Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SCW 2

"How's school?" 
 
I silently listened to my siblings as they excitedly narrated how their day went. I took a  glimpse when I heard Mama and Papa laugh after my older sister told them what happened on her day.
 
"What about you, Amara?"
 
I stopped eating and looked up at Papa after hearing his question. I shrugged. "It's fine po. Nothing's new. " I guess.
 
"I heard you have a new classmate. Silva, was it?"

"Yeah. " I answered shortly, not letting her have a hint that I'm quite curious about kung paano niya 'yon nalaman even though I didn't share anything.

"That kid came from my school. He won various awards in debates, math contests, and broadcasting." Mom informed me.

So he came from a good school with a great background, huh? Then he must be really smart considering that even Mom, who has a high standard, praised him. 

"I have no intention of letting go of him since he's an asset to our school. But too bad, that's what his mother wanted. Broken family sucks. "

The last sentence intrigued my interest, but I just nodded. Wala na akong sinabi because I can't find any words to say. And besides it wasn't my life and business to get nosy at.

My mother is a well-known principal at a reputable university in our town. My father, on the other hand, is a remarkable architect in our city.

"After eating, go back to your room and study. Do some preliminary reading, particularly in math. You always struggle with that subject." Mom suggested and shook her head with a sour expression, looking at me. "I'm sure you'll be left behind again because of him. It's not like I can say that it was his fault because you're the one lacking in the first place. "

I gritted my teeth in annoyance, but instead of bursting out, tumango lang ako. I didn't even bother to raise my head para tingnan siya. 

In my family, being useful lies in your achievements and grades.  They believe that's what defines you. Kung mababa grades mo, para sa kanila automatic na wala ka na kaagad mararating sa buhay.

They are so obsessed with being on top. They kept telling me that I couldn't fail, that I need to be good at everything, and I can't settle for being the second-best person because that won't be enough for me to be loved.

So basically, it was like a transaction. That if I can't give them medals and recognitions, they won't show affection as well. And if I disappoint them, they won't be able to forgive me.

They put high expectations on me that even my small and young hands couldn't reach or hold. And it sucks because every time they say that I wasn't enough, there's a small part of me that believes them.

"So, I conclude that my hypothesis is correct." Mayabang na tiningnan ko si Vien nang makitang late siya.

Sinermunan pa siya ng teacher namin sa Math dahil pati I.D. niya hindi niya suot. I grinned at her, "Pretty accurate, right?"

She snorted after hearing what I've said. She sat beside me and comb her messy hair. Parang pinugaran pa nga iyon ng ibon dahil malamang, nagdrive na naman siya ng motor papunta dito.

After our second subject, we head to our homeroom kasi iyon ang sunod naming subject ngayong araw. Nagrecess muna kami. I'm just silently sitting in my seat while eating my food.

"Inaccept ako ni Gahaldon kagabi!"

I frown at Vien's happy face. Is being accepted by him really that great?

Umirap si Kala, "Don't be so happy. It's not that special! He even accepted mine!"

"Ako din. Nastalk saka nasave ko na nga din ang mga pictures niya." Tawa ni Dolly. " Hindi ko sinend sa gc kasi gusto kong igate keep. "

"What the hell? That's so weak naman! I even messaged him!" Kala laughs at herself, quite proud of what she did. "And he replied ha! Kaya niyo ba 'yon?"

"Gaga, matapang na yon sa inyo? Excuse me? Stinatus ko na nga as married kaso hindi niya inaksep!" hagalpak ni Vien. Napatingin tuloy sa amin ang iba.

"What the hell. That's creepy," I winced at them and slapped Vien's arm when she tried to steal my drink.

"Creepy? Hindi ah!" Vein defended. "Bakit? Hindi mo ba stinalk Ayel?"

"Why would I? It's a waste of time. And I was reviewing last night." I told them and took a bite from my biscuit.

"Kaya parang namatayan lagi buhay mo eh! Magkacrush ka naman minsan! Ang saya kaya magkacrush, lalo na kapag hindi ka crinushback!" Dolly tilted her head to Kala's direction. "Diba Kala?" she teased. Sinabunutan siya tuloy ng huli ng pabiro.

"Oo nga! Turuan ka namin kung paano lumandi!" pati si Vien game na game!

"I'll teach you how Ayel, my flirting skills are great!" Kala smirked.

Dolly laugh, "Great ampucha. Kaya pala lagi kang rejected."

"Hey!" Kala pouted. "I'm not! It's just that, most of my crushes have lovers na! If they don't have a girlfriend, boyfriend naman ang gusto nila!"

"Meaning no'n, bobo ka lang talaga pumili." lait sa kaniya ni Vien bago ako balingan. "Ano, Ayel? Irereto kita!"

Napailing na lang ako sa kanila, "Hindi naman ako interesado. Wala naman akong mapaggagamitan ng crush."

Inirapan nila ako sa sagot ko. Hindi pa rin sila matapos-tapos sa pag-uusap tungkol kay Gahaldon. Ako ang kinakabahan sa kanila dahil baka marinig ng lalaki. Nasa kabilang side lang kasi siya ng room.

He's laughing with his new found friends. Nawala lang 'yong ngiti niya nang magtama ang mata namin. He immediately look away and talk to the guys again.

Walang pakialam naman akong nagkibit-balikat  at saka sinamaan ng tingin si Vien nang kunin niya ang isang biscuit ko. Walang paalam niya iyong binuksan at kinagatan.

"Gusto mo?" She even had the audacity to ask me that.

"Huwag na, nahihiya ako."

"Bakit? Huwag kang mahiya, Ayel!" Sambit niya pa sa concerned na boses.

I was about to say something but decided to just keep it with me. I sigh and just give up on her. I motioned her to eat again na ginawa niya naman kasi kumagat na siya ulit don sa biscuit.

Nakinig na lang ako habang pinagchichismisan pa rin nila ang lalaki. Kahit ang ibang kaklase ko ay minsan siya din ang laman ng usapan. May nakita pa ako kaninang taga-ibang section na nagtatanong sa mga kaklase ko kung ano ang pangalan niya.

"Ang dami din niyang gwapong kaibigan! Inadd ko ang iba!" proud pa si Dolly doon! "Sana iaccept nila ako, lalandiin ko ang mga 'yon."

Kala snorted, "And what? Ghost them?"

"Duh, base naman sa performance nila kung ighoghost ko o hindi! Kapag pangit kausap, ekis kaagad!" She says.

Vien was about to open her mouth to spit some words but her eyes settled in the door. Tapos bigla na lang siyang tumayo saka sinabing, "Good morning, Sir. " Nagsitayuan din tuloy kami saka naggreet. "Sir ko lang."

Sunod-sunod ang murang natanggap niya nang pagtingin naming magkaklase ay wala naman si Sir. Tawang-tawa pa siya sa kalokohang ginawa.

"Tangina ka Vien," naiiritang bash sa kaniya ni Marwan na naupo na ulit.

"Kalmahan mo bro, huwag kang magstrong," ngisi niya. Tinaasan tuloy siya ng huli ng panggitnang daliri.

Nagbangayan pa nga sila. Tumigil lang sila nang dumating na si Sir at totoo na this time. Napatayo tuloy kami ulit para igreet siya.

"Hello class," bati kaagad ni Sir nang makapunta na siya sa gitna. "I suggest, magpaalam na kayo sa mga  katabi niyo since I will change the arrangement of seats, alphabetically and alternate boys and girls."

Kaagad umugong ang reklamo sa kanila pero wala silang magawa. For sure nagrereklamo lang naman sila dahil hindi sila sure kung may makokopyahan sila tuwing test and quizzes.

Unang tinawag si Vien dahil apelyido niya nga nangunguna. "Dito ka Nak." Ani ni Sir at tinuro ang pinakaunang upuan.

"Ayoko nga Tay," biro niya kay Sir pero naupo din naman doon.

"Next is Aquiño, Reyson." Turo ni Sir sa katabing upuan ni Vien.

Girl, boy, girl, boy ang set-up. Paniguradong gano'n din sa ibang subjects. Iyong ibang subject, hindi naman sila nagpapaarrange. Okay lang kahit saan kami umupo katulad doon sa math.

"Wala na. Long distance kami ni crush. Sa mga katabi crush nila diyan, sana alll!"

"Mas sana all sa may makokopyahan!"

Napailing na lang ako habang nakikinig sa mga hinaing at batuhan ng mga biro ng mga kaklase ko.

"Gago. Upuan ko may drawing na titi. Nakakasama ng loob. Ano? Nanggago ba kayo? " reklamo ng isa kaya nagtawanan ang lahat.

"Teixeira, Keleya Amara."

Kinuha ko ang bag ko at naupo doon sa tinurong upuan ni Sir. Ito ang kinaiinisan ko eh. Nasa likuran ako dahil sa apelyido ko. Gusto ko sana sa harapan so I can really listen and concentrate well.

"Next to Ms. Teixiera is Mr. Silva, Gahaldon Jammes. Take your seat, Ijo."

Wala naman talaga akong pakialam na katabi ko siya pero hindi ko mapigilang mapangiwi lalo na nang samaan ako ng tingin nang iba. Lalong-lalo na ni Vien, Kala at Dolly! What?! Kasalanan ko bang gano'n ang apelyido namin?!

Inirapan ko sila bilang sagot. They should complain to Sir at hindi sa akin.

Napatingala ako kay Silva nang huminto siya sa tapat ko. Sinulyapan niya ako pero kaagad din akong napaiwas kasi bakit naman ako makikipagtitigan sa kaniya in the first place? Naamoy ko pa siya nang maupo na siya sa tabi ko.

We both flinched a little when our elbows touch. Kaagad din naming iniwas iyon.

He pursed his lips, "Sorry."

"No, it's fine," I told him. "It's not a big deal  anyway."

Tumango lang siya at wala ng sinabi. He looked like he became stiff on his seat. Parang hindi siya makagalaw ng maayos kaya panay ang sulyap ko sa kaniya, tinitingnan kung okay lang ba siya.

Nang tapos ng mag-arrange si Sir ay grinoup niya din kami para sa cleaners at para kapag may ipapagawa siyang projects.

By surname ulit iyon kaya magkagrupo ulit kami ng transferee. After no'n ay inintroduce na ni Sir ang lesson namin ngayong first grading. Napasulyap ako sa katabi ko at binalik lang ulit sa harapan ang tingin nang makitang seryoso siyang nakikinig at nagtetake down notes pa.

"May tanong ako,"

I diverted my gaze at Gahaldon when he whispered in the middle of our class. He's looking in front so maybe guni-guni ko lang iyon. Hindi ko na lang iyon pinansin at bumalik sa pakikinig.

My brows knitted when I heard his low chuckles. "Sungit mo naman."

Napalingon ako ulit sa kaniya pero nakita kong nasa harapan pa rin ang tingin niya habang pinipigilang mapangiti!

Mas lalong napakunot ang noo ko. I don't know who he's talking and it's making me anxious because what if, ako iyon? Pero baka iyong ibang katabi niya but whatever. I don't care naman but can he stop doing it in the middle of the class? Hindi ako makapagconcentrate ng maayos!

Irita kong binalik ang tingin sa harapan. I gritted my teeth in annoyance when he laughed quitely now.

"Tiexiera," tawag niya. "May tanong ako."

Pikon akong tumingin sa kaniya. So ako pala ang kausap niya mula pa kanina?! Bakit hindi niya ako tinawag sa pangalan ko?! Nangtritrip ba siya?

"What?" bulong ko sa mahinang boses saka umirap.

The side of his lips lifted, "By any chance..." binitin niya pa. "Do you like me?"

My forehead immediately creased, "What? You?"

Ngumisi siya, "Hmm. Me. Do you like me?"

"No, I don't like you. Romantic or platonic," sagot ko kaagad para malinawan siya at binalik ang tingin kay Sir.

What the hell, crush niya ba ako? Hindi ko tuloy mapigilang mailang sa kaniya. Bakit niya naman ako crush?

Mas lalo akong nainis nang marinig na naman ang tawa niya. Ano ba kasing nakatatawa?

I gazed at him again when I heard some rustling. He secretly handed me a biscuit, and I almost cursed him out of irritation.

"Here," ngisi niya. "Do you like mee?"

Ugh! Mee na biscuit! Mr. Mee! Bakit kasi hindi niya nilinaw?!

I sigh deeply and give him a fake smile, "No. I don't like mee and to be clear, I also don't like you."

"Ouch," he laugh a little. "Gusto lang naman kitang bigyan ng pagkain a."

"Hindi ko kailangan ang pagkain mo. "

"Ang sungit sungit." Ani niya pa pero hindi ko na siya pinansin.

Kasalanan niya naman kung bakit ako masungit! Hindi naman pala connected sa lesson iyong tinatanong niya at kalokohan lang! Sana mamaya niya na lang ginawa dahil ayokong iniistorbo kapag nasa gitna ng klase.

Hindi ko na tuloy maintindihan iyong ibang sinasabi ni Sir! Bakit kasi siya pa naging katabi ko dito? Ang laki niyang distraction! 

Hindi pa ako makagalaw ng maayos sa kaniya dahil panay ang tawa niya ng mahina na parang sayang-saya. Hindi ko tuloy mapigilang lingunin siya at kunutan ng noo. Pakiramdam ko may sira siya sa utak.

Buti na lang sa next naming subject which is Filipino ay hindi na nagarrange ng upuan kaya hindi kami tabi. Okay na sana dahil nasa unahan ako pero ang ingay nina Kala. Palihim silang nagchichismisan. Natahimik lang sila nang nagtawag si Ma'am ng pangalan, pinapasummarized niya iyong binasa niyang kwento.

"Gutom na ako. Saan tayo kakain?" tanong kaagad ni Vien paglabas namin ng last subject namin this morning.

"Sa labas na, paniguradong ubos na yung ulam sa canteen. Si Ma'am kasi ei. Batak na batak sa paglelesson kahit nagbell na," reklamo pa ni Dolly.

Sumunod lang ako sa kanila at napailing dahil nirarant pa nilang tatlo yung teacher namin sa Filipino.

"Saan kayo maglulunch?"

Napatigil kami sa paglalakad at napalingon kay Lamore nang itanong niya iyon. Kasama niya yung grupo nina Grey kaya ang ingay na naman. Sila lang talaga ang close naming mga lalaki. Kasama din nila si Gahaldon.

Napakunot ang noo ko nang magtama na naman ang mata namin ng tranferee. Napapansin kong lagi kaming nagkakatitigang dalawa. Lagi ko siyang napapansin. Bakit ba kasi tingin siya nang tingin? Hindi ko din tuloy mapigilang lingunin siya para icheck kung nakatingin na naman siya. Nagtitinginan na lang tuloy kami.

I just looked away when he smiled at me. Naalala niya siguro yung kalokohan niya kanina sa A.P. Hindi ko mapigilang mapakunot ang noo. Seriously? Tuwang-tuwa siya do'n? Ang korni naman ng joke niya.

"Sa labas kami! Sama kayo?" aya ni Vien. Naglakad lang kami ulit kasabay sila. Napatingala ako kay Gahaldon nang tumabi siya sa akin. Matangkad siya kaya nasisilungan ako ng anino niya.

He looked down and raised his brows at me when he saw me staring. It's like he's asking me what's my problem in siga way. I gave him uninterested glares and looked away. I heard his chuckles again pero hindi ko na siya pinansin.

Lumabas kami ng school at kailangan pa naming tumawid sa kalsada para makapunta sa karinderya. Nagpanic ako nang bilga silang tumakbo. Nag-alangan ako kung tatawid ba dahil may papalapit na truck. Hinigit ko tuloy yung kung sino man ang mahigit ko.

"Why?"

I looked up and saw Gahaldon with forehead furrowed. Siya kasi yung nahigit ko! Naiwan din tuloy siya kasama ko dito sa kabila.

"Uhh," nag-aalangan kong sambit saka binitawan ang bag niyang kinakapitan ko. I pursed my lip before hesitantly look at him. "Hindi ako marunong tumawid." I whispered.

"What?" He asked na parang hindi niya narinig ang sinabi ko.

"Sabi ko, hindi ako marunong tumawid!" Medyo malakas at naiiritang sambit ko. Is he deaf or what? Why would he make me say that embarrassing truth twice?

Saka nasaan ba kasi ang tanod dito?! He was paid to do his job pero hindi niya magawa ng maayos!

"Huh?" kunot-noong tanong ni Gahaldon, parang hindi pa nagsisink in sa utak niya. My god. He's so slow! "Ah," natatawang sambit niya nang maintindihan, parang hindi makapaniwala. Aliw na aliw siya kaya hindi ko mapigilang mainis.

Minsan lang kasi akong lumabas ng bahay! Tapos lagi lang akong nakasakay sa sasakyan! Mabibilang lang kung ilang ulit akong tumawid sa kalsada. And I don't see a reason na iexplain ko pa 'yon sa kaniya!

"Hala gago, naiwan si Ayel!" tawang-tawa si Vien sa kabilang panig kaya hindi ko maiwasang samaan siya ng tingin. Pati sina Kala natatawa. Napatigil tuloy sila para hintayin ako. Pati na rin sina Lamore para hintayin si Gahaldon na dinamay ko dito!

"Bakit naman hindi ka marunong tumawid?" he asked while laughing slightly. Nakairirita naman. Close ba kami para tawanan niya ako?

Inis akong tumingin sa kaniya at inirapan. "Wala ka na don. Might as well just help me cross this street," masungit na demand ko. Nakikichismis pa kasi.

Natawa siya sa pagtataray ko. Nilayo ko ang ulo ko nang itaas niya ang kamay niya like he was about to touch my hair.

"What are you doing?" kunot-noong tanong ko.

He laughed again and put his hand down, "Sorry, I was about to pat your head because you look like a lost puppy."

My lips parted a little. Lost, what?! Is that an insult?

I was about to react pero nawala ang atensyon ko doon at napatingin sa kamay niya nang hawakan niya ako sa braso.

"Halika na. Wala ng sasakyan," ani niya saka ako tinulungang tumawid.

Napapahigpit pa ang kapit ko sa kamay niya kapag may papalapit na sasakyan kasi kinakabahan ako. He kept using a stop sign to signal the driver too. Bagay siyang maging tanod. It wasn't an insult. It's a compliment, to be honest.

Kaagad akong hinampas ng mga kaibigan ko nang makatawid na kami, kulang na lang dumugin nila ako.

"Gaga ka! Ano sa feeling na tumawa si Gahala at ikaw ang dahilan?!" bungad kaagad ni Dolly.

"I felt nothing," I boredly told them as we went inside the karinderya.

I can't move freely because I can feel Gahaldon's stares at the back. Pakiramdam ko nga naririnig niya ang pinag-uusapan namin pero asa naman akong mahihiya ang mga kaibigan ko! Dictionary ata ang ginamit ni Lord panghulma sa mukha nila! 

"At hinawakan ka pa niya! Huwag mong hugasan 'yang siko mo ha! Gagawin ko yang simbahan ko! Sambahin na'tin 'yan!"

I laughed at Vien's words.

Kala pulled her hair while laughing slightly, "Gaga."

Ang pinakamalaking table ang naoccupy namin. Nanghiram pa sila ng silya sa ibang table dahil kulang ang silya sa amin. Nilagay lang namin ang aming mga bag saka kaniya-kaniya kami ng order ng ulam. Hindi naman gano'n ka dami ang tao kasi late na ang lunch namin kaya madali lang.

"Hi ate,"

"Hello," ngumiti ako sa mga senior high at junior high na bumati at pumansin sa akin.

Napakunot ang noo ko nang magkabungguan na naman kami ni Gahaldon. Pakuha kasi sana ako ng disposable na kutsara at tinidor at mukhang gano'n din siya.

"Ikaw na una Miss," nakangiting sambit niya, mukhang nasisiyahang makitang naiinis ako sa kaniya.

I pursed my lips, stopping myself to roll my eyes at him. "Okay. Thanks."

Hindi ko mapigilang mapatingin sa aking tabi dahil nagsisikuhan sila at humahagikhik. Mukhang crush nila si Gahaldon. Narinig ko pang nag-aaway sila kung sino ang magtatanong ng pangalan at babati. Napailing na lang ako saka nauna na sa table pagkatapos kong kumuha ng disposable na kutsara at tinidor.

Naabutan ko ang mga kaibigan kong nag-uusap tungkol sa crush ni Dolly na grade 12. Yung ibang lalaki naman ay nag-uusap tungkol sa ML.

Napatingin ako sa harapan ko nang hilahin ni Gahaldon ang upuan at naupo doon. Umiwas din ako kaagad ng tingin nang tingnan niya ako.

Nag-ambagan pa kami sa pagbili ng tatlong litrong coke. Pahirapan pa sa pagsinggil pero nag-agawan naman nang dumating na yung inumin. Maingay lang kaming kumain habang nanunuod ng showtime. May TV kasi dito at tawa-tawa pa sila sa joke ni Vice Ganda.

Hindi pa ako makakain ng maayos dahil ramdam na ramdam ko ang sulyap ni Gahaldon bawat minuto. Yung tipong titingin muna siya sa akin bago siya kumain.

Ano ba? May problema ba siya sa akin? Mukha ba akong appetizer?

Kanina ko pa siya kinukunutan ng noo pero ngumingiti lang siya sa akin. Is he flirting with me or what?

"Saan kang school galing pare?" tanong ni Gray kay Gahaldon. Napantig naman kaagad ang tenga ng mga kaibigan ko.

Napatingin din ako sa kaniya kahit alam ko na kung ano ang sagot.

"Sa Salles International Academy," he answered and shrugged.

"Wow! Yayamanin!" parang tangang komento ni Marwan. His mouth even formed an 'o'.

"Oh! Nagcamping kami doon last year ah!" sambit ni Vien saka ako hinampas sa braso kaya napaigik ako. "Diba Ayel? Magkasama ata tayo doon! Madaming gwapo doon!"

Palihim na ngumisi si Gahala at saka tumingin sa akin, "Alam kong nagcamping kayo doon."

"Huh? Paano mo nalaman?!" tanong ni Vien. "Nakita mo ba kami?!"

"Oo. Tinanong mo pa nga kung ano yung name ng gwapong police na speaker sa symposium," he shared while laughing.

My forehead creased when our toes under the table touched. Nilayo ko tuloy ang paa ko.

Kaagad namang namangha si Vien sa sinabi ng lalaki, "Oh! Natatandaan mo pa 'yon?"

Hindi niya inalis ang tingin sa akin. I saw how his lips lifted up, "May crush kasi ako do'n," tawa niya.

"Huh?!" react kaagad nila kaya natawa sina Gray.

"Taga-rito ba crush mo?" hindi makapaniwalang hula ni Dolly.

"Yeah," he chuckles and raised me a brow. There's a playful smile on his lips. Inis kong iniwas ang tingin saka kumain na lang ulit, showing him that I don't care pero hindi ko naman mapigilang makinig.

"Who?" tanong ni Kala. They look desperate to know who's his crush.

Napatingin din ako kay Gahaldon para malaman kung sino. Wala lang, curious lang ako kung sino crush niya. Gwapo siya, talented, and according to Mom, he's smart. So nakakacurious talaga if what type of girl he likes. 

Nginisihan niya ako bago siya mag-iwas ng tingin para bumaling kay Kala. Natatawa siyang sumagot, "Ayaw kong sabihin, nahihiya ako."

"Ano ba 'yan pre! Huwag ka ng mahiya! Sabihin mo na! Tulungan ka naming dumiskarte!" encourage nina Gray.

"Aamin ka lang naman sa akin! Bakit nahihiya ka pa?" tawa ni Dolly.

Kaagad naman siyang sinabunutan ng dalawa bilang hindi pagsang-ayon sa sinabi niya.

Hindi ko na lang sila pinansin at kumain na lang ulit. Wala naman pala akong may napala. Kinulit lang nila si Gahaldon nang kinulit para sabihin kung sino ang crush niya habang kumakain kami.

Bumalik na kami sa school after lunch. Our classes resumed. Nagkavacant kami no'ng third subject kaya pumunta kaming canteen para bumili ng drinks. I felt like my brain dried up because of too much information to process.

"Bili tayo ng buko juice sa kabila, samahan mo 'ko." I heard Dolly talking to Kala.

"Gusto ko magbananaque," share lang sa akin ni Vien pagkatapos ay napatingin siya sa gilid at nagningning ang mata. "Hoy Lamore! Diba may utang pa ako sa 'yo last last year?! Babayaran kita pero dapat libre mo muna ako!" sigaw niya bago ako iwan sa aking pwesto.

Napailing na lang ako at hinintay matapos ang taong nasa harapan ko para makabili na ako.

"Anong gusto mong drinks?"

Medyo nagulat ako and I can't help but step back when Gahaldon suddenly turned in my direction. Siya kasi ang nasa unahan ko, bumili din ata ng drinks. I can even smell his perfume. Sobrang taas niya din kaya hindi ko kita yung sa unahan.

Napalingon ako sa gilid ko at may mga babaeng nakatingin sa kaniya. I move awkwardly because his eyes is set on me.

"Are you talking to me?" I hesitatedly asked him. Baka mapahiya ako dito kapag sumagot ako.

He pursed his lips. "Hmm. Yeah." Yung ngiti niya parang sinasabi na, "Kanino pa ba?" 

I cleared my throat, "Uh. Just Chuckie."

"Chuckie," ulit niya before nodding. Tumalikod kaagad siya at binili iyon. Sinama niya na din sa binayaran niya.

Hinarap niya ako at binigay iyon na tinaggap ko naman. Kumuha naman ako ng perang pambayad sa wallet at inabot sa kaniya pero hindi niya tingggap. Tinitigan niya lang.

"Huwag na," tanggi niya.

My brows knitted. "Why? Kunin mo." Pilit ko pa at nilapit iyon sa kaniya pero hindi niya talaga tinanggap.

Nagmumukha na kaming mga tanga ditong nagpipilitan. 

"Libre ko na 'yan."

"Uh," I uttered in discomfort and confusion.

Bakit niya naman ako ililibre? The last time I check, sinungitan ko siya.

I awkwardly shifted my weight, "Hindi naman tayo close... para librehin mo ako."

The side of his lips lifted, and humor danced in his eyes. He chuckled slightly and shrugged.

"Okay lang 'yan. Magiging close din naman tayo sa susunod."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro