SCW 1
"Keleya," she called, snapping me back to reality.
I straightened my back. I looked at her with a polite and silent solemn expression. "Yes, Ma?"
"Remember what I always told you?" Her voice was stern as she spoke. The stinging sound of her utensils cutting through the meat on her plate followed her words. The suffocating stillness weighed heavily upon me.
I gave her a nod. "Yes. " I pursed my lips and looked down at my plate once more, feeling submissive. "To do well in my studies."
"Not just well, but to excel," she corrected sharply. "Keleya, how many times must I remind you? Actually, hindi ko na dapat ito sinasabi sa iyo. As my child, it is your responsibility to bring honor and pride to this family, gaya ng ginagawa ng mga kapatid at mga pinsan mo. I don't understand why it's so hard for you to be like them, especially when you share the same blood." She sighed deeply, clearly disappointed. "Pag-aaral na lang ang ginagawa mo. At the very least, be good at it."
I gripped my fork tighter and nodded. I can feel the stares of my siblings. I feel so humiliated.
"Lilura," Papa interrupted.
"What?" Mama asked defensively, even though Papa hadn't added anything yet. "I'm doing this for her own good too. I can't seem to understand why she's... like that!" She added, her tone tinged with disgust as she uttered the last two words.
Papa sighed. "Fine," he conceded, ending the discussion. He then turned to me, saying, "Just listen to your mom, alright? She only wants what's best for you."
I tried to smile at him, even though something hurt inside. I tried to ignore it and went back to eating.
Nahirapan pa ako sa paglunok dahil parang may nakabarang kung ano sa aking lalamunan kaya mas nainis ako. Kinagat ko ang pangibabang labi ko bago ilang ulit na bumuntong-hininga to calm my self. I hide behind my facade again at nagkunwaring hindi ako naapektuhan ng sinabi nila hanggang sa matapos ang agahan.
Wala na tuloy ako sa mood pagkatapos at mas lalong natahimik. Nakatingin lang ako sa labas while we are on our way to my school. Mama kept reminding us of what we needed to do and what we need to avoid- the dos and don'ts. Mga distractions daw, bad sets of peers, vices, and so on. Nakikinig lang ako kasi wala namam akong choice even though I've heard it a million times already.
"No girlfriend nor boyfriend allowed," she reminded us and looked at me through the mirror. "Don't get distracted by worthless things. Especially you, Amara."
I met her eyes, looking so done with all of this. Wala naman akong ibang magawa kundi ang tumango sa lahat ng sinasabi niya bago bago ko ibalik ang atensyon ko sa labas.
She doesn't need to remind me about it at all. I'm not interested in such things anyway. It's a waste of time and a bunch of sweet nothings.
"Ayel!"
My brows twitched when I saw Vien's face. I'm quite surprised na maaga siya ngayon. I even thought I was just imagining things. She was already grinning at me while waiting for me at the door of our classroom.
She was wearing a white blouse with a collar and hem linings, tucked into a black plaid pleated skirt. She also had on a necktie, paired with black shoes and clean white knee socks.
First day of school namin ngayon kaya ang daming estudyanteng nakakalat sa labas. Ang daming nagkakamustahan at nagkukwentuhan as if it's been years since they last saw each other. Some greeted me and I just greeted them back with a small smile plastered at my lips.
"What?" I asked her as I took a step inside our new classroom, boredom is even visible in my voice.
Sumunod naman sa akin si Vien na may excited na mukha. Parang may gusto siyang sabihin sa akin. Nakipag-ambahan pa siya ng suntok doon sa mga kaklase naming ginagago siya.
"Wow naman! Tumaas ka ng kaunti ah! Halos hindi na kita mareach!" Tukso sa akin ni Ryder even he, himself looks two times taller than the last time. Nimeasure niya pa yung taas ko gamit ang kamay niya na pabiro ko namang tinabig.
"Ano ba 'yon?" tanong ko kay Vien pagkatapos kong ilagay ang bag ko sa upuan, katabi ng kaniya. Naupo ako sa upuan ko saka tinaasan siya ng kilay. Nasa harapan ko siya at nakahalukipkip, inaantay akong matapos.
"Wala kang may napansin na iba?" nagniningning ang matang sabi niya pa.
I stared at her from head to toe. My eyes gazed at her with slightly confused stares, not picking up what she was trying to imply. "Wala."
Bahagya siyang bumusangot, "Totoo?"
I frown. Ayaw ko ng paulit-ulit. "Oo nga. Bakit?"
"Hindi mo napansin?" Pilit niya pa.
Napairap ako sa kaniya. I let my eyes wander, getting familiar with our new classroom and surroundings while waiting for whatever she wanted to tell me.
"Bigyan kita ng clue! Nandito ako ngayon! Iyon ang clue!" kuha niya ulit ng atensiyon ko.
I shook my head in disappointment at her and replied in dismay, "Yeah, I can see that. "
Her face shows irritation. "Slow mo, Ayel!" Paninisi niya sa akin.
Kumuha ako ng isang libro sa bag ko at hindi na siya pinansin. Bakit hindi niya na lang kasi sabihin kaagad? Ang dami niyang alam. I opened the book and let the edges of every page played with my fingers.
"Hindi na kaya ako late ngayon!" inis na sambit niya sa kawalang pakialam ko. "Dapat proud ka sa akin!"
I raised my head to look at her with a disinterested expression. I opened my lips and tried to find some words to utter. "Ah," nausal ko sa bored na boses at napatango ng kaunti. "Okay. Congrats."
"Ano ba 'yan! Wala kang kwentang kausap!" she exclaimed irritatedly which made me chuckle. Napipikon na ngayon ang mukha niya.
Sinara ko ang libro ko at humalukipkip sa kaniya. "Ano ba kasi dapat ang reaksiyon ko doon? Oo. Hindi ka late. And then? What's next?" tanong ko sa kaniya.
Napanguso siya, "Wala naman pero pakiramdam ko sisipagin ako this year! So be impress with my presence!"
I laugh a bit at her somewhat ridiculous statement. I shrugged with a lil smile, "Yeah sure."
Napabusangot siya, getting the feeling na hindi ko siya pinapaniwalaan. "Bakit?! Feeling ko talaga eh!"
"Uhuh," tango-tangong ani ko at binuklat ulit ang libro. "In my hypothesis, late ka bukas. Ngayon lang hindi."
Napairap siya, "Hindi 'no! Pustahan tayo!"
Napailing ako. "No need for such pustahan. If we base it on your performance last year and try to predict your future behavior based on the patterns of how you usually react to things, I can confidently say that the possibility of me being right is almost or more than 90 percent. People don't just change overnight, Vien. They are weak when it comes to disciplining themselves and struggle to be consistent." I raised my head and met her eyes. "So yeah, I don't believe you na hindi ka na male-late bukas just because you said so."
"Ang dami mong sinabi! Paano kapag mali ka?" Hamon niya like as if that will shake me.
I rolled my eyes, "Remember last year? Hindi ka din late no'ng first day pero no'ng second day up to our graduation, naperfect mo lahat yung absent sa first subject. "
"Ako 'yon no'ng nakaraan! Iba na ako ngayon!" Narinig ko pa ang reklamo niya pero hindi ko na pinansin. Hindi din ako bumigay sa pangungulit niya. Pikon tuloy siyang inirapan ako saka nakipagchismisan na lang don sa iba.
"Ayelll,"
From intently reading, I raised my head upon hearing someone call my name. Dolly and Kala's face flaunted before my eyes.
They have foods with them kaya malamang galing silang canteen kahit maaga pa. Umupo sa tabi ko si Dolly at nilapit sa mukha ko ang siomai na kinakain niya na parang tinanong ako kung gusto ko ba. I shake my head to decline. Tumango siya sa sagot ko at kinagatan iyon. Kala also offered me her Takoyaki which I also refused.
"Hoy Blythe!" barumbadong tawag ng papalapit na Vien kay Dolly na nakaupo sa upuan nito habang kumakain. Parang naghahamon ng away ang isa.
"Ano na naman?!" yamot na reklamo ng isa, seems like she's not up na makipagbarahan ngayon.
"Pahingi ako," tawang sagot niya and opened her mouth.
"Boba," irap ng isa at sinubuaan pa nga siya with force.
Nanghingi din siya kay Kala kahit nagrereklamo na yung isa kasi dalawang piraso kaagad yung sinubo niya. After non, nagchismisan na nga silang tatlo. Puro chismis lang naman ang pinag-uusapan nila. I tried not to listen to them and forced myself to concentrate but oh God, I really can't. Their voices are so loud. Dumagdag pa nang pumasok ang grupo nina Gray.
"Ano ba! Kakawalis ko lang dyan! Magpagpag nga muna kayo ng sapatos sa labas! Alam niyo ba na soil erosion 'yang ginagawa niyo!" reklamo ng isa naming kaklase dahil may nagkalat na namang maliliit na lupa galing sa labas dahil sa kanilang pagpasok.
"Wow! May natutunan sa science!" Asar ni Marwan habang natatawa. " Saka hindi 'yan soil erosion 'no! Tanda 'yan na dala ko ang ating lupang sinilangan kahit saan!" Proud at madamdaming dugtong niya pa. Kinalat pa nga yung ibang lupa sa loob, dahilan para hampasin siya ni Ruth ng walis. "Aray! Ano ba! Joke lang 'yon! Don't be strong!"
Nadagdagan ang ingay na 'yon nang lumapit sila sa amin. "Uy! Vien! Ml tayo mamaya ha!" aya ni Lacaus.
"Sige. Ml tayo mamaya," payag ni Vien matapos sikuhin si Gray dahil inakbayan siya. "Hoy Lamore!" tawag niya sa isa na nakikipag-usap pa don sa isa naming kaklase. The guy gazed at her, urging her to go on. "Sama ka! Ml mamaya."
"Yeah, sure." Tango nito without hesitation bago bumalik sa pakikipag-usap.
Sumuko na ako kakabasa kasi hindi talaga ata ako makakaconcentrate dito, seeing na sobrang ingay nila.
"Uy! Pagkain!" Manghang sabi ni Marwan na ngayo'y nakalapit na sa amin. His eyes are twinkling while looking sa pagkain na hawak-hawak ni Dolly. He exaggeratedly gasped as if it's his first time seeing food after how many years. Kaagad na nilahad niya ang kamay papalapit na para bang nanghihingi ng limos. "Lagyan mo ako dito."
Napantig naman ang tainga ng iba sa narinig dahil sunod-sunod na silang lumapit at nanghingi din. Nagrereklamo pa si Dolly pero binigyan niya din naman sila.
"Tangina. Oh inyo na. Nagtira pa kayo sa akin, mga gago."
Natawa ako ng kaunti kasi naubos nila ang pagkain niya.
"Salamat Lods," tawa ni Raven at nakipag-gawan pa ng pagkain kay Ar-ar.
"Oiii, alam niyo ba?" biglang sambit ni Raven na parang may nalala. Ngumunguya pa nga siya habang sinasabi 'yon which is... kinda gross.
Napatingin din sa amin ang iba naming kaklase kasi chismis iyon.
"Yung ano?" tanong ni Marwan na kakatapos lang lumunok.
Inubos niya muna ang siomai na kinakain bago magsalita. "Sabi nila may transferee daw tayo ngayon. "
Naintriga sila dahil doon. Hindi ko din tuloy mapigilang makinig.
"Lalaki ba?" That's the first question Dolly asked.
"Sana babae, shit," ani ni Gray na sinangayunan kaagad ng mga lalaki. "Tapos sana maganda."
"Ewan ko," Marwan shrugged. "Pero sabi nila lalaki."
"Sana gwapo," Kala wished while giggling. Majority of the girls agreed kaya binash sila ng mga guys na puro gwapo lang daw hanap nila.
They just stopped talking when the bell rang. I put my book back in my bag before getting my phone, and wallet. Nang matapos ay tumayo na ako.
"Let's go na!" aya ni Kala before clinging her hands in Dolly's arm. Sumabay naman ako kay Vien palabas.
We head to the gym for our flag ceremony. Pagkatapos non may maliit pang activity for the opening of a new school year. The principal gave a small speech after to welcome the freshmen and a few transferees. May mga intermission number pang naganap to entertain us.
"For the last announcement, please proceed to your homeroom classroom para sa instructions ng inyong mga advisers. Again, please proceed to your homeroom classroom para sa instructions ng inyong mga adviser. Ayon lang and I hope you will have a fun year ahead. Thank you! " The emcee instructed nang matapos na.
Bumalik nga kami sa homeroom namin gaya ng sinabi. Nag-ingay pa sila ng kaunti pero kaagad ding napatahimik nang pumasok ang guro namin. Kaniya-kaniya din silang balik sa upuan. Umugong lang ulit ang ingay nang makitang may pumasok na lalaking matangkad, sumusunod sa guro namin.
Some of my classmates immediately and secretly reacted after seeing his face. Kahit ang mga kaibigan ko ay parang kinilig. Nag-uusap pa nga sila using their eyes.
I hissed when Vien slapped me in my arm. "Gago, ang gwapo! Akin 'yan ha! Walang agawan! Locked in! Tapon susi!" sigaw niya na parang nangbabakod na kaagad kaya kinatyawan siya ng mga kaklase ko.
Kulot yung lalaki. He is white too, and his curly and long eyelashes gave him an angelic appearance. His lips are pink, and he has a sharp nose. His Adam's apple, which moves every time he gulps, adds to his allure. He's tall, and his shoulders are broad.
Suot niya na din ang uniform ng school namin which consists of a white polo with linings, black slacks, and a necktie. Pinatungan niya din ng black na vest ang polo niya at nakasuot siya ng malinis na sapatos which gave him a neat look. Yung relong suot niya gives us an impression that he's someone living a comfortable life.
Our teacher pretended to cough to get our attention and to silence us. "Good morning, Grade 10-Helium. I'm sure you're already acquainted with me but I still wanted to introduce myself. My name is Mr. Lewol Apura, your adviser and Araling Panlipunang teacher this year." A man in his fifties smiled at us.
"Hello Sir! Hello din sa 'yo pogi!" kinikilig na sambit ni Kala kaya nagtawanan kami. Malandi talaga. Paniguradong crush niya na naman 'to.
Kahit iyong iba kong kaklaseng babae ay hindi nahiyang magpakita ng motibo. Binibiro-biro nila. Wala na silang hiya-hiya!
The transferee laugh a little because of that. Nakita tuloy namin ang ngipin niyang may brace na nagpadagdag ng atraksyon sa kaniyang mukha. Lumiit din ang kaniyang mata dahil sa pagtawa.
"Hello ganda," he said in a very deep voice that made the girls squirm. Sobrang lalim.
Bagay siya sa broadcasting. I think his voice will sound good. I dunno but I can picture it out already.
"Girll, the voice is giving," parang uod na nilagyan ng asin na react sa amin ni Dolly.
"Hala, in love na ata ako sa 'yo!" Kala giggles, making Sir laugh too.
I chuckled a little and returned my focus to the transferee. He had a smile on his lips when he unconsciously tilted his head in my direction. Our eyes met for the first time.
Napaiwas din kaagad siya na parang dinaanan lang ako ng kaniyang mga mata. Pagkatapos ay napakunot ang kaniyang noo ng kaunti at napatingin ulit sa direksyon ko, making our eyes meet again for the second time.
Hindi ako sure kung sa akin ba talaga siya nakatingin o kay Dolly o kay Vien na parehong katabi ko. Sobrang maputi kasi si Dolly kaya madaling mapansin tapos maganda si Vien kahit morena.
"Hala ka bhie! Tumingin sa akin!" Dolly enthusiastically exclaimed.
Kaagad siyang sinamaan ng tingin ni Vien, "Tanga, sa akin! Duling ka ba?!"
Napangiti ang transferee sa narinig saka iniling ang ulo sa kanilang dalawa. Ako yung nahihiya!
"Assumera mo naman!" irap ni Dolly.
"Bakit naman kasi siya titingin sa 'yo?" Vien countered.
"My god! He's not looking into any of you okay?!" Kala uttered in a stressed way and fanned herself.
Napahilamos na lang ako ng mukha dahil napapagitnaan nila ako. Sa harapan ko pa talaga sila nag-away. Kulang na lang magsabunutan silang dalawa.
"Kininga. Nag-away pa nga dahil sa isang lalaki," hagalpak na tawa ng mga kaklase ko.
I raised my head to look at the transferee again because I can still feel him looking. Napakunot ang noo ko sa ginagawa niya. Or probably, I'm just assuming things.
"Oh, oh tama na 'yan. Baka mauwi sa totoong away ang biruan niyo," saway ni Sir habang natatawa din ng kaunti. Ang fatherly ng vibe niya.
Napaiwas lang ng tingin ang transferee nang tawagin siya ni Sir at sinabihang magpakilala sa amin.
"A pleasant morning everyone," he greeted and smiled. "My name is Gahaldon Jammes Silva. A decade and 6 years of age. I'm currently residing in the subdivision located in front of our school. I'm an only child and I aspired to become a prosecutor someday."
"Shet. Englishero. Malamang matalino 'to," whispered some of our classmates.
"Gwapo na, matalino pa. That's a turn on," ngisi ni Kala sa amin while giving us a thumbs up na para bang nakapasa ang lalaki sa taste niya.
"Ayoko na pala. Pass. He's out of my league," ani ni Vien.
"Akala mo naman gusto ka," bulong ni Dolly na ako lang yung nakarinig. It made me snicker secretly.
"And uhm..." the transferee faked a cough to get our attention. Then he have this smile that he's trying to suppress but couldn't. Napalingon ulit siya saka nagtama ang mata namin. "I'm..single. " Dugtong niya sa introduksyon niya na parang tuwang-tuwa siya doon. Nagtilian tuloy yung mga kaklase namin.
"Hala bhe, pinaparinggan ako!" Declare ni Dolly. Nangunguna pa nga ang ingay niya sa lahat.
"Any questions? Alam kong madami kayong tanong," tawa din ni Sir, support niya ang kalandian ng mga estudyante niya.
I shook my head and facepalmed when my classmates immediately raised their hands to ask. Nakakahiya sila. I groaned out of embarrassment nang manguna na si Vien sa pagtayo. She will, without a doubt, say some shameful and ridiculous words instead of serious ones.
"Sirain mo naman buhay ko o," pagmamakakawa niya na siyang nagpahalakhak sa lahat.
Akala ko ba ayaw niya na? Sa tono niya akala mo may pangangailangan siya e.
Ngumisi iyong transferee, showing us his teeth with brace. "Bakit ko sisirain buhay mo? Parang sinira ko na din ang buhay ko."
"Gago, kinilig ako doon ah!" tawa ni Vien kasabay ng kinikilig na reaksyon din ng mga kaklase ko.
Natatawa na lang ako ng kaunti sa kanila. Ang galing lumandi ng lalaki. Parang playboy. They look so hopelessly smitten by him even though kakilala pa lang nila.
"Okay pa ba puso ng iba diyan?! Mukhang basag na naman ah!" tawa ni Gray, pinaparinggan si Lamore na kunwari walang narinig.
"If ever you'll have a crush dito sa room, who is it and bakit it's me?" Kala asked. Kahit ako natawa sa tinanong niya! Ang kapal naman ng mukhang 'yan?
"Gaga. Tigas naman ng mukha mo dzai," parinig ni Vien. "Pwede namang ako, bakit ikaw pa? Lugi si Pogi!"
The transferee just laugh at them. Madami pang tinanong ang mga kaklase ko na puro lang naman kalokohan. Napuno pa ng tawanan ang classroom dahil sinasabayan naman ng transferee.
Kahit si Sir ay nakikisakay. Minsan korni pa ang jokes ni Sir pero tinatawanan pa rin ng mga kaklase ko para daw sa grades.
"Oh tama na 'yan," saway ni Sir matapos tumingin sa kaniyang relo. "Nauubusan na tayo ng oras. Introduce yourself na tayo, ha? Let's start at the back. Mr. Silva, you may now take your seat."
Ngumiti naman ang transferee and dreamy namang napabuntong-hininga ang iba habang sinusundan pa siyang maglakad. Gray's group welcomed him right away and invited him to sit beside them.
Sobrang ingay ng classroom lalo na nang magintroduced yourself na. Kaniya-kaniya silang katyaw sa isa't isa kaya natatawa kami.
"Hey! It's your turn na!" sambit ni Kala sa akin kaya napatayo na ako.
I was a little nervous because they were all staring at me and watching my every move. I relaxed a little when they throw some jokes at inasar ako.
"Handa niyo panyo niyo dito, english din 'to eh!" biro pa ng isa kaya nagtawanan sila.
I chuckled, which makes my small eyes even smaller. I stand straight in the center and I looked forward. Napatingin ako sa transferee at ang mga mata niya ay nasa akin na.
I took my gaze away from him and smiled. Tiningnan ko ang mga kaklase ko, "Good morning, everyone. You probably already know who I am, but for those who don't, my name is Keleya Amara Teixeira. You can call me whatever you want as long as you feel comfortable. I'm 15 years old, and I've always wanted to be an elementary school teacher."
Sumulat lang kami ng schedule namin from Monday to Friday after ng introduction. Pagkatapos ay binigay lang sa amin ni Sir ang mga susi sa locker.
Puro introduce yourself lang ata yung ginawa namin buong araw sa bawat subject. Hindi naman kami nahirapan sa paghahanap ng rooms ng mga teacher namin sa ibang subjects dahil kabisado naman na namin iyong school.
Nagkavacant kami noong hapon kaya kumuha kami ng mga libro sa library. Buong section namin nandoon kaya nastress yung librarian sa pagsaway sa aming tumahimik daw. Ako pa ang naglista ng mga kinuha nilang libro kasi maganda daw sulat kamay ko.
Napatingala ako para tingnan kung sino ang sunod na ililista ko, and I found the transferee standing infront of me. I pursed my lips a lil when when I found him already staring down at me.
I pretended it didn't bother me and looked down at the paper again. "As far as I can remember, it's Gahaldon Jammes Silva, right?" tanong ko and tried to concentrate even though I'm slightly bothered by his smell. Naaamoy ko kasi siya mula sa pwesto ko. He smells nice though.
"Yes," he answered in a deep voice, which made me sigh deeply.
"Can you spell it out?" request ko sa kaniya kasi baka magwrong spelling ako.
"Yeah sure." pagpayag niya. " Gahaldon as in, G.A.H.A.L.D.O.N. "
Sinusunod ko naman sa pagsulat ang mga letrang binibitawan niya. "How about your second name? "
"Double M yung Jammes. J.A.M.M.E.S."
"All right. Thank you," I nodded and wrote it down. I didn't ask him about his surname anymore. I'm already familiar with it, so I already know how to spell it.
I looked up at him once more and his stares pierce me. "Give me the number of your books."
He nodded and slowly recited the number of his books so I could keep track and list them. Umalis din siya kaagad sa harapan ko nang tapos na. Pinagpatuloy ko lang yung ginagawa hanggang sa matapos ko na.
"Ampucha. Ang bigat," Vien complained while we are walking back to our room. Ilang libro din kasi iyong dala-dala namin.
"Akin na," Lamore insisted at kinuha ang mga 'yon sa kaniya.
"Sana all," parinig ni Dolly. Napairap siya nang mayabang siyang tiningnan ni Vien na ngayon ay wala ng mabigat na dala.
"Aray, ano ba," Lacaus can't help but cursed when Marwan pushed him towards Dolly's direction, malapit pa ngang mabunggo.
"Mabigat daw pre," tawa-tawa si Marwan, nang-aasar.
"Ulol," pinakyuhan niya iyon. "Saka ko na bubuhatin kung ako na yung pinaparinggan."
Nilagay lang namin sa locker ang aming mga libro. Yung locker namin nasa loob lang ng classroom namin. I took a glimpse at the transferee when I saw him fixing his books too at the side.
He's... tall. Tinitingala ko siya. Napailing na lang ako ng ulo when I saw some of my classmates look at him bluntly without feeling so shy.
Hindi ko na lang sila pinansin at tinapos na ang ginagawa. I locked my locker after and was about to go back to my chair pero bigla akong napaatras kasi malapit na kaming magbungguan nong transferee. Mukhang nagulat din siya ng kaunti sa biglaang lingon ko.
"I'm sorry," he said while smiling brightly as he looked down at me.
Tumango lang ako sa kaniya ng nakakunot ang noo. Bahagya kasi akong nairita. Aside sa nagmumukha akong maliit sa tabi niya, I can't help but bite the inside of my mouth because somehow, I found his smile annoying.
Why is he smiling while apologizing? Sarkastik ba 'yon? Mukha ba akong natutuwa sa nangyari para nginitian niya ako? Close ba kami?
Umirap ako and walked passed by him. Sana naman ilugar niya ang pag-ngiti niya. Hindi nakatutuwa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro