
CHAPTER 2.2
♐ ♐ ♐
Nalaman kong halos dalawang araw pala akong walang malay.
Nandito kami sa Seoul. Para tuloy akong illegal immigrant. Wala akong passport at visa kaya wala akong confidence lumabas at mamasyal.
Nandito lang ako sa loob ng suite. Maluwang at komportable akong nakahiga rito sa kama. Hindi ko akalaing mayaman pala ang mga Zodiac at afford nila ang tumira sa isang five-star hotel.
Wala akong kasama rito. Si Sapphire lumabas kasama ni Stephen. Si Archer ewan ko kung saan pumunta dala ang isang pouch na naglalaman ng iba-ibang flash drive.
Tumingin ako sa digital clock na nakasabit sa pader. December na pala kaya ang lamig.
Paano na kaya ang pag-aaral ko? Hanggang kailan ba magwawakas ang labanan sa pagitan ng mga Phantom?
December 24...
Aba! Napabalikwas ako at muling tumingin sa orasan.
Dapat hindi ako nagmumukmok dito. Ngayon lang ako napadpad sa Korea.
Winter na. Tuloy ginanahan akong lumabas.
May mga nakahandang damit sa may sofa sa bandang sala pagkalabas ko ng kwarto.
Kinuha ko ang mga damit at pumunta na agad sa banyo para maligo. May walk-in closet at may part kung saan may salamin at cosmetics na nakalapag sa table.
Mabuti na lang at may heater. Minsan lang ako nakagamit ng ganito sa Pilipinas noong nag-sleepover kami sa bahay ng group leader namin sa isang subject. Ngayon hindi ako na-ignorante. Maayos akong nakaligo at nagbihis na.
White fitted slacks ang suot ko. Peach long-sleeved blouse na may parang ribbon sa harap ang pantaas. Tinignan ko ang kabuuan ko sa salamin dito sa banyo at talaga namang bumagay sa akin ang kulay. Magaling pumili ng damit si Sapphire.
Dito na ako nag-ayos. Nagpatuyo ako ng buhok gamit ang blower bago naglagay ng konting makeup.
Then, sinuot ko ang black coat na hanggang tuhod ko ang haba. Hindi na ako nag-butones.
Napatingin ulit ako sa salamin. Ang ganda talaga ng buhok ni Sapphire. Kung titignan parang gold necklace lang ang nasa leeg ko dahil kumikinang pa ito sa liwanag. Nilabas ko ang pendant na siyang susi ko. Mas makinang na naman at talagang nakakasilaw kapag natapat sa ilaw. Mas makinang ito rito kaysa noong nasa Phantasia pa kami.
May nakalapag na bag malapit sa pinto kaya kinuha ko at tinanggal ang nakadikit na note:
Use it in case you want to go out. There are cash inside.
-♐
Ang ganda ng sulat-kamay. Kaninong sulat kaya? Ano itong signature? Parang cross na arrow. Tinignan ko ang kabilang side pero walang ibang nakasulat.
♐ ♐ ♐
Ayokong ma-miss ang Korea kahit nataon na winter. Nandito ako sa top floor. Habang nasa hallway, may mga nakita akong bagong-pasok lang sa kwarto nila. May kakatapos lang maglinis ng kwarto kaya lumabas na at tinulak ang stroller na naglalaman ng cleaning materials.
Sinulyapan ako nung babae at medyo naningkit ang mga mata na kung tutuusin ay parang nakapikit na sa sobrang singkit saka yumuko at nilagpasan ako. Ang nakapagtataka, parang takot siya sa akin at nagmamadaling umalis.
Tumigil ako at umikot. Paglingon ko, walang bakas kung saan pumunta yung housekeeping maid. Eh sa hallway walang ibang daanan kundi puro pader at pintuan. Sa pinakadulo ang room namin at may fire exit malapit doon pero medyo malayo para marating nito agad.
Hindi ko na pinansin kaya nagtuloy akong maglakad.
Nakakapanibago. Dati ako lang ang tumitingin ng mga foreigner ngayon ako naman ang foreigner na tinitignan nila. May bumati pa at nag-bow kaya ginaya ko na lang at dumiretso sa elevator.
May mga nakasabay akong couple na kulang na lang mag-kiss sa harapan ko pero parang pinipigilan nung babae. Naiiling pa ako nang may mapansin akong parang pulang liwanag mula sa kanila. Mabuti na lang at may pumasok na dalawang babae mula sa sumunod na floor.
Sa wakas nakarating din sa baba. Parang may kakaiba nang makalabas ako ng elevator. Para akong nasa merry-go-round na umiikot.
Nakakahilo. May mga dumadaan at marahil tumitingin na rin sa akin.
"Agassi, gwaen-chan-na?"
"Agassi?"
Tinignan ko yung dalawang hotel staff saka tumango. "Gwaen-chan-na," sagot ko na medyo nahimasmasan.
May naitulong din pala ang panonood ko ng Korean.
Na-relieve naman sila nang mag-angat ako ng mukha kasabay ng pagtigil ng parang umiikot kanina.
"Your skin color went back to normal. We can call the medics," pilipit na saad nito sa English kaya tinaas ko ang palad.
"I'm fine. Really. I just felt nauseous a while ago," sagot ko bago magpaalam na aalis na.
Padaan na ako sa receiving desk nang magtama ang mga mata namin ni Virgo.
Napa-frown ako. Tama. Siya nga dahil lumapit pa siya at iniwan ang kasamang babae na kung hindi ako nagkakamali ay isang tao.
Sa babae ako nakatingin dahil biglang may dilaw na liwanag na nagmula rito.
Amazing...
"It's been a while," bati ni Virgo na naka-smirk saka tumingin sa taas ko na parang may nakalutang o nakatayo sa likuran ko. Naka-white fur coat siya at walang katulad ang ganda niya. Nakatingin pa rin siya sa taas, "So it is clear. Not many people have clear auras though," saad nito na parang walang kausap.
"What are you doing here?" Tanong ko sabay atras. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari sa bundok. Muntik na kaya akong matuluyan noon.
Nagkibit-balikat ito, "Same as you do. I never thought I'd meet you here. Anyway, I apologize for last time. My name is Bella, Zodiac Virgo."
Hindi biro ang nangyari noon sa bundok kaya hindi niya ako masisisi kung medyo mailap ako sa kanya.
Ngumiti ito saka nag-smirk, "I'm not planning on hurting you here. And you don't need to tell me your name. Nice meeting you, Tarrie," saad nito sabay talikod.
"Teka, wait! Bella," tawag ko kaya tumigil siya at lumingon.
"I'm not what you think I am. There's more to know after seeing," makahulugan nitong saad bago tumungo sa kasama nito.
♐ ♐ ♐
Ano ba talaga ang misteryo sa mga Zodiacs? Bakit ang bait ni Bella na parang walang nangyari?
Lumabas na ako at sa paglabas ko, nakikisabay sa Christmas lanterns at displays ang mga liwanag mula sa mga taong dumadaan sa kalsada.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro