SCW 34
"Hindi ba pwedeng hindi na ako pumunta?"
"Huh? Why?" Kala asked with brows furrowed while she was trying to wear her hoop earrings.
I licked my lower lip. "I still have an upcoming demo presentation. I need to prepare for that."
Well, that's true, but I just really don't want to see Gahala there.
"Baka magtampo sa 'yo si Louisa! Buntis pa naman 'yon. Hindi biro ang mood swings ng mga buntis, ha! Magpakita ka lang ng mabilis tapos alis ka na lang kaagad!" she suggested.
I sighed because I felt so hopeless. Ayoko namang idamay si Louisa. I should really act civil towards Gahala because that's already in the past, pero isang kita ko pa lang kasi sa kaniya, dinadaga na ako. I feel so uncomfortable na gusto kong tumakbo palayo sa kaniya.
In the end, wala din akong nagawa kung hindi ang magbihis at sumama sa kanila. Sa labas pa lang palingon-lingon na ako kasi baka makasalubong ko ang taong pinakainiiwasan ko.
"Hey! Thank you for coming!"
"Pwede na ba kaming kumain do'n? Tutal tapos na kaming maggreet!" Tanong ni Dolly.
Louisa and Stex laughed. "Yeah, sure," the blooming pregnant woman answered.
Tiningnan ko lang ang mga kaibigan kong papalayo. Ngumiti ako nang balingan ako ni Louisa. I chuckled a little when she clung her arms to Stex's arm and brushed her face against his, showing that he's hers.
"Congratulations," I greeted genuinely.
"Salamat," kamot ulong sambit ni Stex habang nakangiti. He looked very happy.
"So when's the wedding? I'll make sure to mark my calendar."
"So when's the wedding? I'll make sure to mark my calendar."
"Well, we want it in a rush. She wanted us to get married before her stomach gets too big," Stex answered and told me the date. "Last week of December."
I nodded, "That's good."
"Kailangang madaliin kasi alam mo na! Baka makawala pa!" Louisa joked.
"Babe," reklamo ng isa, at napangiwi na lang ako nang sa harapan ko pa sila maglandian.
I suddenly felt jealous when Louisa laughed because Stex kissed her lovingly on the neck. She looked so happy with him. I wanted to feel that kind of happiness again.
"Am I late?"
I managed not to lose my smile when Gahala suddenly appeared from behind me. I could feel him towering over my height. Damn. I already knew he was going to be here, but it still made my heart jump in shock. It's a miracle he's not with his girlfriend, though.
"No! You're just in time!" Louisa giggled.
"Anong reaksiyon 'yan?" inis na tanong ni Stex kay Louisa na nagpatawa sa akin. "Tuwang-tuwa kang makita ang first crush mo?" pagsusuplado nito. "Lahat na lang kayo naging crush si Gahala," may sama ng loob na dugtong niya.
Louisa and I both laughed. Tangina, nasama ako sa mga naging crush si Gahala.
"Sorry bro, hindi ko sila masisi," yabang ng isa na hindi ko binalingan kahit ramdam kong tumayo siya sa gilid ko.
Bro? Close na sila? Wow. Ang daming nangyari sa 4 na buwan ng pagiging MIA ko.
"Tapos pareho naman kayong dalawa na naging crush si Amara," sama ni Louisa ng tingin sa kasintahan.
"Hindi mo din naman masisi si Amara," sagot ulit ni Gahala kaya napatingala ako sa kaniya. Tiningnan niya din ako, pero binaling ko kaagad ang aking mata sa iba.
"Tama ka diyan, bro," Stex replied with a grin and they even did a fist bump that made Louisa glare at him.
My brows furrowed when Gahala laughed. What the hell. Close na ba kami para gano'n siya umasta? Or marunong lang talaga siyang makipagplastikan?
Napairap na lang ako. Parang wala lang ako dito sa harapan nila kung pagchismisan nila ako!
"Kailan kasal?" Gahala asked.
"Last week of December na bro," Stex answered. "Punta ka a."
"Yeah, sure I will."
"Kayo? Kailan kayo magpapakasal?"
"Huh?" Nagtaka ako at medyo nagulat sa sunod na tinanong ni Stex. Natahimik din sa Gahala at napuno kaagad ng awkward na atmosphere ang paligid.
Napangiwi sa amin si Lousia at siniko ang kasintahan. So hindi niya pa pala alam na wala na kami?
I gulped and smiled bitterly. Kasal huh?
"Malapit na sana...kung hindi lang ako nagloko."
Nakaawang ang labi kong napatingin kay Gahala nang sagutin niya! What the fuck is wrong with him, seriously?!
He smiled a little at me. Stex's mouth formed an 'o'.
"I'm so sorry. I didn't know," he apologized immediately to me. He looked flustered. "I just thought na... kayo pa after..."
I plastered a fake smile. "It's fine." I laughed a little para hindi naman ganoon kalungkot pakinggan. "Uhm, excuse me. My friends are looking for me," alanganin kong paalam.
I can feel him looking at my every move, but I can't stay here anymore. I might die of suffocation.
"Uhh, yeah sure Amara. Enjoy!" alanganing sambit din ni Louisa and gave me an apologetic look.
I just nodded and turned around. "Shit." Mura ko kaagad nang may mabunggo.
"Seriously?" naiiritang tanong ko saka napahawak sa nasaktang balikat.
"Okay ka lang Amara?" I heard Stex asking.
"Sorry," paumanhin nong nakabunggo sa akin.
"I'm fine," I answered and glanced at the person who bumped into me because of his familiar voice.
Sabay atang napaawang ang labi ko at panlalaki ng mata niya.
"Oh! Ms. Tiexiera!" Guerrero's eyes sparkled. "I didn't expect to see you here!"
"Magkakakilala kayo?" Louisa asked in confusion. Napabalik-balik ang tingin niya sa amin.
"She's my classmate," Guerrero smiled brightly and scratched his nape.
"Sinusundan mo ba ako?" naiiritang tanong ko sa kaniya.
"Ha?" he asked and laughed. "No. Pinsan ko 'yong lalaking ikakasal!"
Si Stex?
Stex tapped his shoulders. "Amara, si Guerrero, unfortunately pinsan ko siya. Wala akong magagawa," natatawang pakilala niya saka bumaling sa kaniyang pinsan. "Uuwi ka na?"
"Hindi na pala," sagot niya at tumingin ulit sa akin.
"Akala ko bored ka na?"
"Kanina lang 'yon!" he didn't even take his eyes off me, which made me uncomfortable.
"Tangina ka. Bakit ganiyan ka makatingin kay Amara?" Puna ni Stex. "Huwag mong sabihing gusto mo ex-crush ko? Huwag ganiyan, uy!"
Guerrero looked at him and his lips parted. "What? Dude..."
Napatitig sa kaniya si Stex at naningkit ang kaniyang mata. "Gago, gusto mo nga si Amara? Wala ka diyang pag-asa uy!"
"Hindi pa sure," Guerrero laughed and looked at me. "Ikaw pala crush ng pinsan ko noon? Pareho kaming basted ah! Anti-Ocampo ka ba? Ayaw mo ba sa amin?"
Napangiwi ako dahil napatingin silang lahat sa akin. Paano ko ba ieexplain ng hindi siya masasaktan? "Hindi naman sa gano'n--"
"Oh!" putol kaagad ni Stex sa iba ko pang sasabihin kasi alam niya ang kasunod. He's acting from his experience. "May pag-asa ka pa, bro!"
I glanced at Gahala na nakatingin lang sa amin. Hindi ako makagalaw ng maayos kasi sobrang talim ng pagkakatingin niya.
"Study first ako ngayon," ngiwing ngiti ko.
"'Yan din sabi mo noon pero naging kayo ni Gahala!" Louisa laughed.
Guerrero stopped laughing. "Gahala?" he asked with brows furrowed.
"That's me. Why?" nanghahamon na tanong ni Gahala sa seryosong boses kaya nagkatitigan sila. Napuno na naman kami kaagad ng hindi magandang hangin.
"Kumain ka na Amara?" alanganing change topic ni Stex.
"Hindi pa," ngiwi ko. "Kukuha lang ako," I tried excusing myself again.
"Samahan na kita," Guerrero insisted and before they can even utter another word, hinila niya na ako paalis doon.
I sigh deeply. I wonder when can I have a peaceful day.
"Do you like this?"
"It's fine." Wala sa sariling sagot ko kay Guerrero na nilalagyan ng pagkain ang plato ko.
Gusto ko ng umuwi. Pagod na ako.
"Try this one! This is my favorite!"
Kaagad akong napangiwi nang maglagay siya ng maraming cheese-flavored cake sa plato ko. Tinitingnan ko pa lang, nasusuka na ako sa tamis.
"She doesn't like sweets. Don't put too much."
Napatingala ako kay Gahala na pumagitna sa amin at pinigilan ang kamay ni Guerrero. Kinuha niya ang kutsilyo at binalik ang cake na nasa plato.
Pinagdikit ko ang labi ko at tahimik na nagpasalamat sa kaniya. Napatingala ako sa kanilang dalawa na pinapagitnaan ako.
"Thanks pare. I'll take note of that." Ngiti ni Guerrero na mukhang nakabawi sa biglaang pagsulpot ng isa.
"Wala 'yon," ngiti din ng matamis ni Gahala. Napakurap ako kasi halatang nagplaplastikan lang sila. Ang pepeke nila.
"Why don't we talk over a coffee next time, bro? You know, help me win her over?" Guerrero asked, trying to be a buddy pero halata namang nangproprovoke. Makapag-usap din tungkol sa akin, akala mo wala ako dito sa harapan nila.
Gahala looked at him for a few seconds and chuckled sarcastically. "Why would I waste my time on you? Don't tell me... she didn't give you a chance to get to know her? That's a pity."
Guerrero smiled, though I could sense he was already irritated. "I'm sure she will in the near future."
Gahala chuckled like he heard something ridiculous. "Really?" He clicked his tongue and grinned. "I doubt that, though."
I sighed loudly para bumaling ang atensyon nila sa akin. "Excuse me, makikidaan lang."
Tiningnan ko silang dalawa bago talikuran at naghanap ng mauupuan. Nakita ko naman ang mga high school classmates namin kaya hindi ako nahirapan.
"Amara! Dito ka!"
Ngumiti ako kay Marwan na kumaway sa akin. Lumapit ako sa table nila at naupo doon. Kakaupo ko pa lang pero may sumunod na sa kanilang dalawa.
"Hi, can I sit here too?" tanong ni Guerrero.
Napabuntong-hininga ako ng malalim, already tired with this set up. Napatingin sa akin ang mga kaklase ko noon na may nagtatanong na mata.
"Yeah, sure," Payag ni Sylvia kasi nakakahiya namang tumanggi.
"Magkakilala kayo ni Amara?" usisa kaagad nila. Nanatili lang akong tahimik sa gilid.
"Well, yeah."
Napatango-tango sila at kinausap pa ang lalaki.
"Gahala bro! Nandito ka pala!"
Hindi na ako tumingala at kumain na lang nang may tinawag si Ryder.
"Yeah," my ex answered in a baritone voice. I uneasily shifted in my place because my skin burned under his stare.
"Upo ka!"
Halos hindi ko na malunok ang kinakain ko dahil sa kanilang dalawa. Katabi ko si Guerrero tapos kaharap ko naman si Gahala. Gusto ko na lang magmura habang kumakain. Going here is really a bad idea. Dapat gumawa na lang ako ng excuse.
Nagkwekwentuhan sila pagkatapos na parang wala lang at napapangiti na lang ako kahit hindi ako makasabay.
"Do you like some?"
"No thanks," ngiti ko kay Guerrero nang bigyan niya ako ng salad.
Napatingin ako kay Gahala at tumingin din siya sa akin. Nagtitigan kami at ako ang unang umiwas ng tingin.
Nagkwentuhan lang sila at pinilit kong makasabay kahit parang hindi na ako makagalaw dito sa upuan ko.
"Nakita kitang tumingin ulit sa kaniya."
Bumuntong hininga ako bago bumaling sa lalaking katabi ko. Bakit ba binabantayan niya ako?
"Did I?"
"Yes, and I really hate it." Share niya lang before gripping his fork tightly like a kid having a tantrum.
"At bakit?" I asked while raising a brow. Wala naman siyang karapatan.
"I think you still have feelings for him," he whispered suddenly.
Natawa ako nang malakas sa sinabi niya. Napatingin sila tuloy sa amin, pati na rin si Gahala. Bakit ba iniinsist niya 'yon? Na hindi pa ako nakamove on? "Seems like you misunderstood it, Mr. Ocampo," I told him while shaking my head.
He moved his face closer and whispered, "Kung makatingin ka kasi sa kaniya..."
"What? How do I look at him?" mariing tanong ko. Mukhang tanga kaming nagbubulungan dito.
Alam kong pinagtitinginan kami ng iba pero ayokong marinig nilang si Gahala ang pinag-uusapan namin kasi wala naman akong pake sa lalaki. Sadyang makulit lang si Guerrero.
Akala ko sasabihin niya na kung makatingin ako ay parang puno ng galit at sama ng loob but...
"Your eyes sparkle every time you look at him."
I frowned. "So? What about that? I just have amazing eyes."
He stared at me and shook his head. "Your eyes never sparkled like that ever since I met you, Amara. Laging walang buhay ang mga mata mo."
Natawa ng pagak. Tiningnan niya ako saka umiwas ng tingin at tahimik na bumalik sa pagkain. Wala na siyang sinabi pagkatapos.
"Hoy...ano? Nag-away ba kayo?" alanganing tanong ni Peach. Pati kasi sila natahimik. Mukhang naramdaman nila ang awkwardness sa hangin.
Guerrero smiled a little, "No. Hindi kami nag-away."
Mukhang ayaw pa nilang maniwala pero hindi na lang sila nagsabi. Nabaling din naman kaagad ang pansin namin sa bagong dumating. "Okay lang ba kayo dito? Kuha lang kayo do'n kung gusto niyo pang kumain," paalala ni Stex bago bumaling sa katabi ko. "Bro. Tulungan mo muna ako. Grandpa's visitors are already here."
Guerrero nodded and looked at me na para bang nagpapaalam. "I'll be back."
Tumango lang ako and watched him walk away, slightly feeling sorry for him.
"Amara, bago naman 'yon ah! Noong nakaraan iba kasama mo!" usisa agad ni Peach nang makaalis na siya. "Naging playgirl ka na ba?!"
Alanganin akong ngumiti. "Kaklase ko lang 'yon."
"Hindi mo boyfriend?" Natahimik kaming lahat at napatingin kay Gahala nang siya ang magtanong. He's looking at me intently at mukhang bad trip.
"Ano naman ang pakialam mo kung oo o hindi?" matapang na sagot ko habang tinitingnan siya sa mata.
"Wew! " Marwan whistled and smirked." Bakit hindi ka magboyfriend ulit, Ayel?!"
Napaalanganin akong ngiti sa tanong ni Marwan pero pinili kong hindi sumagot. I'm still in the process of healing kasi. Saka ayaw ko rin. I'm afraid of another breakup. I can't deal with another trauma, and I can't afford to be someone's mistake again.
"Gusto mo magboyfriend ulit, Ayel?! Reto kita!" basag ni Raven sa katahimikan.
Natahimik ako. Tiningnan nila ako na para bang naghihintay ng sagot, even my ex. "M... Maybe... I can give it a try." I stuttered.
Damn. I don't even know what I'm saying. I wasn't really up for it right now, but maybe I just want to show him that I was doing fine. Gusto kong ipamukha sa kaniya na nakamove on na ako. Na kaya kong wala siya. Kaya kong maging masaya. Na hindi na sa kaniya nakadepende ang kasayahan ko.
They cheered because of what I answered at alanganin lang akong ngumiti.
"Really, Tiexiera, huh?" Gahala mocked kaya napatingin ulit kami sa kaniya. "Sabi mo kanina, study first ka."
Natahimik ako dahil medyo napahiya ako do'n. I silently cursed my self. Yeah right! Sinabi ko nga 'yon kanina pero, "Pakialam mo ba?" Iritang tanong ko.
"Woah," Gray laughed. "Hayaan niyo na! Minsan lang 'to! Hanapan ka namin, Ayel! Ano ba type mo?! Ano ba gusto mo sa lalaki?! Pasok ba ako?!"
"Gago," mura sa kaniya ng tropa niya at natawa sila.
"Manahimik ka bro. Matagal ka ng basted!" Trashtalk sa kaniya ni Ar-Ar. "Ano na Ayel? Ano type mo?"
Halos lahat ng kasama namin sa mesa na kaklase namin noon ay napatingin sa akin, naghihintay ng sagot ko. Damn. Mukhang wala akong lusot a.
Nag-isip ako. "Matalino at may sense kausap. Hindi yung puro landi lang," I shrugged.
"Tapos?!" usisa ni Lacaus.
"Uh, mataas na malalim yung boses?"
"Iyon lang?" Ar-ar asked.
"Kulot ang buhok?" patanong na sambit ko na din.
Wala na akong maalalang gusto sa isang lalaki! Shit. Gano'n ba ako ka hindi interesado sa kanila? Paano kapag tumanda akong dalaga?! I mean madaming pogi, oo! But hindi ko sila type!
"Bakit parang Gahala?!" Puna ni Sylvia saka natawa at gano'n din ang iba.
Naawkwardan ako bigla kasi napatingin sa akin si Gahala. The side of his lips lifted at mayabang na tinaasan ako ng kilay.
My lips parted and my blood boiled. I smiled sweetly at him but was gritting my teeth inside. "Gusto ko yung katulad niya...pero sana yung hindi siya. Pass sa ganon."
"Tangina," tawa nila sa sinabi ko.
My ex glared at me, and it was my turn to raise my brows at him and scoff.
"Sige, Ayel! Hanapan ka namin, pero mukhang mahihirapan kami!" Gray laughed.
I just nodded, and the topic changed after that. Tapos na kaming kumain kaya napagpasyahan kong umuwi na. Tutal medyo nagtagal naman ako.
Nagpaalam ako sa mga kasama ko sa mesa at tinext ang mga kaibigan kong hindi ko alam kung nasaan na para sabihing mauuna na ako.
"May gagawin pa akong lesson plan e. Sorry," ngiti ko kay Louisa. Huwag daw muna akong umuwi kasi may nightlife pa mamaya.
Ngumuso siya, "Okay. Thank you for coming! Make sure na nakakapunta ka sa kasal ha!"
I smiled and nodded, "Yeah."
I just bid my goodbye before exiting. Napatigil ako sa paglalakad nang makitang nasandal sa pintuan si Gahala. Napatayo siya ng maayos nang makita ako. Inayos niya ang damit na medyo nagulo at napatikhim.
I sighed deeply before walking again. I was about to walk past him when he held me by the arms to stop me. Napatigil tuloy ako saka napatingala sa kaniya.
He looked down at me, which made me inhale sharply. There was a glint in his eyes and parang may gusto siyang sabihin sa akin. Tinitigan niya ako ng matagal at napalunok bago napaiwas ng tingin.
He slowly let go of my arms. "Ingat ka, Tiexiera."
Pinagdikit ko ang labi ko at hindi ko siya sinagot. Kaya kong umuwi ng buhay ng walang 'ingat' galing sa 'yo!
Pinigilan ko ang sariling huwag siyang irapan. Nilampasan ko lang siya na parang hangin at hindi kinibo. Minura ko pa sarili ko kasi I got nervous because of that sudden closure.
Fuck. I should really avoid him. That encounter stayed in my mind for days kahit anong pilit kong kalimutan.
I sighed and entered the coffee shop. Napapadalas na ang pag-inom ko ng matapang na kape.
Nag-order lang ako saka naghanap ng mauupuan. Kinuha ko ang mga libro ko sa loob ng bag at tahimik na nagbasa ng notes. Hindi ako makacocentrate ng pag-aaral sa library kasi feel na feel ko ang pressure.
I was busy memorizing some terms pero napatigil ako sa pagbasa nang may huminto sa harapan ko.
I was flustered after seeing Yacey and Gahala standing in front. The latter one was already staring at me.
"Can we sit? Wala nang free e," Yacey smiled sweetly na para bang nang-iinis.
Gusto kong matawa ng sarkastiko. Ano? Nananadya ba sila? Galing nilang umastang parang wala lang ah tangina. Kakapal ng mukha.
Lumunok ako kasi pakiramdam ko may nakabarang kung ano sa aking lalamunan. I smiled at her too, faking it. "Yeah, sure."
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para sabihin iyon na kaagad ko namang pinagsisihan. Nakakirita kasi ang ngiti ni Yacey. Gusto kong lampasan ang kaplastikan niya.
I bit the inside of my cheeks while looking at them sitting in front of me. Damn. The fucking audacity. They're fucking shameless.
Tahimik lang kaming nagrereview pero hindi ako makaconcentrate! I faked a cough when they did sweets things in front of me na para bang sinasampal ako ni Yacey na sa kaniya na si Gahala!
"Babe, ah," sweet na sambit ni Yacey habang may hawak na kutsara. There's a slice of cake on top of it.
"Kaya ko na, ako na." Gahala whispered and looked at me hesitantly. He even tried getting it from her.
"No," she pouted. "I wanted to feed you kaya open your mouth na."
Ang arte pota. Buti sana kung cute siya
Walang nagawa si Gahala kundi ibuka ang bibig niya.
Putangina. Napahigpit ang kapit ko sa libro at nakakilang beses na akong umirap nang harap-harapan. Nandidiri kasi ako sa pinaggagawa nila.
"So ano yung lasa?" Yacey asked with hopeful eyes habang tinitingnan si Gahala na ngumunguya ng pagkain na pinakain niya. Pinadaan pa niya ang kamay niya sa braso ni Gahala.
Akala ko ba nandito sila para mag-aral?
I sighed deeply to calm myself kahit gusto ko nang mapamura ng sobrang lakas. I looked up and irritably met Gahala's eyes. Alanganin siyang tumitingin sa akin at naiilang na rin sa ginagawa ng jowa niya. Napairap na lang ako ulit saka bumalik sa binabasa.
Hindi ko sila hinayaang idistract ako kahit nabobothered talaga ako sa presence nila!
Sobrang nakakatawa ng sitwasiyon namin. Nasa isang mesa ang mag-ex at ang bago niya. Kung sino man ang makakakita sa amin ngayon, paniguradong matatawa o di kaya ay magtataka. I'm sure some will even think na nasisiraan na kami ng ulo.
Ayoko ding umalis! Ako ang nauna dito kaya bakit ako ang susuko?! Magmumukha akong apektado!
I glanced at Gahala when I heard his sigh. I saw him massaging the side of his head and the bridge of his nose while reading.
I unconsciously put my book down. "Is your head hurting, love? Do you want me to massage it?" I asked without much thought.
"What?" Yacey hissed with brows furrowed. They were both looking at me with confusion.
I almost slapped myself when I realized what I had done. Damn. Nasanay kasi ako! Tangina. Nakakahiya! I gritted my teeth in annoyance when I noticed Gahala's amused smirk.
I cleared my throat while thinking about how to get out of the situation. I could feel my ears getting red with embarrassment, but hindi ko hinayaang mahalata nila 'yon.
"Nabasa ko lang dito sa libro," palusot ko and raised the book I was reading earlier for her to see it.
Yacey raised her brows and chuckled sarcastically, obviously not buying my excuse. "In a Mathematics textbook? Are you kidding me? Or do you take me as a joke?"
I crossed my arms and rolled my eyes, showing her na mas masungit ako. "Anong gusto mong palabasin? Na nagsisinungaling ako?"
"Hindi ba?" taas kilay niyang tanong, hinahamon akong patunayan 'yon.
Fuck.
I grabbed the book again and stared at it. I faked a cough. " 'Is your head hurting, love? Do you want me to massage it?' Aily asked her lover, Paolo. 'Yes love, thank you,' he answered with a smile. Aily massaged Paolo's head for 30 minutes on the first day. After that, she continued massaging his head for 30 minutes every day. How many minutes in total will Aily spend massaging Paolo's head if she continues this routine every day for one full year? Show your solution." I stated, pretending to read the problem sa book even though wala naman!
Fuck, buti na lang mahilig akong magbasa. My imagination is broad so I can make up stories when I'm in danger.
I could see Gahala's red face, trying not to laugh so hard because of what I did. He fucking knows that I'm just making up a story! I forced myself not to kick him in the face. The audacity of this bastard.
Nadulas kasi ako kanina! It was my habit when we were still together!
"Ang pambata ng question? Noong grade 3 pa ata 'yan? Why are you reading that book?" may panunuyang tanong ni Yacey.
I looked at her boredly. "Excuse me? I'm taking Bachelor in Elementary Education?" Sarcastic kong tanong sa kaniya, which made my excuse believable! Now, she won't doubt it!
"Yeah whatever," she rolled her eyes.
I bit my lower lip to stop myself from laughing. What the hell. Naniwala siya doon? Tanga naman.
"Then, what's the answer to the question, Amara?"
Napatingin kami kay Gahala nang itanong niya iyon, habang pinipigilan ang sarili niyang ngumiti! Nangangalumbaba siya habang aliw na aliw na nakatingin sa akin. He was also playing with his lips using his fingers.
Papansin!
"I..I don't know!" iritang sambit ko. He knows that I'm weak when it comes to mathematics! Tapos itatanong niya pa.
He laughed a little while looking at my pissed-off face. Inirapan ko siya.
Sabay kaming napatingin kay Yacey nang biglang magring ang cellphone niya. Nag-alangan pa siyang sagutin kasi alam niyang iiwan niya kaming dalawa dito ni Gahala.
She sighed and lowered her face. My lips parted a little when I realized what she was about to do. I looked away so I won't see her kissing him.
Tangina. Napakuyom ako ng kamao sa ilalim ng mesa. Naramdaman kong may bumarang kung ano sa aking lalamunan. Bumigat ang paghinga ko at naramdaman kong uminit ang aking pisngi.
Harap-harapan? Gusto kong magsisigaw sa galit. Putangina.
"Balik lang ako, love," rinig kong paalam niya bago umalis. She even glanced at me and glared, as if warning me.
Napuno kami ng katahimikan nang umalis si Yacey. Sobrang awkward ng hangin. Kinalma ko ang sarili ko kasi pakiramdam ko maiiyak ako sa harapan niya.
"Amara," he called softly... or maybe he tried to whisper but it came out a little too loud.
Hindi ko siya pinansin saka bumalik sa pagbabasa kahit hindi ko na maintindihan ang mga binabasa ko. Gusto ko na lang umalis dito ng hindi nila napapansing sobrang apektado ako.
I flinched in my seat and slapped his hands away when he held my hand, trying to get my attention. Galit akong napatingin sa kaniya. "What the fuck are you doing?"
Nagulat siya sa galit kong boses, pati na rin ang mga nakarinig kaya napatingin sila banda sa direksiyon namin.
He hesitated. He's flustered because of my reaction. "I... I'm sorry about Yacey acting like that. She's just--"
"Save it. I don't want to hear it." Kumukulo ang dulo ko kapag naririnig ko ang boses niya. "And please," I begged. "Can you stop talking to me and acting like we are close?"
Natahimik siya sandali. "Are you...mad at me?"
Wow, sa lahat ng ginawa mo sa akin, nakuha mo talagang itanong 'yan?! Hindi ba halata?!
"I'm not mad, Gahala," I hissed lowly. "I'm furious. Don't talk to me again."
"I can't do that, Amara..." He trailed off and hesitant to say the next word. Tinitimbang niya ako at ang sasabihin niya. "I can't bear to avoid you."
I look at him with pure disbelief. "Wow. Ang kapal din ng mukha mo. Baka nakakalimutan mong mag-ex tayo at sinaktan mo ako?" I mocked. "Ang lakas din ng loob mong ipakita 'yang pagmumukha mo sa akin?!"
He was about to say something but shut his mouth when his girlfriend approached our table.
Wala kaming kibo nang maupo na ulit si Yacey sa aming mesa. Nanghihinalang tiningnan niya lang kaming dalawa pero walang nagsalita sa amin. Nag-aral lang kami ulit at sobrang naiilang na ako kasi panay ang tingin sa akin ni Gahala.
May kung anong kumiliti sa kaloob-looban ko nang magbungguan ang paa naming dalawa sa ilalim ng mesa. Hindi ko alam kung napansin niya 'yon dahil nang mapasulyap ako sa kaniya ay hindi niya ako tiningnan at nagpatuloy lang siya sa paghahighlight. I pursed my lips at nilayo ang paa ko sa kaniya.
Sabay-sabay kaming tatlong napatingin sa cellphone ko nang magring. Alarm ko iyon para sa susunod kong klase.
Walang imik kong niligpit ang gamit ko at pinasok sa bag. Gusto ko ng makaalis dito. My ego and pride is the one that's preventing me from leaving since earlier.
Tiningnan ko silang dalawa at napalunok. "Excuse me," paalam ko before excusing my self para hindi naman nakakabastos.
I walked out confidently because I know they're still staring. Napahinga lang ako nang maluwag nang makalayo sa kanila.
Hindi na ulit ako pumunta sa coffee shop pagkatapos no'n. Ayokong magkasalubong ulit ang landas naming tatlo. Ayokong makita ulit ang pagmumukha nila.
"Oo na nga! Tama na kayo!"
Napasulyap ako kay Dolly nang irita niya iyong sinabi. "Malay ko ba naman kasing mahuhulog ako do'n?"
Kala rolled her eyes and crossed her arms. "Nakita mo na kasing red flag go ka pa din e!"
Nasa sala kami at ang ingay-ingay nila. I was just busy playing with Kala's cat while listening to them. Buti pa 'tong pusa. I bit the inside of my cheeks, stopping myself from kissing Nonim sa sobrang gigil.
"Sorry na ha?" Dolly snorted. "Hindi lang naman kasi yung red flag ang nakita ko. Pati yung etits."
"Gago," natatawang mura sa kaniya ni Vien. "Tara na kasi inom!"
"Wala nga kasi ako sa mood," busangot ni Dolly at dumapa sa sofa. "Kayo na lang ni Kala tutal ayaw din ni Ayel."
"Ewan ko sa inyo ha!" bad trip na ani ni Vien. "Ayan tangina niyo. Magmahal pa kayo."
"Ingay mo," irap ko.
"Bilis na. Inom na tayo, libre na 'to oh! Minsan lang!" kulit niya pa.
May big celebration daw kina Azul kaya nag-aayang uminom. Ayaw kong pumunta kasi pakiramdam ko nando'n si Gahala. Hindi pa ako nakakaget over sa nangyari doon sa coffee shop. Pero itong si Vien mukhang kampon ng demonyo.
Inis na inis ako sa kaniya dahil kinulit niya ako nang kinulit hanggang sa mainis ako at walang magawa kung hindi ang pumayag. Kinaladkad niya pa kaming dalawa ni Dolly papuntang bar.
Bored na bored lang akong nakaupo sa sofa at umiinom. Nanalangin akong sana wala dito ang iniiwasan ko. Nagkakasayahan na sila doon habang ako gusto ko ng umuwi.
Napatingin ako sa mga dumating at halos sisihin ko ang sarili ko sa pagiging malas nang makitang papalapit si Gahala. Ineexpect ko ng dadating siya pero umasa pa din akong hindi. Halos dasalan ko na nga!
Napatingin din siya sa akin at naupo sa kabilang couch pero paharap sa direksiyon ko. Okay na 'yon. Malayo din kaya hindi niya ako makakausap. Baka hindi ko siya matansya.
Napailing na lang ako saka uminom na lang ako nang uminom sa gilid kasi ang dami kong problema sa mundo. Para na din masulit ang pagpunta ko dito.
Fuck. May lesson plan pa ako!
Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako o ano pero hindi na ako natutuwa nang may isa pang dumating.
"Hi,"
I closed my eyes tightly and sighed deeply when the guy who greeted me sat beside me. Great. Nagsisimula pa nga lang ang gabi pero ganito na kaagad ang bungad.
"Seriously? What do you need? Are you following me?"
Guerrero laughed. "No. Same circle of friends kami ni Azul. Pumunta ako kasi alam kong nandito ka."
I just nodded kasi wala na akong energy para ientertain pa siya. Siya na din ang mapapagod kakahabol sa akin.
I glanced at Gahala and saw him talking to other girls. Napairap ako. Kawawa naman ang girlfriend nito.
He met my eyes and whispered something to them that made them walk away.
"Are you already done with our output?" tanong ni Guerrero, getting my attention.
I just nodded at him while sipping my drink. He kept talking about things, but they weren't sinking in since I was preoccupied. All I wanted to do was go home and have some peace.
"Amara," naasiwa ako, and I can't help but tighten my grip around the glass I'm holding when Guerrero held my chin and made me look in his direction.
"What are you doing?" Nakatiim-bagang kong tanong and tried to avoid my face but he didn't let me.
I glanced to the side, and my eyes settled on Gahala. He drank the last gulp of his drink and put the glass down before walking closer to us with sharp eyes.
Nawala lang ang tingin ko sa kaniya when Guerrero tucked some strands of my hair behind my ears, making me shiver. He was even looking at my lips before looking into my eyes, which made me feel... disgusted.
Kaagad ko siyang tinulak saka napatayo at napalayo sa kaniya, natatakot. Mukha siyang natauhan pero sabay na mukhang nasaktan nang makita ang reaksyon ko.
"Don't.. don't go near me again, do you understand?!" Hindi ko mapigilang magtaas ng boses that made other people from other couch look at us. Ramdam ko ang pananayo ng balahibo ko.
"Amara!" He called out as I grabbed my bag, ready to storm out.
I glared at him and walked away. Binangga ko pa si Gahala sa balikat nang makasalubong ko siya.
"Amara," I heard Guerrero calling after me.
"Fuck! Can you stop following me?! I'm scared of what you might do!" I hissed saka dali-daling naglakad. Halos tumakbo na ako dahil sa kaba. Nakainom siya at malakas. Baka kung anong magawa niya sa akin.
Nanginginig pa ang kamay kong hinahanap ang cellphone ko. I need to call my friends!
"I'm sorry," sa parking lot niya na ako naabutan at nahigit sa kamay.
Namumutlang binawi ko ang kamay ko sa kaniya pero mas lalo niya pang hinigpitan.
"I'm sorry, I didn't mean to scare you. It's just that..." he looked at me with a pained expression, "it's pissing me off. Kasi paulit-ulit na lang. You never give me a chance, and you're always looking at... someone else."
I sighed and breathed deeply. "I told you, didn't I?" I uttered. "I don't like you, Guerrero." I spat those words while looking into his eyes to make sure he knows I'm serious. "I don't have any feelings for you. Tantanan mo ako. Ayoko sa 'yo." I didn't really want to be harsh, pero sinasagad mo ako.
He looked hurt because of what I said. Napalunok siya saka unti-unting niluwagan ang hawak sa akin. Parang natauhan na siya mula sa pagkakalasing.
Ilang sandali kaming tahimik bago siya tumango at natatawa ng alanganin. " Alam kong hindi mo ako gusto. Nagbasakali lang ako," ngiti niya ng mapait.
"Sorry," naguilty ako bigla.
"I just can't understand why you can't give me a chance." He told me in a painful voice. "Dahil ba mahal mo pa siya?"
I closed my eyes tightly. "I know your intentions are pure, but it has nothing to do with him. I... just don't like you. I hope you understand."
He laughed dryly and whispered, "Okay lang. Naiintindihan ko." He smiled. "You have the right to reject me. Don't feel bad."
"Sorry," I whispered an apology again.
Kahit sabihin niyang huwag akong maguilty pero hindi ko pa rin maiwasan. Wala na siya sa harapan ko pero nakatayo pa rin ako dito, processing what happened. I sighed deeply and looked above.
He's nice, handsome, and smart. He's a catch, and every girl wants him, but... I can't trust someone again. I'm afraid of being destroyed for the second time.
I've become so uptight because I've been hurt so much. I don't want to be in that place once more. I... don't want to cry again like I did last time so I pushed away someone sincere. It hurts. And even now, it still hurts.
Opening the door for someone else feels like suicide. The one who broke me made me feel that way. He made me so scared to try again.
Sino ba ang niloloko ko? It's infuriating but at the end of the day, it's still all about him.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro