Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

♐ ♐ ♐
Napatingin kaming lahat sa itaas. Malakas na gong ang tumutunog at nakakabingi pero parang wala lang kay Boss. Katabi niya sa platform na lumulutang ang dalawang nag-aasikaso sa gong.

Pumalakpak siya at luminga sa paligid. Naningkit naman ang mga mata niya sa tensiyon na namamagitan sa bawat isang nasa loob.

Inisa-isa niyang tignan lahat ng naka-black. "Where are the others?" Nakataas-kilay siyang nagtanong.

Nang makalapag ay naka-smirk na sinuri bawat isa.

Nagtagal ang tingin niya sa amin ng batang kasama ko. Naramdaman ko naman na bumitaw na yung lalake. Parang may naglalarong kakaibang kislap sa paraan ng pagtitig niya.

Pakiramdam ko tuloy ako ang pinag-iinitan. Lalo pa nang sumulyap siya malapit kay Sapphire, sa dalawang babae na maangas din na nakasandal sa pader.

Maiksi at may highlights na blue and gold ang buhok niyang itim. Medyo spiky ito pero hindi naman boyish. Dark lipstick din ang gamit niya at nakahikaw sa isang tenga niya ang susi. Nag-roll eyes yung katabi niya na kung titignan ay spoiled brat at maldita lalo na sa paraan ng pagtitig niya.

She looks disgusted but I ignored it at pinilit mag-focus kay Boss na nakalapit na pala sa amin. Lumipat ang tingin niya sa akin, sa bata, at sa nasa likuran ko.

Umikot siya at timingin kay Leon na nakatingin sa akin parang may gustong sabihin through eye contact.

A devilish grin crossed Boss' lips. Napansin ko ang pag-alerto ni Sapphire mula sa kinasasandalan. Umayos siya ng tayo.

Masyadong tahimik. Nakakabingi. Walang nagbalak gumalaw o magsalita. Mag-oopen pa ng bibig si Sapphire pero itinaas ni Boss ang kamay kaya hindi na nito tinuloy ang gustong sabihin.

"Sorry for tardiness!" Magkasabay na pumasok sa magkabilaang dulo na pintuan ang dalawang lalake.

Grabe, kung ganito kaga-gwapo ang mga zodiacs sana noon ko pa pinangarap makita sila.

One looks a little more stiff but warmer than this guy beside me dahil nakangiti ito pero napawi nang makitang naka-cross arms si Boss. He's a Brunette.

The other guy ruffled his wavy blond hair and smiled sheepishly. Ang cute niya na parang bata. He looks angelic. Kagaya ni Brunette, nawala rin ang smile niya at napalitan ng nag-aalala at alanganing tingin. "Uhm...can you just let this pass?"

"NO." Mariing sinabi ni Boss at bigla na lang nabkaroon ng lagusan sa magkabilaang pader. "Follow me. Late comers shall be punished before the training." Saad nito at bumukas na ang mga pintuan na kanina pa nakasara.

Bigla na lang akong nahila at napabitaw sa bata. Nabalibag ang likod ko sa kung sinuman. "Aray!"

Ang tigas ng buto niya. Para akong mababalian sa impact. Parang nagmura siya pero ibang lenggwahe kaya humarap akong naka-frown saka lang nagkaroon ng liwanag.

Apat na naka-black at apat ding naka-white. Yung bata kasama namin. Isang lalakeng kasing-edad ko lang siguro ang katabi ni Leon.

I sighed pero nagulat ako dahil may tumapik sa likod ko. I grunted pero kasabay nito ay nawala ang sakit kaya nakatayo na ako ng maayos.

I looked up at the Brunette na seryosong namumula sa ginawa niya. "Better be careful next time." saad niya.

Then isa-isa silang nawala. Dumilim ulit ang paligid.

May narinig akong humahalakhak. I frowned at tumingin kung saan galing ang boses.

Then lightning flashed and thunders roared. May dim light din na nag-patay-sindi sa tapat ko.

Familiar scene. "Ano bata? Akala mo nakatakas ka?" Tumatawa siyang papalapit at naka-spotlight pa siya kaya kitang-kita ko ang mukha niyang may malaking peklat.

Hinihimas niya ang kamao at papalit-palit siya ng pwesto. Nahihilo na ako kakaikot.

Then, familiar sensation crept over my spine. Cold blade on my neck and a wafting or echoing voice of a woman spoke behind.

Lumingon ako. Mabilis ang kabog ng dibdib na lumunok ako.

"Liah?"

She grinned at mabilis na itinarak ang dagger sa tiyan ko.

Napasinghap ako at tinignan ang parte na tinamaan pero walang dugo.

Paano ako makakaalis dito? Bangungot lang ito kaya wala akong dapat ipag-alala. Hindi tumalab ang dagger sa akin kaya malaki ang posibilidad na hindi totoo lahat ng nakikita ko.

Luminga-linga ako sa kadiliman dahil mag-isa na lang ako.

I clenched my fists, gaya ng stance ng boxing at naghintay kung may aatake.

Parang lahat ng kinatatakutan ko ay nagsilabasan kaya naman may hinala akong nasa loob lang ako ng isipan ko. Naglalaro. Pinaglalaruan.

I took a deep breath. "Sige lumabas kayo. Hindi ako natatakot!" Sigaw ko saka nagmulat.

Sabay-sabay silang lumabas mula sa magkakaibang sulok. Nage-echo ang sabay-sabay nilang sinasabi na halos wala na akong maintindihan.

I tightened my clench at hinintay na lumapit sila.

Nauna su Piggy na lumapit kaya sumipa ako diretso sa parehong parte na nasipa ko na noon.

Na-catch ko naman ang kamay ni Liah na akmang sasaksak. Inagaw ko ang dagger at tinapon. Magkasunod silang nawala ni Piggy.

Iisa na lang ang natira. At ang hirap niyang matyempuhan.

Pabalik-balik at biglang nawawala.

Pumikit ako at huminga ng malalim.

Then a cold blade touched my neck.

Nagmulat ako at hinuli ang blade saka umikot para sumipa. Hindi ko siya natamaan pero biglang lumiwanag.

Umatras ako na hinihingal.

May isa pa?

I frowned at naghanda para sumuntok.

I took three deep breaths at pinakiramdaman ang galaw niya. Then, I turned my heels and cast a punch.

My eyes widened dahil nahuli niya ang kamay ko at ramdam ko ang pag-angat ko mula sa sahig.

Lagot na. Mukhang sakit ng kawatan ang aabutin ko pag nabalibag na naman ako. Mariin akong pumikit at hinintay ang masaklap na pagbagsak.

Nawala ang pagkakahawak niya sa braso ko. Balak yata akong puruhan.

Then, may pumulupot sa shoulders at likuran ng tuhod ko.

I thudded.

Tumama ako ng bahagya pero hindi masakit dahil may support sa likuran ko.

I can feel heat above me. My heart is racing like I've run a hundred miles. I can feel heavy breathing at naamoy ko rin ang mint at icy breeze.

Nagmulat ako.

So near. Ilang pulgada lang ang pagitan ng mga mukh namin. Ilang segundo rin kaming nagtitigan nang ma-realize ko ang hitsura namin.

Naka-lean siya paharap sa akin at nakapatong ang ulo ko sa braso niya. Yung isang kamay ay naka-support pa rin sa likuran ng tuhod ko.

Naka-luhod ang isa niyang tuhod habang nakatupi ang isa na ramdam kong nakadikit sa hita ko.

Parang uminit.

Tumaas-baba ang balikat niya na nakatitig lang sa akin. Isang saglit na napasulyap ako sa mapupula niyang labi.

For a moment I think I saw a sparkle in his eyes bago mapalitan ng cold and empty gaze. He let me go.

Pinagpag ko naman ang imaginary na dumi sa likuran ko at inayos ang mga naglabasang buhok mula sa pagkakatali. Ang init ng mukha ko. Sobra.

Ilang saglit pa ay sabay na natumba sila Brunette at Leon. Sinundan ni Blond, then yung ka-age ko. Last yung bata na agad tumakbo payakap sa akin.

Kumpleto na kami.

Para kaming nanggaling sa totoong labanan.   

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro