Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SCW 11

"Anong nangyari, pre?"

Hindi ko maiwasang makinig sa pinag-uusapan nila habang namumulot kami ng basura. Hindi naman sila kalauyan sa amin.

"Wala. Umamin ako tapos iniwasan."

I bit my lower lip when I heard Gahaldon's voice. It sounds bitter, making his friend laugh so hard. Minura niya pa nga sila sa sobrang inis. I took a glimpse at him. He looked so annoyed because of his friends.

"Pota," halos maiyak na sila kakatawa. Marwan and Lacaus are tapping his shoulders pero mas lalong hindi iyon nakatulong.

"Hoy gago, naririnig kayo ni Ayel," saway ni Gray.

Nang makitang nakatingin ako sa kanila ay nagsikuhan silang magtrotropa. I just averted my gaze because Gahaldon's stares were melting me in my place.

I had already assumed that I was his crush, but when he confessed, I still froze in my place. Hindi ko alam ang gagawin at...sobrang nailang ako.

Buti na lang talaga at bigla akong tinawag ni Vien. Automatic namang gumalaw ang katawan ko paalis as a response, leaving him there, dumbfounded...and maybe rejected.

Tinanong ako ni Vien pagkatapos kung ano ang pinag-usapan namin. Hindi nila ako pinalampas at talagang inusisa kung ano ang nangyari. Kinilig pa ang mga gaga nang malamang nagconfess si Gahaldon pero sinabunutan ako isa-isa nang malamang hindi ko sinagot!

Alam na pala nila noon pa! Tapos hindi man lang sinabi sa akin! At lowkey support pa pala sila! 

"Gaga, kahit ibang section alam nila. Lagi ba namang nakabuntot sa 'yo si Silva, nambabakod." Irap sa akin ni Dolly.

Napaawang naman ang labi ko don. Kaya pala ang daming nagtatanong sa akin kung kami na daw ba! Hindi na ako magtataka kung marami ang may galit sa akin, sa dami ba naman ng nakacrush sa kaniya!

So talaga palang nilalandi ako ni Gahala noon pa man ng wala akong kaalam-alam? Hindi ko naman kasi binibigyan ng malisya ang mga galaw niya dahil hindi naman ako assuming! Kaya naman pala ayaw niyang makipagkaibigan sa akin dahil iba pala ang gusto niya.

After the confession, trinay niya akong kausapin ulit pero umiiwas ako ng tingin at kapag papalapit siya ay nag-iiba ako ng daan! Hindi naman sa gusto ko siyang iwasan, sobrang naiilang lang talaga ako at kinakabahan kapag lumalapit siya.

"Si Gahala oh, ayiee."

Sinamaan ko si Vien ng tingin nang sikuhin niya ako ng ilang ulit. Ngumisi lang sila sa akin.

I felt  Gahaldon standing beside me. Halos hindi na ako gumalaw dahil sa presensya niya. Ngisi-ngisi naman ang mga kaibigan ko sa nangyayari.

I jolted a little and looked up at him when he held my hand. Sinalubong naman ako ng matiim niyang tingin. Bahagya pa akong nasilaw sa kaniya dahil sinisinagan siya ng araw. Medyo pawis pa siya dahil sa init. May nilagay siya sa aking kamay kaya napatingin ako doon. 

"Mainit," maikling explain niya kung bakit niya ako binigyan ng payong saka umalis.

I pursed my lips because that small gesture which made my heart flutter. Halos magtumbling naman sina Vien sa field dahil sa sobrang kilig! Parang sila pa ang binigyan ng payong!

"Magpayong ka Ayel! Takot na takot si Gahalang umitim ka!" tawa-tawang ani ni Dolly.

"Oo nga! Okay lang na masunog kami sa init dito basta magpayong ka lang!" dugtong na asar pa ni Vien.

"Tangina niyo," hindi ko sila mapigilang murahin dahil sa kanilang panunukso. Nahihiya na tuloy akong buksan yung payong! Pakiramdam ko binabantayan ni Gahaldon ang bawat galaw ko!

"Oh! Huwag niyang ayawin! Baka magalit si Gahala sa atin!" dagdag asar pa ni Kala and they laughed again!

Ugh. Pakiramdam ko sobrang pula na ako dahil sa hiya at init!

"Tanga," tawanan nila.

Inirapan ko sila at binuksan iyong payong na kaagad ko ding pinagsisihan dahil naghiyawan silang tatlo!

Putangina. Nakakahiya ang mga pinaggagawa nila!

Napatingin tuloy sa amin ang iba pati na rin sina Gahaldon! Tinukso siya ng mga lalaki at siniko nang makitang ginamit ko ang payong! Tinaas lang ni Gahaldon ang kilay niya sa kanila at ngumisi, nagyayabang.

Tinalikuran ko na sila at nauna na! Baka mapagalitan pa kami dito dahil wala kaming ginagawa kung hindi magchismis lang. Sumabay ako sa ibang officers at namulot din ng basura.

"Ayel,"

"Ano na naman?" masungit na tanong ko kay Vien. Natawa siya sa reaksyon ko.

"Hindi mo ba crush si Gahala?"

My brows furrowed, "Bakit ba pinapakialam niyo 'yon? Ang bata-bata pa natin pero gano'n na ang mga iniisip niyo. Mag-aral na lang kaya tayong mabuti."

"Pota," tawa ni Vien. "Bakit naging katunog mo si Mama?!"

"Wala namang masamang magkacrush Ayel a! Subukan mo naman minsan. Kaya walang kakulay-kulay buhay mo eh!" said Dolly that made me frown.

"Icrush back mo si Gahala! If you won't, just tell me! I'll flirt with him na lang!" Kala suggested which made my brows furrow.

"Gago," sinabunutan siya ni Vien.

"Ouchie! So masakit!" nguso niya.

"Bakit mo kasi lalandiin? Ako ang dapat na lalandi sa kaniya!" Vien uttered.

"Hoy! Ano 'yan? Pumila kayo uy! Ako ang nasa likod ni Ayel!" pati si Dolly nakisali!

"Gaga, ako ang nauna kay Ayel, umalis lang ako sa pila kasi naihi ako." Vien countered.

I look at them with disappointment. Not like I'm expecting something from them, knowing na hindi sila matinong kausap lagi.

"Pero back to the topic Ayel! Don't you like Gahala? I mean complete package na siya!" binalik ni Kala ang topic.

Umiling ako, "Study first ako."

"Hindi iyan ang tanong!" Vien stated. "Crush mo ba si Gahala? If you're not going to consider other factors ha, just your feelings. Oo o hindi? No buts."

Hindi ko alam kung nanadya ba sila pero pagkatapos iyong itanong ni Vien ay sakto namang papalapit ang grupo nina Gahala. Narinig tuloy nila! May dala-dala silang sako na puno na ng basura.

Napatingin din tuloy si Gahala sa akin at parang naghihintay ng sagot. Hindi ba siya nahihiya? Bakit parang ako ang sobrang apektado dito?

"Ano Amara? Crush mo ba si Gahala?" asked Marwan while laughing, definitely teasing me!

Pakiramdam ko namula ako sa sobrang hiya. Tinalikuran ko tuloy sila at nauna na! I can feel my heart pounding so hard against me chest.

Bakit ba kasi nila ako tinatanong? Hindi ko alam ang isasagot! Kapag humindi ako paniguradong masasaktan siya at lalayo. Bakit ko naman sasagutin ng 'oo' ei hindi ko naman siya gusto?

Bakit ba kasi concern ako kung masasaktan siya? Ugh.

Siguro dahil tinuring ko na din siyang kaibigan kahit one sided lang 'yon. Tapos ang awkward no'n pagnagkataon, lagi pa naman kaming magkatabi.

Aside from those reasons, bawal pa akong magboyfriend sabi ni Papa. Paniguradong patay ako kapag nalaman nila. I'm afraid of what will happen next if ever they'll find out.

"Ouch pre, ouch." Rinig kong asar nila sa kaniya.

"Hoy Ayel!" tawag sa akin ni Vien, sinundan ako.

"Gago, nasaktan ata sa pagtalikod mo," Dolly said. Pero bakit lumungkot din mukha niya?!

"Stupid, I felt sorry for him," Kala whispered. "Crush na crush ka pa naman."

Kaagad ko namang nilingon si Gahala at bahagyang naguilty nang makita ang parang nawalang ganang mukha niya. Napakagat ako ng ibabang labi at napabalik ang tingin sa harapan.

Hindi ako mapakali at panay ang isip sa kaniyang naging reaksyon. Naguguilty ako pero hindi ko naman sinasadya! Gusto ko lang ng space muna para magsink in lahat sa akin!

Gusto kong magsorry sa kaniya pero natatakot akong tuksuhin nila. Baka iba naman ang meaning no'n sa kaniya.

I can't reciprocate his feelings, so I shouldn't lead him on. I also can't  give him hope just because of peer pressure.  The only thing I can offer him now is friendship since being in a relationship is not my priority, it's not even in my plan. 

Panay tuloy ang tingin ko sa kaniya. Napabuntong-hininga ako. Ilang ulit ko pang nakitang sinisiko siya ng mga kaibigan niya tuwing nakikita akong tumitingin at sinasabing nakatingin ako pero hindi na siya tumitingin pabalik. Parang sumama talaga ang loob.

Something inside me twists painfully. Nasaktan ko ba talaga siya? Shit.

Hindi ko nga alam kung bakit iniisip ko 'to. Concern na concern ako kung nasaktan siya sa ginawa ko! Kahit ayoko siyang isipin, automatic na iniisip siya ng isip ko.

Napatingin ulit ako sa direksyon niya at nataranta ako nang makitang papalapit siya. May hawak siyang bottle ng tubig!

Nawala lang ang atensyon ko nang may humarang sa aking harapan. Napatingin ako kung sino 'yon at nakita ang Vice President ng SSG, blocking Gahaldon in my view.

"Uh, why?" I asked him, unsure of what I should do.

Ito pa ang isa. I rejected him when I was in grade 9. He kept pushing himself on me so I blocked him out of irritation. Tinigilan niya din ako after ko siyang ireject sa harap ng kaibigan niya.

I don't want to humiliate him,but he's really starting to scare the shit out of me. Some might think it's romantic if a guy chases and chases you, but it's actually creepy.

"You look tired," He gave me something but I didn't look at it. I'm still pre-occupied of Gahaldon that I can't help but peek a glimpse. Nakita ko siyang naglakad na lang pabalik na lang sa pwesto ng mga kaibigan niya. Tinawanan pa nga siya.

Mukhang mas nabadtrip na siya kasi hindi na siya nakikisabay sa mga kalokohan ng kaniyang mga kaibigan. Nakakunot na din ang kaniyang noo.

Napabalik ang tingin ko sa Vice president na kanina pa binibigay ang bottled water. "Uh," Nag-alangan pa ako. "Thank you but no. I can handle myself. " 

He pursed his lip and nod when I declined him. Parang ayaw pa ngang umalis sa harapan ko pero kinunutan ko ng noo.

"May kailangan ka pa?" I asked nicely but it sounds so harsh. He shakes his head as his response to my question and walks away.

I hissed when Kala slapped me on the arm, "Pasabunot naman ng hair mo bhe, palong-palo a. "

"Hoy, Ayel."

Napatigil kami nang barumbado akong tinawag ni Marwan.

I raised my brows at him, "Yeah?"

"Oh," Padabog niyang sabi saka binigay ang isang bote ng tubig at saka chuckie.

"Ano 'yan?" tanong ko and I can't help but think that it's from Gahaldon.

"Pinapabigay ni Gahala pero dapat daw secret lang namin. Bawal daw sabihin sa 'yo," tawa niya.

I don't know but I felt slightly happy because of it. He looks irritated but still cares. Kinuha ko 'yon mula kay Marwan. "Thank you. "

Tumango lang siya saka tumalikod na. "Hoy pre! Tinaggap! Hindi ko sinabing sa 'yo galing ha! Pero feeling ko nadulas ako ng slight! HAHAHAHA!" Patakbo siyang bumalik doon at nakita kong binatukan siya ni Gahala.

Hindi pa kami matapos-tapos sa paglinis dahil ang lapad ng oval! Ang daming plastic din. Pinalibot pa kami ng Principal sa buong school nang makita niya kami. Wala naman sanang problema pero sobrang init!

"Ouch!" I hissed in pain and let go of the plastic immediately when I felt a sting in my fingers. Nakita ko kaagad ang pagtulo ng dugo. May basag na bote ng coke palang kasama iyon.

Napatingin sa amin ang iba nang marinig ako. Kaagad silang lumapit nang makakita ng dugo.

"Don't make Kala look. There's some blood," I immediately told Vien. She might faint here.

Biglang nawala ang atensyon ko sa sakit nang kaagad na lumapit si Gahala sa akin at hinawakan ang kamay ko. " Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong niya kaagad saka sinipat ang sugat ko. He appeared unsure, as if he didn't know what to do.

"Ako na pre,"

Napatingin kami sa Vice nang bahagya niyang tinulak paalis si Gahala para palitan ito sa pwesto niya at siya ang humawak ng kamay ko.

Napakunot ang noo ni Gahala sa inasta ng huli. "Nambabastos ka ba, pre? Hindi ka ba marunong mag-excuse?"

Stex, the Vice president, glimpses at Gahala with an irritated face. "I just need to stop the blood immediately."

Hindi ko mapigilang mapairap. Parang sobrang laki ng sugat ko e.

"I can also do it," Gahaldon pointed out, which made me shut my mouth.

"Oy, oy. Tama na 'yan. Mag-aaway pa ata kayo," pigil ng President pero walang pumansin sa kaniya.

"Well, sorry to burst your bubbles Mr. I don't know who you are but it is reasonable if I do it instead. I'm the President of the Red Cross, by the way." Stex ended the argument with finality. He looked at my cut again at may inutusang kumuha ng first aid kit.

Napatingin ulit ako kay Gahala. He's just looking at my hand na hinahawakan ng iba. He pursed his lips and looked away.

Kinuha ko ang kamay ko sa pagkakahawak Stex saka tumayo kaya napatingin sila sa akin. "Okay lang. Hindi naman malala. Sa clinic ko na lang papatingin." I assured them but gusto ko lang talagang iassure si Gahala. Masama na ang loob e at mukhag nagtatampo.

"Are you sure?" kunot-noong tanong ng President. Napatayo din si Stex at kita sa mukha niya ang tutol.

"Yes,"

"Ow...okay." Walang nagawang sagot ng SSG president kahit naguguluhan siya. " Samahan mo na lang sa clinic, Vice," utos niya. 

My gaze met Gahaldon's eyes. Nakatingin siya sa akin na parang siyang nanunumbat.

His friends are already laughing at him and tapping his shoulders, making him more irritated. "Okay ka lang bro?"

"Fuck off," irita niyang sabi saka umalis. Napakagat ako ng ibabang labi saka sinundan siya ng tingin.

"Gahala, " tawag ko kaya napahinto siya at napatahimik ang iba. Lumingon siya sa akin ng may pagtataka at bakas pa rin ang inis sa mukha. "Ayaw mo akong samahan?" malamyos na tanong ko.

I watch how his facial expressions change. Nawala ang inis at bumalik na ang ngiti niyang hirap niyang itago. Naglakad siya palapit ulit, "Pwede akong sumama?" He asked hopefully.

Gumaan ang pakiramdam ko at napangiti din ng kaunti, hindi pinapansin ang tikhim ng mga kaibigan namin. "Yeah."

Nawala lang ang atensyon ko sa kaniya nang may maramdamang humawak sa akin. "Tara na, Keleya."

Napakunot ang noo ko at marahang inilayo ang siko ko kay Stex nang hawakan niya iyon. "No need for that. I am capable of walking without assistance. Kamay ko ang nasugatan hindi ang paa."

"You heard her, bro." Segunda ni Gahala.

Stex took his hands off me and raised them, giving up. "Sorry."

Lumingon naman sa akin si Gahala at nilahad ang kamay niya. "Tara na?"

"Uhh," unsure kong sagot pero kalaunan hinawakan pa din ang kamay niya kahit I have the choice to decline.

"You go girl!" Kala laughed and I heard the whistles of his friends.

"Wew," Stex whispered. Nasa likod lang namin siya habang papunta kami sa clinic.

"Hindi mo naman kailangang sumama, kaya naming pumunta sa clinic ng kaming dalawa lang," I told him.

"Halatang ayaw mo lang akong kasama," Stex chuckled which made me irritated.

"Alam mo naman pala, bakit sama ka pa rin nang sama?" irap ko. I glared at Gahala when I heard him laugh a little.

"I'm doing it because it's my responsibility, Amara." 

"I'm not anyone's responsibility, and I refuse to be one," I told him. " Especially sa 'yo."

"Tama na, nauubusan ka na ng dugo, hinahigh blood ka pa." Bulong ni Gahala, pinapakalma ako.

Ano pa bang magagawa ko? Nanahimik na lang ako at naglakad nang matiwasay. Nang makarating kami sa clinic ay wala doon ang nurse.

"Probably, nasa stock room siya. Patawag na lang," utos ni Stex kay Gahala.

"Bakit hindi ikaw?" tanong ko bago pa ibuka ni Gahala ang bibig niya.

"Chill woman. " Iling niya. "Mamaya na kayo maglandian if nagamot na sugat mo."

Napatahimik ako doon at napatikhim. "Hindi kami naglalandian."

"Pero nilalandi ko siya," dugtong ni Gahala as if sobrang normal na reply 'yon!

I saw how Stex grimaced. "No need to slap it on my face."

Iniling ko ang ulo saka tumango na lang kay Gahala, telling him tawagin niya na lang ang nurse. Alanganin pa ngang umalis pero wala ding nagawa.

Naupo lang ako sa kama habang inaantay sila. Maya-maya pa'y binasag niya ang katahimikang bumabalot sa amin.

"Who's that guy?" Stex asked while sitting at the chair in front of me.

"Who?" maang-maangan ko.

"That arrogant guy," he specified.

I raised my brows and chuckled sarcastically, "Why do I need to explain to you?"

His lips lifted, "Alam ba 'yan ni Tita?"

Wow! I can't help but look at him in disbelief. So tinithreaten niya na ako ngayon? Just because his mother and mine are great friends?

"Wala namang dapat malaman si Mama." Madiing sagot ko.

He scoffed, "Really, huh? Will you still have this kind of confident reaction kapag binanggit ko kay Tita yung mga nakita ko, Keleya? I wonder."

I bite the inside of my mouth because of irritation, knowing that he's trying to control me. "Why don't you try?" hamon ko sa kaniya. "  I can assure you that everything you're going to report will turn out as baseless assumptions."

He laughs after hearing the words I've spouted, " You look adorable. I was just kidding. I just wanted to see your reaction. " Ngiti niya na akala mo natuwa ako!

Napatahimik kami nang bumukas ang pintuan. Sabay kaming napalingon doon ni Stex at nakita si Gahala kasama ang nurse. Napatingin sa amin si Gahala nang matagal pero wala namang sinabi at tumabi lang sa akin.

"I can handle it from here," sabi nong nurse kay Stex.

Tumango naman ang huli at tiningnan ako ulit bago binaling ang tingin kay Gahala. Wala naman siyang sinabi at nagpaalam na mauuna na.

Ginamot lang ng nurse yung kamay ko habang inaantay ako ni Gahala sa gilid. Nang matapos ay walang kibo kaming naglalakad pabalik ng classroom. Nasa unahan ako at nasa likuran siya. I can feel the awkwardness that's surrounding the air.

"Amara,"

I stopped in my track and turned my head to him when he called my name.

"Ano..." he muttered hesitantly and scratcedh his nape shyly. He looked so nervous. "Basted ba ako?"

My lips parted slightly because of his question. I never expect him to ask me that question right now! Hindi ko alam kung ano ang tamang salita na isasagot sa kaniya. Napakastraight forward niya naman! Dapat pala nag-isip na ako ng sasabihin ko kanina!

"Uh, ano," alanganing kong sagot. Kinagat ko ang pang-ibabang labi. "Bawal pa daw kasi akong magboyfriend sabi ni Mama at Papa. Sorry. " Totoo naman. Ito ang pinakamain reason ko.

He stared at me for seconds like he was trying to understand my answer. Then, a small smile slowly showed up on his lips. "So if hindi sana bawal..okay lang?"

Nailang ako doon. "Hindi ko alam. Hindi ko pa masyadong napag-iisipan."

Ngayon ay tumawa na siya, "Ang cute mo."

Kahit nahihiya sa nangyayari ay nagpasalamat ako, "Thank you."

Iniling niya ang ulo ng may ngiti sa labi, parang natatawa sa nangyayari. "Okay lang, Amara. Sabi nila bawal  ka pang magkaboyfriend, hindi ba? Pero hindi naman bawal na manligaw? Gusto kitang ligawan. Pwede ba?" Even though there's a mischievous smile plastered on his face, he asked me those questions with sincerity in his eyes.

Napatingin ako sa dumaan ng mapatingin sila sa amin. Mukhang narinig nila yung sinabi ni Gahala kasi nakangisi sila na parang kinikilig at natatawang umalis! Narinig ko pa silang nag'yieee'. Ugh!

Napaiwas ako ng tingin at nag-isip-isip. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at hindi alam ang isasagot. "Ano...ikaw ang bahala," nag-aalangang sagot ko. Napakawalang kwenta naman non!

Tama ba 'tong ginagawa ko?! I mean, hindi naman siguro masama iyon. Wala namang mawawala sa akin! Pero hindi ako sure kasi baka pagsisihan ko 'tong desisyon ko!

Shit. Hiyang-hiya na ako. First time sa akin lahat ng 'to! Sa lahat ng nagtangka siya lang ang hindi ako sigurado...na bastedin.

Natawa siya sa sagot ko. "Ano ba 'yan, kung ako ang bahala baka gawin na kaagad kitang girlfriend ko."

Doon ako mas lalong nailang sa sinabi niya kaya natawa ulit siya. "Sure ka ba? Kasi, kung hindi, tigilan mo ako. Matatagalan ka sa paghihintay. What if it will take years?"

"I've never been this sure in my entire life, Amara," he said with a smile that reached his eyes.

I bite my lower lip. " What if you get tired waiting? Kasi kung oo, okay lang."

"I'm sure I won't," he said, shaking his head. "Not unless you told me na I should stop because you can't like me back, and I'm becoming a burden to you."

Nahiya ako sa sinagot niya at dinaan na lang sa irap. "Ewan ko sa 'yo. "

"Halika na crush," ngisi niya saka naglakad papalapit sa akin. Ngayon ay sinabayan niya na ako sa paglalakad.

Kaagad naningkit ang mga mata ng kaklase ko nang sabay kaming pumasok. I immediately looked away, and didn't entertain them.

"Tangina bro, bakit ganiyan ang ngiti mo?!" pansin kaagad ni Marwan kay Gahala.

He laughs a little, "Wala."

"Sinasabi ng tawa mo na hindi lang wala iyon! Share naman. Parang hindi kaibigan!" kaagad siyang pinuntahan ng mga kagrupo niya para makasagap ng chismis. Pabiro niya silang tinulak palayo.

"Ulol, baka magalit si crush," tawa niya sa kanila saka ngumisi sa akin nang makita akong napatingin.

"Gago, ano iyon?!" chismis kaagad ni Vien. Pati sila Kala lumapit sa akin. "Sinagot mo ba?! Binigyan mo ng assurance?"

Ang mga bunganga talaga nila! Nakakakuha kami tuloy ng atensyon sa iba.

"Hindi," iritang sagot ko dahil nararamdaman ko ng namumula ako! Hindi pa nila ako tinigilan sa pangungulit pero hindi ako bumigay. 

"Amara, sa labas kami kakain. Baka mga 12:30 pa kami makakabalik. Mag-rereview ka ba mamaya sa science? Sabay na tayo. "

Gulat akong napatingala dahil sa sinabi ni Gahala. Napatingin ako sa paligid at halos lahat sila nakatingin sa amin, nagtataka sa nangyayari! Parang wala namang pakialam si Gahala sa atensyong nakukuha namin, at ako lang talaga ang nagpapanic!

"Uh, okay, " awisang sagot ko. I can feel my neck heating because of too much attention.

He smiled and patted my head. "Bye, crush. See you mamaya," tawa niya saka umalis. "Tara na pre! Nakapagpaalam na ako."

"Tangina, akala mo jowa eh," tawanan nila.

"Malay mo sa susunod oo," narinig kong biro niya!

Iniwan niya ako sa hot seat! Kaagad akong napaigik nang dumugin ako ng mga kaibigan ko! I hissed when Kala slapped me in the arms.

"Hoy! Teka lang! Bakit may paupdate-update na?! Sinagot mo ba?!" ulit na tanong ni Vien. Para siyang nalilito!

"I didn't!" Tanggi ko kaagad! Napa'weh' pa ang mga kaklase kong nakarinig.

"E bakit parang nanalo yon sa lotto? Bakit may pa gano'n?!"

Hindi ko sinagot ang tanong ni Dolly dahil hindi ko din alam kung bakit nagpaalam siya bigla kahit hindi naman kailangan! 

Kala looks at me suspiciously, "It's so fishy ha! Earlier, he was so jealous pa but now he looked so assured na hindi ka makukuha ng others!"

"Amara, magsabi ka nga ng totoo," seryosong sabi ni Vien saka pinaningkitan ako ng mata. "Kayo na 'no? Tinatago mo lang sa amin?!" she gasps. Ang oa!

"Hindi!" disagree ko kaagad. Napaiwas ako ng tingin. "Ano, manliligaw daw siya," I mumbled.

"WHAT THE F--?! Pinayagan mo?!" sabay nilang tanong.

I slowly nodded. "Oo," alanganin kong sagot. Tinatanong ko ang sarili ko kung tamang bang sabihin iyon sa kanila.

Namula ako nang sabay silang tumili. Great, dapat hindi ko na sinabi.

"Omygod! Natututo ka ng lumandi, Ayel! Kanino ka kaya nagmana?!" Dolly asked.

Hindi ba sa kanila?

"Naks! Proud na proud ako sa 'yo!" Vien looked like a proud Mother!

What the hell? Is that something to be proud of? Weird.

"Oh my God, Ayel! you're not a neneng anymore! You finally grew up!" Kala said dramatically and even wiped her invisible tears.

Napairap na lang ako sa kanila. Hindi ko mapigilang alalahanin ang nangyari kanina. I pursed my lips so stop myself from smiling.

"Wala na! Ngumingiti na siyang mag-isa!" nandidiring pansin ni Vien! "Malala na 'to! Tinamaan na!"

Hindi pa nila ako tinigilan hanggang lunch. Noong nag-ayos sila ay sapilitan nila akong nilagyan ng liptint! Talagang pinagtulungan nila akong tatlo! Ang mga kaklase ko ay natatawa lang sa kalokohan nila!

"Ang pait pait!" reklamo ko nang malasahan ang liptint.

"Bobo, bakit mo kasi kinain?!" lait ni Vien. "Lagyan mo din ng blush, Kala!"

"Come here," Kala said with a smirk, which I don't appreciate!

"Wait!" I grunted and avoided the blush she's holding. "Baka parang sinampal ako niyan mamaya!"

"Itaas mo din palda mo hanggang ilalim ng dibdib! Para kita ang legs!" suggest ni Dolly.

"Gaga," tawa ni Vien saka sinabunutan ang isa. " Bakit hanggang ilalim ng dibdib?! Baka panty niya mamaya ang makita!"

"My god! Why are you talking about my underwear?!" pikong tanong ko. Halos umusok na ang ilong ko sa inis! Nastestress na ako sa kanila!

May mga lalaki pa naman sa classroom namin! Hindi na nga sila tumitingin sa direksyon namin dahil sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan kong walang preno ang bibig! Sila pa ang nahiya!

Tinawanan lang nila ako at pinalusot sa kabilang tenga ang mga sinabi ko! Plano ko sanang burahin ang liptint dahil pakiramdam ko sobrang pula pero hinampas ni Vien ang kamay ko saka sinamaan ako ng tingin.

"Hayaan mo! May manliligaw ka na kaya dapat kabog ka!" saway niya saka napatingin sa pintuan. Bigla akong napaigik nang kurutin niya ako! "Ayan na sina Gahala! Umayos ka! Galingan mo ang paglandi!"

Ewan ko pero bigla akong kinabahan nang marinig ang sinabi niya! Shit! Hinila ko ang dulo ng uniform ni Vien para hindi niya ako iwan pero ang gaga tawa-tawa pang salipitang inalis ang kamay ko at iniwan ako!

I looked away when I felt Gahala stopped in front of me. Nailang ako nang maramdamang nakatitig siya sa mukha ko.

"Nagliptint ka?"

Namula ang buong mukha ko sa tinanong niya at biglang nahiya. Nagkainstant blush tuloy ako! Kinagat ko ang ibabang labi bago sinalubong ang tingin niya.

"Bakit may problema ka do'n?" malditang tanong ko kahit nagpapanic attack na ako sa kaloob-looban ko!

His brows lift. "Kanino ka nagpaganda?" tanong niya. There's a playful smile on his lips!

Inirapan ko siya,"Kailangan ba may pagandahan ako? Bawal ba?"

"Ah, akala ko para sa akin," ngisi niya saka humalakhak. "Wew, nag assume lang ako sa wala pero sige na nga, kunwari lusot ka."

I gasps! Napakakapal naman ng mukha niya!

Sisinghalan ko sana siya nang pinitik niya ang noo ko. Sinamaan ko siya ng tingin at hinawakan ang parteng pinitik niya.

"Review na tayo crush," ngiti niya ng abot mata.

Sabay nga kaming nagreview sa science pero parang hindi naman review iyon kasi nakatingin lang siya sa akin at hindi sa notebook! Nakapangalumbaba pa siya at nakangiti! Ugh, ang sarap niyang sipain! Wala na talaga siyang hiya-hiya!

Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng buong pagkatao ko! Pakiramdam ko patay na patay siya sa akin!

"Science natin ang irereview, hindi ako," iritang puna ko.

He laughed a little and smirked, "Well, you're not science, but I could throw you on my table, and study you all night."

My eyes grew bigger after hearing it, "What?" Bakit parang ang bastos no'n?!

He laughed so hard after seeing my reaction. "Anong iniisip mo? Joke lang 'yon! Ang dumi dumi ng utak mo, yuck. "

"Pwede bang magseryoso na tayo?" mariing saway ko sa kaniya kasi sobrang nahihiya na ako.

"Matagal na akong seryoso ako sa 'yo a," point out niya na parang normal lang na sabihin 'yon!

Playboy ba siya? Bakit parang wala lang 'yon sa kaniya?!

"Just..." Napapikit ako ng mata ng mariin. "Just shut your mouth and review," pakiusap ko.

Ngumisi lang siya saka tumango. "Yes, Ma'am!" sabi niya at bumalik na naman sa pagtitig sa akin!

Stress ako pagdating ko sa bahay. Napabusangot ako dahil kasalanan iyon ni Gahala! Sobrang naiinis ako hindi sa kaniya kundi dahil sa sarili ko because I'm enjoying it! Shit. Feeling ko may mali sa akin!

Naglinis ako ng katawan bago humilata sa kama. Hinagilap ko ang cellphone ko saka inopen ang Facebook.

Napakagat ako ng labi. Napapadalas na ang paggamit ko ng Facebook ngayon! Noon naman halos isang beses sa isang linggo lang ako mag-open!

Napatigil ako sa pag-iisip ng mga nabago sa akin nang nang bumungad kaagad ang post ni Gahala na puno ng kayabangan.

Gahaldon Jammes Silva
Can't wait to put a lock in my bio together with our monthsary 😌

Ar-ar Rivera: potainga nito HAAHAHAHAHAHAHA hindi pa nga sure!

Gray Hererra: Yabang pre ah HAHAHAHAHAHAHA

Marwan Ramos: Plot twist, hindi ka sinagot

Gahala Jammes Silva: Marwan, Gray, Ar-ar bawal bang mangarap? 🙄

-Raven Muyco: Okay lang namang mangarap, huwag lang maging ambisyoso

-Lacaus Jondenero: Raven  HAHAHAHAHAHAHAH omsim pre, omsim

Gahaldon Jammes Silva: Mga inggetero. Hintayin niyo! Balikan ko 'to kung kami na HAHAHAHAHHAHA

I faked a cough to stop myself from smiling! Napakakapal ng mukha niya! Hindi ko tuloy mapigilang istalk siya. Kung ano-ano ang pinopost niya about sa crush niya tapos ako pala 'yon!

I just realized, ang saya pala sa pakiramdam makabasa ng post, tapos patama pala sa 'yo. It feels good knowing that someone admire you silently.

Gahaldon Jammes Silva
If you're here  to stalk me, it means...crush mo 'ko 'no?

Followed by: 13, 501 people
Instagram: itsmegahaldon
Twitter: gjammeslv

Kaagad akong napaback nang makita ang bio niya! I grunted when I felt myself slightly blushing! Bakit parang nanghuhuli kasi?!

Hindi naman sa guilty ako pero shit. Napakagat ako ng labi at hindi ko na lang tuloy tinuloy ang planong pagstastalk sa kaniya.

I'm not dumb. I know what I'm feeling even though this is my first time.

Shit. Malala na 'to. Pakiramdam ko crush ko na din si Gahala.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro