SCW 3
"Our lesson for today is Sequence. Does anyone right here know what the sequence is? "
"Pagkakasunod-sunod 'yan Ma'am!" Marwan shouted back with a smug smile, quite proud of himself.
"That's the Filipino word of sequence, Nak. Hindi 'yan meaning, but thank you for sharing your idea," sambit ni Ma'am kaya pinagtawanan siya, especially yung mga tropa niya at sinabihang manahimik na lang.
I raised my hand, and Ma'am gazed at me, "Yes, Ms. Teixiera?"
I stood up and answered, "A sequence is a function po whose domain is the finite or the infinite set."
"Yes." She nodded and gestured to dismiss me, so I sat back down in my chair. "A sequence is a function whose domain is the finite set or the infinite set. Now who can tell me, what is the difference between a finite and an infinite set?"
Nagtaas ulit ako ng kamay kaya lahat sila napatingin sa akin.
"Tama ka na Amara! Nakakadami ka na!" parinig ng isa kong kaklase that made me smile a little.
"Mr. Mendez?" turo ni Ma'am sa nanahimik kong kaklase sa gilid.
"Present Ma'am hehehe." Sagot niya.
"But the brain is absent, I see?" Our teacher asked, which made us laugh a little.
"Pasensiya na Ma'am, hindi ko po alam eh," kamot ulo niya kaya hinayaan na siya.
"That's fine. You may sit down. "
"Share naman diyan beh. Baka tawagin ako e," bulong ni Vien.
I frowned at her. I was about to tell her the meaning, but then Ma'am turned her eyes in our direction. Sabay tuloy kaming napaupo ng maayos.
"Wala na bang ibang nag-advance reading maliban kay Ms. Teixeira, and Mr. Lualhati? Still the active students when it comes to oral recitation, huh?" she commented. Naging teacher na din kasi siya namin noong grade 8.
Kaagad napaiwas ng tingin ang mga kaklase ko at kung saan-saan na napunta ang mga mata. Ang iba ay biglang napatake down notes at nagsulat ng kung ano-ano.
"Ikaw na sumagot Ayel, please. Ayokong mapahiya lalo na't may pogi tayong kaklase. Ikakamatay ng buong pagkatao ko. " I chuckle a little because of what Dolly have said.
"Yes, you at the back with an unfamiliar face. What's your name?"
"Gahaldon Silva, Ma'am," he answered in a deep voice after standing up. Kinilig naman ng kaunti ang mga kaklase ko.
Kita mo 'tong mga 'to. Tikom ang bibig sa recitation pero ang daming masabi pagdating sa lalaki.
"You are the transferee?" Ma'am asked while scanning the master list.
"Yes, Ma'am. " He confirmed with a smile.
"Okay." Ma'am nodded and wrote something on the paper before putting it down. "What's the difference between finite and infinite, Mr. Silva? "
He answered the question smoothly and even gave an example. I noticed that he used the PREP speech pattern as he answers. Nakatingin lang kaming lahat sa kaniya kasi sobrang detailed ng pagkakaexplain. Nagets agad namin. He's even gesturing with his hands while speaking. He have this aura na kapag nagsalita siya, wala kang magagawa kung hindi ang makinig.
Ma'am nodded in satisfaction when he finished explaining. Nagpatuloy na din si Ma'am sa pagtuturo pagkatapos. "Now that you already know what a sequence is, let's go to Arithmetic, Geometric, and other sequences."
Seryoso lang akong nakikinig sa guro habang nagtetake down notes. Mas maganda kasi kapag nakikinig ka para kapag magpasurprise test sila may stock knowledge ka. Iyong iba kong kaklase ay nababagot na. Natauhan lang sila nang iannounce ni Ma'am na may quiz kami bukas.
"Nakalabas ngang buhay pero yung grades ko naman ang patay!" nguso ni Vien habang papunta kami sa canteen.
"Hindi ko gets kanina kung paano nakuha yung common ratio sa geometric sequence. Nalito ako sa kanila ni arithmetic sequence." Stress na reklamo ni Dolly.
"Tapos we have a quiz pa tom! Hindi ba natin vacant tomorrow in math?" tanong ni Kala, umaasang maliligtas siya.
"No. Sa friday pa." Sagot ko.
Kahit ako kinakabahan. Sa math talaga ako lagi nadedehado.Gets ko naman pero pagdating sa test parang nakakalimutan ko na lahat.
"Magspaspaghetti ako sis! Ikaw ba?" tanong ni Dolly kay Kala nang makarating kami sa canteen. Siksikan pa kasi ang daming tao.
Hindi ko na sila pinansin dahil kaya naman nila sarili nila. Bumili lang ako ng dalawang biscuits at saka isang c2. Natagalan pa ako sa harapan dahil nag-aalangan ako kung bibili pa ba ako ng chuckie. Hindi para sa akin, kundi para kay Gahaldon.
Naalala ko kasi iyong ginawa niyang paglibre. Hindi na ako nakapagpasalamat sa kaniya kasi umalis din siya kaagad.
Tama naman siya doon sa sinabi niyang magiging close na kami sa susunod lalo na kapag tumagal na kaming magkaklase. Pero nakakahiya pa rin. Pakiramdam ko may utang na loob ako sa kaniya at ayoko no'n.
Bumili tuloy ako ng chuckie para ibigay sa kaniya. Ayaw niyang tanggipin iyong pera ko kaya siguro tatanggapin niya 'to.
"What's this?"
I frowned at him when I saw how humor danced in his eyes. Parang bigla akong nagsisi na naisip ko na magiging close kami.
Nakatayo ako sa harapan niya habang nakaupo naman siya sa kaniyang upuan. Kahit iyong ibang lalaking kakalase namin ay takang nakatingin sa akin, nagtatanong ang mata nila kung bakit binigyan ko ng chuckie si Gahala.
"Crush mo ba, Ayel?"
"What?" kaagad na tanong ko when I heard Florian's question. Mapapansin kaagad na hindi ko nagustuhan ang ideyang iyon base sa tono ng aking boses.
Natawa sila sa reaksyon ko at dahil kaagad na kumunot ang noo ko. Nasa likuran kasi namin siya at nakaupo siya sa table ni Sir. Nasa gilid din no'n ang broom box tapos ang ibang lalaki ay doon nakapwesto, malamang naglalaro na naman ng ML.
"Ayiiiee, si Ayel oh, lumalovelife," Marwan teased and wiggled his brows playfully. " Ikaw na ba si Mr. Right oh yeah, ikaw na ba ang cupcake sa icing ko, yeah yeah."
Inirapan ko sila bago balingan si Gahaldon, "Compensation. I don't really like it when I'm in debt to someone."
He softly chuckles, "Hindi nga iyon utang. Libre nga 'yon."
"Still. It's making me uncomfortable." Kaya please, tanggapin mo na.
"Hoy! Ano 'yan?!" takang tanong ni Vien nang makita kami, nalilito. Kakapasok lang nilang tatlo dahil nag-cr sila. "Bakit may pabigay-bigay?! Bakit ako wala?!"
"Nothing. It's not a big deal," I explained to her quickly.
Napakamalisyosa niya pa naman! Kala is even raising her brows at me, and Dolly is already looking at me suspiciously! May mali ba sa ginawa ko o weird? Parang wala naman!
Gahaldon's side of lips lifted but he didn't say anything. Mukha siyang tuwang-tuwa.
"Ayaw mo ba pre? Akin na lang!" sambit ni Marwan at kukunin na sana ng mabilis itong kinuha ni Gahala.
"Wala naman akong sinabing ayaw ko."
"Luh, " gulat na tugon ni Marwan.
"Bakit ka galit, pre?" tawanan ng mga lalaki sa likod na nanunuod, whistling playfully. "Para ka namang inagawan!"
"Hindi a." Tanggi ni Gahala with a smile, much calmer now.
"Weh," tawa nila.
"Baka ano mo pre is ano pre ha," makahulugang ani ni Gray habang nakangisi, parang nang-aasar lang.
"Ano?" Tanong ni Gahaldon pero natatawa din. Parang gets niya yung tanong. Ayaw niya lang sagutin ng diretsuhan.
"Na ano mo nga si Ano." Ulit ni Gray while still laughing! Kahit it seems like yung tinatanong niya, naconfirm na.
Gahaldon laugh with him and shrugged, kasabay no'n ang medyo hiyawan ng mga lalaki sabay mura sa kaniya. Nakipag-apir pa sila isa't-isa at napasipol. Pati si Lamore na kasama nila ay natatawa. Naintindihan kaagad nila kahit wala namang sinabing klaro yung huli. Ano iyon? Boy's instinct?
"Iyong ano?" takang tanong ni Vien saka lumapit kay Lamore para makichismis.
"Gahala pare! Bakit hindi ka nagsabi?!" halakhak ni Ar-ar, bakas sa boses ang pang-aasar "Siya pala tinutukoy mo, gago."
"What?" Gahaldon raised his brows playfully which made mine furrowed. Ako ba iyong pinag-uusapan nila?
"Mahihirapan tayo d'yan!" ani Raven tapos iyong mga mata niya ay nangtutukso. "Wala pang may nakapasa!"
Gahaldon playfully rolled his eyes and grinned. "Malay mo ako makauna."
The guys did the mini celebration, "Naks! That's my man! Ganiyan dapat!"
"Hoy yung ano? Hindi ko gets! Sabihin niyo din sa akin!" reklamo ni Marwan. "Mga gago oh! Hindi ba tayo tropa?"
"Ulol, shut up ka na lang daw bro." sambit ni Lacaus na tinapik-tapik ang balikat ni Marwan.
Hindi ko na sila pinansin kasi hindi ako makasabay sa kanila. Naupo na lang ako sa tabi ni Gahaldon kasi Araling panlipunan na naman namin so meaning katabi ko siya. Sana lang hindi niya ako istorbuhin ngayon. Pwede naman siyang magtanong basta related lang sa studies.
Napalingon ulit ako sa mga boys nang sabay-sabay silang napaubo sa likuran namin. Halata namang mga peke at talagang gusto lang mang-asar.
"Ehem, ehem, sana all."
I knotted my brows at them because they are looking at me mischievously. They have this evil grin that I only saw on television.
"Gago, lagot kayo sa akin kapag nahalata niya." Natatawang sambit ni Gahaldon sa kanila at sinulyapan ako. Napakamot siya ng namumulang batok saka umiwas ng tingin ng may masayang ngiti sa labi.
Napairap na lang ako sa kanila kasi parang ginagago nila ako. Napatingin ako kay Vien nang umupo siya sa kaharap kong upuan. Wala pa si Sir kaya kahit saan-saan lang sila umuupo.
"What?" inis na tanong ko nang titigan niya ako habang umiinom ng apple juice.
She swallowed and smirked at me, "Wala. May alam ako na hindi mo alam."
Umingos ako, "About what?" Pakiramdam ko related sa pinagtatawanan nila ngayon.
Mas lalo siyang ngumisi, "Secret. Alam kong hindi ka interesado. "
"Okay," I simply answered and shrugged. Tungkol ba saan iyon?
"Ano iyon? Sabihin niyo sa akin!" takang tanong ni Dolly, pati si Kala naintriga. Nakitanong din sila doon sa mga lalaki pero pinagtripan lang sila.
My brows furrowed when they whispered to each other.
"What?!" Kala hissed and looked at me with wide eyes. "Weh?! Is that true ba?!" balik na tanong ni Kala kay Vien.
"Oo nga, bobo. Bahala ka diyan kung ayaw mong maniwala. Tingnan mo yung bawat galaw ni guy. Tingin pa lang ubos na. Rawr."
Mga chismosa.
"Gago, totoo?" tawa-tawang sambit ni Dolly at bumaling sa direksyon namin. "Gahala, bakit hindi ka naman nagsasabi?"
"Huh?" natatawang tanong ni Gahaldon. Kanina pa siya tingin nang tingin sa akin tapos sayang-saya sa reaksyon ko.
"Ano ba iyon?" naiirita ng tanong ko. Kanina pa sila ha. "Are you making fun of me or what?"
Gahaldon laughed, "They are not."
"Then what?"
I groaned in frustration when they just laugh at me.
"Wala iyon Ayel, huwag mo na lang iyong isipin." Lamore said while chuckling.
"Umuwi na kayo Vien, si Ayel na nanalo," yabang sa kanila ni Marwan na mukhang na gets na kasi sinabihan na siya. Tinabig ko ang kamay niya nang pinatungan niya ako ng invisible na korona.
I rolled my eyes at them, "Lumabayan niyo nga ako."
Nilubayan nga nila ako dahil naglaro na sila ulit doon kasama si Vien. Nakagalaw din ako nang maayos dahil umalis din sa tabi ko si Gahaldon at nakilaro din sa kanila.
"Ano na naman?" tanong ko kay Dolly nang tumabi siya sa akin, umupo siya sa upuan ni Gahala tapos sa isang tabi ko ay si Kala naman.
"Wala teh. Ganda mo ah. Haba ng hair," tawa niya.
"You set the new high score Ayel! In just a short span of time, nabingwit mo kaagad ang rare item! Sana all, " kinikilig na sambit ni Kala habang kinukuyog ako sa balikat. " Baka naman pwedeng pasabunot sa hair mo girll?"
"Ewan ko sa inyo," pagsusungit ko dahil sila lang naman ang nakakintindi ng mga pinagsasabi nila.
Kinulit pa nila ako kaya halos pagsisipain ko sila paalis. Tinigilan nga nila ako kaya nakapagbasa ako ng matiwasay. Slight lang pala kasi ang ingay nila sa likod. Nag-earphones tuloy ako.
Ang tagal ni Sir. Sabi daw may meeting sila ng grade 10 teachers pero babalik din daw kaagad. Napatigil ako sa pagbabasa nang may kumalabit sa akin. Napalingon naman ako and saw Gahaldon.
"What is it?" I asked impatiently after kong kunin ang earphones sa aking tainga.
"Gusto mo ba ng kiss?"
My lips parted slightly out of shock. "What?!" I hissed. Tama ba narinig ko?
Ngumuso siya, mukhang pinipigilang mapangiti, " Gusto mo ba ng kiss ko?"
"Absolutely, no!" Halos isigaw ko 'yon sa pandidiri. Bakit ko naman kakailanganin ang halik niya?! Eww!
"Aww," hindi ko alam kung nasaktan siya nang sinabi niya 'yon o natatawa dahil sa reaksiyon ko! "Gusto lang sana kitang bigyan ng kiss ko," nagpanggap na nasaktang ani niya saka pinakita sa akin ang kiss na fish cracker!
I gasped and stared at him unbelievably. "Damnit!" Hindi ko mapigilang mura kasi nakakadalawa na siya sa akin! Ang hilig niyang pagtripan ako gamit ang pagkain!
"Pre, ayaw niya ng kiss ko!" Tawang sumbong niya sa mga kaibigan niya bago ko pa siya masabunutan.
Parang kinatyawan pa siya ng mga lalaki kasi tinapik-tapik nila siya. Tumigil lang sila nang pumasok na si Sir. Kaniya-kaniya silang balikan sa mga upuan nila.
Napatingin ako kay Gahaldon nang ginalaw niya ang upuan niya palalapit sa akin saka naupo. Nginitian niya ako nang makitang nakatingin ako sa kaniya. Kinunutan ko siya ng noo saka tumingin kay Sir.
I frowned when I heard his low chuckles. Bakit ba feeling close siya?!
"Ang sungit ni singkit," bulong niya pa kaya hindi ko mapigilang mapairap.
"Good morning class."
Napatayo kaming lahat. "Gooddd morrrrninggg, Sir!" bati namin sa pang elementary na boses.
"You may sit down." Utos niya na sinunod naman namin. " So ngayon, hindi muna tayo magklaklase kasi mag eelect muna tayo ng officers sa room natin ha?" Bungad ni Sir nang makaupo na kaming lahat na siyang nagpasaya sa kanila. Paniguradong puro kalokohan na naman 'to.
"Okay, let's start. The floor is now open for nominations for the position of President. Is there any nominations?"
Halos lahat kaagad ay nagtaas ng kamay.
"Yes, Mr. Piñafloor."
"I nominate Lamore for the position of President, Sir!"
Kaagad napahiyaw ang mga lalaki at nagusap-usap na kay Lamore na sila boboto.
"Sir," taas kamay ni Florian. " I second the nomination."
"Mr. Lualhati, do you accept the nomination for President?" tanong ni sir kay Lamore.
Tumayo si Lamore at tumango bilang pagsang-ayon. "Nomination accepted po, Sir."
"Mr. Lualhati is now nominated for president," sambit ni Sir at nilista ang pangalan ni Lamore sa blackboard. Nang matapos ay tumingin ulit siya sa amin. "Is there any more nominations?"
"Sir,"
Napalingon kami kay Gahaldon nang magtaas siya ng kamay.
Ngumiti si Sir, "Yes, Mr. Silva."
Tumayo siya, "I nominate Keleya Amara for President."
"Huh?" kaagad na react ko at gulat na napatingin sa kaniya nang marinig ang pangalan ko. Kasabay no'n ay ang ugong ng tuksuhan ng mga kaklase ko na hindi ko alam kung saan nanggaling! Nangunguna pa ang mga lalaki! Napasipol-sipol pa sila!
"Ano ba 'yan! Mahirap na tuloy mamili!" tawang-tawang sambit ni Vien.
Ngumiti lang sa akin si Gahaldon nang kunot-noo ko siyang tiningnan.
He sat down and drew his face closer to whisper. "What?" he asked after seeing my reaction. " I saw that you're suited for the position that's why I nominated you."
I was about to open my mouth to say something when Dolly raised her hand. "Sir, I second the nomination," sambit niya habang nakatayo kahit hindi pa siya tinatawag ni Sir.
"Ms. Teixeira, do you accept the nomination?" tanong ni Sir sa akin.
Natahimik ako saglit bago tumango. "Nomination accepted po, Sir."
Hindi naman ako against sa pagnominate niya sa akin sa President position. Curious lang ako kung bakit ako ang pinagtritripan niya mula pa kanina. And if his intention for nominating me is good or gusto niya lang ako magdusa.
"Ms. Teixeira is now nominated for president. Are there any more nominations?"
"Sir," taas ng kamay ni Marwan.
"Yes, Mr. Ramos."
"I nominate myself for the position of President."
"Gago, napakapal naman ng mukha mo!" hagalpak na tawa ng grupo niya.
Natatawa din ako kasama ang mga kaklase namin. Even Sir laugh.
"Bakit?! Gusto ko ding maging president! Walang nagnonominate sa akin kaya ako na ang nagkusa!" reklamo niya.
"Tangina pare, hindi iyon pwede," tawa ni Gray.
"Bawal ba iyon, Sir?" tanong ni Marwan.
Sir laugh a little, "Bawal pero tutal parang gustong-gusto mong maging presidente, sige. I second nomination. Now, do you accept the nomination for President?"
"Nomination accepted, sir!" nagsalute pa siya na parang army habang nakangisi.
Nagtanong pa si Sir kung may inononimate pa ba sila pero wala ng may nagtaas ng kamay.
"Hirap mamili, sino yung sayo?" rinig kong bulungan ng iba.
"Seeing no more nominations, the nomination for the position of President is now closed. For President, the following are nominated: Mr. Lualhati, Ms. Tiexiera, and Mr. Ramos. To those who are nominated, please go to the front. " Sir stated our name kaya tumayo kami at pumunta sa harapan.
"Alright. We will now move to a vote. Always remember to vote wisely. Now, raise your hands for those who are in favor of Mr. Lualhati."
Nagsitaasan ng kamay iyong bumoto sa kaniya. Dalawang beses pa iyong binilang ni Sir para makasigurado.
"Isang beses lang dapat magtaas ng kamay ha. Bawal ng magtaas ng kamay sa ibang nominee kung nakapagvote ka na," paalala ni Sir.
12 iyong vote na nakuha ni Lamore. More on guys and some of the girls. In my opinion, they did the right thing to choose him.
"Raise your hand if you are in favor of Ms. Teixeira."
Hindi ko mapigilang mapataas ng kilay nang makitang nagtaas ng kamay si Gahala. I mean, siya iyong nagnominate sa akin kaya magtaas dapat siya ng kamay but I felt weird about it. Hindi naman kami close. Papansin lang siya.
Hindi ko pagilang irapan siya nang magtama ang mga mata namin, making him chuckle again.
I only got 10 and Marwan got 8. Nanalo si Lamore na hindi ko naman dinibdib.
"Okay lang 'yan," Gahaldon cheered me up after I sat down beside him again.
Akala niya siguro sumama ang loob ko. I just frown at him.
"I am pleased to announce that Mr. Lualhati has been elected as your President. Mr. Lualhati, the floor is yours. "
"Thank you, Sir," ngiti ni Lamore at siya na ang pumalit kay Sir. "The floor is now open for nominations for the position of Vice president. Are there any nominations?"
"I nominate Keleya Amara for Vice President."
Kunot-noo ulit akong lumingon kay Gahaldon nang inominate niya na naman ako!
Inaasar na kami ng ibang mga kaklase namin dahil sa ginagawa niya!
"Ang sacuepisyos ha!" makahulugang sigaw ni Dolly.
"Umay," tawa nina Gray. "Hindi ata 'to titigil hanggat hindi nanalo si Ayel. Kay Ayel na nga tayo mga pare," aya niya sa mga tropa niya. "Para manahimik na 'tong si Gahala."
"Ano?" nakangiting tanong niya nang makita ang reaction ko.
Pafeeling close si Silva.
"I second the nomination," taas ng kamay ni Kala.
"Do you accept the nomination Ms. Teixeira?" Sir asked again for the second time.
"Nomination accepted, Sir," I answered after I stood up.
The cycle continues and this time, nanalo na ako. Hindi ko mapigilang mapairap nang makita ang nakangiting mukha ni Gahala.
Kapag ako talaga nastress sa posisyon to, siya ang sisisihin ko.
The nomination of officers continue. Ako ang naglista ng mga officers muna at pinalitan lang ako ni Ruth dahil siya ang nanalo sa secretary.
"I nominate Gahaldon Jammes Silva for treasurer."
"Kay Gahala tayo, para hindi pa siya naniningil, nagbayad na ang mga babae," biro ni Ar-ar kaya nagtawanan ang lahat.
"Oo nga naman, para imbes na tumakbo papalayo Sir, tumakbo sila papalapit!" segunda ni Lacaus.
Natatawang minura tuloy siya ni Gahaldon.
"Nagbabayad naman talaga kaming mga babae! Kayong mga lalaki lang naman ang hindi!" irap ni Sylvie.
"Oh, lumabas na ang totoo," tawa ni Sir.
"Hoy! Sinungaling!" depensa ni Ryder saka tumingin kay Sir. "Huwag kang maniwala diyan Sir, gawa-gawa 'yan ng kwento."
"Huwag din kayong maniwala sa kaniya, Sir! Certificated manloloko 'yan!" sulpot ni Ruth.
Kaagad umugong ang tuksuhan. May napakanta pa nga ng 'Muling ibalik ang tamig ng pag-ibig'. Mag-ex kasi sila. Ryder was about to open his mouth to say something but eventually close it.
"Ah, wala. Manloloko pala eh," asar nina Gray.
Ngumisi si Marwan, "Apektado pa ata bro!"
"Sagutin mo bro! Payag ka no'n manloloko ka? Isalba mo ang repustasyon mo bilang lalaki," Even Lacaus added fuel to the fire.
Ryder shook his head. "Pasensiya na, hindi kasi ako pumapatol sa mga babaeng tamang hinala," he countered and smirked at his ex before sitting down.
I immediately heard some 'oh's' and 'woah's' from my classmates.
"Kung nagbalikan na lang kaya kayo?! Dami niyong sinasabi!" Irap ni Vien. "Dinamay niyo pa eleksyon sa problema niyo!"
Natatawa si Sir, "Tama na 'yan. Kaunti na lang ang oras natin. Gahala nak, do you accept the nomination?"
Tumayo naman ang katabi ko ng may maliit na ngiti sa labi. "Nomination accepted, Sir."
Si Hayes saka Peach ang kalaban niya. Nagpavote na si Sir at nakapili na ako kung sino ang bobotohin ko.
"Who is in favor of Mr. Gahaldon Jammes Silva?"
I looked at Gahaldon, nilibot niya ang tingin sa paligid tapos napahinto ang tingin sa akin. He smiled when he saw me raising my hand.
I rolled my eyes at him that makes him chuckle like an idiot again. Kahit ata sungitan ko siya, tuwang-tuwa pa rin siya.
Well, I voted him not because he nominated me earlier but because I think he's responsible. Maloko lang siya madalas pero seryoso naman siya pagdating sa acads based on his actions and performance. Si Mama na din ang nagsabi, matalino siyang tao.
"Wala, umuwi na lang kayong dalawa! Unang boto pa lang wala ng may natira sa inyo!" natatawang biro ni Raven sa dalawang kalaban ni Gahaldon.
Bago pa lang siya dito pero nakuha niya na kaagad ang boto ng karamihan. Siya ang nanalo bilang treasurer with the vote of 38. I wonder who will win if he competed with Lamore earlier for the position of President.
Natapos kami kakaelect na puno ng tawanan at kalokohan. Kinulang oras namin kaya hindi kami nakapunta sa aming last subject na kinatuwa ng karamihan. Pakiramdam ko nga ay sinadya nila 'yon.
"Nasaan na lahat ng officers?"
"Sir," nagsitaas kami ng kamay.
"Pumunta kayo on Friday at 1 p.m sa room ni Mrs. Biona, our grade 10 coordinator. You will undergo another election for the Grade 10 council officers. Do you understand?"
"Noted, Sir!"
"Okay. Good luck. But for now, nasaan ang President and Vice?"
"Sir," Tumayo kaagad ako saka lumapit. Tiningala ko si Lamore nang tumabi siya sa akin.
Sir handed us a piece of bond paper. Si Lamore na ang kumuha at tumingin. Nakasilip lang ako para malaman kung tungkol sa ano.
"Papirmahan niyo 'yan sa mga grade 10 teachers tapos ipasa niyo sa office ng principal para mafinalize at mapirmahan niya for approval."
Tumango-tango naman kaming dalawa. Taka akong tumingin kay Lamore nang lumapit siya kay Sir saka bumulong. My brows furrowed when Sir looked at me and laugh a little. Parang may sinabi si Lamore sa kaniya.
"Oh, sige." Nakangiting pagpayag ni Sir kahit hindi ko alam ang rason. Umayos naman ng tayo si Lamore saka binigay sa akin ang bond paper. Taka ko iyong kinuha sa kaniya.
"Woy," tawag ko nang iwan niya ako!
"Ikaw na magpapirma, Ayel." makahulugang ngiti niya saka bumalik sa kaniyang upuan! Napakatamad as president a!
"Gahala, ijo. Walang kasama si Amara. Samahan mo muna."
My lips parted after hearing what Sir uttered. What the hell! Trinaydor ako ni Lamore! Sinamaan ko ng tingin ang President namin na tumatawa lang. The boys at the back grinned and maliciously whistled.
Pwede bang mag-impeach ng presidente kahit kakaupo niya lang sa pwesto?
"Po? Sir?" Inosenteng tanong ng isa na parang kanina pa nanunuod pero wala ding kaalam-alam sa nangyari.
Sir grinned! "Sabi kasi ni Mr. Lualhati ay sumasakit daw ang paa niya, walang sasama kay Ms. Teixeira. Pwedeng samahan mo muna?"
"I can do it alone, Sir," segunda ko kaagad. Wala namang problema kung sasamahan ako ni Gahala pero ayaw ko 'no! I don't know what to react when he's around. Lagi akong naiinis at minsan ay hindi alam ang gagawin.
"We can also do it together," ngising aso niya saka tumayo. Nakatingin lang sa amin ang mga kaklase namin! Ang mga tropa niya ay nangtutukso na! Panay 'ayieee, sana all'.
Wala na tuloy akong nagawa. Inirapan ko siya at nauna ng lumabas. Nauuna ako sa kaniyang maglakad kasi mas kabisado ko ang daan. Nasa likuran ko lang siya at nakasunod.
Nilingon ko siya at naabutang nakatingin sa akin. Bumusangot ako sa kaniya, "Ang bagal mo namang maglakad."
He shake his head and used his long legs. Inilang hakbang niya lang ang pagitan namin. Napaawang ang labi ko nang lampasan niya ako! Nahirapan tuloy ako sa paghabol sa kaniya!
"Teka! You're too fast naman this time!" hinihingal kong tawag sa kaniya saka tumigil. Napapaypay ako sa sarili ko habang hinahabol ang aking hininga. Bakit ba kasi siya nagmamadali?! Wala namang may humahabol sa amin!
I throw him sharp glares when he stopped walking and laugh at me. "Sorry, okay?! Ang cute mo kasing tingnan habang hinabahol ako," the corner of his mouth lifted. "Para kang penguin na sinusubukang tumakbo."
"What?!"
Napalingon ako sa gilid nang may sumita sa akin. Namula ako sa hiya nang makitang nakatingin sa akin lahat ng mga estudyanteng nandoon at pati na rin si Ma'am Casono!
"Sorry," ngiwi ko saka sinamaan ng tingin si Gahalang nakangiti sa akin nang abot-mata!
Naiirita tuloy ako sa kaniya habang naglalakad kami. Sinasabayan niya na ako at bahagya pa rin siyang natatawa. Ilang ulit ko siyang iniirapan.
"Thank you po, Ma'am," sabay na sambit namin nang mapirmahan ng kahuli-hulihang teacher ang bond paper.
Kailangan na lang naming ipasa 'to sa principal. Kaunting lakad na lang at hindi na ako makasabay sa kaniya.
"Ang sungit sungit mo 'no?" tawa ani niya sa gitna ng paglalakad namin papuntang principal's office.
I rolled my eyes, "Feeling close ka 'no?"
I puckered my lips when he laugh. I already expected that he won't take me seriously. "I'm not, alam ko lang talaga kung ano ang gusto ko."
Nilingon ko siya. I raised my brows at him, "Ano bang gusto mo? Para tigilan mo na ako. "
Ngumisi siya, "Ibibigay mo ba sa akin?"
Napakunot ang noo ko, "Sa akin ba dapat manggaling?"
He shrugged and flashed a grin, "I won't act like how I acted towards you if it's not from you, Amara."
I frown, "Ano ba ang gusto mo sa akin?"
He pursed his lips and refused to answer. Labo niya e. Paano ko 'yon mabibigay kung hindi niya sinasabi kung ano.
I stopped walking and faced him. Napahinto din tuloy siya sa paglalakad. " Do you want me to be your friend?" Hula ko lang kasi baka gano'n, gusto niyang maging magkabigan kami kaya siya pafeeling close.
"Friend," ulit niya saka natawa like it's some sort of joke. He smirked, "No."
My lips parted. Wow, did he just reject me? The thickness of his face. Edi ayaw ko din siyang maging friend!
"Ayokong maging kaibigan tayo. Pangit naman niyan kung gano'n," he shared.
My brows furrowed, "What do you mean by that? Na ang pangit kong kaibigan? Is that what you are implying?" Pagsusungit ko.
"No," he chuckles a bit.
"Kasi kung magiging magkaibigan lang tayo," ngumisi siya, "kawawa ka naman. Sayang...tayo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro