SCW 12
"Taasan niyo boses niyo! Parang wala kayong mga energy?!"
Hindi ko maiwasang mainis dahil sa pagod. Paano magkaka-energy dahil ubos na ubos na ako?
Kanina pa kami nagprapraktis. Hindi pa nga kami nakakabreak! Pawala na din boses ko kakasigaw tapos may sayaw pang kasama kaya sino ang hindi manghihina?
Excuse kami ngayon sa ibang subject dahil kailangan naming magpractice para sa Buwan ng Wika. Kinakabahan pa akong magkamali dahil sobrang strict ng mentor namin. Nakakahiyang mapagalitan.
"Yung expressions! Maintain the expressions!"
Hingal-hingal kami nang matapos at napapahawak sa tuhod. Hindi pa kami masyadong nakakabawi pero napatayo na kami ng maayos when our mentor clapped her hands to get our attention.
"Last one, and then we will have our break!"
Kahit tutol din ako ay hindi ko mapigilang matawa when everyone grunted, nagrereklamo sa sinabi ng mentor. Gusto ko ding magreklamo pero I don't want to voice it out.
Wala sa sariling napatingin ako sa direksyon ni Gahala. Kaagad din akong napaiwas nang makitang mapatingin din siya. Ngumiti pa nga pero naawkwardan ako. I can't help but be conscious. Paano kasi, puno pa ako ng pawis! Paniguradong sobrang haggard kong tingnan ngayon!
"Bilis na! From the start! Pumunta na kayo sa first position!"
Wala kaming nagawa kung hindi ang sumunod sa kaniya.
"Alright. Last pose! Last pose! Sino pang gumagalaw diyan sa likod?!" Sita niya saka kami inobservahan. Nang makitang tahimik na ang lahat ay doon lang niya tinaas ang kamay bilang cue, "Lights, camera and....action!"
Iyon ang signal bago kami gumalaw. Kahit nanghihina, pawisan, at gutom ay kita namang nag eeffort sila sa pagexecute.
Pagod na pagod kami nang matapos. Kaniya-kaniya kaming punta sa aming mga bag para uminom. Kukunin ko pa lang sana ang panyo ko nang may maglahad na sa harapan ko.
Napatingala ako kay Gahala, nagpupunas na din siya gamit ang towel. Basa na ang kaniyang buhok dahil sa pawis. Instead of looking haggard, he looked like he came out fresh from a bath. "Huwag kang mag-alala, bago 'to, hindi ko pa nagagamit."
"No thanks. Mayroon akong panyo," tanggi ko.
"Alam ko. Mayroon din ako e," ngisi niya.
I rolled my eyes. "I can see that clearly, Mister."
"Yes, Misis. " He playfully answered and raised his brows. "Nangangalay na kamay ko. Gusto mo ako na magpunas ng pawis mo?"
Kaagad siyang natawa nang mabilis kong kinuha ang panyo at ako ang nagpunas sa aking sarili.
"Kakagaling mo lang sa sakit. Okay lang ba 'yan? Baka mabinat ka. Grabe pa naman ang practice. Dapat sana nagpapahinga ka pa e."
Napairap ako sa sinabi niya. Noong nakaraan pa naman 'yon saka hindi naman malalang lagnat.
Napatingala ako sa kaniya nang ilagay niya ang kaniyang kamay sa aking noo kahit medyo malagkit pa ako dahil sa pawis. Medyo napaiwas ako kasi nakakaconcious 'yon pero parang wala naman siyang pakialam!
He sighed saka binaba ang kamay. "Alagaan mo naman sarili mo."
I can't help but show a disgusted expression, cringing. "You know what? Ang oa mo 'no?"
Ngumuso siya. "Concern lang ako! Grabe ka naman!"
"Uhm...excuse me,"
Gahala and I stopped bickering. Napatingin kami sa biglang nagsalita. Medyo napataas ang kilay ko nang makitang ang muse iyon ng Grade 10 council officers.
Gahala, being himself, smiled at her. "Hello. Do you need anything?"
"Uhh, here," she said shyly, handing him a bottled water. "I just thought you need it...because you look so tired."
"Ow." Sagot ni Gahala saka tumingin sa akin, as if he's asking for permission.
Wala naman akong kibo kasi bakit ako ang magdedesisyon doon? I can see that he's hesitating, siguro ayaw niya ding maging rude.
Napaiwas lang ako ng tingin nang balingan din ako ng babae. I don't see a reason na makisali sa kanila kaya tinapos ko na lang ang pagpupunas at tinali ang nakabuhaghag kong buhok dahil sobrang init.
"Thank you for this," I heard Gahala replied. Kahit hindi ako nakatingin, I know na may ngiting nakapaskil sa labi niya.
I rolled my eyes secretly, knowing that he's that easy.
"I've been watching you earlier, and you look so cool!" Enthusiastic na share nong babae.
Nagkwentuhan pa sila doon kaya hinayaan ko na. It's obvious that the girl is trying to flirt with him. I don't know if Gahala is aware of it or hinahayaan niya lang dahil gusto niya din. I can't help but snort when they laughed together. Close pala sila? Edi nice.
I shook my head. I was about to leave when Gahala grabbed my arm to stop me. Pagkatapos non ay hinila niya ako papalapit sa kaniya. Nabunggo tuloy ako sa kaniyang katawan.
Napatahimik din bigla yung muse sa ginawa niya at napatingin sa posisyon namin. Bahagya siyang napangiti ng kaunti or more like napangiwi.
Tiningala ko si Gahala para samaan siya ng tingin at tanungin kung ano ba ang problema niya? Pero ang gunggong ay nakatingin pa rin sa babae!
"What was that again?" Gahala asked na parang wala siyang ginawa. Nawala ang atensyon ng muse sa akin even though kita namang bothered siya sa nangyari.
Binawi ko ang kamay ko saka inip na humalukipkip. Doon ay napatingin si Gahala sa akin at tinaasan ako ng kilay. Parang tinatanong niya kung anong ginagawa ko. Bumusangot ako. Siya ba? Anong ginagawa niya? Siya pa galit e.
Pinagdikit niya ang kanyang mga labi saka binalik ang tingin sa babae na para bang pinipigilang mapangiti dahil ramdam niya ang talim ng tingin ko. Ano pa ba kasing kailangan niya? Ang tagal-tagal. Importante ba 'yon? Gusto ko na umalis.
Maya-maya pa ay binalingan niya ulit ako na parang hindi nakatiis saka natawa nang kaunti matapos makita ang inip kong mukha. Napatahimik ang muse ulit doon, and I saw how she felt out of place.
Tumingin siya ulit sa muse at may sinabi siya para umalis ito kahit ayaw niya pa. She looked a little disappointed.
"Are you done?" I asked him boredly.
He smiled and nodded, his eyes focused on me, looking entertained. Dahil ba sa babaeng iyon? "Uhaw ka na ba?"
I turned to him with furrowed brows and chuckled sarcastically. "What? Ipapainom mo sa akin 'yan?" Supladang tanong ko saka itinuro ang bottle na hawak niya.
"Huh?" Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo bago natawa. Tiningnan niya ang hawak saka nginisihan niya ako, "Bakit selos ka naman agad? Oo na, itatapon ko na."
Mas lalo akong nainis sa sinabi niya! Hindi pa nakatulong sa akin ang ngiting nakapaskil sa kaniyang mukha. Gusto ko siyang saktan! Hindi ko mapigilang maparolyo ng mata. Inirapan ko siya bago nilampasan.
Tawa-tawa naman siyang sumunod sa akin pero hindi ko na pinansin. Bibili pa akong ulam!
"Naks," sipol nina Gray nang makasalubong namin sila. Grabe na kaagad ang ngisi nila. Nakipag-apiran pa sila kay Gahala na parang kay tagal nilang hindi nagkita.
"Uhaw ka pre?" I heard Gahala asking.
"Sa pagmamahal lang pre," Marwan laugh. "Bakit?"
Habang namimili ng ulam ay napasulyap ako sa kanila. I saw Gahala handing Marwan the bottle of water that the muse had given him. "Oh. I don't drink water pare eh. I'm royal," he laughingly stated, and turned in my direction just to give me a playful grin.
Napabuntong-hininga ako sa sobrang inis. Napakakapal talaga ng mukha niya kahit kailan. Bumalik lang ako sa pamimili ng ulam nang makitang papalapit siya.
"Anong bibilhin mong ulam?" tanong sa akin ni Gahala matapos akong sikuhin.
I can't help but notice those students who kept on glimpsing at him. Hindi niya naman 'yon kasalanan pero mas nairita ako sa kaniya.
"Afritada," maikling sagot ko saka nagbayad sa tindera.
Wala naman siyang biniling kahit ano! Sumabit lang talaga siya. Lumalapit siya sa akin habang papunta kaming room pero lumalayo ako dahil ayokong maissue kahit halos alam naman ng lahat! Trinay niya ulit lumapit pero gano'n pa rin ang ginawa ko.
Kaagad napakunot ang noo ko nang binunggo niya ang aking balikat! Nakita ko pa siyang umingos na parang may tinatagong sama ng loob! He walked past me, and entered the room first. Napakasuplado naman niya.
Tumigil pa siya sa pintuan saka binalingan ulit ako kaya napataas ulit ang kilay ko. Ngumuso siya sa akin na parang inabandonang tuta. Natawa ako kaya mas lalo siyang nainis at pumasok na. Ang arte. Daming alam sa buhay.
"Amara! Bilis na! Gutom na ako!"
Reklamo kaagad ni Vien ang sumalubong sa akin pagpasok ko ng room. Kanina pa siguro nila ako hinihintay. Si Gahala kasi lumandi pa sa ibang babae.
Kinahapunan ay nagpraktis pa ulit kami. Pagod na akong umuwi sa bahay tapos nagrereview pa ako. Iyon lang ang naging routine ko hanggang sa dumating na ang araw ng Buwan ng Wika.
Hindi ako mapakali habang nasa back stage. Rinig na rinig ko ang ingay sa labas. Mas umingay pa iyon nang marinig ko ang boses ni Gahala at Lamore.
Gahala and Lamore were chosen by our teachers to be the emcees dahil sa boses nila. Madami din ang nakikinig at ginaganahan dahil sa kanilang mukha kaya tama naman ang desisyon ng mga teachers na kunin sila.
Hindi ko mapigilang mapadungaw sa gilid ng stage gaya ng iba nang magsigawan ang lahat. Intermission number na pala, and some 'self-proclaimed' boy group in our school is dancing right now. Kilig na kilig naman ang mga babae.
Hindi ko nakita si Gahala though. Si Lamore na lang ang nakatayo doon sa emcee stand. Gusto ko pa naman siyang makita sa costume niya.
Hinayaan ko na lang saka bumalik sa aking pwesto. I sighed to calm myself, but my mind is turning hazy as I memorize my lines again. Kinakabahan ako kasi what if I magkamali ako mamaya?
Napalingon ako sa pintuan nang mapatingin din sila doon. I don't know what I should do when I saw Gahala making his way inside. Should I hide or stay put? Mas lalo tuloy akong kinabahan dahil sa kaniya.
He's wearing a costume pero pang native attire. Puting baro iyon saka saliwilis sa ilalim. Nakasuot din siya ng sombrero at saka paruka para sa kaniyang paa. He looked poor in his outfit pero gwapo at makisig pa din siyang tingnan because of his body built.
On the other hand, I am wearing a Spanish attire. A red bodice at the top and a red skirt at the bottom. I've covered it with a quardianfante and paired it with red shoes.
Hindi ko siya tiningnan nang tumigil siya sa harapan ko even though I can smell him. I just hope he won't do something embarrassing, or I'll really die here in shame.
I can't stop myself from looking at him when a plastic swings in front of my face. Sinalubong kaagad ako ng mga mata niyang matiim nang nakatingin sa akin.
"Gutom ka na ba? I bought you foods." Binigay niya sa akin yung plastic at wala sa sarili ko 'yong kinuha. "Tapos here. In case naiinitan ka sa costume mo." Dugtong niya saka binigay sa akin ang mini electric fan na dala din niya.
"Uh, thank you." Nahihiya tuloy ako sa ibang nakatingin sa amin na mukhang naiinggit. Manliligaw na manliligaw ba naman ang dating niya
I can't focus on him fully though. Naghahati ang atensyon ko sa kaba para sa kaniya at kaba para sa performance.
My eyes diverted to Gahala when I felt him brushing my hair, "What are you thinking?"
Umiling ako, "Nothing, really. I'm just nervous."
He chuckles and pats my hair like I'm some sort of a child. "Well, we can't do something about that. We can't make it stop. But being nervous is not bad. " Ani nito na parang binibigyan ako ng pangaral. "It's a normal reaction of your body. It's telling you that something important is going to happen and you really want to do well. Being nervous means you care."
I pursed my lips because I didn't know how to react or what to reply. His words somehow comforted me.
"Did I ever make you nervous, Amara?" he asked suddenly. "Because I'm always nervous around you, " he confessed so naturally with a smile.
Natahimik ako saka hindi nakareply. How...how can I tell him honestly that I get nervous around him too without sounding like I like him?
"Dude, let's go!" tawag sa kaniya ni Lamore kaya napalingon kami doon. Nakadungaw siya doon sa gilid ng stage kaya napatingin din sa kaniya ang iba.
Nakahinga tuloy ako ng maluwag at inopen bigla ang mini fan niya kasi pinagpawisan ata ako.
"Next na grupo na ba?" Gahala asked.
"Oo! Patapos na 'tong intermission!"
Tumango lang siya saka nilingon ako ulit, "Balik na ako do'n. Kumain ka na ha."
Tumango ako, "How about you? Have you already eaten?"
Napatitig ulit siya sa akin matapos ang ilang segundo bago mahinang tumawa. Napatingin sa kaniya tuloy ang ibang babae para sumulyap.
Napakamot siya ng batok at medyo ngumuso, "Papaalis na ako eh. Pinipigalan mo ako."
I pursed my lips. "Sorry! Punta ka na doon!" tulak ko sa kaniya nang marahan.
He didn't mind it though and smiled. "To answer your question, hindi pa ako kumakain. Gutom na nga ako eh."
Pakiramdam ko nagpapaawa lang siya. Tumango lang ako bilang sagot. "Ah, okay."
Natawa ulit siya at manghang tumingin sa akin, " Hindi mo 'ko yayain?"
"Mag-eemcee ka pa," I pointed out.
"Dude! Ano ba?! Ayaw talagang umalis?!" tawag ulit sa kaniya ni Lamore. "Baka gusto mong ispecial mention pa kita dito?"
Ako ang natataranta sa kaniya. Napapatingin na din sa amin ang iba.
"Mamaya," sambit ko na lang, which made his brows furrow in confusion. "Mamaya na ako kakain, sabay na tayo."
Napangiti siya ng malapad saka ginulo ang aking buhok, " Okay, crush."
His last words made me blush a little.
"Ano ba 'yan, ang hirap mong iwanan. " Butong-hininga niya kahit rinig na ang ugong ng mga estudyante, nagtataka sa nangyayari.
"Sorry for the wait. May emcee issues lang pong nangyayari. " I heard Lamore announcing now sa microphone. "Uhm, calling the attention of Mr. Gahaldon Jammes Silva who's flirting backstage. Please don't forget your responsibilities and proceed to the stage. Dalian mo."
Hindi ko alam ang irereact nang marinig ang idinugtong ni Lamore sa nauumay na boses. Kaagad ding nagreact ang audience sa narinig. Pinagtulakan ko si Gahalang paalis tapos nakangiti pa siya ng malaki, mukhang gustong-gusto yung nangyayari.
"Sorry for the delay," I felt embarrassed after hearing Gahala say that while laughing a little. "Ganda e, hindi ko mapigilang silayan. "
Shit. Halos mapamura ako kasi lahat ng tao sa backstage nakatingin sa akin ng may halong panunukso! Halos itago ko na lang mukha ko para hindi nila makita!
Ang atensyon nila sa akin ay nawala din kaagad at napalitan ng pressure nang magsimula na ang pinakamain na event. Nagpraktis na lang ulit ako ng line ko dahil baka makalimutan ko mamaya.
Dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang tinawag na ang grupo namin. Ilang ulit akong bumuntong-hininga bago pumunta sa aking pwesto.
Matapos naming makapagsettle down na ay lumabas na kami ng backstage at sinalubong kami ng madaming tao. Tahimik lang sila at naghihintay ng gagawin namin.
Kinakabahan ako noong una pero naging okay naman ang pakiramdam ko nang makapag-adjust na. Nakahinga lang ako ng maluwag nang magbow na kami sa harapan at marinig ang palakpakan ng mga tao.
"So thank you so much grade 10 for that wonderful performance!" Sabay ni Gahala at Lamore na sabi while we're exiting.
"Grabe pare, kinalibutan ako. Gagaling ng grade 10! I mean, alam kong basic lang 'yon sa atin pero you know? Slayinggg, alwayss na lang. Hays," pabirong pagyayabang ni Gahala which made the audience laugh kasi binubuhat niya ang mga sariling bangko namin. Halatang may biased.
Kaagad ako dinumog ng mga kaibigan ko sa backstage, showing me the videos and photos they took.
"Ayel! Sama ka?! Nuod tayo sa labas tutal tapos naman kayo!" Aya nina Dolly.
Pumayag na lang ako kasi wala naman akong gagawin sa likod ng stage. Lumabas kami saka nakisingit sa gilid ng gym para makanuod habang suot ko pa rin yung custome namin. Pinagtitinginan tuloy ako ng ibang estudyante.
Imbes na sa nagpeperform ako tumingin, dumiretso ang mata ko kay Gahala na tumatawang nakikipag-usap kay Lamore.
Napatingin naman si Lamore sa direksiyon namin saka siniko si Gahala at tinuro ako. Napatingin naman siya sa direksiyon namin at kita ko kaagad ang pagningning ng mata niya.
"Ganda," biglang sabi niya sa mic ng hindi napapansin kaya narinig ng lahat!
Natahimik ang ibang nanunuod, nagtataka kung ano ang sinabi niya. Yung mga sumasayaw ay bigla pang napatingin sa kaniya.
I faked a cough. I could feel embarrassment seeping through my whole body, but I acted like I didn't know who he was referring to kahit halos yung mga katabi namin ay sa akin na nakatingin! Paano ba naman yung mga kaibigan ko, ang wagas makahampas!
"Ng sayaw. Ganda ng sayaw," tawang dugtong niya! Hindi man lang nahiya! "Approved!" ngiting thumbs up niya sa nagsumasayaw!
Binatukan pa nga siya ni Lamore sa harap ng marami but he just let a silly laugh. What a fool.
Pasulyap-sulyap lang siya sa direksiyon namin habang nag-eemcee tapos ngingiti kapag nagtatama ang paningin namin. Minsan nakukuha niya pang kumaway!
Mas na-eentertain pa akong panuorin siyang mag-emcee kaysa sa nag-iintermisson number. Nanuod lang kami sa gilid ng gym hanggang sa sabihin na kung sino ang nanalo.
We didn't win though but we got the 2nd place. Pumunta kami sa stage para kunin ang prize. I felt so conscious nang tumabi sa akin si Gahala. Pakiramdam ko madaming nagmomonitor ng galaw namin. Hindi pa nakatulong at nilapit niya ang mukha sa akin saka ngumiti ng abot mata! Ugh!
Hindi ko mapigilang itulak ang mukha niya papalayo dahil sa sobrang pagkailang kaya natawa siya. I was about to leave after we received the prize when he held into my arm.
"Why?"
He puckered his lips, "Akala ko kakain tayo?"
I paused. Oh, right.
He smiled. "Halika na. Gutom na ako," hila niya sa akin.
"But the program is still not yet finished," I said while following him. Baka sitahin kami ng teachers if they will see us lurking around even if the program is still not yet done.
He shrugged like it didn't bother him. "Malapit na mang matapos. Okay na 'yan. " He's done na din kasi sa pagiging emcee at pinalitan na sila ng teacher.
Hindi na ako nagreklamo kasi gutom na din ako. I just found myself sitting on the bench with him.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang siya panay ang asikaso niya sa akin. Hindi ako sanay. Para naman akong bata. If he could only wipe the side of my lips and feed me, I think he would really do it.
"Just eat, kaya ko namang gawin 'to sa sarili ko, " I told him and steal my hamburger na siya pa ang nagbukas.
Ngumuso siya sa ginawa ko at masamang tiningnan ang aking kamay na ngayon ay binubuksan na ang hamburger na para bang may ginawa iyong masama sa kaniya. Ang immature!
"But still..." tutol niya, "manliligaw mo ako," kinikilig na dugtong niya.
Hindi ko maiwasang tingnan siya ng may panghuhusga. Napairap ako. "Maalaga ka 'no?" puna ko at kumagat sa hamburger.
Siguro given na din sa sitwasyon niyang iniwan sila ng Papa niya. He needs to take care of his Mother. I wonder how hard it is for him. Lagi naman kasi siyang nakangiti kaya hindi halata.
Natawa siya, "Hindi naman. Kailangan ko lang talaga ng pogi points sa 'yo."
"So, if I ever accept you as my boyfriend, you'll stop doing things like this?"
There's a playful smirk on his lips, " Hmm. Ewan ko din. Try mo akong sagutin para malaman natin. "
Literal na nabulunan ako sa sinabi niya. He chuckles and gently pats my back. Ugh.
Days passed in the blink of an eye. Pagkatapos ng Buwan ng Wika ay first periodical test kaagad ang kasunod. Busy na busy ako sa pagrereview lalong lalo na't ilang araw akong absent noon dahil nagkasakit ako.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba lalo na't math ang susunod na subject naming kukunin. Halos mabaliw na nga ang iba naming kaklase kakamemorize ng mga formulas.
Tinutulungan naman ako ni Gahala ng mga techniques at ways kung paano maalala yung mga mahahaba para hindi ko makalimutan mamaya. Tumigil lang kami sa pagreview nang magring na ang bell. Lahat ata halos mapaiyak dahil isa lang ang ibig sabihin no'n, simula na ng test.
"Put your bags in front and bring only a piece of paper, and a ball pen. Erasers' not allowed. Kung sino man ang mahuhuling magchecheat ay automatic na zero ang score. Understood?" Our teacher instructed
"Yes, Ma'am!"
I could feel the pressure inside the classroom when the test started. We only have 1 hour to finish the test pero parang hindi kaya. Ang nauna lang atang matapos ay si Lamore at si Gahala.
I sighed and glanced outside dahil nahirapan ako sa pagsolve ng number 32. Mag-iisip sana ako habag nakatingin sa view pero tumuon ang mata ko kay Gahala. He gave me a warm smile when our eyes met, telling me good luck.
I just gave him a nervous smile and resumed answering. Latang-lata ako nang makalabas sa math. Confident ako sa mga sagot ko sa ibang subjects pero sa math lang hindi.
"Penny for your thoughts?"
I looked up at Gahala and pouted. He waited outside until I finished answering. "I think I messed up with my answers. "
He stared at me. "Your answers are not the only thing you messed up, Amara."
Tinitigan ko siya ng masama dahil nagets ko kaagad, "Seriously? Ngayon talaga?"
He laughs at my reaction, "Pinapagaan ko lang nararamdaman mo!"
"Korni!" Lait ko saka nauna nang maglakad.
"Korni daw," tawa-tawang sunod niya sa akin. "Amara, kitang-kita ko ang pamumula ng tainga mo hanggang dito!"
Umirap na lang ako kahit hindi niya kita saka hindi siya pinansin.
Pagkatapos ng araw na 'yon, dumiretso na kami kaagad sa kasunod na lesson habang kinocompute pa ng mga teachers ang aming mga grades. Ang ibang teachers ay pinakita na sa amin ang aming grades and so far, okay naman sa akin.
"Hoy, Amara."
Kakabalik ko lang galing meeting nang salubungin ako ng kinakabahang mukha ni Vien.
I raised my brows, "Bakit?"
"Ano, hindi 'to mema ha," nag-aalangan pa siya kung sasabihin niya sa akin o hindi. "sobrang baba mo kasi sa math."
Napakunot ang noo ko. "Huh?"
Napaiwas siya ng tingin. "Sobrang baba mo sa math," ulit niya.
Unti-unti akong kinain ng kaba. Bigla ata akong nanlamig, and my head turned hazy. Napalunok ako, "Totoo?"
Tumango siya, "Ewan ko. Baka namali si Ma'am sa paglagay. Ikaw ang tumingin."
Pigil ang hininga akong pumasok sa classroom. Kaagad napatingin sa akin si Kala at Dolly nang makita ako. Lumapit sila at parang kinakabahan din sila para sa akin. Nakatingin din sa akin ang iba kong kaklase na parang alam na nila.
Pinuntahan ko ang mesa ni Sir kung nasaan nakalagay ang aming grades. Namumutla kong hinanap ang pangalan ko. Napakapit ako sa gilid ng mesa ng sobrang higpit matapos makita.
I felt like I'll faint after I saw it. Para akong binuhasan ng malamig na tubig. Medyo nanginginig pa ang kamay ko habang paulit-ulit na tiningnan. Hindi talaga nagbabago.
79 ako sa mathematics. Tangina.
Napakagat labi ako at pinigilang hindi mapaiyak dahil ramdam na ramdam ko na ang pamamasa ng aking mata.
"Baka namali lang si Ma'am Amara. Baka 97 talaga 'yan," Dolly tried to console me while Kala was already rubbing my back.
Wala na akong sinabi because I felt like I would burst out crying if I opened my mouth. I could even feel my limbs shaking.
Ni hindi ko kayang sakyan ang sinabi ni Dolly because deep down, naniniwala din ako na baka gano'n lang talaga ang nakaya ng utak ko.
"Okay ka lang?" tanong nila.
"E..excuse me," nanginginig ang boses kong sabi at humawi naman sila ng kaunti.
Wala akong pinansin saka diretsong lumabas ng classroom. Nakasalubong ko pa si Gahala at ang grupo niya. Hindi ko sila tiningnan at nilampasan lang.
Nanginginig akong pumasok ng cr at nilock ang isang cubicle. I cover my mouth using my hand to suppress my cries. Hindi ko mapigilang mapaiyak sa sobrang takot, frustratios, and pressure. Alam ko kasing magagalit si Mama at Papa. Disappointed na kasi sila sa akin tapos dadagdagan ko pa.
79? I know I did my best to study well pero bakit gano'n 'yon? Sobrang baba. Okay naman grades ng iba ah. Some of them even cheated at nangopya lang! Bakit ang daya?
I was genuine with mine and I tried to solve it kahit sobrang nahihirapan ako! I didn't try to take any shortcuts! I worked harder than them kaya bakit mas mataas sila?
Pero sino ba ang niloloko ko? I'm just trying to blame others because I didn't want to admit that I was lacking.
I sobbed. Ang sakit sa dibdib. Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko pero mas nangingibabaw ang disappointment ko sa sarili.
Nagtagal pa ako sa cr para pakalmahin ang sarili ko at para na rin hindi gano'n kapula ang mata ko. Napabuntong-hininga ako ng sobrang lalim at hinawakan ang knob. I practiced how to fake a smile a lot of times before opening the door.
Nagulat ako nang mapatalon nang kaunti si Gahala after kong buksan ang pinto. Nakita ko din sina Vien na napatayo bigla nang makita ako.
"Gaga ka talaga! Akala ko flinush mo na ang sarili mo!" kaagad na bungad na hampas ni Vien sa aking braso kaya napangiwi ako.
Binigyan ko lang sila ng pilit na ngiti. "Okay na ako. Nailabas ko na. Magpapaconsult na lang ako kay Ma'am."
"Samahan ka na namin," ani Dolly.
"Thanks," ngiti ko ng kaunti saka naglakad na. Naramdaman ko naman silang nakasunod sa akin.
"Sus parang iyon lang."
My heart clenched after marinig ang parinig ni Louisa matapos kong mapadaan sa classroom.
"Huwag niyo ng patulan," saway ko kaagad kina Vien kasi ramdam kong umiba ang ihip ng hangin e.
"Papansin e!" iritang bulong ni Vien sa akin. "Tara na nga!" Aya niya sa akin, pinapalampas ang nangyari kahit halatang tutol siya.
Pero hindi pa siya nakakailang hakbang ay napatigil na siya kaagad nang marinig ang nangungutyang tawanan ng magkaibigan. Kitang-kita ko kung paano gumuhit ang inis sa mukha ni Vien na parang naputol ang kaniyang pasensya.
Hindi ko na siya nahawakan para pigilan sana dahil ang bilis niyang lumiko at pinuntahan sina Louisa.
"Hoy gaga, nasasayahan ka?!"
"Vien!" pigil nina Kala at Dolly.
Napatigil naman sa pagtawa ang magkaibigan dahil sa biglaang komprutasyon at napatingin kay Vien.
"What?" matapang na sagot ni Louisa sa kaniya.
Kahit hindi alam ang gagawin ay lumapit din ako sa kanila at binulungan si Vien na tama na. Ramdam ko namang nakasunod sa akin Gahala.
"Huwag kang magmaang-maangan ha! Alam nating dalawa dito kung anong tinutukoy ko!" puno ng pagpipigil na sagot ni Vien.
"Oh eh, ano naman ngayon?" irap ni Louisa . "Totoo namang parang iyon lang iiyakan niya! Sus! Ang liit na bagay! Gusto niya lang kamo siya lagi ang bida! Ngayon nga lang 'yan bumaba grades niya e!"
"Aba't-- putangina ka ah," mura ni Dolly at tinigilan ang pag-awat saka nakisali. "Alam ko namang bobo ka, pero hindi ko alam na ganiyan pala kalala sakit mo sa utak!"
"Vien, Dolly," kinakabahang tawag ko sa kanila kahit hindi ko na maintindihan masyado ang pinag-aawayan nila dahil parang nagmumurahan na lang sila doon.
Yung grupo na ni Gray at si Lamore ngayon ang umaawat. Nakakaani na nga sila ng atensyon mula sa katabi naming classrooms.
"Bakit? Totoo naman ah! Paiyak-iyak pa kunwari para kaawaan siya! Alam mo Amara, matagal ko na 'tong napapansin pero lowkey attention seeker ka!"
"Wow, this bitch," hindi makapaniwalang sambit ni Kala, hindi na tinago ang inis.
"Pwede ba? Manahimik ka?" Napatahimik ang lahat ng dumagundong ang pikong boses ni Gahala. "Ang galing mong mang-invalidate pero sana huwag ka na bumoses lalo na kung nangongopya ka lang naman. Nakakahiya e. Ang kapal ng mukha mo. Galing pa talaga sa 'yo?"
I gulped and looked at him with slightly wide eyes, gulat na gulat dahil nakisali siya sa away. He looked so annoyed like he was about to burst out.
"Woah pare, babae 'yan," awat ni Lacaus.
I bit my lower lip and tugged the hem of Gahala's uniform kaha napatingin siya sa akin.
"It's fine," alanganin na sambit ko, pinapakalma siya.
Napatitig siya sa akin at napabuntong-hininga. Kitang-kita ko ang kunot ng noo niya. He pursed his lips tightly and nodded kahit labag sa loob. "Let's go," he whispered.
Hindi na ako tumanggi saka sumunod sa kaniya. Napalingon ako kina Vien at tinanguan lang nila ako. Mukha na silang behave ngayon, mukhang nagulat din sa nangyari. Louisa looked hurt though nang mapatingin ako sa kaniya.
"Ma'am, may I know po why my grades are like that?"
Bumuntong-hininga ako para alisin ang kaunting kabang naramdaman. Nasa labas lang si Gahala at binibigyan kami ng privacy pero ang mata ay nasa amin.
Kinuha naman ni Ma'am ang class record niya. "Tiexiera, right?" she asked, and I nodded nervously.
Tiningnan niya ang class record niya ng matagal, "May dalawa kang long test na hindi nakuha noong nakaraan, Ija. It contains 75% of your quizzes. Tapos sa dalawang long test na 'yon na din ako kumuha ng inyong class participation (10%) as well as para sa output or project niyo since wala na akong ibang pinagawa sa inyo. Aside from that, ilang araw din ang absent mo, Ija. 10% pa naman ang attendance niyo sa kabuuang grading system. Malaki din ang hatak non sa grade mo."
"Pwede ko po bang malaman kung kailan po yung dalawang long test po?" I asked kahit ang hinala ko ay noong nagkasakit ako.
"Last 3 weeks pa 'to. " Sagot niya saka sinabi ang dates.
Tama nga ako. "Nagkasakit po ako noong araw na 'yon, Ma'am. Nagpadala naman po ako ng excuse letter saka Doctor's note."
"I know pero hindi ibig sabihin no'n may scores ka na sa test. Excuse ka lang," she answered at parang nawalan ako ng pag-asa.
Tumingin ako kay Gahala saka umiling. I feel so dejected. Nakita niya ata ang reaksyon kong paiyak na naman kaya pumasok na siya saka tinanong ako kung bakit.
"Pwede po ba siyang kumuha ng test, Ma'am? Hindi niya naman po ginustong magkasakit sa araw ng test niyo. May valid reason naman po siya." Kausap niya kay Ma'am kasi hindi na talaga gumagana ang utak ko.
Halo-halo na ang emosyong nararamdaman ko at baka maiyak na lang ako sa harapan ni Ma'am hanggang sa kaawaan niya ako.
"I know pero dahil alam niya ng nagkasakit siya, dapat nagpaconsult siya sa akin pagbalik niya, to see if may namiss siyang test and if she could get a remedial. It's her responsibility as a student. " Giit ni Ma'am. Napabuntong-hininga siya nang makita ang mukha namin. She nodded, "Fine. I'll give you a chance."
Kaagad akong napakagat ng labi para pigilan ang luha. Gusto kong maiyak sa tuwa. Pakiramdam ko nagkapag-asa ako. "Thank you po, Ma'am!"
"Go to my room later after lunch, I'll give you a make-up exam," she instructed.
"Duly noted po!"
Nakahinga ako nang maluwag pagkalabas ko ng room ni Ma'am. "Super thank you," madamdamin kong sagot kay Gahala at napangiti sa tuwa kahit naluluha pa rin ang mata ko.
He smiled as well after seeing my happy face. "Yeah, anything for your smile," he said as he patted my head. I could see contentment in his eyes.
Tinulungan ako ni Gahala sa pagreview. Nagmumulti-task ata kaming dalawa. Kumakain kami ng lunch habang nagtatanong siya at sumasagot naman ako.
I appreciated his efforts though. He highlighted the important parts na pakiramdam niya lalabas. Then, nagfocused siya sa lesson na dapat alam ko at mga lesson kung saan nahihirapan talaga ako.
Yung mga kaibigan ko taga-cheer lang sa gilid. Wala silang maitulong dahil kahit sila natatanga sa mga tinatanong ni Gahala.
Halos yakapin ko si Gahala nang makitang isa lang ang mali ko sa test na 1 to 90. 30 items iyon kaso lahat kailangan isolve kaya tig 3 points bawat number. Nandoon lang siya sa labas at naghihintay habang kumukuha ako ng exam.
Yung line of 7 ko na grades ko ay naging line of 8. Okay na ako doon actually, wala ng kaso sa akin. But I know my parents still won't be satisfied by it.
And yeah... I wasn't wrong.
Pinagalitan nila ako because they found out that I almost failed. I'm even surprised by myself na habang binabato ako ni Mama ng panglalait at kinokompara sa iba, nasasabayan ko lahat ng sinasabi niya sa utak ko.
Her lines were always the same, like a broken record playing in my mind. It's always the same... but so is the pain. Even though I'm already used to hearing it, it still didn't save my heart from being hurt...and disappointed.
"Okay ka lang?"
From playing with the waves, I turned my head to look at Gahala. He was sitting at the shore, watching me getting drowned by my thoughts.
Kakatapos lang namin kaninang umagang magpractice para sa recognition day bukas. Free kami ngayong hapon kaya nag-aya sina Kala na pumunta sa resort na malapit sa school namin para gumala and to celebrate as well.
I smiled a little and chuckled, "Slight." It was hard trying to keep myself above the water.
"Hmm, why?"
I sat beside him and plastered a sad smile, " It's sill not enough for them." Share ko sa kaniya. I laugh a little so it won't come out so sad. "But don't mind it. It's not new anyway."
He was about to say something, but I immediately changed the topic. "Kailan mo pa ako naging crush?"
He stared at me and sighed. Napansin niya sigurong ayaw kong pag-usapan. "Last year. Sa camping. " Sagot niya, hinahayaan ako sa gusto kong mangyari.
Nacurious tuloy ako, "May iba ka bang naging crush maliban sa akin?"
He shrugged and laughed a little, "Meron pero pinalaya ko. Gusto niya kaibigan ko e at gusto din siya ng kaibigan ko. Olats. "
My brows furrowed, "Sino?"
Ngumisi siya, " Huwag na. Baka pagselosan mo. "
I rolled my eyes and let my hands play with the smooth sand. "Seriously?"
"Si Miera. Taga-Salles din."
Napatahimik ako ng kaunti, pinapakiramdaman ang sarili ko. "Ah. Anong mukha niya?"
"Bakit?" tanong niya kaagad saka ngumiti. " Nakakatakot naman ang tanong na 'yan. Baka harangan mo sa kanto. "
Napairap ako, "Maganda?" Gusto ko lang naman malaman.
He laughed, "Bakit mo natanong?"
Ngumuso ako, "Wala lang."
Ngumisi siya, "Huwag kang mag-alala. Mas maganda ka para sa akin. Sa paningin ko lang ha, ewan ko sa paningin ng iba."
Sinamaan ko siya ng tingin saka hinampas sa binti. He laughed louder this time until it slowly died down. Silence enveloped us for a moment.
"Is she smart?" basag ko sa katahimikan.
From looking at the horizon, he turned to gaze at me. "Are you feeling insecure, Amara?"
I pursed my lips and rested my chin on my knees. "Maybe."
"Amara..." he called softly with gentle expression.
"You won't understand, Gahala." Putol ko kaagad sa mga sasabihin niya. "You don't see myself the way I see it. "
"No. You don't see yourself the way I see it. " He corrected with conviction kaya napatingin ako sa kaniya. "You don't even know how perfect you are in my point of view."
Instead of being moved, my heart clenched. "Really?" I doubted it. "Sa mata mo ba, do I look enough? Dahil sa mga mata ko, I'm not."
He sighed. We locked gazes for several seconds.
"How can you feel not enough when I thank God just by seeing you every day? All of your scars and flaws look so beautiful to me, Amara," he whispered, kami lang ang nakakarinig.
"Sapat ka. Remember that."
Something twisted inside me. I felt my eyes slightly water as I heard his words, so I looked away.
Ang sarap palang marinig sa iba na proud sila sa 'yo. It healed parts of me I didn't realize needed healing.
I've been doubting myself for too long, but here he is, letting me know and making me realize that whatever I've achieved is worth celebrating, even my best at the moment.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro