
Chapter 21
♐ ♐ ♐
Wala kaming ginawa kundi hintayin na matapos ang sampung oras kaya nandito kami sa sahig nakaupo. Yakap ko ang mga paa sa kanyang tabi. Hindi man lang siya nilalamig gayong isang layer lang na under armor coat ang suot niya at nakaopen pa. Naka-bend ang isa niyang tuhod kung saan nakapatong ang kamay habang naka-stretch lang ang isang paa sa sahig.
Hindi ko maiwasang isipin kung ano nga ba ang nangyari last week pero halatang ayaw niyang sabihin kahit na sinabi niyang ngayon daw sasabihin.
Mas humigpit ang yakap ko sa sarili ko dahil bigla na namang lumamig.
Sinulyapan ko ang busog sa kabilang side malapit sa pintuan kung saan kami nakatayo kanina. Nandun din ang abo ng palaso. At nakabaon naman yung isa sa pader sa itaas.
Napatayo ako nang biglang bumukas ang pinto at iluwa ang gwapo naming trainor na walang ginawa kundi ang magpakilala, "Archer..." Humahangos siyang naglipat ng tingin sa amin. Nakatayo na rin si Archer sa tabi ko.
Nagtagal ang titig niya rito na nababalot ng bandage ang katawan sa loob ng coat, saka tumango nang napagtantong nasa loob kami ng kanyang training hall, "It's best if you do it now."
Tumingin silang pareho sa akin saka tumango si Archer. Lumabas na si Athens at iniwang nakaawang ng konti ang pinto.
"Ang alin?" Maang kong tanong pero hindi na ako hinayaang makapagsalita pa dahil hinila na ako. Yumuko siya at pinulot ang busog saka sinipa ang quiver na wala ng lamang palaso. Sinipa niya ang pinto kaya natanggal ito at tumilapon sa labas kasabay ng biglaang pagkawala ni Athens na halos sinusundan lang namin.
♐ ♐ ♐
Tumatakbo kami sa isang passage na puro puti ang makikita. Parang nasa loob kami ng walang hanggang tunnel dahil kahit anong bilis ng takbo namin ay walang nangyayari.
Hinayaaan ko siyang hilain ako dahil mas kabisado niya itong lugar. At nang sa wakas ay may naaaninag na akong ibang kulay, tumigil siya kaya nasubsob ako sa likod niya.
May anino sa dulo nito at humarang sa daan. Maliwanag at hindi maka-adjust ang mga mata ko at ramdam ko ang pagpisil ni Archer sa kamay kong hindi pa niya binibitiwan.
Tig-isang may lumabas at magkakaiba sila ng postura.
Hugis-babae ang nasa gitna at lakas-loob na lumapit, "She'll need a key."
Sapphire?
Pilit kong inaninag hanggang sa matakpan ang liwanag at makita kong siya nga. Tumigil siya ilang hakbang mula sa amin. Matalim ang titig na binigay niya sa akin at humarap sa pinanggalingan niya, "You should all know the importance of those keys with you," saka siya bumaling sa akin at may tinapon.
Nataranta akong saluhin yun kaya kumawala ako sa pagkakahawak ni Archer.
Nanumbalik na naman ang kakaibang lamig sa palad ko dulot ng susi ko. Binuksan ko ang magkasalikop na palad at nakitang wala itong pinagbago. Naroon pa rin ang tali nitong ginawa ni Sapphire. Nakakaakit ang liwanag nito na para bang gusto nito sa akin. At ramdam ko rin na tila para sa akin nga ang susi.
"It is time," cool na saad ni Boss mula sa likuran namin. Lumabas siya mula sa puting pader saka nakahalukipkip na sumandal doon.
Napa-o kaming lahat sa outfit niya. Hindi na siya naiiba at sobrang formal. Pati ang buhok niya ay nagupit na rin ng mas maayos. Spiky na ngayon ito at iba na rin ang kulay kompara sa parang naka-pomade na dark black. Ngayon ay may highlights na itong brown na mas nag-emphasize sa brown niyang lenses.
He's handsome. At parang ibang tao ang kaharap namin. Kung hindi lang sa boses hindi ko siya makikilala. Oo nga at wala na ang kawirduhan pero nandun pa rin ang emphasis sa tono at pananalita niya.
Umalis siya sa pagkakasandal at naglakad sabay lampas sa amin at kumumpas ang kamay paharap kaya sumunod kami sa kanya.
Whoa.
Nakakalula itong tunnel dahil sa dulo kung saan naghihintay ang mga kasama namin, isa itong bangin na animo may salamin sa harapan namin. Kita rito anumang nasa baba.
Parang isang bundok na balot sa yelo.
"We're in Mt. Everest," Aries tapped my shoulder sa left side ko.
"Wow," saad ni Vic na gaya ko ay namamangha rin.
Kaya ba sobrang lamig? At puro puti ang paligid? Dahil nasa bundok kami na balot ng yelo? Paano nangyari yun?
"Will someone explain here? What's going on?" Nakahakukipkip at kunot-noong tanong nung Canadian scholar.
"He's already doing it," Leon said with gritting teeth na hindi tumitingin sa amin. Tensed ang muscles ng kanyang panga habang hawak ang kanyang espada na nakalagay sa lalagyan nitong nakapulupot ang belt sa baywang niya.
Boss took a deep breath at pumaharap at lumingon sa amin. We stood in attention dahil sobrang seryoso ng mukha niya pati Zodiacs ay tila hindi rin mapakali.
"You've known about Phantasia. It is time to know what it is. Jeanne," saad niya at tinignan ito sa sulok na nakahawak ng isang silver rod.
"Alright," pumaharap ito sa tabi ni Boss saka nagpamulsa at nawala ang rod. Nagta-tap ang mga daliri sa pantalon at huminga ng malalim, "Phantasia is not a world... But the mind of the Phantoms combined to create a parallel world.
"Which means...we are coexisting with you or whatever term you may call it. Phantasia is not a world. It is our mind, creating a barrier to avoid physical contact with humans. And those keys allow each one of you to connect your minds with us.
The only problem is, one mind cannot be reached," saka niya ako sinulyapan. Sa ginawa niya, pinagtinginan ako, bagay na nakapagpa-insecure sa akin.
Tinignan ko silang nagtataka rin gaya ko, "Anong ibig mong sabihin?"
"As you heard," si Archer naman sa likuran ko ng binalingan niya, "It might be the prophesy."
"Anong prophesy? Bakit ang gulo niyo?"
"You won't be able to understand unless you experience it," dagdag ni Sapphire na sa malayo nakatingin.
Umihip ang malakas na hangin mula sa labas na nanunuot naman dito sa loob ng barrier.
"It might be. But I won't let it," sabat ni Archer na nakipagsukatan ng tingin kay Jeanne na seryosong nagi-internalize.
"We don't wish it either. I won't," Leon said with assurance na sa mga mata ko nakatitig. Bumuntong-hininga siya, "It is true that we faced a lot of trouble seeking for you last week before we found you with Capricorn. But it wasn't the case---"
"It is," mariing putol ni Boss sa sasabihin nito. "She had her key with her yet we did not have any connection to her thought."
"Enough," nagmamakaawang saad ni Stephen na ngayon ko lang napansin na nasa tabi ko na pala, "It is not her fault."
"What do you know, kiddo?" Si Aries ang nagtanong na cool pa rin.
"Nothing... Nothing..." Takot itong umatras at nagtago sa likuran ko. Nagdududang tinignan siya ni Aries kaya pumagitna ako.
"Tama na," bumaling ako kay Sapphire, "Una sa lahat, bakit kami naging tagapagtanggol samantalang wala kaming kapangyarihan? Di hamak na tao lang kami. Bakit kami? Bakit hindi niyo iligtas ang mga sarili niyo mula sa kalaban niyo? Sa kauri niyo. Wala akong kasalanan kung hindi niyo mapasok ang isip ko..."
May kamay na pumigil sa akin sa balikat kaya tumingin ako kung sino. Si Archer.
"This time, we should leave Nepal," suggestion niya na nakapagpabago ng mga reaksiyon nila.
"You mean...really?" Sapphire raised her hands and shook her head, "Leaving the battle ground?" Hindi makapaniwalang kontra niya na tila joke ang sinabi ni Archer.
"I thought of that as well," saad ni Boss habang hinihimas ang baba matapos ang mahaba niyang pananahimik, "We should all leave. All of you should stay with your partners. We shall all help each other to seek the twelve gems."
Kahit naguguluhan, sumang-ayon kaming mga tao sa sinabi niya bago kanya-kanyang tumiwalag sa grupo.
Mabilis at isa-isang nawala ang mga iba sa tabi namin na hindi ko namalayan kung saan tumungo.
Kaming tatlo ang naiwan. Naglakad si Archer palabas ng barrier. It was like bubble that rippled upon his exit. Susunod na sana ako pero pinigil ako sa braso. Tinignan ko si Boss, "Kung na-late si Archer ng ilang segundo sa hall kanina, malamang nasa kung saan ka na napadpad o di kaya patay ka na," di ko pinansin ang pilipit niyang Tagalog.
"Ha?"
"We saw it in Athens' mind while you were in the hall. Which includes the archery field. May natamaan ka sa labas ng barrier na siyang sinundan ng archers."
Umihip na naman ang hangin, "Come on," tawag ni Archer kaya lumapit si Boss at pinatong ang kamay sa balikat ko.
"I hope you do well."
"I will," sagot ko saka sinundan si Archer.
Para akong hinihigop at nanghihina pagtapak ko sa labas ng harang. Umiikot ang lahat hanggang sa muntik akong malagutan ng hininga dahil sa impact.
Then, as I stepped beside him, hinihingal akong humawak sa mga tuhod ko. Sobrang lamig.
May narinig akong kaluskos galing sa harapan kaya tumingala ako.
"Surrender now," sabay na saad ng dalawang hindi ko kilala.
May mga hawak silang pana at tig-isang nakatutok sa amin. Nakasuot sila ng black jeans at white long sleeved polo with matching black hiking boots. Nagmumukha silang mga college students, o kaya kasing-edad ng mga Zodiacs.
Sa anyo at estilo ng pananamit nila, masasabi kong kauri nila ang nga Zodiacs. Underdressed sila para sa klima ng bundok.
Matatangkad at parang mga model ng pana ang dating. Blond at green eyes yung isa sa right. Yung isa sa tapat ko, black head pero blue eyes. Ang gugwapo rin at hindi maikakaila ang kakisigan.
Ngumiti yung nasa tapat ko, "Will you?"
Nag-smirk yung isa na nagbaba ng pana, "Old friend."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro