"Who's the next two reporters?"
Tinaas ko ang kamay ko at napatingin ako sa gilid para tingnan si Gahala kung nagtaas din ba siya ng kamay, and he did.
"Okay, you may proceed," tango ni Ma'am saka umalis sa gitna at naupo sa kaniyang upuan na nasa gilid, giving us the floor.
Filipino kasi namin ngayon at nagrereport kami para sa El filibusterismo for our 4th quarter performance task.
Tumayo ako saka kinuha ang mga kakailanganin ko. Napatingin ako kay Gahala nang lumapit siya sa akin dala ang isang manila paper saka scotch tape.
"Halika ka na, Tiexiera. Tawag na tayo ni Ma'am."
I just stared at Gahala for a few seconds before walking past him. Inirapan ko pa siya kasi naiinis ako sa pagmumukha niya.
Alam ko namang tinatawag na kami ni Ma'am. Hindi niya na kailangang sabihin kasi narinig ko.
"Wew, galit na naman," I heard him whisper.
I went to the center table and placed my visual aids there. Hindi ko nilingon si Gahala nang maramdamang tumabi siya sa akin. Tumayo ako ng maayos at halos mapairap nang makitang halos karamihan sa mga kaklase namin ay nakangisi sa amin ng makahulugan.
Gahala helped me tape our manila paper on the blackboard.
"Ako na," prisinta niya sa paglalagay ng tape sa itaas na part!
Nangiinsulto ba siya? "Kaya ko," tabig ko ng kamay niyang pakuha na sana ng scotch tape sa akin. Nagkibit-balikat lang siya saka hinayaan ako.
Tumingkayad ako saka pilit inabot yung itaas. Medyo nahirapan pa ako kasi bakit naman sobrang taas ng pinagdikitan niya ng Manila paper?! Tinalon ko na pero hindi sumakto.
Inis akong tumingin sa kaniya nang makarinig ng nagpipigil na tawa. "Anong nakakatawa, Mr. Silva?" I scoffed.
"Ako na kasi, feeling tall ka diyan." Nakangiting abot matang sabi niya sa akin kaya biglang nagkaubo bigla yung mga kaklase ko.
Kahit labag sa loob ay pinayagan ko na siyang maglagay ng scotch tape sa ibabaw kasi medyo natatagalan na kami dito sa gitna. Napabusangot na lang ako ng idikit niya 'yon ng walang kahirap-hirap.
"Go na ba?" Gahala asked me.
I raised my brows, "Ano pa bang hinihintay mo? Pasko?"
Kunot-noong tumingin siya sa akin, nagtataka kung saan nanggagaling ang galit ko sa kaniya. He shook his head and then nodded at me.
I gulped and felt guilty all of a sudden. Napakaharsh ko ba? Shit. Naiinis lang kasi talaga ako doon sa sinabi ni Vien at doon sa nakita ko kahapon. Tawang-tawa pa siya kasama ang babae. Nakakairita naman pagtawa niya. Akala mo gwapo.
Napabusangot ako. Binasted-basted ko tapos mag-aasta akong ganito! Ugh!
Iniling ko ang ulo. Mamaya ko na siya iisipin. Nadidistract ako.
I faked a cough to catch my classmates' attention. "Magandang umaga sa inyong lahat. Nais kong hiramin ang inyong mga tenga sa loob ng ilang maiikling sandali. Ngayong araw, tatalakayin natin ang kabanata 34 ng El Filibusterismo na pinamagatang 'Ang Kasal ni Paulita'. Nawa'y makinig kayo dahil magkakaroon ng pagsusulit pagkatapos naming talakayin ito."
I looked at Gahala, giving him signals to start reading.
"Naglalakad si Basilio ganap na ikapito ng gabi. Pinag-iisipan niyang mabuti ang kanilang mga gagawin," panimula ni Gahala. "Nanggaling siya sa bahay na tinutuluyan..."
Our reporting continues. Salitan kaming dalawa sa pagbabasa at pagkatapos naming basahin ay inexplain din namin iyon para mas maintindihan nila. Napapairap na lang ako dahil ang iba ay hindi na nakikinig at nag-uusap na lang. Minsan nga ay tinatawag ko sila at tinatanong patungkol sa diniscuss ko.
"Well done," Ma'am commented after we finished. "Pwede na kayong magtanong ng hindi niyo naiintindihan, grade 10-Helium." Encourage niya sa mga kaklase namin.
Nagsitaasan naman sila ng kamay. "Diba ang kasintahan ni Paulita ay si Isagani? Bakit ikinasal siya kay Juanito?" kunot noong tanong ni Lacaus matapos tumayo after siyang ituro ni Gahala.
I almost frowned. Halatang hindi nakikinig sa mga nakaraang reporting.
"Sa simula ng El filibusterismo ay magkasintahan sila ngunit nawala ang nararamdaman sa kaniya ni Paulita noong naaresto si Isagani. Pinili ni Paulitang maging praktikal at pinakasalan si Juanito," sagot ni Gahala.
"Bakit?!" dramatic na dugtong na tanong ng isa kong kaklaseng babae.
"Iba daw ang binata kay Isagani, ito daw ay isang mahusay, bihasa, masaya, pilyo at anak ng isang mayamang negosyante at isang mestisong Kastila na sanay mamuhay sa Maynila. Si Isagani naman ay isang probinsiyano at kung ilarawan niya ay may malaking pangarap para sa lalawigang animo'y gubat na tigib ng linta, ulilang lubos at tanging kinakalinga ng amaing klerigo na ayaw sa luho at sayawan na siyang gustong-gusto ng mga kadalagahan," mahabang paliwanag ko para hindi na sila magtanong pa.
"Luh, Paulita niyo isang gold digger," bash pa ng iba. Bigla na lang silang nainis sa dalagang nasa nobela.
"Kawawa naman si Isagani. Kung nandoon lang ako, lalandiin ko 'yan! Mukhang yummy naman!" Dolly laughed a little because of her flirty side.
"May tanong pa kayo tungkol sa kabanata 34?" Gahala asked them, and some raised their hands.
Iniiwasan ko talagang piliin ang mga kaibigan ko hindi dahil kaibigan ko sila at gusto kong isalba pero dahil gusto kong isalba ang sarili ko! Pakiramdam ko puro kalokohan lang ang itatanong nila at walang kaseryosohan. Pero itong si Gahala pinili pa talaga si Vien. Lakas din ng loob niya.
Vien stood up and smirked. And that's when I knew I was in serious trouble. "Amara, kung ikaw ang nasa posisyon ni Paulita, mawawala din ba ang nararamdaman mo kay Isagani dahil lang sa naaresto siya at isa siyang Indio?"
Kaagad napahiyaw at naintriga ang mga kaklase ko sa itinanong niya. Syempre, kapag tungkol sa kalandian game na game sila.
Napatingin ako kay Ma'am kasi hindi naman sakop ng diniscuss namin ang tanong pero tumango lang siya bilang pahiwatig na sagutin ko.
Napatikhim ako because even Gahala is staring at me, waiting for my answer. "Para sa akin, syempre hindi. May magandang rason naman ang pagkakaaresto niya at hindi naman sukatan ng pag-ibig ang katayuan sa buhay."
I heard some 'oh's' from my classmates, enjoying our topic.
"So, ipaglalaban mo siya kung gano'n? Maging sino man siya?" natatawang dugtong na tanong ni Kala.
I awkwardly nodded, "Uh. Yeah. Ipaglalaban ko." Ang korning pakinggan.
"Eh Amara! Bakit hindi mo daw pinaglaban si Pareng Gahala?!" natatawang sigaw na tanong ni Marwan. Some of my classmates also laughed when they heard the question.
Bigla akong nailang.
"Hoy! Wala akong sinabing ganiyan!" defensive kaagad naman na sagot ni Gahala
Pakiramdam ko nagtatanong lang sila para maubos ang oras namin. Parang naging circus na ang buong classroom. Kahit si Ma'am ay natatawa sa gilid, hinahayaan lang sila!
"Ano Amara! Sagutin mo!" they forced me.
"I believe your question is irrelevant to our lesson," I answered strictly.
"Ah, wala, mahina!" they teased.
I looked up at Gahala when he nudged my shoulder.
He faked a cough and looked away. "Bakit nga ba hindi mo 'ko pinaglaban?" he murmured, making my whole body turn red and making our classmates shout.
Fuck. Napakawalang hiya niya!
"Hoy, Amara, sagutin mo 'yon!" my classmates shouted while laughing as I immediately walked out after hearing the bell ring! Great! Hindi na kami nakapagtest dahil sa kanila!
Busangot na busangot ako habang papabalik kami sa aming classroom. Ang landi ni Gahala samantalang may bago naman siyang crush!
Naiinis pa ako kasi panay pa rin ang ngisi sa akin ng iba. Hindi makamove on sa nangyari sa Filipino.
Lunch came, and I kept looking at Gahala. Nagkukunwari akong nagbabasa ng libro kahit ang totoo ay nakikinig lang ako sa pinag-uusapan nila!
"Pre, kasama ulit natin si Eliza ha," rinig kong sambit sa kaniya ni Marwan. "Alam mo na," he playfully added and wiggled his brows.
Gahala laughed, "Okay, sige."
I furrowed my brows and frowned. So, kasama na naman nila yung babae? Hindi ba sila makakain kung wala siya? Importante ba 'yon?
Nakaalis na silang magtropa pero nagmamaktol pa din ako sa kaloob-looban ko. Bakit kasi kailangang kasama nila 'yon?!
"Anong mukha 'yan? Disappointed kasi hindi nagpaalam?" tawang tanong ni Vien.
Sinamaan ko siya ng tingin. Dumagdag pa siya sa inis ko. Badtrip ako nang kumain kami. Napapangiwi ang kaibigan ko sa akin dahil sinasaksak ko ng tinidor ang hotdog ng ilang ulit. Pakiramdam ko nga may mali sa akin.
"What happened to her?" I heard Kala asking Dolly about me. I turned in their direction and arched my brows, making them wince and look away.
I groaned out of irritation, which made them flinch.
"Gurl, nababaliw ka na ba?" Dolly asked, her forehead creased.
"No," I answered and tched.
Bumusangot lang ako buong lunch kasi ang tagal bumalik nina Gahala. Ano pa bang ginawa nila bukod sa pagkain?
Binitbit ko ang upuan ko sa labas dahil doon ko planong magreview sa English kasi maingay sa loob.
Hindi pa ako mapakali habang nagrereview at panay ang tingin sa daan. Binasted ko si Gahala dahil nadidistract ako pero mas lalo lang atang lumala ngayon! Mali nga siguro ang desisyon kong 'yon!
I sighed deeply to calm myself bago ako tumingin ulit sa daan. Napatigil lang ako when I saw their group walking closer. May kasama ulit silang dalawang babae.
I smiled in disappointment when I saw Gahala talking with the girl again.
Siya siguro ang bago niyang crush? Familiar iyong babae. Iyong magandang majorette sa grade 9. No wonder why. Chicksboy hmpk!
Napailing na lang ako ng ulo at pumasok na lang ulit ng classroom na may mabigat na pakiramdam.
Buong hapon ata akong wala sa mood. Kaunting maling galaw lang ng iba ay nagsusungit na ako. May iba na ngang naiinis sa akin.
Nakabusangot lang ako habang nakaupo sa gilid at pinagmamasdan ang mga kaklase kong naglalaro ng basketball sa P.E namin. Wala ako sa mood na makipaglaro sa kanila.
I closed my thighs when I felt something dripping. Bigla akong napatigil at inisip kung anong araw ngayon.
Halos malamura ako nang mapagtanto ko kung bakit inis na inis ako mula pa nong nakaraan. Shit. Tumayo ako saka trinay tingnan kong tingnan ang pang-upo ko.
Hindi ko pa nga nakikita ng maayos nang may humawak sa kamay ko.
"What?" I asked Gahala in an annoyed voice.
Namumula siyang nakaiwas ng tingin sa akin, "Ano..."
"Ano nga? Bilisan mo."
"May tagos ka," he whispered.
Napatiim-bagang ako sa sinabi niya. Pilit kong tiningnan ang pang-upo ko at meron nga! Shit. Kailangan ba siya pa ang makakakita?!
"Hey, calm down," he said when he saw me already panicking. Napatingin ako sa dumadaan at nakatingin sila sa amin, nagtataka kung anong ginagawa naming dalawa.
Gahala moved and covered me, blocking me from their view. I looked up at him and blinked when our faces were so close. Yumuko kasi siya at parang may tinali sa bewang ko.
I looked down and saw his jacket tied around my waist. "Thank you."
He nodded and accompanied me to the bathroom. Napapatingin pa sa kaniya ang ibang babae pero hindi niya naman binibigyan ng pansin.
"Do you need something?"
"I...need my friends." I told him. Alangan namang siya papakunin ko ng undies ko sa bag?! "Just tell them what happened at alam na nila ang gagawin."
He nodded without looking at me. "Okay. Wala ng iba?"
I shook my head.
"Alright, balik ako kaagad."
Huh? Bakit siya babalik? Hindi naman kailangan.
Nagkulong ako sa cr habang hinihintay sila. Hindi naman natagalan dahil dumating si Vien dala-dala ang mga kailangan ko.
"Okay na?" tanong niya nang makalabas na ako.
Napangiwi ako, feeling uncomfy. "Yeah."
"Hmm?" tanong ko sa kaniya nang siniko niya ako habang nakangisi. Pinaka-ayaw ko talaga sa lahat yung ngisi niya. Laging may laman e.
May nginuso siya kaya napatingin ako doon. Napahinga ako ng malalim nang makita si Gahala sa hallway, mukhang inaantay kami. Napatayo naman siya ng maayos nang makita kaming papalapit.
"Una na ako girl," Vien winked saka iniwan kami. Bugaw talaga siya.
Kahit gusto ko mang malditahan si Gahala, wala akong magawa kundi ang magpasalamat sa kaniya kasi tinulungan niya ako. "Thanks for earlier."
"Wala 'yon. Here," biglang bigay niya ng plastic na kanina niya pa hawak.
"Ano 'to?" Taka kong kinuha at tiningnan ang laman. Napalunok ako ng laway nang makitang puro chocolate ang laman.
"They said that helps."
"Thank you," bulong ko, hindi pinahahalata sa kaniya na natutuwa ako. Kumuha ako ng isa at binuksan. Inalok ko pa siya pero umiling lang siya.
I hummed a little while eating the chocolates he gave me. I glanced at him again when I heard him chuckling.
"Kaya pala galit na galit ka sa akin kanina," He laughed.
"Hindi lang naman ako kanina galit sa 'yo. Mula pa nong nakaraan."
Biglang nawala ang ngiti niya at napaawang ang labi. "Huh? Bakit? Ako dapat ang galit a?" Hindi makapaniwalang tanong niya dahil parang nabaliktad ang sitwasyon.
Inirapan ko lang siya at hindi pinansin. Wow. Hindi siya aware na galit ako. Malamang hindi niya rin alam kung ano ang kinagagalit ko.
"Ano, bati na ba tayo, Amara? Galit ka pa ba sa akin?" tanong niya sa nagsusumamong tono habang sumusunod sa akin. "Ampucha, ako pa nanuyo." Rinig kong bulong.
Napatigil ako saka napatingin sa kaniya. "Hmm," pag-iisip ko. "konti na lang." Pinakita ko ang kaunti gamit ang kamay ko.
"Wow, thank you ha," sarkastikong sambit niya saka napailing. "Ako, hindi mo tatanungin kung nagtatampo ba ako sa 'yo?"
"No need, halata naman," Ani ko.
Ngumuso siya na parang nagmamaktol. "Tapos wala ka man lang planong suyuin ako?!"
"Ano ba tayo?" tanong ko ng diretsa.
"Sakit mo ha!" reklamo niya. "Ikaw nga sinuyo ko kahit hindi tayo e! Konting lambing lang naman hinihingi ko!"
Natawa ako kasi parang gustong-gusto niyang suyuin siya. "Anong gagawin ko? Hindi ako marunong manuyo e."
Napatitig siya sa akin saka maya-maya ay napahilamos ang mukha. May binubulong pa siyang kung ano. Hindi ko alam kung dasal ba yon o mura.
Napabuntong-hininga siya na parang walang magawa. "Ayan! Dyan ka magaling! Yung kunin ang loob ko sa simpleng tawa mo! Wala na! Kalimutan mo na yung tampo ko! Okay na!" Inis na sabi niya pero yung inis na 'yon ay parang hindi para sa akin, kundi para sa sarili niya.
Napaawang ang labi ko. Problema niya?
Kaagad napasipol ang mga lalaki nang makitang magkasunod kaming pumasok ng court.
"Oh, pre?! Okay na kayo?!" Gray shouted.
"Ulol," Gahala just gave them a middle finger.
Umuwi na ako kaagad pagkatapos ng last subject namin. Dumiretso ako sa kwarto at nag-CR para maglinis ng katawa . Nilabhan ko rin ang jacket ni Gahala. Ingat na ingat pa ako don at ginamit ko pa ang pinakamagandang hanger na mayroon ako.
After doing my routine, I found myself laying in my bed again, stalking him. Naging hobby ko na ata ever since I rejected him.
Pero sana pala hindi ko na ginawa dahil napabadtrip lang ako ulit sa kaniya matapos makitang nakatag siya sa isang post.
Eliza Filimeno
Gahaldon Jammes Silva ehem
[Page po ito]
The first person in your tag list will give you one bottle of stick o.
Kaagad akong napapunta sa comment section dahil nakita kong nagcomment siya.
Gahaldon Jammes Silva: sige bukas
-Eliza Filimeno: yayy!! 🥰
Hindi ko na binasa ang iba dahil ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng dibdib ko. Ilang ulit akong bumuntong hininga para pakalmahin ang sarili ko.
I pressed the back button and I accidentally read his post earlier.
Gahaldon Jammes Silva:
Oh-uh. Man, I think I've got it bad. Hindi ko matiis hanep
I tightened my grip on my phone. I didn't want to assume anything. What if this isn't meant for me and I end up disappointed?
The thought scared me a little. I've grown so used to being the only one he likes.
I sighed and logged out. I put my phone down and answered my assignments instead. I wanted to focus but my mind kept drifting back to him.
Napadaukdok ako sa study table ko saka napatitig sa kawalan. Nawalan na ako ng ganang sagutan mga assignments ko. I chuckled dryly when I realized something.
It wasn't his fault at all. He wasn't the one distracting me; I allowed myself to be distracted by him.
Yet, I found joy in that distraction. And truth be told, I didn't want to let go.
Kinaumagahan ay tuyo na ang jacket niya kaya dinala ko iyon. Noong recess lang ako nagkataong ibigay sa kaniya pero iyon pa ang naabutan ko.
I gripped the paper bag tightly and stared at them irritably. Tawang-tawa pa nga sila noong Eliza. Mas lalo akong nairita nang makitang may hawak nga siyang bote ng stick o.
God. Remind me na itapon mamaya ang naiwang chocolates na binigay sa akin ni Gahala!
Bakit ba andito ang babaeng 'to? Wala ba siyang klase? Bakit sa grade 10 department siya tumatambay? Bakit hindi kaya siya mag-aral imbes na unahin ang landi?
I cleared my throat to get their attention. They stopped laughing and chatting about things I wasn't interested in and turned to look at me.
Gahala's eyes widened upon seeing me, and he immediately stood up straight, licking his lower lip and adjusting his hair.
I chuckled sarcastically, raising my eyebrows when I caught the girl staring at me. She quickly looked away, pursing her lips to suppress a smile, which only irritated me more.
Gahala coughed lightly, prompting me to glance at him. "Yeah?" he smiled at me.
Anong nginingiti niya? Akala niya natutuwa ako sa kaniya.
"Oh, salamat ha," sarkastikong sambit ko saka padabog na binigay sa kaniya ang paper bag.
"May problema ka?" he asked curiously as he took it from me. Napansin niya ang pagmamaldita ko.
I rolled my eyes and turned my back. If I hadn't come off like a kid throwing tantrums when I stomped my foot, I would really do it. I couldn't help but talk about his shits while walking away.
I heard him curse before following me. "Okay ka na ba? Masakit ba puson mo? Gusto mo bilhan kita ng chocolate?"
"Why are you acting like you still like me? Nakamove on ka na diba?" I sarcastically retorted.
Napatigil siya saka hinigit ako kaya napatigil din tuloy ako. Nakakunot na naman ang kaniyang noo. "Malaki na ba ulit ang galit mo sa akin? Sabi mo kahapon kaunti na lang."
"Wala akong galit sa 'yo basta huwag kang lapit nang lapit sa akin," iritang ani ko.
"Totoo? Hindi ka galit sa lagay na 'yan?" taas kilay niya! Sinasabayan ang pagsusungit ko! This guy!
"Hindi ako galit sa 'yo," mariing giit ko, clenching my teeth.
"Weh?"
"Oo nga!" iritang ulit ko.
"Wehle ekeng peke."
Umusok ang ilong ko sa sinabi niya. Natawa siya ng samaan ko siya ng tingin. I cursed him before walking away from him again. Baka masaktan ko pa siya ng pisikal.
"Bakit ba parang papatayin mo 'ko ha?" natatawang sunod niya sa akin.
"Basta huwag kang lumapit sa akin!"
"Sungit mo naman." He crack a laugh. " Bakit nga? Labo mo e."
Bumusangot akong umupo sa upuan ko saka humalukipkip. Tumigil naman siya sa harapan ko saka nameywang at tinaasan ako ng kilay.
I pouted, "Wala. Baka magalit lang...ang bago mong crush."
Natigilan siya saka napatitig sa akin. "Ha?" he asked, chuckling. "Eh bakit parang ang DATI kong crush ang nagagalit?" natatawang tanong niya.
So may crush nga siyang bago?! Saka DATING crush? Napakayabang niya! Irita akong tumingin sa kaniya. Ngiting-ngiti naman siya na parang tuwang-tuwa sa nangyayari. Nakakainis!
"Hindi nga ako galit! Basta huwag kang lumapit!"
Hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa saka tumango-tango, "Oo nga naman, baka kung ano ang sabihin ng crush ko. Tsk. Mawalan pa ako ng pag-asa," ngisi niya. "Sige, balikan ko lang siya ha?"
Umiwas lang ako ng tingin at hindi siya sinagot. Bumigat ang pakiramdam ko nang marinig siyang umalis. I felt something gripping my heart tightly that's making it hard to breathe.
Tangina. Binasted ko tapos hindi ko pala kaya ng ganito?
Napalunok ako kasi pakiramdam ko maiiyak ako. Naramdaman ko na nga ang pamamasa ng mata ko. Suminghot-singhot akong napatingala.
My eyes welled up when I saw Gahala standing in front of me. I gulped, feeling a lump in my throat.
He shook his head and sighed after seeing my face. "Kung ano-ano iniisip mo, ewan ko sa 'yo," he muttered. "Ano bang iniyak mo?" he asked, annoyed, and wiped the tears from the side of my eyes.
I shook my head and pouted, wiping my eyes. "Wala. Napuwing lang ako. Umalis ka na," I replied, glaring at him again.
"Alam mo? Ewan ko talaga sa 'yo," he snorted, pinching my cheeks.
"Pre, ano 'yan?! Inaway mo?!" Ar-ar shouted upon seeing us in that position.
"Ulol, natatakot nga akong makitang umiiyak tapos aawayin pa," he said, glancing down at me. His eyes softened. "Ano? Okay ka na?" he asked gently. "Sorry."
I just nodded, touched by what I heard. "Oo nga, balikan mo na crush mo."
"Tigas mo talaga. " Iling niya. "Binalikan ko naman..." he whispered.
Hindi ko na napansin ang huling sinabi niya dahil pumasok na si Sir at may pinasulat sa amin. Tumabi siya sa akin at tahimik lang kaming dalawa
Hindi na sana umiinit ang ulo ko sa kaniya kaso nabunggo niya ang siko ko. Malapit na tuloy madumihan ang sulat ko.
Natawa siya nang samaan ko siya ng tingin, aliw na aliw sa pagsusungit ko. "Bwisit na bwisit ka sa akin ah. Ang lala ng topak mo kapag meron ka."
"Oh? Tapos?" maldita ko saka tinaasan siya ng kilay.
He laughed again, clearly entertained of me. Hindi man lang siya tinatablan ng pagsusungit ko! "Huwag mo akong sungitan Amara, mas lalong hindi ako nakakaahon sa 'yo. Kawawa naman bagong crush ko," asar niya and smirked.
I puffed an air. "Wala akong pakialam sa bagong crush mo," iritang kong sabi.
"Wew, bakit mo inaaway crush ko?"
"Just go to her. You're so fucking annoying." Sobrang pikon na ako sa kaniya.
He dramatically covered his mouth with his hand. "Don't tell me, Amara, nagseselos ka?" he grinned.
"Excuse me?" I chuckled sarcastically. Ngayon niya lang napansin?!
"Selos ka 'no?" yabang niya.
"Hindi nga kasi ako nagseselos!" iritang sigaw ko.
I stopped and panted a little. My eyes widened as the entire class fell silent and turned to stare at us. They laughed when they saw our situation.
"Sinong nagsabing nagseselos ka, Miss Tiexiera?" Sir asked.
"S-Sir," I stuttered. Ugh. I wanted to cry right now.
I looked at Gahala with teary eyes, who was now turning red from trying to stop himself from laughing.
May pasabi-sabi pa siya kaninang hindi niya daw ako kayang awayin! Ulol siya. Tangina niya.
Hiyang-hiya na ako nang matapos ang klase namin. Kanina ko pa gustong saksakin si Gahala kasi panay ang tawa buong durasyon ng klase namin! I kept cursing him while I'm heading to the parking lot para umuwi na. Fuck him.
"Hoy Amara."
I closed my eyes tightly and walked faster when I heard him calling my name. Natatawa pa rin ang hinayupak!
"Sorry na kasi!" he apologized pero ewan ko kung genuine ba 'yon kasi tuwang-tuwa ang boses niya.
"Ay ewan, ang sungit sungit mo ha! Ang dami mong problema sa buhay! Tapos ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay!"
I bit my lower lip to stop myself from smiling after hearing what he said. Oh my god! Napakarupok ko naman sa kaniya! Nakuha niya ako sa korning banat lang? Gosh!
I faked a cough and made my expression serious. Ininis pa niya ako kanina!
"Hoy, Amara, pansinin mo 'ko! Galit ka ba sa akin dahil may bago na akong crush?" he asked in a childish tone. It made me pause and turn to him.
I scoffed at him and continued walking. "Hindi ako galit do'n! Kahit maging kayo pa," I sarcastically stated.
He laughed. "Selos ka lang sa crush ko e."
Nainis na naman ako. "Wala akong pakialam sa kaniya, okay?!" ulit ko sa maraming beses na ngayon!
"Ang ganda nga no'n e, laging masungit." He chuckles.
I stopped in my tracks when he said the word "masungit." I gulped as butterflies fluttered in my stomach. Napailing ako ng ulo dahil kung ano-ano ang pumasok sa isip ko.
He stopped in front of me and grinned when he saw my reaction. He leaned in until our faces were just a few inches apart. "Bakit ka ba nagseselos sa crush ko e ikaw pa rin naman ang crush ko, ah?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at napalunok. He turned serious and scratched his nape. "So... are you jealous?" he hesitantly asked.
Hindi ko pinansin ang tanong niya. "Hindi mo crush yung babaeng lagi mong kasama?"
He laugh," Ah, si Eliza? Hindi ko 'yon crush. Crush kaya iyon ni Marwan! "
Nagdududa akong tumingin sa kaniya. Umingos ako. "Talaga lang ha? Eh kung makadikit ka don, para kang linta!"
Bigla siyang humalakhak sa sinabi ko. "Totoo? Hindi ko napansin. Sorry na." Nguso niya.
"Saka eto pa!" Kinuha ko ang phone ko saka nag-open ng Facebook. Lumapit naman siya saka nakisilip sa screen. Napataas kilay ang niya saka natawa nang makitang nasa recent history ko siya! Shit! Nakalimutan kong idelete!
"Bakit mo 'ko stinastalk?!" he immediately accused while laughing. "Ikaw ha," he teased.
Nakuha ko pa talaga siyang irapan kahit alam kong namumula na ang buong mukha ko! "Bakit?! Bawal?!"
He laughed, "Hindi naman. Nakakahiya tuloy," ngusi niya. " Maglilinis na nga ako mamaya ng timeline."
"May utang ka pa sa akin," busangot ko saka pinindot ang account niya para hanapin ang post. Pinakita ko kaagad sa kaniya iyon. "Oh! Paki explain!"
Tiningnan niya naman iyon saka tinaasan ako ng kilay. "Binasa mo comments?"
I nodded. "Oo. Na bibigyan mo siya ng stick o! At nakita ko 'yon kanina!"
He chuckle, tuwang-tuwa sa akin. "Cute amp. Selos ka naman," pisil niya ng pisngi ko. "Dedelete ko talaga dapat 'yan kasi alam kong magseselos ka--"
"Wow!" hindi makapaniwalang singit ko.
Ngiti-ngiti niyang dinugtungan ang explanation niya. "Saka syempre loyal ako sa 'yo. Ayokong isipin mo na kakacut off mo lang sa akin, may bago na ako agad. Kaso ginamit ako ni Marwan para lumandi. Inutusan niya lang akong magreply don 'no! Saka yung stick o na nakita mo kanina, hindi 'yon galing sa akin. Galing 'yon kay Marwan, ako lang nagbigay. Promise. "
Natahimik ako matapos niyang iexplain ang lahat. Napabusangot ako saka tinago ang cellphone ko. So wala lang pala lahat ng pagkainis ko sa kaniya?!
"Ano, selos ka pa?"
"Hindi ako nagseselos."
He laughed. "Huli ka na nga pero ayaw mo pang magpakulong sa akin," he grinned.
I puckered my lips to stop myself from smiling widely.
"So? Ano nga Amara? Nagseselos ka nga?" ulit na tanong niya, more serious this time. Alam niya naman ang sagot. Gusto niya lang manggaling sa akin para may assurance siya. "Isang sabi mo lang na nagseselos ka, lalayo ako sa kaniya. Hindi na din ako magmomove on sa 'yo."
I bite my lower lip. His offer is so tempting. It took me a few minutes to gather enough strength to meet his eyes.
"Oo na. Nagseselos na ako," parang aping-aping sumbong ko sa kaniya, making him grinned that reached his eyes. "At ayokong nagkakagusto ka sa iba. Gusto ko sa akin lang."
He smirked,
"Sa 'yo lang naman talaga."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro