Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Tumayo ako at dahan-dahang lumapit. Nilagpasan ko ang ibang board na hugis-animal.

Parang carpet sa pandama ko ang mga damo against my shoes habang naglalakad ako na hindi inalintana ang lamig na bumabalot sa paligid.

Kung ang lamig sa kwarto ay parang nasa loob ng refrigerator, sa podium kanina kung saan ako nagsasanay ay kasinlamig naman ng nasa loob ng freezer.

This time, manhid na ako at halos manigas na sa sobrang lamig. Kung kanina mainit pa tuwing bubuga ako sa palad, ngayon pati hininga ko ay parang yelo na nahahanginan. Malamig na hangin ang lumalabas sa bibig ko. Pinagkiskis ko ang mga palad at kiniskis ko rin ang mga braso kong balot ng jacket. Pero walang bisa ang ginawa ko.

At parang nagngangalit pa ang hangin habang papalapit ako. Tila ayaw akong makalapit doon sa kakaibang liwanag. Mas lalo rin itong nagliliwanag.

Nagpumilit pa rin akong tahakin ang daan. Ilang hakbang na lang at mararating ko na.

Malapit na.

Lumuhod ako para iwasan ang hampas ng hangin.

I stretched my hand dahil gusto kong mahawakan. Gusto kong malaman kung ano iyon at para saan.

Mas bumaba pa ako na halos nakadapa na. Nasisilaw ako.

Maaabot ko na.

Hayan na.

Isa...

Dalawa...

Tat-



"Halt." Malamig at seryosong saad ni Archer mula sa likuran ko ilang hakbang mula sa kinaroroonan ko.

Narinig ko ang kakuskos ng sapatos niya sa damuhan.

Napataas ang mga balahibo ko lalo na nang maramdaman kong nasa likuran ko na siya.

Hindi ako makalingon kahit gustuhin ko man. Naninigas na ako habang nakatitig sa liwanag na unti-unting naglalaho.

Then, hinawakan niya ang kamay ko. Hindi pa rin ako makagalaw pero kita ng peripheral vision ko na nakaluhod siya gamit ang isang tuhod. Nakataas naman ang kaliwang tuhod sa harapan niya kung saan naka-rest ang dibdib niya.

Mainit ang palad niyang nasa ibabaw ng kamay ko. At unti-unti nitong natunaw ang nagyeyelo kong katawan kaya nagawa kong lingunin siya. "Archer---"

Napamulagat ako nang may palasong bumaon sa kanyang kaliwang braso na siyang kamay na nakahawak sa akin.

Napaatras lang siya sa impact pero wala sa mukha niya ang implikasyon na nasaktan.

Binitiwan niya ang kamay ko at agad nagpalabas ng isang itim na palaso ang nasaktang kamay at pwersahang pinakawalan patungo sa pinanggagalingan ng liwanag.

Sa kanya pa rin ang mga mata ko na tanging focus niya ay ang nasa harapan namin. Ang liwanag na unti-unting naglalaho.

Kita ko ang pag-angat ng chest niya sa ilalim ng puting T-shirt na pinatungan ng black coat na hindi man lang nakabutones o naka-zipper.

Tumingin siya sa akin.

Unti-unti na lang parang naalog ako. Inilibot ko ang paningin at nakitang pati ang mga target board ay sumasayaw. "I told you to wait," He said with gritting teeth saka ako hinila patayo.

Lumilindol.

Kahit na medyo namamanhid pa rin ang mga paa at tuhod ko, sinabayan ko siya sa pagtakbo.

Ilang beses din akong nadapa pero hindi niya ako binitiwan at matiyagang tinulungan akong bumangon at pinagpatuloy ang pagtakbo hanggang sa podium na hindi man lang nagalaw.

Hingal na hingal akong tumingala sa kanya. Ang higpit pa rin ng pagkakahawak niya sa kamay ko kaya hinayaan ko lang. Komportable naman lalo pa't nilalamig pa rin ako. Sinundan ko ang line of sight niya. Sa target board siya nakatingin na nayuyugyog hanggang sa lamunin na ito ng lupa kasabay ng ibang target boards.

Parang pixelated effect na nawala ang podium na kinatatayuan namin at naging isang maluwang at empty room na lang. Kagaya ng main training hall, kulay silver din ang lahat ng makikita. Lahat yari sa bakal pati ang cabinet na nasa sulok.

Nasa tabi kami ng dingding. "Ano bang nangyayari?" Tanong ko nang humupa na ang tensyon at bumalik na sa dati ang circulation ng aking dugo.

Saka lang siya bumitaw at exhausted na sumandal. He raked his hair with his fingers. Nilapitan ko siya dahil nakita kong may bakas ng nagkalat na dugo sa shirt niya.

Nanlaki ang mga mata ko dahil ngayon ko lang napansin na may nakatusok din pala sa kanyang kaliwang balikat. Ang bibigat ng paghinga niya. Nagkukuyom din ang kamao niyang nakalawit lang sa side niya habang ang kaliwa ay naka-open na tinatagasan ng dugo mula sa braso.

Hahakbang pa sana ako nang lumayo na siya sa dingding at harapin ako. "Archers. They're getting rampant these time."

"What?! Akala ko ba...hindi ba archer ka rin?" Sunod-sunod kong tanong habang nagkukuyom ang kanyang panga, "At bakit sila---"

Tinulak niya ako kaya napaupo ako sa sahig. Kung hindi niya ginawa yun, marahil sa akin tumagos ang palasong kusang naalis sa kanyang balikat at lumipad diretso sa dingding. Rinig na rinig ko ang pagtama nito kasabay ng paghugot ni Archer ng isa pang palaso na nasa braso.

Hinawakan niya ito at pinipigilang pumalag hanggang tumigil ito at naging abo.

♐ ♐ ♐
"We won't be able to get out here for the first ten hours." Naglakad siya across the room patungo sa sulok kung saan nakalagay ang cabinet na kasintaas ko. Binuksan niya ang pinakababa at laking-gulat ko nang may stools doon.

Hinila niya ang dalawa. Then, he lightly pressed the square-shaped cover above. Kusa itong bumukas pataas at hinugot niya ang isang kulay-sapphire na box.

Binuksan niya iyon saka ko lang napagtantong isa pala iyong first aid kit.

Ako na ang nagboluntaryong kunin iyon mula sa kanya at pinatong ko sa isang stool saka ko siya pinaupo sa kabila. "What---"

Pinitik ko siya sa noo at naglakas-loob na nakipagsukatan sa kanya ng tingin. "Huwag kang malikot," saad kong hindi pinapansin ang nanghihina kong tuhod.

Nakapagtatakang nawala ang sobrang lamig. Katamtaman na lang ito at kaya kong gumalaw ng maayos na hindi atrasado at nanginginig.

He sighed at kusang nagtanggal ng coat exposing his crimson-tainted shirt. Kinuha ko ang gunting at agad na ginunting ang harap ng shirt niya pataas sa bandang leeg hanggang matanggal ang sleeve nito. Malalim ang mga sugat niya pero hindi iyon ang nakakuha ng atensiyon ko.

It was his abs! First time kong makakita ng malapitan. Sa TV at magazine ko lang nakikita tuwing may modelong naka-posing na topless na nage-endorse ng jeans. Ang ganda ng hubog. Hindi siya gaanong malaki. Tama lang. Lean, my type.

Beautiful creature.

Napalunok ako at napasulyap sa kanya. Napapiksi naman ako sa gulat.

Nakatitig siya sa akin. Direct to the eyes, searching for my thoughts. Para akong nahuhubaran sa paraan ng pagkakatitig niya kaya agad akong tinubuan ng hiya. Aatras na sana ako pero hinuli niya ang kamay ko. "What are you thinking?" Tanong niya. Tama nga ang hinala ko.

Nag-iwas na lang akp ng tingin at pinagtuunan ng pansin ang una kong ginagawa.

Wala akong alam sa first aid pero napapanood ko lang na ginugunting nila ang damit at hindi agad pinapatanggal kaya iyon ang ginawa ko. Tinapon ko sa sahig ang kapirasong tela at ginunting ang natitirang tela hanggang mahulog lahat sa sahig at wala na siyang suot. Saka ako kumuha ng tissue at pinahid ang preskong dugo. Kumuha naman ako ng towel at binuhusan ng alcohol para linisin ang natuyo.

Habang naglalagay ako ng disinfectant, hindi ko maiwasang sumulyap sa abs niya. Nag-contract ito nang dumapo ang cotton na may disinfectant. Tinignan ko ang mukha niya. Nakapikit ang mga mata at nakakunot ang noo marahil sa pagtitiis sa hapdi ng nilalagay ko. Hinipan ko ito kaya nagmulat siya. Ngumiti naman ako, "Para hindi masyadong mahapdi."

"It should be done."

"Ah, oo. I-bandage na lang natin---"

Tumayo na siya pero tinulak ko pabalik. Sinamaan niya ako ng tingin. "Phantoms heal fast in Phantasia."

Nagpamewang ako, "Kung ganon bakit ka may sugat at hindi pa rin naghihilom?"

Umiwas siya ng tingin at umayos sa pagkakaupo. Natahimik siya na akala ko ay hindi na magsasalita pa, "It's just we are confined in the hall of Athens."

"Ano?"

Matamlay siyang tumingin. "Athens' training hall."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro