Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SCW 18

"Hoy Gahala,"

I stiffened in my seat when I heard Ar-ar call his name. Gusto kong magfocus sa librong binabasa ko but I couldn't stop myself from wanting to listen to them. Nandoon sila sa broom box, naglalaro ng online games.

"What?"

I pursed my lips when he asked sternly. Parang badtrip ang tunog ng boses niya. He's not in a good mood, mula pa noong mga nakaraang araw. Nagsimula 'yon mula noong binasted ko siya.

"Bakit dinelete mo lahat ng post mo tungkol sa crush mo? HAHAHAAHAHAHAHHAAHA" Marwan asked loudly that I couldn't help but take a glimpse at them again.

"Wala kang pakialam," iritang sambit ng isa.

"Potangina HAHAHAHAHAHAHAHAHA tikas ba pre? Tikas?" halakhak ng mga kagrupo niya, making me bite my lower lip.

"Pinagsasabi mo?" pikong tanong niya.

"Easy lang pre. Kalmahan mo, huwag kang magstrong," natatawang pigil sa kaniya ni Lamore.

"Bakit namumula mata mo pre? Umiyak ka ba?" Marwan added, iniinis talaga siya.

"Tangina mo, manahimik ka nga. Gawa-gawa ng kwento ampucha," batok niya kay Marwan pero humagalpak lang ng tawa ang mga loko-loko.

He took a glimpse in my direction which made me look away immediately and made my heart thump in nervousness. Napabasa tuloy ako ulit ng wala sa oras. This whole scenario is making me feel so awkward!

"Bwisit, ang sungit sungit!" halos mamatay sa kakatawang usal ni Gray.

"Ganito pala mabroken ang isang Gahala!" rinig kong asar pa nila. Pinagmumura na nga sila ng huli.

After that rejection, we don't talk anymore. Iwas na iwas siya sa akin. Kung pwedeng hindi niya ako lingunin, gagawin niya.

"Gaga, anong nangyari? Nong nakaraan ko pa kayo napapansin."

Tanong nila Vien habang naglalakad kami papuntang math namin. Kakatapos lang ng aming TLE.

Kahit sila ay nagtataka. Hindi ko pa kasi sila sinabihan. Mukhang may ideya naman sila dahil sa nangyayari.

"I rejected him," I told them.

"What?!" Kala hissed. "Bhe ang kapal ng mukha mo?!"

"Huh?! Bakit naman?! Akala ko gusto mo din siya?" Dolly inquired in confusion.

I just looked away, "Mama almost found out and I got scared. I also wanted to focus on my studies. Maybe I was really distracted for a while."

"Hindi a. Gahala even helped you a lot when it comes to your studies! I saw his effort to not become a hindrance to you!" Kala stated.

"Okay lang," I smiled. "Madami pa namang lalaki. Bata pa kami."

"He looked hurt, kawawa naman," nguso ni Kala.

"Icomflirt natin Kala," Vien excitedly suggested and laughed when I immediately glared at her. "Ano?! Chill lang, hindi ko aagawin!" Taas niya ng kamay niya na parang susuko. "Parang papatayin ako ng tingin mo ah! Nakalimutan mo ata lahat ng pinagsamahan natin. Akala ko ba best friend forever!"

Umingos ako, "Whatever."

Tawa-tawa ang bruha. I rolled my eyes at them. They just shut up when we entered our Math classroom. Classes continued until our break time. Pumunta kami sa canteen at hindi ko mapigilang mapatingin sa figure ni Gahalang naglalakad sa harapan namin.

"Pre, tumingin ka sa likod, may chicks," rinig kong uto ni Gray sa kaniya kaya natawa ang grupo nila.

Lumingon sa amin sina Marwan saka ngumiti. "Oh! Amara!" birong sigaw niya saka natawa nang mabilis na naglakad palayo si Gahala.

"Tangina pare!" halakhak nila habang sumusunod. Napatakbo nga sila bigla para lang makahabol. Kahit ang mga kaibigan ko ay natawa sa nakita.

"Ayaw na ayaw kang makita gurl," Kala teased that made me rolled my eyes.

It hurts me a little but I can't blame him. Umiling na lang ako saka pumasok sa canteen para maghanap ng irerecess. I just bought two biscuits saka punta sa mga drinks.

"Oh, Chuckie,"

I glared at Vien when she handed me one.

"Dito kayo nagsimula hindi ba?" pang-asar niya pa. Hinampas siya ni Dolly na natatawa.

I snorted and bahagyang tinabig iyon. Kumuha ako ng yakult.

"Ay iba," tawa ni Kala.

"Chukien ka na lang, chukien ka na lang. Ang sinisigaw ng pusoo woahh," kanta niya pa saka may pakulot kulot. Ginawa niya pang microphone ang chukie. Dami niyang alam kaya binatukan ko na.

"Aray! MaCHUKIEt!" she hissed na hindi ko pinansin. Binayaran ko lang ang pinamili ko saka kami umalis.

"Ouch!" I hissed when someone bumped at me. Inis akong tumingin sa kaniya but I feel giddy when I saw that it's Gahala.

"Pre, ano ba? Bakit kailangan mo akong itulak?!" He looked so pissed while looking at Raven.

"Pasensiya na pare! Hindi ko sinasadya!"

Irita niya lang silang tiningnan bago ako sinulyapan. He walked away after and didn't even say sorry.

"Bwisit. Matampuhin." Halakhak nila saka ako binalingan. " Hello Amara! " Ngiti nila ng matamis saka hinabol si Gahala na ilang hakbang lang ang layo sa amin at inakbayan. I saw him nudging them at the stomach.

"Stop teasing me. I'm trying to move on," he irritatedly said.

"Move on!" ulit ni Lacaus saka humalakhak ulit. "Ang pekeng pakinggan pare!"

Galing na mismo sa kaniyang magmomove on na siya. I feel discomfort all of sudden and something twist inside me. Tumutol kaagad ang buong sistema ko.

Well, this is the choice I've made. I'll just wait until his feelings for me fade. I should also start unliking him.

Gray grinned, "May nakamove bang laging stinastalk---"

"Shut up!" he hissed and nervously turned to me. Umiwas din kaagad ng tingin nang makitang nakatingin ako sa kaniya.

Lamore laughed, "May nakamove on bang nasa recent his--"

"Hindi ba kayo titigil?"

"Ang pikon pikon!" tawanan nila. "Lockscreen reveal nga!"

"Ulol, napalitan ko na."

"Amara! Hirap mo daw kalimutan sabi ni Gahala!" Gray shouted and laughed so hard.

"Wala daw bang second chance?!" dugtong na sigaw ni Marwan.

Gahala cursed and tried to punch him but the latter already run away from him. Hinabol niya pa 'yon saka binato ng c2.

My friends laughed.

"Sayang kayo," Vien whispered. " Pangit kabonding ng Mama mo."

Hindi ko na sila pinansin saka pumasok na sa room ni Sir. Napatingin pa sa akin si Gahala na nasa broom box pero kaagad din umiwas ng tingin.

"Ano?!" rinig kong iritang sabi niya kasi siniko siya ng mga kagrupo niya habang natatawa.

"Hindi mo ba lalapitan crush mo pre?! Usually mga ganitong oras lumalandi ka e. Ang sakit sakit niyo sa mata lagi!" parinig ni Ar-ar.

"Congrats, hindi na sasakit mata mo," sarkastiko niyang sagot.

Nagkunwari na lang akong walang narinig. I felt at peace knowing they are teasing him about me. That only means, ako pa din ang crush niya.

Hindi ko alam kung gusto ko ba talagang kalimutan niya ako o hindi.

"Nakakapanibago ngang makita ang dalawang laging naglalandian tapos ngayon halos hindi na magpansinan," one of my classmate uttured.

"Ay true, lagi pang nasa likod tapos may sariling mundo!" Dolly added and they laughed. Pati kaibigan ko nakisali. Hello, nandito lang kami o?

Paano ako makakamove on ng ganito kung tinutukso nila ako?!

Maya-maya pa'y tumigil na din sila. The bell rang and Sir Apura entered the room.

I stiffened in my sit when Gahala sat beside me. Ito yung mahirap e. Halos kasama ko siya sa lahat. Ang hirap layuan.

Mabuti na lang sa ibang subject hindi nakaassign yung chairs namin. Kung nakaassign man, hindi siya tumatabi sa akin habang wala pa ang teacher.

That thought made me gulp and feel guilty again.

We both flinched when our elbows touched unexpectedly. Kaagad niyang nilayo ang kamay niya sa akin at walang sinabi.

"Sorry," I whispered.

He took a glimpse and stared at me for seconds before looking away and nodding. "Okay lang. Ganiyan ka naman e. Akala mo lahat madadaan sa sorry."

Napasinghap ako saka nalaglag ng kaunti ang panga sa binulong niya! May sama ng loob! I looked like a bad guy!

Napatingin din yung isang katabi niya sa kaniya at nagulat sa narinig pero walang sinabi. Umiwas lang kaagad ito ng tingin.

Our classes resumed and I couldn't help but always look in his direction. Our eyes often met but we'd quickly look away.

Parang bumalik kami sa dati pero mas malala ngayon dahil hindi niya na ako kinukulit. Nakakapanibago.

Lunchtime came and my heart somehow ached a little as I picked a dish at the canteen for my lunch. Naalala ko kasi lagi niya akong pinaglulutuan ng ulam.

Ugh. Bakit ba kasi ang dami niyang ginawa noong nililigawan niya ako? Napabusangot tuloy ako.

Hindi pa nakatulong na nakasalubong namin siya habang pabalik kami ng classroom. Mukhang sa labas ulit sila kakain.

Kaagad ngumiti sa akin sina Ar-ar nang makita kami. Kumaway pa nga ang mga loko, inaasar siya. My friends are even elbowing me, nakikiasar din.

Nakita ko si Gahala na tumingin sa akin then his eyes lowered to the dish that I had just bought a while ago. Walang imik lang siyang umiwas ulit ng tingin.

"Oh?! Hindi ka magpapaalam pre?!" Raven teased when Gahala just walked passed by me.

"Why would I?" I heard him asking in a harsh way.

They laughed. "Sungit ah! Hoy Amara!" They called me but I walked faster.

"Tawag ka ni Gahala!" my friends said kahit hindi naman si Gahala ang tumawag!

"Kakain lang daw sa labas ni Gahala tapos babalik din kaagad! Pakihintay lang daw!" His group shouted that made the other students look at them! Ugh! Mga walang hiya!

"Manahimik ka ngang tarantado ka," Gahala hissed.

That's the last thing I've heard kasi nakalayo na ako. Tawang-tawa namang nakasunod sa akin mga kaibigan ko.

"Para kayong mga tanga," Dolly said while laughing slightly.

"Pilit iniiwasan ang isa't-isa pero may feelings naman amp," irap ni Kala. "Panay pa tinginan. "

Umingos lang ako saka inaya na silang maglunch. Mga 1:30 na ata silang bumalik sa room. Nilagay lang ni Gahala ang bag niya sa tabing upuan ko saka umalis din para makipaglaro sa mga kaibigan niya ng ML, halatang iniiwasan ako.

Bakit niya naman kasi ako papansinin?

I cleared my throat and made my expression serious when I saw Dolly looking at me, raising a brow. I just looked at her boredly at nagbasa na lang ulit. I even put my earphones on so I wouldn't hear his voice or his name.

Nagiging sensitive kasi ako. Automatic na lumilingon ako kapag naririnig ko ang pangalan niya o boses niya. Lagi ko na rin siyang hinahanap kahit saan. Sinusulyap-sulyap ko na ang bag niya at nakatindig sa likod.

Gusto ko sanang umuwi ng maaga dahil drain ako sa mga nangyari buong araw pero wala akong magawa dahil cleaners namin ngayon.

Suffocated na naman tuloy ako dahil nasa iisang lugar na naman kami ni Gahala.

Inis akong tumingin sa kaniya nang humarang siya sa harapan ko. Tinaasan niya ako ng kilay saka inungusan! Wow! This guy!

Pumunta ako sa kaliwa para doon dumaan pero doon din siya humakbang! Malapit na tuloy kaming magbungguan! Humakbang ako pakanan pero ginaya niya ulit ako!

"Ano ba?!" iritang tanong ko saka nameywang.

"Harang-harang," bulong niya saka dumaan sa kaliwa.

Napaawang ang labi ko saka nilingon siya. Napakabastos naman ng ugali niya!

Sinamaan ko siya ng tingin habang nageerase siya ng writings sa blackboard pero hindi niya ako pinansin. Inis akong bumuntong hininga para pakalmahin ang aking sarili. I feel so immature right now! Gosh!

Irita na lang akong nagpunas ng bintana na mas lalong nagpainit pa sa ulo ko. Hindi ko abot ang taas!

"Alis diyan,"

Sinamaan ko ng tingin si Gahala nang bahagya niya akong itulak.

Nameywang ako at tinaasan siya ng kilay, "At bakit?"

He chuckled sarcastically, "Huwag kang umastang matangkad kung hindi mo abot ha? Tumabi ka, small size."

"What?!" Bakit parang sobrang nakakainsulto 'yon?!

"Pasensiya ka na, hindi ako nakikipag-usap sa suplada," he smugged, and wiped the upper part of the jalousie that I can't reach. Wow! Pinamukha pa talaga!

"Ako ang nauna dyan though!" Pakikipaglaban ko. "Mang-aagaw! " I accused.

Napatingin siya sa akin saka bumuntong-hininga. "Abot mo ba 'to?" Turo niya don. "Diba hindi? Kaya tumabi ka. Ako na."

Asdfghjkl! Sobrang nakakainis na siya! Padabog tuloy akong umalis saka binunggo pa siya sa kaniyang balikat pero ako naman yung nasaktan! Tiningnan niya lang ako saka tinaasan ng kilay na parang tinatanong kung ano ang ginagawa ko!

I gritted my teeth and rolled my eyes at him. I heard our groupmates laughing at us. Badtrip tuloy akong nagpunas na lang ng mesa ni Sir at ibang bagay na abot ko lang! Nakakahiya naman kasi kay Gahala!

"Hoy! Sino ang magtatapon ng basura?!" sigaw ni Ruth. "Florian! Tama na 'yong laro! Tumulong ka naman aba! Hindi kita ililista!"

"Teka, rank 'to!" he said and while tapping his phone vigorously. Malikot din ang mga mata niya.

"Ako na," prisinta ko dahil wala naman akong magawa. Hindi ko kasi abot yung iba e.

Napanguso ako nang makitang tatlong basurahan iyon. Dalawa yung sa classroom namin saka isa kay Sir. Balikan ko na lang siguro yung isa.

Kinuha ko ang dalawa saka lalabas na sana nang humarang sa akin si Gahala. Napaatras ako nang lumapit siya.

I puffed in annoyance, "Ano na naman ba?"

"Ako na," prisinta niya saka kinuha sa 'kin ang isang basurahan at ang isa pang naiwan bago nauna ng lumabas.

I blinked first and hesitated a bit before following him. Naglalakad lang siya sa harapan ko at nakatingin lang ako sa likuran niya. Ang lapad ng balikat.

"Hi Amara," a guy from another section greeted me when I walk passed their classroom.

"Uhh, hello." I gave him a smile.

"Bilisan mo na, Amara," iritadong sambit ni Gahala habang nakakunot noong nakatingin sa lalaki. Tumigil talaga siya sa paglalakad para lang sitain ako.

I bite my lower lip. "Sorry," hingi ko ng paumanhin sa kaniya saka alanganin na lang na tumingin sa lalaki.

Umingos lang si Gahala saka binilisan ang lakad papuntang dump site sa likuran ng paaralan. Hinayan ko na lang siya saka hindi hinabol. Trip niya 'yan, bahala siya diyan.

Pagod na pagod ako nang makarating ako ng bahay. Naglinis lang ako ng katawan at pinigilan kong hawakan ang aking cellphone para magopen ng Facebook pero hindi ko mapigilan.

Napabusangot na lang ako dahil tiningnan ko talaga kung online si Gahala. I irritatedly sigh and stalked his account. Wala na nga doon ang mga post niya tungkol sa akin. It made me sad a little but it's also my fault.

I stopped scrolling when I saw his recent post.

Gahaldon Jammes Silva:
Lf new crush

Kaagad akong pumunta sa comment section nang makitang madami ang nagcomment doon.

Ang daming nagprisinta, even my friends that made me frown. What the hell. I know they are just joking pero ang kakapal talaga ng mga mukha nila.

I can't help but stalk those who commented one by one.

I groan in irritation. Just what the hell I'm doing? Kung saan-saang account na ako nakarating!

I press back and go to his post again to see if he replied to any of them pero wala naman.

Gray Hererra: Weh?! Wehhhh?!

Nikolas Timothee Narvaez: What happened bro?

-Gahaldon Jammes Silva: Nikolas Wew, basted HAHAHAHAHAHAHAHA

Vaughn Laurent Alvarez: Si Amara, pwede ba? HAHAHAHAHAHAHAHHA

-Gahaldon Jammes Silva: Ewan, tanungin mo kung pwede HAHAHAHAHAHHA

My hands trembled after seeing his reply to Vien's comment. Dinumog tuloy yung comment niya.

-Lacaus Jondenero: spotted, marupok HAHAHAHHAHAHAHAHA

-Ar-ar Rivera: Sa kaniya at sa kaniya pa rin babalik!

-Marwan Ramos: A philosopher once said, ✨I'm trying to move on✨ GahalanacrushparinsiAmara2k**

-Kallia Clemency Loyola: Hoy Amara, pwede daw ba? HHAHAHAHAHAHHA sagott, leche ka

I don't know what to reply. I kept typing a reply pero hindi ko masend. Napalunok na lang ako saka hindi na nagreply. Mas mabuti na 'yon. Baka umasa siya kapag nagreply ako. Hahayaan ko na lang.

I turned off my phone at gumawa na lang ng assignments para bukas. Pagkatapos non, dumiretso na ako ng tulog.

"Uhm, Gahala, pwedeng patulong?"

Napaangat ako ng ulo nang marinig iyon. Napatingin ako sa gilid at nakita si Louisa na nakatayo sa harapan ni Gahala. I raised my brows when she tucked her hair behind her ears. Ngumiti pa nga ng kaunti. What the fuck is that? Ang arte.

"Uh, sure. About what?" Gahala said, smiling a little at her too.

"Math sana,"

"Gagang Louisa, malandi." Kala whispered at me. Kakatapos lang naming maglunch at kakabalik lang nina Gahala mula sa karenderya.

Parang vinoiceout niya bigla ang iniisip ko.

"Kakabreak niyo pa nga lang ni Gahala naghasik na ng kapokpokan," gigil na sambit ni Vien. "Dapat ako muna e!" nguso niya na parang apig-aping.

"Tangina ka girl," tawa ni Dolly saka bahagyang sinabunutan si Vien.

I frowned, "Hindi kami nagbreak."

Hindi nila pinansin ang sinabi ko at binackstab pa si Louisa. Mga gago, nagparinig pa nga. Napakawarfreak.

I just pursed my lips and didn't look in his direction again. Of course, he can teach anyone he wants to. Wala naman akong pakialam don.

Hindi pa nakatulong no'ng science na dahil may activity kami. Talagang pinagtabi pa kami ng mga kagrupo namin! Kahit anong mangyari, hinding-hindi ako lilingon sa kaniya! Naiilang ako kasi nakatingin silang lahat sa amin.

"Wew, ang tahimik, " tawa nina Ryder. "May LQ pa ba?"

"Kayo lang naman ni Ruth ang may galit sa isa't isa," Florian teased, gustong ibaling sa iba ang attention.

"Gago," mura ni Ryder.

"Let's start," seryosong sambit ko that made them fall silent.

Mukhang nakita nila na hindi na ako nakikipagbiruan kaya parang naintimidate sila at nakipagcooperate na din. Our plan is doing good. Not until binuka ni Gahala ang bibig niya.

"Mas maganda kasi yung ideya ko," I glared at him. Nag-away kasi kami sa ideya kung paano gagawin ang activiting inassign ni Ma'am.

"No, there's a deffect. If we will use the materials you suggested, baka masira ang model na gagawin natin. My idea is better." He countered.

"Your idea is too simple! Napakaplain!"

"Wow!" he scoffed in disbelief or maybe naoffend siya.

"Wew." My groupmates laugh.

"Hoy! Hindi lang kayo ang grupo dito ah! Manahimik kayo! Nadidistract kami!" some of our classmates shouted. "Btw, sana all may kaLQ!"

Hindi pa siya tapos makipagtalo. He insisted his plan. Pikon kong nilapag ang ballpen. "Okay!" padabog kong sabi.

Mas lalo akong nairita nang makitang tinago niya ang ngiti. He faked a cough but the side of his lips kept on lifting like if I wasn't in front of him now, he'll really burst out laughing! Napaka-evil niya!

Halos umusok ang ilong ko sa kaniya. Nakakirita siya. Ang sarap niyang sabunutan! Ang sarap sumigaw sa inis! "You aren't taking me seriously!"

"I did. But you rejected me," he directly said and shrugged. Halatang may kasamang sama ng loob!

My group said 'Oh's' and cheered.

"Ohh, may galit na tinatago! HHAAHAHAHAHAHA!"

He's dragging a personal agenda here! I crossed my arms and irritatedly looked at him, "Can't you be serious for a while?"

He smirked, "I'm being serious Tiexiera, mukhang ikaw ang hindi."

Padabog kong tinalikuran siya at lumapit kay Ryder, "Tayo," I sternly ordered in a dangerous voice.

"Woah, bakit?" he stood up and raised both of his hands as if surrendering.

"Alis diyan!" busangot ko saka naupo sa kaniyang upuan. "Diyan ka tumabi sa kaniya bago ko pa siya masaksak ng ballpen!"

I know I was acting like a fucking kid right now pero pikon na pikon na ako kay Gahala.

Nangalumbaba lang ang tangina habang natatawang nakatingin sa akin. He even struck his tongue out! This motherfucking bastard.

He smirked, "Pikon."

I bite the inside of my cheeks harshly out of irritation. Gusto ko siyang pagmura-murahin. I can't help but raise my middle finger at him, "Fuck you."

His lips parted, mukhang hindi inaasahan ang ginawa ko. Inirapan ko lang siya saka umingos. Bahala na nga siya diyan. Nahahighblood ako.

Ginawa na nga nila yung activity at nakisilip lang ako. Pinigilang kong hindi mapangiti nang makitang pinagsama niya ang ideya namin nang makita ko ang ginagawa nila pero galit pa din ako! Ininis niya kaya ako ng todong-todo!

"Hoy Tiexiera, anong ambag mo dito?" he called me and raised his brows.

"Bahala ka diyan. Tutal magaling ka naman," I snorted.

"Susmaryosep. Ikaw mag-reporting o hindi kita ililista," he threatened.

I rolled my eyes. "Yeah whatever," sungit ko. "Sino partner ko sa reporting?"

Tumaas ang kilay niya, "Sino pa ba? Edi ako."

"Ayoko," tanggi ko kaagad that made him crossed his arms at supladong tumingin sa akin, tutol sa sinabi ko. Baka mag-away lang kasi kami sa unahan. "Si Ryder na lang. Tutal madami ka naman diyang nagawa. Ang iba naman."

He looked at me and chuckled sarcastically. "Ah talaga Tiexiera? Ako ang leader. Ako ang magdedesisyon."

"Ako ang sumusunod na Leader kaya pwede din akong magdesisyon," I mocked him.

"Sinong nagsabi? Mama mo?" sarkastiko niyang tanong at tinaasan ako ng kilay.

Ugh! Bakit ba nakakirita siya ngayon saka ang sungit?!

Tawang-tawa ang mga kagrupo namin sa amin! Mukha ba kami ditong nakikipagbiruan?!

"Bardagulan," tawa nila.

"Si Ryder ang gusto kong kasama. Kung ayaw mo edi okay. Hindi ako magrereport kung ikaw ang kasama ko. Period." I said with finality.

Mukhang doon siya napikon. He looked at Ryder and raised his brows again. His glares are menacing na parang kung pwede lang makapatay ang tingin ay kanina pa walang buhay ang isa!

Napangiwi si Ryder, "Pota. Bakit parang ako pinag-iinitan niyo? Hindi ako bro! Ikaw na lang!"

Tinawanan siya ng ibang grupo saka tinapik tapik sa balikat.

Ngumising tumingin sa akin si Gahala and nagkibit balikat, "Ayaw niya daw. Paano ba 'yan?"

"Because you're threatening him!" Bumaling ako sa ibang ka grupo ko. "Ikaw Ruth?" Tanong ko pero kaagad lang din siyang umiling. Tinanong ko silang lahat pero umayaw sila. Pikon akong tumingin kay Gahala kasi sinasamaan niya sila ng tingin!

I don't know what happened but we end up reporting together. Pinigilan ko talagang hindi bumusangot dahil nakatingin si Maam habang yung kasama ko abot mata ang ngiti.

Napapairap na lang ako tuwing nagtatama ang tingin namin tapos tataasan niya ako ng kilay. I felt so unprofessional right now! At kasalanan ni Gahala! He's bringing the beast inside me out!

He leaned closer to whisper, "Ayusin mo, Tiexiera."

I mocked his words and made some faces, "Bakit hindi ka kaya manahimik, Silva?" I silently hissed which made him chuckle. Pabalik-balik lang ang tingin sa amin ang aming mga kaklase.

Badtrip tuloy akong umuwi ng bahay. Dagdag pa na magkasama kami sa reporting sa Filipino para sa El Filibusterismo. Bakit kasi Silva apelyido niya?

Napabuntong hininga ako saka napahiga sa kama nang matapos akong maglinis ng katawan. Napatingin ako sa kisame bago nagpakawala ulit ng isang malalim na buntong-hininga.

I admit, nagustuhan ko yung pag-away namin kanina. At least kinausap niya ako. Hindi katulad noong isang araw na hindi niya talaga ako pinapansin.

Life became dull without Gahala, and it's starting to scare the hell out of me. It's terrifying to realize that my happiness depends on him.

I couldn't help but grab my phone and stalk him instead of studying. Hindi lang talaga ako mapakali. Bakit kasi binasted ko pa?

Gustong kong bawiin kaso hindi ko alam kung paano. Bahala na sina Mama. Pwede naman...sigurong itago? Tapos gagalingan ko na din sa pag-aaral. Ugh, it sounds so illegal for me.

Hindi ko mapigilang magbackread sa aming convo. Okay pa yung last naming usapan tapos biglang wala na.

I scrolled up and laugh a little when I saw some of his corny jokes and pick-up lines. Yung panglalandi niya pa lagi.

My God. Namimiss ko ba siya? This is so weird.

Backreading our conversation is fun and all, but not until I accidentally reacted to his chat last December!

Nanlaki ang mata ko saka napabalikwas ng bangon. Nanginginig at kinakabahan kong binawi ang react. Shit. Online pa naman siya ngayon! Sana hindi niya mapansin! Oh my god. Gusto kong maiyak sa kabobohan.

Hindi ako makapali. Pabalik-balik ang lakad ko sa aking kwarto. Napatigil ako saka kinuha ulit ang phone ko at stinalk siya.

My jaw dropped after seeing his post 1 minute ago!

Gahaldon Jammes Silva:
Back read pa 🙄

Namula ako. Shit. Napakagago niya! Patamaan daw ba ako! Nakakainis! Kailangan bang ipost 'yon?!

I spent the other minutes cursing the shit out of him. Gusto kong sumigaw sa kwarto pero baka marinig nina Mama!

Pinagmumura ko siya nang masundan na naman ang post niya.

Gahaldon Jammes Silva:
HAHAHAHAHAHHAHA aminin mo na lang kasing miss mo 'ko. Ganon din naman ako e. Char.

I puffed in annoyance pero kasi totoo naman yung sinabi niya pero hindi ko aaminin. Asa naman siya!

Pinagpyestahan na naman tuloy siya ng mga kaklase ko. Pinilit siyang imention kung sino kahit halata namang alam nilang ako ang pinapatamaan niya! 

Hindi ko mapigilang pumunta sa profile ko at magpost din.

Keleya Amara Tiexiera:
Hindi ako 'yon.

I only posted it a minute ago pero dinumog ng haha.

Vaughn Laurent Alvarez: Bobo ka talaga Amara HAHAHAHHAHAHAHAHA para ka na ding umamin shunga!

Shit. Oo nga! It sounded so guilty! Nagpanic kasi ako! Nidelete ko na lang tuloy, hoping na sana hindi pa nakita ni Gahala which is sobrang labo! Ang daming nagmention sa kaniya sa comment section!

I sighed saka hinayaan na lang. I pouted and posted something else to divert their attention. Syempre, hinide ko sa mga relatives ko. Umabot ata ng 100+ yung nakahide.

Keleya Amara Tiexiera:
The silence is too deafening. The noise hadn't visited me for a while.

I silently cursed nang dumugin din iyon! This is my first time posting about this kind of stuff, and it feels weird.

Kallia Clemency Loyola: Baka kasi daw binasted mo yung maingay! HAHAHAAHAHHAH

Dorothy Blythe Oliviera: Wow! Congrats! Nagkawifi na kayo diyan sa bukid! 😮

Vaughn Laurent Alvarez: HAHAHAHAHAJAHAHA gago sasabihin mo na lang na namimiss mo siya pero dapat in sosyal way

-Kallia Clemency Loyola: Gaga, at least namiss niya daw HAHAHAHAHAHAH

-Keleya Amara Tiexiera: Vaughn Pinagsasabi mo?

-Dorothy Blythe Oliviera: Amara Hala, sige, paringgan lang kayong dalawa sa Facebook

-Vaughn Laurent Alvarez: HAHHAHAHAHAHA bwisit

I gulped when I saw Gray's group mentioning Gahala again!

Raven Muyco: Gahaldon tahimik daw oh

My hands trembled a little out of nervousness when Gahala liked my post! He likes it! Pero napasinghap ata ako nang magcomment siya sa post ko!

Gahaldon Jammes Silva: Amara chat mo kaya ako. Hindi yung paback read back read ka lang.

Gahaldon Jammes Silva: Mindset ba, mindset

My god! I can't believe this guy! He's so argh! Fuck him!

Kaagad iyong dinumog ng reacts! Nagreply kaagad ang mga grupo niya para katyawan siya. Tawang-tawa sila!

Overwhelmed pa ako sa pagkatyaw nila sa comment niya nang bahain na naman ako ng mention. Pinindot ko 'yon, and it leads me to Gahala's post 1 minute ago!

Gahaldon Jammes Silva:
Life's becoming boring. I need a daily dose of pagsusungit.

I bite my lower lip to forced myself not to smile. Ugh, bawal akong kiligin in this time. Baka hindi para sa akin 'to!

Vaughn Laurent Alvarez: Ah depucha HAHAHHHAAHHAHAHAHA. Napakalandi niyoo! Gagawa pa sana ako ng assignment pero makikichismis na lang ako!

Kallia Clemency Loyola: Another way of saying 'I miss you too ' eeeee! HAHAHAAHAHHAHA pakimention pls

Dorothy Blythe Oliviera: Mention! Mention! Mention!

Marwan Ramos: Magpansinan na lang kayo tangina. Dami niyong sinasabi! Nang-iinggit lang kayo e!

What he did made the butterflies in my stomach flutter, but it didn't last long. It immediately turned into thorns that pricked me.

"Oy, Amara. Narinig ko lang 'to ha, hindi ako sure."

Mula sa pagbabasa ay napatingin ako kay Vien. "Ano 'yon?"

Tiningnan niya ako ng ilang segundo bago umiling. "Huwag na nga. Pakiramdam ko hindi maganda para sa 'yo."

My brows furrowed, "Ano ngaa?"

"Gusto mong malaman?" usisa niya.

I nodded, "Oo. Tungkol ba saan?"

"Si Gahala kasi."

That caught my attention. "Ano?"

She leaned towards me to whisper, "Narinig ko lang 'to sa boys ha! Pero kasi...may iba na daw na crush si Gahala."

"Ha?" Nagloading pa ako.

Something twists inside me nang maproseso ko na ang sinabi niya, but I pretended like it didn't affect me at all. Tumingin lang ako kay Vien saka sinalubong ang kaniyang mata.

"Gano'n ba?" I asked in an uninterested way pero sa totoo lang nagpapanic na ako sa kaloob-looban ko. My brain's contradicting what she said. Na hindi iyon totoo.

"Ano? Wala kang pakialam?" she asked.

Hindi ko siya sinagot saka umiwas ulit ng tingin at binalik ang atensyon sa libro.

May iba na siyang gusto? Ah. Parang kailan lang sinabi niya sa aking magmomove on siya. Bilis ah. I can't help but chuckle sarcastically in my head.

It's disturbing me the whole lunch. Tapos ang tagal pang bumalik ni Gahala mula sa pagkain sa labas.

I feel like I'm a girlfriend, waiting for her boyfriend to come home in the middle of the night.

I shook my head at nagpaalam sa kanila na pupunta sa canteen. I wanted to buy a drink to cool my head.

I was preoccupied while walking, pero halos mapatigil ako sa paglalakad when I saw Gahala and his friends approaching. Pabalik sila galing sa pagkain sa labas

Hindi lang sila though. May kasama silang babaeng pamilyar sa akin. Gahala's laughing with her at naramdaman ko kaagad ang kirot sa dibdib ko.

His friends elbowed him when they saw me. Napalingon siya sa kanila at tinuro nila ako. He followed their hands and our gazes met.

I shook my head and chuckled sarcastically. I straightened my back and walked again. I didn't look at him as I walked past them.

After taking a few steps, I just stopped walking.

That's it. I knew I wasn't the person he liked anymore when I turned around and saw him walking forward without even looking back.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro