Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

♐ ♐ ♐
Nagtataka lang ako. Bakit ang bilis kong mapagod samantalang si Archer cool lang? Hinihingal din siya pero walang pawis.

Magdamag kaming nagsanay.

Ang sakit na ng katawan ko dahil sa ilang beses akong tinamaan sa tiyan, paa, hita, balikat, at braso.

Sumandal ako at itinaas ang palad. A way to stop him from attacking.

Narinig kong may tumama sa sahig kaya tinignan ko. Nakalapag na ang kanyang kahoy na espada. Malamang tinapon niya roon, "You have a long way to go. But you can start shooting tomorrow." Saad niya at biglang nawala. Kumurap ako at nasa harapan ko na siya na kinuha ang espada mula sa akin. "You rest for tomorrow."

Malamig pa rin ang pakikitungo niya sa akin. Tatalikod na sana siya pero hinila ko ang kamay niya. Nakita ko ang saglit na pagbabago ng kanyang seryosong mukha. Naka-frown siyang bumaling sa akin na wala na ang bakas ng pagkabigla.

Nakipagtitigan ako sa intense na titig niya. Halo-halo ang nakikita ko rito. "What do you need?" Putol niya sa iniisip ko.

"Uhm..." Humigpit ang hawak ko sa kanya, "kasi...nagtataka lang ako kung..."

Nag-side siya ng mukha, "If it is about last week, you should not peer in deeper. You'll know sooner... But not now." Again I met his gaze. Medyo namumula ang tenga niya.

Steady ang paghinga ko kahit sobrang nakaka-nerbiyos at nakakapanghina tuwing magtatagal kaming magkakatinginan.

Sa ilang saglit, nagbago na naman ang ekspresyon niya. Naroon ang pagtatalo sa loob niya na parang may gustong gawin o sabihin. Bumuka ang bibig niya pero agad sumara. Ramdam kong medyo nag-angat ang kamay niyang hinila ko. Bigla na lang niya itong hinila kaya medyo nasama ako dahil hindi ko pinapakawalan ang kanyang kamay.

Gulat na gulat ako sa nangyari dahil sa bilis nito na medyo nalula pa akong nakadapa sa ere na nakasabit ang likuran. Muntik kasi akong madapa pero hinila niya ang collar ko sa likod at mabilis na pinatayo.

"S-salamat."

"Just don't be so curious. Or..."

"Archer!" Leon snapped at mabilis itong naglakad. Hinablot nito ang kamay ni Archer na kakabitiw sa akin. Bumwelo saka nagpakawala ng malakas na suntok sa mukha ni Archer na halos sa hangin lang tumama dahil agad na nawala at nasa likuran ko na.

"Archer! Leon!" Sigaw ni Boss na may hawak na crystal box, "The matches have been organized. Don't tire yourselves to a useless fight. It won't help us."

"Shut up!" Leon growled.

"YOU shut up!" Saway nito na ikinumpas ang kamay sa ere at humila mula sa direksyon namin.

Nakaramdam ako ng parang tusok ng karayom sa dulo ng daliri ko.

May nakita akong dugo.

Tatlong patak ng dugo na lumulutang sa ere na iisang direksyon ang sinusundan patungo kay Boss. Namanhid ang buong  katawan ko. Sa box, doon pumasok ang mga ito kasabay ng pagkawala ng pamamanhid ko.

"We can check your vital signs through this during the competition. Be ready next week." Saad nito bago muling tumungo sa pintuan at naglaho na parang bula.

"I won't lose to you!" Nagpipigil na saad ni Leon bago ako sulyapan at lumabas.

Magsasalita pa sana ako pero naunahan niya, "Don't be too curious. I promise to tell you tomorrow. Right now, you should rest. Archery us not as easy as you think. A phantom bow is different from a human bow."

♐ ♐ ♐
Hindi ako makatulog lalo pa at sobrang lamig. Paiba-iba ang klima. May araw na uulan ng malakas at walang tigil. May araw din na kulog at kidlat ang nag-uunahan at walang tigil. Then snow. Minsan, sobrang maaraw na halos hindi gumagabi.

Late na nang medyo uminit ang higaan ko kaya late na rin ako nakatulog.

Pero sobrang lamig talaga kaya nagising ako at nagtanong ng oras sa dilim. Agad sumagot si Horologrum, "Ika-una na ng umaga."

Umalis na ako sa higaan. Nawala na ang sakit ng katawan ko. Mabisa ang tsaa na binigay sa amin bago matulog. Alam kong hindi lang ako ang sumakit ang katawan kaya naman alam ko rin na hindi lang ako ang binigyan nito.

Pinaandar ko ang heater ng tubig sa banyo saka kumuha ng damit pamalit. Skinny jeans, leather boots, white tank top, at black see through fitted tank top, white sweatshirt, at black-gray under armour coat para naman hindi hassle pag nag-training.

Agad akong nagtungo sa training hall dala ang pana na nakasukbit sa likuran ko.

Nag-warmup ako. Jogging around the hall, curl-ups, punching at kicking sa dummy, then pinulot ang bow na iniwan ko sa sahig. Napatingin ako sa taas bago dumiretso ang tingin ko sa sahig katapat nito. Sa gitna.

Pumunta ako doon at huminga ng malalim. Hoping na gumana ang gagawin kong panggagaya sa ginagawa ng Zodiacs tuwing nais nilang pumunta sa training hall na gustuhin nila maliban dito sa main.

Inisip ko na gusto kong makapunta sa archery room at nai-imagine ko kung ano ang hitsura nito.

Dumilat ako nang makaramdam ng kakaibang enerhiya at nakita ko ang pagbabago ng paligid.

Iba-ibang klaseng busog at mga palaso ang naka-display sa napakataas at nakakalulang shelves. Ito mismo ang nakita ko noong unang araw ko rito kung kelan naganap ang pagpili ng sandata.

Bakante ang dating kinatatayuan ng aking busog. Naglakad ako palapit sa mga palaso at pumulot ng lima saka kumuha ng lalagyan(quiver) sa katabing shelf at doon nilagay.

Maglalakad pa sana ako nang mawala ang paligid at biglang nag-form ng archery field. Unti-unting umangat ang kinatatayuan ko kung saan may parang stage na nabuo.

Iba-ibang hugis ng target at iba-iba rin ang distansiya mula sa akin. Ang napansin ko ay puro hugis ng mga hayop na simbolo ng mga Zodiacs ang naroong targets. Ang pinakamalayo ay ang main archery target na parang sa darts. Walang ibang hugis. Plain rectangle na may markang rings sa palibot ng bull's eye.

Hinarap ko ito at tinantiya ang layo. Humugot ako ng palaso at binanat sa busog saka tinutok sa taas.

Inhale...

Exhale...

Nakapikit ang isa kong mata para masilip kung tama ang direksiyon ng palaso.

Binitiwan ko ang hawak sa palaso.

Mabilis ang tibok ng puso ko sa pag-aakalang tatama ito sa sentro.

Bitin.

Palpak.

Sa damuhan ito tumama at malayo sa board o anupamang tawag sa rectangular target kung saan naka-pinta ang pulang tuldok.

Humugot ulit ako. This time, mas itinaas ko ang aim saka binitiwan.

Tumama ito ilang metro mula sa gilid ng board pero ka-level niya.

Na-excite ako.

Kung mas ise-sentro ko pa...

Huminga ulit ako ng malalim saka nag-charge pataas, then bitiw.

Tsuk!

Lumampas ito sa taas ng board at hindi ko alam kung saan tumama.

Ayos lang yan. I tried to calm myself and focus.

Deep breath...

Pull...

Charge...

Release!

Tak! Nadaplisan nito ang board saka lumusot at tumama sa damuhan sa likuran nito.

Last. Inulit ko pa ang ginawa ko. This time, tumama siya. Pero disappointed akong makita na wala sa ring ang natamaan. Ang tinamaan ay ang puti sa labas ng outermost ring.

Umupo ako sa sahig saka tinapon sng busog. Nakakainis.

Humiga na lang ako at nag-curl-ups. Pero parang may kakaibang liwanag mula sa likuran ng target board.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro