SCW 15
Gahaldon:
Hoy Keleya Amara
Keleya:
Yeah?
Gahaldon:
Nasaan ka?
Keleya:
Nasa sementeryo ako.
Gahaldon:
Wew, sino binibisita mo diyan?
Keleya:
Baka patay. Hindi ako sigurado.
Gahaldon:
Hindi ka nakakatuwa 😒
I chuckled and put my phone back in my pocket. I faked a cough and made my expression serious when my older sister eyed me suspiciously.
Undas break kasi namin ngayon. Binibisita namin si Lola, kasama ang mga Tita at Tito ko. Nagstay pa kami doon ng ilang oras and we prayed a little before going back to our car. Tahimik lang kaming magkapatid sa likuran habang binabaybay namin ang daan pabalik ng bahay.
I was gazing out the window when my thoughts drifted to Gahala. I pursed my lips to keep myself from smiling when I remembered his reaction.
"Is there anything funny, Amara?" Nawala lang ulit ang ngiti ko nang itanong iyon ni Papa habang tinitingnan ako sa rearview mirror. Napalingon din tuloy sa akin sina Mama at mga kapatid ko sa akin.
Napaayos ako ng upo. "Nothing po."
The table was already set when we arrived. Kumain lang kami at ang tangi kong naririnig ay ang tawanan nila at pagmamayabangan. The adults were discussing topics that do not fancy me.
Katabi ko ang mga pinsan kong nag-uusap-usap din. Tahimik lang ako at hindi nakikisali sa kanila. Gusto ko ng pumunta sa kwarto at mapag-isa. Or maybe talked to Gahala, and listened to his funny nonsense.
I'm not close to any of them, so after eating, I excused myself and went upstairs to be alone despite my mother telling me to interact with them.
Napanguso na lang ako nang maramdamang excited akong mag-open ng Facebook just to talk to him. His chathead immediately appeared on my screen after I opened my phone.
Gahaldon:
Hindi ka naman patay pero bakit gusto kitang bisitahin?
Ang korni ng mga banat niya pero natatawa pa din ako.
Keleya:
Miss mo lang ako.
Gahaldon:
Ang kapal ng mukha mo pero medyo lang
I laughed. Yeah, Gahala is the only one who can make me feel this way. Pakiramdam ko, gustong-gusto ko na siya.
Gahaldon:
Ilang araw na kitang hindi nakikita, hindi ka ba naawa sa akin?
Gahaldon:
Paano kapag kapusin ako ng hininga sa sobrang pagkasabik sa 'yo?
Keleya:
Napakaoa mo
Gahaldon:
OA. Overly Addicted... to you HAHAHAHAHAH kainis ka naman
Ngumuso ako, pinipigilang matawa. Pakiramdam ko ang korni korni ko kasi kinilig ako doon.
Gahaldon:
99% biro, 1% totoo
Keleya:
Nahiya ka pang aminin
I want to see him too, but I won't tell him that.
Gahaldon:
Oo na. Miss naman talaga kita. Ano naman ngayon sa 'yo
I typed a reply but grunted because it contradicted my feelings. I was hesitant to send it because I felt so embarrassed. But... I really wanted to see him.
I closed my eyes and sent it before I could change my mind and regret it.
Keleya:
Gusto mo..vc?
Gahaldon:
?!
I laughed when my phone rang immediately and his name popped up.
"Shet, mas namiss na tuloy kita ngayong nakita ko na mukha mo," he complained, kaya mas natawa ako. "I miss you."
Our conversation continued, and I didn't even notice the time passing. Days went by quickly, and we met again.
"Anong sasalihan niyo sa sports fest?"
"I'll play table tennis," I replied to Dolly before taking a glimpse at Gahala who's walking. Nasa unahan namin siya kasama ang ibang mga lalaking tropa niya.
"I'll join cheers and yells! I'm not good at any sports anyway," Kala wrinkled her nose.
"Sama ako!" Dolly enthusiastically added.
"Hindi ka sasali ka basketball na pambabae?" I asked.
"Ayoko, nandoon kalaban ko! Baka magbatuhan pa kami ng bola instead na magteam work."
"Ikaw Vien?"
"Magfufutsal ako," ngisi siya. "Magbabasagan kami ng bungo ni Falvia. "
Tumigil lang kami sa pag-uusap nang pumasok na kami ng room. I promptly headed to my assigned seat.
"Kakain na kayo?" Gahala asked as soon as I placed my bag down. I turned to face him, and there was that smile on his face again.
Tumango ako. "Yeah, bibili lang kami ng ulam sa canteen."
"Uhh, wait, " pigil niya saka may kinuha sa bag niya. "Huwag ka ng bumili. "
"Bakit?" taka kong tanong.
Hindi niya ako sinagot, but he took out a Tupperware from his bag. I looked at him with confusion when he handed it to me.
"I wasn't sure what to cook," he scratched his nape, "so I made you fried chicken and a sunny side up egg instead. Is that okay?"
"Pinagluto mo talaga ako?" gulat na tanong ko saka binuksan iyon. May ulam nga doong itlog at saka fried chiken. Akala ko joke joke niya lang yung sinabi niya noong birthday niya! "Wow, thank you. " I whispered, still in awe.
He nodded with a smile and turned to his friends when they called him. "Wait lang, pre," he said, then turned back to me. "Alis na kami."
"Sa labas kayo kakain?" I asked, closing the lid of the Tupperware.
"Yeah," he smiled.
I cleared my throat. "Gusto mo sumama sa amin...kumain?" I trailed off, feeling like I was asking him out on a date. "I mean...hindi ko naman mauubos 'tong ginawa mo."
Tinitigan niya ako bago unti-unting ngumiti. "Ano ba 'yan," tawa niya saka nagkamot ng batok. "Pre! Hindi na lang pala ako sasama!" baling niya sa mga kaibigan niya. Napatingin din ako sa kanila.
"Bakit?! Walang manglilibre ng coke!" Marwan immediately complained.
"Dito na ako kakain, gusto daw ako makasama e. Wala akong magagawa don." Ngisi niya, nagyayabang sa kanila. It made my eyes roll but put a smile on my lips.
Mukhang nagets din naman nila kaagad kasi tinaasan nila ng panggitnang daliri ang huli.
I chuckled. We chatted a little bit while waiting for my friends na bumili pa ng ulam nila. He asked me what I had been up to this holiday, even though I had already mentioned it over the phone.
We formed a circle nong bumalik na ang mga kaibigan ko. Panaka-naka pa ang tingin nila sa amin ni Gahala saka iirap, mukhang naiingit.
"Ikaw magrerepresent ng grade 10, Gahala?" Dolly asked so I take a glimpse at the guy beside me. Sinabi niya na kanina sa akin 'yon habang nag-uusap kami.
Tumango siya saka binigay sa akin ang egg yolk sa kaniyang ulam na itlog. "Oo, pinatawag ako kanina ni Sir Apura at Ma'am Biona."
"Thank you," I whispered, giving him the egg white from my egg in return.
"Kasama mo 'yong lower section?" usisa ni Vien.
"Yeah," Gahala just nodded and turned to me, showing the chicken skin. "Gusto mo?"
"Ako gusto ko 'yan," Vien interrupted. Kulang na lang maglaway siya habang nakatingin doon. "Share ko lang."
Gahala laughed and gave the chicken skin to Vien when I shook my head.
"Makakasagot ba 'yan sa Q and A? Parang she can't naman," Lait ni Kala kaya hinampas siya ni Dolly. "Aray! Why?!" she added.
"Pangit ng ugali mo!" ani Dolly.
"Mas ugly yung sa kaniya 'no! Hmpk!" irap ni Kala.
Napailing na lang ako kasi alam kong may lihim na inis don si Kala. Inagaw daw crush niya e.
After that lunch with him, pareho na kaming naging busy. Consistent naman yung pagbigay niya sa akin ng ulam tuwing lunch though! Malaki tuloy naiipon ko pero nakakahiya kasi nagpadagdag pa ako sa palamunin ni Tita kaya nga sinabihan ko siyang tigilan niya na.
He agreed naman everytime na sinasabihan ko pero lalapit pa rin sa akin kinabukasan habang may hawak na lunchbox. Nagpapalusot pa kahit hindi naman nakakalusot.
Busy ako kakapractice ng table tenis habang siya busy kakarehears ng kaniyang talent sa room ni Ma'am Biona. Hindi na rin kami masyadong nagklaklase since hindi sumasali sa mga sports ay pinasali ni Sir sa cheers and yells.
"Tama na muna 'yan," Sir gestured his hand to dismiss us. "Bukas naman. 9 A.M ulit start ng practice ha?"
"Yes sir," I answered. Binaba ko ang aking racket saka pumunta sa bleachers dahil nandoon ang mga gamit namin.
Sinamahan ako ni Mitch, isa sa mga kasama ko sa table tennis, sa pagpalit ng damit dahil puno kami ng pawis. Nag-ayos din ako ng kaunti dahil ang haggard ko ng tingnan.
"Uwuwi ka na?" tanong ni Mitch nang makitang nag-aayos na ako ng gamit.
Tumango lang ako sa kaniya. Kinuha ko ang phone ko saka tiningnan kung nakatext si Mama o ang driver namin.
I frowned when they texted me, but it was just to inform me that they couldn't pick me up because she was busy and Manong was stuck somewhere due to a flat tire.
Hindi naman ako worried na umuwing mag-isa. Mas worried ako kung paano kaya ako tatawid at magpapara ng sasakyan.
I set the worries aside and viewed Gahala's message to reply.
Gahaldon:
Tapos na practice niyo?
Keleya:
Oo, kakatapos lang. Yung sa 'iyo?
Gahaldon:
Tapos na, kanina pa ( ◜‿◝ )♡
Gahaldon:
Talikod ka
I turned around after reading his text. There he was, leaning against the door of the room, waving and smiling at me, with phone in hand.
I just stared at him when he went inside and walked closer to my place. He's only wearing a black jogging pants and a neat white shirt. Naging iba tuloy yung ngiti ng mga kasamahan ko sa akin. Ngiting malisyosa.
"Uuwi ka na?" he immediately asked.
Tumango akong nakatingala sa kaniya. I can't help but notice his smell. Mabango pa rin even after being active for the whole day.
"Who's picking you up? Si tita o driver niyo?"
I shook my head. "Hindi makakapunta, ako lang uuwing mag-isa."
His face lit up, his eyes sparkling with delight as if he had found new hope. "Hatid na kita!" he offered right away.
"Sige." Walang pakipot na sagot ko. Namimiss ko kasi...
"Akin na bag mo," he said.
"Pagod ka though," I pointed out pero wala na akong magawa nang kunin niya ang bag ko sa akin. Pati ang racket ko ay kinuha niya. Walang naiwan sa akin kundi ang water bottle at isang towel.
"Hindi na," ngiti niya.
Nagkukwento lang siya ng nangyari kanina sa kanilang practice habang naghihintay kami ng jeep. I was just listening attentively to him. Nagtanong din siya kung ano ang nangyari sa araw ko so I shared as well.
Hinatid niya nga ako hanggang sa gate ng subdivision namin. Hindi ko na siya pinayagan sa loob kasi baka may makakita sa amin.
"Bye," he tousled my hair and smiled again.
"Take care," I said.
"Alam ko, hindi ko pa nakukuha ang oo mo," he chuckles.
I rolled my eyes and playfully pushed him. Naglakad lang ako sa loob nang makaalis na siya.
"Players, follow me to the gym."
"Bakit po, Sir?" halos karamihang tanong namin nang sabihin iyon ng couch namin sa table tennis.
"Gagamitin ang classroom ko sa dance practice, pinamove ko ang table tennis doon."
We just nodded our heads, grabbed our bags, and followed him to the gym.
Pumasok kami ng gym pero imbes na sa table tennis mapunta ang atensyon namin, doon napunta sa mga candidata para sa sports fest. They look fine and...tired. Maybe because of their rehearsal.
Napasulyap ako kay Gahala na napatingin din sa amin nang pumasok kami. Napailing na lang ako nang makitang lumiwanag ang kaniyang mukha at kaagad na napangiti. Nakuha niya pa ngang kumaway sa akin kaya siniko ako ng mga kasama ko.
"Ma'am! Inspired na naman ang isa dito!" sumbong ng isa nilang kasama matapos makita ang reaksiyon ni Gahala saka natawa.
"Ulol," rinig kong pabirong sagot niya dito. I felt awkward when the female contestants glanced at us as if trying to see who Gahala was looking at.
"Ampucha, ang lumbay na lumbay kanina eh! Parang gustong umuwi pero pagdating lang ng..." dugtong na biro pa ng isa saka humalakhak ng malakas.
"Lungkot siguro ng buhay ng walang inspirasyon 'no? Kaya ako pinagtritripan mo?" Bara ni Gahala don sa grade 11 na escort.
Rinig na rinig ko ang asaran nila dahil ang iingay nila tapos nageecho pa.
"Tama na 'yan, from the top na," saway ng teacher sa kanila kaya napaayos sila ng tayo.
Hindi ko na sila pinansin dahil tinawag na kami ni Sir. Pumunta kami sa bleachers na malapit sa tennis table saka nilagay doon ang aming mga gamit. Kinuha ko ang pantali ko saka tinali ang buhok ko at naglagay na din ako ng black na head band sa ulo.
"Amara, halika na!"
Napalingon ako kay Mitch at saka tumango. Nagpraktis na ako habang nagprapractice din sina Gahala sa stage.
Hindi pa ako makagalaw ng maayos dahil ramdam na ramdam ko ang mga sulyap niya kahit malayo. Pakiramdam ko bawat segundo nakatingin siya sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang maconscious kasi baka puno na ako ng pawis o baka ang pangit ko ng tingnan.
"Sorry!" nakangusong sambit ni Mitch nang tumilapon ang bola namin sa malayo.
"Okay lang," tango ko saka iyon pinuntahan para kunin. Yumuko ako at pinulot iyon. Pag-angat ko ng tingin ay nakita kong tumatakbo sa direksyon ko si Gahala.
"Hoy! Hindi pa tapos ang practice!" sigaw ng kasamahan niya habang natatawa.
"Ay hindi pa ba?" Tawa niya din saka biglang lumiko ng takbo pabalik sa ibabaw ng stage.
"Gano'n pala mga type mo ha!" Katyaw sa kaniya ng mga lalaki.
I just frowned at him when he pouted in my direction.
Panay pa ang tingin niya sa direksyon ko pagkatapos na para bang nagmamadali. Napailing na lang ako saka nagconcentrate, hindi hinahayaang idistract niya ako. Dumiretso kaagad ako sa bleachers para uminom nang magbreak kami.
"Kayo ba?" napatingin ako kay Mitch nang itanong niya.
"Who?" tanong ko, kahit alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Lumingon ako sa kaniya matapos kong sarhan ang water bottle ko.
She giggle, "Gahaldon."
Umiling ako, "Hindi."
"Nanliligaw?" pagbabasakali niya.
I shrugged, "He said he will wait. "
Her mouth formed an 'o' and giggled. She took a glimpse at Gahala. Napatingin din tuloy ako doon. Hindi ko sana siya papansinin pero nag-uusap sila no'ng muse niya.
Napapatawa pa sila kaya hindi ko mapigilang mapataas ng kilay. He then turned in my direction and smiled when he saw me looking. The girl looked at me as well pero hindi ko na sila binalingan ulit.
Our practice resumed after that . Napahinto lang ata kami nang maglunch na. Bumili lang ako kasama si Mitch ng pagkain sa canteen dahil hindi pa kami nakakapagrecess.
"Pota, ang bilis umalis ha!" narinig kong katyawan ng mga lalaki kaya napatingin ako sa stage. Malapit pa akong mabulunan nang makitang papalapit si Gahala sa direksyon namin.
"Hi," ngiting-ngiting sambit niya after stopping in front of me. Even his eyes are smiling.
"Hello," I hesitantly smiled back at him and offered him the snacks I'm eating.
Tumango lang siya saka tinitigan ang mukha ko kaya nailang ulit ako. Rinig na rinig ko ang impit na tili ng katabi ko. Napangiwi ako ng kinurot ako ni Mitch sa tagiliran. Napakunot-noo tuloy si Gahala na mukhang nakita.
"Bakit mo naman kinukurot crush ko?" parang bad trip pang tanong niya! Hindi ko mapigilang irapan.
"Ay hala! Sorry!" tawang usal ni Mitch saka umalis kaagad para bigyan kami ng privacy. Dahil umalis siya, may space na tuloy sa tabi ko. Doon umupo si Gahala.
"Ang galing mo kanina." Abot ang matang ngisi niya.
I rolled my eyes at him. "Ang galing mo din kaninang...lumandi sa iba."
He laughed so hard. " Ikaw lang kaya nilalandi ko!"
Umingos ako at inulit ang sinabi niya before making faces. "Ikaw lang kaya nilalandi ko nyenye."
"Daya naman ng mukha mo. Ang ganda pa rin. " He shook his head with a smile on his face before changing the topic. "Maglulunch ka? Sabay na tayo."
"Teka lang. May papasuyo pa ako kay Mitch." Lumingon-lingon ako para hanapin ang babaeng yon. Magpapalagay kasi sana ako ng towel sa likod. Nakalimutan ko kanina!
"Bakit? Nandito naman ako ah," point out niya. "Anong kayang gawin ni Mitch na hindi ko kaya?"
Napakaarte talaga ng taong 'to. "Magpapalagay sana ako ng towel sa likod. Kaya mo ba?"
"OH?! Kaya ko 'yon!"
"Huh? I mean you're a guy!"
"Hindi naman kita bobosohan! Pero kung uncomfortable ka okay lang." He shrugged. "May mga naging kaibigan akong babae doon," he pointed the stage. " Pwedeng sabihan ko sila na---okay, hindi na kami magkaibigan," ngiting aso niya nang taasan ko siya ng kilay.
Inirapan ko siya.
"Napakaselosa mo naman!" tawa niya na hindi ko pinansin. Lagi talaga 'tong gumagawa ng kwento e.
Iniwan na ata ako ni Mitch. Isa lang pamalit ko at mamayang hapon pa 'yon gagamitin. Pero baka matuyo pawis ko sa likod, mahirap na.
Wala akong magawa kung hindi ang tumingin sa kaniya. Tinitigan ko pa siya ng saglit bago sinabing, "Palagay, Gahala."
"Ako?" Umawang ang labi niya.
"Ayaw mo ba? Ikaw nagsuggest kanina e." Mukhang pwede namang siyang pagkatiwalaan. Maloko lang siya lagi pero mukhang marunong namang rumespeto.
Nag-alangan na siya ngayon. Umiwas siya ng tingin at natagalan pa ng kaunti bago tumango. Pumunta kami sa medyo walang tao. Hinarap ko ang aking likuran sa kaniya saka binigay sa kaniya ang towel. Kinuha niya naman sa akin iyon.
"Matagal pa ba?" tanong ko nang maramdamang hindi siya gumagalaw. Nilingon ko siya at nakitang nag-aalangan.
"Parang hindi magandang ideya to Amara," kabadong sabi niya pa.
"Bilis na, patuyo na pawis ko," pressure ko sa kaniya.
Nilingon ko siya nang maramdamang gumagalaw na ang kaniyang kamay sa loob ng aking damit. Nakaiwas lang siya ng tingin dahil nakalitaw ng kaunti ang balat ko. Namumula din siya.
Napatikhim ako at napaiwas din ng tingin. Mukhang tama nga siya doon sa sinabi niyang hindi magandang ideya 'to.
Medyo natagalan pa siya doon at nanlaki ang mata ko nang maramdamang guminhawa ang pakiramdam ko.
"Gahala!" panic na tawag ko sa kaniya.
"Bakit? Bakit?" panic niya din.
"Ang hook ng bra ko! Natanggal!"
"Huh?" nagloading pa siya. "Bra?! Hook ng bra?!"
I bite my lower lip, "Oo!"
"Hindi ko tinanggal 'yan a! Nagkusa siya!" Explain niya kaagad na parang kabadong mapagbintangan.
"Alam ko!" Nilabas niya ang kamay niya kaya humarap ako sa kaniya. Kitang-kita ko ang pamumula niya.
"T..Teka, anong gagawin ko?!" mukhang hindi niya na alam ang gagawin. "Ikabit ko ba ulit?"
"Wala kang gagawin, gago." Mura ko sa kaniya. "Kaya ko na 'to." Kaagad siyang nag-iwas ng tingin nang inayos ko ulit iyon. Bahagya pa siyang tumalikod.
"Fuck," he muttered a curse. Rinig na rinig ko siyang nagdadasal.
Napabuntong-hininga ako nang mahook niya na ang bra ko. "Okay na, pwede ka ng huminga." Ani ko na siya namang ginawa niya.
Sumilip muna siya ng kaunti para siguraduhin kung okay na ba talaga bago siya tuluyang humarap sa akin. "Sorry, hindi ko talaga sadya, promise." Nanumpa pa siya sa akin na parang naguilty. "Did you feel violated or disrespected?" he asked. "Sorry."
I shook my head, "No. Just embarrassed. " I faked a cough before looking away. We're both blushing.
"Palagay na ulit ng towel," bigay ko sa kaniya ulit.
"Uulit ka pa talaga?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Sinusubukan mo ba ako? For petes sake, I almost-"
"What?" taas-kilay kong tanong, sinusubukan siya.
"Fine," pagsuko niya saka kinuha ang towel kaya tumalikod ulit ako sa kaniya.
This time, I could feel his how cautious he is and at the same time nervous. Yung gusto niya madaliin para matapos na kaagad pero dinaan-dahan niya din para hindi na mangyari ang aksidente,
Pagkatapos ay umalis na kaagad ako doon dahil baka may makakita pa sa amin at kung ano-ano ang isipin. I heard his footsteps at my back following me after.
"Hoy! Bakit doon kayo sa medyo madilim?!" akusa ng kasamahan niya sa pagent na nakasalubong namin.
Pakiramdam ko mas lalo pa kaming namula kaya mas binilisan ko ang lakad ko. Bahala na siya doong sumagot!
"Bakit ganiyan mukha niyo ha?! Anong ginawa niyo?!"
"Manahimik ka na lang pwede?" narinig kong paki-usap ni Gahala. "Baka hindi kita matantya. "
Sabay nga kaming naglunch na dalawa kahit ilang na ilang kami. Panay lang ang pekeng ubo namin habang nakaiwas ng tingin sa isa't isa.
Buti na lang tinawag na siya kaagad ng coach nila! Nagpraktis na kami ulit pagkatapos.
After that, he still makes time for me even though we're both very busy with practice. We eat lunch together, and he waits for me every dismissal. He also escorts me home when I don't have anyone to pick me up. That's our routine until the day of the sports fest came.
"Don't be nervous okay? You can do it!"
Tumango ako kay Kala sa pag-eencourage niya. May laban kasi ako ngayong 9:30 a.m with the grade 8 players. Nandito din ang iba kong kaklase para sumuporta.
Napatingin ako sa cellphone ko nang magvibrate.
Gahaldon:
Good luck crush (╥﹏╥)
I chuckled after seeing his emoticon. He can't go here kasi hindi na siya pinayagang umalis. Mamaya na pageant nila at nagpreprepare na siya.
Gahaldon:
Kaya mo 'yan
Gahaldon:
Kapag nanalo ka diyan, ipapanalo ko din ang contest
Gahaldon:
Kapag hindi, may daya 'yan
Natawa ako sa sinabi niya.
Gahaldon:
Kung hindi ka mananalo, sasayaw akong twerk mamaya sa gitna ng stage.
I grinned and immediately typed a reply.
Keleya:
Nascreenshot ko na
Gahaldon:
Jk
Gahaldon:
Hoy jk lang. Pakidelete po please.
Keleya:
Baliw
Gahaldon:
This line is already old pero 'Baliw sa 'yo'
"Hoy! Tama na kakangiti! Start na!"
Sinamaan ko si Vien ng tingin nang paringgan niya ako. Binasa ko muna ang last text ni Gahala before I put my phone down.
Gahaldon:
Pero seryoso na 'to, kapag nanalo ka dyan, libre kita ng mang inasal (◠‿◕)
Napailing na lang ako saka nagready na din because the referee also gestured that we were about to start.
Nagsisimula pa lang ang first round pero grabe na yung sigawan nina Vien. Nadidistract tuloy ako ng kaunti dahil sa kanila.
Paano ba naman, trinay nilang magpyramid kahit hindi naman nila kaya. Gumulong-gulong tuloy sila sa floor. Pati ang ibang nanunuod lang ay natatawa dahil sa kanila.
"Oh ano?! Kaya niyo 'yon?!" yabang nila sa kabila kapag nakakascore ako.
"Hindi! Swerte lang 'yon! Chamba ba! Chamba! Huwag kayong panghinaan ng loob!" ani naman nila kapag natatamaan ng kalaban ang bola at hindi ko nasasalo ng racket.
Napangisi ako nang manalo ako laban sa grade 8. Grabe tuloy ang sigawan ng mga grade 10 na nanunuod.
"Ha! Umuwi na kayo ha!" yabang ni Vien sa kalaban. Nagbiruan pa sila doong mag-aaway. Hinila na siya ni Dolly papalayo doon gamit ang tenga.
Ngumisi silang lumapit sa akin! "Basic! Effective ang text ni Gahala bago maglaro! Ginanahan ka bhe?!" They laughed.
I rolled my eyes at her while wiping my sweat.
"Ayellllll! Naks! Congrats!" napatingin ako kina Marwan nang dumating. "Paypayan niyo ang reyna!"
"Silly," ani ko habang natatawa.
"Oh," bigay sa akin ni Ar-ar ng paper bag. Napatingin naman ako doon saka napataas ng kilay.
"Ano to?"
"Pinabibigay ni Gahala," they laughed.
Just after he said that my phone vibrates.
Nagchat si Gahala.
Gahaldon:
Congratttsss! Nanalo kaa! Ang galing-galing mo!
Gahaldon:
Lakas ng loob nilang kalabanin ka, ayan tuloy! BWAHAHAHAHAHAHAHAHA DESERVE ┐( ˘_˘)┌
I could feel my heart slowly melting because of his words.
Keleya:
Thank youuu. What are you doing now?
Gahaldon:
Minimake upan ako. Kabahan ka na, unti unti na akong nagkacrush sa sarili ko
Napangiti ako nang magsend siya ng picture na nakangiti saka peace sign. Kasama niya pa Mama niya sa picture.
Napatigil ako sa pagtype nang lapitan ako ni coach. "May laban ka pa mamayang mga 1:30 with the grade 9 ha. Please be reminded."
Napatango lang ako. "Yes, Coach."
Tumango lang siya saka umalis na din. Napatingin ako sa cellphone ko nang magvibrate ulit.
Gahaldon:
Maglulunch ka na?
Keleya:
Yes. Why?
Gahaldon:
Punta ka dito
Keleya:
Bakit?
Gahaldon:
Gusto lang kitang makita hehe ( ◜‿◝ )♡
Ugh. Kahit nahihiya ay inaya ko sina Vien na samahan akong silipin si Gahala. Kinatyawan tuloy nila ako sa daan na namimiss ko daw ang binata.
"Si Gahala po?" Kala asked nang makarating na kami at siniko ako bilang pahiwatig.
Nasa labas kasi si Tita kaya siya kaagad ang una naming nakita. She chuckled and looked at me na para bang alam niyang ako naman talaga ang naghahanap. "Inaayusan sa loob. Gusto mong makita?"
"Dito ako." Napatingin kami sa pintuan nang sumilip doon ang mukha ni Gahala. May kung ano-anong nakalagay sa buhok niya tapos nakamake up na siya. He's just wearing a plain white shirt and black shorts.
"Aba't sisilip talaga," Tita shook her head.
"Nagpakita lang ako, Ma. Baka miss na ako ni Amara," tawa niya saka ngumiti sa akin.
Napangiwi ako nang pingutin ako nina Vien. Halos sila pa ang himatayin sa kilig.
"Ma, nakakahiya kay Amara," reklamo ni Gahala nang piningot siya ng Mama niya kaya natawa ako.
Binalingan niya ako ulit ng may ngiti sa labi. "Natanggap mo yung paper bag?" tanong niya kaya tumango ako. "Ulam 'yon. Kain ka madami ha."
Ow. Nakabili na ako pero I guess, kakainin ko na lang. Sayang naman.
"Pumasok ka na doon sa loob. Hindi ka pa nga tapos ayusan pero nagagawa mo ng lumandi diyan," taboy sa kaniya ng Mama niya.
Ngumuso tuloy sa akin ang anak niya na parang labag sa loob niya iyon. "Nuod ka mamaya ha. Para manalo ako," paalala niya. Nakampante naman siya nang tumango ako kaya pumasok na siya ulit.
"Ano yung ulam na binigay sa 'yo beh?" usisa kaagad ni Dolly nang mabalik na kami sa room to eat lunch.
I shrugged my shoulders, "Sabi niya mang inasal."
Kita kong naglaway kaagad si Vien. "Sarap! Buksan mo na!"
Napailing na lang ako saka binuksan nga. Pero yung ngiti namin ay unti-unting nawala nang makitang puro crackers ang laman non.
Kinuha ko 'yon at natawa nang mabasa ang pangalan nong crakers. Ma'am Inasal.
"Tanginang mang inasal 'yan, low budget edition." Dismayadong usal ni Vien. Natatawang tinapik naman siya ni Kala sa balikat na parang kinocomfort.
Napansin kong may kasamang note kaya binasa ko.
'Sabi ko naman sa 'yo diba? Libre kitang Mang Inasal HAHAHAHAHAHAHAHA
Pero kidding aside, best of luck! Kahit ano maging resulta ng laro, takbo ka sa akin. Proud pa din ako kahit anong mangyari. Ikaw na 'yan e ;)
-Gahala'
"Kilig ka naman niyan," ngising bulong sa akin ni Dolly.
Napailing lang ako ng ulo habang may ngiti sa labi. Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko ngayon, pero nangingibabaw ang kagustuhan kong makita siya ulit. Shit. Pakiramdam ko lunod na lunod ako.
I prepared for my match when the clock hit 1:15 in the afternoon. Nauna na ako sa venue na paglalabanan namin at nag-stretching. Wala akong ibang inisip kundi ang sana mag-start na agad para makapunta ako kaagad kung nasaan man siya.
I could hear the cheers of my friends nearby as I walk closer to my designated place. Pinanalo ko lang ang laro bago kami patakbong pumunta sa gym. Late na kami ng kaunti dahil nagbihis pa ako ng bagong damit. Puno pa kasi ako ng pawis. Pagdating namin doon ay nagsisimula na.
"Amara!"
Kaagad kong nakita sina Gray, kumakaway sa amin. Kasama nila ang buong section namin na may iba't ibang outfit. May nakajersey, may nakacheers and yells na outfit at kung ano-anong sports.
Napaawang ang labi ko kasi may banner pa silang hawak! Dinogshow si Gahala! Ben 10 ba naman ang background! They also have heeadband na may mukha ni Gahala. Sinuutan pa nga nila ako ng isa.
"Oh! Amara ikaw ang humawak!" tinulak nila ako paharap. Nakita ko na lang ang sarili kong humahawak ng banner at sa kabilang end naman ay ang mga kaibigan ko.
Bahagya akong namula dahil alam kong kitang-kita ako dito ni Gahala sa pwesto ko. Nakakahiya.
Napa-iling ako saka nag focus na lang sa nagaganap sa stage. Tapos na ang introduction at talent portion na.
I felt giddy a little when the emcee called him. Hindi by partner ang talent nila which is nice. I don't like it when he's close to that muse. Alam ko kasing gusto niya si Gahala.
Kaagad nayanig ang buong gym sa sigawan nang lumabas siya. Nabunggo pa ako dahil may mga naging wild. Gahala just smiled at them, which made the girls cheers again, even my friends.
I just stared at him as he set up the microphone and his guitar for everyone to hear.
"Mic test, mic test," his deep voice echoed through the entire gym when he tested the microphone. It made the crowd squeal again!
After he set them up, nilibot niya ang paningin sa gym, more like tumingin sa direksyon naming grade 10 especially in our section na para bang may hinahanap!
"Nandito oh!" Kaagad namula ang mukha ko nang ituro ako lahat ng mga kaklase ko! Pati tuloy ang iba ay napatingin sa amin ng may pagtataka!
He glanced at me and stared for a while before chuckling. He waved at me before concentrating again on his guitar. After non ay 'yon lang ang pagsimula niya.
He faked a cough and held the microphone. "Uhm, ang kantang 'to ay para to sa crush ko," simula niya saka natawa. Umugong sa buong gym ang tawa niya dahil may microphone pa siyang hawak. "Alam mo naman kung sino ka," ngisi niya kaya nagtilian ang mga kaklase ko.
"Ano ba!" Kunwaring inis na ani ko dahil hindi ako tinigilan kakahampas ng mga kaibigan ko! Mas sila pa ang kinikilig kaysa sa akin!
Napapatingin tuloy sa amin ang ibang estudyante at napapangiti, mukhang may mga alam din sila!
"CRUSHH REAVEALL!" sigawan ng halos karamihan. Pati mga kaklase ko nakisali!
Gahala laughed, his eyes dancing with happiness. "Bawal. Lagot tayo kapag nakarating sa magulang," he joked, which made the whole gym laugh. Mukhang nagets nila.
He turned serious as soon as it was his cue to begin. The gym fell silent as he started singing.
"No she doesn't need a bodyguard by her side. No she doesn't need a shoulder to lean on when she cries. No she doesn't need a warm hug or a hand to hold. No she doesn't need a jacket whenever she's cold." I pursed my lips when he glances at my direction and smiled. "She said that she don't need no man to keep her. She said that she don't need to worry about nothing"
"I try to keep up with her but it doesn't change a thing. And she'll say no to songs and diamond rings. Oh. She saves all the loving for herself. Ms. Independent claims that she don't need nobody else. But I know deep inside she's feeling miserable and lonely. And the man that gets to make her smile is me," he sings and grinned nang binash siya ng mga kaibigan niya kasi sobrang korni ng kanta. "And the man that gets to make her smile is me."
Napuno lang ng kilig ang buong gym sa talent portion niya. The event continue after that hanggang sa maging Q. A na.
The first one called was our muse, and I suddenly felt bad for her. She didn't answer well, and some of the audience insulted her. I could see how disappointed she was. Bigla nga akong naawa.
Kaagad namang nakalimutan ang nangyari sa kaniya nang si Gahala na ang tinawag.
"Hello, Mr. Silva," the emcee greeted Gahala. "Uhuh, the audience's favorite. What are you feeling at this moment?"
"Well, thrilled and at the same time nervous," he chuckles and shrugged.
"Hindi halatang kinakabahan ka. Is this your first time joining a pageant?"
"Nah. I joined several times in my previous school," he shared.
"So, why are you nervous?"
"Yung crush ko kasi nanunuod, baka magkamali ako," he laughed at his shallow reason. Our classmates booed him, which made him laugh again. "Bakit?" he asked while laughing slightly. "Siya kaya ang dalihan kung bakit ayaw kong mababa sa test."
Kaagad natawa at kinilig ang iba sa sinabi niya. Yung ngiti ko naman hindi mawala-wala kanina pa!
"Do you want to greet someone? Before we throw you the question," the emcee urged him.
"Well, of course, I want to greet my Mother at the backstage who's my number one supporter. Ma, I may not be the King tonight but you're always be my Queen," he smiled.
'Aww,' I heard the audience whispering.
"Syempre hindi papahuli ang mga loko-loko kong kaklase. Thank you sa support pero nakapatraydor niyo. Nakita ko kayong nagcheer kanina sa ibang section." He said with disbelief expression that made our whole section laugh.
"Chix kasi 'yon pre! Saka ka na namin ichecheer kapag nakaswimsuit ka na!" Marwan shouted while laughing.
He jokingly shook his head in disappointment at what he heard. After that, he cleared his throat and then looked at me, "And... for my special someone..." pabitin niya.
Ngumuso ako para pigilang mapangiti. Vien is already pinching me at the side.
"Huwag na nga, kinikilig ako." Tawang bawi niya. Parang tanga.
"Anong for someone special?" intriga ng emcee, mukhang curious din.
He shook his head, "Wala naman. Ganda mo. Ang daming napapatingin sa 'yo oh."
"Seloso!" the audience laughs. I chuckled a little.
"Anong gusto mong sabihin sa mga tumitingin?" the emcee asked him jokingly.
"Ehem, yung pagmamay-ari ko diyan, hanggang tingin lang pero huwag niyo namang lapitan. Bababa talaga ako dito sa stage," he joked.
"Tapos ano?!" the audience asked.
"Wala naman, suntukan lang," he laugh. "Charot."
"Oh, narinig niyo. Suntukan daw," ulit ng emcee na sinundan ng samot saring reaksiyon.
Nang kumalma ang audience ay nagproceed na ang emcee sa gagawin. "So, as for your question, please pick from the bowl," nilapit sa kaniya ng emcee yung bowl saka bumunot naman siya do'n bago binigay sa emcee para mabasa nito ang tanong. "Mountaineering is one of the outdoor activity that helps you improve your fitness level. In your opinion, what does the Mountaineers' creed, 'Take nothing but pictures. Leave nothing but footprints. Kill nothing but time' mean?"
"Well, thank you for that question," Gahala smiled and paused for a while to think. Tahimik lang ang lahat at inaantay ang sasabihin niya. Hindi rin katagalan ay sumagot din siya.
"Take nothing but pictures. Leave nothing but footprints. Kill nothing but time. This creed reminds us to respect, care for, preserve, and appreciate our environment so that we can continue to enjoy it. 'Take nothing but pictures'. This phrase encourages us not to take anything visually appealing when we visit, so that nature can be left for others to enjoy as well. You can, however, photograph it as a souvenir and to preserve the scenery and memories," natatawang tumigil siya ng kaunti kasi napuno ng sigawan yung buong gym sa sagot niya.
After the audience tuned down, he continued. "Leave nothing but footprints. It reminds us not to litter or leave any trash that could destroy our nature. Instead, leave a footprint on the surface you stepped on as a reminder that you were once there. 'Kill nothing but time' tells us to respect nature. Do not kill trees, plants, insects, or animals. Instead, kill your time by admiring the trees, studying the plants, and learning about the animals or insects you'll encounter along the way. Your simple actions matter. After all, nature is not only a place to visit. It will be always our home. " He smoothly answered which made the whole audience cheer and clap. "Thank you," he smiled before going back to his place.
"Panis! Malakas hula ko na si Gahala ang mananalo! Winner ka na dhzai!" Vien slapped my arm.
I confidently shrugged. Gusto kong magmayabang bigla. Sobra siyang nakakaproud.
He got the best in Q and A award. Even the most photogenic award and the best in audience impact. Hinakot niya ang awards and even the best in introduction! Natatawa na nga siyang pabalik-balik sa stage kasi hindi pa siya nakakarating sa pwesto niya ay binanggit na naman ang kaniyang pangalan.
Hindi na ako nagtaka nang siya ang maging king. Yung grade 12 naman na babae yung naging Queen niya.
"Magpapicture tayo kay Gahala!" aya ng friends ko kasi picture taking na ang ginagawa nila sa ibabaw ng stage.
Vien and the others dragged me along. We went backstage. I wanted to greet Gahala with a smile, but it slowly faded when I saw what greeted me.
Napatigil ako nang makita si Gahalang kinocomfort ang muse namin na umiiyak. Even Tita is calming her down. A sense of discomfort crept within me pero wala naman akong magawa. Alam kong kailangan naman ng babae iyon. Siguro pinanghinaan siya ng loob dahil hindi siya nakakuha ng award.
I just pursed my lips and stayed silent at the side. Yung mga kaibigan ko inienganiyo akong sirain yung mood nila na hindi ko pinatulan.
After the girl calmed down, nagpasalamat siya kay Gahala at Tita. Napatingin muna siya sa akin bago umalis. Pagkatapos ay bumaling sa akin si Gahala saka ngumiti na para bang kanina niya pa ako nakita.
Naunang magpapicture yung mga kaibigan ko sa kaniya na hinayaan ko lang. Natagalan pa sila doon dahil sa kung ano-anong kalokohan. After they got satisfied, they turned to me.
"Halika na dito, Ayel! Napaaarte mo talaga! Ang gwapo gwapo ng nakacrush sa 'yo tapos ikaw pa ang may ganang umarte!" Dolly said.
Inirapan ko siya saka lumapit. "Congrats," ngiting bati ko nang tumigil ako sa harapan ni Gahala.
"Naks namern, parang proud girlfriend," Kala teased.
I playfully rolled my eyes at her. Gahala looked so handsome in his evening gown though. Makes me glued my eyes on him.
"Halika dito," he said at kinuha ang crown niya sa ulo. Taka naman akong lumapit sa kaniya.
Napatingala ako sa kaniya nang pinasuot niya sa akin ang kaniyang corona.
"Gaga! Wala girl, panalo ka na naman," hampas sa akin ng mga kaibigan ko, kilig na kilig.
Hindi ko din mapigilang mapangiti. Pabiro ko lang silang inirapan. I just struck my tongue out at them, and we take pictures after that.
Natigil lang kami sa ginagawa ng biglang mag-iba ang lights saka dumagundong ang sound. Naghiyawan ang lahat at biglang nabuhayan.
"Ayel! Sayaw tayo!" Aya nina Vien sa akin para magdisco.
Tumingin sa akin si Gahala saka nilahad ang kamay niya. "Let's go?" He asked with a smile.
I excitedly smiled before placing my hand on top of his, "Yeah. Sure. "
He hold my hand tighter and squeeze it. Sumunod kami sa mga kaibigan ko hanggang sa makarating kami sa gitna.
After that, everything became a blur. All I could remember were the lights hitting our faces, the loud music echoing through the gym, the cheers from the crowd expressing their joy, and us dancing in sync with the rhythm.
For the first time in my life, I experienced what true fun was...all because of him.
****
Music used:
"Saves it by KD Estrada"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro