SCW 21
"Oh? Kakabalik mo lang?"
Tumango ako kay Vien habang pinupunasan ang pawis ko. Nakasalubong ko sila sa daan. Kakatapos lang nilang bumili ng tubig sa canteen habang ako ay papunta pa lang ng classroom.
Nagpatakbo kasi akong secretary sa SSG. Si Gahala naman sa vice president pero nauna na siya kanina dito. May inutos pa kasi sa akin ang principal. Gusto nga sana niyang sumama pero iba ang pinasama ni Ma'am.
Nakanguso tuloy siyang umalis, parang inabandonang tuta habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ako sa kaniya o maaawa. Ilang minuto lang naman kaming hindi magkikita.
"Pakilinis si Gahala girl, nagkakalat sa room," tawa ni Kala.
Kumunot ang noo ko, "Bakit?" Pakiramdam ko puro na naman kalokohan. Knowing that guy.
Nagtawanan silang tatlo dahil sa tanong ko.
"Ikaw tumingin!" iling ni Dolly.
Umiling lang ako saka naglakad ng sabay sa kanila.
"Kailan mo sasagutin Ayel? May plano ka?" usisa ni Vien.
Tumango ako kaya kinilig sila. "Hindi ko nga lang alam kung kailan."
"In fairness ha! Waging-wagi ka sa kaniya, girl!" Kala exclaimed.
"I should find someone to flirt with too! Nakakainggit na!" ani Dolly kahit madami naman talaga siyang kalandian.
I just rolled my eyes at them saka pumasok ng kwarto. Nakasunod naman ang tatlong bruha.
Napataas ang kilay ko nang makita ang ginagawa ng asungot. May suot-suot na cardboard na may nakasulat na "Please vote for me" saka namimigay ng papel.
"Vote Gahaldon Jammes Silva for Amara's heart," ngisi niya saka binigyan ng papel ang mga kaibigan niya. Nagtawanan naman sila saka binato pabalik sa mukha niya ang papel.
"Pota, korni mo!" Gray laughed.
"Bakit ba," natatawa din siya sa kalokohan niya.
"Sino ba kalaban, pare? Sa 'yo na ang boto ko," Lacaus teased while grinning.
"Wala naman, hindi daw sila palag sa akin," yabang niya.
"Yung huling yabang mo, binasted ka. Hinay-hinay lang." Nagtawanan sila sa sinabi ni Lamore.
"Edi ouch ulit tapos kunwaring move on lang," he grinned and chuckled.
"Anong posisyon ba, pare?" sakay ni Ar-ar.
"Boyfriend sana,"
"Ayaw mo sa asawa pre?" Marwan asked and laughed a little.
"Sa susunod na," ngisi niya pa, nagyayabang.
I faked a cough to get their attention. Napatingin naman sila sa akin. Kaagad kong tinaasan ng kilay si Gahala.
His face immediately lit up after seeing me. Hindi man lang siya nahiya sa ginawa niya! Nakangiti pa siyang lumapit sa akin. Napangiwi ako nang kurutin ako ng mga kaibigan ko saka pinaghahampas. Parang sila pa ang lalapitan!
Napakunot ang noo ko nang bigyan ako ni Gahala ng papel. Napatingin ako doon. May 'Vote Gahala' na nakalagay sa papel.
"Ano, pakiboto ako diyan sa puso mo," tawa niya, siya pa ang kinikilig sa mga galaw niya. "Wew, panis."
May ngiting napailing na lang ako saka nilagay iyon sa aking bulsa at pumasok. Sinabayan niya naman ako na parang aso. Yung mga kaibigan ko nakipaggagugan pa doon kina Gray.
"Kumain ka na?" tanong ko sa kaniya kasi malapit nang mag 1 p.m. Hinubad niya ang cardboard na suot-suot. Mukha siyang tanga doon. Pinadaanan niya ang kaniyang buhok dahil bahagyang nagulo.
"Hindi pa, hinintay kita," ngiti niya.
Alam niya sigurong wala akong kasamang kakain kasi nauna na sina Vien kanina. Gutom na gutom na 'yon sila e.
My heart flutters as I nod. "Okay, bibili lang ako ng ulam,"
"Huwag na," pigil niya. "Meron na ako dito. Binilhan na kita."
Kumain lang kami habang nagkukwento siya. Nasa gilid lang kami dahil kaming dalawa na lang talaga iyong kumakain.
Napakadaldal niya. Nabubulunan pa ako minsan sa mga pinagsasabi niya tapos hahalakhak siya habang tinuturo ang mukha ko. Para siyang bata. Napapatingin tuloy sa amin ang mga kaklase namin saka ngingiwi. Bitter na bitter.
"Pahingi ng fried chicken pre," sulpot ni Marwan saka kukuha sana ng hampasin ni Gahala ang kamay niya.
Kinuha niya ang isang parte saka binalatan at nilagay sa pinggan ko ang balat. Binigay niya naman ang manok na wala ng balat kay Marwan. "Oh, umalis ka na."
Marwan looked at him with betrayal. " Pare naman. Yung balat," maiyak-iyak na sambit niya habang nakatingin sa balat ng manok na nasa pinggan ko.
"Umalis ka na kung ayaw mong buto na lang ang ibigay ko sa 'yo," suplado niya sa kaibigan niya kaya natawa ako ng kaunti.
After eating, sumali na kami sa mga kaklase naming nagpapamake-up sa artist. The smell of hairspray and makeup wafted through the air.
May pictorial kasi kami mamaya para sa graduation picture at para sa yearbook namin. Nauna na si Gahala dahil kauni lang naman ang ginagawa sa kanilang mga boys.
"Amara, turn mo na daw." Tawag sa akin ni Ruth.
Naupo ako doon sa harap ng mirror with lights on the side. Prinep muna nila ang skin ko before they applied minimal makeup. Yung isa namang babae is nakatoka sa pagstastyle ng buhok ko.
Bigla pa akong nadistract sa kalagitnaan kasi biglang nanuod si Gahala sa ginagawa sa akin. Ang seryoso pa ng mukha niya na parang kumukuha ng exam
"Hoy, ano ba." Iritang ani ko nang picturan niya ako. "Delete mo 'yan!" sama ko ng tingin matapos ayusin ang kilay ko.
"Ganda mo nga dito e," tawa niya habang tinitingnan yung picture. Hindi siya natatakot kasi alam niyang hindi pa ako makaalis dahil hindi pa tapos ang ginagawa sa akin.
"Lagot ka sa akin mamaya." Irap ko.
Imbes na matakot, parang kinilig pa siya. "Okay," ngiti niya. Baliw.
"Naks, ganda naman. Tingin nga dito miss," tutok ni Gahala sa akin ng camera nang matapos na yung hair and make-up ko.
Nagpeace sign lang ako saka ngumiti ng kaunti. Napapikit ako ng biglang magflash.
"Ay gagi, sorry. " Tawa niya.
Sinamaan ko siya ng tingin kasi alam kong sinadya niya 'yon. "Patingin ng picture!"
"Huwag na. Cute ka don," layo niya ng phone niya nang sinubukan kong abutin.
"Anong cute? Paniguradong epic 'yon!" Reklamo ko sa kaniya. "Delete mo 'yon, kasama yung kanina!"
"Hindi a. Cute ka don, promise!" Panunumpa niya saka tinutok ulit yung phone niya paharap sa amin. "Picture tayong dalawa," aya niya saka ngumiti sa camera pero ako nakabusangot.
"Grade 10 Section Helium please be ready. Pwede na kayong pumunta doon," Sir informed us after half an hour.
Ang ingay namin pagdating sa room kung saan nagaganap ang pictorial. Open yung place kaya kitang-kita ang nagaganap sa loob. The lights were strategically placed around the area, and the photographers kept adjusting their cameras. Nagbibigay din sila ng directions sa mga estudyanteng kinukunan ng picture. Kita rin ang mga props sa gilid tulad ng mga libro, diploma, at school memorabilia.
Nasa labas pa kami at nakaupo sa mga upuan. There were a few teachers going around, making sure everything ran smoothly. Panay din ang pagprapractice ng mga kaklase ko ng pose nila para mamaya.
I was busy talking to Ruth when someone poked me. I looked to the side and raised my brows at Gahala.
Ruth hid her teasing smile before looking away. She kept herself busy talking to Anneliese just to give us privacy.
"What?" I asked. Napatingin ako kay Ryder na kinukunan na ng litrato sa unahan. Susunod na 'tong si Gahala pero nakuha pang tumigil dito sa akin saka lumandi.
"Maayos na ba?" tanong ni Gahala, referring to his look.
I unconsciously raised my hand to fix his collar. I rolled my eyes when our classmates suddenly whistled. Para silang nakaautomatic na bantay sa aming galaw.
"Okay na," ani ko sa kaniya nang matapos kong ayusin.
"Pogi na ba?" tanong niya.
Napatingin sa kaniya. "Ewan." Nakakahiya namang aminin iyon!
Nilapit niya pa ang mukha sa akin, halos maduling ako sa sobrang lapit. Napaatras tuloy ako. "Ano Amara, pogi ba ako?" parang batang tanong niya ulit pa. "Bilis na," tawa niya ng kaunti nang makita ang reaksiyon ko.
Napairap ako, "Napakalandi mo."
"Gwapo ko 'no?" yabang niya. "Sa sobrang gwapo ko, hindi ka na makasagot."
I was about to reply sarcastically when someone called him.
"Hoy Gahala! Ikaw na sunod! Tigilan mo 'yang kakalandi!"
Nakanguso lang siyang umalis noong tinawag na siya. Nang maupo na si Gahala sa upuan, the photographer adjusted the lights to make sure they highlight his features. After a few adjustments to the camera settings, the photographer took a series of test shots of Gahala from different angles and expressions. Natawa pa siya ng kaunti nang asarin at katyawan siya ng mga kaibigan niya.
"Hindi ka pa aalis?" sambit ko dahil nakita kong umalis na grupo niya. Tapos na kasi ang boys sa pagpapicture. Kami namang mga babae.
"Mamaya na, hihintayin pa kita."
Kinulit niya lang ako habang naghihintay ako sa turn ko. Nakipila din siya sa aming mga babae para lang ichismis ako. Hindi naman nagrereklamo ang mga kaklase ko na nasa likod dahil sanay na sila kay Gahala na laging nakabuntot sa akin.
"Sa anong camping mo pala ako naging crush?" curious na tanong ko kasi nag-uusap kami about our future plans kapag may camping na activity.
"Barkada kontra droga iyon na camping." he chuckles. "Sumali ako doon para hindi maadik sa droga pero sa 'yo naman ako naadik."
I laughed, "What the hell."
"Yiee kinilig," sundot niya sa tagiliran ko pero nirolyohan ko lang siya ng mata habang natatawa ng kaunti.
"Amara, ikaw na daw!" natigil kami nang tinawag na ako.
Kinabahan ako ng kaunti pero chineer up naman ako Gahala. I sighed heavily at pumunta sa upuan. Napaka-overwhelming pala kalag nasa gitna ka na.
Inayos lang ulit nila ang lighting tapos inadjust ang camera. Ako naman trinay kong ayusin ang uniform ako saka naghanap ng pwesto kung saan ako komportable.
"Okay, ready na?" The photographer asked and I nodded. "Okay...1..2...3...smile," he directed and the camera flashed.
"Try to loosen up a little," the photographer commented after looking at my shots. "Medyo stiff."
"Okay po," Tango ko saka inayos ang posture. I flashed a smile but I was distracted nang mahagip si Gahala na pumasok ng set.
Napatigil din ang photographer saka napatingin kung ano mayroon kasi naghiyawan mga kaklase ko, tinutukso kami.
May dala siyang mga bulaklak na parang nakita niya lang sa gilid at pinutol para ibigay sa akin, as if it were a replacement for a bouquet.
He smiled at me playfully kaya hindi rin ako nakapigil na mapangiti. Then I looked at the camera to continue what we were doing pero sinalubong ako agad ng flash, capturing that genuine smile na si Gahala ang dahilan.
"Ayan, perfect. Mas maganda ang smile mo dito," ani ng photographer matapos tingnan ang kuha niya.
Nakatingin din si Gahala at nag-approve sa akin. Pagkatapos ay nilapitan niya ako at at binigay ang bulaklak kaya nagsisipulan ang mga kaklase namin.
"Thanks," nakangiting ani ko saka tinanggap iyon. Inamoy ko pa nga.
"Amoy pangi ba?" tanong niya. "Sorry, sa gilid ko lang 'yan kinuha e."
"Ang dugyot mo talaga. " Hampas ko sa kaniya kaya natawa siya. It smelled fresh nga e.
“Tara papicture kay Kuya." Aya niya saka nag-request pa photographer ng picture daw naming dalawa.
Wala namang angal yung photographer at pinagbigyan kami ng ilang shots.
After our graduation pictorial, we took our 4th quarter examinations. Hindi pa kami nakaka-move on sa stress, nagkaroon naman kami ng election as the school year drew to a close.
Currently, we're gathered in the gymnasium for our miting de avance, where we, candidates, present our platforms and advocacies before voting takes place later this afternoon.
"Please vote for me and my party, especially Keleya Amara Tiexiera, who's running for secretary."
Kaagad namilog ang mata ko nang ispecial mention ako ni Gahala sa kaniyang speech. What the hell! Natawa siya nang katyawan siya ng mga kapanig namin.
"Ivote niyo, hindi isesearch sa facebook." Paalala niya. "Saka akin 'yon. Walang agawan. Thank you."
After the event, we proceeded to vote in our respective classrooms, and thereafter, the votes were counted.
"May dalawang galit sa 'yo gurll," tawa ni Vien nang makitang may dalawang hindi nagvote na kaklase ko.
"It's fine." hindi ko naman sila mapleplease na botohin ako.
Napatingin kami kay Ruth nang matawa siya. Siya kasi ang kumukuha ng papel kung saan nakasulat ang mga boto namin.
"Sir, counted po ba yung Keleya Amara Silva?" tawang tanong niya.
Kaagad nagtawanan ang mga kaklase ko nang magets. "Matatalo pa si Amara dahil sa kalandian mo, Gahala!"
"Hoy! Hindi ako nagsulat niyan a!" kaagad na react ni Gahala nang mapatingin kami sa kaniya. "Seryoso!"
"Edi sino?" taas kilay ko sa kaniya.
Napatayo siya at tiningnan ang sulat. "Oh! Hindi ako ang sumulat nito! Hindi ganiyan kapangit sulat ko 'no!" pakita niya sa amin.
Suddenly, we heard a gasps. "Grabe, ikaw na nga sinusportahan pare, nilait mo pa ako!" nasasaktang sabi ni Marwan. Binatukan tuloy siya ng huli sa ginawa niya.
I just shook my head and sighed. The election ended well, and I won by a few points, despite my opponents popularity. Si Gahala nanalo rin. Hindi na ako nagulat dahil ang lakas noong impact no'ng pagkapanalo niya noon sa contest.
After the election results, we got our grades. I sighed and smiled when I saw I was third but I was content with it.
"Are you okay?" Gahala asked, worried when he saw our ranks.
I nodded and smiled back at him.
"Are you worried about your parents again?" he asked, gently cupping my face and pinching it.
I shook my head, smiling. "Nah, I'm happy with my grades. Bahala na sila kung ayaw nila."
He smiled and patted my head. "That's my girl. I'm so proud of you."
Days passed after that. We practiced for our graduation while begging for our teachers to sign our clearance. We did everything we could to get those signatures. Naging masipag nga bigla lahat ng mga kaklase ko e. Bumawi nga ang mga teachers namin at lahat na lang inutos.
I do not know what to feel when graduation day came. Hawak-hawak ko ang bouquet na binigay ni Papa as we took photos with our medals. Siya yung umattend sa akin since Mama was so busy with her school as well.
"Congratulations to all of us! Omygod, I feel like I'm crying!" Kala said, wiping the side of her eyes.
"Mom!" I looked to the other side when I heard Vien's irritated voice. We laughed because her mom kept taking pictures of her, but she didn't want to. It had been going on since earlier. Her grandfather is here too. He looked proud of his granddaughter.
"By the way, I'm so excited about our outing! Ligong-ligo na ako sa beach!" Kala giggled excitedly.
"Ako din! Entrance pa lang wala na akong panty!" Dolly exclaimed.
"Gaga!" Kala laughed so hard because of that and pulled her hair.
Natigil lang kami sa bangayan nang lumapit sa amin si Mama ni Gahala. She greeted us and kissed me on the cheeks. "So pretty," she whispered and pulled back to smile at me.
Someone called her kaya umalis muna siya. Napatingin naman ako kay Gahala na nakatingin sa akin at nakangiti ng kaunti.
I faked a cough and felt nervous a little when he walked closer. Kinakabahan ako kasi I've been thinking about accepting him these past few days. I think I'm already ready to do that against all odds. Hindi ko lang alam kung paano sasabihin sa kanya! Para kasing nakakahiya.
"Hey," he whispered.
"Hey," I replied and stared at his eyes. Parang may mali doon.
"Picturan ko kayo!" Dolly suggested at wala na kaming nagawa dahil tinutok niya na sa amin ang camera. Hindi makalapit ng sobra sa akin si Gahala kasi nasa paligid pa rin si Papa.
Hindi ako makatingin ng maayos sa camera kasi panay ang tingin ko sa kaniya.
"Are you okay?" I asked him.
Tumango lang siya saka ngumiti pero hindi abot hanggang mata. "Yeah. Congratulations."
I was about to say the same pero tinawag na siya ng Mama niya. Panay ang tingin ko habang nag-uusap sila. Tita smiled a little and tapped Gahala's back. Gahala tried to smile too but you can really see sadness in his face.
My brows furrowed. May problema ba?
Hindi ko na siya nakausap after since nauna na ata sila. We just go home to change our clothes and pumunta sa beach kung saan nila plinanong magouting. May mga alak saka pulutan na sa mesa pagdating namin. Naghahati na din yung iba ng pakwan tapos may cake sa gilid.
"Can't wait for our senior high school journey! Anong strand kukunin niyo?" one of my classmates asked.
"HUMSS," I answered when they asked me too. HUMSS din ata si Gahala since he wanted to study law.
"Ikaw Vien?"
"STEM ako! Sana hindi ako magsisi sa desisyon kong 'to," she chuckles.
"ABM," Kala shrugged.
"HUMSS din," Dolly.
I smiled suddenly when a thought hits me. We are growing. Magkakahiwalay-hiwalay na kami.
"Excited na ako maging college! Dapat kahit iba strand natin lagi pa din tayong magkasama! Then kapag college na tayo, sa iisang condo tayo tumira!" plano ni Dolly.
"That sounds great!" Kala said excitedly.
"Pangit, makikita ko lagi mukha niyo," lait ni Vien.
Hindi ako makasabay sa kanila kasi hinahanap ko si Gahala. Wala kasi siya dito.
"Teka lang," paalam ko sa mga kaibigan ko at hindi na hinintay ang sagot nila.
Nilapitan ko sina Gray na nagbabarbeque sa gilid kasama si Sir.
"Si Gahala?" I asked them. Hindi ko pinansin ang mapang-asar na ngiti nila matapos marinig ang tanong ko. Marwan even whistled.
"Ewan ko. Basta nakita ko kaninang umalis at may kasamang babae," Gray shrugged that made my brows furrowed. Babae?
"Gago," binatukan siya ni Ar-ar kaya natawa din siya. "Huwag kang maniwala diyan, Ayel. Ayon oh, gusto daw mapag-isa," turo niya sa isang direksyon.
Sinundan ko ang tinuturo niya at nakita nga doon si Gahalang nakaupo sa may ilalim ng puno sa buhanginan. Niyayakap niya ang kaniyang tuhod habang nakatuntong naman doon ang kaniyang panga. May stick siyang hawak-hawak habang nagdradrawing ng kung ano sa buhangin.
"Salamat," ngiti ko sa kanila at hindi alam ang gagawin. Gusto ko sanang lapitan kaso gusto niya daw mapag-isa.
"Lapitan mo na! Gusto niya 'yang mag-isa pero okay lang 'yan kung kasama ka!" tulak sa akin ng mahina ni Raven.
Nag-alangan pa ako noong una pero nilapitan ko din kalaunan. Napatingin siya sa akin nang tumabi ako sa kaniya.
"Mind sharing what's on your mind?" I asked softly.
Bumusangot siya sa akin saka bumalik sa pagdrawing ng kung ano-ano sa buhanginan.
"Wala..." he whispered. "Nagpapalipas lang ako ng sama ng loob."
"Bakit? You can share it with me. I'm willing to be bothered by the things that are bothering you."
Natahimik siya saglit bago magsalita. "First-time lang na wala si Papa sa graduation ko," he shared and smiled a little at me. "Nasanay kasi akong nandoon siya lagi kahit sobrang busy niya. I know he loves someone else now but I'm still hoping he will remember me. I kept wishing earlier that he will show up but he didn't," he shrugged and laughed a little to lighten the mood, but the pain is visible in his voice.
Naalala ko yung sinabi ni Mama. Galing siya sa broken family.
"I guess he cheated on his child too," he whispered.
"Gahala," malumanay na tawag ko sa kaniya kahit hindi ko alam ang sasabihin.
Umiling siya habang may pekeng ngiti sa labi. "Tapos nakita ko pa picture niya kasama ng bago niyang pamilya. Wala lang. Ang saya-saya nila. Kami dapat yung nando'n ni Mama sa posisyon nila e," puno ng hinanakit na sabi niya.
Napalunok ako kasi parang ako ang naiiyak para sa posisyon niya. Niyakap ko din tuhod ko saka tinuntong doon ang aking panga at ginaya siya sa pagdrawing ng kung ano-ano sa buhanginan.
“It must be hard." ani ko patungkol sa sitwasyon niya.
"It is. Sana bumawi din siya...kahit katiting lang. Kahit sorry at congratulations, wala. Mahirap bang sabihin 'yon?" may panunumbat ang boses na ani niya.
Hindi ako sanay na ganito siya. Lagi siyang maloko eh. But this also proved that even he, a happy person have some scars too.
I wonder how many smiles he faked and how many forced laughs he already made. I wonder how many days he pretended he was fine, and used his happy facade to fool everyone. I wished I was there to hug him and comfort him.
"Close ka sa Papa mo?" curious na tanong ko ng medyo kumalma na siya.
He pursed his lips, "Noon."
Ngumuso ako na parang nagmamaktol, "Sorry. Hindi ko alam ang sasabihin. "
"Okay lang 'yon. Wala ka namang dapat sabihin." He laughed and messed my hair. " Ang komplikado ng mga magulang natin 'no?"
Tumango kaagad ako sa sinabi niya.
"Kaya kung magkaanak tayo huwag tayong tumulad sa kanila. Dapat---"
I slapped his arm immediately after hearing what he said. Sobrang layo na ang napuntahan ng usapan namin!
He hissed and laughed because of what I did. Napatingin ako sa kaniyang mukha tapos natawa din ng kaunti. Pagkatapos noon ay natahimik na lang kaming dalawa habang nakikinig sa alon na naglalaro sa dagat.
"We will get through it, Gahala. It's going to be okay." I told him, breaking the silence.
He turned to me while pursing his lips. Then he smiles, "Yeah, I know."
I wrinkled my nose, "Korni."
He chuckles. "Halika na, balik na tayo doon. Oks na ako," tayo niya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan saka pinagpagan ang pang-upo para makuha ang mga buhanging kumapit.
Tinulungan niya akong tumayo saka hinintay na matapos kong pagpagin ang buhangin paalis sa akin.
Naglakad na kami pabalik sa aming cottage. I was walking hesitantly while looking at his back. I wanted to reach his shoulders to make him stop but I got scared.
Gusto kong sabihin sa kaniya yung plano ko pero nahihiya ako. Kaso ito lang yung time na kaming dalawa lang! Ayokong palampasin kasi baka matagalan pa bago kami makapagsolo ulit.
Ayoko namang sagutin siya through text. He deserve more than that.
"Teka lang Gahala," I called in a tiny voice. I almost trailed off.
He stopped walking and turned to me, "Yeah?"
"Ano," bulong ko saka namula. I gulped while looking at him. Shit. Parang gusto ko na lang umatras.
His brows furrowed. "Bakit?"
"Kasi..." kinakabahan talaga ako.
"Bakit ka namumula? May masakit ba sa 'yo?" puna niya. Umiling lang ako ng ilang ulit. He fully turned his body in my direction. Kinapa niya pa ang noo ko para lang makasigurado.
"Wala akong sakit," ani ko saka hinawakan ang kaniyang kamay at binaba 'yon.
"Eh ano? Natatae ka ba?"
"Damnit!" I hissed and he laughed hard. Nakapanira naman ng mood! Ang dugyot talaga ng humor niya!
"Ano nga? May problema ba?" Natatawa niya pa ding tanong.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Uhh, I have a graduation gift for you." Alanganin na sabi ko. Ramdam ko din ang panghihina ng tuhod ko.
"Totoo?" his eyes sparkled. "Asan?" Lahad niya ng kaniyang kamay pero bigla niyang binawi. "Wait, bakit ka nag-aalangan? Prank ba 'yan? Praprank mo 'ko 'no?"
Kahit nagpapanic na ako kakaopen ng mall bag ko ay nakuha ko pa siyang irapan. Kinuha ko ang papel sa loob saka binigay sa kaniya. Pakiramdam ko pregnancy test ang binigay ko dahil sa inaakto ko!
Kunot-noo niya iyong binuksan. I watched how the expressions on his face changed. Binabasa niya iyong papel habang nakangiti saka minsan ay natatawa.
Mas lalo akong namula dahil sa hiya saka dali-daling umalis. Hindi pa ako nakakalayo nang mahabol niya ako saka mahawakan sa kamay.
He's looked at me intently. "Anong ibig sabihin nito, Amara?" His eyes never leave my face.
"Alam mo na 'yon!" sobrang nahihiya na talaga ako! Maang-maangan pa siya!
He raised his brows and tried to hide his smile, pretending to be serious. "What, Amara? I can't understand."
Ngumuso ako, "I'm already ready."
He bit his lower lip, trying so hard to suppress his smile. "Ready for what, Amara?"
I grunted, "Ugh! To ano... to commit with you nga!"
"Seryoso ba 'to?" he asked, laughing. His eyes were dancing with happiness now, unlike earlier. "Uyy, ano? Totoo? Weh?" he chuckled heartily.
"Oo nga," nakangiting sambit ko. "Ayaw mo ba?"
"Syempre gusto! Pero parang joke kasi eh," tawa ulit niya.
I laughed too because of his reaction. Mukha siyang tanga. "Anong date ngayon?"
"March 27 Amara," madiing sagot niya na parang alam na ang sunod kong sasabihin.
Ngumuso ako, pinipigilang mapangiti. "So, March 27 anniversary natin?"
laughed so hard when he suddenly shouted. He did it again several times, as if what he was feeling right now was so overwhelming and he wanted to lessen it.
He stopped and panted to catch his breath before looking at me, "Hindi nga?!" Tapos natawa na naman.
I just laughed while blushing saka iniwan siya doon kasi sobrang nakakahiya na ako.
"Hoy Amara! Totoo ba 'to?! Pakiulit nga!" I heard him shouting, but I didn't look back anymore since I couldn't hide my wide smile.
To the guy who likes me,
I was grateful to you for remembering me in every coffee,
But It's also vivid to me how you stirred my sanity,
Or how you stared at my eyes like they are asterisks in a galaxy,
Until I didn't even notice, that I was already applying the law of gravity.
My stares are hot because, in the blazing summer, you're the cinder,
Or the heather that's making me cozy every Winter.
Every time you look at me, I was drowning in turbulence.
You're pulling me close to you like a strong vehemence.
I was amazed at how could you make me laugh into oblivion,
Or how you could make me smile, make me feel like a champion.
I memorized how the smell of lavender embraced you but I can't,
Or how your voice roared like a wave in a vast ocean.
I also noticed how you prefer actions and serenades,
Always picking strawberries instead of orange marmalade.
I adored how you paid attention to me like I'm some sort of movie,
It's always making me fall on the surface of serendipity.
I wanted you to study me inch by inch and I'll willingly open the door,
Read every page, memorize the chapter, I'll let you wander furthermore.
After reading this you probably already know my answer at the end of the verse.
I am giving you a chance to write together with me, my universe.
Submitting to you,
Ayel
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro