.
Nang-inisan pa sila doon at pinagtulungan siya ng tatlo pero natatawa lang siya na parang hindi apektado. Hinampas ko si Gahala nang medyo nagising si Mixco kasi ang ingay nila.
Sabay na kaming pumunta sa pinakamalaking cottage nang magsisimula na ang party. Nando'n na yung handa at yung cake na Ben10 ang design. Kami-kami nga lang talaga, saka ibang relatives nila na hindi pamilyar sa akin because I never met them before. I even saw Tito Hakken and he just smiled at me.
"Naks! Saan diyan girlfriend mo?" the guy in his 40's asked. Napasulyap siya sa amin saka napasipol.
"Ay wala po, Tito. Ex lang meron sa kanila," tawa niya. "Hulaan mo na lang kung sino."
"Gago 'to," mura sa kaniya ni Dolly.
"Pakiramdam ko itong singkit," turo sa akin ng Tito niya kaya nagtawanan mga kaibigan ko. " Tama ba ako?" tanong niya kina Kala. "Ganiyan type niya e."
Natawa din si Gahala saka napathumbs up. Palihim ko siyang piningot sa gilid kaya medyo napatalon siya sa biglaang sakit.
Napatigil lang sa asaran nang dumating na ang nakabihis na si Mixco. The celebration started and we prayed first before singing a happy birthday song. Nakangiti kaming pumalakpak nang hipan na ni Mixco ang cake matapos mag-wish.
"Amara! Halika dito!"
Napangiwi ako saka umiling, "Huwag na, Tita. Okay na ako dito."
Nagpipicture taking kasi sila doon na magpamilya! As in nandoon si Tito Hakken at ang angkan nila tapos sasama ako?! Ano ako do'n? Display?
Nakatingin na nga sa akin ang ibang mga relatives nila at nakangisi! Mukhang nagkakaideya na sila, lalo na nang umalis pa si Gahala sa posisyon niya para hilahin lang ako papalapit!
"Halika na," aya ni Gahala.
"Nakakahiya," bulong ko sa kaniya. Hindi naman ako girlfriend o nililigawan kaya bakit ako kasama?!
"Okay lang 'yan," tawa niya ng kaunti saka binitawan lang ako noong nando'n na kami sa harapan. Tumabi siya sa akin saka nilapit ang katawan.
Ilang na ilang ako habang kumikislap ang mga camera kasi pakiramdam ko hindi ako nababagay doon.
"Taray! Family picture pero nando'n ka?" tawang salubong sa akin ni Dolly nang matapos.
"Gara mong ex ah!" gatong ni Kala.
Inirapan ko lang sila. Pagkatapos ay nagsikuhan sila kaya napataas ang kilay ko. May nginuso sila kaya napalingon ako sa likod.
I lifted my brows to Gahala pero nginitian niya lang ako ng kaunti. "Kain ka na," sabi niya saka binigyan ako ng plato na may kutsara't tinidor.
"Kami walang plato?" parinig ni Vien.
Natawa ng kaunti si Gahala, "Nando'n," turo niya sa kabilang side. "Kuha lang kayo. Madami pa."
"Dinadagdagan mo lang yung sama ng loob namin sa 'yo," sama ng tingin sa kaniya ni Dolly na nagpatawa sa akin.
Umalis silang tatlo kaya naiwan ako kasama ang tukmol. Buntot lang siya nang buntot sa akin. Tinitingnan tuloy ako ng iba ng makahulugan!
"Pinopormahan ijo?" tanong ng isang medyo may katabaang babae.
"Ex po, Auntie," tawa niya sa tabi ko, like as if this whole scenario is ridiculous. Wala akong magawa kundi ngumiti din kahit alanganin.
His auntie looked confused. "Ow, trying to get back together?"
"Uh, that's not the case po, Ma'am. We're just being...civil." Alanganing sulpot ko sa usapan nila. Ang gara naman kasi ng trying to be civil namin.
Gahala shrugged with a smile. "You heard her, Auntie," he replied sa tonong 'Yan-sabi-niya-e.
Mukhang hindi maintindihan ng Tita niya ang nangyayari, but hindi niya na masyadong pinansin saka hinayaan kami. Don't worry, Tita, ako din, hindi ko rin maintindihan ang nangyayari.
"Wala ka nang gustong kakainin?" tanong ni Gahala saka napatingin sa plato kong may lamang kaunting pagkain.
Umiling ako saka naupo sa isang sulok. "Kaya ko naman ang sarili ko, tulungan mo na lang si Tita," pantataboy ko sa kaniya.
Tinitigan niya ako saka tumango. "Balikan kita mamaya."
Tumango na lang ako para tumahimik na siya. Kaagad namang tumabi sa akin ang mga kaibigan ko nang umalis si Gahala. Napangiwi na lang ako nang may dala silang alak imbes na Coke. Ang aga-aga umiinom. Inalok pa nga ako, pero mamaya na lang.
Kahit ayaw ko, panay ang tingin ko sa direksiyon ni Gahala. Tumutulong siya doon sa pagbigay ng kailangan ng ibang bisita at minsan ay nakikipag-usap. Nakikipagtawanan din siya sa mga Tito niya at nakipagsabayang uminom. Napaiwas lang ako nang magtama ang mata namin at ngumiti siya sa akin.
I finished my food and grabbed a beer too. Nakita ko na lang ang sarili namin na apat na nakikipagkwentuhan doon sa mga Tita ni Gahala. Ang lalakas pa nilang tumawa, tapos si Vien binobola na sila. Kulang na lang magbenta siya ng products e.
"Ikaw ija, may boyfriend ka na?" tanong ng isang Tita kay Vien.
"Ay naku Tita, wala 'yang boyfriend, pero may best friend!" pang-asar ni Dolly saka natawa.
"At least alam namin kung ano mayroon sa amin," Panunuya ni Vien. "Ikaw ba, Dolly?"
Nabulunan si Kala sa narinig at halos hindi makahinga kakatawa. "Grabe, sakit non a!"
"Wow, Kala tawang-tawa ha. Porket masaya kipay mo ngayon," irap ni Dolly.
"Ma, si Okin, sila niyan ni Dolly." Rinig kong share ng natatawa ding Gahala sa Mama niya. Kita ko naman ang gulat sa mukha ni Tita dahil doon at napatingin sa kaibigan ko.
Umiling si Dolly. "Anong kami? Eh wala ngang kami e!"
"Sakit!" hindi mapigilang mapareact ng iba. Pati ako nga ay natatawa.
"Itagay mo 'yan!" bigay sa kaniya ng shot ng isa sa mga Tito ni Gahala na kinuha niya naman at inisahang inom.
Kinomfort lang ng mga Tita si Dolly, sinasabihan na makakahanap pa naman siya ng iba dyan dahil maganda siya.
"Ikaw ija, bakit kayo nagbreak ng pamangkin ko?" baling sa akin ng Tita na nagtanong sa amin kanina. "Hindi mo ba siya namimiss?"
Nagngisihan ang mga kaibigan ko dahil sa akin naman napunta ang atensyon. Bigla akong naasiwa dahil pati si Gahala ay napatingin sa akin.
"Ano, Amara?" Hamon sa akin ni Kala. "Magpakatotoo ka!"
I was flustered and didn't know what to do. Nakatingin pa din kasi sila sa akin, like they are waiting for my response.
I gulped. Shit. Do I really need to be honest? Kapag sinabi kong hindi ko siya namimiss—which is a lie—marereject ko si Gahala sa harapan nilang lahat.
Fuck. I felt cornered. "Na m-mimiss." My voice trembled as I spoke.
Naghiyawan ang mga Tito ni Gahala at tinapik siya sa balikat, telling him na may pag-asa pa. Ngiting-ngiti naman ang hinayupak habang nakatingin sa akin. I could see my friends on the other hand, shaking their heads in dismay.
"Sige nga," hingkayat ni Gahala. "Balik ka sa akin kung totoo."
Napa-awang ang labi ko don sa sinabi niya dahil hindi ko 'yon inaasahan. Kahit yung mga nakarinig ay napareact.
"Kantahan niyo nga 'yan ng muling ibalik ang pag-ibig!" tukso ni Tito Hakken.
Mas umingay tuloy nang mapagdesisyunan nilang magvideoke. Buti na lang talaga at may sariling mundo din yung bata sa gilid at mukhang naglalaro sa buhanginan.
"Gahala, kanta ka." mapaglarong tulak sa kaniya ng Tito niya at harap-harapan akong nginuso!
Gahala shook his head with a smile, pero tumayo din. "Hanap lang ako ng kakantahin," sabi niya saka kinuha ang book kung saan nakalista ang mga kanta. After minutes, he stood up and pressed the numbers in the machine.
"Tangina," tawa nina Dolly nang makita ang title. "Para kanino 'yan?!"
Natawa din siya, "Para 'to sa ex ko diyan." Ngumuso siya saka napatingin sa akin. "This is what I've been thinking...if ever you're in my arms again."
Naghiyawan ang mga Tito't tita niya at tinukso siya, suportadong suportado sa mga pinaggagawa niya. Tapos siya, gustong-gusto niya naman. Abot mata pa yung ngiti. Hindi ko mapigilang maparolyo ang mata.
"Yiee," kinikilig na asar sa akin ni Kala at sinundot pa talaga ako sa tagiliran kaya sinamaan ko ng tingin! Parang hindi lang sila nagalit sa lalaki ah!
He cleared his throat nang magsimula na ang kanta, nireready ang sarili. "It all came so easy. All the loving you gave me. The feelings we shared," panimula niya saka napatingin sa akin.
I faked a cough when our eyes met kasi alam kong lumalambot na naman ako!
"And I still can remember. How your touch was so tender. It told me you cared." He continued. Hindi niya inalis ang tingin sa akin. "We had a once in a lifetime. But I just couldn't see until it was gone. A second once in a lifetime, maybe too much to ask but I swear from now on,"
Kinabahan ako nang lumapit siya sa direksiyon ko! The side of his lips lifted up when he saw my reaction. Yung mga kaibigan ko hinampas na ako sa braso! Parang sila pa ang lalapitan!
"Huwag kang kiligin!" pandidilat ng mata sa akin ni Vien. "Alam kong dyan ka nadadala noon!"
"If ever you're in my arms again, this time I'll love you much better," ngiti niya sa harapan ko saka nilahad ang kamay niya. Napatingin ako doon at hindi alam kung tatanggapin ang ba o hindi. "If ever you're in my arms again, this time I'll hold you forever. This time we'll never end."
He chuckled when I held his hand. He gripped it tightly and intertwined it. I flinched when he raised it and kissed it in front of them!
"Naks! Kadugo nga talaga kita! Grabe dumamoves!" sipol ng mga Tito niya kaya natatawang bumalik siya sa gitna at iniwan akong medyo namumula ng kaunti.
"Ano ba 'yan, parang tanga," napatingin ako sa gilid ko at napakunot ang noo. I looked at Vien hideously. Ngiting-ngiti siya at mukhang siya pa ang mas kinilig sa akin. Kakabanta niya lang sa akin na huwag akong kiligin!
"Bakit?!" she asked me defensively when she saw my stares. "Nagsisi na daw siya! Bakit hindi mo bigyan ng pagkakataon?! Napakasama mo naman, Amara! Nagsorry na yung tao eh!"
"Gaga," sinamaan ko siya ng tingin at hinila ang buhok. Kinilig lang, binenta na kaagad ako!
Natawa sina Kala sa narinig. "Oo nga naman, Amara! Lahat deserve ng second chance!" Dugtong pa ni Dolly!
So bakit...parang kasalanan ko?!
Gahala laughed too when he heard what they said, but he didn't say anything and just continued singing. Ang saya niya kasi nasa kaniya yung pabor amp. I even saw Tita smiling at the side while looking at us.
Sinamaan ko ng tingin ang mga kaibigan ko nang sikuhin nila ako nang lumapit sa akin si Gahala after niyang kumanta.
"Hi," he greeted shyly and sat beside me! Talagang umusog pa ang mga bruha! Hindi tuloy ako masyadong makagalaw dahil sa kaniya.
I stiffened in my seat nang ituntong niya ang kaniyang braso sa kinasasandigan ko, kaya parang nakaakbay siya sa akin, pero hindi! Nagkasiyahan lang kami pagkatapos non at hindi na umalis si Gahala sa tabi ko.
I could feel him playing with my hair sometimes. Minsan naman nakikita ko na lang na nag-uusap kaming dalawa na parang may sarili kaming mundo, eyes stuck on one another, and I'd find myself laughing with him. It felt so normal... and I felt so at peace. I want something...like this.
Umalis lang sa tabi ko si Gahala nang tinawag siya ni Tita, mukhang may kailangan. Doon ko lang din narealized na gabi na pala. Nag-alisan na yung iba naming kasama kanina, even my friends.
Nakita ko si Vien sa dalampasigan kaya inexcuse ko sarili ko at nilapitan siya. Naupo ako sa tabi niya kaya napalingon siya sa akin. Tahimik lang kaming dalawa, parehong may iniisip.
"Bakit ka pala pumayag na sumama?" tanong ko dahil naalala ko lang. Bigla na lang kasing umiba desisyon niya.
"Sayang pagkain. Saka narinig ko na may alak," walang kwentang sagot niya habang natatawa ng kaunti.
"Yung totoo?" Irap ko.
Napasulyap siya sa akin bago sumagot, "Wala naman. Nakita lang kitang natawa habang kausap siya." She shook her head with a little smile. "That was the purest smile I've ever seen on your face after a year. "
Natahimik ako doon.
"Gusto mong balikan?" Vien asked kaya napatingin ako sa kaniya.
"Ano ba sa yo?" balik ko. Gusto ko kasing marinig ang opinyon niya tungkol doon.
"Ewan ko sa 'yo. Kahit ano namang desisyon mo, nakasuporta lang ako," she shrugged. "Kahit minsan ang tanga-tanga ng mga desisyon mo sa buhay."
"Hindi ka galit?" tanong ko sa kaniya.
She sighed, "Sa totoo lang, nag-aalala akong baka saktan ka niya ulit. Nakita ko kasi lahat ng pinagdaanan mo. Pero anong magagawa ko kung sa kaniya ka talaga masaya? Hindi naman kita mapipigilan dahil kasiyahan mo ang pinag-uusapan. Kaya okay lang, may baril naman ang pamilya ko at kayang-kaya ko 'yon ilabas anumang oras."
I hissed and slapped her, which made her snicker.
She chuckled a little, "Joke lang, pero seryoso, kung magloko ulit 'yan, hindi lang suntok ang matitikman niya sa akin."
"Thank you."
Tumango lang siya na parang maliit lang na bagay 'yon. "Alis muna ako. Makikipaginuman pa ako do'n," paalam niya na tinanguan ko na lang. Tinanong niya pa ako kung gusto kong sumama pero umiling ako dahil may gusto pa akong isipin.
Puro what ifs ang pumapasok sa isip ko. Kasi what if bigyan ko siya ng second chance? Anong mangyayari? Will he treat me better this time? Pero what if magloko siya ulit? Anong gagawin ko? Makakaya ko pa ba?
I was torn between taking risks to be happy or running away to be safe. Fight or flight situation. Or maybe I just want some assurance that he won't hurt me again and I'll risk everything.
I sighed and blinked when I felt a fabric hugging me. Napatingala ako kay Gahala na naglagay sa akin ng jacket sa balikat.
"Hey," he greeted with a little smile saka tumabi sa akin. Napalingon ako sa cottage namin at nakitang nagsasaya na sila doon habang nagsasayawan.
"Hey," I greeted back saka kinuha ang bote ng Pilsen na binigay niya.
"Are we fine?" he asked, and I nodded.
Napuno kami ng katahimikan ng kaunti pagkatapos. Umiinom lang kami habang nakatingin sa alon. Napalingon ako sa kaniya saka napatitig. Iniisip ko kasi kung bibigyan ko siya ng chance o hindi.
He looked conscious and bothered because of what I was doing dahil napatagal iyon. Tumitingin siya sa akin ng inosente, tinatanong kung anong kailangan ko. Umiiling lang ako saka tumitig ulit sa kaniya as if I could find the answer on his face.
I got distracted when he suddenly leaned in. "Remember what happened between us?"
I flushed when I remembered what happened in his condo. "What? What are you going to do?" Defensive kong tanong.
He grinned after seeing my reaction, "Sige ka. Ipagpatuloy mo lang yang pagtitig mo sa akin at mangyayari ulit 'yon."
I was startled pero napairap din pagkatapos. "Anong akala mo sa akin? Takot sa sex?"
He hid his smile. "So... ano? G ka sa second round?"
I rolled my eyes and laughed. "Ulol."
"Wala, ang hina mo, Tiexiera. Akala ko ba hindi ka takot sa sex? Parang second round lang e," pang-uuto niya pa.
"Hindi mo ako mabobogus, Silva." Iling-iling ko habang nakangiti. Tumayo na ako at pinagpagan ko ang aking pwet bago tumingin sa kaniya. "Tara na, gabi na. Inaantok na ako."
Bumusangot siya. "Huwag mo akong ayaing matulog kung hindi naman tayo tabi!"
Inirapan ko siya saka nauna na. Sumunod naman siya sa akin kaagad. Ang dami pang arte e.
"Ayel, matutulog ka na?" Tanong ni Vien nang makabalik na kami sa cottage.
Tumango ako, "Kayo ba? Mamaya pa?"
"Iinom pa kami ng unti! Mauna ka na!" Taboy ni Dolly.
Napatingin ako sa ilalim ko when someone tugged the hem of my shirt. It’s Mixco with his cheeks slightly blushing, looking so amazed sa nakikita niya, which is me. I can't help but smile because he's so adorable.
Bumaling siya sa Mama niya habang hawak pa rin ang dulo ng damit ko. "Mama, sleep with her?" nagniningning ang mukha niyang tanong saka ako tinuro.
Nagloading pa ako ng kaunti bago ko magets na gusto niyang matulog kasama ako. I think that will be difficult?
Gahala's lips slightly parted sa narinig. "Hoy!" saway niya sa kapatid niya. "Ang kapal naman ng mukha mo!"
"No, Mixco. Your ate is tired. Sleep with Kuya," saway ni Tita habang shaking her head.
"But... but I don't want to sleep with Kuya. He's too loud!" reklamo niya saka hinigpitan ang kapit sa akin na parang nakapagdesisyon na siya. "Sleep with ate, pleaseeee."
Napaawang naman ang labi ni Gahala. Mukhang na-shock dahil nalaman niyang ayaw siyang katabi ng kapatid niya.
"Mixco," warning ni Tita. "Don't disturb ate. Be a good boy and listen to Mama."
"But, but," his face reddened and his eyes watered. "I want to sleep with her!" He cried.
Nagpanic tuloy ako kung ano ang gagawin at pinatahan ko siya. Mukhang na-stress naman si Tita dahil sa tantrums ng anak. Mukhang gusto niyang pagdisiplinahin ang bata, pero birthday nito ngayon.
"Okay lang naman siguro, Tita," alanganing pagpayag ko. "Ako na po ang magbabantay sa kaniya." Unti-unti naman humina ang iyak ng bata nang marinig ang sinabi ko.
Gahala gasped dahil sa sinabi ko. "Matutulog din ako kasama mo!" biglang anunsyo niya.
"No," sagot ko kaagad pero hindi niya ako pinansin.
"Ma! Ako din! Gusto ko ding matulog kasama niya!" paalam niya din!
"Ewan ko sa 'yo Gahala ha! Hindi ka na bata kaya huwag kang maarte!" mukhang naiinis na si Tita sa kanila.
Kaagad bumaha ang pagtutol sa mukha ni Gahala pero wala ng may pumansin sa kaniya.
"Saan nga lang kayo matutulog?" Dolly asked me. "
Kasi baka hindi tayo kasya sa kwarto natin."
Oo nga pala.
"Doon na lang sa kwarto ko. Malaki ang kwarto doon at doon naman talaga dapat matutulog si Mixco." Gahala immediately suggested and hid his smirk. "Tutulungan din kitang magbantay kay Mixco para hindi ka mahirapan!"
Lahat napatingin sa akin. Biglang lahat sila tumango na para bang pinapamigay ako. I could hear Gahala chuckling, as if he had won.
"Oo nga naman! Mas convenient!" thumbs up ni Kala.
"Ano Amara?" nakataas kilay na tanong ni Vien sa desisyon ko.
Bakit parang pakiramdam ko pinagkaisahan nila ako. They left me no choice!
"Fine," walang magawang sagot na ko nagpangisi kay Gahala.
Napatingin ako sa paanan ko nang may yumakap sa aking binti. Napangiti ako kay Mixco saka binuhat. He immediately hugged me kaya nawala tuloy ang ngisi ng Kuya niya.
"Hoy! Tigilan mo nga 'yan. Napakaarte mo ah! Yakap na yakap! Chansing ka masyado!" napapangiwi ako kasi kapit na kapit sa akin si Mixco tapos si Gahala pilit siyang kinukuha. Mukhang napipikon na nga. Pati bata ba naman pinatulan!
"No! Mine!"
"Anong mine?!" Labas ang usok sa ilong na tanong niya sa kaniyang kapatid. "Napakataas naman ng pangarap mo!"
"Mama! Mine! It's mine!" Mixco stated with finality.
Nagbabangayan pa din silang dalawa habang kinakausap ako ni Tita. Tinatanong kung okay lang ba talaga sa akin.
"It's fine Tita pero mukhang mahihirapan ako sa kanilang dalawa." Pakiramdam ko mag-aalaga ako ng dalawang bata.
Nagtagal pa kami doon bago napagdesisyunang pumasok sa hotel room ni Gahala. Nauna ako sa cr kasi nagprisinta akong ako na ang maglinis kay Mixco. Nilagyan ko ng tubig ang tub saka bubbles kaya natuwa naman siya kakalaro.
"Ate, you're so pretty," bigla sabi niya habang shinashampoohan ko buhok niya. I looked down at him and smiled a little. I saw him putting bubbles in his hands before blowing them.
"Thank you."
"Kuya told me to say that."
Napatigil ako sa ginagawa dahil sa sinabi niya.
"Your Kuya told you to say that I'm pretty?" I asked him softly at pinagpatuloy ang ginagawa.
He nodded, "He says, he says to tell you that your smile is pretty too and don't crway," he shook his head multiple times while gesturing his hand a no sign. "Kuya says don't crway since your eyes are like wittle stars in the sky!"
They said kids do not lie, pero hindi ko alam kung paniniwalaan ko 'yon. "May sinabi pa ba si Kuya?"
Mukhang napaisip siya dahil natahimik siya ng kaunti. "He says something about pwecious and... and he says he loves you. He loves you like how I love Mama and him." Hiningal pa siya ng kaunti dahil nahihirapan siya sa sinabi niya.
Natahimik ako doon at napalunok ng kaunti. It warmed my heart and made my eyes water a little.
"He says that you won't hate it if it will come from me and it won't huwrt," Mixco whispered. "Do you hate my Kuya?" he innocently asked me.
Napatingala ako dahil ramdam na ramdam kong namamasa na ang mata ko. I secretly wiped my tears and looked at him again. "I don't hate him, Mixco," I tried to smile in front of him.
"Me too. I don't hate Kuya," he giggled, which made me laugh a little.
We played some more with the bubbles. Pagkatapos ay tinapos ko na ang paglilinis sa kaniya bago ko siya binigay kay Gahala dahil siya ang magpapabihis. Nagtama ang paningin namin pero napaiwas kaagad ako dahil naalala ko ang mga sinabi ni Mixco.
Nilinis ko ang sarili ko at lumabas nang tapos na ako. Gahala used the bathroom afterwards. Napatingin ako kay Mixco na tulog na sa kama. Mukhang napagod dahil nilaro pa siya ni Gahala. Rinig ko ang tawanan nila sa loob ng CR kanina.
Nagpatuyo lang ako ng buhok pagkatapos saka nagsuklay. I looked at Gahala's reflection in the mirror when he got out of the bathroom. Nakapajama na siya at walang damit sa ibabaw. Pinapatuyo niya rin ang kaniyang ulo gamit ang towel. Naging awkward bigla ang hangin nang magtitigan kami. He faked a cough and looked away.
Napailing na lang ako saka nagready sa pagtulog. Kinuha ko ang bote ng sleeping pills ko saka binuksan.
"What's that?" Gahala asked with his brows furrowed. Lumapit siya sa akin saka kinuha iyon at tiningnan. His forehead wrinkled when he read the label.
"Uhh, sleeping pills," sagot ko. Kinuha ko ulit iyon sa kaniya saka kumuha ng isang tablet.
Napatitig siya sa akin. "You can't sleep well? To the point of resorting to sleeping pills?"
I can't help but snort. Yes. Because of you, asshole!
What will be your reaction, huh? Kung malaman mong I'm taking medications because of what you did?
"Yeah. Since a year ago."
His gaze turned dark. I was about to drink it pero pinigilan niya ang kamay ko saka kinuha iyon mula sa akin, kasama na rin ang bote!
My lips parted a little in this belief. "What the hell are you doing?!" Pabulong na sigaw ko kasi baka magising ang kapatid niya. Triny kong abutin iyon pero nilayo niya.
"You don't need this," he said with finality.
Nainis ako sa kaniya para magdesisyon ng ganoon! Sisinghalan ko sana siya, pero hinila niya ako patayo. Nilagay niya ang sleeping pills sa table at hinigit ako papunta sa kama. "Higa," sabi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin, "Kailangan kong uminom. Hindi ako makakatulog," especially that he's here! Baka mag-overthink lang ako buong gabi!
"Makakatulog ka," he assured before lying down on the bed slowly, kasi baka magising si Mixco na natutulog sa pinakagilid.
I hesitated at first, kasi tama ba 'to? Kung hindi pa ako nilingon at tinaasan ni Gahala ng kilay, hindi pa ako hihiga sa gitna nilang magkapatid.
Halos hindi na ako gumalaw kasi baka magising si Mixco na nasa isang gilid ko, at the other reason is, dahil nasa isang gilid ko naman si Gahala.
I sighed and moved slowly to find a comfortable position. I faced Gahala but then I bit my lower lip when I saw his face. Nakapikit na siya pero pakiramdam ko hindi pa rin tulog. I turned my back to him kasi feeling ko hindi ako makakatulog at titingnan ko lang siya buong magdamag.
I couldn't help but flinched when I suddenly felt Gahala's hand crawl to my waist. He hugged me from behind tightly, pulling me closer to him until there's no space left between us. He hummed in my ear and buried his face deep in my neck, as if trying to sleep.
My heart gripped and I closed my eyes tightly because it reminded me of those nights I stayed awake crying because he started changing. He never hugged me like this at that time, and I was homesick.
"Good night, Amara," he whispered and planted a gentle kiss on my shoulder.
I gulped and closed my eyes. Hindi ko na siya nilingon kasi ayokong makita niya akong ganito. Tumulo ang luha ko at hindi ko mapunasan.
It's funny because even if I'm in an unfamiliar place and being embraced by his thorny arms, I still slept peacefully that night.
****
Music used:
"If Ever You’re in My Arms Again by Peabo Bryson"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro