SCW 33
"Kanina ka pa hinahanap ni Tripp, pare!"
I looked away from them when they talked. They even fist-bumped like they had known each other for a long time.
So magkakilala nga sila, huh? I just stood there like a fool in the middle of them. I felt so awkward, especially since I could feel his stares. I kept myself busy looking at the people passing by.
"Yeah, I already talked to him."
Halos hindi na ako gumalaw sa kinatatayuan ko lalo na nang marinig ko ulit ang boses niya. Hindi ako makatingin sa kanila ng maayos at kung pwede lang, hindi na ako hihinga.
"Hello, Amara," Yacey greeted me with a smile, holding Gahala's hand.
I wanted to curse her, but all I could do was give her a fake smile. "Hi, Yacey," I greeted her back and laughed dryly.
Tinitigan ni Gahala si Finn. "Girlfriend mo?"
Napaawang ng kaunti ang labi ko sa sunod niyang tinanong at medyo nanlaki ang matang tumingin sa kanila.
His eyes immediately meet mine na para bang sa akin siya nanghihingi ng sagot. His gaze quickly fell to Finn's hand resting on my waist.
Anong pakialam niya?
"Hindi pa pre," Finn grinned. Gaya ni Gahala ay napakunot din ang noo ko sa sinagot niya.
"Pa?" he repeated.
"Nasa flirting stage pa lang kami pre. Kung may mabuong feelings, edi goods." Finn laughed but Gahala didn't. He was just staring at the guy.
Naglalandian ba kami? Parang one-sided lang naman?
"Edi goods," ulit niya in a mocking voice, making Finn's lips parted slightly.
Napuno kaagad ng ibang mood ang hangin namin. Parang bigla akong nasuffocate.
"Babe, let's go," bulong ni Yacey na may alanganing ngiti.
Tinapunan pa ako ni Gahaa ng tingin bago sila umalis. Doon lang ako ulit nakahinga ng maluwag. Napabuga ako ng malalim na buntong-hininga na kanina ko pa pinipigilan.
"Gago, bakit gano'n makatingin?" Finn asked with knotted brows when they finally walked out. He looked confused. "Do you know him, Amara?"
"Well... yeah," I whispered.
"Talaga?" Finn asked curiously.
It made me silent for a while. Thousands of memories suddenly flashed back.
Tumango ako. "Kaklase... noong high school," I answered after seconds of thinking of what I should say.
"Ah." Usal niya nang malaman. "Ako naman, kaklase ko siya nong elementary!" He shared. "Okay na ba 'yang pagkain mo?" he changed the topic and I nodded.
Siya ang nagdala ng pinggan ko papuntang mesa nila habang nakasunod naman ako sa kaniya. Nilagay niya iyon sa ibabaw ng mesa at pinaghila ulit ako ng upuan.
Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. Aside sa hindi ko kilala ang mga kasama namin dito, gusto ko na ding umuwi. Alam ko kasing isang hangin lang ang sinisinghap ngayon namin ni Gahala at ano mang oras, pwede ulit kaming magkita.
"Close kayo ni Gahala noong high school?"
Halos hindi ko malunok ang kinakain ko dahil sa tanong ni Finn. Alam ko namang madaldal siya pero ngayon, gusto ko na lang lagyan ng pagkain ang bibig niya para namahimik siya.
"Medyo," alanganin at nakangiwi kong sagot.
He nodded while munching. "Baka naging crush mo 'yon Amara ha," he suddenly teased. "Naging crush mo ba si Gahala noong highschool?"
Hindi ko siya sinagot kaya kinulit ako. "Ano na Amara? Naging crush mo 'no? Napogian ka?" Asar niya!
"He's...not that handsome," I answered which made him laugh so hard.
"Pangit pala si Gahala," napalahampas pa siya sa mesa.
Nakangiwi lang akong nakatingin sa kaniyang tuwang-tuwa. Baliw. Umiling lang ako saka kumain na ulit.
"Diba magkaklase kayo?" kulit niya na naman pagkatapos! Ugh.
"Oo nga, bakit?" Paulit-ulit siya.
"So kilala mo ang naging girlfriend niya noon?" he excitedly asked that made me choke in my food.
"Hala shit, nakakagulat ba tanong ko?" he asked innocently while rubbing my back. Ubo-ubo kong kinuha ang wine na binigay niya saka uminom doon. "Pasensya na. Curious lang ako because masyadong private ang relationship niya doon. I wonder why."
Ako, I think I know why.
Nang okay na ako ay nilapag ko iyong glass saka kinuha ang table napkin na nilahad niya din para punasan ang gilid ng labi ko. Namula ako sa kahihiyan kasi napatingin sa amin ang kasama nila sa mesa.
"Don't mind my question na lang kasi mukhang hindi naman kayo close ni Gahala. Sorry," ngiti niya.
"Okay lang," buntong-hininga ko.
Kinulit niya na lang ako sa ibang bagay hanggang sa matapos kaming kumain. Nakinig na lang ako sa kaniya kasi hindi niya naman ako binibigyan ng pagkakataong sumagot. He's the main character daw.
"Ayel!"
Napatingin ako sa gilid nang tawagin ako. Ang nakangiting mukha ni Vien ang sumalubong sa akin.
"After party na!" she exclaimed. Ngumiti siya sa mga kasama ko sa mesa at hinila ako paalis kay Finn.
Pagod na ako habang papunta kami sa aming hotel room para magbihis. Nadrain na lahat ng energy ko matapos makita ang ex ko. Wala na akong lakas para sa after party.
"Hindi ba pwedeng umuwi na ako?" I asked them while walking.
"Hindi! Ipapakilala pa kita sa ibang lalaki!" malakas na sambit ni Vien like gusto niyang marinig iyon ng iba kaya napakunot ang noo ko.
Dolly faked a cough and Kala nudged me kaya tumingin ako sa kanila nang may pagtataka.
Natahimik ako bigla nang makitang nasa labas pala ng isang room si Gahala. Nakablack shorts na lang siya at sleeveless na shirt pangitaas. Mukhang may hinihintay siya.
Napatingin siya sa amin dahil sa malakas na boses ni Vien pero napaiwas ako kaagad at binilisan ang lakad palampas sa kaniya. Nilingon ko ang mga kaibigan ko dahil hindi nila ako sinabayan.
I didn't know how to react when I saw Dolly looking at him with disgust. Tiningnan niya pa nga mula ulo hanggang paa na may puno ng panunuya. Kala flipped her hair when she walked passed him at saka umirap pa. Vien, on the other hand, was already raising her middle finger without even glancing at my ex.
Napasulyap ako kay Gahala na tahimik lang at walang sinabi kahit nakita niya ang ginawa ng mga kaibigan ko. He raised his head to look at me, and our eyes meet again.
"Halika na, Ayel!" Vien exclaimed and dragged me to our room kaya nawala ang atensiyon ko sa kaniya.
Pre-occupied pa ako habang nagsususot ng black bikini. Pinatungan ko lang iyon ng white na shorts saka bandana sa top. Bumuntong hininga ako saka lumabas ng cr. Mukha pa akong lutang na nakatingin sa kawalan habang sinusuklay ko ang aking buhok.
I just came back to my senses when I heard Vien whistling while looking at the three of us from head to toe like a maniac. She laughed when Kala threw him a shirt.
"Bading!" Kala teased.
"Gaga, ikaw 'yon. " Rolyo niya ng mata. "Ang laki ng boobs ko 'no?" Biglang sabi niya while groping her breast that made us winced. "Sino kaya ang maswerteng makakalamas nito?"
"Huwag ka ng umasa, forever ka ng tuyot," bara ni Dolly.
"Grabe ka naman. Hindi pa naman November pero kung makatakot ka," kinabahang sabi niya that made us laughed a little.
Napatigil lang kami sa bangayan nang may kumatok.
"Sino 'yon?" tanong ko kay Kala nang bumalik na siya mula sa pagtingin.
"Si Okin amp," she said and shot a death glare at Dolly, which made the latter grin.
"Bye, sis," they teased Dolly before we went out of our room, leaving the two of them behind.
Napatingin pa ako sa lugar kung nasaan kanina si Gahala nang mapadaan kami pero wala na siya doon.
Pinag-usapan pa nga nila si Dolly saka Okin habang naglalakad kami. Na kesyo baka gusto din ni Okin si Dolly at na malaki ang chances na masaktan si Dolly sa relasyon nila ngayon.
"Ang tanga ni Dolly 'no? Nahulog sa kalandian," sambit ni Vien bigla nang maupo na kami sa isang cottage malapit sa swimming pool.
"Ang tanga mo din, nahulog ka sa kaibigan," lait ni Kala pabalik habang binubuksan ang isang alak.
"Pinagsasabi mo?!" pikon kaagad ang isa. " Excuse me? Wala akong feelings kay Lamore, ano!" Deny niya. "Shit. Kadiri naman 'yon. " Nagtayuan pa ang mga balahibo niya kaya natawa ulit kami.
"Wala naman kaming sinabing kung sinong kaibigan," I told her while laughing.
"Oo nga," sang-ayon kaagad ni Kala. "Bakit si Lamore kaagad pumasok sa isip mo?" nang-aasar na dugtong ng isa.
Sinamaan niya kami ng tingin. "Siya lang naman kasi ang lagi niyong tinutukso sa akin!"
"Sounds defensive but okay," I gave her a thumbs up.
Nakainom na kami ng kaunti nang dumating sina Dolly at Okin. Blooming na si Gaga. Mamula-mula pa siya.
Pinaningkitan na nga siya ni Kala at ngumisi naman sa kaniya si Vien. Nagmamayabang pa siyang tumingin sa amin.
"Sana all na lang," parinig ni Vien.
"Ayain mo si Lamore. Gawin niyo din ang ginawa nami-" Hindi na natapos ni Dolly ang sasabihin sana at napahalakhak nang binantaan siya ng sipa ng isa.
Nakipag-inuman pa sila ng kaunti sa amin bago siya inaya ni Okin na maglandian sa pool. Naiinggit ako habang tinitingnan silang masayang dalawa sa pool. I suddenly missed being in love.
I sighed and gazed at the other cottage. Natanggal kaagad ang ngiti ko, and I immediately looked away when I caught Gahala looking in our direction. Ewan ko kung sa akin siya nakatingin o ano. Wala akong pakialam. Alanganin tuloy akong tumawa kasabay nina Vien nang matawa sila.
"Oh? Bad trip ka ata?" puna ni Vien nang bumalik si Dolly ng hindi kasama si Okin. Kinuha niya ang isang bote saka uminom do'n.
Napatingin tuloy ako kung nasaan si Okin. He's talking with other girls.
"Selos ka niyan?" Kala teased.
"Ulol tanga ka ba," badtrip niyang sambit saka uminom ulit bago sumulyap kung nasaan ang lalaki. "Bakit naman ako magseselos?"
Nagkatinginan kaming tatlo at ngumisi. "Oo nga. Bakit ka naman magseselos?"
"Tigilan niyo nga ako," bad trip na reply niya pa kaya natawa kami. Saya niyang mapikon amp.
Medyo nagiinit na pakiramdam namin kaya nag-aya silang magswimming para daw magpalamig. Napahubad ako ng shorts at bandana bago binun ang aking buhok saka sumunod sa kanila.
"Ayel! Halika na!" Vien whistled towards me, and I blushed because some guys looked in my direction.
Ugh. Naconcious tuloy ako. I faked a cough and walked shyly kasi sobrang naiilang ako. Dinalian ko ring lumusong sa tubig para kahit papaano hindi makita ang aking katawan.
"Ang hot ni Lamore, kaso kaibigan 'no?" Napalingon ako kay Kala nang sabihin niya 'yon.
Napasulyap din tuloy ako sa mga boys naming walang pang-itaas do'n sa cottage. Iniwasan kong mapatingin kay Gahala. Madali lang naman dahil alam ko kung saan siya nakaupo.
Napatingin din sa kanila si Vien pero umiwas din kaagad. Palihim kaming natawa ni Kala sa inasta niya. Naguguluhan na ata siya sa nararamdaman niya.
Hindi din kami nagtagal doon at umahon kaagad dahil malamig. Si Dolly nagpaiwan. Mukhang may kalandian na namang iba maliban kay Okin.
Kinabahan ako nang papalapit kami sa cottage kung nasaan sina Gahala. Sinusundan ko lang kasi sina Kala! Nando'n din sa cottage ang mga kaibigan namin at mga dati naming kaklase. Ang hirap tuloy mag-iba ng cottage dahil halatang may iniiwasan ako if ever!
Binati nila kami nang nando'n na kami sa kanilang mesa. Nagsiunahan na doon sina Vien at Kala dahil nakahanap ng pogi.
"Ayel sexy a!" Gray teased.
"Hoy!" Saway ni Marwan sa kaniya. "Dumadamoves si Gray o!"
Alanganin akong ngumiti. I felt awkward all of a sudden because the guys were looking in my direction.
Gahala looked at me too, but I didn't let my gaze stay on him. His girlfriend was with him as usual. I saw her leaning against him and resting her head on his shoulder.
Napatingala ulit ako nang may maglagay sa balikat ko ng tuwalya.
"Ugh, thank you," bulong ko kay Finn na ngitian lang ako.
"Naks naman!" Tripp whistled that made Finn laughed.
"Ulol," the latter raised his middle finger.
Napangiti din ako ng kaunti at napatingin sa gilid ulit. He was drinking alcohol while looking at us. I turned my gaze to Finn again when he held me by the waist and guided me to his seat.
Mas nailang ako kasi kaharap ko si Gahala sa upuan. Napalunok at halos hindi ako makagalaw sa aking kinauupuan nang akbayan ako ni Finn. Ang bilis niyang gumalaw.
"Here,"
"Salamat," bulong ko ulit nang bigyan niya ako ng isang basong alak.
Nagtatapunan sila ng bangayan doon at nakikitawa lang ako. Sobrang ingay ng cottage namin.
"Punta pala kayo sa kasal ko ha?"
"Woah,"
Hindi makapaniwalang napatingin ako kay Louisa nang itaas niya ang kamay niya at may nakitang engagement ring doon.
"Sino nauto mo?!" Azul gasped.
She laughed before answering, "Si Stex."
Nabulunan ako sa aking iniinom. "Who?" I asked, which made them look at me. What the hell? I never expected it.
"Your loss is mine to hold, Amara," she smirked and shrugged.
I chuckled. "That's shocking, but still, congratulations."
"May bachelorette party ba?" Peach asked.
"Wala kasi buntis ako," Louisa uttered with a smile. Napa'woah' ulit ang mga kasama namin at kinongrats siya. "We will have a small gathering next week though, so make sure to come."
"Damihan mo handa a!" paalala nina Lacaus.
Nawala ang pansin ko sa kanila nang may bumulong sa aking tainga. "Are you drunk?" Tanong ni Finn na siyang nagpatayo ng mga balahibo ko sa leeg.
I shook my head and moved my face away from him a little. "Hindi pa."
Nabaling ang atensyon ko sa direksyon ni Gahala nang malakas niyang nailapag ang kaniyang baso sa mesa. "Ugh, sorry. Lasing na ata ako," ngiti niya pero sa akin nakatingin. My brows furrowed kasi ang peke naman ng ngiting 'yon.
I forced myself not to be bothered by him pero hindi ko mapigilang lumipad ang utak ko sa kaniya.
"Finn bro! Langoy?!" malakas na aya ni Tripp kaya napatingin kami sa direksiyon niya. Tripp even did some side-eye glances na parang may gustong ipabatid sa kaibigan. Mukha pa siyang excited. Siguro may chicks siyang nakita.
"We'll just swim. I'll be back later," paalam na bulong ni Finn.
Tumango lang ako bilang sagot. Kahit h'wag na nga siyang bumalik. Napakalandi niya.
Pinalitan siya ni Azul sa pwesto at tumabi sa akin. She raised her glass so I bumped it with mine, creating a sound.
"You look better now," puna niya saka uminom.
I chuckled a little and shook my head. I circled the glass I was holding. Napatingin ako kay Gahala na ngayon ay busy na katatawa sa mga lalaki.
He gazed in my direction again, which made me gulp. Tinaas ko ang baso ko saka uminom. Nagkatitigan pa kami hanggang sa ako ang hindi nakatiis at umiwas ng tingin.
Napatitig ako sa wine na hawak ko. I can see my reflection there.
I don't love him anymore, but I can't stop wondering how his life is without me. Is he happy with his new girl? Saan siya mas masaya? Noong ako ang girlfriend niya o sa bago niya? Kung inaalagaan ba siya ng maayos... o inaalagaan niya ng maayos yung bago niya?
I don't really care. But thinking that he's treating her better than he did with me is just giving me a different kind of pain.
Bumaling ako kay Azul na pabalik-balik ang tingin sa amin ni Gahala. Mukhang nakita yung titigan namin.
Ngumiti ako sa kaniya. "Yeah. I'm already half done with those thousand nights."
"Ayel! Bago mong boyfriend 'yon?!"
Napatigil kami sa paguusap at napatingin kay Marwan nang itanong niya.
Alanganin akong ngumiti, "No. What the hell," tanggi ko kaagad.
"Landian lang?" Tanong niya pa ulit.
"Uh, something like that, I guess?" I shrugged.
"Duda ako! Hindi ka marunong lumandi ei!" lait ni Louisa and they laugh.
Natawa din ako sa sinabi niya even though I can feel a pair of stares. "I just go with the flow. Si Azul nagreto," turo ko sa katabi ko.
"I just put some spice in her life!" she defensively said habang natatawa. "Wala namang magagalit kaya okay lang 'yan!"
"Naku, hindi ka sure do'n sa part na walang magagalit!" ngisi ni Florian, at nagtawanan ang iba kaya napakunot ang noo ko.
"Any updates with your life?!" tanong ni Ruth sa akin. "We already shared! How about yours?"
I shrugged again. "Nothing's new and interesting."
"Bakit naman?!"
"Busy sa studies," I answered and smiled a little.
"Oh yeah, I even heard you took a summer class?! Were you aiming to top the LET?!" ani Peach and chuckled.
Pero hindi ako natawa. Bigla ding nawala ang ngiti nina Kala at napatahimik. Ramdam kong nag-iba ang atmosphere kaya napatahimik ang iba. Hindi ako lumingon kay Gahala kahit nakita kong napalingon siya sa akin matapos marinig iyon.
"Did I say something wrong?" Litong tanong niya at kita ko ang pag-irap ni Vien.
I gave her a soft smile and shook my head. Hindi niya naman alam ang nangyari kaya alam kong hindi niya sinasadya. Wala na akong sinabing iba at nag-iba na ang topic pagkatapos noon.
"Love, I want to rest na."
Napasulyap ako kina Gahala nang marinig ang binulong ni Yacey. Gahala looked at me while he's kissing her forehead. It was another grip in my heart. I turned away because I kept seeing flashbacks.
"Okay, let's go," he whispered back saka nagpaalam sa mga kasama namin sa cottage.
Hindi ko sila tinapunan ng tingin nang umalis. Some of our former classmates are looking at me, and I was having difficulty pretending like nothing happened.
Damn it. Get a grip. Nakamove on ka na hindi ba?!
"What were we talking about again?" kuha ko ng atrnsiyon nila. I sighed nang magsi-usap ulit sila na parang walang nangyari.
Naging normal naman ang sunod na nangyari pero napatigil kami nang may magsigawan.
"Hoy gago! May nagsusuntukan do'n!"
"Dude the fuck, si Okin!" I turned to the familiar person. Lumingon ako saka tiningnan kung nasaan si Dolly pero hindi ko makita.
Kinabahan ako at sumunod sa kanila kung saan may pumapalibot. Nag-alala kaagad ako nang makitang si Dolly iyon. Kala's and Vien are already there.
"Disrespect her?! Tangina. Knoxx didn't disrespect her! She was the one who disrespected herself! Pati jowa ng iba kinakantot niya! Desperada!"
I turned to Dolly after I heard that. I was waiting for her reply but nothing came. Disappointment slowly ate me. Was that true?
Kaagad na may umawat kaya hindi na lumala ang away. I apologized to Azul for ruining her party, but she just assured me that it's fine. Umalis na kaagad kami do'n.
Napatigil pa ako sa paglalakad a parking lot nang makasalubong si Gahala. Tiningnan ko lang siya at naramdaman ko naman ang pamilyar na sakit pero nilampasan ko lang siya.
"Yung boyfriend niya ang unang pumatol sa akin!"
"Bullshits!" I was pissed because of her unreasonable excuse.
Hindi ako makapaniwala na nagawa niya nga 'yon. I still hoped that she didn't.
"Yes, he was the one who insisted, but you had a choice! Nasa iyo ang desisyon kung papatol ka o hindi!" I was enraged kahit hindi ako ang ginago niya kasi alam ko ang pakiramdam.
"You don't have any reason. Admit it! Alam mo sa sarili mo kung anong ginagawa mo! Alam mong makakasakit at makakaapak ka ng iba, pero tinuloy mo pa rin!" Naaalala ko si Yacey sa kaniya at ang sakit non dahil kaibigan ko siya.
"Nandoon ka noong naranasan ko iyon! Nakita mo ako kung paano ako nasira! Kung paano ako nawasak and how I lost myself in the process! You saw me questioning my worth, and how I fucking almost gave up on myself! Lahat ba ng sakit na pinagdaanan ko sa parehong rason, biro lang lahat sa 'yo?!"
Hindi ako galit sa kaniya. Galit ako sa ginawa at desisyon niya. At galit ako dahil naalala ko yung nangyari sa akin dahil sa kaniya. Kaya apektadong-apektado ako kasi alam ko kung gaano kamali ang ginawa niya at kung gaano kasakit.
"Alam mo ba kung ano ang magiging epekto noon sa kanya?" I asked, starting to slap her with reality so that she will wake up. "She will start doubting herself! She will question her worth! She will be paranoid and insecurities will eat her up! She will be traumatized! Magtatanong siya kung anong kulang sa kaniya! Kung anong mali sa kaniya! Gabi-gabi siyang iiyak! Those questions will haunt her forever! Alam mo ba ang pakiramdam no'n?! Sobrang nakakagago 'yon! You will be the reason for someone's pain and trauma! Does that make you feel good?!"
I remembered how I suffered every time I threw those words at her. I could see myself crying in the room, agonizing over my bleeding heart. I could see myself looking so helpless and tired from everything.
I looked upward because I could feel myself tearing up. Naawa na naman ako sa sarili ko. I gulped hard and looked at her crying.
I wanted to make her understand that what she did can destroy someone. Kahit sana hindi niya na ako inisip. Kahit nirespeto niya na lang ang sarili niya.
I was so suffocated after that confrontation. It made me remember the pain again. It stung again. Para akong hindi makahinga sa sakit.
Seeing him today and this incident reopened and triggered my wounds.
Iniwan ko si Kala sa kama na nag-insist na katabi kong matulog ngayon at pumunta sa CR at nilock iyon.
I gulped when my face immediately heated up and my eyes watered. A whimper escaped from my mouth as flashbacks came into my mind again. I covered my mouth to suppress my cries.
Napaiyak na lang ako sa tiles habang tinatakpan ang bibig ko para walang makarinig. Awang-awa na naman ako sa sarili ko. Napapatanong na naman ako kung bakit niya iyon nagawa.
Hindi ko na siya mahal. Pero sa tuwing naaalala ko ang ginawa niya, hindi ko mapigilang hindi mapaiyak. Because after everything, I still don't know why I deserve that kind of pain.
Masama ba akong tao? As far as I can remember, I stayed true to him. I gave him everything. I didn't do anything bad to him. Hindi ko siya sinaktan, so why do I deserve that? Hindi ko pa rin maintindihan.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nagkulong sa CR. I broke down and after hours, I got tired from crying. Nakatulala na lang akong nakatingin sa kawalan while my heart is still bleeding. My thoughts were running wild and hazy.
One day, you'll stop loving him but the feeling of being unworthy won't. The constant wondering where you went wrong will continue to haunt you. It will chase you everywhere you go, and the painful part is, you don't have the answer.
Nang mapakalma ko na ang sarili ko, doon lang ako lumabas ng CR. Namumugto na ang mata ko nang maupo ako sa kama.
I took my medications and drank a few tablets of sleeping pills, wanting to escape this unbearable pain again tonight. Ayokong mag-isip pa tungkol sa kaniya. Gusto ko nang matulog ng mapayapa.
I was already doing okay, but after seeing him today, I cried again while going to sleep.
Naging matamlay na naman ako pagkatapos. I kept thinking about our interactions after months of not seeing each other.
Just one look and I was back in my past again. Parang wala akong pinagbago at 'yon ang kinaiinisan ko. Okay na ako, hindi ba? Anong nangyayari? I really need distractions this time.
"Saan ka pupunta?" I asked Kala when she was about to go out. Nakapang-exercise siya na outfit.
She stopped and looked at me. "Sa gym. Bakit?"
Natahimik ako sandali. "Sama ako," sambit ko saka hindi na hinintay ang kaniyang sagot. Pumasok sa room para magbihis.
I wore Adidas leggings and a sports bra. I partnered it with white shoes. Nakaponytail lang ang buhok ko at nagsuot din ako ng sweatband sa noo.
Her brows furrowed when she saw me coming out of my room. "Anong nakain mo aside sa reviewer?" Nagtataka siya kung bakit naisipan kong mag-exercise.
I rolled my eyes. "I just need a distraction."
"From what?"
Natahimik lang ako saka hindi siya sinagot.
Mabuti na lang at hindi ako kinulit.
I was so inspired to exercise noong una kasi gusto kong ibunton sa iba ang nararamdaman ko pero warm up pa lang, hiningal na ako. Tinatawanan na nga ako ni Kala but at least nakalimot nga ako kahit papaano.
Uminom ako ng tubig at hindi sinasadyang napatingin sa pintuan ng gym nang bumukas.
Halos maibuga ko ang iniinom ko nang makita ang pumasok. Tangina...umiiwas nga ako tapos ganito ang bungad.
"Kaurat sa Environment Laws dude, ayoko na ata." reklamo sa kaniya ni Theros.
Trinay kong tumalikod at nanalanging sana hindi nila ako nakita o napansin man lang kahit ramdam ko sila sa likod ko. Fuck. Hindi ba weird kung patalikod ako sa direksiyon nilang umalis?
"Hey Amara! Go here na!"
Halos manlamig ako nang sumigaw si Kala. Gusto ko siyang pagmumurahin.
"Amara?" I heard Yule asking in a confused manner. Mukhang narinig si Kala. "Dude diba si TOTGA mo 'yon?" he teased and laughed.
"Shut up," Gahala hissed in his baritone voice.
I gulped. Shit. Damn. Fuck.
"Amara!" Lumapit na sa akin si Kala. "What are you doing ba--" natigil din siya sa pagsambit nang mapatingin sa likod ko. "Ay shet may pogi," she whispered instead of being aware that Gahala's there! Nakuha niya pa talagang mag-ayos ng buhok!
Nakangiwi akong lumingon sa kanila kasi nakababastos naman kung hindi ko papansinin. Gahala was looking at my face. He looked down at my body and his brows arched a little. I got conscious all of a sudden.
"Oh! Amara! Hi!" ngiting bati ni Yule saka siniko si Gahala.
"Hello," ngiti ko ng kaunti saka hinila na si Kala paalis. Kanina pa siya nakangiting nakatingin sa dalawang lalaki tapos tataas ang kilay kapag napapabaling kay Gahala.
We exercised pero hindi naman ako makaconcentrate kasi nasa malapit lang siya. Parang gusto kong maiyak sa kamalasan! Nagpasakit ako dito para sa wala! Inis na inis ako habang nag eexercise.
Hindi pa nakatulong na nagbabarbel siya doon. Nadididstract ako sa muscles niya. Shit. Bakit ba ako tumitingin doon?! Parang kailan lang kasi dalawa lang abs niya tapos ngayon.. ugh.
"Ayoko na," I breathed after doing the treadmill. Hinintay ko pa si Kala na matapos doon sa stability ball. Ayokong pumuntang mag-isa kasi baka magkasalubong kami ni Gahala.
"Scared na scared ka niyan?" Kala teased while wiping her sweat. "Akala ko ba nakamove on ka na?"
"Oo nga," Iritang sambit ko.
She laughed while we are walking. " Pikon na pikon ka, Tieixera."
"Shut up, Loyola." Irap ko. "What?" I asked with brows furrowed when she suddenly nudged me. She gestured me to look in front kaya kunot-noo akong napatingin.
"Water?"
Napatigil at napatahimik kami ni Kala nang bigla na lang tumigil sa harapan namin si Gahala at inabutan ako ng tubig.
Napalunok ako kasi pawis na pawis siya at sa harapan ko pa mismo nagpunas. Kita ko tuloy ang paggalaw ng muscles niya! Tangina. Hindi ako makatingin ng mayos sa kaniya kasi nakakaakit yung katawan niya.
Dumb fuck, Keleya Amara. Ang bobo mo talaga! Stop thinking about it! My god. It's not yours anymore. You can't touch it anymore.
I fucking hate myself for thinking this. I sighed deeply, forcing myself not to curse.
"No need. Meron ako," I sternly answered and met his eyes, forcing myself not to look down at his muscles and lean shoulders. "But thank you."
Tumingin ako kay Kala para yayain na sanang umalis na pero ang gaga, hindi natahimik dahil kay Gahala kundi dahil nakatingin sa katawan ng ex ko! Sinabunutan ko nga paalis. She even hissed and pouted at me!
"Ang kapal ng mukha niyang kausapin ka ha!" late reaction niya nang bitawan ko na ang kaniyang buhok.
"Ha," I mocked. "Really?" Parang loading pa siya. It looks like she's dreaming about the body since she's smiling like an idiot.
"Oo nga!" she hissed and laughed. "Pero ang kapal din ng muscles niya ha!"
I frown. "Iyon lang?" Nakita ko siya kaninang tumingin kung saan-saan.
"Makapal din 'yong gitna bhe," tawa niya at mas natawa pa ng samaan ko ng tingin. "Hindi ko sinasadyang mapalook ha! Automatic lang talaga yung eyes ko! Pero natikman mo 'yon?! Sana all!"
"Tanga ka talaga," batok ko. " Hindi lang ako nakatikim non, si Yacey din. " Paalala ko sa kaniya kaya umasim ang kaniyang mukha. Inilingan ko siya saka nauna na.
"Hi Amara!" Binati ako nina Yule nang makalapit na kami sa bench.
"Yeah?" I awkwardly asked. Napatikom ako ng bibig nang akbayan niya ako. Hindi naman siya puno ng pawis kasi hindi naman nage-exercise. Parang pumunta siya dito para mag-picture sa salamin for aesthetics.
"Lagi ka dito?" he asked, but I couldn't really concentrate because I saw Gahala approaching us. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa pwesto ko.
"Woah," Yule whispered when Gahala nudged him on the shoulders hard. "Bro?!" reklamo niya. "May problema ka sa akin?!"
Tumingin siya sa direksyon namin. He looked at me first before looking at his friend. He pursed his lips tightly. "Wala naman. Hindi lang talaga kita nakita."
"Maliit ba ako para hindi mo makita ha?!" pikon ng isa.
"Ye..ah." Mabagal niyang sagot saka tumingin sa panggitna ni Yule na parang may pinapahiwatig.
I bit the inside of my cheeks to force myself not to laugh. Gahala looked at me when a puffing sound came out. I looked away kasi baka mag-assume siyang okay na kami kasi natawa ako. I faked a cough and turned my expression serious.
"Huwag kang makinig diyan Amara! Malaki 'to," yabang niya sa akin at binaling ako sa ibang direksiyon para hindi ko makita si Gahala. "Gusto mo bang patunayan ko sa 'yo Amara?" bulong niya.
"No thanks," nandidiring sagot ko kaagad na nagpahalakhak sa kaniya.
"Aray!" Yule stopped laughing and hissed when someone threw him an empty bottle of water. Nasapol siya sa ulo.
Napatingin kami kay Gahala na nagbubukas ng tubig. Siya lang naman kasi ang malapit sa amin. He looked at us and raised his brows like he's asking kung ano ang gusto namin. I just looked away.
Yule was talking to me about things, but I kept moving uncomfortably in my place because I could still feel Gahala's stares while he was drinking water. I gritted my teeth kasi ng tenga ko nakafocus sa kung ano ang ginagawa niya. I could hear his every gulp and even when he closed the bottle. Damn this body.
It felt like a sin since he has a girlfriend.
"Diba Amara?! Nakakatawa diba?! Bobo kasi si Theros," tawa niya at nakisabay na lang ako kahit hindi ko gets ang mga sinasabi niya.
"Tangina mo bro ah! Anong problema mo?!" pikong tanong ng isa nang bungguin ulit siya ni Gahala at nilagpasan lang kami. Napaalis pa ang kamay ni Yule na nakaakbay sa akin dahil sa lakas ng pagkakabunggo.
Tinaasan lang siya ng panggitnang daliri ng huli bilang sagot.
"Hindi ka babae kaya huwag kang umarte ha!" Yule hissed and followed him.
Lumapit kaagad si Kala nang makaalis na sila. "Who 'yon? Please introduce me!" Pagmamakaawa niya habang sinusundan ng tingin si Yule.
I shook my head and did a cool down. I rested a little before taking a shower. Lumabas din ako kaagad nang tapos na. I jumped in my place when I saw Gahala leaning against the wall.
Lalampasan ko na sana kasi wala naman kaming dapat pag usapan pero napatalon ako sa aking kinatatayuan nang hawakan niya ako sa braso. Natabig ko ang kamay niya nang malakas sa gulat.
He was startled. "Sorry. I... didn't mean to surprise you."
My brows furrowed as waves of uneasiness washed over me. "What do you need? I'm busy, so hurry up," I asked impatiently.
"Amara, ano..." he whispered and cleared his throat.
I flinched when I heard him call my name after months. It still made a twist in my stomach, like something was tickling me inside. I sighed and closed my eyes tightly before looking at him. "Ano nga?"
"Pupunta ka sa celebration nina Louisa?"
I stared at him for a few seconds, processing what he asked. Iyon lang ba ang tanong niya? Mukha siyang tanga. "Yeah. "
He stared at me and nodded. He smiled a little, which made me cursed myself because my body reacted to it. "Okay, see you there."
Iyon lang naman ang tinanong niya at umalis na siya. Sinundan ko lang siya ng tingin na puno ng pagtataka.
"Tara na bro," aya niya sa mga kaibigan niya.
"Bye Amara!" Yule waved his hand at me at napa-igik sa sakit kasi sinampal iyon ni Gahala.
"Anong sabi?" chismis kaagad ni Kala nang makaalis na sila. Mukhang nakita ang ginawa ni Gahala.
Umiling lang ako saka kinuha ang aking mga gamit. "Wala naman. Tinanong lang ako kung pupunta ako sa celebration na sinasabi ni Louisa."
"Huh?! Bakit niya naman itatanong 'yon?" Even Kala is confused.
I shrugged, "Tanong mo sa kaniya."
"Baka gusto kang makita bhe!" she laughed.
Hindi ko iyon pinansin at nauna ng maglakad. Sumunod naman sa akin si Kala.
Parang ayoko nang pumunta dahil sa sinabi niya. Kinakabahan ako habang papalapit ang araw ng celebration. Alam ko kasing nando'n siya. Should I make some excuse so I can't attend?
After seeing Gahala again, parang biglang lumiit ang mundo namin. We kept bumping into each other. Our eyes would suddenly meet in the middle of the crowd. Nginingitian niya ako minsan and even greeted me sometimes!
Naiirita ako kasi kung umasta siya parang wala lang. Did he think we are already okay dahil doon sa huli naming pag-uusap? Noong mahal ko pa siya noon kaya kahit mali ang ginawa niya naiintindihan ko. Lero ngayon, galit na yung nararamdaman ko sa kaniya kaya huwag siyang umastang close kami! Nagising na kasi ako ngayon. Na-realize ko lang na ang kapal ng mukha niya.
Pumasok ako ng university pero tumigil muna ako sa isang coffee shop. The last time I entered here was months ago. Wala na sana akong planong pumasok dito ulit, but I just need a strong coffee to calm my nerves right at this moment.
Nastress ako kay Gahala because I was supposed to be okay since I had moved on, pero lagi na naman akong nabobothered! Hindi rin nakakatulong ang field study namin. Sobrang demanding sa energy.
I wanted to take a break and have a peaceful day with my coffee, but it seems like the universe doesn't want me to be at peace.
I closed my eyes tightly and sighed deeply after seeing Gahala and his girlfriend inside the coffee shop. Dammit. Sobrang layo nito sa university nila, kaya bakit nandito sila? Nangiinis ba sila o ano?
I was about to turn around and go away before they could even see me, but before I could do that, nakita na nila ako. Napapeking ngiti ako bigla.
His girlfriend is already smiling sweetly at me, while Gahala's just looking.
What should I do? This is so awkward. I just want to run away, but that would be so cowardly. Bakit ba ako pa ang apektado? Dapat wala akong pakialam sa kanila. Dapat parang estranghero lang sila sa akin!
I took a deep breath, gathering my strength before walking closer to them. I didn't stop even when I was right in front of them.
I walked past him with my head held high and without meeting his eyes, as if he had never been a part of my life. After that, I didn't even look back.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro