Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SCW 22

"Kayo na?!"

Hindi ko mapigilang mamula ang buong mukha nang isigaw iyon ng mga kaibigan ko.

Napatingin kasi sa amin lahat ng kaklase ko and even Sir! Medyo napaawang pa ang labi ng iba at namilog ang mata sa gulat! Dapat talaga hindi ko na sinabi sa kanila!

Gusto ko kasing sila ang unang makaalam. Sinabihan ko na sila kaninang manahimik at nangako naman sila habang tumatango-tango pa! Pero tingnan mo! Ganito ang nangyari kalaunan!

"Oh my god! Gaga ka! Isa kang malandi!" hinampas-hampas na ako ni Kala!

"Ano nga ulit 'yon? Mag-aral muna tayong mabuti? Tapos siya pa yung naunang magkajowa!" tawa ni Vien.

"Saan aabot ang study first mo?" Dolly teased.

Ngiti-ngiti lang si Gahala na kasama ang mga kaibigan niya sa katapat namin. Nasa cottage na kami para kumain ng lunch.

"Hindi ka man lang nagsabing kayo na! Kailan pa?!" dumog sa kaniya ng mga kaibigan niya.

Gahala chuckled and shyly scrathed his nape, "Kanina lang niya ako sinagot...doon sa dalampasigan," ngumuso siya, pinipigilan ang sariling huwag mapangiti ng malapad. Ang saya-saya niyang tingnan.

"So tuloy yung pagninong ko?" Sir asked, obviously teasing!

"Oo Sir, gusto mo pati binyag," Gahala joked and grinned.

"Tangina, yabang!" The class laughed after hearing his bragging. "Kakasagot pa nga lang sa 'yo!"

Sinipa ko tuloy siya sa ilalim ng mesa. He hissed pero natawa pa rin siya na para bang hindi man lang natablan. Anong binyag ang pinagsasabi niya?!

"Bakit ang layo niyo sa isa't isa? Kayo ba talaga?" Tanong ni Gray. "Pare! Hina mo naman! Tabihan mo!" Katyaw niya kay Gahala.

Napasang-ayon ang iba at napangisi kaya bigla akong nahiya. Ilang na ilang ako habang kilig na kilig sila. Tinulak pa nila si Gahala hanggang sa mapatayo at mapalapit sa akin.

"Uy, gago kayo pre," angal ni Gahala. " Nakakahiya," rinig kong dugtong na bulong niya.

I tugged Vien's shirt to tell her not to go pero talagang sapilitang kinuha kamay ko para bumitaw habang natatawa! Umusog mga kaibigan ko pagilid para magkaspace si Gahala!

I bit my lower lip and blushed as he sat beside me. Pati siya ay nahihiyang tumabi. Shit. Mukha kaming tanga. Sobrang awkward at naiilang ako!

"Ano?! Magkakahiyaan na lang kayong dalawa?!" tanong nila nang hindi namin kinibo ang isa't isa saka humalakhak. "Tangina. Mukha kayong mga tanga."

"Hiya na ako e," nguso ni Gahala. He laughed a little and scratched his neck, which was red from embarrassment. He took a glimpse at me and chuckled softly na parang kinilig. Napatakip siya ng mukha gamit ang kaniyang kamay. "Shit. Gagi. Cute mo. Hindi ko kaya."

I heard some 'Ohh's' from our classmates at mukha silang nanalo sa laban sa kanilang mga reaksiyon.

"Manok ko 'yan!" Proud pang dugton ni Marwan.

Pulang-pula na ako sa sobrang hiya. Gusto kong umalis sa pwesto ko pero hinahawakan ako ni Vien sa balikat, making sure that I'm staying still.

Gahala cleared his throat and sit up straight. He met my eyes and puckered his lips kasi napapangiti na naman siya ulit! "Ano...hi," nahihiyang bati niya sa akin na nagpahalakhak ulit sa lahat.

"Ano ba 'yan! Totoy na totoy!" katyaw nila habang natatawa pa rin.

"Walang akbay?!" Marwan added fuel to the fire!

"Gago," murang natatawa ni Gahala. He blushed because of the question. "Bata pa kami, sa susunod na," sagot niya na nagpahalakhak sa lahat, even Sir!

"Kahit holding hands wala?!"

I glared at Vien because of that. Kita na ngang awkward na awkward na kami dito tapos gano'n pa!

"Ano," alanganing sambit niya saka bumaling sa akin. "Pwede kong..hawakan kamay mo?" seryosong tanong niya na nagpatili sa iba dahil sa kilig.

Gusto kong lamunin ng lupa dahil sa hiya. Bakit kasi tinanong niya pa?! Sana ginawa niya na lang kagaad!

"Ano Ayel?!" Dolly asked with an evil grin, hinahamon ako.

Nakakahiya! Kami ang tumpok ng asaran! Para kaming pinagtritripan! Nasa amin ata lahat ng atensyon!

"Boyfriend mo naman! Wala namang masama!" Kala giggled excitedly.

Mas lalo akong namula dahil doon saka napaiwas ng tingin. Napalunok ako saka napabulong, "Pwede...naman."

Napasigaw sila dahil sa sinagot ko. "Hawakan mo na pare!"

Napasinghap ako nang maramdaman ang hawak ni Gahala! Halos manginig ang tuhod ko sa kaba! He intertwined his fingers with mine and held my hand tightly.

He raised our hands and showed them to others, which made them cheer again! Ang ingay-ingay ng cottage namin!

Ugh. Gusto kong maiyak sa kahihiyan. Dapat talaga hindi ko na sinabi kina Vien. Hindi naman siguro aabot 'to kina Mama, hindi ba?

"Double celebration tayo ngayon ah! Dapat magpapainom ka Gahala!" kuripot ni Marwan. "Ang laki kaya ng inambag ko para maging kayo!"

"Anong malaki? Lahat sa 'yo maliit," ingos niya Gahala.

Marwan gasped in pure horror. Para siyang sinaksak at hindi niya inaasahan 'yon. Kinatyawan din siya ng mga lalaki, patingin daw ng pototoy amp.

Nag-iba na ang topic nila after noon na siyang pinasasalamat ko. Pero yung ibang kaklase namin ay panay pa din ang tingin sa amin saka ngisi ng nakakaasar.

Ito namang si Gahal, hindi na binitawan ang kamay ko! Pinaglalaruan niya pa nga! Ang kaninang space na meron kami ay wala na! Nakadikit na siya sa akin! Hindi ko mapigilang pansinin.

I looked at him when I felt him kissing my knuckles. I reddened and looked away when he met my eyes! Napatingin ako kaagad sa mga kaklase ko at nakahinga ng maluwag dahil walang may nakapansin! Busy sila sa pagmix ng soju bomb!

"Let go of my hand," I whispered to him.

He shook his head and held it more tightly now. "Don't want to."

"Chansing!" tawa nila kay Gahala nang tinuntong niya ang ulo niya sa balikat ko. I just heard his chuckles, and nothing more. "Kanina hiyang-hiya pa siya eh! Ngayon inuunti-unti!"

"Ulol," he laughed and moved closer, adjusting and getting comfortable in his place.

"Clingy natin dyan pare a! Sinusulit?" Lamore teased.

"Oh, shut up." He laughed and grinned. "I know, inggit ka lang."

"Dumamoves kana kasi pre, yiee," tukso ni Marwan saka binunggo ng malakas si Lamore sa tabi niya kaya nasagi si Vien na kasalukuyang naghahati ng pakwan.

"Aray ko punyeta." Malakas na mura niya saka napalingon ng may matalim na tingin sa isa. "Ayusin mo ugali mo ha!" Banta niya kay Marwan habang tinututok sa isa ang kutsilyong hawak. "May hawak pa naman akong kutsilyo! Hindi ka nga uuwing umiiyak, pero uuwi kang may gripo!"

"Jesus, woman. Your mouth," iling ni Lamore at pinakalma si Vien.

"Basta invited kami sa kasal pre ha!" Paninigurado na ni Raven kay Gahala.

"Bata pa kami, matagal pa 'yon pero sige," he nodded and giggled when I pinched him at the side.

"Ulol," pagsira kaagad ni Vien ng mood. "Huwag na huwag ka lang talagang mambabae Gahala," banta niya pa saka sinaksak ang mesa namin gamit ang kutsilyong pinaghati sa pakwan kanina.

Gahala just laughed like he found her ridiculous. "I won't."

"Si Gahala? Magchecheat? Parang impossible. Ngayon pa nga lang, patay na patay na e." Lacaus commented, which made Gahala grin at him and give him a thumbs up.

"Tama lang 'yan, kung hindi, siya yung patay sa akin. Babantayan kita, " dugtong pa ni Vien.

"Aye, aye, " the clingy guy beside me saluted.

"Stay strong na lang sa inyo pare! Huwag sana kayong gumaya sa amin ni ano diyan!" Ryder said with malice and laughed.

"Uyy Ruth o! Nagpaparinig!" Pang-asar ng iba.

"Ano na naman?!" Ruth hissed as a reply at kinunot ang noo.

Nagkaasaran pa sila ng kaunti bago nag-aya ang mga kaibigan kong magpicture taking daw kaming apat. Hinila pa nga ako paalis sa tabi ni Gahala, desidido silang paghiwalayin kami.

"Tama na kakalandi sa jowa, Ayel!" busangot ni Kala.

Tumingin ako kay Gahala para magpaalam gamit ng aking mata. Mukhang nakuha niya din naman dahil tumango lang siya bilang pag-sang ayon.

Nang makuha ang sagot niya ay doon lang ako sumama sa mga kaibigan ko. I chuckled a little when they pinched me at the side while we are walking. "Aba may pa gano'n gano'n na! Kanino mo 'yon natutunan?!"

Umiling lang ako sa kanila. Nagpicture taking nga kami gaya ng sabi niya. Kung ano-ano pa ang pinagawa nila sa akin!

"Papalitan natin profile picture mo! Magdadalawang taon na 'yon! Isa Ayel! Pose!" Mariing utos ni Dolly saka pinandilatan ako ng mata. May pasaboy-saboy pa sina Kala ng tubig sa gilid para daw sa effects.

Nakabusangot akong sumunod sa kanila. Sobrang tagal pa namin dahil lahat ata ng anggulo kinunan nila. Ang init pa naman.

Napatigil lang kami nang makitang papalapit sina Gahala. Naiilang akong tumingin sa kaniya kasi wala na siyang pang-itaas. Kitang-kita tuloy ang katawan niya.

Sina Vien lang naman ang walang hiyang tumingin sa kaniya bluntly. Hindi ko alam kong tatakpan ko ba ang katawan ni Gahala dahil katawan ng boyfriend ko 'yon o hahayaan ko na lang dahil nahihiya ako.

Huminto siya sa harapan namin. Kinausap niya ako pero hindi ako tumingin. Napansin niya siguro dahil natawa siya saka tinakpan ang nipples niya. "Abs ko muna tingnan mo, sa susunod na ang nipples reveal. Hiya pa ako e," he teased. Mas lalo akong nahiya kaya natawa siya ng malakas.

"Wala ka namang abs," irap ko.

Ngumuso siya, "Wala pa 'yan. Mageexercise pa ako!"

Okay lang naman katawan niya. Flat naman tyan niya. May muscles na din siya ng kaunti na bumagay sa malapad niyang balikat.

"Ano ulit sabi mo?" I asked and glared at my friends na biglang naubo sa gilid.

"Ano," nagkamot siya ng balikat. "Nagkaayaang uminom ang tropa. Pwede?"

I nodded immediately, "Yeah, that's okay but drink responsibly."

Ayokong pagbawalan. I wanted him to enjoy his personal time and have time with his friends too.

Dolly whistled with a smirk, "Grabe, girlfriend na girlfriend a."

Nasiyahan si Gahala sa sinabi ni Dolly pero ako, naconscious. Ugh, ang awkward. Hindi pa ako sanay sa ganito.

Gahala smiled and nodded. "Okay, girlfriend." He answered with a hint of teasing.

"Okay," ngiti ko pabalik.

Umalis din kaagad siya pagkatapos kasi tinawag na ni Marwan na mukhang lasing na pero hindi pa talaga. Gano'n lang talaga siya.

Lumangoy naman kaming magkaibigan. Maya-maya pa'y sumali na sa amin ang mga kaklase namin.

Hindi naman ako nagtagal sa dagat at umalis din kaagad kasi sobrang sakit ng araw sa balat. Naupo ako sa buhanginan sa ilalim ng puno. Kaagad dumikit sa basa kong katawan ang buhangin.

Napatingala ako nang may maglagay ng towel sa aking balikat. Umupo sa tabi ko si Gahala, and I smelled the alcohol on him.

"Are you drunk?" I asked immediately.

He smiled and shook his head, "Uminom lang ako ng isang baso."

I just nodded. "Hmm."

Napasinghap at natigilan ako ng kaunti nang sinandal niya ang ulo niya sa aking balikat. May kung anong kumiliti sa tyan ko dahil doon.

Napatingin ako sa direksiyon ng mga kaklase ko at mas lalo akong namula nang makitang tinitingnan nila kami! Literal na nakatingin sila sa amin at binabantayan ang galaw! What the hell! They're so creepy.

I heard Gahala's laugh. Umayos siya ng upo. He gently hold my face and pinatingin sa kaniya para mawala ang atensyon ko doon.

"Ang cute ng girlfriend ko amp," he tsked na parang nanggigigil.

"Stop it,"

"Bakit?"

Ngumuso ako saka natawa ng kaunti, "Nahihiya ako."

He laughed and pinched my cheeks. Napatingin ako sa kamay niya nang hawakan niya ang kamay ko saka pinag-ugnay iyon. I felt butterflies in my stomach when he kissed the back of my hand.

"I really like you, Amara. I will not waste the chance you gave me," he promised with eyes gently looking at me.

We are doing fine. Maloko lang siya pero marunong maghandle ng relasyon. We don't know where to start and how to act at first kasi ang daming nagbago! The updates! The good mornings and goodnights! Yung VC's and secret meet-ups! Yung pagdate! It felt weird but I don't hate it. We are slowly getting used naman to us being in a relationship.

Wala pa kaming malalang away dahil wala naman kaming pag-aawayan. Well, lagi lang akong naiirita sa kaniya kasi iniinis niya pa din ako palagi!

Now I understand why yung iba gustong-gustong may jowa sila. I found them desperate and thirsty for attention at first. Akala ko gusto lang nilang may maiflex sila or something but it felt nice pala knowing that someone's caring for you.

"Is there a need to change the theme of our convo, the nicknames and emojis?" I asked him with confusion.

"Oo kaya!" he answered confidently. "Nakita ko lang 'yon kay Okin! Ginaya ko lang." He looked proud because of what he did.

"I'm fine with everything, just change our nicknames. Malangsang basahin," reklamo ko.

Ngumuso siya kaagad, tutol sa sinabi ko. "Bakit? Cute kaya!"

Napairap na lang ako.

I also appreciate that he respects my decision to hide it from my family for now. Pinagyayabang niya din ako sa social media pero hindi niya naman ako i eexpose.

Egg white:
Girlfriend, are you asleep?

Egg yolk:
Hmm?


I'm so bothered by our nicknames. Parang tanga si Gahala. Pakiramdam ko mga itlog kaming nag-uusap.

Egg white:
Can't sleep po. Wanna talk to you. Are you busy? Can I call?

Egg yolk:
Yes, sure.

One thing na gustong-gusto ko sa kaniya, hindi lang siya puro landi. I really dislike guys like that. Yung puro ganoon lang ang alam pero walang improvement sa studies or sa ibang aspects.

"Pangarap kong makapasok diyan."

Napatingin ako sa university na nasa harapan namin. It's a known university for lawyers. Gumala kasi kaming dalawa tapos dinala niya ako dito. Nakaupo kami ngayon sa loob ng Starbucks, kaharap ng university na gusto niyang pasukan.

"Kaso baka hindi makapasa," nguso niya. "Parang ang hirap abutin."

"Nakapasa ka nga sa akin kahit sobrang hirap kong abutin, dyan pa kaya? You will get there. I believe in you." I told him.

"Wow, nacomfort mo ako don, " iling niya habang may ngiti sa labi.

I chuckled and patiently listened to him as he told me some of his dreams. I also took some notes in my head.

"You know what Amara, I think I like you so much," biglang random na sabi niya sa kalagitnaan ng pag-uusap namin.

I put down my cup while raising my brows. Lumunok muna ako bago sumagot, "And I think I like you the most."

Ngumisi siya at naging competitive bigla, "I like you super duper ultra mega pro max 128gb fully paid. Locked in saka natapon ko na ang susi. Hindi mo na mahahanap. Sealed."

Instead of kiligin, mas nairita ako kasi pakiramdam ko natalo ako. "Mas gusto nga kita," inis kong sambit.

Natawa siya dahil doon."Sabi ko nga." He shook his head na parang nasiyahan kahit he admitted defeat. "Damn. I lost but I feel so happy. I mean, ikaw ba naman mas gustuhin ng taong gusto mo?" Natawa siya.

I cringed at him, "Eww."

He didn't mind my disgust and just chuckled. He leaned closer to kiss my forehead, not really minding that we are in public. "Lakas ng topak mo. Padating na ba? Akala ko mga next week pa?"

Hinampas ko siya. I felt a blush creeping in my neck. Sobrang normal lang kasi sa kaniya the way he talked! It's making me feel embarrassed!

I cleared my throat. "Wala naman, trip lang kitang sungitan. Masyado ka na kasing masaya. " I raised my brows, naghahamon. "Nagsisisi ka na bang nagjowa ka ng laging galit?"

He shook his head and smiled, "No and I'll never be. I have a lot of patience for that. Try me." He added with a grin, nagyayabang.

We are always out since it's summer. Lagi ata kaming naliligo sa beach kasama ang mga kaibigan ko kasi ginagawa ko silang excuse para magkita lang kami ni Gahala. Nangingitim na nga ako.

Yung pagtatago ko lang talaga kina Mama ang problema namin. Ilang ulit na akong nagsinungaling para makadate lang siya. Ginagamit ko din sina Vien. Payag naman sila, support yung kalandian ko.

"What if there's a second life?" I asked while we are walking in the shore, playing with the sand, and waves. Holding hands pa kaming dalawa. Panay pa ang halik niya doon but hindi ko pinapansin kasi lagi niya namang ginagawa. Nasasanay na ako.

"Edi may second life," he shrugged. He forced himself not to smile when I glared at him since disappointed ako sa sagot niya. He knows na may gusto pa akong marinig mula sa kaniya. "Kahit ilang buhay pa meron diyan Amara, ikaw pa rin ang gusto kong makasama," pang-uuto niya.

"Makasama lang? Hindi mo na ako gugustuhin?" kunot-noong tanong ko, hinahamon siya.

Maling sagot niya lang dito, tamo. Wala siyang kalate night talk mamaya.

I forced myself not to laugh when he cursed and get stressed suddenly. "Of course! Kahit saang buhay pa 'yan, gugustuhin at gugustuhin kita."

"Totoo?" Pagdududa ko. " Kahit maging bato pa ako? "

"Amara... " He pleaded.

I laughed, "I'm just joking! Nagpanic ka naman kaagad!"

He pouted. "Ikaw ha. Lagi mo na lang akong inaapi! Nakakatampo na," arte niya saka sapilitang kinuha ang kamay niya at humalukipkip doon sa gilid na para magmukmok.

Natawa ako kasi we're being so immature and cliche yet I found this cute. "Okay."

Busangot kaagad siya, "Ano? Hindi mo man lang ako susuyuin?!"

I chuckled. "Anong suyo ba gusto mo?" ngiting-ngiting tanong ko.

Ngumuso siya, pinipigilang ngumiti. "Hug, Ayel please."

I rolled my eyes, and hugged him nang lumapit siya sa akin. He even kissed my head multiple times.

Lagi lang kaming magkasamang dalawa. If we aren't on the beach, nasa library naman kami, skimming through books and reading together. Pagkatapos, we'll stop by a coffee shop or sa Starbucks to drink and watch people pass by.

"Ma, alam kong kilala mo na siya as my crush pero today, gusto kong pormal na ipakilala siya sa 'yo." Gahala said that made me nervous a little.

Tita invited us for lunch. Wala naman akong dapat ikakaba pero kinabahan pa rin ako. "Ma, she's Amara." Natawa siya. "Future tagahugas ng pinggan sa bahay."

Kinurot ko siya and he hissed. "Ano? Totoo naman! Kung maybahay na kita! Hindi ka marunong magluto kaya ako magluluto pagnagkataon tapos tagahugas ka lang! Huwag kang reklamador!"

I rolled my eyes at him. I heard Tita chuckled. She looked beautiful. Parang blooming.

"Pero walang biro, Ma. Si Amara, girlfriend ko na," kilig na kilig na sabi ni Gahala and at the same time proud at nagyayabang.

"Welcome to the family Ija," Tita smiled warmly before kissing me on the cheeks.

We talked a little before kami nagproceed sa pagkain. Natatawa ako sa kanilang dalawa kasi nagbabarahan sila. Parang hindi mag-Nanay.

We were in the middle of talking about something when Tita suddenly stood up while covering her mouth. She hurried to the sink. Gahala followed her out of worry when we heard her vomiting. I did the same at naabutan ko siyang hinahagod ang likod ng Mama niya.

"Ma, did you eat something awful?" he asked.

"Maybe I did," Tita smiled after washing up. "Sorry about that."

"Are you okay, Tita?"

"Yes, dear. Pasensiya na kung nawalan kayo ng gana dahil doon. Let's pick up where we left off, shall we?"

I thought wala lang yung nangyari. But days after that, nalaman ko na lang kay Gahala na buntis pala si Tita.

"Co-worker niya yung Ama ng bata. Fling lang daw sana 'yon pero ayon nga." He shared.

"Does he know? About the pregnancy."

He sighed, probably stressed or worried sa mga nangyayari. "Sasabihin niya pa lang daw. I don't even know if he's going to take responsibility."

I reached for his hand and squeezed it, letting him know that I'm just always here. Napatingin siya sa akin and he let himself be vulnerable. "I'm worried, Amara," he gulped. "Iniwan ni Papa si Mama. Paano kapag iwan din siya ulit ng lalaki ngayon kapag nalaman niya? I don't know if I'm strong enough to see my Mom in the same situation again."

"But what if he won't? What if he's different?" I asked, trying to make him look at the positive side. "You're going to have a new father figure." Sulpot ko ng idea na 'yon para malaman ko kung ano ang thoughts niya about doon.

Napaisip siya. "Sinaktan ni Papa si Mama ng sobra sobra pero kasi...umaasa pa rin ako ng kahit kaunti na magkakabalikan sila." He smiled a little. "But if Mama's happy with him, then I'm okay with that too. I just don't want to see her crying again."

"You're going to have a younger sibling," I told him.

He suddenly smiled and got excited, "Yeah." Parang biglang nakalimutan niya ang problema.

"I'm sure you're going to be a good brother," I reassured him.

"I just hope so," he wished silently and kissed my hand.

Time flew by, and our senior high school life started. HUMSS pareho kinuha namin pero akala namin magkaiba kami ng section since madami ang nagHUMSS. Hindi naman sa nagrereklamo akong kaklase ko siya, mas gusto ko nga 'yon. Mas malapit siya at mas madami kaming time na magkakasama.

We debated in our room one time and that guy showed me no mercy! Nakakainis pa siya kasi tawa-tawa lang siya sa debate namin na parang hindi ako sineseryoso! Samantalang inis na inis na ako sa kaniya! Kung hindi lang unprofessional, baka minura ko na siya sa harap ng teacher namin!

"Ano? Tampo ka?" he teased after the debate. Nakabusangot kasi ako kasi sobrang nakakainis siya. Ang sarap niya lang sabunutan.

Gusto ko boyfriend ko pero minsan gusto ko lang talaga siyang suntukin.

I shook my head, "Hindi."

"Totoo? Kasi baka galit ka kasi hindi kita pinagbigyan," he asked. " Gulat na lang ako mamaya cleared na nickname ko sa convo natin. "

My annoyance flew away and I laughed, " Sira. Hindi nga. Hindi naman ako ganiyan kababaw. Mas magagalit ako sa 'yo kapag pinagbigyan mo ako." Kasi kung pinagbigyan niya nga ako, parang natalo lang din ako mula umpisa.

"Sure? Sige nga, kiss mo 'ko kung totoo," asar niya na inirapan ko lang.

Kasama ko si Gahala lagi sa lahat. From camping to events, activities, and everything in between. From morning until dismissal and late-night talks. Kasama ko siyang nangarap at natuto. We grew and improved together. Parang hindi ko na nakikita ang sarili ko sa kasalukuyan ng wala siya.

"I wanted to see ourselves being successful one day. You being a teacher, and me being a prosecutor. Isn't it exciting? Imagine, suot-suot natin yung uniform natin sa trabaho tapos tinatawag tayo using our professional tittle." He told me saka ako binalingan. "What do you think, Ma'am Tiexiera?" he teasingly called.

I rolled my eyes but I couldn't help but laugh a little because of the tone of his voice. "Uhuh, Prosecutor Silva."

He licked his lower lip and chuckled. "Damn. Isa pa nga!" uto niya sa akin na hindi ko pinagbigyan kaya umarte na namang parang bata at kinulit ako.

Gahala was with me on the other line when Christmas and New Year came. He was also there clapping so proudly for me when I topped the honor roll rank at our graduation. One year left at college na kami. I was so excited for both of us.

"Happy first anniversary!"

Sinalubong niya na ako kaagad pagkalabas ko ng subdivision namin. I smiled kasi hindi ko inaakalang magtatagal kami ng ganito katagal.

I kissed him in the cheeks. "Happy first anniversary. Where are we going?" I asked him habang umaangakas sa kaniyang motor. Pahirapan pa talagang umalis ng bahay kanina! Medyo natagalan tuloy ako but he waited patiently though.

"Hmm. Book store."

Akala ko maghahanap lang ulit kami ng librong hindi nakasealed saka magspespend ng time para basahin 'yon like what we always do pero hindi. Nagtaka na ako sa kaniya when he asked me to pick 12 books that I like.

I was startled when he fucking guide me to the counter.

"Wait," pigil ko sa kamay niya nang akmang babayaran niya na iyon. "What the hell are you doing?"

"Buying you books?" he asked with brows furrowed, hindi ako magets.

"12 books." Mariing sambit ko.

He nodded, "Yeah 12 books for 12 months."

My lips parted. "They are hardcopies Gahala!" Hindi ko mapgilang magulat.

He chuckled a little, "I know."

"Pero..." nalilito kong sambitin, at wala na akong nagawa nang bayaran niya na iyon.

"Let me, okay? I was already planning this since 5 months ago. I really earned money for this."

"You could have bought me something else. Ang mahal!" reklamo ko, saka sinundan siya dahil lumabas na siya ng bookstore habang bitbit ang mga libro na binili niya para sa akin. Shit. Parang nakakahiya naman 'yon.

He stopped walking and faced me. Malapit pa akong mabangga sa kanya. "Ano naman ngayon? Mahal naman kita."

My lips parted at that. "But still! You could have just bought me 1 or 2 books. That's already enough. You could have bought yourself something nice with that money."

Tapos ang regalo ko lang sa kanya ay relo! It's cliche and not creative at all! Sa susunod na anniversary, I'll make sure na makabawi ako! Lagi niyang ginagandahan, kaya nagiging competitive ako! Gusto ko rin ipakita kung gaano siya ka-gusto ko!

"Alam mo kung bakit binilhan kita ng madami?"

"Bakit?" Panghahamon ko. Dapat bigyan niya ako ng reasonable excuse! Buying me 12 hardcopies because I love them or something is not practical at all! He's still a student!

"Kasi alam ko kung tao lang 'tong mga librong 'to, for sure papakasalan mo talaga. So I bought and gave you books to ensure you marry me instead. "

Nagloading pa ako sa sinabi niya. I laugh after kong magets. "What the hell."

"Oh, huwag mong ideny! Buti pa libro nakakasama mo lagi!" busangot niya!

"Nagseselos ka sa libro? That's absurd!"

"Ano naman ngayon," masungit na sambit niya saka tinalikuran ako. Tawa-tawa lang akong sumunod sa kaniya.

His reason is still not acceptable pero fine! Ang cute niya naman! Bumili pa kami ng cake pero hindi ko pa siya tinigilan kakaasar kaya napikon.

I was stunned in my place when he suddenly lowered his head and pressed his lips on mine quickly! Sobrang bilis non na parang mga ilang segundo lang! Kaagad din siyang lumayo!

Pakiramdam ko tumigil ang lahat at hindi ko pa maproseso ng maayos ang nangyari. Medyo nanlaki pa ang mata ko sa gulat. My lips parted as I looked at him lick his lower lip while he's looking at mine, parang nabitin.

Napangisi siya nang sa wakas ay tumigil na ako at nanahimik." Nabasa ko lang 'to sa libro pero effective nga. "

Did he just? Damn. I thought I was living inside a book for a moment.

Napalunok ako dahil ramdam ko pa din ang lambot ng labi niya sa labi ko.

Wala pa ako sa sariling sumunod sa kaniya. Napapahawak ako sa labi ko at napapatingin sa kaniya. I can also feel the fast beating of my heart! Panay din ang sulyap niya sa akin saka tatawa ng kaunti dahil sa reaksiyon ko.

Bumalik lang ako sa katinuan nang marinig ang alon sa dagat. Nasa open beach na naman kami. This is our place now.

Namula ako nang tumabi siya sa akin at hawak na ang cake na may nakasindi ng kandila. Naalala ko kasi yung ginawa niya kanina. Hindi pa rin ako makapaniwala.

Hinalikan niya ako. Fuck. Hindi man lang ako nakapagready! Dapat ininform niya ako!

"Wish tayo," ngiti niya.

He closed his eyes to make a wish, but I just stared at him. We blew the candles together when he opened his eyes. He also put them down afterwards, and we were filled with silence.

"1 year na tayo Gahala..." I hinted, breaking the silence.

He looked at me and just laughed, like he knew I was up to something. "Yeah, what about it?"

I bit my lower lip and hesitated if I should ask, pero gusto ko kasing tanungin! Mamaya na ako mahihiya!!

I gulped. "Kailan mo ako balak halikan ulit?"

First, I heard a puffing sound hanggang sa hindi niya na mapigilan ang tawa niya, hindi makapaniwala sa tinanong ko. Parang ineexpect niya na ibribring up ko 'yon. "Kapag kasal na tayo."

"What?!" I hissed and he laughed so hard, aliw na aliw. "Hindi ka ba interesadong ikiss ako ulit?!"

"Syempre gusto!" Sagot niya kaagad.

"Then whyyyy?!" Reklamo ko.

Umiling siya saka pinitik ang noo ko. "Bakit puro ganiyan tinatanong mo?" Ngiti-ngiti niyang tanong.

Ngumuso ako saka humalukipkip, "Wala. Ang daya mo. Hindi ako nakapagready kanina. "

"Bata pa tayo Amara. I just did it earlier out of impulse kasi gusto na kitang patahimikin. Hindi ko naman alam na.." Bitin niya sa sasabihin in a teasing manner!

"What?" Supladang tanong ko saka tinaasan siya ng kilay, hinahamon siya.

"Wala." Tawa niya.

Ngumuso lang ako saka tumango. Sayang. So I just need to annoy him so he could kiss me again, right?

"What are you thinking?" natatawang sambit niya. "Bakit parang gumagawa ka na ng paraan para halikan kita ulit?"

I blushed. "Hindi 'no!" I defensively hissed.

Natawa siya sa reaksiyon ko saka ngumisi. He looked down at my lips, and moved closer that made my heart leaped. "Gusto mo bang halikan ulit kita?" he whispered.

"Uhm," I suddenly felt shy. "Depende sa 'yo kung gusto mo."

Natawa siya, aliw na aliw sa akin. "Marunong ka bang humalik, Amara?" mayabang na tanong niya.

"Uhh. No," sambit ko saka napakagat labi. "Pero mabilis lang naman akong matuto. I'm a fast learner. "

"Hmm. Talaga?" he asked while grinning, he found my last word funny. "Should I test how fast a learner you are?"

I pouted. Gusto kong sumagot ng 'sure!' pero magmumukha akong uhaw na uhaw sa halik! "Ikaw? Marunong ka Gahala?" Curious kong tanong pabalik.

"Hindi rin pero tingnan na lang natin," he seriously said. He slowly dipped his head down and my heart is thumping loudly.

I close my eyes when he was already near and opened them irritatedly when I felt him kissing me in the cheeks instead!

Hinampas siya pero kaagad na siyang nakaiwas habang natatawa. Ugh! Umasa kaya ako!

Inis pa ako sa kaniya but I didn't know how to react next when he held me in my nape and pull me close to him. The next thing I knew, his soft lips met mine again.

Mas bumilis ang tibok ng puso ko sa biglaan niyang ginawa. He moved it a little and I felt him lick mine like he was urging me to open up. I don't know what to do so I just stayed still in my place, feeling it. He pulled out and grinned after seeing my reaction. I know I look like a tomato now.

"Happy anniversary love," he greeted me while lovingly looking at me. "Gift ko sa 'yo itong first kiss ko," yabang niya and laugh so hard again when I blushed and slapped him in his arms shyly.

My lips parted when held my arms to stop it and he dipped down his head to kiss me on the lips again. Dampi nga lang but it still feels nice. I can't get enough of it kaya nanghingi ulit ako sa kaniya ng tatlo pa. He obliged naman while laughing.

"Happy anniversary," I greeted back when he let go of my lips. We are both panting because of too much kissing.

He draped his arms over my shoulder and pulled me close to him. I smiled when I felt his gentle kiss on my head.

"I love you." He whispered along the sound of the ocean breeze.

With the raging waves at the side, I know for sure that I was drowning in him and I didn't want to be saved.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro