
The Escape
Lingon dito. Lingon sa likod.
Umuulan at madilim ang gabing sana ay payapa.
Tinignan ko ang nasa dulo ng eskinita. Isang poste ng ang nakatayo at patay-sindi ang ilaw.
Naririnig ko na ang mga yabag ng mga taong humahabol sa akin.
Ulila na ako at ang tiyuhin ko na lang ang natitirang guardian ko pero hindi ako tinuring na pamilya. Pagkalibing kahapon kay mama ay agad na umuwi sa bahay namin ang tiyuhin ko. Hindi naman ganun ang pagkakakilala ko sa kanya.
Nag-iisang kapatid ng tiyuhin ko si papa. Ang pinaghirapang itaguyod ni papa na Archers ay sapilitang kinuha sa akin.
Humahangos ako ngayon para iligtas ang sarili ko.
♐ FLASHBACK ♐
Kanina, habang inaayos ko ang sarili ko sa kwarto, parang may bumulong sa akin pero hindi ko pinansin. Hindi malinaw ang salita pero narinig ko. Nang lumingon ako ay wala namang tao. Yung pinsang kong babae ay hindi naman close sa akin para makipagbiruan.
Habang pababa ako sa hagdan ay may narririnig akong nagbubulungan sa baba kaya huminto ako at nakinig..
Hindi ako makapaniwala sa mga katagang narinig ko. "Wala akong pakealam kung pamangkin ko siya. Basta mamayang gabi ay dapat nailigpit niyo na siya. Bahala kayo kung anong gusto niyong gawin. Iwan niyo sa kalye at palabasin na biktima ng riding-in-tandem."
Parang buong pagkatao ko ay nayanig. Nakuyom ko ang aking kamao. Halos mabaon na ang kuko kong bagong trim sa sobrang diin.
Ilang malalim na hininga ang hinugot ko para kumalma dahil baka makahalata si tito at tuluyan pa ako.
Deep breaths, Tarrie. Kalma lang. I tired my best to compose myself. Bumaba na ako at pilit ngumiti bago magsalita, "Good morning po." bati ko.
Para siyang nabato sa kinatatayuan niya. His face turned pale, "O, n-nandiyan ka pa...k-kania ka pa riyan?" nauutal niyang bati. Hindi siya tumitingin ng diretso sa akin.
Ang likot ng mga mata niya.
"K-kabababa ko lang po." sagot ko sa nauutal na boses.
I shut my eyes hard. Please naman tuhod ko, makisama ka. Nanginginig na akong nakahawak sa railings para hindi ako matumba.
Friday ngayon at hindi namin kailangan ng uniform kaya skinny jeans at black-n-white t-shirt ang suot ko. Naisipan kong mag-rubber shoes ngayon na minsan ko lang trip suotin. Pure white ito kaya madaling madumihan.
First year college na ako. Unfortunately, undecided pa rin ako sa course ko kaya minors lang ang kinuha ko.
Midterm exams na namin next week pero heto ako ngayon sa eskinitang parang walang patutunguhan.
♐ END OF FLASHBACK ♐
♐ ♐ ♐
Malapit na ako sa dulo nang madapa ako. Lalong lumalakas ang ulan.
Umiyak na ako sa sobrang sakit. It seems like I twisted my ankle. Sinubukan kong tumayo. Masakit. Kahit umiyak ako ay walang mangyayari.
I need to move on. To step forward or else…
"Huli ka!" biglang may humila sa buhok ko at pinilit akong pihitin paharap sa kanya.
"Tama na!" pumiglas ako pero hawak niya ang buhok ko kaya hindi ako makapalag.
He slapped me. More like punched dahil sa tindi ng impact halos matanggal ang ngipin ko sa sakit. He groaned at iwinasiwas ang kamay. Galit itong tumingin sa akin. "Wala ka ng magagawa."
Ngumiti siya ng nakakaloko kaya tumaas lahat ng balahibo ko. Tila nawala ang lamig dulot ng ulan. Parang hinihila pataas ang balat ko dahil sa sinabi niya.
Hanggang shoulders lang ang buhok ko kaya sobrang lapit ng kamay niya sa anit ko. I caught his arm at pinanlakihan niya ako ng mga mata. He spat, "Lalaban ka pa?"
Wala akong panahon para makipagtalo. Kahit namimilipit na sa sakit ang ankle ko, mas importanteng makatakas ako.
Hawak ko pa rin ang kamay niyang hindi pinapakawalan ang buhok ko. Gamit ang balanse niya, itinaas ko ang paa ko at sinipa siya sa maselang parte dahilan para mabitawan niya ako.
Nakakabingi ang sigaw niya. Halos mabulabog ang lugar kahit malakas ang ulan. Doon na siya nakahawak habang tatalon-talon sa sakit.
Bumagsak naman ako sa semento at natatawang umupo. Pero imbes na magpakasaya ako ay dapat ko munang asikasuhin ang pagtakas.
Nangapa ako sa basang semento sakaling may mapulot akong panlaban.
Kapa sa likuran. Sige pa.
Patay. Malapit ng maka-recover si kalbo.
Hindi ko makita ang mukha niya dahil nga madilim pero sa tulong ng patay-sinding ilaw, naaninag ko ang kanyang kabuuan.
Sa tangkad at lapad ng katawan niya, sa ulo ako napatingin dahil kumikintab ito sa tuwing mamamatay ang ilaw.
Lumunok ako dahil nanlilisik ang mga mata niyang naliwanagan na naman.
Bumwelo na lang ako para gumapang patalikod nang iikot nito ang ulo at tumunog na parang nababali .
Lagot na. Galit na siya.
I crossed my fingers and bit my lower lip na halos masugat na.
Sumisipa ako habang umaatras at siya naman ay naglalakad ng mabagal pero tila mabigat.
I gulped. Is this the end?
Pero may nahawakan ako.
Yung poste.
Tumingala ako at nakita ang kakaibang liwanag ng ilaw na halos bumulag sa akin.
♐ ♐ ♐
Wait.
Para akong umiikot ng sobrang bilis kaya napasigaw ako ng malakas. Nabibingi na ako sa sariling boses.
"AAAAAAHHHHH!!!"
"Ano bang nangyayari?"
"Ugh!"
Tumama ang likod ko. Matigas na parang baku-bako.
Dinadaya ba ako ng paningin ko?
Kanina lang ay madilim at maulan pero ngayon ay maaliwalas ang panahon.
Epekto ba ito ng takot ko?
Nababaliw na ba ako para mag-imagine ng ganito kaganda?
Sobrang makatotohanan ng imagination ko. May naririnig pa akong huni ng ibon.
Luminga ako sa paligid kahit nanghihina akong nakahiga. Parang kweba ang kinaroroonan ko.
I smiled. Patay na ba ako? Humagikgik ako at inaantok na pilit abutin ang kisame ng kweba. Tama ba? May kisame ba ang kweba? Malay ko.
Unti-unti ng bumigat ang eyelids ko at sobra na akong nanghihina. Bilang ko pa nga ang paghinga ko.
Bago ako tuluyang pumikit, may napansin akong parang bumagsak sa kung saan.
Ano kaya yun?
(AN: Sa mga nakabasa po ng naunang version, paumanhin dahil may nabago. Anyway, this is the original version na na-encode ko sa laptop at ngayon ko lang nahanap. ✌😉😊)
-zylen_el
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro